Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Entries in "Ang New York ay Isang Isla"
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 9 | > >>
Empire State Observation
2 Comments / Subscribe To Comments
Published: Oct.01.2006 @ 11:25 pm

Bumisita ang best friend kong si Pina at close friend na si Ate Aleth. Perfect ang timing dahil three days weekend because of the observation of Yom Kippur. Ito ang masarap sa New York, lahat ng cultural holidays, wala kaming pasok sa school para walang discrimination. Pasalamat talaga ako sa mga African Americans dahil sila ang may pinakamaraming holidays.

Balik tayo sa pagbisita ng aking mga friends from Maryland. It is surely a breather from a month (compared to three months) of teaching special ed students. As expected, shopping galore starting from Chinatown and the mega millions of picture taking. Fifth Avenue, Chinatown and Times Square ang naging background namin. It was perfect since we have an official photographer, Marcello who made us look so slim in the pics. My readers will see them soon on this site and on my friendster page.Natatawa lang ako dahil lamig na lamig na ang dalawa kong friends samantalang ako ay naiinitan pa. It is the autumn breeze pero malamang mas matanda lang sila sa akin (Pina ang Ate Aleth, huwag niyo ako kulamin ha). It was 1: 00 in the morning that we went home to my apartment. Wala pang 5 minuto, bagsak na at naghihilik na ang mga bisita ko.

This morning, we decided to go to the Empire State Building Observatory. It is my first time since busy ako lagi at hindi masaya kung mag- isa lang akong magview ng buildings at si Mareng Liberty. Exception na lang siguro kung may usapan kami ni Brad Pitt na hihintayin niya ako sa tuktok ng building at live happily ever after kami. Reality check, kasama ko ang friends ko na pumila to go up the Empire State Building ala King Kong. ANG KASO CLOUDY AND RAINY ANG WEATHER today. Zero visibility so wala talagang makita from the top. But this did not stop us from taking pictures kahit mukha akong engot na mega hawak ng baligtad na payong at mega click ng camera para kunan si Pina at Ate Aleth na katabi ang mga keychains at posters ng ESB.

Pagkababa namin, malungkot si Pina dahil puro ulap ang background ng pictorial niya. We opted to have brunch in a deli. Walang katapusang kwentuhan about work, love life, tsismis (siyempre!) at yung mga yumabang na kasama namin dahil ang sweldo ay in $ na. Pagkatapos namin kumain, BIGLANG NAGING SUNNY at parang summer. Si Lord talaga, sarap kaming "pinagtritripan." Gusto pa sana bumalik ni Pina sa ESB pero kinaldkad namin siya para pumunta na lang sa Macy's.

Tapos bigla na naman naging cloudy. Sanay na ako dahil ang New York ay mabilis magpalit ng kahit na ano. Nakakainis lang pag gusto mo ng personal fashion spread. Hinatid namin sila sa Chinatown ulit. Naiiyak ako dahil miss na miss ko na naman ang mga friends ko.

Habang sinusulat ko ito, naisip ko na ang Empire State Building ay symbol ng aming paghihintay, pagsasakripisyo at pagpapadala ng pera at pagtratrabaho to the buto. Kapag nasa tuktok ka, hindi pala ibig sabihin na bed of sampaguita na lagi. May mga araw na parang wala ng hope dahil walang makita, homesick dahil sa pag- iisa at mga mas malaking problema dulot ng pagasa ng mga naiwan sa Pilipinas.

Nagpapasalamat ako na umakyat ako sa ESBO, naging paalala ito na malayo at mataas pa ang aking paglalakbay. Tuwing mahihirapan na naman ako, titingnan ko na lang ang keychain na binili ko at babalikan ko ang Linggo na pumasyal kami ni Pina at Ate Aleth sa ESB, nabadtrip dahil cloudy pero pagkaraan ng isang oras, lumabas na ang araw. Sa palagay ko, ganito ang buhay natin, minsan maaraw, maulan, mabagyo, snowy, windy (na ayaw na ayaw ko dahil nasisra ang mga pula kong payong) at maulap. Depende na lang sa iyo kung paano mo ito "we- weatherin."

Pilipinas at Ang Malaking Mansanas
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.27.2006 @ 11:46 pm | Last edited: Sep.27.2006 @ 11:25 pm

Ang Pilipinas ay may pinakamasarap na Fishball

Ang New York ay may pinakasarap na cheesecake

 

Ang Pilipinas ay puno na sikat na loveteams ......laos pagkaraan ng 1 taon

Ang New York ay puno ng sikat na mga artista na nang- aagaw ng asawa pero hindi nalalaos

 

Ang Pilipinas kapag may baha ay hanggang ulo, swimming pa at de bangka

Ang New York kapag may baha, may storm alert na, kapag nabasa na ang buong paa

 

Ang Pilipinas ay maraming dakilang nakadilaw na street sweepers

Ang New York ay may sweeper machine on the street, laking vaccum ba?

 

Ang Pilipinas ay may mga magagalang na bata pa, nagiging brat kapag high school na

Ang New York ay may 1, 2, 3 years old brats na, killers by age 13

 

Ang Pilipinas ay may sangkatutak na tax, pero napupunta sa bulsa ng mga "Lacoste"

Ang New York ay may pinakamataas na tax, naibubulsa ng iba pero may resulta naman

 

Ang Pilipinas ay maraming mga usisero at usisera, tsismisers

Ang New York ay walang pakialam, catatonic at apathetic

 

Ang Pilipinas ay may magagandang damit, galing sa Baclaran o Divisoria

Ang New York ay may designer clothes, karamihan ay di masuot dahil mukhang foil

 

Ang Pilipinas ay may magulong gobyerno

Ang New York ay magulo din pero tago

 

Ang Pilipinas ay maraming snatchers at scambags

Ang New York ay maraming gangsters at scambags....gamit ang pangalan ng Diyos

 

Ang Pilipinas ay madumi, polluted at unhygienic

Ang New York, NY ay malinis, ang Bronx ay sobrang dumi

 

Ang Pilipinas ay may tatlong season, tag- ulan, tag- araw at botohan

Ang New York ay may limang season, winter, spring, summer, fall and botohan

 

Ang Pilipinas ay maraming naghihikahos at naghihirap na citizens

Ang New York ay maraming illegal na immigrants, nagtatago lamang

 

Ang Pilipinas ay maraming college graduates na walang trabaho

Ang New York ay maraming high school graduates na may trabaho

..........................karamihan sa McDo, Wendys habang nag- iipon for college, scholarship at naghihintay ng awa ng kanilang magulang na sustentuhan sila after 18 years old.......................

 

Ang Pilipinas ay maka- pamilya, buong subdivision ay magkaka- maganak

Ang New York ay may pamilya, amo- pusa, amo- aso, amo- ahas

 

Ang Pilipinas ay may mga taong palatawa kaya sila bumabagal sa paglakad

Ang New York ay walang taong tumatawa, lahat ay triathletes

 

Ang Pilipinas ay nami- miss ko at mahal na mahal ko pa rin

Ang New York ay mahal ko dahil sa pera, pera, dolyar

........... sabihin niyo ng mukhang pera ako, pang- tulong sa pamilya kaya rin ako nandito...........

at dahil na rin sa 5 for $25 na Victoria's Secret na panties every month.

 

Magandang Gabi

Papeles...papeles...papeles
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.25.2006 @ 10:56 pm

 Nabanggit ko sa (hinihintay ko pa ang sagot ng publishing co) na libro ko, importante ang mga papeles. Ililista ko ang mga dapat na meron ka at dapat mong makuha bago ka makalangoy palabas ng bansa. Malamang sabihin niyo na hindi na ako maka- pinoy pero hindi rin ako hipokrita, alam ko na ang hirap sa bansa natin. kaya libo libong tao ang naga- apply abroad. Habang hinihintay natin na maging maayos ang ating gobyerno, ihanda ang mga sumusunod:

1. Diploma - yung tunay at hindi yung pinagawa sa Recto. Hindi na natin magogoyo ang mga prospective empoyers dahil may ways sila of checking. Tama na ang pekean, utang na loob. Isang pinoy na nagpapanggap na graduate ng Ateneo, kapag nabisto ay matataguriang representative din ng 1000 pinoy. Huwag mo naman nakawin ang pagkakataon ng iba nating kababayan.

2. Original and Certified copies of Transcript of Records- again, huwag pekein!

3. NBI clearance (required ito kapag andyan pa sa Pinas), dito fingerprinting clearance. So kung manginginom ka, iwasang makipag basag- ulo muna.

4. NSO certified Birth certificates- dito ako nahirapan dahil nung dekada 70, eh uso pa pala ang baby girl at baby boy family name ang inilalagay sa birth certificate. Hello???!!! ang dami kayang pinanganak na girl at boy nung taong 197_____ (hulaan niyo nalang) Basta ngayon ay stick to 24 years old ako (hahahahaha, palakpak naman diyan) Kailangan ko pa na halukayin ang aking baptismal certifcate para ipatunay na ako ay may pangalan. Lucy Torres Gomez este Hazel Bernardo Toquero.

5. Copies of workshops/ seminars that you attended. The more, the better! Pandagdag din ng sweldo ito lalo na kung bigatin ang binigyan mo ng stellar attendance.

6. Original letters of EMPLOYMENT from all past employers. Advise lang kahit yung tutorial, kumuha ng letter because they take these into consideration in determining your salary. Always keep photocopies of them.

7. Passport- kahit hindi ka pa nabibigyan ng linaw, kumuha na. Do not wait until the last minute.

Sana ay nakatulong ang mga inilista ko at ang pinakamahalahng aral na tatandaan niyo ay , huwag maging burara! Ilagay lahat sa waterproof na envelope. So when the prospective employer asks to look at these papers, hindi mo na tatawagin si Batman o si Lionel (from Thundercats) para ihatid sa kamay mo. Bonus point ang EVER READY.

 

Magandang Gabi.

Katuloy ng Libro
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.23.2006 @ 11:32 pm

Tapos na ang librong "Ang New York ay Isang Isla." Sana ay magustuhan ito ng publisher. Ang hirap pala maghintay ng 2 buwan para sa sagot. Kung ayaw nila, may publisher B, C and D. Basta promise ko ay mababasa niyo ang buong libro. Kahit ibenta pa ito sa sidewalk ng Quiapo.

Binasa ko ulit ang mga kapitulo. Ganito yata ang sakit ng mga manunulat. Never kaming makuntento sa aming obra maestra. Naisip ko marami pang paksa ang pwede kong masulat tungkol sa New York. Dahil nagsimula na naman akong magturo, napili ko ang topic ng poverty sa New York.

Kapag New York kase, Manhattan skyscrapers at Empire State building ang pumapasok sa kokote natin. Mali pala dahil ang daming mahihirap na Nyorkers. Hindi kaseng dami ng nanlilimos sa atin pero significant pa rin ang number nila. Kabilang na dito ang pamilya ng aking mga estudyante. Ang New York State ay may programs for unemployed people. shelter homes and welfare funds. Courtesy ito ng sobrang taas na tax na kinakaltas sa amin. Okey lang, nakakatulong din.

Poverty is everywhere kahit sa mga "glamorous" countries tulad ng US of A. Marami ang nawalan ng trabaho mula nung 911. Thank you Bush at ipinunta niya lahat ng funds para sa war.

Paano makakatulong sa mga students na living in poor conditions as a teacher. Simple, kailangan hindi ka maging kuripot at masaya kang nagbibigay.

1. Snacks. snacks. snacks. Puno ang dalawa kong boxes ng snacks para sa klase ko. Ang bilis nilang magutom. Hindi ko sila masisi, growing sila at walang halos makain sa bahay. Minsan, isang bata ang humingi pa ng extra para maiuwi sa nanay niya.

2. Recycle. Maraming funds ang NYCBOE. Ang ginagawa ko,  inaayos ko ang closet ko at humahanap ng supplies tulad ng notebook o book bag para hindi na bumili ang mga magulang. Wala naman na silang pambili. Graduate na ang anak nila bago pa nila mabili ang 6 na notebook at 9 na folder.

3. I celebrate lahat ng okasyon tulad ng bday, christmas, Yom Kippur, Halloween, Ramadan dahil pagkakataon ito para sa "small parties" Kaming mga teachers ay may tradisyon na ginagawa para kasali ang lahat ng culture and race, walang nali- leave out.

4. May mga organizations online na nagdo- donate para sa "at risk" schools tulad ng sa akin. Mag email lamang sa kanila at within one month, may supply na ng toothbrush. toothpaste, book covers, notebooks at iba pang school supplies. Isang picture lang ang hinihingi nila, hawak hawak dapat ng mga bata ang mga donated items nila.

 

Ilan lamang ito sa mga paraan upang makatulong sa mga estudyante hirap. Sana ang bayan natin ay may programa para sa halos lahat ng Pilipinong naghihirap. Sa mga bumasa nito, magpasalamat ka dahil may 10 notebooks ka nung grade 6 ka at may bagong pokemon na bag.

 

Ang Pagong at ang Kuneho sa Big Apple
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.21.2006 @ 10:24 pm

Talong linggo palang  ang nakakaraan ng aking pagtuturo pero ang pakiramdam ko ay sampung taon na ako sa aking klase. !2:1:1 ang type ng aking classroom, ibig sabihin ay 12 children (multiplied by 30, depending on the disability) and 1 teacher (cute na ako) at 1 instructional paraprofessional (suwerte ako dahil hindi tamad ang nakuha ko). Mahirap dahil Kindergarten sila. Gusto ko nang tumalon sa Brooklyn Bridge dahil ang shape at color ay parehong konsepto sa kanila. Lahat ng bagay ay circle at blue. Hindi ko alam kung  ginogoyo ako o talagang "zero balance" sila. Mataas siguro ang aking expectations. Alam ito ng aking mga estudyante sa Pilipinas. Kung alam kong kaya nila, binibigyan ko sila ng 2 levels up pa. Walang excuse dahil normal sila. Ang 12 kong estudyante ay mga "cute". May sobrang lambing na pinagpupunasan na ako ng sipon, may sobrang hiya na namumula tuwing binabati ko, may "little devil" dahil malutong akong minumura at isa na walang tigil ang tanong. Mula sa "bakit bilog ang araw, bakit siya girl hanggang sa bakit pink ang aking nail polish?" Nakakaloka pero pinagmamalaki ko na sa ganitong usapan, tinitigil ko ang lahat para lamang sagutin sa abot ng aking makakaya. Katwiran ko ay baka mali pa at kamanyakan ang ibigay na sagot ng mga magulang nila. Ang iba ko naman estudyante ang may ADD, ADHD at PDD. Kahit ano pa ang disability nila, pareho lang sila sa kin. HUWAG NA HUWAG AKONG LILINGAP dahil kapag pumikit ako, nakabitin na sa bintana ang isa at yung dalawa ay ginagawang candy ang crayola ko. Mahirap at nakakapagod. Pag- uwi ko, para akong lantang okra na namamaos. Ilang bag na rin nga Halls menthol ang naubos ko para makapagsalita pa ako. Bukod pa rito, dinagdagan pa ng NYCBOE ang aming paperwork na sa akin lang walang kakwenta kwenta dahil hindi "appropriate" sa aking klase. Assessment kuno, pwede mo ba naman pagbasahin (running record) ang isang bata na may Down Syndrome o Dyslexia na dahil sa frustration ay kumakain na lang ng tissue paper. May background ako sa Psychology. Hindi ako sang- ayon dahil unfair ito sa kanila. Bakit walang test for improvement of attention span o dercrease ofd self injurious behavior/ cursing at pagtapon ng upuan sa silya? Sa aking paniniwala, mahalagang i- assess ito dahil lalaki ang mga batang ito at kapag walang intervention, asawa naman nila ang kanilang iha- harakiri. Iniisip ko kung mag- aabsent ako bukas tutal marami pa naman akong sick days. Hindi naman ako sick "sick and tired "lang dahil hindi ako umuupo mula 8 am hanggang 3 pm. Lunchtime ko ay kumakain ako habang nag aayos ng "production setting" para sa Math Workshop. Dapat maraming gimik, maraming prizes at siyempre maraming pambobola ko para lang makuha ko ang attention nila. Kabibigay sa aking ng isang folder ng "reading assessment." Sinaksak ko sa dulo ng aking drawer at hindi ko na tiningnan. Kesehedo pang wala silang record. Ibang record ang gagawin ko. BASIC FOUNDATION tulad ng pagkain nang hindi parang aso, ang magzipper ng sariling pantalon at paglinis ng sariling table pagkatapos kumain. Higit sa lahat ang mapaupo ng 15 minutes at matapos ang isang task nga walang murahan at hilahan between me and him/ her. Kapag naisakatuparan ko na ang aking mithiin, saka ko na sila turuan ng pre- reading, pre- math at pre- writing skills. Alam ko na ang capacity nila, alam ko kung hanggang saan at kung ano pa ang pwede nilang magawa. Sa Hunyo, bago sila grumaduate, kailangang pasahan nila ang aking "exam." Simple lang ang aking exam. Self control at Bilib sa Sarili na kaya nila kung magpupursigi sila.

Bakit Ang Pagong at ang Kuneho sa Big Apple ang titulo? Hindi ko alam, pantawag pansin lamang at kuneho ako dahil magmamadali na naman ako bukas at pagong para sa king mga estudyante. Okey lang, mabagal at mahirap sa simula. Pagkatapos siguro ng pasko, alam na nilang bigkasin ang aking pangalan....Ms.T at hindi T,P,Ch.

US EMBASSY SA Roxas Boulevard
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.19.2006 @ 10:56 pm

Hindi ko na masyadong alam ang "bagong" proseso sa US Embassy sa atin. Isang kasiguraduhan lang ang aking alam, daan- daang Filipino ang pumipila araw araw na nagnanais, nagno- novena, nangangako na hindi na iinom ng SMB at nagdadasal nang puspusan upang makakahuha ng Visa. Naranasan ko ito at alam ko ang pakiramdam ng isang "pig" na hindi alam ang tadhana kung itutuhog, babarilin na parang usa dahil na- deny o gagawing pato sa kakabalik sa embassy.

Pasalamat nang kaunti sa aking agency dahil maayos na naipasa sa consul sa embassy ang aking H1B petition papers at iba pang importanteng papeles. Ang tanging sinabi lang sa akin na dalhin ay ang aking Diploma at transcript of records for verification lamang. Number 342 ako noon at kahit aircon, ang kilikili ko ay namamawis. Mag- isa akong pumunta sa embassy dahil hindi ako nakasali sa "group" ng agency dahil sa conflict sa schedule. Biglang nagflash ang aking numero at dali dali akong humarap sa bintana ni Zeus aka ang Consul. Good morning Ma'am at biglang smile na parang Care Bear. Accommodating naman ang puting consul at saglit lang niyang tiningnan ang aking papel, nakita na NYCBOE ang petitioner at tiningnan lang ulit ang aking diploma. Bago niya tinatakan ang puting papel na approved na ang aking Visa, tinanong niya ako kung ano ang difference ng PDD at autism. Bait talaga ni Lord dahil and thesis ko sa graduate program ay tungkol sa Autism. Para akong kandidata sa Ms. World 1960 at taas noo kong sinagot (fully detailed with matching similarities, major differences and symptoms). Pagkatapos ng aking litanya, nakatingin lamang ang consul at tumango na sinabing "Oh, so you are going to work as a teacher in New York. Well Good Luck!" Sabay bigay ng puting papel na magbabago ng buhay ko.

Ngunit ang kasayahan ko ay hindi buo dahil ang dami kong nakitang Pinoy na nakayuko, naiiyak, nagmamakaawa sa iba pang consul. Ganito na ba kahirap ang bayan upang maging para tayong mga "aso" na humihingi ng buto sa ibang lahi? (drama ba?) Ang napansin ko lamang kapag puti ang consul at mabilis kang sumagot, almost 98% visa approved ka. Pero kapag ang consul ay ibang lahi tulad ng African American, Indian, Korean at iba pa, napansin kong in "bulk"silang mag turn down ng visa. siguro ay 2 out 30 lang ang kanilang approval. Tanungin niyo ang ang mga applicants na seaman, katotohanan ito. Hindi ito theory, hypothesis ko lamang. Malamang dahil hindi masyado magkaintindihan sa Ingles, iba iba ang outcome ng Q and A's plus of course, "inggit" din. Witness ako dahil dito na lamang sa New York, "inggitan" na ang nagaganap.

Ang sumusunod na impormasyon ay hindi konektado sa paksa pero feel ko lang na malaman ninyo.Nag meeting kami sa school at ni- report ng Principal ang test scores ng mga estudyante. Statistically speaking, power point pa ang presentation (in pie form). Halos mahulog ako sa upuan sa kakatawa at gusto kong bumelat dahil:

The results of the State tests reveal that African Americans have the lowest scores, sumunod and Hispanics, sumunod ang mga Puti (dwindling na kase ang number nila). AT ANG HIGHEST SCORERS AND PASSERS AY............... ASIANS. (hmmmmm, Philipines; Asia.... Asian ako, so smart ako, smart ang mga batang Pinoy sa NY, hehehehehe)

Balik tayo sa paksa, ito ang mga suggestion ko upang maghanda sa interview sa embassy.

1. Magnovena sa Baclaran o paliguan si Buddha upang "okey:" ang consul mo at hindi nagme- menopause.

2. Aside from the original copies, carry photocopies in case humingi pa sila.

3. Basahin ang petition papers para alam mo kung sino ang Petitioner/ Employer mo plus the state you are going to.

4. Kapag tinanong kung ano ang job mo, siyempre tell the truth. Short but concise.

5. Ngiti hanggang langit ang gawin mo.

6. Ngiti pa rin kahit pababalikin ka dahil may kulang ka pang papeles (at least may hope pa)

7. Alisto!

8. Thank you sa umpisa, gitna at ending ng interview. (huwag lang obvious na flattery)

9. Organize your papers, Huwag naman yung parang hinugot mo lang sa back pocket mo.

10. Pray, pray, pray......... hindi ako aktibong Kristiyano pero humingi talaga ako ng help kay J.C. Sabi ko, gusto ko ng mas maginhawang buhay para na rin sa mga magulang ko, lola at auntie, mga kaibigan, simba (ang aking aso) at si beauty (dalmatian ng Nanay ko). Hindi ito para sa akin... Pero Jesus Christ, gusto ko talagang makita ang Statue ng Liberty. Sinagot naman niya ang dasal ko.

 

 

Tests, Tests and Phony Tests
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.17.2006 @ 10:07 pm

The following are just my opinions and not a conclusion on agencies. I myself was able to get here through an agency which I opted not to mention. All my transactions with them ended the moment I stepped out of the plane. Wala akong utang na loob since I paid all fees for everything, relevant or not even relevant (which I realized were not even recognized here). So much for that and for my dear readers who send me emails about their horrifying experiences with agencies, please read the following warnings I am giving you. It is so f.....ing frustrating and sad that people take advantage of Filipinos just because we are living in a third world country and we dream of a better life.

1. Some agencies will "require" you to take 10 "exams" which they claim will help you get here. False. There are only 3 legitimate exams required here. 4 for special education teachers. Send me a message if you want to know them as well as of those for Virginia, Florida and Maryland.

2. They will tell you that their "workshops" are equivalent to credits for salary differential. Not True! It was never for me. Completely useless.

3. They will require you to take "mock/ pre-  interviews". Please do not be dumb. Practice ka na lang in front of the mirror. Employers are not GODS, humans sila and mali mali rin ang grammar.

4. They will say they have your trancripts evaluated. Yes ito ay totoo, isang mama na nagtatabako at naka sando sa may Recto.

...... Kung may mag react sa mga sinulat ko, ibig sabihin ay may GUILTY! Huwag niyo namang ubusin ang dugo ng mga Pinoy, ginatasan niyo na sila, patuloy pa rin ang "milking."......

 

Payong Kapatid, gaya ng sinabi ko, make sure na legal ang agency niyo at RESEARCH on the official tests required in every State. Do not rely on what "everyone" says there.

 

Magandang Gabi.

 

 

 

 

Ang Interview with the Employer
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.16.2006 @ 1:49 pm

Pagkatapos mong maibenta lahat ng hayup sa paligid mo at nakaschedule ka na for interview, these are my vital suggestions para ma- convince mo ang employer na talagang maganda/ pogi ka. Isama mo na rin na QUALIFIED ka for the job.

1. Kahit ano pa ang sabihin ng iba na mag relax at matulog ka, imposible ito. Sa kaso ko, alas 4 na ng umaga ay mulat pa rin ako at ang puso ko ay lumalabas na sa Winnie the Pooh na shirt ko. Huminga ng malalim. Check and BP at laging standby ang Ventolin.

2. Three hours before the interview, pagkatapos maligo at magbihis, maglagay ng eye concealer (kahit na ayomga guys) BLEND BLEND BLEND para hindi ka magmukhang raccoon. Fresh and ready ka kahit ang utak mo ay nasa gutter na. Recommend ko ever bilena (natural) yan ang ginamit ko. Kung may nagpadala sa iyo ng imported, Maybelline Age Rewind Eye Concealer gamitin mo. (dream ko rin kase maging make up endorser)

3. Iwasang makipagkwentuhan sa mga kasama for interview. The more na ma- rarattle ka. Hi and hello lang, Hindi ito ang panahon para sa yabangan ng degrees at potential questions. Isipin mo na ikaw ang isa sa big moons ng Jupiter.

4. Kapag tinawag ka na sa loob, huminga nang malamim for the last time (Check kung fresh ang breath mo) Smile, wide open. BE THE FIRST TO EXTEND YOUR HAND FOR A HANDSHAKE. Bonus point mo na ito, SELF CONFIDENCE kaagad.

5. Huwag umupo hanggat di sinabi ng interviewer. Kung galaw ng galaw ang kamay mo, keep them on your lap gaya ng ginawa ko. Nasanay na kase ako nagsasalita with matching sign language. Keep eye contact pero dont stare lalo na kung ibang kulay ang nasa harap mo (saka ka na mamangha)

6. Ito ang mga almost always potential qiestions. I- ready ang mga sagot.

- Describe yourself (hindi ito slambook, define according to your work) keep it brief but comprehensive

- What makes you qualified for the job? (aside from the 20 masteral degrees you have, EXPERIENCE ang sagot mo plus ang extreme patience mo plus ang Ms. Universe na sagot na YOU WORK WELL WITH THE ADMINISTRATION AND CO WORKERS)

- Why do you think we should hire you? "aside sa maganda ako " (inside your head) You meet the qualifications AND YOU HAVE THE DRIVE to contribute to the company. You are open to suggestions and constructive criticism. You have excellent communication skills (prove mo ito by reviewing your proununciations)

- What is you weakness? (After ito ng strengths) Mention mo na ikaw ay workaholic but turn it to a strength, sabiin mo na dahil DRIVEN KA (o di ba consistent) you have the energy to accomplish tasks but you are NOW putting things in perspective and priortizing tasks effectively. Okey sa alright ba?

6. If they ask you, if you have  any questions. PLEASE HUWAG TANUNGIN KUNG HIRED ka. Say "I do not have any Ma'am/ Sir , Thank you so much for a pleasant interview and I LOOK FOWARD TO HEARING FROM  YOU." Then flash that pearly white teeth. Handshake ulit (seal the deal)

Hindi ito 100% guarantee but I know they will boost your confidence. Ang dami ng messages ko na natatanggap na marami na ang gustong umalis ng bayan. Ewan ko, mag courtesy call kaya ako kay GMA? Tatanungin ko siya kung bakit milyon milyon ang gustong "magbakasyon" away from Pinas.

If you are wondering kung ano yung 2 questions kung bakit ako na hire ng NYCBOE, well here they are.

1. Describe your worst day in school. (Super drama ang effect ko dito, mixed stories ng mga time na natapunan ako ng chair, sinukaan ako, kinagat ako sa braso at nasuntok ako sa ilong na dumugo pa)

2. WHAT DO YOU PUT ON YOUR FACE? It is so clear and smooth. Ang sagot ko ay naghihilamos po ako (hehehehehe) and I only use Cetaphil.

..... the rest is history..........

 

Next: US Embassy interview

Reliable agencies
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.14.2006 @ 11:07 pm | Last edited: Sep.16.2006 @ 1:20 pm

Out of all the comments and messages I received for the past two days, almost of all you are inquiring about the agencies who can help you come here. I opted not to list them here on the site but I will be willing to give you a list of suggested agencies which are legal which I and my other friends have worked with in getting here, in Maryland, New Mexico, Virginia and Colorado.

Just send me a message and I will try my best to answer every one.

Just a few notes to ponder when doing transcaction with an agency.

1. Make SURE IT IS REALLY LEGAL and has an office that exists in your target country.

2. Check the statistics of people they were able to help in getting a job abroad.

3. Cheaper agency fee does not 100% gurantee employement, neither does too high fees.

4. Keep in mind that these agencies will persuade you to attend their workshops. do so if you have the money. JUST CHOOSE WELL THE WORKSHOPS and always get a certificate.

5. A GOOD AGENCY WILL GUIDE YOU UNTIL YOU REACH THE AIPORT. They should help you in obtraining a copy of your contract/ petition papers/ visa application and even schedule an interview appointement in the embassy. If you are applying too with many people, it is best that your agency will foward all your papers in group so that it will be easier for the immigration to go over it.

 

These are few suggestions but I know they are a big help. I hope you will never give up that dream

 

Good night

 

Next: The interview

Jack of All Tirada
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.12.2006 @ 10:54 pm

Nabanggit ko kahapon ang tungkol sa pagiging "Jack of all Trades, EFFICIENT IN EVERYTHING." Ito ay importante sa pag- aaply dahil marami kang ka- kompetensya at bukod sa pag juggle ng sampung bayabas, kailangang marami kang areas of expertise or experience.

Ang isusulat ko ay para sa mga Filipino teachers na gustong mag- apply. I am reiterating na hindi ako nagmamay- ari ng agency. Suggestions ko lamang ito dahil hindi ako MADAMOT sa info. Alam ko na magiging malaking tulong ito sa inyo. Ang mabenta sa bayan ni Uncle Sam ay teachers for  Math, Science and Special Education.

1. Masteral degree (okey sa alright! aside sa edge mo sa salary scale, hindi ka na mamomroblema dahil requirement ito to obtain your license within 5 year dito sa New York)

2. Masteral Units (pwede din, pangdagdag sa sweldo)

3. LICENSE galing sa Pilipinas (LET passer ka dapat)

3. Multifaceted units like Physical Education (mahalaga ang gym time lalo na special education), early childhood education, foundations of literacy at halos lahat ng subjects for reading and writing. Dito kase ang license is according to grade level. Tulad ko, ang license ko is for Students with Disabilities grades 1-6. Meron yung pang middle and high school.

4. Working experience. The higher the number of years teaching= $$$$$$$$$$$$$$$

5. Original certificates from former employers. Pati na seminars  and workshops, pandagdag sweldo rin ito.

6. NEVER KA NAKULONG aka no criminal record ng pambubugbog kay honey o kay babe.

7. Clean bill of health. TAMA NA MUNA YOSI AT SAN MIG.

8. PERA, PERA, PERA (dont worry mababawi mo rin pagdating dito)

9. Effective communication skills for interview. Please review "Ang Milk ay Hindi Melk"

10. Timba timbang confidence. For math teachers, more polish on algebra, calculus, trigonometry na hanggang ngayon ay kinakatakutan ko and science, galingan pa lalo sa subject tulad ng physics, chemistry at biology na noong nasa college ako ay nilalagnat ako tuwing pinapasukan ko sila.

In the time of the interview, handa ka pa kay Darna para mag mini demo sa harap ng potential employer mo.

 

Pag may tanong, send lamang ng message at sasagutin ko sa abot ng aking makakaya.

Magandang Gabi.


Current Page 6
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 9 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org