Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Blog - Latest Entries
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 | > >>
Ang New York ay Isang Isla > Love Story ni Lola
4 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.06.2007 @ 12:22 am | Lasted edited: Jun.05.2007 @ 11:36 pm

Tinatapos ko ang nobela ng aking Tiyo dahil handog niya ito sa kanyang pinakamamahal na asawa sa kanilang ika- 25 na anibersaryo. Uuwi siya sa Pilipinas upang ikasal muli sa San Agustin Church. Habang sinusulat ko ang mga kabanata, naalala ko rin ang mga kuwento ng pag- ibig ng aking mga kamag- anak. Pero ang hirap isipin dahil bihira na masaya ang ending.  Pag- ukulan natin ang LOVE STORY ng aking Lolo at Lola. Kahit hindi natapos sa footnote na "And they lived happily ever after", marami akong natutunan sa kanila. Bawat kabanata ay may kasamang aral na sinunod ko at kadalasan at binago ko.

1.Nagkita ang aking lolo at lola sa isang salu- salo at siyempre na- inlove kaagad si Lolo. Pumwesto siya kaagad dahil sa mala- gatas na balat ni Lola at sabi niya nung panahon na iyon, wala pa sa sahig ang kanyang boobs. Nagkakilala sila at umpisa na ng panliligaw ni Feliciano kay Natividad
- physical appearance ay importante kaya bullshit ang mga nagsasabi na kailangang maganda ang kalooban pero sa pagkakaalam ko sa pisikal na katangian nag- uumpisa ang relasyon. Sa lahat ng naging boyfriend ko, requirement ay maganda ang mata at mas matangos ang ilong sa akin. Ang boyfriend ko ngayon ay mas maganda pa ang legs sa akin at mas maputi, latino papa at na- attract siya sa akin sa Dunkin Donuts dahil sa aking mga mata at ang 2 tacos at 3 bavarian creme na donuts plus 1 frappucino. Sa tanang buhay niya, nakita niya ang confidence ng isang babaeng gutom. Ang sagot ko sa kanya wala ako pakialam kapag gutom ako, wala poise poise kapag kumakalam ang tiyan.

2. Niligawan muna ni Lolo ang mga magulang at kapatid ni Lola
- importante ito kase plus points kapag nag- away, may kakampi ka. Meron akong naging bf na ang pamilya ay tinuring akong anak. Nung naghiwalay kami pagkatapos ng 3 taon, umiyak ang kanyang ina at mga kapatid. Meron naman na halos ipagtabuyan ako dahil hindi ako kasing yaman ng pamilya niya. Law of Karma ang pumalakol sa kanila After 5 years, nagising rin ako na wala ako mapapala sa "panliligaw" sa kanila at paghihintay sa "pag grow- up" ng anak nila.

3. 9 years silang engaged na never na nakita ni Lola ang bahay ni Lolo (that time kase pangit tingnan kung pumunta ang girl sa house ni boy, malandi daw yun)
- Sabi ni Lola kung alam lang niya na walang hagdan ang bahay nila Lolo, hindi na sana siya pakakasal at hindi pa niya nakita na nakaasa lahat kay Lolo para sa pagkain at luho.

4. Kinasal sila sa Quiapo Church (Nazareno na kapag tinitingnan ko, natatakot ako at na nakokonsensya sa aking mga kasalanan tulad ng pagmumura)
- Kung ikakasal man ako, ayaw ko sa harap ng nakakatakot na Statue ni JC o dumudugong mata ng Virgin Mary. Kahit saan basta nandun ang pamilya ko at mga tunay na kaibigan. Ayoko na piyesta ang magaganap plus baka nakawin pa ang champagne glasses ng mga bisita na hindi ko kilala.

5. Wala silang alam tungkol sa sex kaya sabi ni Lola nagmukha silang tanga nung first night nila
- Buti na lang may alam ako, pasalamat ako kay Dra. Holmes.  Pero ang sabi ni Lola, dapat virgin pa ang parehong lalake at babae bago ikasal para daw inosente. Malaking halakhak ang sagot ko sabay batok naman ang inabot ko.

6. Nabuntis kaagad si Lola naging masungit kaya napabarkada si Lolo, natuto ng bisyo.
- Pag nabuntis ako, kasama ko ang barkada ko at panonoorin ko sila habang gumugimik. Makita na ng asawa ko para sukang suka na siya yosi at alak.

7. Lihim na pinapaaral at pinapakain ni Lolo ang kanyang mga magulang at kapatid, lagi niyang rason mahirap ang bansa dahil kakaalis pa lang ng mga Hapon.
- Sa sitwasyon ko, ako naman ang padala nang padala sa Pinas, minsan naglilihim na ako sa bf ko dahil gusto niyang i- enjoy ko ang pinaghirapan ko. Mentality kase dito, "you work hard for your money, you shouldn't give it away." Mahirap dahil OFW tayo.

8. Nabuntis na naman si Lola, lagi na silang nag- aaway. Hindi na rin masyado umuuwi si Lolo. Lagi na siyang nasa saya ng nanay niya ayon kay Grandma.
- brutal din akong nakikpag- away pero umuuwi pa rin si Marcello. No choice kase malambot ang kama namin. Pero marunong na akong mag- sorry, malaking tulong rin itong pagbabago ko.

9. May inampon sila na batang lalake (Uncle ko na hindi na namin nakikita) Anak pala ni Lolo sa ibang babae pero tinanggap pa rin ni Lola
- hindi ko alam kung carry ko ito pero sa mga kaboplakan ng ex ko, malamang malapit na ako sa kalingkilan ni lola.

10. Grumabe ang bisyo ni Lolo at pinapili na siya ni Lola, "Kami o ang magulang at kapatid mo?" Tahimik na umalis si Lolo.
- kung ayaw na talaga ng lalake, huwag na habulin dahil kakawala pa rin (actually mas mahirap kapag pamilya ang karibal, kapag kabit naman may pag- asa pa)

11. Pinalaki ni Lola ang kanyang 3 anak sa mga trabahong babysitter, mananahi, taga- luto at kung ano ano pang sideline para mabuhay. Madalang na makita ang anino ni Lolo.
- girl power si Lola at pinalaki din niya ako. Buti na lang kase yung time na pinagbubuntis ako ni Mother, GGB din siya. Gulo Gulo Buhay niya.

12. Nagtanan si Mother. Na- frustrate si Lolo dahil paborito niya si Mom. Si Lola, tinanggap at nag- move on
- ang buhay ay gulong na paikot ikot. Hindi makulay ang life kapag walang problema. kapag nawala ang mga ito, hindi na tayo makakapagmura at magpapa- party kapag naresolba naman.

13. Nalulong na sa alkohol si Lolo. Kadalasan dumadaan siya sa bahay ni Lola. Hindi na niya ito inaaway. Ayaw ni Lola ng eskandalo. Pinagluluto pa niya ito ng paborito niyang pagkain.
- hanga ako sa katatagan ng loob ni Lola, wala si Lolo sa tabi niya habang naghihirap siyang buhayin mga anak niya. Pero may lakas pa siyang magluto ng paksiw na lechon si Lolo.

14. Si Lolo ang unang nakakita sa akin nang ako ay gumapang tapos lumakad. Pagkatapos ng maraming taon, nagyakapan ulit si Lolo at Lola
- kahit ex mo na, may konting love pa rin. Hindi mawawala ito unless Hudas o Whore naman talaga ang ex mo.

15. Hinoldap si Lolo at ninakaw ang kanyang relo. Tinurukan din siya ng Ativan. Lasing siya at iniwan sa kalye. Ilang linggo rin siyang nasa ospital ng Maynila bago nahanap si tita. Walang nagkusa mula sa kanyang mga kapatid na hanapin siya.
- nakakalungkot dahil iniwan ni Lolo si Lola para sa mga kapatid niya. Marami rin akong sakripisyo at talagang masakit kapag binalewala lamang ng minamahal mo.

16. Konting drama si Lola na payagang alagaan si Lolo sa bahay niya. Sa huli pumayag siya at inalagaan ni Mother at Tita si Lolo.
- kapatawaran, hirap gawin!

17. Pumanaw si Lolo at ang huli niyang sinabi ay "Pakisabi kay Naty, patawarin niya sana ako." Nang malaman ni Lola, kaharap niya ako. Pumikit siya at pinigilang umiyak. "Mabait ang Lolo mo, pagkatapos nang lahat. Asawa ko pa rin siya."
- love never dies. Bakit sa akin, ilang beses namatay?

18. Nilibing si Lolo sa umaga at sa hapon nagpakulot at nagpa- manicure si Lola
- life goes on after the pain from being unloved by the person you loved.  

Hindi man happily ever after, modelo ko si Lolo at Lola dahil kahit naghiwalay sila, walang paninira o public display of humiliation. May respeto pa rin sila para sa isa' isa at sa huli, in love pa rin sila. First love never dies. Sa kaso nila, oo.

 

Poems > Sonnet XXIX plus V
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.03.2007 @ 10:21 pm | Lasted edited: Jun.03.2007 @ 9:24 pm

 When in disgrace with fortune and men's eyes
I all alone beweep my outcast state,
And trouble deaf heaven with my bootless cries,
And look upon myself, and curse my fate,
Wishing me like to one more rich in hope,
Featured like him, like him with friends possessed,
Desiring this man's art, and that man's scope,
With what I most enjoy contented least;
Yet in these thoughts my self almost despising,
Haply I think on thee, and then my state,
Like to the lark at break of day arising
From sullen earth, sings hymns at heaven's gate;
For thy sweet love remembered such wealth brings
That then I scorn to change my state with kings.

Idol ko si Shakespeare at sa lahat ng kanyang sonnets, ito ang aking paborito. Memoryado ko pa rin at ngayon ay tinangka kong gawing Filipino Version. Sana ay magustuhan ninyo.

When in disgrace with fortune and men's eyes
Habang nasa lintik na malas kasama mga tsismosa............www.blogtext.org/elvidad

Random Thoughts > Batchuchay
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Jun.01.2007 @ 1:04 am | Lasted edited: Jun.01.2007 @ 12:13 am

Miyerkules ng hapon, nakaupo ako sa harapan ni Dr. Pulpol. Code name niya ito dahil hindi ko mabigkas ang kanyang Indian name. Natapos din ang sangkatutak na mga blood tests, poop tests at urine tests. Isang timba na siguro ng dugo ang kinuha sa akin at sa bawat pagkakataon, mga planeta ang nakikita ko. Hindi ko habit ang bumisita sa duktor at mana ako sa Tatay ko na as long na hindi pa lumalabas ang aking bituka, okey pa. Kaso nakakalimutan ko na tumatanda na rin ako kasabay nito ang mas lalo kong tumatatalas na isip. Isang pruweba ay hinahanap ko ang aking contact lens, nasa mata ko na pala. Anyhow carabao, napilitan akong magpaduktor dahil sa mga sumusunod:


1. Allergy na hindi maalis alis kahit adik na ako sa Claritin.
2. Lagi akong inaantok, hindi karaniwan kase naiiglip pa ako sa train na di ko namamalayan.
3. Kahit nagpahinga na ako, pagod na pagod pa na pagod pa rin ako
4. Lagi akong uhaw na parang aso na gallon na ng tubig ang iniinom ko.
5. May mga pagkakataon na ang paningin ko ay nagdidilim, hindi ako nagiging bampira pero namumuti ako sa takot.
6. Exercise ako to death pero konti lang ang nabawas sa timbang ko
7. Kahit binago ko na ang aking diet, wala epek.

 

Yun pala ay...Sabi ni Dr. Pulpol "You have a medical condition that your body cannot break down sugar from the food that you eat. It retains all the fat and this is a metabolic disorder. This is the reason for your constant fatigue, sleepiness and uncoordination. You need intensive treatment for 6 weeks then we will do another round of test. If you want to live, follow my order and take the medications I will prescribe. If you had not come to me, you can just drop and have a cardiac arrest one of these days." Takutin ba ako? Putsa! Ang akala ko simpleng spring allergy lang, apunta sa isang sakit na maaaring magdulot sa akin ng kamatayan. Mabait talaga si Lord at hindi pa niya naihanda ang aking suite sa langit at si Lucifer naman ay takot sa competition. Marami sa kamag- anak ko ay may diabetes, lung cancer dahil sa yosi, cancer dulot ng kakuriputan at biglaang namamatay dahil sa heart attack. May nag- suggest na doctor mula sa Baguio na magpatest ako pero dahil sa kamahalan, sinabi ko na lang "Pagod lang ito Doc. Teacher kase ako so expected na laging pagod ang feeling ko." Isang malaking pagkakamali dahil kung naagapan ko lang di nasayang ang aking pera sa mga diet pills, bangkok pills, herbalife at kung ano ano pa para lang pumayat ako. Vain rin ako kaya inis na inis ako dahil nagpapayat naman ako pero bakit 1 pound lang in three months ang nawawala. Pilates, elliptical at kickboxing na ang ginagawa ko pero ang mga bilbil ko ay tinutukso pa rin ako. Kungsabagay pagkatapos lagi ng workout ko, halos himatayin na ako sa sahig at hindi ako makatayo nang mga 15 minutes. Well ito ang mga pagkain na hindi ko pwedeng (buwisit!) kainin sa loob ng 2 buwan at mga gamot na aking iinumin na pasalamat na lang ko ay covered ng aking insurance.

 

Bawal as in bawal: Orange juice
Apple juice
Grape juice
Milk
Soda (napakasakit Kuya Eddie)
Pasta
Bread
Rice
Cereals (ano na breakfast ko?)
Potatoes
Sweets (pakshet!)
Chocolates (Pusang gala talaga!)
Fried foods
Pork (doble pakshet!)
Wheat products

 

Pwede ko lang kainin
Mansanas
Gulay
Tubig
Green Tea
Ubas
Carrot (magiging bugs bunny na ako?)
Cucumber (para na rin sa aking eyebags)
Lean Beef twice a week lang, steamed fish Medications
Xenical (thank you GHI dahil hindi ko kaya ang $325 for 30 caps)
Fish Oil in its purest, yuckiest, eeewwwwwest! form
Dobleng Dose ng Multivitamin
Dagdag na iron supplements  

 

 

Sana after 6 weeks, buhay pa ako at hindi baliw dahil hindi ko nakain ang mga cheesecake at fried calamari kada Friday. Okey lang, kakayanin ko kase gusto ko pang mabuhay. Leksyon sa araw na ito:
Kapag hindi na maipaliwanag ang nararamdamang pagod, magpatingin. Kadalasan kase binabaliwala lang natin ang kalusugan. Buti na lang nagka sinus infection ako at nalaman ko nang mas maaga. Wala pa naman akong nailalagay na pangalawang beneficiary maliban sa aking pamangkin sa oras na pumanaw ako. Aba! Ayaw ko naman mapunta lang sa state of NY ang aking pinaghirapan na life insurance.

 

Ang New York ay Isang Isla > Linkin Park sa Aking Munting Mundo
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.29.2007 @ 11:51 pm | Lasted edited: May.29.2007 @ 11:02 pm

Nabili ko na rin sa wakas ang latest album ng Linkin Park, Minutes to Midnight. Isa ako sa milyon milyong fans nila na walang tigil ang birit sa pagkanta na "In the End" habang nagmamaneho at ang "Crawling" kapag gusto ko nang basagin ang ulo ng ex ko noon. Hindi ako nabigo dahil masasabi ko na maganda ang kinalabasan ng kanilang album, Tiyak na yayaman sila at ako ay, well enjoy sa kanilang music. On a side note, gusto kong ibasura o ngatngatin ang album ng Maroon V. Lintik nasayang lang ang $11.99 ko dahil naging boses princess si Adam Levine. Ibibigay ko na lamang siguro sa isang teenager na basta guwaping ang lead singer okey na. Balik tayo sa paksa na Linkin Park. Inihilera ko na ang bandang ito sa pedestal ni Nellie Furtado, Joss Stone, Jay Z at Amy Winehouse sa pinakasulit na album sa taong 2007.

Binasa ko CD jacket at habang binabasa ko ang mga lyrics (sulit talaga!) napansin ko ang explanasyon ng banda kung paano nila nilikha ang kanilang album. Nakaka- touch dahil totoo. Basahin ang sumusunod na mga wika nila."In conversations with many musicians and record makers, we often ask, "What do you think makes a successful album?" The answers range from "meticulous, tireless writing" to "dumb luck". In making Minutes to Midnight, we have learned a lot about our answer: enjoy the process. We hope you enjoy the songs."

Pang Ms. Universe ba ang sagot? Parang slam book pero totoo kahit sa isang struggling na manunulat tulad ko. Ilang beses din na gusto ko tadyakan ang aking laptop dahil wala ako maisulat, ang mga tula ko ay mediocre sa aking standard at ang libro ko ay mukhang never na mapapublish. Nabubuwisit din ako dahil isang English nobela na ang aking nasimulan pero lagi akong walang gana ituloy. Mas feel ko pang gawin ang nobela ng aking Tiyo dahil anniversary gift niya ito sa kanyang asawa. Perfectionist siguro ako o sadyang may ADD. Sabi ng aking boyfriend malamang ADD haluan mo pa ng pagka- eccentric. Noong tinanong ko ang aking Ate kung sino ang mas magaling sa aming magsulat ng aking Kuya. Hindi siya makasagot pero sa huli sinabi niya na "mas magaling pa rin ang Kuya mo." Aba! Ang ego ko ay nabasag na parang pulang itlog. Para hindi ako magwala, sinabi niya na iba ang estilo ng aking pagsusulat. Kung ang mga likha ni Kuya ay may poise at finesse, ako naman ay parang bomba. Sus! doble insulto ba? Sa huli, dahil ilang champagne glasses na ang nginuya ko, dinagdagan na lang niya na "May Puso ang Pagsusulat mo. Wala kang pakialam sa sasabihin ng mambabasa. Cute, maintriga, nanunukso (erotic?), nagpapa- isip at higit sa lahat nagpapatawa at nakakawala ng pagod" Tumahan na rin ako sa pambobola ni Ate sabay salpak ng malaking slice ng cheesecake.

187 entries na at 97 na mga tula na ang aking naisulat sa aking mga websites. Yung iba hindi ako makapaniwala na naisulat ko. Ano kaya ang sumapi sa akin? Si Marina o si Mari Mar? Asan na si Fernando Jose? Ayan umaandar na naman ang aking "Basilio, Crispy Kreme? Asan kayo?

Kung ilalagay ko sa isang libro ang mga isinulat, maaaring hatiin ito by volumes.

Volume 1: Ang mga hinanakit ko dahil binagsak ko ang "marshmallow test" kaya ako ganito. Ang mga isinulat ko tungkol sa aking pamilya na hindi okey pero pasado na rin. Ang mga natutunan ko sa hirap tapos ginhawa tapos hirap lalo tapos ginhawa tapos isang malaking Ferris Wheel na aming family life. Maganda na mapait. Lumaki akong mag- isa, ma pride at hindi papatalo. May advantage kase, never ako gigive- up pero kapag pag- ibig na ang kaharap, pride ang umiiral at urong na aking dalawang bayag.

Volume 2: Ang mga reklamo ko tungkol sa aking trabaho, Pagmamahal ko sa pagtuturo at ang aking mga adhikain na sana ay maiayos ang maling sistema ng edukasyon. 100 years from now, baka mailagay na rin ang pangalan ko katabi ni Rosseau, Montessori at Locke. Ang laki ng pangamba ko na kapag ipapasok ko na sa school ang aking future na mga anak- parang Spanish Inquisition ang gagawin ko sa teacher.

Volume 3: Pag- ibig, katangahan at kaligayahan ko. Hanggang ngayon touchy ang subject na ito sa akin.

Volume 4: Mga tula na isinulat ko habang nakasakay sa 6 train, bus 22 o habang nakatambay sa Union Square Park. Mga tula tungkol sa totoong Hazel. Walang maskara. Kung matinik ka, makikilala mo ako sa pamamagitan ng aking mga tula. Wala akong preno dahil mas may tiwala ako sa aking sarili kapag nililikha ko sila dahil mula sa puso. GMA po at hindi ABS CBN.

Volume 5: Ang New York na patuloy na nagbibigay ng challenge sa akin. "Ang New York ay Isang Isla" ay hindi mamamatay. Padagdag lang ng padagdag parang telenovela este mas gusto ko chinovela. Sinagip ako ng librong ito mula sa kabaliwan ng mawalay sa pamilya at mga kaibigan. Naging tulay din upang magkaroon ako ng mga bagong friendsters at MySpace friends.

Volume 6: Taas noo, kamay at paa ako sa pagiging Pinoy. Kung may reincarnation nga, hihingilin ko pa rin kay Buddha na gawin akong Filipino. Patangkarin niya lang ako at huwag gawing dapain. Hindi kase ako makapagsuot ng Stilletos.

Volume 7: Ang iba ko pang random, out of the blue na panunulat dahil wala lang, ENJOY kase akong magsulat.   Abangan na lamang ang iba pang volumes. Bago ako matutulog, papakinggan ko ulit ng sampung beses ang kantang Leave out All the Rest at Shadow of the Day. Order na rin ako online ng official Linkin Park shirt kase may promo. may kasamang official sticker. Ang lalim talaga ng kaligayan ko.

 

Ang New York ay Isang Isla > Pixie Dust
Posted: May.28.2007 @ 2:43 pm

 

Pixie Dust


You were fun to be with
Flying away your worries
Always happy, carefree
In love..........www.blogtext.org/elvidad

 

 

Ang New York ay Isang Isla > Panibagong Tingin
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.28.2007 @ 12:55 am

Mga ilang araw na rin
Na ako ay nabubugnot
Reklamo lang ang gawain
Wala kase akong mahugot
Sa aking pitakang butas

Pinanood ko ang Shrek tres
Pati si spidey sa sinehan
Pero puro treska putres
Hindi pa rin ako masiyahan
Palagay ko buhay ay boring

Ang mga boss ko ay mga aso
Trabaho hanggang malupog ako
Green card kase ang nakapusta
Sayang kung tawagin ko silang P_ta!
Pero hirap banatin ang pasensya

Habang naglalakad mula AMC
Pagkatapos manood nga Paprika
Isang Anime na okey to see
Isang madusing na mama
Nagkakalkal sa mabahong basura


Limang minuto bago ko siya nakita
Away drama kami ng aking giliw
Wala raw akong pasensya
Hindi ako makontento
Puro na lang ako reklamo


Sagot ko, masama ba ang mangarap?
Lahat naman ay nakukuha ko sa hirap
Ako nga ang poster girl nito
Ang dolyar ko ay para pa ring piso
Pagod na ako magtrabaho


Gusto ko ng ganito, ganyan
Hindi ako masamang tao
Brat lang kung minsan
Mga buto ko ay sadyang tuyo
Sa karera ng New York


Pero nang nakita ko ang lalake
Walang sapatos, maruming damit
Ginto ang binasurang tinapay sa kalye
Naisip ko ang buhay niya, sobrang pait
Ako naman ay di makuntento


Samantalang ako, may pang sine
May pambayad sa mga gastusin
Konting luho, padala kay lola
Naisip ko, bad ako
Hindi ako thankful


Tahimik akong sumakay ng train
Sorry sa kasama ko again
Ang mamang nakita ko sa basurahan
Isang imahe na di ko malilimutan
Mangangarap pa rin ako

Hindi na gaanong materyal na bagay
Pero siyempre meron pa rin
Nakakahiya dahil isang homeless
Ang nagturo pa sa akin
Na okey pa rin ang ako

Random Thoughts > H to the O I care
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.24.2007 @ 12:12 am

Rejection again
Across my face
In a mole's hole
My butt is sore
So is my ego

 

A pinch of hope
Dash of confidence
Then walk again
Head help up
Perhaps fall again
But the hell I care

 

I will try another publisher.....

 

Random Thoughts > Inlove(an) sa Starbucks
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.23.2007 @ 12:30 am | Lasted edited: May.23.2007 @ 10:19 pm

Tumambay ako kanina sa Starbucks kasama ang aking katrabaho. Para kaming East meets West dahil Caucasian siya with blue eyes, 6 feet tall and long blonde hair. Ako naman ay may dark brown eyes, 5"4 feet at long black with red/ magenta/ brown highlights. Habang nilalamon ko ang aking pangalawang mint cookie, bigla niya akong tinanong, "Ms. T how many times have you fell in love?" Mabilaukan ba ako!? "Hmmm, let' s see. Maybe 3; perhaps 4. No, I think it's 5." "How do you know that you are in love?" Isang malaking halakhak ang sinagot ko sabay sabi na "When it comes to a question like that, I am not the person to ask. If I tell you, you'll just get confused cause until now, I am still confused." "Come on, you got to share just a little. I want to know how Asians love?" Sa isip ko lang "Ginagago mo yata ako, Hello kapareha din kita magmahal. It is either nakahiga, nakatuwad, pagilid o nakasalpak sa dingding." (Sorry nabasa mo na ito, konting pollution lang naman sa utak mo). Tumawa siya at hinampas hampas ako. Sa laki ba naman ng kamay niya, nalagyan yata ako ng latay. Umuwi ako at habang nasa 6 train, naisip ko ang history ang aking love life. Para akong baliw na nangingiti na lang habang nililista ko ang mga pangalan ng mga lalake sa buhay ni Hazel. Handa na ba kayo?

(Para protektahan ang mga taong sangkot sa aking love life, iniba ko ang mga pangalan. Halimbawa ang Ding ay gagawin kong Dong. Okey ba?)


Una kong boyfriend sa edad 12
Isang chekwa, boys' high
Sinagot ko kase natamaan ako
ng bola sa St. Vincent's Gym
Unang halik, niyahahahaha
Hindi ko alam ang gagawin ko
Hindi rin naman ako nanginig

 

Pangalawa kong boyfriend sa edad 16
Boys' high din, ayoko ng Don Bosco eh
Para namang sawa at octopus
Asiwa ako kapag kasama ko siya
Swerte raw ako, Brown eyes si Stan
Pasko, nakita siya ng barkada ko
Kaakbay ang isang girl sa Session Road

 

Pangatlong biktima (hehehe) edad 17
Basketbolista ng UB, tangkad eh
Barkada din ng Tatay ko Tatay niya
Pero hindi nila alam, cool no?
Kaso raging hormones siya
Eh ako naman ayaw pang bumigay
Naghanap tuloy siya ng ibang butas

 

Pang- apat na lalake, naloka ako!
Ewan 180 degress ang ulo ko
Rebelde ako sa bahay, sa inis
Sinagot si Pael, wawa naman
Kase mas mahal ko barkada ko
Edad 18 sige na nga, wala magawa
Tatlong taon din bago ako nangaliwa

 

Pang- lima, edad 21 sa Dagupan
Nangaliwa nga ako di ba?
Guilty talaga, sinabi ko naman
Pero dinaan ko sa text
Kala ko si Ike ay okey
Kalog at kalog din ang utak
Dugo ang iniluha ko, karma ko!

 

Masalimuot ba ang mga kabanata ko? Hindi naman kase may mga (un)opisyal na mga naging karelasyon ko. Hindi ko pa rin mawari kung bakit sa kanila tumibok ang puso ko. Love talaga, pag iniwasan mo. Kahit sa sidewalk ka pa tumabi, hit and run ka sigurado.

 

Una kong minahal, edad 17
Kuya ng kaibigan ko
Siya lang iniisip ko
Tuwing economics class
Hopeless kase bata lang ako
Ang tingin ko sa volks niya
BMW, guwapo pa rin si Pon


Pangalawa edad 17 din
Ang best friend ko na artist-poet
Nung ginago siya ng gf niya
Doon ko na realize, mahal ko pala
Pero sabi ko sa kanya habang umiiyak
"Ayaw kong mawala ang bespren ko"
Apat na taon na kulang na lang Oo

 

Pangatlo, edad 19 may sumingit
"Magdasal ka Hazel", lost ka kase
Ilang away din ang drama namin
Pero dahil mas feel ko siyang barkada
Friends forever, ngayon friendster ko siya
At malapit ng maging Pari si Ding

 

Pang- apat, edad 25     (bulag ako from 20- 24)
Best friend ng ex ko
Sa wakas inamin na din niya
Kaso hindi pwede, tago nang tago
Maraming masasaktan, tinigil ko
Pero salamat Jins, sa pag- alaga
Habang nasa rebound ako

 

Pang- lima, edad 25 buwan ng Pebrero
Sa Ionic nag- umpisa, kape at yosi
Pilosopiya at special ed nagsama
Advisor niya ako sa panliligaw niya
Biglaan lahat, rollercoaster
Rhon, love actually talaga
Huwag galit, totoo mong name ito

 

Pang- anim edad 25 buwan ng Mayo- Hulyo
Pen pen de Sarapen name niya
Kwarto ni Dale na may cake, roses at candle
Sabi niya sana "Noon pa dapat tayo nagkita"
Okey na ito kase baka hindi rin naging tayo
Ikaw ang huli kong tinawagan sa airport
Paalam at salamat sa panahon na binigay mo

 

Kung kilala niyo ang mga taong nabanggit, tumahimik na lang kayo. Bwahahahaha! Kung ikaw naman ay nasa listahan, swerte mo naman. Naks! Kase alam ko mabait akong girlfriend. Moody pero laging selfless. Bilib kahit sabihin mo pang mag- iimbento ka ng bagong plantsa. Wala akong mintis na susuporta pero kapag nainis naman at wala ng pasensya, goodbye na talaga. Sana ay may naidulot na aral ito sa inyo. Kung wala naman, thank you na lang kayo kase natawa kayo sa aking makulay crayola na buhay pag- ibig.


Lampas sa dalawang taon na kami ni Marcello. Hindi rin ako makapaniwala pero alam ko na in love ako dahil marunong na akong mag sorry at gumigising akong nakangiti dahil tabi ko siya na naghihilik na parang pusa.

Ang New York ay Isang Isla > Ipising Utak
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.19.2007 @ 12:40 am

Ipising Utak

May mga taong binigyan ng regalo ng katalinuhan. Ang iba naman ay barya lamang ang natanggap. Pero ang nakakamanghang katotohanan ay ang mga "matalino challenged" ay nasa paligid mo. Kabahay mo, classmate, teacher mo!, girfriend mo na "hinga" (na hindi ma- spell and fuschia), boyfriend na ang akala ay polvoron si Pavarotti.  Kadalasan, minamalas ka talaga at nagiging boss mo pa. Sa loob ng halos siyam na taon ng pagtuturo, may mga boss akong talagang hinangaan ko dahil sadyang matalino. Bukod pa rito ay epektibo silang maging boss at wala akong naging reklamo. Sa mga taon naman na kumakalam ang tiyan ko, natatapat naman ako sa boss na wala na ngang utak cells ay may tagis pa sa ulo. Dito sa New York, hinandugan talaga ako ni Lord ng mga boss na kutsarita lamang ang dala nang nagpaulan ng katalinuhan. Ang mga sumusunod ay ang aking tatlong boss na mahal na mahal na mahal kong sakalin at kung paano ko sila nilalabanan gamit ang agimat ni Pong Pagong. Basahin at baka kambal sila ng boss mo.

1. Unang boss ko. Tawagin na lamang natin siyang "Tanda" kase amoy lupa naman siya talaga. Pinaiyak ako nito ng dugo kase lumampas ng 30 taon ang kanyang menopause at Mama- san siya ng mga ghetto. Sa kanya ako natuto na cute ang mga aso dito pero ang mga taong mukhang chow chow tulad niya ay hindi mapagkakatiwalaan. Pinahirapan niya ako dahil may masters degree ako. Kasalanan ko ba na natapos ako sa pamamagitan ng padala ni Kuya mula UK? Hindi daw ako matalino, estupido akong guro at walang lugar para sa mga asyano sa paaralan niya. Kung nabasa niyo ang chapter ko tungkol sa kanya, love ko siya dahil ilang beses ko ring ipinagdasal na kunin na siya ni Jesus Christ. Pero natuto akong sakyan ang kanyang cha cha. Nalaman ko through my Psychology background na insecure siya dahil may natapos ako at siya ay GED lamang. Banlag siya habang ako ay pwedeng mag contact lens at ang mga kuko ko sa paa ay buhay pa. Sa madaling salita, dinaan ko sa pagka cute ko. Dedma ako sa kanya at kahit sigaw sigawan niya ako, okey lang. Ang mantra ko |ay "Up your big puwet!" sabay ngiti. Bumisita sa kanya ang karma at ngayon wala na siyang trabaho kase hindi nga matalino. Mangungupit na nga lang sa school, ipina- mail ba naman ang mga tseke sa bahay niya. Boplaks talaga!

2. Ang aking kataastaasang at kadilimdilimang boss ko ngayon. Bagong salta sa posisyon kaya mataas ang lipad. Dali daling desisyon na wala naman epek kaya mas lalong bumaba ang test scores ng eskwela. Mahilig siyang mambastos pero dahil sinanay ako ni Tanda, dedma at tinititigan ko na lang siya sabay ngiting aso. Magkamali ka kaseng sagutin siya, tiyak na hindi lang ang likod mo ang kakagatin niya. Pati ang little toe mo pa. Mahilig siya sa mga illegal na pagpapaalis ng mga empleyado at paranoid pa! Nagalit ako dahil inakusahan niya ang isa sa mga custodians na nagtratarabaho ng 30 years na nagnakaw ng radyong bulok. Ilang linggo lang at yung palang bagong pasok na kamag anak pa niya ang culprit. Walang apology, boss kase eh. Sarap sakalin no? Ang solusyon ko, respetuhin ang posisyon pero ang "kambing" hindi . Medyo mabait ako sa kanya at di gaanong biyatch dahil nagbigay siya ng recommendation for green card. Alam niya sigurong walang rumerespeto sa kanya dahil gaya na lamang nung isang araw, nasalubong ko siya sa hallway bitbit ang isang batang notorious. Ilang mura ang inabot niya. "Bitch, get your fucking hands off me!" Polker face ako pero para asarin siya ang sabi ko sa bata ay, "Hello, B_______, how are you?" Halos matalisod ako sa tawa dahil buong galang at bungisngis na sinagot ako ng "Hello, Ms. T, am cool. I go to your class, okey?" Ako na isang hamak na guro lamang ay nirerespeto ng isang kinakatakutang bully (alam niya kaseng bibigwasan ko siya, joke lang po), daig pa ang korona ng Ms. Universe kesa naman boss ako tapos tatawagin akong babaeng aso. Kapag ginagago mo kase ang mga ibang tao, tatarantaduhin ka rin nang sampung palapag. At kahit si Spiderman ay hindi ka maisasalba. Kamusta siya tanong niyo? Ayun di pa rin napapalitan ang kanyang wig kaya amoy anghit na siya. Pamatay talaga! I swear!

3. Ang aking pumapangalawang kataastaasang boss. May tagis din pero dinadaan sa kapal ng make up. Maraming satsat pero kapag tinanong mo tungkol sa teaching strategy, "I'll look it up on the net." Paborito kong past time kapag meeting ay mag- tally kung ilang beses niya itong sagot. Minimum ay 20. Galing galing niya no? Hindi mo rin siya maaasahan sa decision making. Ihalintulad mo siya sa isang asong hinahabol ang sariling buntot. Walang direksyon, paulit ulit lamang. Observation galore siya at kahit maraming nagrereklamo dahil patapos na ang schoolyear, dedma ako at sinabi ko lang "You are doing a marathon on me. (sabay ngiti) you can observe me but I need to tell you when you can come (para maitago ko ang mga bulinggit, again joke lang)." Sweet ako kaya siyempre nalito siya. Between sarcasm and being smart, pareho kong namana (naks naman diyan!) Tango na lang siya at binigay ang schedule ko. Hindi niya ito ginawa sa mga ibang guro kaya inulanan siya ng mga complaints. Ang aral ng kwentong ito, matalino nga ang matsing pero bigyan mo ng berde at dilaw na saging, malilito ito dahil parehong saging. Sa kaso ng mga boss na katulad niya, bigyan mo siya ng pula, asul, itim, periwinkle, aubergine na saging. I tell you, makukuha mo rin ang gusto mo para mapanatili ka sa trabaho.


Sana ay makahanap na rin ako ng boss na hindi ako bibigyan ng sakit ng ulo at bilbil sa tiyan sa kakatawa sa katangahan nila, Sabihin niyo nang brutal at mayabang ako pero in fairness, ako at ikaw na bumabasa nito ay sadyang mas matalino sa kanila. Paano ko ito alam? Dahil silang tatlo ay may mannerism o sintomas ng kakulangan sa utak. Mahilig silang magtanggal ng tinga sa ipin gamit ang kanilang hintuturo. Gross? Oo naman lalo na kapag kausap mo plus "we was" pa ang banay nila. Siguro hinahanap nila ang kanilang utak sa pagitan ng kanilang mga gilagid.

 

Poems > Lustful Thinking
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: May.17.2007 @ 12:29 am

**Contains Adult/ Erotic Content**

 

 Lustful Thinking

 

I lust for you
Unzip your pants
Take off your shirt
Let me feel you
Long ..............   www.blogtext.org/elvidad

 

 

***Visit this cool site of my writer friend

www.blogtext.org/CABAnata

<< < | 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 | > >>
Entries 51 to 60 of 182

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org