|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Apr.02.2007 @ 10:16 pm |
Just wanted to share my joy of having two of my poems published in a UK website. I guess patience pays off at the end. You can check it out on the following link http://www.apoetscall.webeden.co.uk/ and click on guest poets 2. I was asked to submit a short bio (which I always procrastinate whenever I write something). In the next days, I will work on it. Have a good week  |
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Mar.31.2007 @ 12:28 pm |
Vanity Circus
When I was 6 years old I looked at mom's face She had lines around her mouth Like cracked soil in a pot
When I was 10 years old I had a teacher She wears Chanel No.5 But her eyes drooped
When I was 12 years old I had a favorite vendor She sells my favorite pudding Her hands crawl of spider veins
When I was 18 years old I danced with 18 roses I am forever young My mom's lines grew ten fold
When I was 24 years old My face was changed Just a bit Paranoia sets in
When I was 26 years old My boyfriend saw a grey strand I freaked out, cried like hell I pulled it out with angst
When I was 28 years old I saw lines under my eyes I look like a raccoon Creams piled up on my pores
I am going 29 years old My face starts to age Acceptance is on its way I feel more calm
I looked into a mirror I count them every Sunday Eagle's feet around my mouth I reach for a regenerist
I wake up from a silk pillow I face another day of aging I am me. vanity fades slowly I will be aright
Hopefully I will age gracefully.
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Mar.25.2007 @ 4:48 pm |
Habang ang buong mundo ay nakatutok sa mga susunod na magaganap kay Britney Spears, kasalukuyang nahihirapan akong humanap ng inspirasyon upang makapagsulat. Hindi dahil KJ ako sa panghuhula kung anong kulay ng wig ang susunod na isusuot ni ex- Mrs. Federline, wala ako sa mood na magsulat sapagkat pinag- iinitan sa trabaho ang aking kaibigan. Noong una ang akala lang namin ay may "bisita" ang aming boss kaya araw araw pinapagalitan siya. Alam na naming gaguhan na ang nangyayari nang inakusahan siya na sinakal niya ang isa sa mga estudyante. Kumulo ang dugo ko at gusto kong ilabas ang aking balisong. Sino ba naman ang hindi maiinis kung kayod Islaw Kalabaw ang drama mo tapos pag- iinitan ka lang dahil Pinoy ka? Halatang biased dahil ang dami namang palpak na guro pero napiling pag- tripan ang aking kaibigan. Dalawang buwan na siyang naghihirap at kailangan nang uminom ng gamot para lang kumalma. Napansin ko rin na dedma ang boss ko sa akin. Ewan ko kung ano ang drama niya pero obvious naman siya. Guilty by association ba ang ipupukol niya sa akin? Malamang ako naman ang susunod na pag- iinitan o tapos na ba ako ng nakaraang administrasyon? Wait and see na lang. Lumabas kami noong Biyernes at sa harap ng Lechon Kawali, binigyan namin ng suporta ang aking kaibigan.
Binibilang ko na lamang ang mga linggo bago matapos ang schoolyear. Pasalamat na lang ako na tapos na ang aking probationary period ko at pwede na akong lumipat sa ibang eskwelahan malayo sa mga ghetto at kahit magbayad ako ng extra, lilipat na rin ako ng tirahan sa Manhattan. Malaking kaltas sa bulsa pero hindi na madadagdagan ang wrinkles ko sa noo. Nakakapangamba pero better safe ng sorry. Noong nakaraang linggo, napatalsik ang isang model teacher dahil sa power trip lang. Politika nga naman kahit pa sa loob ng sistema ng edukasyon . Ang mga sumusunod ay red flags of discrimination.
1. Lagi kang pinagagalitan nang wala sa lugar. Nagkataon lang na black ang iyong pantalon at hindi dilaw tulad ng gusto ng boss mo. Galit siya dahil ayaw mong maging B1 or B2.
2. Pilit na pinapapirma ka ng papeles na hindi mo pa nababasa. Kapag hindi mo gawin, tatawagin kang maarte. Maarte ako sobra!
3. Kahit na anong gawin mo, di nasisiyahan ang boss mo. Sommersault ka pa sa ere sabay cartwheel, incompetent ka pa rin.
4. Fresh ang tawag sa iyo kapag nangatwiran ka. Pwede na akong ihalintulad sa gulay, laging sariwa dahil palasagot ako kung mali naman talaga. Sabi ko na nga ba, bilang na rin ang mga araw ko!
5. Magaling at masipag kang magtrabaho. Kaya nga galit sila sa iyo.
6. Devil's advocate ang role nila. Utos galing sa taas kaya wala silang choice. Ang sabi ko naman sa friend ko, wala rin siyang choice kaya nagsampa na siya ng kaso ng slander.
7. Mas marami ang trabaho na ipinupukol sa iyo. Sala sa init, sala sa lamig. Matapos mo man o hindi, may pintas pa rin sila.
8. Lagi silang may verbal threats. Breakfast ito at lunch ng aking kaibigan. Ang sabi ko naman gawin niyang dessert ang documentation ng mga ito.
9. Wala silang awa kahit mapaiyak ka pa sa harap nila. Wala na nga silang puso, wala pa silang appendix.
10. Kapag nalaman nila na nagfile ka ng kaso of discrimination, pahihirapan ka pa nila lalo.
Alam rin namin na hahaluan ng politika ang kaso ng aking kaibigan upang siya ay matanggal sa trabaho. At least lumaban siya and huwag kalimutan na ang karma ay masakit kumagat sa pwet. Malaki ang pwet ng aming boss.
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Mar.18.2007 @ 7:16 pm |
Sa bawat pagkakataon na maaari kong ipagmalaki na ako ay Pinoy, lagi akong handa. Nakakatawa na nakakalungkot pero noong andyan ako sa Pilipinas, lagi kong sagot ay half Tagalog at half Ilokano na may halong Tsekwa. Pagdating ko rito sa Big Apple, taas noo akong sumasagot an "I'm from the Philippines, I am Filipino." Nalaman ko na may advantages ang pagiging Pinoy. Sa trabaho pa lang, ibang iba tayo. Angat nang sampung palapag ang kalidad natin at di hamak na kahit saan tayo isabak, nagiging Darna at Nardong Putik tayo. Hindi ko binubuhat ang bench nang bayan, nagta- tumbling pa ako sabay split habang tinatapon ko ito. Ang mga sumusunod ay nagpapakita kung bakit mas marami tayong "Amor Powers." 1. Mabango tayo! Isang malaking tandang pandamadam ito. 2. Isang beses lang natin sinusuot ang ating pantrabaho. 3. Tayo ay nagsisipilyo at stockholders tayo ng Listerine. 4. Wala tayong muta dahil 20 beses tayong tumutingin sa salamin habang nakasakay ng bus. 5. Naiintindihan ang ating English skills. Kadalasan ay correct grammar ang middle name natin. 6. Hindi pa gaanong nagmumura ang ating kabataan. Kaya kapag gusto kong mapasok ulit sa rehab upang malunasan ang aking pagmumura bumibisita ako sa bahay ng aking kaibigan. Siyempre sa harap ng mga anak niya, hindi ako makapagsabi ng "Pak" at "Bullpoop!" 7. May writing skills tayo. Hindi natin kinakatakutan ang essay part ng mga exams. 8. Malakas ang loob natin kapag mag- isa tayo. Patunay na ako kase diyan sa atin, nakahawak pa ako sa saya ng aking lola. Ngayon marunong na akong mag- saing at mamalantsa ng panyo 9.Nature na natin ang tumulong. Mr. ang Ms. Friendship tayo. International division pa. 10. Humble tayo. Nagyayabang lang kapag kapwa Pinoy na ang kaharap. 11. Faithful.........ang mga Filipina. 12. Cute, mapagmahal at maalaga ang mga Pinay kaya naman mabenta dito sa New York. Dito ko natanggap na kayumanggi ako at hindi malaki ang aking boobs. 13. Sa mga Pinoy naman, pagkatapos ng pang- limang date ay doon pa lang hihingi ng halik. 14. Bihira ang kuripot na Pinoy. Kung meron man, "antibiotic" sila 100%. 15. Magaling sa Videoke!
Sa Abril, panonoorin ko si Lea Salonga sa Broadway. Balik Les Miserables siya hangad ko na panoorin ang isang Pinoy na nagtagumpay at ipinakita sa buong mundo na hindi tayo mga mangmang. Pangarap ko rin na sa mga susunod na araw, makikilala ako bilang isang seryosong manunulat. Susubukan ko habang pinipigil ko ang aking pagiging bungisngis.
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Mar.05.2007 @ 10:15 pm |
Isang katotohanan sa Pilipinas na kapag titser ka, medyo mababa ang tingin sa iyo. Pwera na lang kung ikaw ay propesor sa isang mataas na unibersidad at lima ang iyong masteral degree at may PhD ka. Sa public school system, may teacher 1, 2, 3 hanggang yata 20. Tinangka kong magturo sa public school kaya lang wala akong masyadong kilala sa loob. Nakakalungkot pero ganito ang nangyari kaya napunta ako sa private special education schools. Nahasa naman ang aking pagtuturo at humaba na parang longganisa ang aking pasensya. Nang malaman ko na magtuturo ako rito sa New York, naisip ko kung uubra ba ang style ng aking pagtuturo? O uuwi ba akong luhaan at may malaking black eye. Isama mo na rito ang bugbog na ego. Ang totoo ay tinatatanong ko pa rin ang sarili ko hanggang ngayon. Higit na nanunuot sa aking konsensya kapag kalagitnaan na ng school year. May naituro ba ako? May natutunana ba sila? Sumungit ba ako lalo? Milya milyang tanong kaya kadalasan ay stressed out ako. Isang araw, sabi ng boyfriend ko na kung pwede ba akong mag- apply na sign language interpreter tutal proficient naman ako dito. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mag- sign pero bumagal na ako dahil wala ako "kausap." Naisip ko rin na puwede kung kukuha ako ng tests para maging certified na interpreter dito. Nag- research na ako at alam ko na ang proseso para makakuha ng lisensya dito. Ang nakakatawa ay nalungkot naman ako. Less stressful nga ang mag- interpret pero sa huli ay nabo- bore na ako. Noong nagsabog si Lord na kadaldalan, sampung lata ng Nido ang dala ko. Bihira akong tahimik maliban lang kung talagang bad trip ako. pagod o may sakit. Habang naglalakad mula sa Zerega station, naisip ko ang mga magagandang naidudulot ng pagtuturo sa akin.
1. Sa mata ng isa o dalawang bata, ako ang pinakamagandang nilalang na nilikha ni JC. Wala rin sila care kahit sabihin pa nila ito in public. Di bale na kung may eye patch si B1at banlag naman si B2.
2. Sa tatlong taon na nagtuturo ako, alam ng klase ko na present ako sa pamamagitan ng aking pabango. Laging bagong ligo at may cologne. Halos singhutin na ako pagpasok ko sa klase.
3. Binobola ako kapag gusto ng free time. Di nila alam na trade in lang ang ginagawa ko. Do your work at may free time tayong lahat.
4. Puwede kong ipakita na naiinis na ako nang walang magsasabi na "time of the month". Siyempre pressured kaya alam ng mga estudyante kapag pula na ang ilong ni Ms. T. malapit na ang time out.
5. Lesson plan na kahit bwisit na bwisit kong ginagawa ay pinagpapaguran ko. Typewritten in comic sans or bremen font para unique. As usual mula pa ng college, kopyahan ako ng mga kasama ko. Ngayon naman kapwa teacher ko. Okey lang at hindi ako madamot basta ba bigyan nila ako lagi ng post it notes at staple wire.
6. Tuwing may okasyon, right ko ang magpa- party. Kahit na ika 120 days na, celebrate pa rin. Cliche na ang 100 days so kahit yung pagsalita nang malakas sa unang pagkakataon ng isang estudyante, may ice cream na kaagad.
7. Ang kausapin ang mga boss na nakangisi. "Yes, I understand." Pagtalikod ay "Punyemes de patatas! Lintik na letse. May toyo lang ang susunod sa pinapagawa mo." Sarap talaga kapag may ibang language ka.
8. Ang pagiging makulit sa mga bata na kaya nila matuto. Kahit na ABC lang, okey na kahit isang taon naming pinag- aaralan.
9. Kapag nagkamali ang bata, may naiukit na sa puso ko huwag magpahiya. Mega encourage pa rin kahit na ang blue ay red pa rin sa kanya.
10. Ang mga kaibigan sa school mula sa custodians na alaga ang room ko, secretaries na nilalakad ang mga paperworks ko at mga lunchladies na inaalagaan ang mga chikiting ko kapag kainan na. Mas binabati ko pa sila kesa sa mga mapagkunwaring mga katrabaho. Ang sabi nga nung isang custodian, "I like Ms. T. She is very friendly to us. But she is strict with her students but she can also be pissed when you bitch around her." Gangster na rin po kase ako.
11. Actual delivery of lesson with matching choreography at materials. Laging may song and game kahit na boses palaka ako. Patok naman sa klase.
12. SWELDO! Kahit na summer time.
13. Idol ako ng buong klase. Love hate relationship man, 100 % ang tiwalang binibigay sa akin ng mga bata kaya dapat huwag sumemplang.
14. Walang uniform. Hindi naman ako nagsusuot ng shorts of jogging pants. Casual pero mukha pa rin guro.
15. Mula Lunes hanggang Biyernes, lagi kong nasasabi ang mga salitang, "Good Job! I am proud of you. Let's try this again. I know you can do it. Well done, high five!"
Hindi ako marunong sumayaw ng Salsa, mag split at tumambling o tumapak sa nagbabagang apoy. Hindi rin ako ballet dancer o kaseng ganda ni Gretchen Barretto (5 puntos lang ang lamang niya) o kasing talino ni Erap. Ang sigurado ko lang, alam kong magturo. Kahit pa isang libong beses ko tatanungin ang sarili ko kung kaya ko pa sa teaching profession. Ang sagot ko ay isang malutong na Putragis! Oo naman!
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Feb.26.2007 @ 11:21 pm |
Pangalawang Pagkakataon
Naalala niyo ba noong nakaraang taon na hindi tinanggap ang aking libro, "Ang New York ay Isang Isla?" Ang katotohanan ay isinantabi ko na muna ang proyektong ito at binigyan kong pansin ang article writing sa mga magazines at pagsali sa mga poetry contests. Dulot na rin ito ng malaking tax ng New York kaya kailangan ko ng extra dollars. Bukod pa rito ay naging miyembro ako ng ilang organisasyon ng mga manunulat upang mas lalo akong mahasa sa pagsusulat. Habang nagbabakasyon ako sa Sunshine State (Florida) noong isang linggo, nakatanggap ako ng email mula sa isang publishing company na kauna- unahang tinanggihan ang aking manuscript. Laking gulat ko dahil wala na sa guni guni ko ang makarinig pa mula sa kanila. Sa madaling salita, hinihingi na naman nila ang kopya ng aking libro. Laking tuwa ko dahil mukhang may pag- asa na mabasa na sa wakas sa Pilipinas ang aking libro. Kalahati naman ng utak ko ay nagme- merry-go- round. Writer's Jitters ang nararanasana ko ngayon. Hindi ko na naman titigilan na i- edit ang libro sa hangad na maging "perpekto" at "mabenta" na ito sa publisher. Sumabay pa rito ang aking hindi inaasahang paglilipat sa bagong apartment. Sinusulat ko ito sa ibabaw ng isang malaking kahon ng aking microwave. Very inspiring kung ang paligid mo ay puro kahon ng gamit. Dahil sa aking excellent organizational skills, hindi ko na maalala kung saang kahon ko nailagay ang aking mga pantulog. Maliit ang problemang ito kung ikukumpara sa kaba na aking nararamdaman sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa akin. Cross our fingers, our legs pati na eyes na matanggap na ito. Ang pangarap ng manunulat na ito ay hindi pa namamatay. Sa kasalukuyan, naniniwala na ako sa kasabihang, "Never give up!" Simula bukas, "ooperahan" ko na ulit ang librong "ANG NEW YORK AY ISANG ISLA." |
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Feb.19.2007 @ 5:37 pm |
Pagbalik ko sa Sabado mula Florida, lilipat na ako ng apartment. Isa sa mga kaibigan Filipino ko ang nakabili ng bahay. Naisip niya ako kaagad kaya inalok niya na upahan ko ang kanilang basement. Kung ikukumpara sa dati kong apartment, para akong bababa mula sa bangko. Ang diperensya ng $990 at $650 ang rason kung bakit ako lilipat. Hindi na kaya ng budget ko at dahil si Uncle Sam ay may malaking porsyento sa aking sweldo. Mahirap na dahil nakadepende na ako sa aking mga credit cards. Hindi ko namalayan na lumobo na aking credit card debts. Hindi pa naman ako hahabulin ng credit bureau pero kailangan na bumalik ako sa "dating daan", ang magtitpid at gumastos lamang nang tama. Pruweba pa na bumaba ang aking credit scores dahil malaki ang aking mga balances. Mula sa third floor ng brick building, lilipat ako sa basement na cute. Gusto ko siya dahil cozy, bago at sa itaas lamang naninirahan ang aking mga kaibigan. Bago ako naglayas papuntang Sunshine State, nag- impake na ako para handa na ang aking paglipat. Ang dami ko na palang gamit. Sangkatutak na libro na hindi ko pa nababasa, DVDs na hindi ko pa napapanood at Victoria's Secret na panty at bra na hindi ko pa nagagamit. Isang gitara, isang keyboard at milyon milyong sapatos. Sumobra nga ako at kailangang magpakumbaba. Natauhan ako dahil hindi ko na napapadalhan ang aking lola ng kanyang monthly na pang- kulot. Basta ang alam ko ngayong Marso, uumpisahan ko na ang mag- ipon, sumakay ng bus (nasanay ako sa cab dahil ayokong maging amoy G force) at tigil muna ang expensive dinners. Calculated ko na ang aking maiipon so sa loon ng apat na buwan, mababayaran ko na ang aking mga "jutangers" at magiging Darna na naman ako minus the malaking bato of utang. |
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Feb.19.2007 @ 12:12 am |
Omnipotent...Not!
I learned something today Life comes to you in many guises You thrive in it and fail at times Yet you still succumb to its decisions
I learned something today Life can be taken for granted I take each day foolishly Complacent, even too proud
I learned something today Life can be as beautiful as sunset And terrible as a deadly assassin I was blind, thought I was invincible
I learned something today Life will give you chances But it can be selfish and unforgiving I think I had more greed than gratitude
I learned something today Life has a design for us A canvass of tricks and turns I chose my colors poorly
I learned something today Life is a teacher, a timekeeper It taps you on the shoulder And say, "You are not omnipotent!"
I learned something today Life can be seen through other's eyes I see it more clearly now I fell on my knees and cry
I learned something today Life can be a battle From a person I know Who right now is fighting For what dear life can offer
***This is dedicated to a dear friend and former classmate, I look forward to hearing you say again, "Life is still good."***
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Feb.15.2007 @ 9:17 pm |
Valentine's Yelo
Kahapon ay Valentine's day. Nagkataon din na malaking snowstorm ang dumating. Mula New Jersey hanggang Upstate New York, naging fridge ang paligid. Alam kong maiinis ako kahapon ng umaga kaya lumabas ako nang sandali para tikman ang mga snowflakes (habang malinis pa) at maglaro sa snow habang hindi pa ito sleet. Pumasok ako sa trabaho na malungkot dahil alam kong napurnada ang Valentine's day ko kasama si Marcello. Cancelled ang dinner sa Thai restaurant. Bukod pa rito ay pumasok lahat ng aking mga estudyante. Talagang "weather proof" at kahit tsunami ay hindi makakapigil sa kanilang kumain este pumasok sa school. Pagod, nilalamig at melancholic akong pauwi pero naisip kp na Putsa! Kung gusto ko ng memorable na V day, kailangan ko gumawa ng paraan. Kaya kahapon, nag swimming ako sa maduming snow, halos ma- frosbite ang aking toes kahit naka thermaboots ako at tatlong beses na nadulas bago ako nakarating sa grocery. Dali kong dinampot ang chicken (ito lang po ang alam kong lutuin), chocolate cake, mixed vegetables and cherry juice. Balancing act ang ginawa ko sa limang blocks na nilakad ko. Siyempre nadulas na naman ako pero sinigurado kong hindi nasira ang cake. Puro mura na malutong ang narinig sa akin kaya kala ng building supervisor ay nababaliw na ako. Dali dali kong hinanda ang marinade ng chicken, chill the cherry mix and of course lagyan ng icing na "I love you" ang cake. Habang hinihintay ko na ma- grill ang chicken, inumpisahan ko naman iimpake ang aking mga game consoles. Yes, mga readers lilipat na ang manunulat na ito sa ibang apartment. Malayo sobra dahil sa tapat lang ng building ko. Dahan dahan kong binalot ang aking mga PS games, ang lover ko na si XBox at ang aking bagong bf na si Wii. Pagkaraan ng bente minutos, napansin ko na wala akong naaamoy na bbq chicken. Lintik na pusang gala! Hindi na pala gumagana ang oven ko. Improvise! Steamed chicken ang nangyari at nang hindi pa maluto ang hudas na manok, prinito ko na lang. Dinagdagan ko na lang ng soy sauce para may kulay. Dumating na rin ang dakila kong boyfriend, matigas na siya..... dahil sa lamig (alam ko na iniisip niyo). Hindi siya makapaniwala na ang girlfriend niyang mareklamo ay naghanda para sa Valentine's day. Halos lumutang ako nang sabihin niyan delicious ang aking niluto. Hindi ko lang masabi na halos patayin ko nang sampung beses pa ang manok. Ang dessert siyempre ay ang chocolate cake. Siya 1/ 4 slice lang ang kinain habang ako ay 3/4 kase napagod ako. Sa labas habang ang buong New York ay nagiging malaking iceberg, sumisiklab naman ang init sa loob ng apartment. Hanggang ala una kami nagroromansa. Kasama si Wii dahil wala sa amin ang gustong magpatalo sa tennis. |
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Feb.12.2007 @ 10:06 pm |
As He Sleeps
In the shadows of the pale blue light I gazed upon his half covered face His chest rises to my contentment I wanted to taste his lips Yet I stopped myself Even in slumber, he is too beautiful
With each word I type The curve of his relaxed smile Kills me in a resurrecting way I yearn for him though he is near I desire him always His eyes closed like an angel
He stirs in his dreams I smiled at what I have Behold life's greatest gift I was lost with broken dreams And yet he found me I await his sweet awakening
|
|
|