Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Entries in "Ang New York ay Isang Isla"
1 2 3 4 5 6 | > >>
Voting For Filteany Entry for Wika 2007
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.21.2007 @ 12:47 am | Last edited: Aug.20.2007 @ 11:51 pm

Hello Everyone


Exercise your right to vote!Cut, copy and paste the URL to read the entry 

 http://pintig.pinoyblogosphere.net/story.php?title=Isang-Click-para-sa-Halo-Halo-Espesyal-Pilipino-by-Hatchzel  

Eternal Gratitude to all of you. Filteany

Isang Click Para sa Halo Halo Espesyal Pilipino
4 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.16.2007 @ 7:44 pm

Ako ay Filipino.

Purong purong lahi mula sa aking kulay hanggang sa aking ilong. Pilipino ang aking wika na aking kinagisnan, Ang wika ko ay nahati sa dalawa; tagalog at ilokano. Magaling akong magsalita ng tagalog pero kaunting salita sa ilokano ang aking naiintindihan. Sisihin niyo ang aking nanay na ipinagbadya na matuto akong magsalita ng wika ng aking tatay. Ang paniniwala niya ay tulad ng mga Filipino noon, kanya kanyang probinsiya ata para raw hindi tumigas ang aking dila. Noong nagkaroon ako ng trabaho sa Norte ng Luzon, gusto kong sakalin ang dakila kong ina sapagkat nagmukha akong tanga sapagkat hindi ko alam ang makipag- usap sa aking mga estudyante at katrabaho. Ang katwiran ko na lamang ay magaling naman akong magsalita ng ingles. Kayang kayang ko pang gayahin ang mga twang at accent. Ito na ang naging agimat ko, ang pag- bukod ko gamit ang wikang hindi naman sa akin. Naging mangmang ako sa sarili kong bayan. Mali naman ang aking ipinagmamalaki.

Ako ay Filipino.

Isang estranghero sa isang bansang may libo libong wika. Araw araw ay gamit ko ang wikang ingles upang makapagturo sa klase, makapagreklamo kapag nilalait sa trabaho at mag- ingay kapag ginigitgit sa tren. Ang aking dila ay hasang hasa na ngunit uhaw na uhaw naman ito. Ito ay matinding uhaw na puwede lamang maibsan ng pagsasalita ng wikang Pilipino. Tuwing may nasasalubong akong kapwa Filipino, titigil ako upang kamustahin siya. Sa lahat rin ng pagkakataon, ang kababayan ko ay hihinto rin upang tanungin kung ilang taon na akong naging malayo sa Pilipinas. Ang maintindihan ka nang tuluyan gamit ang wikang Pilipino ay nagdudulot sa akin ng pakiramdam ng paglapag ng eroplano sa NAIA. Nakakauwi na ako sa ating bayan kahit sandali lamang. Ang espesyal pang kaganapan ay nagkakaintindihan kahit na iba ang wika. Ilokano man o Ilonggo ay naiintindihan ko. Tanungin man ako sa kapangpangan, sasagutin ko naman sa Tagalog. Pareho kaming magpapaalam nang masaya ng aking kausap. Kasiyahan na nagbibigay lakas na naman upang kumayod ng buong linggo. Ipinagmamalaki ko ang wikang Pilipino sa iba’t ibang anyo nito.

Ako ay Filipino.

Mahilig akong magkaroon ng mga bagong kaibigan. Natuklasan ko at tuluyang ibinenta ko ang ang aking kaluluwa sa Internet. Nagkaroon ako ng pinto na madali kong buksan kung kailangan ko ng bagong impormasyon, balita na nagaganap sa ekonomiya ng bansa at siyempre ang manood ng mga nakaligtaang Pinoy telenovela sa Youtube. Higit sa lahat ay tulay ko ito upang panatiliin ang relasyon ko sa aking kapwa Filipino. Libo libong milya man ang nasa pagitan ko at ng aking mga kausap, hindi ito hadlang. Ang Internet ang aming malaking telepono na kapag sinagot mo, kalahati ng bansa ay naaalerto. Ngayon ko nauunawaan ang napakaraming posibilidad na naibibigay ng internet. Isang pangangailangan ng tao ay ang magkaroon ng boses at mapakinggan. Hindi ito maitatatwa ng sinuman. Binigyan ng kalayaan lalo na ang bagong henerasyon na dumiskubre sa mga nagaganap sa labas ng bansa. Mula sa paggamit ng world wide web, nagkaroon ng daan upang ang mga Filipino na ipahiwatig ang kanilang opinyon, adhikain at kahit na ipakita ang lakas ng loob na kumanta sa webcam kahit na boses yero. Ang mga Filipino ay parte na ng global na komunidad. Wala nang "Ilokano ka, ako Bisaya,. Hindi tayo pwede maging ka- berks." Ang Internet ang malaking suntok na tumibag sa mga partido base sa iba ibang wika ng ating bansa. Ang mga Filipino ay may lakas na ng loob na lumabas na kahon ng "kanya kanya mentality." Sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga Filipino bloggers, pruweba na ito na mas lalong lumawak ang kaalaman ang aking mga kababayan. Ang pagsusulat sa anyo ng blogging ay naging parte na ng buhay ng mga Filipino. Tayo ay isang nasyon na may malaking hangad na umunlad. Bawat isa sa atin ay mulat sa katotohanan na tayo ay may responsibiladad na maging Darna at Captain Barbel upang sumulong ang ating bansa mula sa kahirapan. Tuwing binabasa ko ang mga blogs ng aking mga kababayan, gusto kong tumambling sa tuwa. Kung puwede pa ay tatalon ako at sisisid na parang sirena dahil sa pinagmamalaki kong ako ay Pinoy.

Ako ay Filipino.

Mahigit isang taon na akong may website kung saan ako ay may blogs at vlogs. Marami akong kaibigan na New Yorkers na nagtatanong kung ano ang dahilan na pinili kong gamitin ang wikang Pilipino sa aking pagsusulat. Ang katwiran nila ay nililimitahan ko ang mga pwede kong mabiktima na mga mambabasa. Subalit matigas ang aking ulo. Ang sagot ko ay "I chose to write in my language because I want to immerse myself in a culture that I took for granted when I was in the Philippines. It is my way of redemption by reaching out to my fellowmen and being truly proud that I am a Filipino." Nagulat sila sa aking pang Ms. Universe pageant na sagot ngunit naintindihan nila. May mga isinulat ako sa wikang ingles pero mas nagkaroon ng mas malaking reaksyon ang mga mambabasa ko tuwing gamit ko ang wikang Pilipino. Sa ngayon, ang aking mga kaibigan ay patuloy na nag- aaral ng Pilipino upang maintindihan nila ang "humor" ng aking pagsusulat. Patuloy pa rin ang aking magsusulat hindi para sa dagdag na powers ng pagiging isang Overseas Filipino Worker pero mas matimbang na rason ang aking paniniwala.. Ang paniniwala ko na gamitin nang responsable ang Internet upang maiparating sa iba ko pang kababayan na ang mundo ay mabubuksan sa pamamagitan ng pagpindot sa isang daga. Sa bawat "click", ang mga ipinamanang mga wika sa atin ay nagiging parte ng mundo ng Internet. Sa madaling salita, lahat tayo ay bahagi ng buong katauhan.

 

 

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: "Maraming Wika, Matatag na Bansa"

Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p're
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

 

Filtteany Makes her Directorial Debut
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.11.2007 @ 3:14 am

 

Hello Friends
 
I spent 3 hours learning the Vegas Movie Studio/ Video Editing. This is the first video I did without supervision  my director/editor/PA/ PRO/ camera man/ manager aka my boyfriend.:)
 
Looking forward to your ranks and comments and subscriptions.
Cut, copy and paste this link to view the vlog.
 

Filteany TagBoard
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.10.2007 @ 11:56 am | Last edited: Aug.10.2007 @ 10:59 am

Hello Everyone

FIlteany has her personal tagboard which you can use to post your messages, promote your site and shoutouts. I strongly discourage malicious, ridiculous and obscene messages.

Enjoy Posting!

http://filteany.cbox.ws/

 

Kandidata si Filteany
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.04.2007 @ 6:03 pm

  

Mga Kababayan, 

 

Isang magandang balita, na- nominate ang www.filteany.com as best blog so I need your help para makoronahan ang website na parang Ms. Universe. Kindly go to this link and go to VOTE NOW! Which Filipino blog would you like to be featured for week 68? I am asking that you check the box next to the name hatchzel (alias ko po ito) and vote. 

Kung tayo po ay mananalo, parang maagang regalo na sa akin sa aking ika- 18 taong kaarawan (niyahahahahaha), pamasko at parang fireworks for New Year. So tayo ay mag- joing ng powers para maging best blog ang filteany. 

 

Vote through this site 

http://salaswildthoughts.blogspot.com 

 

Be Proud to be Pinoy! 

 

HAPPY 1st ANNIVERSARY FILTEANY
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.02.2007 @ 11:59 pm | Last edited: Aug.02.2007 @ 11:13 pm

 

Ngayon ay ang unang anibersaryo ng filteany.com! Halo halo ang emosyon ko at ang katotohanan ay naiiyak ako sa galak. Sa lahat ng ginawa ko sa aking buhay, ito ang pinagmamalaki kong tuluyan. Nangunguna pa nga ito sa aking pagtatapos sa graduate school at ang paghanap ko ng aking luggage sa JFK. Noong ako ay lumundag sa New York. Dahil napaka- espesyal ng petsang ito kaya bumili pa ako ng dress (malaking bagay ito dahil jeans at shirt person ako, wala daw kase akong poise kapag naka- bestida), nagpagupit at nagpamanicure. Ang sarap pala ng feeling kapag may nagawa ka sa loob ng isang taon gamit ang iyong utak, mga daliri at bukod sa lahat LAKAS ng LOOB. Noong nag- iisip ako kung paano ko maibabahagi ang aking mga karanasan, website raw ang aking gawin ayon sa aking kasintahan. Mula friendster, pinanganak si filteany at eto, isang taon na ang lumipas.

 

Kung may pera lang ako, magpapaputok pa ako at kukunin ang mga sex bomb dancers para bongga ang okasyon. Pero dahil wala pa akong pondo, ang mga kalyo ko na lang sa daliri ang katunayan na
"We have come a long way, Baby!" ….www.filteany.com will move on! (ala Titanic)

 

Maraming Salamat sa mga sumusunod sapagkat dahil sa inyo ay hindi ako gumive- up at kahit na mukha na akong raccoon sa pagpupuyat sa pagsusulat, paggawa ng vlogs at pag- promote, HINDI NIYO AKO INIWANAN.

(sa gagawin kong vlog ay tatangkain kong mag- cartwheel, double flip at mag split habang kumakanta ng mga kanta ng MYMP)

 

  1. Friendsters ko!
  2. Marcello (director./PA/ editor/ lending company ko/taga- bigay ng foot rub/foci ko kapag naiinis ako sa mga pagkakataon na may writer's block ako/ cameraman, lighting assistant/ taga- bili ng food kapag gutom na si filteany. To summarize, ang aking papachoo.
  3. Saint Louis University colleagues. Classmates, batchmates, barkada, promoters ko
  4. New York Teacher especially the e-world teachers (hindi ito yung agency ha)
  5. Yahoo Groups (pinoyblogs, pinoyblogosphere, guni guni)
  6. Pina Pipino (best friends forever/ friendship)
  7. Professors and friends - Ma'am Adaoag, Sir Tacmo, Ma'am Shin, Dr. Leal, Dean Fortea, Dale, Sheryl, Maita, MA Sped classmates
  8. Darvin of www.karitoon.com
  9. Karla of www.pinoycentric.com
  10. Tin and Lynne (truest friends ko sa Big Mansanas)
  11. Ipod dahil hiniyakat ang aking insomnia para lalong makapagsulat
  12. Linkin Park dahil inspirado akong magsulat dahil sa inyong musika
  13. Dati kong mga co- teachers (THANK YOU!)
  14. Bernard, Bryan and Jerome na proud na proud ako
  15. Renee Antenor and Karen Fernandez
  16. Bakakeng Boys (lalo na kay Jon O.)
  17. Mga kapatid ko na laging tinatawanan ang aking mga post (ang pang- aasar niyo ay ang aking writing standard)
  18. Youtube dahil na- expose ang aking face kahit hindi kaaya- aya
  19. Lahat ng umalipusta sa akin for putting up this site- Thank you at Belat! Filteany rocks!
  20. SA LAHAT NG READERS NA PATULOY NA NAGBABASA, NANONOOD ng VLOGS, nagpapadala ng email. Wala ang mga blogs ko kung wala kayo. Wala sanang naganap na fertilization ng sperm cell at egg cell ng internet at ni Hazel para maipanganak ang filteany.com

 

 

Habang shooting pa ng aking anniversary vlog, watch niyo na muna ang Brown and Beautiful link na ito:

 

http://www.youtube.com/watch?v=rFtqcNgrHCE

 

Ngayong araw rin na ito ay ika- 3 anibersaryo ng aking pagkadapa sa JFK (Agosto 3, 2004) Isang Filipina Teacher na nangangatog sa harap ng immigration at halos maloka dahil hindi makita ang luggage. Heto ako ngayon, dapain pa rin pero taas noo naman dahil Pilipino ako. 

 

Kamusta na? Ayos pa ba?
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.22.2007 @ 12:20 am | Last edited: Jul.31.2007 @ 10:56 pm

 

Kamusta na? Ayos pa ba? (How is everything? Is it still okay?)


It has been three years since  I left the Philippines with the quest to have a better life in New York City. I gave up  a very comfortable life. I was fortunate to have parents willing to feed me when I quit my job in Dagupan because of a pathetic broken heart. I enjoyed luxury and I was able to finish my master's degree without any financial difficulty. When I decided to apply for the US, people thought I was being foolish. They said I could easily land a teaching position with my educational background and experience. I was having second thoughts too but at the same time, I was observing the  economy and political issues in the country and I convinced myself, I am not invincible. I took the risk, paid a fortune to an agency and prayed while lining up in the US embassy. On August 3, 2004, I boarded the plane headed for JFK. I left my parents, closest friends and accepted that I was about to start  a new life.

The new life I am talking about did not start on a bed of roses. Reality slapped me on the face and it was only two weeks after that I cried to my roommate that I wanted to go home. I only had $26.00 and I lived in a room with the size of a shoebox. I had nothing and no one. I was absolutely devastated and each morning, I was in daze like being trapped in a labyrinth. The only thing that stopped me from booking a flight home was the fact that I needed to pay off the loan from the bank. As I close my eyes at night, I imagined all the good things I had then I ask myself, "Is it worth leaving the country for this?" Days included cruel bosses and difficult colleagues giving way to evenings of crying  myself to sleep. Together with my other Filipino friends who lived in a rat and roach infested house, we gave strength and encouragement to each other. One year passed and I grew stronger ten fold. I was fine and I was proud that I made it. With all the hardships we went through, I decided to put up www.filteany.com. I wanted to share our experiences through writing. What made it different from the other websites for OFWs was that I put the stories in an envelope of humor. I wanted the readers to laugh then... ponder that  the life of an OFW is not candy coated. The number of website hits proved that I was reaching out to people all over the world and after a long time, I did not feel alone. My everyday routine includes monitoring news about the Philippines and communicating with other OFWs.

I am still on my journey, struggling and thriving in the rat race of the Big Apple. I am far away from home but I am keeping the faith.

Pinoycentric.com caught my attention as suggested by my friend. I read all the articles and I opened the photo gallery. When my eyes moved from one image to another, I felt a strong blow to my stomach. I saw poverty and it was looking back at me. Scalding heat surrounded my face and I held back the tears. I realized that I lied to myself for claiming life was better when I left for New York. Truth is, I have a more comfortable life but for my kababayans, I am uncertain. Poverty in the country lingers like a foul smell and I hate it . It spares no one and just a month ago, my father got laid off from work and our telephone line has been cut off.

To answer the title, "Yes, I am fine but not doing as great as I want to especially when my fellow Filipinos are dying of hunger." I want to blame someone,  but who?

Pinoys are Ewoks
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.21.2007 @ 5:31 pm

Click ang sumusunod na link:

 

http://www.youtube.com/watch?v=rFtqcNgrHCE

Vlogger Pinay
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.21.2007 @ 4:59 pm

 

Blogger to Vlogger

Kahapon ang official taping for the vlogs for www.filteany. Nakailang takes din bago ako naging kumportable sa harap ng videocam. Idagdag mo na rin ang pag- momotsang ng aking nobyo na huwag akong nerbosyin. Ang sagot ko naman kung meron siyan sioktong, mas kakalma ako. Ang unang location ay sa South Seaport at sumunod ay sa City Hall park. Nagpatuloy kami sa Union Square 14th street at nagtapos sa Midnight party ng relaese ng Harry Potter book VII. Natapos ang taping namin ng 10: 30 pm pero laking tuwa naming dalawa dahil nawalan ako ng kahihiyan. Masarap pala ang feeling kapag ikaw na ang "host" ng iyong show at mas konektado ka sa iyong mga readers/ viewers. May mga bagay akong napansin habang nasa gitna ako ng shooting ng aking mga vlogs.

1. Walang pakialam ang karamihan ng mga New Yorkers habang ginagawa ko ito. Naisip ko tuloy dapat nag- cartwheel ako sabay split para mas unique.

2. May mga ilan rin na gustong sumingit sa background ala mga Pinoy sa likuran ng mga TV Reporter ng Magandang Gabi Bayan.

3. May mga Pinoy na naririnig akong nagsasalita at nakikita ko ang expression na "Go Girl!" Thank you mga kababayan!

4. Ang iba naman ay talagang tumigil at pinakinggan ang aking mg vlogs (karamihan nito ay ang mga Caucasians) Ang akala siguro nila ay taga- NBC ako.

5. Kapag sinsasabi kong "I am so proud to be a Filipino!" Lumulobo ang aking puso na parang goma at dahil na rin sa audience projection.

6. Wala talaga akong kahihiyan. Kung pakapalan ng rin ng face, kaseng kapal na ng 100 pages na composition notebook ang aking mukha.

 

Sana ay matuwa kayo sa aking mga vlogs (Harry Potter Clip from the Midnight Party and Ewok Episode) Spread the word at abangan ang mga susunod pang mga blogs ang vlogs sa www.filteany.com.

Just Click on the following link:

http://www.youtube.com/watch?v=b8xQw8XZX00


Enjoy!

COOL OFW Website
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.17.2007 @ 11:11 pm

Visit www.karitoon.com . It is dedicated to all OFWs around the world. Be proud! Do our country proud.


Current Page 1
1 2 3 4 5 6 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org