Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Entries in "Filteany Vlogs on YouTube"
<< < | 1 2 3
Wagwag sa New York
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.27.2007 @ 10:58 pm

 

Ang mga Pinoy ay mahilig mag- shopping. Ang kaibahan natin ay mahilig tayo sa tumataginting na mga letrang SALE! Hindi ako bumibili ng clothes or shoes with their original price.Lagi akong nag- aabang ng sale 50 % off pataas. Habit ko na ang laging maghanap ng "such a good deal" sa mga stores. Lagi kong katwiran ay sayang naman ang pera at pandagdag na lang sa padala sa Pinas. Nakadagdag pa rito ang paglaki ko sa Baguio na capital ng "Wagwag" so hindi talaga ako sanay sa mga items na sobrang mahal. Noong tumungtong ako sa Big Apple, hindi ko

inalis ang aking ugali na "kuripot" sa sarili. Ewan ko ba pero lagi ko na lang iniisip ang nasa Pinas. Tuwing shopping, ito ang aking behavior.

1. Huwag pumasok kapag walang big red sign na SALE.

2. Kapag 40% or less, no way!

3. Kapag buy one take one, go go go para kay Lola ang isa.

4. Shoes ang aking weakness kaya kapag sale, 10 pairs ang binbili ko kase malabakal ang aking mga paa.

5. Namimili ako ng winter clothes kapag spring then summer clothes kapag winter (80% off kase)

6. May catalogs ako ng mga shops kaya hindi ako nahuhuli sa eksena ng mega sale event.

7. Nagiging Darna ako kapag nagbibitbit ako ng 8 bag kapag namimili samantalang kailangan ko ng cart para aking grocery consisting of 1 gallon of milk.

For more facts about shopping new York, click on the following Youtube link.

http://www.youtube.com/watch?v=E9xY3i-QpGs

Enjoy Shopping! (But dapat good price !)

Click on Part 2 and 3 too!

Pinoy Texting
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.26.2007 @ 10:59 am

 Filipinos are known to be the fastest texters in the world. Finnish only comes in second. When I arrive here, people were just learning the power harnessed by SMS. My co- workers were surprised how fast I texted even with my eyes closed.

 

 

Aside from keeping my ties with my family, texting serve also as a portal for people back home to communicate with me and my other friends. To find out the top 5 text messages an OFW receives, click on the youtube link:

 

 

 

http://www.youtube.com/watch?v=sT4kc2rC04E

 

 

Happy texting!

All About Pinoys
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.25.2007 @ 10:26 pm | Last edited: Jul.25.2007 @ 9:30 pm

All About the Filipinos

Ano nga ba ang tingin sa atin ng mga ibang lahi? Bilang guro sa New York City, common scenario na ang pagrequest sa akin ng interview. Bukod sa puro African Americans and Hispanics ang aking mga kasamahan, apat (ngayon ay dalawa) lamang ang Filipina sa buong school. Considered "exotic" tayo mula pa lang sa straight na buhok natin hanggang sa kayumanggi nating kulay. Noong una ay naasiwa akong mag- grant ng mga sagot dahil sa notion na baka kulamin ako kung magbigay impormasyon ako tungkol sa ating lahi. Dumaan din ang panahon at naging komportable na ako na makisalimuha sa kanila. Dahil ako ang pinaka- Ms. Friendship Asian Teacher sa school, ako ang naging unofficial spokesperson. Ang mga babanggitin ko ang mga karaniwang tinanatong nila.

1. Marunong bang mag- espanol ang mga Filipino? Como Esta? Ang sagot ko ay hindi. Ang aking mga lolo at lola ay malamang natatandaan pa rin ang mga common Spanish words. Matagal nang inalis sa curriculum ang Spanish 1 and 2. Pero para hindi naman ako madehado- naiintindihan ko kahit papaano ang kanilang mga pinag- uusapan. Noong una, naiinis ako dahil lagi akong tinatawag na "linda" ng lolo ng aking kasintahan. Ang akala ko ay lagi niyang nakakalimutan niya ang aking pangalan. Yun pala ang linda= pretty. Flattered naman ako Lolo Pepe.

2. Pareho ba ang salitang Filipino at Mandarin/ Cantonese? Sab ng aking mga estudyante, chinese daw ang pinag- uusapan namin ng aking friend. Tawa sila ng tawa. Ang sabi naman ng aking Espanolang friend- Niponggo raw. Mali! Lagi kong pinapaliwanag na iba iba ang mga taga Asya.

3. Bakit ang mga Pinoy laging nakangiti (pwera sa kin? Suplada kase ako sa unang kita= shy ako at first) Sabi ko naman, natural na natin ang pagiging friendly. We almost make it a point to make othe rpeople at ease with us. Magaling nga tayong mga PR. Kung Filipino ang PR person ni Bush- tiyak hindi siya kamumuhian ng US of A.

4. Bakit ang bango bango bango ng mga Filipino? Obvious ba? LAGI KAMING NALILIGO! Nyahahahaha

5. Bakit ang daming Filipino ang umaalis sa Pilipinas papuntang ibang bansa? Ang lagi kong sagot ay hanapin nila ang contact number ng Malacanan Palace at hanapin ang taong nagngangalang GMA. Siya ang tanging may kasagutan.

Sa mga iba pang mga katanungan, panoorin ang Youtube Video na sumusunod. Sana at matawa kayo, sumakit ang tiyan sa hangin at maglagay ng mansanilya sa bilog nating tiyan (dahil sa kanin)


http://www.youtube.com/watch?v=4jerdgFdOZk


Enjoy!

 

Visit also www.karitoon.com

 

Kapag tinurukan ng Pag- Ibig si FilTeaNy
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.24.2007 @ 3:10 pm

  

Kapag tinurukan ng  pag- ibig si FilTeaNy

 

Sentimental akong tao lalo na pagdating sa pag- ibig. Ilang beses na rin akong nahulog at bumalabog in the name of love pero eto at patuloy pa rin an naniniwala ako sa power nito.

 

Ang sarap kase main- love kahit ano pang sabihin ng mga matatandang dalaga o yung mga napendeho. Ang advice ko lang eh huwag niyong isara ang pinto, bintana o kahit kanal kase papasok at papasok pa rin sa puso niyo ito.  Kayong mga bumabasa nito ay sasang- ayon sa akin na ang pag- ibig ay kailangan. Para itong kanin na hindi pwedeng tanggihan. Kahit na kunwari ay hate mo ang tao pero lumalabas pa rin sa tenga ang init ng apoy ng love. Ang aking love life ay makulay tulad ng 64 colors pack ng crayola. Kalahati ay masalimuot at ang kalahati ay halo halong  parang biko. Basta ang alam  ko ang mga classic na simtomas kapag tinurukan ako ng pag- ibig.

 

  1. Palangiti ako na parang Frosty the Clown. Kahit ang pag- sway ng mga punong kahoy kapag may umutot ay nangingiti ako.

 

  1. Lagi kong dala ang aking curlash para ang mga mata ko ay mala- Garfield. Ready to stare into my love's eyes.

 

  1. Gusto ko laging may bagong damit. Lagi akong may fashion show kapag kaharap niya ako.

 

  1. Mahaba ang aking pasensya at UN ambassador ako to the 10th power.

 

  1. Lundag lundag sabay sommersault ang aking puso sa pabigkas pa lang ng pangalan niya.

 

  1. Feeling ko lahat ng love songs sa radio ay tungkol sa amin.

 

  1. Kapag tinanong ng mga friends ko kung ano siya sa buhay ko, ang sagot ko ay hindi boylet kundi honeybabe o papachoo ang role niya.

 

  1. Laging malinis ang aking apartment at lagging may handang paboritong soda sa aking fridge.

 

  1. Nagsusulat ako ng mushy ala mash potato na love letters sabay sa pastel  na stationery pa.

 

  1. Interesado ako sa lahat ng sinasabi niya lahit kung ilang stars ang hula niya sa buong kalawakan.

 

 

Pagkaraan ng ilang uwan (estimate 3 months) alam ko nang talagang in love ako kapag;

 

  1. Alam ko nang iluto ang kanyang paboritong pagkain…egg sandwich.

 

  1. Moody na ako at wala akong pakialam kung parang WWF ang aming pag- aaway. Kapag ako ang mali, sorry ako na pabulong.

 

  1. Laging included siya sa listahan kapag grocery ako o at alam ko ang size ng paa niya.

 

  1. Wala akong pakialam sa sinasabi ng iba, kung mukha man siyang Kiko Matsing o Elmo; dedma kase love ko eh.

 

  1. Hindi ko na itinatago sa aking mga magulang. Hindi na ako takot sabihin kay mother. Pero siyempre una na si Lola na nakaalam 1 week pa lang from date na sinagot ko.

 

  1. Aside from my birthday, alam ko na rin ang birthday. Pero ako ay may waterloo. Hindi ako palatandain sa ibang dates tulad ng anniversary.

 

  1. Kumportable na akong banggitin ang mga pangalan ng ex ko para naman hindi niya masabi na hindi ako nagging mabenta bago  siya. Idagdag ko pa ang mga pagkakamali ko na hindi ko na uulitin kasama siya.

 

  1. Okey na sa akin kung marumi ang kanyang sneakers o hindi niya mashoot- shoot ang medyas niya sa hamper.

 

  1. Kumportable na akong kasama ang kanyang mga kapatid. Kadalasan pa nga hindi na siya kasama.

 

  1. Automatic na nasasabi kong "I love you" kahit hindi pa siya nagsisipilyo.

 

 

Kayo, ishare niyo naman ang love story niyo o kahit yung mga signs na alam niyong in love kayo.

 

 

Interesado ba ka ba na makita ang lugar ng isa sa mga most romantic movies filmed in New York.

 

Click on this Youtube link;

 

 

http://www.youtube.com/watch?v=9HE3iPWJPQY

 

Sana lahat ng tao ma- in love para may world peace na, naks!

Filteany Thank YouTube
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.23.2007 @ 7:06 pm | Last edited: Jul.23.2007 @ 6:10 pm

To my dear readers,

 

This is my special way to let you all know how I am deeply indebted to your support and encouragement.

Please click on the link below.

 

http://www.youtube.com/watch?v=Ust3-1j6zZI

George Lucas is Grateful to the Filipinos
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.22.2007 @ 8:44 pm

George Lucas is indebted to the Filipinos, check out the reason by viewing the clip on YouTube.

Click on the following link and be proud to be a Pinoy!

http://www.youtube.com/watch?v=rFtqcNgrHCE

 

 


Current Page 3
<< < | 1 2 3

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org