BrownMan Blog
Profile Subscribe Syndicate Search  
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In


Isa ka ba sa amin?

Filipiniana * FOB * Good News Pilipinas * I Love Cavite * Kwentong Tambay * Market Manila

Naic Cavite Online * Nostalgia Manila * Pi Omicron * Super Pasyal * Yabang Pinoy

CNSHS Batch 98 * WikiPilipinas * Brownman Home

Blog - Latest Entries
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 | > >>
My Top 10 > Bakit Magreretiro Si Pacquiao
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Sep.05.2008 @ 7:26 am | Lasted edited: Sep.04.2008 @ 5:47 pm

Kamakailan ay napabalita ang balak ng ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao na magretiro na 2-3 laban matapos ang pakikipagbasagan ng mukha kay Oscar De La Hoya. Hindi kaya masyado pa siyang bata para tumigil sa pagboboksing? Sabagay sa dami ng mabibigat na laban na kanyang pinagdaanan maaaring ikusidera na isa na siyang matandang 29 years old. Hindi kasi natatakot sa anumang pagsubok sa ibabaw ng ring ang ating bida. Subalit di pa rin mawala sa madumi kong isip ang mga maaaring dahilan kung bakit magreretiro na si Manny in such a very young age.

Narito ang ilang dahilan na aking nakikinita sa mahiwang kristal:

  1. Paghahandaan nya ang pagtakbong muli sa politika. Target niya daw ay ang congressional seat sa South Cotabato, last term na kasi ng nag knock out sa kanyang babae na si Cong. Darlene Custodio.
  2. Susuportahan niya raw si Obama at kailangan niya magpa surgery kay Dr. Belo para maging mas lalo silang magkahawig.
  3. Tatapusin niya daw ang kaniyang pag-aaral ng management course sa University of Notre Dame sa South Cotabato.
  4. More time sa kanyang pangalawang paboritong 'sports' na sabong.
  5. More time with his second family.
  6. Susubukan niya ulit ang kanyang tikas sa paulit ulit na chicks hunting sa Embassy bar.
  7. Gagawa siya ng sandamukal na pelikula.
  8. Magpapatuli si Manny.
  9. Magpapa sex change si Manny.
  10. Pakakasalan ni Manny si Ara Mina sa Las Vegas.
  11. Kinukuha siyang point guard ng Magnolia bilang pamalit kay Olsen Racela.
  12. Magpaparetoke siya ng ilong.
  13. Susulat siya ng mahabang serye ng babasahin at kailangan niya ng maraming panahon na walang abala. Ang mga pamagat: 'I Would Like To Thanks Madam Prisident', 'Paano Yumaman Gamit ang Kinumo', 'Daghan Tsiks Sa Imbasi!', 'Ang Sikretong Kiliti ni Oscar De La Hoya', 'Walang Tsiks na Pangit sa Titing Galit', 'Ang Umayaw sa Laban Supot!' at 'My Bestfriend Chavit'.

Manny Pacquiao y Obama

 

OFW > Excited at Nalilito
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Sep.03.2008 @ 7:21 am

Last week, sinabi ng doctor ni mylab na baby girl daw ang aming second angel. When I first received the message tuwang tuwa ako at excited. Pero nalilito rin...

Nung nasa bayang magiliw kasi ako ay napag-usapan namin ni mylab kung ano ang gusto namin na gender (just in case pwede kami mamili) ng aming second baby. Ang sa kanya ay girl at sa akin syempre boy. Preference yan kung maaring pumili but of course any gender is fine kasi gift yan from above. Kaya ngayon nalilito ako kung ano talaga nararamdaman ko. Unang una ay sa pagpili ng pangalan. Dapat payak lang na di naman napaka-simple na magtutunog boring. Dapat di naman ngalan na tunog ngalan ng isang bi@tch hehehe. Pangalawa, 'di ko naman masasabi na disappointment pero kasi ang ine-expect ko talaga lalaki. Ewan ko lang kung bakit nga ba. Siguro kasi nasanay lang ako kay Ian na 5 years ko ng kalaro, kakwentuhan at kalaban sa computer. Lalaking lalaki lalo na sa pagkain ang dami at pati sa pag-utot ang lakas (bwahaha). Eh ngayon girl na ang susunod na kabanata kaya 'di ko alam ang approach na gagawin ko sa pagpapalaki sa kanya in my part as her dad.

 

Dapat siguro humingi ako ng tips kay Ate Lilian kasi naka tatlong babae na siya. Natatakot ako na baka pagdating ng anak ko ng teenage years niya ay magtanong sa 'kin ng: 

  • Papa paano ba magandang teknik sa paglalagay ng eyeliner?
  • Papa anong kulay ng nail polish ang babagay sa damit ko?
  • Papa sino crush mo sa rock band na ito?
  • Papa pwede na ba akong uminom? Eh magyosi?
  • Papa anong mas bagay na hairstyle sa kin?

Paktay tayo diha! Matutulala siguro ako kung marinig ko yan sa aking anak in the future.

Isa pa...paano kaya ang tamang pagdidisiplina sa isang batang babae? Sa lalaki kasi medyo kabisado ko na at nakuha ko agad ang tamang paraan para kay Ian. Ini-apply ko lang yung mga ginawa sa akin ni Nanay at pinagbuti lang yung iba para naman mag-apply sa kasalukuyang panahon. Palibhasa ako ang bunso sa pamilya namin kaya naman 'di ko naranasan na makakita ng pagdisiplina sa mas nakababatang babae.

Hanggang ngayon parang nalilito ako na excited na nangangati ang ilong at di na makapaghintay ng pag uwi ko. By the time kasi na bakasyon ko na ay 1 week old na si baby. Ang tagal pa! Mas mahirap pala ang pakiramdam ng malayo ka sa iyong pamilya lalo na kung ang misis mo ay buntis. Langya namimiss ko na ang malikot na pagikot ikot ni baby sa tiyan ni mylab. Kung pwede lang hilahin ang panahon sana December na bukas.

 

Kapuso > Happy Birthday Nanay
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.29.2008 @ 7:51 am

Mahal kong Nanay,

Nay maligayang kaarawan sa iyo! Ilang taon na rin akong absent tuwing magdiriwang ka ng iyong kaarawan at marami na rin akong utang sa 'yo. Sana masaya ka sa araw na ito at sa mga susunod pang araw. Pangalagaan n'yong maigi ang inyong kalusugan Nay. Sa susunod na pag-uwi ko ay sa Disyembre na at magkikita-kita naman tayo ngayong taon sa araw ng Pasko at Bagong Taon. Kailangan malakas na malakas kayo para maipapasyal kita kahit sa medyo may kalayuan na lugar. Di ba yan naman ang pangako ko noong ako ay bata pa na hanggang ngayon ay di ko pa natutupad dahil na rin sa kakulangan ng oras at pagkakataon. Pero this time sa susunod na pag uwi ko sisiguraduhin ko na matutupad ko mga pangako ko sa inyo.

Nay magiging lola na naman kayo. Sa Disyembre rin isisilang ang pangalawa naming anak ni mylab at babae ang aming bagong baby. Yan ay nalaman lamang namin kahapon matapos ang appointment ni mylab sa doktora niya. Naku nalilito na nga kami sa ipapangalan namin dahil sa dami ng pagpipilian. Baka gusto nyong mag dadag ng inyong suhestiyon sa posibleng ipangalan kay baby?

Naalala ko na noong sanggol pa lang sina April, Aby, Anjelou at Bianca ay gumagamit pa ng lampin at kayo ang taga tahi ng lampin. Nilalagyan n'yo pa ng burda ng ngalan nila. Nakakatuwang balikan at isipin ang mga panahon na iyon. Sana sa susunod naming baby ay maka experience din siya ng ganito kahit saglit lang.

Si Tatay nga pala kumusta? Tuwid na ba ulit ang lakad niya? Sana hindi kayo masyado nahihirapan sa pag-asikaso sa kanya at sana ay patuloy ang paglakas niya at pag recover mula sa stroke niya. Sabi ni mylab na nung bago bago pa lang nakalabas ng pagamutan si Tatay ay palagi kayong puyat. Sana naman sa ngayon ay nagbago na at nakakatulog kayo ng sapat at mahimbing sa gabi. Uminom kayo ng vitamins at supplements para hindi kayo mabilis mapagod at manlambot.

Sige Nay tirahan nyo na lang ako ng handa ninyo diyan hehe. Isipin ko na lang na isa ako sa nagluluto ng paborito ninyong pagkain mamaya. Kita-kits na lang sa Pasko sa pag-uwi ko. Ingat palagi.

God Bless!


Nagmamahal na anak,

Latebloomer

OPM > Hard To Believe
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.28.2008 @ 8:19 am

Hay naku parang it is really hard to believe na on Saturday (30th of August) ay muli na namang tutugtog ang Eraserheads para sa masa. This will be the most popular band in the country's first gig together after their break up 7 years ago. Sayang lang at hindi ko ito mapapanood ng live. Magtyatyaga na lang ako sa pakikinig sa mga songs nila sa mp3 player ko.

Narito ang lyrics ng Hard To Believe na isa sa mga sumikat na awitin ng bandang Eraserheads.


Hard To Believe - Eraserheads

I find it hard to believe
That all the pain that we are feeling
Has some meaning in this world

It’s so hard to believe
When everything you see is different
From the things that you’ve been told

I wanted life to be this way
Just a little bit of love could mean so much
Oh please don’t take it all away
But with you heaven is still close enough to touch

I find it hard to believe
That someone up there is waiting
With arms open wide and smiling

It’s so hard to believe
When someone told me that your suffering
Is what you get for living

I wanted life to be this way
Just a little bit of love could mean so much
Oh please don’t take it all away
But with you heaven is still close enough to touch
Because your love is still the only thing
That matters in this world
The only thing I can believe

It’s so hard to believe

It’s so hard to believe

I wanted life to be this way
Just a little bit of love could mean so much
Oh please don’t take it all away
But with you heaven is still close enough to touch
Because your love is still the only thing
That matters in this world
The only thing I can believe
The only thing I can believe
The only thing I can…
Believe

Kasabihan, Islogan, Salawikain, Atbp > KIS No. 002
2 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.26.2008 @ 7:24 am

Ang away ay iwasan, iyan ang tunay na katapangan.

Para sa mga 'matatapang' daw na tao, partikular na dun sa mga rebelde na tila naghahamon pa ng giyera, isiping mabuti kung tunay ang  katapangang ipinakikita sa pamamagitan ng pakikipag-away, panggugulo o pananakit ng kapwa. Ang katapangan ay hindi masusukat kung gaano karami ng laban ang iyong napagdaanan o kung gaanong ikaw ay kinatatakutan ng mga tao kundi kung paano mo naiwasan ang kaguluhan at naiwasto ang iyong pag-iisip upang maging mapagpasensiya at kalmado sa mga pagkakataong may mabigat na pagsubok sa iyong buhay.

Kung may naghahamon sa 'yo ng away, ganito na lang ang sabihin mo:

Barumbado: Ikaw! Bakit ayaw mong lumaban? Sagot!

Ikaw: A-Tapang A-Tao Ako eh (sabay ngiti).

Pinilakang Tabing > Tagalized Movies
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.23.2008 @ 7:36 am

Tagalugin muna natin ang pamagat ng ilang banyagang pelikula.
  • Black Hawk Down - Ibong Maitim sa Ibaba
  • Dead Man’s Chest - Dodo ng Patay
  • I Know What You Did Last Summer - Uy! Aminin!
  • Love, Actually - Sa Totoo Lang, Pag-ibig
  • Million Dollar Baby - 50 Milyon Pisong Bata (it depends on the exchange rate)
  • The Blair Witch Project - Ang Proyekto ng Bruhang si Blair
  • Mary Poppins - Si Mariang May Putok
  • Snakes on a Plane - Nag-ahasan sa Ere
  • The Postman Always Rings Twice - Ang Kartero Kapag Dumundot Dalawang Beses
  • Sum of All Fears - Takot Mo, Takot Ko, Takot Nating Lahat
  • Swordfish - Talakitok
  • Pretty Woman - Ganda ng Lola Mo
  • Robin Hood, Men in Tights - Si Robin Hood at ang mga Felix Bakat
  • Four Weddings and a Funeral - Kahit Apat na Beses Ka Pang Magpakasal, Mamamatay Ka Rin
  • The Good, the Bad and the Ugly - Ako, Ikaw, Kayong Lahat
  • Click - Isang Pindot Ka Lang
  • Brokeback Mountain - May Nawasak sa Likod ng Bundok ng Tralala / Bumigay sa Bundok
  • The Day of the Dead - Ayaw Tumayo ng Mga Patay
  • Waterworld - Basang-basa
  • There’s Something About Mary - May Kuwan sa Ano ni Maria
  • Employee of the Month - Ang Sipsip
  • Resident Evil - Ang Biyenan
  • Kill Bill - Kilitiin sa Bilbil
  • The Grudge - Lintik Lang ang Walang Ganti
  • Nightmare Before Christmas - Bangungot Sa Noche Buena
  • Never Been Kissed - Pangit Kasi
  • Gone in 60 Seconds - One Round, Tulog
  • The Fast and the Furious - Ang Bitin, Galit
  • Too Fast and Too Furious - Kapag Sobrang Bitin, Sobrang Galit
  • Dude, Where’s My Car - Dong, Anong Level Ulit Tayo Nagpark?
  • Beauty and the Beast - Ang Asawa Ko at Ang Nanay Niya
  • The Lord of the Rings - Ang Alahero

Brownman's Hirit > Sino Matapang?
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.22.2008 @ 7:13 am

Matapos ang tatlong linggong pagpapalaki ng tiyan bakasyon sa Pilipinas ay nakabalik na naman ako dito sa gubat ng Tangguh. Ang una kong balita na nabasa sa internet at napanood sa telebisyon ay ang walang kakwenta kwentang karahasan ng mga 'lost command'  ng MILF. Para pang naghahamon ng mas malaking gulo ang mga kumander ng grupo na si Kato at Bravo sa kanilang mga pahayag na ipinalabas sa mga mamamahayag. Tsk tsk. Napapakamot na lang sa ulo ang mga kalbong Pinoy dito sa mga nababalitaan nila sa mga pangyayari sa ating inang bayan.

Ilang taon na rin ba ang giyera sa Mindanao at hanggang ngayon ay hindi pa rin magkasundo ang mga rebelde at gobyerno? Ano ba talagang pinag-aawayan nila? Gusto ba ng mga rebelde na humiwalay sa Pilipinas? Bakit hindi na lang pagbigyan at tingnan natin kung kaya nilang tumayo sa sarili nilang paa. Papiliin ang mga mamamayan sa lugar na ihihiwalay sa Pilipinas kung saan papanig at kung sino ang para sa Pilipinas ay bigyan ng bagong buhay sa ibang isla ng ating bansa. Para naman sa kasiyahan ng mga ayaw mahati ang bansa pwede rin namang sakupin muli ang naihiwalay na lugar ng mga rebelde right after na maihiwalay sila. Kumbaga para lang masabi na napagbigyan ang kagustuhan nila.

Nakakasawa na kasi ang pabalik balik na peace talks na ginagawa dahil sa hindi rin naman natitigil ang labanan. Pa-traydor na pag-atake pa nga kung minsan ang nangyayari at marami ang nadadamay na sibilyan at namamatay na tauhan ng ating hukbong sandatahan. Tigilan na ang peace talks na yan. Wala namang nangyayari o nagagawang mabuti kundi plastikan lang. Gumagastos pa nga ang gobyerno dito. Gawin ang nararapat. Papanagutin ang mga teroristang patuloy na nagkakalat ng lagim sa ating bansa. Ito lang ang paraan para sa mas mapayapang Pilipinas.

 

OFW > Uwian Blues
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jul.25.2008 @ 7:20 am

After three months and twelve days, babalik ako sa Bayang Magiliw para magbakasyon sa loob ng tatlong linggo. Mas maaga ang ginawa kong pagbabakasyon dahil sa talaga namang homesex na homesex na ako...ooops wrong spelling pa ako homesick pala. Makikita ko na ulit at makakasama ang buntis kong misis at ang poging pogi at ismarte kong anak.

Ito ang masarap sa pagiging isang OFW, ang araw na pauwi ka na sa iyong pamilya. Sabik na sabik. Sangkatutak na kuwento ang baon. Maraming mga katanungan at tsismis na gustong malinawan. Maraming bagong lugar na gustong pasyalan. At maraming San Miguel beer.

Makakatikim na naman ako ng bangus, BABOY!, totoong gulay, pagmamahal, bananaque, potpot, pan de sal, trapik, kaning lamig na pagke-mahal mahal, jollibee chicken joy, gin-pomelo, ques-o, zest-o, ginataang kahit na ano, laing, teledrama,  bubble gang, amoy ng basura, amoy ng boracay sa Kawit, walang kamatayang SM Bacoor at MOA, walang katapusang kumustahan, isang milyong tricycle sa Naic, ulan mula sa langit, tuyo, tinapa, daing, champorado, alaska, boy bawang, sugo, chikito, peanut kisses, pansit malabon, pansit ng masungit, pansit bihon, lomi, tapsilog, hotsilog, tocilog, pakaplog (pan de sal, kape at itlog), Pampanga's best, buko juice sa palengke, tsismisan sa kanto, basketball sa bilaran ng palay na punong puno ng gilik at marami pang iba.

Sarap talaga umuwi sa Pilipinas!

 

Kwentong Barbero > Pacquiao Nahuli Ng Tsubibo Patrol
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jul.22.2008 @ 7:56 am

 

Tsubibo Patrol

Muli pong nagbabalik ang inyong numero unong tagapagbalita, ang Tsubibo Patrol!

Sa ulo ng ating mga nagbabagang balita...

Bagong Larawan ng Manny Pacquiao Scandal, Lumabas Na!!!

Maalala na noong nakaraan na taon ay nahuli sa aktong nakikipag landian ang pambansang kamao na si Pacquiao sa loob ng isang sikat na bar sa Fort Bonifacio. May mga larawan pa nga na lumabas para patunayan ang balitang ito. Sa ngayon ay may bago na namang kinsangkutan ang ating bida. Pero bago natin alamin ang panibagong scandal na ito ay atin munang sariwain ang nakaraang escapade ni Manny sa Embassy sa piling ni Donna. Narito sa baba ang ilang larawan ng nakaraang yugto mula sa ating mga kahina-hinalang sources.

  

   

   

Oh di ba bongga! Si Manny big time talaga. Parang yung chika babe na mismo ang talagang lumalapit sa kanya at gusto siyang anakan. Iba na talaga ang nagagawa ng fame and fortune. Kung dati si Manny ang nagpapantasya sa mga chikas, ngayon siya na ang pinapantasya ng mga social climber at desperadang bandidas.

May tsismis nga lang na kumakalat na itong mga larawan sa taas ay pawang kalokohan at edited lang. Inadobe! Halatang halata naman kasi. Hindi talaga kapani-paniwala. Isa lang itong paninira kay Pacman at gustong bigyan ng problema ng mga taong naiinggit sa swerte ng ating bida.

Sa ating pagsasaliksik ay napag-alaman natin na meron palang kopya ng mga orihinal na larawan kung saan makikita ang katotohanan. Hindi nga lang kasing sikat ng scandal o kontrobersiya na nagawa ng ma larawan sa taas. Pagmasdan mabuti ang isa sa orihinal na larawan kung saan makikkita si Manny Pacquiao na may a cheek to cheek pa. Ito raw talaga ang tunay na kinalolokohan ng pambansang kamao at present time. Walang panama si Ara Mina at Valerie Concepcion dito. 

Kiss tayu bebe. Tsup!

Habang isinusulat itong kwentong barbero na ito ay panay na ang deny at palusot ni Pacman sa telepono habang kausap si Chunkee, este Jinky. Hindi na kasi mabilang kung ilang beses na siyang naakusahan na nangchi-chiks at ngayon nga ay mas naiinis si Mrs. Pacman sa dahilang mas maganda pa siya sa bagong tsiks na kinalolokohan ng kanyang mister.

 

At iyan po ang kaisa isang balitang aming nakalap sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Magbabalik ang Tsubibo Patrol kapag kami ay nakapulot muli ng tsismis para sa inyo.

Paalala sa mga tagapagbasa, tagapanood at tagapakinig... 'Ang hindi magmahal sa sariling wika ay hindi makakarating sa paroroonan.'

Mabuhay!

 

 

OFW > Chef Sam
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jul.21.2008 @ 10:00 am

Kagabi natikman ko na naman ang luto ni Ankol Sam. Inimbitahan niya kaming tatlo nina Mario at Rommel para sampolan ang niluto niyang ginataang yellow fin tuna at cassava cake. Ang lufet! Dami ko nalamon at nawala na sa isip ang disiplina ng pagdidiyeta. Halos pumutok ang tiyan ko pagkatapos kumain.

Da best ang pagkakaluto at timpla sa ginataang yellow fin tuna. Tamang tama ang anghang, alat at flavor ng gata. Lalong nagpasarap dun ay ang dahon ng sili na nakabalot sa laman ng isda at ang ginamit ni Ankol Sam na Knorr cube something something.

Yung cassava cake naman perfecto ang pagkakabake sa improvised oven. Di sunog, di hilaw. Tamang tama lang ang tamis at lasa ng butter  na nagtutong sa ilalim ng pan. Kung pwede nga lang sumigaw ng isa pa, isa pa isa pang chikenjoy eh sisigaw sana ako kaya lang dighay ako ng dighay matapos uminom ng pagki-lamig lamig na sprite. Isang pan lang kasi ang natirang cassava cake pero solve na rin kami. Nagkahiyaan pa nga sa huling kagat LOL.

Yan lang ang isa sa aming libangan dito sa jungle ng Tangguh. Kumain ng kumain. Mabuti na lang at mahusay at masipag si Ankol Sam na magluto at mag share ng kanyang mga specialties. Mabuhay ka Chef Sam!

Narito ang ilang larawan ni Ankol Sam.

Dinner with (clockwise) Rommel, Ako, Oscar and Ankol Sam. 14-Aug-2005

Ankol Sam in Action.

Ihaw ihaw.

 

<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 | > >>
Entries 51 to 60 of 316

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org