BrownMan Blog
Profile Subscribe Syndicate Search  
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In


Isa ka ba sa amin?

Filipiniana * FOB * Good News Pilipinas * I Love Cavite * Kwentong Tambay * Market Manila

Naic Cavite Online * Nostalgia Manila * Pi Omicron * Super Pasyal * Yabang Pinoy

CNSHS Batch 98 * WikiPilipinas * Brownman Home

Blog - Latest Entries
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 9 | > >>
OFW > Hapi Nyuyir
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jan.07.2009 @ 7:58 am

Hapi nyuyir sa lahat!

Sana ay mabawasan ang gastusin at madagdagan ang ating savings.

Ganda ng pagbati ng Indonesia sa aking pagbabalik. Bagyo sa Biak na halos mapabagsak ng sablay ang aming eroplanong sinakyan habang palanding. Delayed connecting flight. Ta's kagabi naman naalala ko pa family ko lalo na yung new baby ko. Homesick agad!

At ngayong umaga lang ay ang follow up na lindol sa naganap na 7.3 magnitude earthquake noong January 4. Nahilo ako bigla at hanggang ngayon umiikot pa paningin ko. Di na ako lumabas ng opisina dahil sa di naman masyado nagtagal ang pagyanig.

Di pa nakakalampas isang linggo ay dami ng kaganapan dito na parang di maganda. Sana naman inuna na ni lord olmayti ang mga pangit na pangyayari na yan para simula ngayon ay magagandang bagay na lang ang darating for this year. Haleluya eymen!

Komiks > Ang Pinakamagandang HAYOP sa Balat ng Lupa
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Dec.04.2008 @ 7:52 am | Lasted edited: Dec.03.2008 @ 5:03 pm

A Picture Paints A Thousand (Loathsome) Words


Ang pantasya ng bayan!!! Ms. Cassandra Bonnie.

Aatakihin sa puso ang sinumang magising sa umaga na ang pagmumukha ni Cass ang unang makikita.

 

Brownman's ABC > Pasalubong
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Dec.02.2008 @ 7:35 am

Malapit na naman ang pag uwi ko sa lupang hinirang at ako ay humaharap na naman sa dilemma ng pag-iisip kung anong aking maipapasalubong sa aking mga mahal sa buhay. Sino ba naman kasi ang nagpauso ng pasa-pasalubong na yan? Sa tuwing ako ay uuwi ito ang nagbibigay sa kin ng sakit sa ulo. Where I am coming from kasi ay wala naman mahahanapan o mabibilihan ng interesanteng pasalubong para sa aking mga kapamilya at kapuso. Wala naman ampaw, suman latik, manggang hilaw na ubod ng asim, tikoy na dumidikit sa pustiso kapag hindi mo alam ang teknik ng pagkain nito, antala na walang lasa, peanut kisses, chicken sinalsal inasal, yakult! na peborit ni ian, halo halo, siopao, siomai, litson piglet, buko pie at adobong mani. Marami ngang mabibilihan ng sapatos dito kaya lang ay labing isa sa bawat sampung pares ng sapin sa paa dito ay peke! Damit? Nakupo! Umuurong matapos labhan. Alahas naman ay parang yung mga free na bakal na makukuha mo for free sa mga pambatang pagkain at kendi sa Pilipinas. Electronics marami kaso talo naman sa warranty kung iuwi sa bayang magiliw.

Samakatuwid bradersensisters (paboritong salita ng mga preachers!) tsokolate na naman ang tangi kong maiuuwi at maipamumudmod (bwahahaha!) sa aking mga karancho. Sabon nga pala dapat di ko makalimutan. Sandamukal na sabon na issue ng company sa amin na hindi ko naman ginagamit. Sosyal kasi ako Dove beauty bar, biolink papaya soap at adidas bath lotion lang ang aking ginagamit sa paglilinis ng aking katawan.

Makapag-uwi na lang kaya ng terorista mula Indonesia? Maiba naman. Maibigay o mairegalo dun sa mga politico na walang sawa sa pagkurakot. Alien!

-Phone in question: Di pa dapat yung sasalubong sa akin sa eroport ang magbibigay sa kin ng regalo? Pasalubong di ba? O talagang baliktad na lang ang aking pag-iisip dahil sa sobrang homesex homesick?

 

Politico > Ang Pagkaulyanin ni JocJoc
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Nov.26.2008 @ 7:37 am

Isang malaking kasinungalingan at katangahan ang pagkakalimot ni JocJoc kung ilang beses siyang lumabas ng bansa noong siya ay Usec ng DA. Hindi niya na maalala at nawalang parang bula ang kanyang pasaporte! Lintek! Palusot pa!

Ginagawa niyang engot ang mga Senador. Isang malaking kagunggongan ang mga sagot ni JocJoc sa mga tanong sa kanya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Dapat ang itawag sa kanya ay JokeJoke (tawa sa tv sitcom pag may joke na corny wahihihihi).

At kung tama man ang sinabi ni Sen. Jinggoy sa madalas niyang pagbiyahe palabas ng bayang magiliw malinaw na pinababayaan niya ang kanyang trabaho sa kagawaran ng agrikultura para lamang dumalo sa sangkatutak na Rotary International meetings! Aba halos buwan-buwan at daig pa ang Presidente ng bansa. Kung mapapatunayan na si JocJoc ay nagkasala sa pangungurakot nararapat lamang na parusahan siya ng mabigat. Yung tipong dadaan ang bawat araw na natitira sa kanyang buhay na pagsisisihan niyang ipinanganak pa siya! 

And that goes to all the other crooked and corrupt public officials as well!

 

Brownman's ABC > Sino Ba Si Ginoong Kopong?
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Nov.19.2008 @ 5:17 pm

Kinakantyawan na ako ng kapamilya ko. Palitan ko na daw ang aking cellphone dahil panahon pa ng Kopong Kopong (or is it Copong Copong?). Sino ba si Kopong Kopong? Tao ba siya? Or panahon na matagal ng nakaraan? Ilang taon na kaya ang Kopong Kopong na ito? Minsan narinig ko rin sa interview sa isang sikat na artista minsang tinanong ito tungkol sa tsismis sa kanya at isang politiko. Ang sagot ba naman ay:

Naku tigilan na yan panahon pa ni Mahoma ang isyu na yan plis lang!

At sino naman itong si Mahoma? Hapones ba yan? Lekat na! Meron akong asaynment na isaliksik wahehehe.

Asayment namber wan: Anong pinakamaganda (at pinaka-murang) cellular phone ang available sa Pilipinas?

Asaynment namber tu: Ano ba o kelan ba o sino ba si Kopong Kopong? Sya ba ang nag imbento ng Kopong Bond?

Asaynment namber tri: At sino naman si Ginoong Mahoma at bakit paborito sya ni ROFA Gutierrez?

Sports > Awards & Predictions
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Oct.29.2008 @ 8:13 am

Individual and Team Awards

MVP: Kobe Bryant
ROY: Michael Beasley
Most Improved: Charlie Villanueva
Comeback Player: Shaun Livingston
Defensive Player: Kevin Garnett
Sixth Man: Lamar Odom
Coach: Phil Jackson
Most Clutch Shots Attempted: LeBron James
Most Clutch Shots Made: Carmelo Anthony
Most Clutch Shots Missed: LeBron James
Oldest Face In An NBA Game: Greg Oden
You-Shocked-Me-With-Your-Performance Single Game: David Lee going for 54 points doing his best impersonation of Amare
You-Shocked-Me-With-Your-Performance Multiple Games: Kobe Bryant, 10 games straight double double (Points and Assists)
1st Team All-NBA: Paul, LeBron, Nowitzki, Kobe, Duncan
2nd Team All-NBA: Pierce, Deron Williams, B. Roy, Wade, Amare
3rd Team All-NBA: Calderon, Kevin Martin, David West, Garnett, Dwight Howard
Unintentional Comedy: Lindsay Lohan and Britney Spears caught in camera in Staples center watching without underwear)
Best Random Good Season: Mickael Pietrus
Biggest Cancer: Jamaal Tinsley
Worst Contract: Gilbert Arenas and Emeka Okafor
Biggest Star Traded: Vince Carter
Biggest Disappointment: Gilbert Arenas and his big new contract
First Coach Fired: Mike Woodson (in favor of a former NBA coach, this move will propel Hawks into the playoffs)
Loudest Mouth: Larry Brown
 

Sports > My Fantasy Team and My Fearless Forecast
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Oct.29.2008 @ 7:55 am

Let the games begin!

Umpisa na ng 2008-09 NBA season and like the millions of fans around the globe na naghihintay sa muling pagbabanggaan ng mga higante ng larong basketball, excited na rin ako. I even updated my roster sa NBA Live para ma-replicate ang most recent na 15-man line up ng bawat teams.

Yesterday ay nag fantasy draft na rin kami ng mga kasamahan kong adik din sa basketball at NBA. Hindi ko na draft si Lebron at Kobe dahil 1-2 picks sila respectively kaya naman 'nagtyaga' na lang ako kay Nowitzki as my main man hoping na with a full year playing with J-Kidd mababalik niya ang MVP winning form and stats niya two years ago. Maswerte rin ako nakuha ko si Howard ng Orlando Magic sa second round. Ewan o bakit pinakawalan ng mga katoto ko si Dwight sa first round.

My starters are as follows:

C   Dwight Howard
PF  Dirk Nowitzki
SF  Josh Smith
SG  Michael Redd
PG  Deron Williams.

I think malakas ang fantasy team ko.

Points : Nowitzki
Rebounds : Howard
Assists : Williams
Blocks : Howard, Smith
Steals : Smith (Deron is also improving as a defender)
Minutes : Lahat sila starters sa kani-kanilang team kaya minutes will not be a problem.
3-Point FGs : Redd (Williams din and even Nowitzki can stroke it real good outside)

Only problem is kung may ma-injured sa starters ko. My bench is not that strong.

Rudy Fernandez (Rookie)
Mo Williams (New team)
Drew Gooden (erratic)
Kwame Brown (underachieving former top pick)
Vladimir Radmanovic (will be fighting for playing time sa Lakers)
Quentin Richardson (streak shooter and injury prone)
Thadeus Young (young pa si Young, his turnover number is a concern)

Overall, I think my team will do good. Sana lang di maka apekto sa performance ni Deron yung ankle sprain nya noong isang pre-season game last week.

Fearless Forecast:

Wildly Wicked West

  1. La Lakers
  2. New Orleans Hornets
  3. Utah Jazz
  4. Houston Rockets
  5. Phoenix Suns
  6. Dallas Mavericks
  7. San Antonio Spurs
  8. La Clippers

Wildcards: Denver Nuggets, Portland Trail Blazers, Golden State Warriors


Ever Ebbing East

  1. Boston
  2. Detroit
  3. Philadelphia
  4. Orlando
  5. Toronto
  6. Cleveland
  7. Chicago
  8. Atlanta

Wildcards: Washington Wizards, Milwaukee Bucks, Miami Heat

2009 Western Champs:La Lakers

2009 Eastern Champs: Boston Celtics

2009 NBA Champs:La Lakers (4-2)

Brownman's ABC > Holiday Ngayon
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Oct.26.2008 @ 8:31 am

Happy Birthday to me! Happy Birthday to me! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to me!

Malapit na ko lumampas sa kalendaryo pero isa pa rin akong dukha!

Kaya heto kahit Sunday at araw ng kapanganakan ko nagtatrabaho ng OT dito sa opisina. Wala na munang celebration, pag uwi ko na lang siguro sa Bayang Magiliw sa Disyembre.

Sarap ng OFW (sa kabaliktaran), halos lahat ng mga importanteng okasyon ay hindi mai-share sa mga kapamilya at kapuso. Homesick na nga ako.

Ah letse, emote na naman ako. Tama na muna ito baka mag alburoto pa ako.
 

Brownman's ABC > Magtipid
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Oct.16.2008 @ 10:18 am

Recently ay sinubukan naming magtipid sa gastusin sa bahay, primarily sa kuryente. Cut down the time na gamit ang aircon, magtyaga muna sa electric fan. Ang pagsa-surf sa internet ay i-limit din para mabawasan ang time na naka power on ang PC. Sa kwarto na lang manood ng tv kasi mas energy efficient yung LCD kesa sa conventional na TV sa living room. Bumili pa nga kami ng energy saving device (Energy Saver yata ang name) sa SM. Ang galing kasi mambola ng salesman nila. Sana totoong makakababa sa bill ng kuryente ang imbensyon na ito. Sa communications din nag-adjust kami. More on YM na lang kesa sa tawag. Kung nasa labas naman ng bahay chikka text na lang. Sa gas na pangluto lang talaga ang mahirap tipirin kasi di naman pwedeng di magluluto or kakain ng hilaw pa.

Sabi nga ni misis bihira na rin sila kumain sa labas at nagluluto na lang sa bahay para makatipid. Iwas sa fast food din. Maganda na rin ito kasi mababawasan din ang pag consume ng free radicals na kadalasang matatagpuan sa mga yummy yet unhealthy fast food menu. Di na rin kami bumibili ng mga junk foods that we used to eat habang nanonood ng tv sa gabi.

Sa transportation medyo nagtitipid din. Kung lalabas ng bahay sabay sabay na lang. Wala ka kasing pagpipilian. Kung gagmamit ka sariling sasakyan mahal ng gasolina. Kung magko-commute ka mahal ng pamasahe.

Bakit nagtitipid? Sariling desisyon lang namin pamilya. We want to spend less and earn more. Kinakabahan pa rin kasi kami sa mga pangyayaring financial crisis sa America kahit na palaging sinasabi ng mga government at financial officials sa atin na hindi apektado ang Pilipinas sa nangyayari dun sa bansa ni Ankol Sam. Minsan iniisip kong withdraw ko na lang ang kakaunti kong kwarta sa aking bank accounts at itago sa bahay (bwahahaha). Napaparanoid ako at feeling ko mas safe pa na magtago ng cash sa bahay. Mabuti na lang at ang kumpanyang pinagtatrabahuhan namin ay nasa oil and gas industry. Medyo di malaki ang epekto ng mga pangyayari kahit na nga bumaba ang presyo ng langis. Sana nga totoo ang sinasabi ng mga bossing namin dito na safe kami at matatag. Ang sakit naman kasi kung bigla ka na lang mawalan ng trabaho!
 

OPM > Trapo
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Oct.07.2008 @ 7:21 am | Lasted edited: Oct.06.2008 @ 5:51 pm

“A politician is a fellow who gives you the key to the city after he's taken everything worth having.”

Pakinggan dito ang kantang Trapo na isang masterpiece ni Dong Abay.

Factoid: Yano is an old tagalog word which means simple.


Trapo - Yano

Jueteng at illegal logging
May sideline, rape at kidnapping
Dealer ng shabu at uzi
Commander ng private army

May ari ng subdivision
Stock holder ng corporation
Landlord na land robber pa
Anak ka ng, bobong tanga!

Ang hirap mong hulihin
Lahat kaya mong bilhin
Wala kang silbe
Wala kang silbe sa amin!

Trapo! Trapo ka kasi
Trapo! Trapo, trapo ka kasi!
2x

di na binoboto pero nanalo
3x

May misis pero siyam ang kabit
Naadik kaya sabik na sabik
Ang kapal mo! Hindi ka manipis
Ginugudtaym mo lang ang aming buwis

Mas maraming absent kesa sa present
Di ginagawa, kanyang assignment
Mula lunes hanggang biyernes
Wala sa congress? Panay beauty rest!

Ang sarap mong ihawin! Ipalamon sa mga pating
Wala kang silbe!
Wala kang silbe sa amen!

Trapo! Trapo ka kasi
Trapo! Trapo trapo ka kasi!

Di na binoboto pero nanalo
3x

Daming kalokohan pero napagtatakpan
3x

<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 9 | > >>
Entries 31 to 40 of 316

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org