Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Entries in "Proud to be Pinoy!"
1
Survey Para sa mga Adik sa SARBEY
2 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.02.2007 @ 12:20 am

 

Kapapanood lang namin ni Marcello ng "Sicko" ni Micheal Moore. Halos mahimatay ako sa inggit sa healthcare ng Canada, UK at kahit Cuba. Bakit? Panoorin niyo na lang at sigurado kong mamahalin mo pa lalo si George Bush . Sa kabilang dako, pagtuunan natin ang mga survey na parang mga kabute sa MySpace at Friendster. Kung dito sa Amerika, binabayaran ang mga kumukuha ng online survey para sa mga produkto ang mga Pinoy naman ay hobby na ang sumagot ng survey from 20 items hanggang 100 items. Minsan seryoso minsan ewan tulad ng ano ang kinain mo kaninang almusal o anong kulay ng panty ng boss mo noong Huwebes. Noong una, hindi ko pinapansin ang mga survey na ito pero pagkalaon, nalulong na rin ako kase effective itong pangpatulog o pang- relax pagkatapos inisin ng pusit na boss. Hindi rin ako papahuli, ito ang ang 69 questions survey na may sagot ko. Handa na ba kayo? R, S and Go!

1. Kung ikaw ay aso, ano ang breed mo?
- German poodle bitch

2. Ano ang paborito mong teletubby?
- yung may antenna sa ulo na hugis phallic symbol

3. Anong boy band ang hindi mo ipagkakait na minahal at pinagpantasyahan?
- BACKSTREET BOYS

4. Maneuvres o Universal Dancers?
- si German Moreno

5. GMA o ABS CBN?
- ABS CBN kase mahilig silang mang- agaw ng talent at mataas ang sweldo ng kaibigan kong TV writer.

6. Meteor Garden of Mari Mar?
- hmmm, Si Thalia kase gusto ko ang baywang niya

7. Sinangag o pandesal
- Fried rice na may tinapa

8. Katoliko o nagpapanggap na Kristiyano?
- Buddhist na po ako

9. Day person o Night Owl?
- Isa akong kuwago, gumagana utak ko kapag gabi at nahahati ang aking katawan sa 2

10. Coke o Pepsi
- SARSI!

11. Kilala mo ba si Rainbow Brite?
- Oo naman, kabeso ko nga kanina eh, naglipana sa NY

12. Eh ang care bears?
- care bear cousins pa mismo

13. Alam mo ba kung saan na ang mga Smurfs?
- sa pagkakaalam ko nag- aalaga ng mga anak ni Smurfette

14. Randy Santiago o Apo Hiking Society?
- Mr. Shades of course

15. Megastar, superstar, Diamond star o wishing star?
- gusto ko star for all seasons- si ate Vi!

16. Nakakita ka na ba ng artista?
- Oo, si Ara Mina sa parade sa Baguio

17. Ano ang ginawa mo?
- sinampal ko dahi inagaw sa akin si Jomari at that time:)

18. Sino pa?
- Si Oyo Boy Sotto!

19. Saan at ano na naman ang ginawa mo?
- sa Rockwell. Wala kase nahiya ako dahil puro nursery ang lumapit sa kanya eh nasa 1st grade na ako

20. Sino ang pinakamagandang artista sa Pinas?
- si Charlene G.

21. Pinakaayaw mong artista?
- si Sheryl Cruz- maarte pa rin ba siya ngayon?

22. Paborito mong Pinoy Movie?
- Jologs

23. Telenovela?
- Pangako sa iyo- ito ba yung kay Kristine at Echo?

24. Ano naman ang pinanood mo sa US mula umpisa hanggang ending?
- Flavor of Love 2- ghetto na ako eh

25. Ano ang paborito mong mura kapag kaharap mo ang boss mo?
- bruha ka! sabay ngiti

26. Sa English?
- Paking shet (minimum of 20x a day. Potty mouth)

27. Starbucks addict o Deli gal?
- neither mahal ang kape nila

28. Watch mo ngayon?
- swatch na walang battery kaya tingin ako sa CP ko

29. Ano ang suot mo?
- butas na old navy na boxers at sando ni cello

30. Ginagawa mo this minute?
- gumagawa ng kakaibang survey

31 Given the choice, patatangkarin mo ba si GMA?
- hinde, tama na ang kanyang powers!

32. Gusto mo bang maging politiko sa atin?
OO naman, laki ng pork barrel eh at mahilig ako sa letson

33. Sino ang mas gwapo si Marcos o si Clinton?
- Marcos pa rin

34. Kilala mo ba si Ming?
- Ming Ramos o Baby Arenas?

35. Yung pusa?
- hindi unfortunately pero berks ko si Pong Pagong

36. Ilang taon ka noong una kang umihi sa kama
- 6 years old :)

37. Ano ginawa mo?
- umiyak tapos natulog ulit. Natuyo naman noong umaga

38. Saan ka nag- elementary?
- sa Center- SLU center run by ICM sisters

39. Like mo ba sila?
- hindi kase laging hingi donasyon

40. Sikat ka ba noong high school?
- ewan ko, pag kasama ko barkada ko oo pero pag ako lang, common tao ako

41. Were you ever a bully?
- hanggang ngayon lalo na kapag big bad bitch o jerk ka

42. Age na na inlove ka?
- 16

43. Age lang na "pop ang cherry mo?"
- 19, 21, 23, 25 at 26 yrs old

44. Nagmahal ka ba nang tunay?
- oo naman, gumastos pa nga ako eh

45. Alam mo bang mangkulam?
- slight- tinuruan kami nung college sa Psych

46. Kung ikaw ay bulaklak, anong insekto ang gusto mong dumapo sa iyo
- walking stick

47. Person you are thinking of right now?
- george bush jr.

48. Why?
- bakit nalagay sa posisyon ang bobong tao

49. Sino ang tunay na bayani? si Rizal o si Bonifacio?
- Aguinaldo kase pinapatay niya si Boni kaya friends tayo sa US hanggang ngayon

50. Greatest fear
- mautot in public

51. Are you afraid of dying?
- gago ka ba? oo naman

52. Maka- ina o maka- ama?
- Daddy's girl ako

53. Hate mo ba ang mga kapatid mo?
- noon, sobra ngayon hindi na tanda na nila eh

54. Pinakinabangan mo ba ang natapos mo?
- HINDE

55. Bakit naman?
- kase wala akong mahanap na work after graduation kaya shift ako SPED

56. Nagkaroon ka na ba ng illicit affair?
- illicit in what terms? unintentional pero mali ako agree

57. First love never dies?
- It dies, buried and will always be dead. Noong hindi ako pumayag eh naghanap ng ibang butas

58. Do you love your boyfriend even if he is having diarrhea?
- proven na ito kase in return love niya ako nang bumara ang toilet nila bec of me

59. Is your biological clock ticking?
- sadly, tick tock tickity tickitikit tak tak tak

60. How many kids?
- 2 most, human pareho

61. Do you regret anything?
- hindi ko sineryoso ang pag gigitara

62. Ilang beses kang nag- sinungaling?
- white lies o blue lies

63. Masaya ka ba ngayon?
- oo naman pero kung mas mayaman ako, mas gaganda ako

64. Brains with Boobs or Brains lang
- Brains pa rin may padding naman diyan eh

65. Anong stats mo?
36- 27- 37  hita ko pa lang yan

67. Have you lied that you were single?
- never pa kase lagi akong taken

68. What is heaven for you?
- good health, financial stability and a gorgoeus partner

69. And hell?
- having no brains, a shaved head and spending 23 days in jail for DUI aka the human form of Britney and Paris

Angat Pinoy!
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Mar.18.2007 @ 7:16 pm

 
Sa bawat pagkakataon na maaari kong ipagmalaki na ako ay Pinoy, lagi akong handa. Nakakatawa na nakakalungkot pero noong andyan ako sa Pilipinas, lagi kong sagot ay half Tagalog at half Ilokano na may halong Tsekwa. Pagdating ko rito sa Big Apple, taas noo akong sumasagot an "I'm from the Philippines, I am Filipino." Nalaman ko na may advantages ang pagiging Pinoy. Sa trabaho pa lang, ibang iba tayo. Angat nang sampung palapag ang kalidad natin at di hamak na kahit saan tayo isabak, nagiging Darna at Nardong Putik tayo. Hindi ko binubuhat ang bench nang bayan, nagta- tumbling pa ako sabay split habang tinatapon ko ito. Ang mga sumusunod ay nagpapakita kung bakit mas marami tayong "Amor Powers." 1. Mabango tayo! Isang malaking tandang pandamadam ito.
2. Isang beses lang natin sinusuot ang ating pantrabaho.
3. Tayo ay nagsisipilyo at stockholders tayo ng Listerine.
4. Wala tayong muta dahil 20 beses tayong tumutingin sa salamin habang nakasakay ng bus.
5. Naiintindihan ang ating English skills. Kadalasan ay correct grammar ang middle name natin.
6. Hindi pa gaanong nagmumura ang ating kabataan. Kaya kapag gusto kong mapasok ulit sa rehab upang malunasan ang aking pagmumura bumibisita ako sa bahay ng aking kaibigan. Siyempre sa harap ng mga anak niya, hindi ako makapagsabi ng "Pak" at "Bullpoop!"
7. May writing skills tayo. Hindi natin kinakatakutan ang essay part ng mga exams.
8. Malakas ang loob natin kapag mag- isa tayo. Patunay na ako kase diyan sa atin, nakahawak pa ako sa saya ng aking lola. Ngayon marunong na akong mag- saing at mamalantsa ng panyo
9.Nature na natin ang tumulong. Mr. ang Ms. Friendship tayo. International division pa.
10. Humble tayo. Nagyayabang lang kapag kapwa Pinoy na ang kaharap.
11. Faithful.........ang mga Filipina.
12. Cute, mapagmahal at maalaga ang mga Pinay kaya naman mabenta dito sa New York. Dito ko natanggap na kayumanggi ako at hindi malaki ang aking boobs.
13. Sa mga Pinoy naman, pagkatapos ng pang- limang date ay doon pa lang hihingi ng halik.
14. Bihira ang kuripot na Pinoy. Kung meron man, "antibiotic" sila 100%.
15. Magaling sa Videoke! Sa Abril, panonoorin ko si Lea Salonga sa Broadway. Balik Les Miserables siya hangad ko na panoorin ang isang Pinoy na nagtagumpay at ipinakita sa buong mundo na hindi tayo mga mangmang. Pangarap ko rin na sa mga susunod na araw, makikilala ako bilang isang seryosong manunulat. Susubukan ko habang pinipigil ko ang aking pagiging bungisngis.

Putang Ina! Nanay na ako
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Feb.07.2007 @ 11:28 pm

 
Putang Ina! Ito ang bokabularyo ko sa linggong ito. Hindi ko na babanggitin ang mga rason kung bakit ako bad trip pero ang sarap kase bigkasin ang mga salitang ito. Sa sobrang inis  ko, nasabi ko pa kay Lord na "Lintik naman Lord, pinagtritripan mo na naman ako! Ano bang drama mo?" Sabihin niyo nang ingrata ako pero kung mag file ka ba naman ng income tax at lumabas ay may utang ka na $2000 libo sa state, hindi ka ba mababangag? O yung mga boss mo ay tuluyang naging mg ahas at binubugbog ng pagod ang katawan mo araw araw? Wala akong tequila sa tabi kaya hopeless ako ngayon. Hindi na ako naninigarilyo dahil mahal ko na ang aking baga kaya talagang mainit ang ulo ko. Pero may nangyari sa araw na ito na hindi ko akalain na gigising at magbabalik sa akin sa katotohanan. Ang buhay ay maganda, kapag inisip mo lagi na puro pagsubok papangit ka lang nang tuluyan. Siguro hindi lang tapik ang ginawa ni JC pero isang malaking tulak ang ginawa niya sa akin. May sulat ako galing Children's International. Ito ay isang organisasyon na tumutulong sa mga mahihirap na bata mula sa Mexico, Honduras, Colombia, ibang parte ang US at Pilipinas. Itatapon ko na sana pero nakita ko ang larawan ng isang batang babae. $22 monthly kung mag- sponsor ka ng isang bata. Sa donasyon na ito, mabibigyan siya ng pang edukasyon, tulong medikal at iba pang pangangailan. Nag- compute ako at less than $300 annually ang mababawas sa aking sweldo. $22 na madali kong ginagastos sa Victoria's Secret at tuwing Biyernes sa paborito kong Vietnamese restaurant. Hindi konsensya pero ang pakiramdam na panahon na upang makatulong ako sa kapwa Pilipino ko. Mga bata ang pinag- uusapan kaya siyempre, nakuha ang puso ko. Tiningnan ko ang website at binasa ko kung saan napupunta ang mga donasyon, paano makipagcommunicate sa aking ispo-sponsor na bata at paano ako pipili. Excited akong tumingin sa mga larawan. Binasa ko ang mga profile at ang maikli nilang kwento. Isang batang lalake ang nakatawag pansin sa akin. Hindi ngiti ang binigay niya sa camera kundi isang malaking bungisngis. Nalaman ko rin na anim ang kanyang kapatid at nanay lamang niya ang may trabaho. Bukod pa rito, $28 lamang ang monthly income niya. Ang talent niya ay drawing at singing. Hindi na ako nagduda na baka exaggeration lamang ang mga detalye. Gumawa ako ng account at sa isang click ng mouse, naging sponsor na ako ng isang bata sa ating Inang Bayan. Ako lamang ang kanyang magiging pangalawang "ina." Masarap pala ang pakiramdam. Hihintayin ko na lamang ang mga papeles sa susunod na mga araw, ang sulat galing sa kanya at ang kanyang picture. Salamat kay JC, hindi niya ako binatukan dahil sa pagmumura ko pero sinabi niya gamit ang isang bata na hindi lahat sa buhay ay mahirap. Ang totoo ay may mas mahirap sa akin at may kakayahan ako na tumulong. Sa ngayon, pinagkakalandakan ko na isa na akong nanay. Pangako ko na hindi ko ititigil ang aking sponsorship kahit magkapamilya ako. Hindi ko man makita nang personal ang bata, magsusulatan naman kami at alam kong matutunan rin niya na ang buhay ay hindi lamang puro "Putang Ina!"

Paskong Bumbong
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Dec.25.2006 @ 10:20 pm

Mula kahapon hanggang ngayong gabi, ang tanging ginawa ko ay pumunta sa bahay bahay upang makikain. Ayoko nang magkunwari na sabihin na nakikipasko ako. Tanging layunin ko ang kumain ng pansit, BBQ, dinuguan at fruit salad. At bago ko makalimutan ang take home ko pa na macaroni salad na matamis at may raisins. Mag- isa ako ngayong pasko. Pinili ko kase na ipadala na lamang ang pamasahe ko sa Pilipinas sa halip na pumunta ng Florida kung saan doon nakatira ang aking mga kapatid. Siyempre, ang manunulat na ito ay dakilang OFW rin. Nakakainis kase hindi ko naman utang pero parang naging middle name ko na ang loan. Balik tayo sa paksa- ang aking paglamon sa hapag kainan ng aking mga "pamilya" dito sa Bronx. Mula umaga ay walang mintis ang text na "pumunta ka dito, dito ka kumain ng paborito mong BBQ. Isama mo ang bf mo na latino, huwag kalimutan." Hindi ko alam kung ako ang gusto nilang makita ay si Marcello na mas maganda pa sa akin o ako. Sa kabusugan ko sa fruit salad, naalala ko ang mga nagdaang pasko noong andyan pa ako sa Pilipinas. Isang panghihinayang ang dumapo dahil ang huling pasko ko sa bayan ni Aga at Charlene ay Disyembre, 2003. Kasalukuyang tinatapos ko ang aking thesis. Ang mga magulang at kamag anak ko ay nasa terrace at sinisigaw ang aking pangalan. "Lumabas ka na diyan! Maki- party ka naman." Ang sagot ko na tunog ungol ay "Sandali na lang, matatapos ko na itong pages 200- 250. Putsa naman eh! Kayo kaya mabigyan ng deadline." Best friend ko noon si Red Bull, Nestle Frapuccino at ang bawal na yosi, Pagkatapos ng 3 taon na pagiging quitter, bumalik ako dahil ang paniniwala ko ang sigarilyo ay tumutulong na mag- isip ako nang mas mabilis (Mga bata, huwag gayahin ang manunulat na ito, bad example as in bad!). Yun pala, ginagawa akong bangag kasama ni red bull. Pero natapos din ang thesis ko at goodbye kay Marlboro Lights (Gold ha). Kung maibabalik ko lang, sana ay lumabas ako at nakisalo sa aking pamilya, buhay pa ang aking lola at hindi lang isang beer ang ininom ko na inabot ng aking tatay sabay sabi ng "Ito ang anak kong magiging NYorker!" Andito na ako at sa ganitong okasyon, naiisip ko "malungkot rin talaga, may mga kaibigan ka pero iba pa rin ang kadugo," Kahit si Beauty (ang aming Dalmatian na nagkukunwaring German Sheperd) ay nami- miss ko. Gusto kong bumalik sa oras na iyon at hahagkan ko at yayakapin nang mas matagal ang aking mga magulang (kahit medyo not in good terms kami ngayon) at magmamano ako sa aking lola. (RIP lola, bantayan mo na lang ako at makigimik sa mga anghel).

Bukod pa rito, may mga bagay pa na namiss ko bigla:

1. Puto Bumbong (Lola ko naman na kabilang banger ang laging bumibili nito.)

2. Carolling ng mga bata na dala ang lata ng Nido bilang drum at siyempre ang sagot ko na "Sa bagong taon na lang"

3. Pabalik balik na mga bata na nagka- carolling

4. Ninong at Ninang (dami niyo utang ha!)

5. Mga inaanak ko (di ko na mabilang, trumiple nang napunta ako dito)

6. Barkada ko sa Bakakeng, Baguio lalo na sila Jon, Joemark, Mark at si........secret

7. Chistmas lights na kahit antena ng TV meron ang mga bahay.

8. PAROL!

9. Noche Buena at Simbang Gabi, guilty ako dito dahil noche buena lang ang natutupad ko

10. Exchange gifts ng face towel at sabon.

11. Reunions na may lechon (kasing liit ng hamster, ekonomiya ng Pinas kase eh)

12. Pagbili sa Divisoria or Baclaran ng regalo kase mura.

13. Pagbalot hanggang 3 ng umaga (Tita Liz, miss mo ako malamang dahil ako ang may job nito)

14. Ngiti ng mga bata na nakatanggap ng regalo. LALO na pag AGUINALDO!

15. Christmas cards galing sa states na nakadisplay sa sala.

16. Merry Christmas na greeting (dito kase careful kami kaya Happy Holidays ang aming sagot)

17. SANTA KLAWS na peke sa SM.

18. Pangarap na makita ang snow ng aking lola.... (okey siya Nanay pero hirap mag- shovel)

19. Shopping sa Megamall, palengke, grocery, sari sari store na background music ay "Dreaming of a White Christmas"

20. Pag -alala na sabihin ng "Happy Birthday JC! Enjoy your day, Hesus!"

Miss kaya ako ni Piolo Pascual?
7 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.10.2006 @ 12:54 am

 

July, 2006

I went to Times Square today to visit the Wax Museum. Inspite of the heat, sobrang dami ng tourists na nagpapapicture sa harap ng Toy's R Us, MTV, Planet Hollywood, harap ng theater ng Lion King, Phantom of the Opera, Les Miserables at kahit na yung pangit na broadway show na Lestat (based dun sa book ni Anne Rice). Sobrang dami ng tao, sobrang init at sobrang DAMI ng Pinoy na nakasalubong ko. I decided to have lunch sa Applebee's, medyo mukha lang ako tanga kase mag isa ako, mga puti, mga "pusit" halos lahat ng makita ko. Kakaorder ko pa lang, may narinig na akong pinoy, very distinct kase and english accent natin. Ningitian ko sila na parang long lost relatives ko. Taga Davao daw sila and of course inimbita nila ako sa table nila. Sa loob ng halos isang oras at kalahati, naikwento ko na ang buhay ko pati ang love life plus binigyan ko sila ng directions paano pumunta sa mga tourist spots (isinulat ko kung anong Train ang sasakyan, anong avenue, at kung east o west (nadiskubre ko na kung paano i- distinguish ang dalawa). Time to say good bye dahil kailangan na akong bumalik sa grand central at may utos si Marcello na bilin ko sa loob ng station. Sa isang sulok ng 6 train pauwi sa Bronx, halos napaiyak ako sa pagka- homesick sa Pilipinas. Gusto kong umuwi na ewan. Nakakainis na nakakaiyak. Kaya ngayon nilista ko na lang ang mga bagay/ tao/ pook :)/ actividad sa ating bansa :) na sobrang miss ko

1. Piolo Pascual (forever papa ko:).... ano bang update sa kanya?

2. Jollibee (chicken joy)

3. Balut

4. Pulang itlog (meron dito kaya lang di red ang color ng shell kaya di ako bumibili)

5. MEGAMALL A and B

6. Rockwell

7. Traffic (honestly kase dito traffic na yung maghintay sila ng 3 minutes while on the road)

8. Baguio (Kennon Road, yung Lion na minsan Mukhang Monkey)

9. Manila (EDSA, ORTIGAS, BACLARAN, QUIAPO, MAKATI)

10. Jollibee (nabanggit ko na ba ito?)

11. Nokia Phones (ayaw nila Nokia dito, made for Asians daw, letse!Eh status symbol kase ito sa atin :)

12. Texting habang naglalakad.

13. Pagtitipid sa pagtext.

14. Pre paid na load sa cellphone.

15. Sky Cable o kahit ano pang Pinoy Cable.

16. Mga taong nagsisimba tuwing Linggo (dito more or less 20 and pumupunta sa church every sunday)

17. El Shaddai (meron pa ba ito? Nakaaliw lang kase makinig sa mga pagpapatunay ng mga "gumaling")

18. Si Sharon at si KC.

19. Barreto Sisters (nagbati na ba sila?)

20. Mga Ayala, Tan, Lopez at Gokongwei

21. Boom na Boom, Enchanted Kingdom

22. BANGUS NA GALING SA DAGUPAN!!!!!!!!

23. Teenagers na Magaling talagang sumayaw.

24. Mga bata na marunong magsabi ng po at opo

25. Gobyerno (ewan ko kung bakit)

26. Jollibee......... (padalan niyo na lang ako ng C.J)

27. San Miguel Beer

28. Blue Ice, Red Horse

29. Rainbow (hinde yung pagkatapos ng rain. Yung 2 ginebra gin, 2 red horse, 1 liter ng Royal True Orange, ice)

30. Service crew ng Mc Do (Magandang Umaga po Ma'am)

31. Penshoppe

32. Bench (Lalo na yung mga actors na model ng underwear)

33. Si Aga at si Charlene

34. Noli De Castro (ano na ang mga nagawa niya para sa atin?)

35. Strawberry Jam mula sa BAGUIO

36. Yosi na pwede mong bilin in 1's, 2's. 3's.........10's (tumigil na ako kase ang lungs mahalaga)

37. Loveteams na corny

38. Kris Aquino (wala nang tatalo sa kanya)

39. Internet Cafes at Game Shops (yung magbabayad ka for 1 hour and so on)

40. Pwesto ng mga Xerox Machines

41. Fishball galing kay Manong Fishball sa Dagupan at Manang Fishball at Kikiam sa Magsaysay, Baguio.

42. Tsismis galing sa mga kapitbahay

43. Mga nakakainis na kapitbahay

44. Mga kababata ko na ngayon ay matanda (di tulad ko), classmates at teachers na hanggang ngayon ay nagtuturo pa rin

45. Mga cono ng Manila

46. Fashionistas at mga "sisters" and their lingo

47. Fans' Club ni Piolo, Jericho at kung sino pa na gwapong actor lalo na pag walang t shirt

48. Rice aka Kanin (iba pa rin yung andyan)

49. Lechon!!!!!!!!!!!!!

50. Free text kapag 500 ang load mo

51. Tamaraw FX na taxi

52. Victory Liner Bus

53. Mga Civic, Mistubishi, Ford Explorer and most especially ang JEEPNEY

54. Traysikel na ihahatid ka sa pinto ng bahay mo

55. Jollibee (sakit na ng mata ko sa kakaiyak)

56. Correct grammar kahit yung ale na nagtitinda ng asin sa palengke

57. Mga laging bagong ligo na mga Pinoy pagpasok sa work

58. Manicure at Pedicure/ Foot Spa

59. Facial at Massage (tumutulong ka pa sa mga visually impaired)

60. Mga lolo at lola

61. Students ko

62. Fashion 21, Ever Bilena Cosmetics

63. Ionic Cafe sa BAGUIO

64. Jollibee .............. (di na ako makahinga sa aking pagluha)

65. Baha (swimming sa daan)

66. GMA at ABS CBN

67. Food Court ng SM (para maiba naman sa Jollibee)

68. Inquirer at Star

69. Fake na VCDs at CDs

70. Puto/ kakanin/ Nakalimutan ko na, yung pinapatong sa uling)

71. Antipolo at Tagaytay

72. Revival songs aka Pinoy Rendition

73. Piolo Pascual.

74. South Border at Freestyle

75. Padi's Point, Gimbals, mga bars sa Legarda

76. Goldilocks (meron dito, frozen pagdating sa iyo)

77. Starbucks (meron dito pero wala ka kausap)

78. Mga ngiti ng mga kasalubong at pagtawa nang malakas

79. Pagpapacute sa crush, mga LQ at eyeball

80. Mga telenovela (ano ang in ngayon?)

81. Chinovela/ Koreavela (tama ba?)

82. VIDEOKE!!!!!!!!!!!!!!!!!!

83. Strolling

84. Silver bracelets ng Ibay's

85. SLU siyempre, sunod na rin ang La Salle, Ateneo, Sto. Tomas (walang pasok pag may baha), St. Paul at Mapua

86. STI at AMA (universities)

87. Si Jolina, Judy Ann, Rica at yung dating cast ng Ang TV na hindi na sumikat sikat

88. Jollibee .... in cardiac arrest na ako

89. OVERPASS AT UNDERPASS!!!!!!!!!!

90. Libro ni Danton Remoto, Jessica Zafra, Bob Ong at Columns ni Nestor Torre

91. Mantika galing sa tindahan

92. Sari Sari Stores

93. Tsinelas

94. Alikabok sa Daan at sa Bahay

95. Bong Revilla, Rossana Roces at mga anak nilang may anak na

96. Mga faith healers

97. Pagpapahula (dito ay Tarot Cards at Psychic Reading/ Aura Association)

98. Baby Cologne ng Johnson's and Johnson's (yung regular at heaven scent)

99. Green Cross Alcohol

100. Jollibee Mascot (para maiba naman)


Current Page 1
1

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org