BrownMan Blog
Profile Subscribe Syndicate Search  
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In

Entries in "OFW"
1 2 3 4 5 | > >>
Sentosa
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Nov.08.2009 @ 3:21 am | Last edited: Nov.07.2009 @ 12:25 pm

Kakapagod kanina ang gala ko sa Sentosa. Daming pwedeng gawin pala sa lugar na yun. Pinaka paborito ko ay ang The Luge!!!

Kakapagod nga lang maglakad ng maglakad. Sige na nga nagustuhan ko rin ang libreng boso sa mga naliligo at nagtatan sa may Siloso beach.

Sayang lang at di ko nadala ang aking camera at ng nakapag kodakan sabay sabing 'Say SEX'. Kasawa na kasi 'Say cheese'.

Yun lang muna at ako ay manood muna Will Ferrell videos sa youtube. Zzzz
 

Yew Tee Point Grand Opening
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Oct.31.2009 @ 12:17 am

Grand Opening kanina ng Yew Tee Point. Hindi naman sa nagsara sila or kakabukas lang talaga. Nagkaroon kasi ng renovations sa mini mall at nagdagdag ng mga atraksyon na pambata. Kaya kanina matapos kumain sa HK Resto (na nagiging paborito na yata namin nina Ivan at Mark tuwing Viernes) ay nanood kami ng mini concierto. Mahusay ang mga batang tumugtog gamit ang kanilang mga kakaibang instrumento. Matapos nito ay may umawit, sumayaw at umawit ulit ng duet at isang Malay na makay ko kung ano ang kinakanta nya. Napanood din namin ang isang kakaibang sayaw na ang mga dancers ay palagi lang nakangiti. Ang cute daw nung nasa gitna sabi ni Ivan natipuhan pa yata.

Ang finale ng concierto ay ang local orchestra ng Choa Chu Kang. Marami silang tinugtog at mas lalong mas maraming kakaibang instrumento kabilang na ang isang wind instrument na para daw isang building na makikita sa New York ayon kay Ivan. Meron ding instrumento na mukhang hi-tech. Pinupukpok ito at kung ano anong tunog ang lumalabas. Subalit kung papakinggan mabuti ay para lang itong tunog tao. Yung tunog ba na nagmumula sa bibig pag pinitik sa loob ng pisngi.

Nung matapos ang concierto ay lumipat kami sa gitna ng mall para manood ng mamang naka pink at nagmamagic. Ang dami nyang gimik at talaga namang pambata lang ang magic nya. Sabi nina sir Fred ay kitang kita naman daw ang mga tricks na inayunan ni Ivan at Mark. Dahil sa mabagal ang mga mata ko ay di ko naman napansin yun. Sa katunayan ay aliw na aliw ako at nagsisisigaw sa galak kasabay ng mga batang Singaporean. Sabi ko na lang dahil free show naman tanggapin na lang na okay ang performance ng magicman. Ayun natapos din mag magic at umuwi na kami ng busog at maligaya. Dami ko yata nakain sa HK resto.


Balik sa Singapura
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Oct.20.2009 @ 2:31 pm

Muli akong nagbalik dito sa Singapore noong Viernes. Habol ako sa trabaho na dahil sa emergency leave ko ay naiwan. Nakakapanibago pa naman ang napa-assign na gawain sa akin kaya nag struggle ako at palaging pagod pag uwi sa bahay.

Bukod kasi sa paghabol sa schedule ay panibagong adjustment na naman sa gawain dito sa office. Malayong malayo kasi sa gawain sa construction job site katulad ng apat na taon kong binuno sa Indonesia. Tiyaga lang ako at konting dagdag na pagsisikap makakasanayan ko rin ang takbo ng trabaho dito sa Singapore.

Sana mabilis akong makapag adjust.

Hello Singapore
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Oct.01.2009 @ 3:01 pm

Nakaka-isang linggo na ako dito sa Singapore pero hirap pa rin ako mag-adjust sa pang araw-araw na trabaho at buhay. Malaki kasi ang kaibahan sa nakaraang apat na taon ng aking buhay sa Indonesia. At ang lugar talagang baligtad. Kung dati ay nasa bundok ako sa gitna ng isang malungkot na isla, ngayon naman ay nasa isang masigla at progresibong siyudad ako.

Malakas sa gastos dito. Mahal ang bilihin. Mahal ang taxi. Kaya talagang nagtitiyaga ako sa MRT na palaging siksikan. Napupurga na ako sa pagkain dito. Kung hindi noodles, tinapay. Kung kanin naman ay mahirap mamili ng ulam. Mahirap din kasi basta na lang pumili ng ulam na hindi mo alam ang lasa at kung paano niluto.

Nahihilo pa rin ako sa kung saan ang babaan at sakayan ng MRT at bus. Ang kabisado ko pa lang ay ang papunta sa opisina mula sa bahay at ang pauwi.

Sana hanggang sa weekends ay masanay na ako ng husto sa mga pasikot-sikot ng buhay dito sa Singapore. Naghahanap na nga ako ng bagong hobby na uubos sa aking oras at hindi sa aking baon na pera (bwahahaha).

Good luck sa akin!

 

Ang Pagbabalik (Part 11)
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.25.2009 @ 8:52 pm

Nakabalik na naman ako dito sa Tangguh matapos ang mahabang paglalakbay mula sa Cavite. Pang labing-isang byahe    ko na ito at wala pa ring kasawa-sawa.

Medyo mapanglaw na ang opisina at siksikan pa. Kung kelan kumonti ang tao ay tsaka pa nga sumikip. Buong akala ko ay babalewalain ko ang init dito dahil sa summer din naman sa Pinas at medyo nakapag-warm up na ako pero grabe pa rin talaga ang sikat ng araw dito. Parang katabi mo lang talaga. Maghapon akong pinagpawisan sa bago naming opisina na sa sobrang init ay nabasa na yata ang aking panty (bwahehehe). Isang aircon para sa apat na tao. Hindi kaya. Nakakapanibago hindi katulad ng sa dati naming tanggapan na one is to one ang ratio ng pampalamig. Pano na ang ambisyon kong pumuti kung hindi malamig ang klima sa opisina? Sabi kasi ng mga matatanda nakakaputi daw ang malamig na hangin at sabi naman ng mga matatandang taga-pampanga ay nakakaputi daw ang malamig na angin. Ewan ko kung totoo yun. Kaya ngayon mapipilitan akong umasa sa biolink papaya soap para hindi naman ako mapagkamalang Papuan police dito.

Kaya heto sa kwarto sinagad ang aircon habang hubad at naka-usli ang tiyan. Nagbabakasalaking maibabaon ko bukas ang lamig na aking masasagap ngayong gabi papunta sa opisina. Good luck to me.
 

Dear Diary
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Mar.04.2009 @ 10:14 am

Araw-araw ay naiinis ako sa pagharap sa computer para magpalipas ng sampung oras na naghihintay ng trabahong darating. Nakakaburat na talaga dito sa Indonesia. Although maganda ang kita at nakakaipon, pakiramdam ko naman ay nagdedeteriorate ang kalusugan ng aking isip at katawan. Nakakabuwang yata talaga pag matagal na panahon kang walang ginagawang makabuluhan. Wala na yata akong pinagkaiba sa security guard na tagapagbantay lang sa isang gusali samantalang ako ay tagapagbantay lang sa computer.

Kahapon ay nagpadala ng liham ang aking boss na nasa Singapore at gusto niyang mapaaga ang demobilization ng alinman sa amin ni pareng jospe. Gusto ko na sanang mag volunteer na ako na ang unahin kaya nga lang ay nakakahiya naman kay kumpare at baka gusto nya ay siya na rin maunang makalipat. Isa pa ay mahina ang kita sa Singapore kumpara dito dahil na rin sa kakulangan ng allowances, overtime at hazard/hardship pay. Enjoy nga lang dahil sa nasa isang bagong lugar at makabagong siyudad.

Hindi ko lalo malaman ang aking gagawin at kung paano palilipasin ang bawat maghapon na nananatiling matino. Inday pagpayuhan mo ako.
 

Hapi Nyuyir
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jan.07.2009 @ 7:58 am

Hapi nyuyir sa lahat!

Sana ay mabawasan ang gastusin at madagdagan ang ating savings.

Ganda ng pagbati ng Indonesia sa aking pagbabalik. Bagyo sa Biak na halos mapabagsak ng sablay ang aming eroplanong sinakyan habang palanding. Delayed connecting flight. Ta's kagabi naman naalala ko pa family ko lalo na yung new baby ko. Homesick agad!

At ngayong umaga lang ay ang follow up na lindol sa naganap na 7.3 magnitude earthquake noong January 4. Nahilo ako bigla at hanggang ngayon umiikot pa paningin ko. Di na ako lumabas ng opisina dahil sa di naman masyado nagtagal ang pagyanig.

Di pa nakakalampas isang linggo ay dami ng kaganapan dito na parang di maganda. Sana naman inuna na ni lord olmayti ang mga pangit na pangyayari na yan para simula ngayon ay magagandang bagay na lang ang darating for this year. Haleluya eymen!

Bye Bye Singapore
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.29.2008 @ 8:34 am

Sa kagustuhan ng kumpanya na makatipid sa materyales ay lalong nadagdagan ang gastusin. Dahil sa mahinang kalidad ng valves na binili locally dito sa Indonesia ay kinakailangan na agad itong palitan hindi pa man nagagamit sa actual operation ng planta. Habang kinukumisyon kasi ang isang system dito ay nagkaroon ng leaks sa mga valves na binili sa isang local manufacturer sa Jakarta. Agad na nireject ng kliyente ang mga valves na nagmula sa parehas na vendor ng mga nag leak at ipinakakatay ang mga na-install na sa planta. Resulta: dagdag gastos, more delays, more sakit ng ulo sa mga engineers at reprimand from the client.

Kaya heto, ang sumunod na batch ng orders para sa replacement ng mga balbula ay hindi na ipinagkatiwala sa Material Control Section. Ang project control na ang mangangasiwa at ako ang naatasang bumuo ng sistema para maging maayos ang procedure mula sa PO, requisition, issuance sa site people, scheduled activities tracking, progress reporting at sandamukal na iba't ibang reports. Ang lupit ng boss ko! Sa 'kin lahat ipinasa naknamputsa. Pati nga data maintenance at pag import ng updates ay responsibility ko rin. Madaragdagan lang ng konting OT hours ang payslip ko pero laking sakit namn sa ulo para mahabol ko ang deadline ng trabaho. Kaya kahit na holiday sa October 1 and 2 ay papasok ako upang kumayod. Ang saya saya!

Dahil sa dagdag na responsibilidad na ito ay lalong nawalan ng pag-asa ang kahilingan ko na early demobilization sa December. Dahil dito ay baka hindi na ko mapasama sa line up ng system development team sa Singapore office namin at mabulok na ko dito sa Indonesia. Ang sarap pa naman sana mag program ng C#. Dito pa rin ako hanggang next year mabuburo sa Oracle shet na malagket. Ano kayang nagustuhan ni boss sa kin at ayaw nya pa akong i-release after 3.5 years of hard work dito?

Wala naman ako magagawa. Dito kasi ay martial law ang umiiral. The boss is always right.
 

Egoy Auditor
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.10.2008 @ 7:52 am

Ngayong araw ay ang pangatlong edition ng audit (ng KBR) tungkol sa aking trabaho dito sa opisina. Isang egoy na kano ang siyang mag-uusyoso kung paano sila naging sulit sa pagkuha sa aking serbisyo at sa dalawa ko pang kasamahan na Pinoy dito. Tatlong tao para gumawa ng trabaho na sa totoo lang ay para sa at least 6 warm bodies...at a bargain price pa yan.

Kung bakit ba kasi sa linya ko pa palaging tumatapat ang audit-audit na yan. Nung una (2006) ay nung naki-usyoso ang isang matabang pandak na puting kano tungkol sa pag control ng materyales especially yung para sa piping. Katakot-takot na pagpapaliwanag ang nagawa ko dahil sa kumpanya ng auditor na KBR ay ibang iba raw ang sistema nila kumpara sa JGC. Nakaraos naman at sa tingin ko umalis dito sa site ang auditor na may mas maraming tanong sa kanyang isipan kesa nung bago pa siya dumating dito.

Pangalawa ay nung mid-2007, ang nag usyoso naman ay dalawang higanteng puting kano na may dambuhalang butas ng ilong na kasya yata ang dalawang hinlalaki ko sa paa kung subukan kong ipasok. That time ay para naman malaman nila kung paano ba kami nagko-compute ng progress ng construction dito sa site. Ito ay mas madaling i-explain dahil na rin sa mas handa ako nung mga panahon na yun at talagang linya ng trabaho ko dito. Nung nakaraan kasi ay mas linya ng kasamahan ko sa CMS dito ang ginawang audit kaya lang ay kadarating niya pa lang dito at hindi pa masyadong preparado at aware sa mga nangyayaring kaguluhan dito. Sa madaling salita ay madaling naintindihan ng dalawang auditors ang progress computation sa CMS at nung matapos kami ay abot hanggang tenga? o panga? ang kanilang mga ngiti. Masaya ang bossing ko matapos ito.

Ngayon naman ay isa pa ulit audit para ulit sa progress. This time ay step by step tracking ng work packages per work term. Naku parang di ako makakapag concentrate kasi first time ko makikipag usap in person sa isang egoy na kamukha ni usher na may higante at yapak na paa na pagala-gala sa opisina. Para siyang caveman minus the long beard. Hindi ba talaga nagsasapatos ang mga egoy na kano? Hayy...sana lang ay magkaintindihan kami ng higanteng egoy na ito at mabilis kaming makatapos sa tanungan at sagutan dahil kating kati na ang kamay ko na maglaro ng Need For Speed.

Siyanawa, Shalom, Amen!

Excited at Nalilito
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.03.2008 @ 7:21 am

Last week, sinabi ng doctor ni mylab na baby girl daw ang aming second angel. When I first received the message tuwang tuwa ako at excited. Pero nalilito rin...

Nung nasa bayang magiliw kasi ako ay napag-usapan namin ni mylab kung ano ang gusto namin na gender (just in case pwede kami mamili) ng aming second baby. Ang sa kanya ay girl at sa akin syempre boy. Preference yan kung maaring pumili but of course any gender is fine kasi gift yan from above. Kaya ngayon nalilito ako kung ano talaga nararamdaman ko. Unang una ay sa pagpili ng pangalan. Dapat payak lang na di naman napaka-simple na magtutunog boring. Dapat di naman ngalan na tunog ngalan ng isang bi@tch hehehe. Pangalawa, 'di ko naman masasabi na disappointment pero kasi ang ine-expect ko talaga lalaki. Ewan ko lang kung bakit nga ba. Siguro kasi nasanay lang ako kay Ian na 5 years ko ng kalaro, kakwentuhan at kalaban sa computer. Lalaking lalaki lalo na sa pagkain ang dami at pati sa pag-utot ang lakas (bwahaha). Eh ngayon girl na ang susunod na kabanata kaya 'di ko alam ang approach na gagawin ko sa pagpapalaki sa kanya in my part as her dad.

 

Dapat siguro humingi ako ng tips kay Ate Lilian kasi naka tatlong babae na siya. Natatakot ako na baka pagdating ng anak ko ng teenage years niya ay magtanong sa 'kin ng: 

  • Papa paano ba magandang teknik sa paglalagay ng eyeliner?
  • Papa anong kulay ng nail polish ang babagay sa damit ko?
  • Papa sino crush mo sa rock band na ito?
  • Papa pwede na ba akong uminom? Eh magyosi?
  • Papa anong mas bagay na hairstyle sa kin?

Paktay tayo diha! Matutulala siguro ako kung marinig ko yan sa aking anak in the future.

Isa pa...paano kaya ang tamang pagdidisiplina sa isang batang babae? Sa lalaki kasi medyo kabisado ko na at nakuha ko agad ang tamang paraan para kay Ian. Ini-apply ko lang yung mga ginawa sa akin ni Nanay at pinagbuti lang yung iba para naman mag-apply sa kasalukuyang panahon. Palibhasa ako ang bunso sa pamilya namin kaya naman 'di ko naranasan na makakita ng pagdisiplina sa mas nakababatang babae.

Hanggang ngayon parang nalilito ako na excited na nangangati ang ilong at di na makapaghintay ng pag uwi ko. By the time kasi na bakasyon ko na ay 1 week old na si baby. Ang tagal pa! Mas mahirap pala ang pakiramdam ng malayo ka sa iyong pamilya lalo na kung ang misis mo ay buntis. Langya namimiss ko na ang malikot na pagikot ikot ni baby sa tiyan ni mylab. Kung pwede lang hilahin ang panahon sana December na bukas.

 


Current Page 1
1 2 3 4 5 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org