Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Entries in "Random Thoughts"
1 2 3 | > >>
Nice Trip PJ
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.16.2007 @ 11:54 pm

Kahapon bumiyahe ang aking kaklase
Hindi na nga kami nagkita
Late ako nagising as usual
Isang saging ang almusal
Tapos basa ulit ng libroNaalala mo ba nung college tayo?
Hanga kami sa iyo dahil sa abs mo
Cool pa ang curly hair mo
Guwaping ka rin, kakaiba charm
Pero never ka mayabang
Like ka namin
Boys and girls
Kahit yung mga in between
Mabait ka kase sa lahat
Grabe ka rin ma in- love
Naging close tayo
Sa Guidance and Counseling
Natuklasan ko galing galing
As in galing mo sa advice
Samantalang ako, tameme
Malapit na sa sampung taon
Na tayo ay nagkahiwalay
Lost contact pero okey lang
Included ka sa cool group ko
Fond memories lagi sa iyo
Destinasyon mo ay nandyan na
Alam ko na okey sa alright ka
Nauna ka man sa amin
Naiwan mo naman pamasahe mo
Pamasahe mo sa bawat isa
Parents mo, classmates
Girlfriend, barkada
Puso mo, amin na ang sukli
Nice trip PJ, Hagibis Edwin
Hindi ka namin makakalimutan
Isuyo mo na rin kami kay JC
Berks mo na siya diyan sa heaven

Ang Guro... Bow!
3 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.13.2007 @ 12:20 am

 

Matagal din akong hindi nakapagsulat. Hindi sa katamaran, nawalan lang ako ng inspirasyon a.k.a nawili akong maglaro ng Wii. Nakakahiya mang tanggapin pero certified addict na ako dahil sa pula kong mga mata at masakit na hintuturo at hinlalaki.


Dalawang linggo na rin ang dumaan nang mag nagemail sa akin upang ako ay inisin. (Naiinis siya malamang ngayon dahil lagi niyang kausap ang aking abugado) Pukol niya sa akin maliban sa iba pang insulto ay mga tanga lamang ang pumapasok sa propesyon ng pagtuturo. Dinagdag pa niya na kaawaawa ang aking propesyon sapagkat bukod sa mababa ang sweldo, wala pa raw appreciation in other words, thankless. Kaseng pula ako ng kamatis sa galit pero katwiran ko na lang at least hindi ako mukhang lalake. Kung insultuhan na rin lang, aba magaling rin akong mang- asar.

Mga mababa lang ba ng IQ ang sumasabak sa pagtuturo? Sa palagay ko hindi. Actually putsa! lintik! Pusang gala! Hindi lang dapat may utak ka. Idagdag mo na rin ang pasensya, pagiging aktor/ aktres, impromptu speaker, motivational counselor at ang paglangoy pa sa dagat ng sistema ng edukasyon.

Magiging katapusan na ng mundo kapag mawawala ang mga guro sapagkat:

1. Wala ng magtatangkang magtalik upang gumawa ng baby kase wala ng teachers. Simple? Oo naman.

2. Malaking batok sa ekonomiya ng kahit na anong bansa. Kami yata ang may pinamalaking pondo.

3. Ang matitirang guro sa mundo ay si Bush. Mantakin mo!

4. Wala ng propesyon ang mga tao. Lahat tayo ay magiging tambay na.

5. Ang tanging role natin ay humilata.

6. May computer at internet pero saan manggagaling ang mga impormasyon. Mula kay Socrates hanggang kay Ms. T (naks!) ang lahat ng kaalaman natin ay galing mula sa ating mga guro. Mabait man o masungit.

7. Hindi magiging makulay ang high school life kung walang mga guro.

8. Ang mga madre at pari ay mapipilitang magturo! Huwag please no!!! Tingnan mo na lang ang nangyari sa akin.

9. Ang mga bata ay magiging brats. Brats na hindi alam ang mga kulay sa paligid at kung paano ispell ang kanilang pangalan for vandalizing the walls.

10. Walang eskwela ang maitataguyod kung walang mga guro. Kung wala ako, walang trabaho ang aking boss. Hmmmm. okey din pero nah, kailangan ko pa rin ng pambayad sa rent.


Wala na akong alam na propesyon. Marunong akong magtupi ng t shirt (pwede siguro ako sa Gap, Old Navy o Banana Republic). Kahit ano pang panlalait ang gawin ng iba diyan, taas noo at paa pa rin ako dahil ako ay isang guro.

Sabi Nila
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.08.2007 @ 12:26 pm | Last edited: Jul.08.2007 @ 11:31 pm

Sabi Nila….


Sabi nila kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay
 Ang tanong ko ay white bread, wheat bread o yung may food coloring
 Sa mga nagdaang araw, hindi bato ang pumupukol sa akin
 Kundi hollowblocks, sa rason sa palagay niya sa
 Ako ay sobrang pangit at matabang Pinay
 Galit siya kase sabi ko ko kaawa- awa siya

Sabi nila kapag sinampal ka sa pisngi, ibigay mo ang kabilang pisngi
 Ang tanong ko ay  anong pisngi, pisngi ng aking puwet
 Sa mga nagdaang araw, puro bullshit kase ang sinasampal
 Ninakaw niya ang aking identity sa internet
 Nagpapanggap na siya ako, gosh! Flattered naman ako!
 Pati ba naman pictures ko, inaalipusta

Sabi nila kapag inapi ka, ang gawin mo ay ipagdasal siya
 Ang tanong ko ay kanino ko siya ipagdadasal
 Sa mga diyos ng araw, buwan o kay Jesus the cool Savior
 Kase ang prayer niya sa akin ay maalis sa buhay ng bf ko
 Kase in love siya dati sa inamorata ko
 Dagdag pa  niya, hopeless akong makapag- asawa

Sabi nila kapag ininsulta ka, hayaan mo na lamang
 Ang tanong ko paano kung patuloy tuloy
 Magiging tanga na lang ba ako at sikmurain
 At insulltuhin ako gamit ang Internet
 Kase may superpowers siya gamit ang mouse
 Pati ba namag website ko, ini- spam

Sabi nila kapag may galit ka sa puso, hindi ito healthy
 Paano kung ang tingin ko rito ay bullshit?
 Tahimik lang ako tapos ginagago ako
 Hindi yata tama ito, katangahan na
 Wala siyang magawa kundi pintasan
 Ang aking pangong ilong, at cellulite

Sabi nila kapag gumanti ka, para mo na ring sinapak si Lord
 Paano kung araw at gabi, fiesta ka sa kanya
 Obsessed na siya dahil makulay ang mundo ko
 Samantalang siya ay mukhang isda
 Hindi ba ang sermon ng Panginoon
 Be good fishers of men, puwes bilasa siya

Sabi nila kapag sinaktan ka, kalimutan at hihilom rin ang sugat
 Ang tanong ko paano kung kinukuyod naman ang sugat mo
 Kahit ano pa ang gawin mo ay hindi pa rin siya titigil
 Dinaan mo sa santong dasalan, eh Decepticon naman siya
 Hindi mo pwedeng daanin sa santong paspasan
 Ayoko rin namang ma- deport

Sabi nila kapag tinawag kang estupido, tahimik ka lang
 Wow! Prestigious na Unibersidad pa naman siya
 Ako ay hamak na guro, walang pinag-aralan
 Mababa ang sweldo, walang laude laude
 Mga idiots lang daw ang nagtutuo sa ekwelahan
 Kawawa naman ako………….Not!

Ang sabi ko naman
 Tama ang galit sa puso ko
 Tama na ang sagutan
 Tama na ang trying to ignore
 Tama na ang pagiging martyr
 Tama na ang kagaguhan

Ang sabi ko naman sa kanya
 Magkape siya
 Maging alerto
 At may bago siya friend
 Malamang lagi silang magkikita
 Ang mag- uusap ng matagal

Abugado ko ang kanyang BFF

Ang Pagtatapos
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.21.2007 @ 11:30 pm

Sa Martes ay graduation ng aking klase. Pagtatapos ng taon sa kindergarten na puno ng pagsubok, pakikipag- away sa akin at tagumpay na ang pula ay hindi berde. Sampung buwan kong inalagaan ang mga uhugin, makukulit at kadalasan ay nagpapatawa sa akin. Ipinagmamalaki ko sila sapagkat sa kabila ng kanilang kakulangan, nagkaroon sila ng lakas ng loob na matuto at maniwala na maganda –pa rin ang buhay. May mga araw na lumuluha na sila dahil napaka- strikto ni Ms. T at karamihan naman ay ayaw na nilang umuwi. Habang nag- eensayo para sa presentasyon, naiiyak ako sa kagalakan habang nakikita ko silang umaakyat ng entablado. Habang kinakanta nila ang "Because I’m Big" gusto ko silang yakapin na parang nanay na kailangang tanggapin na lumalaki at ngayon ay magtatapos na. Bilang isang guro, mas importante sa akin ang makitang grumaduate ang aking mga estudyante. Katwiran pa ay mas masaya ako kumpara nung nagtapos ako mula sa graduate school. Sa araw ng pagtatapos, nakahanda na ang aking damit, sapatos at pabango upang maging saksi sa tagumpay ng aking klase. Sa auditorium man nila tatanggapin ang kanilang mg diploma, sa aking paniniwala ko ay daig pa nila ang graduates mula sa Ivy League.

Ang mga huling habilin ko sa kanila ay ang mga sumusunod
  1. The person who says those words to you is the same person who is like that. Example, kapag sinabihan ka ng estupido, ang taong iyon ay sobrang baba ng IQ.
  2. Always wash your hands before and after you eat, after you use the bathroom. And utang na loob, gumamit ng paper towel at huwag magpagpag na parang ulan.
  3. Kaya mo yan!!! Subukan mo muna kahit first step lang tapos aaalalayan kita. Dahil sa kakulitan ko, natuto na rin silang magsuot ng straw sa kanilang juice, mag- button ng kanilang shirt at ang ultimate tying of shoe laces.
  4. Tandaan lagi ang unang letra ng iyong pangalan. Kapag natandaan mo na ito, carry na lang ang buong alpabeto.
  5. "The more you ask, the more you won’t receive" Mahalaga ito para matuto sila ng halaga ng pasensya at huwag kulit kulitin si Ms. T.
  6. Put up your book bag then put your homework on my table……nicely. Ikaw ang gumawa ng takdang aralin at huwag si mommy o si kuya.
  7. Share whatever you can.
  8. If someone hits you, stop and tell the person to "Leave me alone." Kapag sinapak ka ulit, tawagin ang guro at kung isa pa, may pahintulot na akong upakan mo siya within 5 seconds. Sa ganitong pagkakataon, takot na ang dalawang partido na mag boxing sa harapan ko.
  9. Laging please at thank you. Angat ka kapag may manners ka
  10. Hindi mo kailangang maging brat, bully o ghetto para sumikat
Isang taon na naman ang lumipas at dalawang buwan akong magpapahinga. Maaaring mag part time ako sa Gap o Barnes and Noble para sa ekstrang kita. Sa aking klase ng taong 2006- 2007, lubos na pagbati sa inyong pagtatapos at sa bagong simula ng inyong paglalakbay.      

Ang Tatay kong Nugnog
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.13.2007 @ 11:38 pm | Last edited: Jun.13.2007 @ 10:50 pm

 Malapit na ang Father's Day. Natapos ko na rin sa wakas ang librong magiging handog ng aking Tiyo sa kanyang asawa sa kanilang anibersaryo. Buong kagalakan ko itong ginawa dahil tungkol ito sa isang magulang na sadyang mapagbigay. May mga ilang pagkakataon na napapag- isip ako dahil ang mga salitang "faithful, responsible, concerned, present" ay wala sa bokabularyo ng pagpapalaki sa akin. Sa aking opinyon, unique lang ang aking mga magulang. Pag- uusapan natin ang aking ama. Pinili ko siya dahil padadalhan ko siya ng allowance sa araw ng mga lalakeng tinayuan at nagdonate ng sperm cell. Sa ibang panahon na ang aking nanay, hindi kasya ang website na ito kung siya ang pag- uusapan.Ang tatay ko ay galing sa mahirap na pamilya.

Siyam silang magkakapatid at dalawa lamang silang biniyayaan ng brains ni Lord. Ang iba ay nabigyan ng talento sa "golp" at pasensya na maghintay sa paghulog ng bayabas. Cute ang tatay ko, in other words short at maitim pero ang mga mata niya ang kanyang greatest asset. Marami rin siyang naging girlfriend (hanggang nagyon) at dahil na rin sa kanyang Napoleon complex, ayun nagpagulong gulong para maging ace player ng tennis, bowling, ping pong, golf puwera na ang basketball. Nakatapos siya ng kolehiyo sa UB sa pamamagitan ng pagiging part time custodian at tag- gawa ng term paper ng kanyang mga kaklase. Sadyang matalino si Popsie at sa kanya ko nakuha ang aking writing prowess. Magaling siyang magsulat ng love letters na hanggang nagyon ay kayaman ng aking mudraka (aka momsie). Sinunod ko ang kanyang sideline at nagpabayad din ako ng 50 pesos para sa isang original na love letter noong asa college naman ako. Natanggap siya bilang auditor sa Pines Hotel hanggang sa lumipat siya sa BPI. Sabay ng kanyang pag- angat, sabay rin na lumayo siya sa amin. Ang mga kapatid ko ay puno ng galit sa kanya pero ako ay ambivalent. Okey lang kung andyan siya, okey rin kung wala. Bata pa lang ako, dedma ako sa mundo. Mahirap nung wala siya kase ang nanay ko naman ay nagsungit sa amin. Masasabi kong lumaki akong gamit ang sarili kong utak, paa at kung minsan ang aking pwet. Lumaki nga ito dahil sa kakapalo. Kaming magkakapatid ay may iba ibang types ng defense mechanism sa absence ni Popsie. Ang kuya ko, balanced lagi- gimik at aral pareho siyang magaling. Responsable pwera kapag hinihika. Ang Ate ko naman, tahimik, nagsungit din pero siya ang pinakanasaktan. Ako na bunso ay "buong sunod sunuran" sa mga aral na ibinigay sa akin. Sinulat ko pa nga sa aking language notebook, 100 times pero mga 10 beses ko pang nagawa. Kaya nga love na love as in sobrang love ako ni muder. Bukod kay SMB, girls din ang kinawilihan ni popcie. Eto namang mga girls sige kahit mukhang lolo na ang aking tatay, lapit pa rin para malibre ng tagay. Bago ako umalis, ilang babae na rin ang nakasagutan ko sa text at nahagisan ng ashtray. Sa lahat ng pagtataray ko, walang sinabi si Popsie, alam niya kaseng babaltan  ko ng buhay ang kanyang mga kulasisi kapag nasalubong ko. May mga kakulangan siya na hanggang ngayon ay kinaiinisan namin pero sa huli, Tatay pa rin namin siya. Sabi nga ng aking kapatid ko, "Maka- ama ka kase kahit ano pa ang inis mo, love mo pa rin si Popsie." Siyempre paborito niya ako at never niya akong pinalo. As in never. Sa kanya ako mas malapit dahil mas magka- uri kami. Ang mga sumusunod ay namana at natutunan ko kay Popsie.

1. Smile mula kay Mayor hanggang sa Janitor. Ito ang lagi kong tinatandaan. What goes around comes around. Mr. and Ms. Friendship kami ni Popsicle.

2. Ang friends ay mahalaga pati gimik. Contest kami kung sino ang mas late na umuwi sa amin. Ito siguro ang dahilan kung bakit maraming puting buhok ang nanay ko.

3. Mag- aral lamang ng isang araw bago exam. Ang test ay hindi mo buhay. Sinunod ko ito, okey naman. Genetically smart kase eh.

4. Ingat habang nagmamaneho. Bago niya ibinigay ang kotse, bilin niya ito pero siya naman 3 case na ng beer, galing pa rin mag- drive. Ako kahit hindi nakainom, kaskasera. Need for speed ang motto ko.

5. Huwag magpakasal dahil in rebound. Ayan kase Popsie, hindi mo hinintay ang love mo bumalik galing amerika. Haay! Buhay. Sayang, soulmate pa naman niya.

6. Magpapayat ka naman anak. Nung payat kase ako, nakadisplay ang picture ko sa office desk niya. Nung lumobo ako, biglang nawala. Ngayon siguro ididisplay niya ulit.

7. Wala kang mapapala sa galit. Init ng ulo okey huwag lang maging middle name mo. Si Popsie always cool. Gusto ko siya kse hindi siya mabunganga.

8. ENJOY LIFE kase baka mamatay ka bukas. Yan ang pilosopiya ko pero may savings na itinatabi. Kailangan kong turuan si Papa na mag- ipon.

9. Tawanan mo lang ang nanay mo este kapag may problema ka. Sinunod ko ito noong nasa Dagupan ako. Naloka nga ako sa kakatawa. Buti na lang sinundo mo ako Papa, "Thank you forever."

10. Huwag maglagay ng sobrang make- up o magmumukha kang kabuki. Lagi niyang bilin, hanggang sunblock lang ako at lipgloss. Swerte na kapag sinipag akong mag- mascara. Natural beauty, mala- safari ang beauty ko siguro.


Namimiss ko na rin si Popsie at ang mga simpleng utos niya sa akin noon tulad ng:

1. Kunin mo wallet ko, kulang pa ang allowance mo.

2. Ipagluto mo ako. Naku! Huwag na, microwave mo nalang yung tirang pagkain ni Simba.

3. Itapon mo na ang iba mong sapatos. Doble doble ang style, ibang kulay lang.

4. Huwag mong nakawin ang load ko sa cellphone!

5. Huwag mong basahin ang mga text messages ko! Huwag mo rin nakawin ang Pasaload ko!

6. Sunduin mo ako ng 12:00, pwede 1:00, Teka, 2: 00 na lang para siguradong tulog na nanay mo.

7. Shift to neutral tapos first gear kapag matirik ang daan.

8. Check mo kung may flashlight ka sa compartment.

9. Huwag mabilis magmaneho. Dalian mo LATE na ako!

10. Hehehehe! Tawanan na lang natin nanay mo, Ingay no? Gising buong subdivision.

11. Huwag kang pumunta sa bar na gigimikan ko, itext mo ako kung darating kayo ng barkada mo at aalis na ako.

12. Boyfriend mo ba yan? Kung oo, okey lang. Kapag hindi, mas okey. Huwag ka papaapi.

13. Ang kotse ay hindi kwarto kaya alisin ang mga nakasabit na seven dwarfs.

14. Huwag kang mag- communion kung hindi mo feel. Kapag sinigawan ko ng nanay mo, pumila ka na.

15. Tahimik ka kapag pinapagalitan tayo. Hindi kita isusumbong, huwag mo rin akong isumbong. Promise?
Happy Father's Day Popsie!

Batchuchay
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.01.2007 @ 1:04 am | Last edited: Jun.01.2007 @ 12:13 am

Miyerkules ng hapon, nakaupo ako sa harapan ni Dr. Pulpol. Code name niya ito dahil hindi ko mabigkas ang kanyang Indian name. Natapos din ang sangkatutak na mga blood tests, poop tests at urine tests. Isang timba na siguro ng dugo ang kinuha sa akin at sa bawat pagkakataon, mga planeta ang nakikita ko. Hindi ko habit ang bumisita sa duktor at mana ako sa Tatay ko na as long na hindi pa lumalabas ang aking bituka, okey pa. Kaso nakakalimutan ko na tumatanda na rin ako kasabay nito ang mas lalo kong tumatatalas na isip. Isang pruweba ay hinahanap ko ang aking contact lens, nasa mata ko na pala. Anyhow carabao, napilitan akong magpaduktor dahil sa mga sumusunod:


1. Allergy na hindi maalis alis kahit adik na ako sa Claritin.
2. Lagi akong inaantok, hindi karaniwan kase naiiglip pa ako sa train na di ko namamalayan.
3. Kahit nagpahinga na ako, pagod na pagod pa na pagod pa rin ako
4. Lagi akong uhaw na parang aso na gallon na ng tubig ang iniinom ko.
5. May mga pagkakataon na ang paningin ko ay nagdidilim, hindi ako nagiging bampira pero namumuti ako sa takot.
6. Exercise ako to death pero konti lang ang nabawas sa timbang ko
7. Kahit binago ko na ang aking diet, wala epek.

 

Yun pala ay...Sabi ni Dr. Pulpol "You have a medical condition that your body cannot break down sugar from the food that you eat. It retains all the fat and this is a metabolic disorder. This is the reason for your constant fatigue, sleepiness and uncoordination. You need intensive treatment for 6 weeks then we will do another round of test. If you want to live, follow my order and take the medications I will prescribe. If you had not come to me, you can just drop and have a cardiac arrest one of these days." Takutin ba ako? Putsa! Ang akala ko simpleng spring allergy lang, apunta sa isang sakit na maaaring magdulot sa akin ng kamatayan. Mabait talaga si Lord at hindi pa niya naihanda ang aking suite sa langit at si Lucifer naman ay takot sa competition. Marami sa kamag- anak ko ay may diabetes, lung cancer dahil sa yosi, cancer dulot ng kakuriputan at biglaang namamatay dahil sa heart attack. May nag- suggest na doctor mula sa Baguio na magpatest ako pero dahil sa kamahalan, sinabi ko na lang "Pagod lang ito Doc. Teacher kase ako so expected na laging pagod ang feeling ko." Isang malaking pagkakamali dahil kung naagapan ko lang di nasayang ang aking pera sa mga diet pills, bangkok pills, herbalife at kung ano ano pa para lang pumayat ako. Vain rin ako kaya inis na inis ako dahil nagpapayat naman ako pero bakit 1 pound lang in three months ang nawawala. Pilates, elliptical at kickboxing na ang ginagawa ko pero ang mga bilbil ko ay tinutukso pa rin ako. Kungsabagay pagkatapos lagi ng workout ko, halos himatayin na ako sa sahig at hindi ako makatayo nang mga 15 minutes. Well ito ang mga pagkain na hindi ko pwedeng (buwisit!) kainin sa loob ng 2 buwan at mga gamot na aking iinumin na pasalamat na lang ko ay covered ng aking insurance.

 

Bawal as in bawal: Orange juice
Apple juice
Grape juice
Milk
Soda (napakasakit Kuya Eddie)
Pasta
Bread
Rice
Cereals (ano na breakfast ko?)
Potatoes
Sweets (pakshet!)
Chocolates (Pusang gala talaga!)
Fried foods
Pork (doble pakshet!)
Wheat products

 

Pwede ko lang kainin
Mansanas
Gulay
Tubig
Green Tea
Ubas
Carrot (magiging bugs bunny na ako?)
Cucumber (para na rin sa aking eyebags)
Lean Beef twice a week lang, steamed fish Medications
Xenical (thank you GHI dahil hindi ko kaya ang $325 for 30 caps)
Fish Oil in its purest, yuckiest, eeewwwwwest! form
Dobleng Dose ng Multivitamin
Dagdag na iron supplements  

 

 

Sana after 6 weeks, buhay pa ako at hindi baliw dahil hindi ko nakain ang mga cheesecake at fried calamari kada Friday. Okey lang, kakayanin ko kase gusto ko pang mabuhay. Leksyon sa araw na ito:
Kapag hindi na maipaliwanag ang nararamdamang pagod, magpatingin. Kadalasan kase binabaliwala lang natin ang kalusugan. Buti na lang nagka sinus infection ako at nalaman ko nang mas maaga. Wala pa naman akong nailalagay na pangalawang beneficiary maliban sa aking pamangkin sa oras na pumanaw ako. Aba! Ayaw ko naman mapunta lang sa state of NY ang aking pinaghirapan na life insurance.

 

H to the O I care
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.24.2007 @ 12:12 am

Rejection again
Across my face
In a mole's hole
My butt is sore
So is my ego

 

A pinch of hope
Dash of confidence
Then walk again
Head help up
Perhaps fall again
But the hell I care

 

I will try another publisher.....

 

Inlove(an) sa Starbucks
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.23.2007 @ 12:30 am | Last edited: May.23.2007 @ 10:19 pm

Tumambay ako kanina sa Starbucks kasama ang aking katrabaho. Para kaming East meets West dahil Caucasian siya with blue eyes, 6 feet tall and long blonde hair. Ako naman ay may dark brown eyes, 5"4 feet at long black with red/ magenta/ brown highlights. Habang nilalamon ko ang aking pangalawang mint cookie, bigla niya akong tinanong, "Ms. T how many times have you fell in love?" Mabilaukan ba ako!? "Hmmm, let' s see. Maybe 3; perhaps 4. No, I think it's 5." "How do you know that you are in love?" Isang malaking halakhak ang sinagot ko sabay sabi na "When it comes to a question like that, I am not the person to ask. If I tell you, you'll just get confused cause until now, I am still confused." "Come on, you got to share just a little. I want to know how Asians love?" Sa isip ko lang "Ginagago mo yata ako, Hello kapareha din kita magmahal. It is either nakahiga, nakatuwad, pagilid o nakasalpak sa dingding." (Sorry nabasa mo na ito, konting pollution lang naman sa utak mo). Tumawa siya at hinampas hampas ako. Sa laki ba naman ng kamay niya, nalagyan yata ako ng latay. Umuwi ako at habang nasa 6 train, naisip ko ang history ang aking love life. Para akong baliw na nangingiti na lang habang nililista ko ang mga pangalan ng mga lalake sa buhay ni Hazel. Handa na ba kayo?

(Para protektahan ang mga taong sangkot sa aking love life, iniba ko ang mga pangalan. Halimbawa ang Ding ay gagawin kong Dong. Okey ba?)


Una kong boyfriend sa edad 12
Isang chekwa, boys' high
Sinagot ko kase natamaan ako
ng bola sa St. Vincent's Gym
Unang halik, niyahahahaha
Hindi ko alam ang gagawin ko
Hindi rin naman ako nanginig

 

Pangalawa kong boyfriend sa edad 16
Boys' high din, ayoko ng Don Bosco eh
Para namang sawa at octopus
Asiwa ako kapag kasama ko siya
Swerte raw ako, Brown eyes si Stan
Pasko, nakita siya ng barkada ko
Kaakbay ang isang girl sa Session Road

 

Pangatlong biktima (hehehe) edad 17
Basketbolista ng UB, tangkad eh
Barkada din ng Tatay ko Tatay niya
Pero hindi nila alam, cool no?
Kaso raging hormones siya
Eh ako naman ayaw pang bumigay
Naghanap tuloy siya ng ibang butas

 

Pang- apat na lalake, naloka ako!
Ewan 180 degress ang ulo ko
Rebelde ako sa bahay, sa inis
Sinagot si Pael, wawa naman
Kase mas mahal ko barkada ko
Edad 18 sige na nga, wala magawa
Tatlong taon din bago ako nangaliwa

 

Pang- lima, edad 21 sa Dagupan
Nangaliwa nga ako di ba?
Guilty talaga, sinabi ko naman
Pero dinaan ko sa text
Kala ko si Ike ay okey
Kalog at kalog din ang utak
Dugo ang iniluha ko, karma ko!

 

Masalimuot ba ang mga kabanata ko? Hindi naman kase may mga (un)opisyal na mga naging karelasyon ko. Hindi ko pa rin mawari kung bakit sa kanila tumibok ang puso ko. Love talaga, pag iniwasan mo. Kahit sa sidewalk ka pa tumabi, hit and run ka sigurado.

 

Una kong minahal, edad 17
Kuya ng kaibigan ko
Siya lang iniisip ko
Tuwing economics class
Hopeless kase bata lang ako
Ang tingin ko sa volks niya
BMW, guwapo pa rin si Pon


Pangalawa edad 17 din
Ang best friend ko na artist-poet
Nung ginago siya ng gf niya
Doon ko na realize, mahal ko pala
Pero sabi ko sa kanya habang umiiyak
"Ayaw kong mawala ang bespren ko"
Apat na taon na kulang na lang Oo

 

Pangatlo, edad 19 may sumingit
"Magdasal ka Hazel", lost ka kase
Ilang away din ang drama namin
Pero dahil mas feel ko siyang barkada
Friends forever, ngayon friendster ko siya
At malapit ng maging Pari si Ding

 

Pang- apat, edad 25     (bulag ako from 20- 24)
Best friend ng ex ko
Sa wakas inamin na din niya
Kaso hindi pwede, tago nang tago
Maraming masasaktan, tinigil ko
Pero salamat Jins, sa pag- alaga
Habang nasa rebound ako

 

Pang- lima, edad 25 buwan ng Pebrero
Sa Ionic nag- umpisa, kape at yosi
Pilosopiya at special ed nagsama
Advisor niya ako sa panliligaw niya
Biglaan lahat, rollercoaster
Rhon, love actually talaga
Huwag galit, totoo mong name ito

 

Pang- anim edad 25 buwan ng Mayo- Hulyo
Pen pen de Sarapen name niya
Kwarto ni Dale na may cake, roses at candle
Sabi niya sana "Noon pa dapat tayo nagkita"
Okey na ito kase baka hindi rin naging tayo
Ikaw ang huli kong tinawagan sa airport
Paalam at salamat sa panahon na binigay mo

 

Kung kilala niyo ang mga taong nabanggit, tumahimik na lang kayo. Bwahahahaha! Kung ikaw naman ay nasa listahan, swerte mo naman. Naks! Kase alam ko mabait akong girlfriend. Moody pero laging selfless. Bilib kahit sabihin mo pang mag- iimbento ka ng bagong plantsa. Wala akong mintis na susuporta pero kapag nainis naman at wala ng pasensya, goodbye na talaga. Sana ay may naidulot na aral ito sa inyo. Kung wala naman, thank you na lang kayo kase natawa kayo sa aking makulay crayola na buhay pag- ibig.


Lampas sa dalawang taon na kami ni Marcello. Hindi rin ako makapaniwala pero alam ko na in love ako dahil marunong na akong mag sorry at gumigising akong nakangiti dahil tabi ko siya na naghihilik na parang pusa.

Addicted to Victoria's, Inc.
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jan.08.2007 @ 6:19 pm

 

Addicted to Victoria's, Inc.

I have a confession to make. It may sound irrelevant but since I have no serious topic to write about, I chose to write about my panties. I am addicted to Victoria's Secret panties. Yes, my panties will be the meal of the site today. Since I came from the "Pearl of the Orient", I have been buying panties from Victoria's Secret on a regular basis. To estimate the number I have, I own at least 160. My boyfriend gasped in horror as I revealed the number. He looked at me like I committed one of the deadly sins like gluttony but I firmly believe that a woman should never be seen with a underwear that is hole infested or worst rag like. He further accused me of being a Victoria's Secret parasite and threatened to hide my VS Angel Card. However, there is no intervention that will cure me of my addiction. I have varieties such as the boy cut, low rise, high rise, bikini and the thong. I stopped buying the thongs since I felt uncomfortable with just a string and a ribbon on my butt. To add to the matter, it gives a sensual rubbing when things get too tight. Perhaps this is the reason many women wear thongs. I gave up on them since I felt bare and I don't want anyone staring at me squirming on my subway seat. I counted them while I was doing my holiday cleaning. I was surprised but I know there are others who own more than I do. However,the topic of women's panties to men may be ridiculous (except for those who have a fetish for it), I realize that "not having enough underwear" for a woman is a fact and it is important. It defines us from men who pride themselves of having at least 5 boxers or briefs. Almost all of them do not care if they have worn it twice. On the other hand, women feel empowered by these panties. Call me absurd but I know that wearing one even if you are as fat a blue whale or as thin as a pole, you somehow feel sexy everytime. You may wear a frumpy get up but underneath is a satin underwear with lace and ribbon trimmings. Feels like a Christmas tree and a vixen, right? For me, my reason is more sentimental. When I first came to Gotham City, I did not have enough money to buy anything from Victoria's Secret. All I can afford was the dollar panties from the Lot Store which unfortunately are slightly irregular. Wearing them was hell since it would bunch up on the other side and grip like an Anaconda. It was one of the signs that I was struggling like the Israelites during the Exodus. Add this to my having only $19 to survive for three weeks, a room fit for Stuart Little and worrying about the skyrocketing interest of my loan. When things got better for me, I paid off all my debts and I got paychecks in a steady stream, I started buying panties. What started with 5 for $25 VS panties turned into an empire, well sort of. Seventy percent of them are in red since I love the color and I have at least 20 VS brassiere. Yesterday as with all Sundays, my boyfriend and I were strolling in 86th street. We bought DVDs on sale from Circuit City and Best Buy as if we still have space for more. We were heading back home when I noticed the Pink Sign on  the VS store. Semi- Annual Sale! Hordes of women flocked. My feet were itching to cross the street but my boyfriend said "Stay!" He would not let me go and defended that he was just "saving" me from further expense. Well, I lost the battle but I have time to retaliate. Maybe on Friday, I will sneak an attack and buy a few underwear, I will try to so desperately.

Two Broken Watches and Alanis Morissette
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Dec.06.2006 @ 8:49 pm | Last edited: Dec.08.2006 @ 8:23 pm

 

In two straight days, I have broken two watches. Both are of high importance and value to me. They were both given by my boyfriend and I have relied on them through countless times. One is a Betty Boop watch and the other is Sigmund Freud. Just having these watches show how bipolar my personality is. I love Betty Boop same as I like the Care Bears and I love Freud as I am a believer of his psychoanalytic approach to explain human behavior. I firmly believe that we are still controlled by our Id but life, beautiful as it appears has been plagued by Ego. It is commonly known as everyday shit and we act according to what is required and expected of us. However, the lost of both watches continues to devastate me. They are not completely broken but the thing is (absurd as it may seem to you), I have formed a connection, a relationship with them. Call me a little off the handle but I am proud that I value what is given to me by others and I have the habit of baptizing my things like they are newborn babies. My boyfriend said it will be alright to ask for an exchange with Freud. I agree with him but it is not the same Freud I had. He was the only reliable "person" I counted on during these two weeks of endless poop from work. He gave me time, made it faster and guided me as I swim in the oceans of piranhas from Monday to Friday. What is the relevance of my broken watches to this piece? I am not sure yet I still continue to type for writing. Many will say, writing is therapeutic especially when one is going through a crisis. Wait a minute, my life has been made from crisis. Some resolved, others impending and most inevitable. Then writing is my drug, my crack or my "Lucy in the Sky." I judge that this piece is my most confusing to date. The author's mind is filled with endless thoughts plus the past fourteen days have been full of shit like I feel that I am constantly working in an ass community. Everyone tries to poop on you, and you try to avoid the stink but in the end, you realize that all that you believed and fought for is just pure shit. I teach because I want to make a difference alongside with having a decent pay to cover my rent and Gap expenses. I do not love children, I care with all I can offer in a day. There is a big difference. Love connotes acceptance no matter what. Caring is a step further since not all children are cute and behaved. Most in my field are snot filled vases, bruised and beaten plus hungry and behave like dogs on the street. If it is just simple love, I would have said "I love you" a million times and that child has been miraculously taught. However, caring for a child that even their parents dislike them takes more courage, effort and valuable time. I cared for my students for eight fucking years (excuse my language) and everyone of them who spent a year or two have realized that they have worth. Inspite of what they lack, they excel on what they can do. I do not accept failure and no excuses. Maybe this is the reason why I feel so bad when the institution you work for, whom you thought shared the same vision for your class is the biggest shithole. I am honestly disheartened and utterly exhausted. It is only four months that I have started another journey with 12 children (count the 4 who are illegaly in my room which total to 16 childen, sometimes 18 and usually 21 on a really bad day). I feel that I am losing a battle which I am not even supposed to be in. Somehow, I still find a flicker of hope (?) , bravery (?) and bitchiness (!) to still report for work. I guess the only thing I can do is close the door and try to fulfill the role of an educator. It may "stink" so bad outside of room 102 but I try to transport these children in a flower fragrant laced place. They just learn to their hearts' content without any unsolicitated shit from the main control room. It is enough that their beloved Ms. T will be dumped with tons of b*shit but at least she still smells like a Macy's Catalog.

What is the connection of Alanis here? Again, I have no clue. It just so happens I have her album on the player and the song, "You live, you learn" is put on continous play unconsciously by the author.


Current Page 1
1 2 3 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org