Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Entries in "Ang New York ay Isang Isla"
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 | > >>
Mga Frenships
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.06.2007 @ 4:57 pm

**Kung hindi mo pa napanood ang Spiderman 3, huwag basahin ang sumusunod dahil baka mabad- trip ka sa akin**


Pinanood ko kagabi ang Spiderman 3. Siyempre isa ako sa mga pumila para makita si Peter Parker na lumipad lipad sa New York City gamit ang kanyang sapot. Sabay sa takot ko kay Venom dahil sa kanyang mga ipin, nadurog ang puso ko para kay Green Goblin (si Junior ha). Sa huli, nalaman din niya ang katotohanan na hindi si Spidey ang pumatay kay Goblin Senior (kung hindi niyo magets, panoorin ang S1 and 2). Okey na sana dahil thumbs up ang loveteam nila ni Peter laban kay Venom at Sandman pero lintik! namatay naman siya. Well hindi naman in vain ang death niya kase nasalba si Spiderman. Umiyak ako at wala akong pakialam kung pinagtatawanan ako ni Marcello. Feeling ko dahil sa bukod sa gwapo si Green Goblin (James Franco) hanggang sa huli, isa siyang naging matapat na kaibigan. Naalala ko tuloy ang mga frenships na permanenteng meron ako, nagkaroon at yung mga tuluyang nawala.

1. Isang classmate ko sa Elementary school. Inaanak siya ng Tatay ko at tuwing pasko ay naiinggit ako sa kanya dahil mas maganda ang regalo niya galing sa nanay ko. Ako pa ang tagapagbigay. Buwisit! Grade 6 nang naging magkatabi kami. Dedma ako pero aba pinagmamalaki niya na sister niya ako. Nakisakay na rin ako at sabay tawag ko na rin sa kanya ay bro. High school, wala na kaming komunikasyon. Minsan nakita ko siya sa Ionic Cafe pinapaligiran ng mga kaibigan na tumatatagay ng SMB. Nalaman ko rin na nakapasa siya sa Bar exams. Ningitian niya ako at sabay kaway ako. Tumalikod ako nang biglang may tumapik sa balikat ko. Niyakap ako ng aking kaibigan (si bro) at sinabing "Gago pala ex mo ha! Anong gusto mong gawin ko? Nabanggit kase ni Ninong." Kasalukuyang nagdurugo pa ang puso ko kaya halos maiyak ako. Inimbita niya ako para magkape sumunod na linggo. Lecture ala lawyer ang kinain ko. Tsisimosong tatay ko talaga! Hanggang ngayon email pa rin siya at nagpapaala na huwag na akong maging tanga sa pag- ibig at pinagyayabang ang kanyang mga napanalunang kaso sa korte. Malapit na rin siyang isakal este ikasal.


2. Isa ko pang classmate sa elementary, girl kami pareho pero iba siya. Sister ko rin siya kase nung high school, naging miyembro kami ng sorority. Ang naaalala ko sa kanya ay sobrang bilis siya tumakbo na hindi ko siya mahabol habol. Sobrang asar din ako dahil aastig astig siya. Takot din ang mga boys sa kanya dahil mas magaling pa siyang sumuntok.  Nung high school, nagkaroon siya ng mga girlfriends. Ang nanay ko naman pilit na sinsaway akong makipagkaibigan sa kanya. Dedma at forever friend ko siya eh (motto namin). Hanggang ngayon, KUYA ang tawag ko sa kanya. Laging paalala "ingat sa boys" sa mga IM niya.


3. Kolehiyo. Isang classmate na kamukha ni Charlene Gonzalez (yung nga lang pwede rin siyang maging Aga Mulach), best friend kong daig pa si Picasso, kaibigan na pwedeng maging streetboy noon at isa pa na malapit ng maging pari. Imaginin niyo na ako lang ang babae na nakatira sa isang pad na kasama sila. Sila ang pamilya ko habang nagtatapos, bad trip kase ako kapag umuuwi sa bahay. Summer ng taong  1998, isa sa mga pinakamaligaya kong mga oras.


4. Si Pipino na nasa Maryland. Nagkainisan noong una kase pareho kaming maarte pero nagkasundo at supe naging close dahil sa yosi. Sa hirap at ginhawa, andyan yan kahit na pareho kaming tamad magtext at magtawagan.


5. Si D at si V na nasa New Mexico na noong mga panahon na feeling ko ako na ang pinakapangit na nilalang sa mundo ay nag-shopping ng mga lalake para sa akin para paglaruan este pagtripan. Sabi nga ni D, "Men are the cheapest commodity." Salamat sa pagangat sa akin at inhinto ang pagiging martyr ko.


6. Isang tao na mas bata pero mas may alam sa akin sa pamimilosopo, pagmumura at alam lahat ng gimikan na okey. Sa panahon na ningangatngat ko ang aking thesis dahil ayaw kong tapusin, sige ang bili ng marlboro para lang hindi ako gumive up.

7. 7.Isang propesora sa Unibersidad na hinahangaan at naging malapit kong kaibigan. Sa kanya ko natutunan na ang paguturo ay hindi lang basta basta. Dapat glamorosa at may puso ka talaga. Isa sa mga kaunting taong bilib sa akin ng mga panahong wala akong pera.

8. Si Mommy L at si Tin na dalawa lang sa pinagkakatiwalaan ko dito sa Bronx. Mula sa $26 na pinaghati hatian namin nung wala pa kaming sweldo hanggang sa mga Clinique Shopping Spree sa Macys, walang iwanan.

Ang mga hindi naman nagtagal. Masakit sa una pero ngayon hindi ko na pinanghihinayangan.
1. Best Fiend ko dati noong high school. Noong nagkatrabaho kami, sabay naman ang problema niya sa asawa niya. Bawat problema, utang sa akin. Okey lang eh lahat kaming kaibigan niya ay inuutangan niya para mabilan ng Nokia 8210 ang kanyang asawa.


2. Isang kaibigan na nainggit dahil natanggap ako dito sa New York. Walang humapay na intriga samantalang tinulungan ko siyang makapasok sa trabaho. Ako pa raw ang may kasalanan! Baligtad talaga ang mundo

3. Malapit na kabigan ko na kunyari ay match maker eh yun pala tinutuhog niya ang mga nanliligaw sa akin. Hindi sana siya mabibisto eh kiss and tell ang isa. Basted sila pareho!

 

4. Ang dati kong kabigan na pinagtawanan ako dahil sabi ko "Mag- apply kaya akong magturo sa New York?, ano sa tingin mo?" "Ikaw? hahahahahaha. hanggang dito ka lang. Hindi mo naman siya maiiwan eh." Hanggang doon rin kaya siya? Sa katangahan?


Marami pa na hindi ko na mailista. Nakakatawa dahil pito lang ang mailista ko pero sa mga nawala kong kaibigan, ang dami. Okey na kesa naman marami ka ngang barkada, puro "tupperware" or worst "Orocan" sila.

 

Barilan sa Bronx (Hula ko lamang)
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Apr.21.2007 @ 10:13 pm


Alam ng buong mundo ang naganap na trahedya sa Virginia. Isang estudyante ang na- praning at bumaril ng 33 katao. Karamihan nito ay mga estudyante at maraming debate ang umusbong mula dito. As usual ang mga argumento ay tungkol sa right to firearms and causes of violence. Sa aking opinyon, lahat tayo ay responsable para sa isa't isa ngunit kadalasan dedma tayo. Nagigising lamang tayo kapag may karumal dumal na nangyari.

Pauwi kami ng aking kaibigan noong Biyernes at napagusapan namin ang posibilidad na maaaring maging "site of shooting rampage" ang aming eskwelahan. Hindi ito malayong mangyari sapagkat ilang pagkakataon na rin na may gang wars, shooting in broad daylight sa perimeter ng aming paaralan. Isa dito ay ang isang 18 years old na babae na biglangbinaril sa ulo habang naghihintay ng bus. Walang motibo, trip lang at hanggang ngayon ay walang nahuhuli. Isang pruweba na rin ay mga "bulok" at outdated na sasakyan ang gamit ng aking mga katrabaho. Takot silang magmaneho ng mga bagong sasakyan. Yung ibang malakas ang loob na bumili ng Honda  CRV 2007, luhaan na ng kinahapunan dahil basag ang mirror at wala na ang radyo. Paano nga ba kung may pumasok na taong may malaking "tagis" at magumpisang magala- Scarface. Isa lang ang aming security officer. Okey siya pero ngayon wala sa sarili dahil in love sa kanyang 22 years old na boyfriend. Demi- Ashton ang drama nila pero hindi niya kamukha si Moore, "Demisalang, Cavite" ang dating niya.

Balik na tayo sa paksa, ano ang gagawin ko kung alam kong ilang minuto na lang at mapupuno na ng bala ang aking pang FHM na katawan. Sabi ng kaibigan ko, magtatago siya sa closet. Ako meron rin closet pero ilalagay ko na lang ang mga estudyante ko na para silang de lata. Kung pwede ko pa isiksik ang aking pwet, okey. Pero kung may third eye ako maghahanda ako ng Chart aka listahan ng mga rason na ipapaskil ko sa pinto ng aking classroom para basahin ng killer. Mag- iiwan din ako ng basket ng Hershey's kisses, subscription sa Playboy magazine at siyempre gift card mula Macy's. Kapag makayanan niyo pa ang aking kabaliwan, eto na ang aking listahan. (Kung alam ko rin ang kanyang nationality, translated siyempre)


1. Ipag- lunch mo muna kami dahil ang mga estudyante ko ay hindi pa kumakain. Sampal at mura ang hapunana nila. Please be considerate.

2. May "bisita" si Ms. T so kapag binaril mo siya, mas maraming dugo. Sayang naman ang mga binili niyang tampons.

3. Kung hindi mo maintindihan ang # 1 and 2, maaring pumunta lamang sa General office at andoon ang boss ko, nagtatago sa ilalim ng mesa niya.

4. Hindi pa namaster ng aking klase ang mga kulay. Ang red ay green pa rin at ang purple ay isang gulay.

5. For your information, bagong model na ng Victoria''s Secret si Ms. T. Sawa na sila kay Heidi Klum. (Dito magsuicide na lamang ang killer, isipin na lamang niya na nakasuot ako ng thong. Nakakamamatay na vision ito)

6. Ang boss ko ay nasa general office. Bitch siya! Ipaglaban mo si Ms. T at ang buong eskwela. Puksain ang kasamaan! (Lalagyan ko pa ng sound effect na kulog at kidlat)

7. Maraming pangarap ang aking mga estudyante. Karamihan ay gustong maging construction worker at ang mga girls ay gusto maging hooter.

8. Hindi pa tapos ang topic namin sa Writers Workshop. Grammar ang lesson ko. (We was pa rin kase sila wala alam sa grammar)

9. Walang iiyak kapag namatay si Ms. T. (Ambivalence ang feeling nila so hindi ako ganoon significant)

10. Gusto ko ng glamorosong kamatayan. Ayaw ko yung sabog ang utak ko o labas ang tiyan. Ayaw ko ngang pagtawanan ako ng mga kapatid ko habang nasa kabaong. Mga alaskador pa naman sila.


11. Ako lang! Ako lang at ako pa rin ang nagmamahal nang totoo sa aking klase.

12. Malapit nang iwanan ni Brad si Angelina. Sobrang payat na kase siya kaya babalik na sa akin si Brad. Aampon kami mula Pilipinas, Fiji at Haiti. (UN ambassador din ako, gusto mo trabaho?)

13. Inuulit ko! Nasa ilalim lang ng mesa ang boss ko. Baka nagrere- touch ng biyak biyak niyang foundation.

14. Hindi ko pa napuntahan ang Paris. Please, pagkapehin mo naman ako kaharap ang French manicure ko.

15. Baka pagtawanan ka ng klase ko kase mas maraming firearms ang kanilang mga magulang.

16. Nabitin ka ba sa crack? Teka, may kontak akong parent. Naiwan niya ang isang pakete ng coccaine sa auditorium noong graduation ng kindergarten last year. Ilang guhit gusto mo?

17. Tatapusin ko muna ang pagdasal ko ng rosary na nakalihod sa macaroni noodles. Walang munggo eh.


18. Mabait na brattina na matulungin na may topak na mapagbigay na moody na mahilig sumulat na mataray na umaangal pag hindi "in" na patuloy na nagiging dakilang OFW si Ms. T.

19. Kung hindi mo maintindihan ang # 19, again nasa opisina lamang si bossing. Tanungin mo siya, like na like na sobrang like niya ako, promise!

20. Gusto kong mamatay.............................edad 90 na nakalimang asawa. (Si Brad, Si Orlando, Johnny D., Vin Diesel at sige na nga si Sanjaya)

21. Idol ka ng mga estudyante ko, gusto mo bang mawalan ng fan base? tsk tsk tsk

22. Ang boss ko ay isang mahadera. period. Hindi siya marunong magblend ng make up at lampas labi ang kanyang lipstick. Peke rin ang kanyang buhok. Carry mo yun?

23. May gamot ako dito pampakalma. Aantukin ka lang dahil anti- allergy. Kung gusto mo naman hihingan kita ng "sack of doobie" or sako ng damo sa aking katrabaho. Magaling rin siyang Arts Teacher.

24. Hindi mo ba alam na si Ms. T ay si Darna. Nagkatampuhan sila ni Ding at ang bato ay nasa aquarium niya.

25. Relax ka muna, may Cuervo sa ilalim ng mesa ko. Kapag naloloka din ako, naiintindihan kita. Gusto ma ba ng Bailey's? Margarita? Pina Colada?

26. Tao ka, tao ako, tao ang mga estudyante ko. Ang Boss ko anti- tao. Alien siya. Gusto mo ba na mahaluan tayo ng ibang specie?

27. Wala ka bang gf? Madali lang yan, marami sa bansa ko ang gustong makarating dito. Mag cyber chat tayo, merong internet ang Sidekick 3 ko.

28. Hindi ka na ba naniniwala kay Lord? Samahan mo ako magsimba at magbasa ng bibliya. Explain mo sa akin tapos panoorin natin ang Da Vinci Code. Libre kita.

29. Ang mga estudyante ko ay may mga pangarap. Actually pangarap ko para sa kanila. Pwedeng pagbigyan mo lang ako. May puti na akong buhok dahil sa kakaturo na ang 1+1 ay 2 at hindi 11.

30. Narinig mo ba iyon sa PA? Pinapatawag ka ng boss ko sa opisina niya. May cookies at juicy juice ang naghihintay sa iyo.

 

Kung nabasa niyo ang aking tulang "He was a Loner", puwede niyong sabihin na hindi ako tuluyang lokaret. Marami na rin akong natanggap na negative comments dahil naiisip ko pa raw yung killer. Pero matigas ang ulo ko at website ko at umiyak ako habang sinusulat ko. Hindi ko alam kung ipapako niyo ako sa krus dahil sa sinulat ko pero ipagdasal niyo naman na hindi ito mangyari. Sabagay, sa The Bronx lang naman ako nagtuturo.

 

Follow
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Apr.15.2007 @ 1:26 am

 

the new link for my latest publication

http://thewritingforum.net/html/hazel_toquero.html

 

Lumpo
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Apr.09.2007 @ 1:28 pm

Pipilay pilay ako ngayon. Wala akong masisi kundi ang aking sarili dahil sa pagmamadali at dahil na rin sa aking pagkadapain. Bumaluktot ang aking kanang paa at ngayon at kasing laki na ng mansanas sa pamamaga. Kahapon sa Tampa Internation Airport, nabigyan ako ng special treatment at binigyan ng wheelchair. Ang akala ko ay hanggang upuan ko sa eroplano ako ihahatid. Ang kaso pinark lang ako sa tabi ng gate 66. Okey lang sana eh apat na oras pa akong maghihintay ng flight pabalik ng New York. Hindi ko naabutan ang aking eroplano dahil nga nag- Miriam Quiambao ako. Sabi ko na lang na paglaruan ko na lang ang wheelchair. Putsa! Ang hirap pala. Masakit sa biceps ang triceps. Enjoy noong una dahil gulong gulong ako na tinitingnan ng mga puti dahil para akong lokaret sa airport. Pero nabilang ko lamang ang mga taong tumulong sa akin. Isa ang tindera ng magazine at bubble gum at yung cleaning lady sa restroom. Karamihan ay mukhang naiirita pa noong humarang ako upang kumuha ng Starbucks Coffee. Yung mga lintik na teenagers naman ay walang pakundangan na bangga banggain ako. Nakarating naman ako nang buo sa New York. Nakahinga na lang ako nang maluwag dahil naramdaman ko na ang aking hinlalaki. Perfect na sana ang arrival ko pero nadelay ang aking luggages dahil napunta sa ibang aircraft. Umuwi akong walang bag at halos mamatay ako sa pag- iisip na may magnakaw ng aking Burberry bag na regalo pa ni Kuya. Nakalimang tawag na ako sa Delta para hanapin ang mga nawawala kong bagahe. Sa kasaukuyan ay lumpo pa rin ang manunulat na ito. Upang sumaya ako, isang malaking bag ng Doritos ang nilalamon ko. Comfort food lang ang aking karamay sa oras ng aking pagkapilay.

 

A small accomplishment
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Apr.02.2007 @ 10:16 pm

 

Just wanted to share my joy of having two of my poems published in a UK website. I guess patience pays off at the end. You can check it out on the following link
 
http://www.apoetscall.webeden.co.uk/ and click on guest poets 2. I was asked to submit a short bio (which I always procrastinate whenever I write something). In the next days, I will work on it.
 
 
Have a good week
Pangalawang Pagkakataon
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Feb.26.2007 @ 11:21 pm

 

Pangalawang Pagkakataon

Naalala niyo ba noong nakaraang taon na hindi tinanggap ang aking libro, "Ang New York ay Isang Isla?" Ang katotohanan ay isinantabi ko na muna ang proyektong ito at binigyan kong pansin ang article writing sa mga magazines at pagsali sa mga poetry contests. Dulot na rin ito ng malaking tax ng New York kaya kailangan ko ng extra dollars. Bukod pa rito ay naging miyembro ako ng ilang organisasyon ng mga manunulat upang mas lalo akong mahasa sa pagsusulat. Habang nagbabakasyon ako sa Sunshine State (Florida) noong isang linggo, nakatanggap ako ng email mula sa isang publishing company na kauna- unahang tinanggihan ang aking manuscript. Laking gulat ko dahil wala na sa guni guni ko ang makarinig pa mula sa kanila. Sa madaling salita, hinihingi na naman nila ang kopya ng aking libro. Laking tuwa ko dahil mukhang may pag- asa na mabasa na sa wakas sa Pilipinas ang aking libro. Kalahati naman ng utak ko ay nagme- merry-go- round. Writer's Jitters ang nararanasana ko ngayon. Hindi ko na naman titigilan na i- edit ang libro sa hangad na maging "perpekto" at "mabenta" na ito sa publisher. Sumabay pa rito ang aking hindi inaasahang paglilipat sa bagong apartment. Sinusulat ko ito sa ibabaw ng isang malaking kahon ng aking microwave. Very inspiring kung ang paligid mo ay puro kahon ng gamit. Dahil sa aking excellent organizational skills, hindi ko na maalala kung saang kahon ko nailagay ang aking mga pantulog. Maliit ang problemang ito kung ikukumpara sa kaba na aking nararamdaman sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa akin. Cross our fingers, our legs pati na eyes na matanggap na ito. Ang pangarap ng manunulat na ito ay hindi pa namamatay. Sa kasalukuyan, naniniwala na ako sa kasabihang, "Never give up!" Simula bukas, "ooperahan" ko na ulit ang librong "ANG NEW YORK AY ISANG ISLA."

Pagbababa sa Bangko
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Feb.19.2007 @ 5:37 pm

Pagbalik ko sa Sabado mula Florida, lilipat na ako ng apartment. Isa sa mga kaibigan Filipino ko ang nakabili ng bahay. Naisip niya ako kaagad kaya inalok niya na upahan ko ang kanilang basement. Kung ikukumpara sa dati kong apartment, para akong bababa mula sa bangko. Ang diperensya ng $990 at $650 ang rason kung bakit ako lilipat. Hindi na kaya ng budget ko at dahil si Uncle Sam ay may malaking porsyento sa aking sweldo. Mahirap na dahil nakadepende na ako sa aking mga credit cards. Hindi ko namalayan na lumobo na aking credit card debts. Hindi pa naman ako hahabulin ng credit bureau pero kailangan na bumalik ako sa "dating daan", ang magtitpid at gumastos lamang nang tama. Pruweba pa na bumaba ang aking credit scores dahil malaki ang aking mga balances. Mula sa third floor ng brick building, lilipat ako sa basement na cute. Gusto ko siya dahil cozy, bago at sa itaas lamang naninirahan ang aking mga kaibigan. Bago ako naglayas papuntang Sunshine State, nag- impake na ako para handa na ang aking paglipat. Ang dami ko na palang gamit. Sangkatutak na libro na hindi ko pa nababasa, DVDs na hindi ko pa napapanood at Victoria's Secret na panty at bra na hindi ko pa nagagamit. Isang gitara, isang keyboard at milyon milyong sapatos. Sumobra nga ako at kailangang magpakumbaba. Natauhan ako dahil hindi ko na napapadalhan ang aking lola ng kanyang monthly na pang- kulot. Basta ang alam ko ngayong Marso, uumpisahan ko na ang mag- ipon, sumakay ng bus (nasanay ako sa cab dahil ayokong maging amoy G force) at tigil muna ang expensive dinners. Calculated ko na ang aking maiipon so sa loon ng apat na buwan, mababayaran ko na ang aking mga "jutangers" at magiging Darna na naman ako minus the malaking bato of utang.

Omnipotent...Not!
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Feb.19.2007 @ 12:12 am

 

Omnipotent...Not!

I learned something today
Life comes to you in many guises
You thrive in it and fail at times
Yet you still succumb to its decisions


I learned something today
Life can be taken for granted
I take each day foolishly
Complacent, even too proud


I learned something today
Life can be as beautiful as sunset
And terrible as a deadly assassin
I was blind, thought I was invincible


I learned something today
Life will give you chances
But it can be selfish and unforgiving
I think I had more greed than gratitude

 

I learned something today
Life has a design for us
A canvass of tricks and turns
I chose my colors poorly


I learned something today
Life is a teacher, a timekeeper
It taps you on the shoulder
And say, "You are not omnipotent!"


I learned something today
Life can be seen through other's eyes
I see it more clearly now
I fell on my knees and cry


I learned something today
Life can be a battle
From a person I know
Who right now is fighting
For what dear life can offer

 

***This is dedicated to a dear friend and former classmate, I look forward to hearing you say again, "Life is still good."***

Valentine's Yelo
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Feb.15.2007 @ 9:17 pm

 

Valentine's Yelo

Kahapon ay Valentine's day. Nagkataon din na malaking snowstorm ang dumating. Mula New Jersey hanggang Upstate New York, naging fridge ang paligid. Alam kong maiinis ako kahapon ng umaga kaya lumabas ako nang sandali para tikman ang mga snowflakes (habang malinis pa) at maglaro sa snow habang hindi pa ito sleet. Pumasok ako sa trabaho na malungkot dahil alam kong napurnada ang Valentine's day ko kasama si Marcello. Cancelled ang dinner sa Thai restaurant. Bukod pa rito ay pumasok lahat ng aking mga estudyante. Talagang "weather proof" at kahit tsunami ay hindi makakapigil sa kanilang kumain este pumasok sa school. Pagod, nilalamig at melancholic akong pauwi pero naisip kp na Putsa! Kung gusto ko ng memorable na V day, kailangan ko gumawa ng paraan. Kaya kahapon, nag swimming ako sa maduming snow, halos ma- frosbite ang aking toes kahit naka thermaboots ako at tatlong beses na nadulas bago ako nakarating sa grocery. Dali kong dinampot ang chicken (ito lang po ang alam kong lutuin), chocolate cake, mixed vegetables and cherry juice. Balancing act ang ginawa ko sa limang blocks na nilakad ko. Siyempre nadulas na naman ako pero sinigurado kong hindi nasira ang cake. Puro mura na malutong ang narinig sa akin kaya kala ng building supervisor ay nababaliw na ako. Dali dali kong hinanda ang marinade ng chicken, chill the cherry mix and of course lagyan ng icing na "I love you" ang cake. Habang hinihintay ko na ma- grill ang chicken, inumpisahan ko naman iimpake ang aking mga game consoles. Yes, mga readers lilipat na ang manunulat na ito sa ibang apartment. Malayo sobra dahil sa tapat lang ng building ko. Dahan dahan kong binalot ang aking mga PS games, ang lover ko na si XBox at ang aking bagong bf na si Wii. Pagkaraan ng bente minutos, napansin ko na wala akong naaamoy na bbq chicken. Lintik na pusang gala! Hindi na pala gumagana ang oven ko. Improvise! Steamed chicken ang nangyari at nang hindi pa maluto ang hudas na manok, prinito ko na lang. Dinagdagan ko na lang ng soy sauce para may kulay. Dumating na rin ang dakila kong boyfriend, matigas na siya..... dahil sa lamig (alam ko na iniisip niyo). Hindi siya makapaniwala na ang girlfriend niyang mareklamo ay naghanda para sa Valentine's day. Halos lumutang ako nang sabihin niyan delicious ang aking niluto. Hindi ko lang masabi na halos patayin ko nang sampung beses pa ang manok. Ang dessert siyempre ay ang chocolate cake. Siya 1/ 4 slice lang ang kinain habang ako ay 3/4 kase napagod ako. Sa labas habang ang buong New York ay nagiging malaking iceberg, sumisiklab naman ang init sa loob ng apartment. Hanggang ala una kami nagroromansa. Kasama si Wii dahil wala sa amin ang gustong magpatalo sa tennis.

Mansanas o Saging
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Feb.12.2007 @ 2:15 pm | Last edited: Feb.12.2007 @ 1:25 pm

 

Isang buwan na akong nabubwisit sa New York. Ilang pagkakataon na rin na minumura ko ang lahat ng makita, maamoy o marinig sa paligid. Ang term ng aking kaibigan mula Maryland ay "burn out" ang aking kondisyon. Wala akong masabihan kaya pati ang pagsusulat ko tungkol sa New York ay naapektuhan. Wari bang wala na akong maisulat na maganda tungkol sa kanya. Lahat ng aking kaibigan ay nag- aaalala sa akin. Katwriran nila "Kung hindi ka na masaya diyan, lumipat ka na rito sa New Mexico, Maryland o Virginia." Lahat na ay inapplayan ko at lahat naman ay may positibong sagot. Ang kailangan ko lamang ay magfax ng transcript at lisensya. Malamang nagkapatong patong lang ang aking mga problema. Ang pinakamasakit na maramdaman ng isang OFW ay ang hindi makapagpadala sa Pilipinas dahil gipit rin siya. Ito ang aking kalagayan ngayon. Sa hindi inaasahang utang sa state ng New York at ang trabaho na walang tigil na inaahas ang aking paniniwala sa pagututuro, hindi mo ako masisisi kung bakit gusto ko na lumayas. Atay sa atay kaming nag- usap ng aking boyfriend. Umiyak ako at ipinaliwanag ang aking kalungkutan. Nakinig lamang siya pero alam ko na nasasaktan ko siya sa aking mga sinasabi. Pattern ko na ito, kapag hindi na ako happy nilalayasan ko na ang lahat. Nabanggit ko pa na walang patutunguhan ang aming relasyon dahil wala kaming maipon dito. Glamorous nga ang Big Apple pero kakayod ka na higit pa sa kalabaw upang hindi malunod. Humagulgol ako dahil siympre guilty ako sa mga sinabi ko, mabait naman siya at hindi deserving na gaguhin ko. Pero bwisit na ako so sorry na lang talaga. Lumabas muna siya ng kwarto at siguro para suntukin ang pader dahil sa galit sa akin. Pagkatapos ng bente minutos, bumalik rin at hinawakan ang kamay kong puro uhog at luha. "I do not want you to be sad. If you think moving to another state will make you happy, then go." Lalo akong umiyak, putsa talaga. Ako na si Darna, gigive- up dahil puro ghetto ang nasa paligid ko, tadyak ito sa aking pride na pagiging fighter. Pero ang mga sumunod na sinabi niya ay nagdulot sa akin upang mag-isip. "Alright, here is what I think, if you move there you will get a cheaper apartment, more behaved students and nicer bosses. However, you should also think that running away is not going to solve your problems. Let me give you a list of why you should think 100 times before transferring."1. You easily get BORED. You crave for a fast paced lifestyle. You say you are tired of working here but each morning you wake up to go to work. Even for just 10 minutes of silence, you fidget because you are bored. In plain words, you got ADHD. Being out there in desert like states will bore you to death. I am telling you the truth.
2. You need a car there. It is easy to buy yet the cost of gas is high. Plus driving a car will make you fatter since you will not have a place to walk or even jog around. I know you don't want to be fat again.
3. You hate inconvenience. You even take a cab instead of walking six blocks to a pharmacy.
4. You say that your friends are moving on. But you fail to realize that you are moving on too. You are surviving New York. It will never be a bed of roses here for you, me or anyone. Anywhere you have to start on a bumpy road.
5. You abused your credit cards. You send too much money back home. THAT'S YOUR FAULT!
6. "Nakakalimutan mo na andito ako. Kasama kita sa plano ko. Wala kang pasensya. Kanina ay kausap ko lang ang Tatay ko at tinutulungan niya akong humanap ng bahay sa Queens para sa atin. Kaya huwag mong sabihin na wala tayong patutunguhan. Wala kang faith sa atin. Pati ako ay tatakasan mo."
Ngek! Sa huling binanggit niya, natauhan ako. Lalo ako umiyak dahil sa hiya, akala ko kase pinapaasa niya lang ako. Call me user friendly pero aaminin ko na isang concern ko ang stability. Sobrang dami ng competition dito at dapat laging handa na kumarera ka. Sabi ko "I will think about it." Hindi ako pumasok ngayon dahil tumatahol pa ako dulot ng trangkaso. Kaninang alas diyes, nakita ko na naka business suit ang aking boyfriend. Sabi ko "akala ko ba, absent ka rin." "No, I am going to meet someone later." "Date ba?" "Dummy, no. Something important." Habang umakyat siya, sinilip ko ang kanyang bag, Nakita ko ang application for loan and iba pang proof of credit history. Hindi pala lahat ng tao dito sa New York ay manloloko. Guilty tuloy ako pero sabay ngiti hanggang. Bumalik siya at dali dali kong sinara ang kanyang bag. Nagpaalam habang ako naman ay kinikilig sa ilalim ng kumot. Naliwanagan ako na kailangan lang ng konti pang pasensya at ginhawa na naman. Ang New York ay Isang Isla. Para siyang nanay na kinaiinisan mo dahil basta pero patuloy mo pa rin na minamahal. Bago ko pala makalimutan, dumating ang isang maliit na package mula sa isang kompanya ng alahas. Mamaya pagdating niya, dedma ako kung tanungin niya kung binuksan ko ang package. Siyempre hindi, sinilip ko lang kaunti. Basta ang alam ko velvet box ang laman, Hulaan niyo na lamang ang nasa loob. Malapit na kase ang Hearts' Day.


Current Page 3
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org