Kapapanood lang namin ni Marcello ng "Sicko" ni Micheal Moore. Halos mahimatay ako sa inggit sa healthcare ng Canada, UK at kahit Cuba. Bakit? Panoorin niyo na lang at sigurado kong mamahalin mo pa lalo si George Bush . Sa kabilang dako, pagtuunan natin ang mga survey na parang mga kabute sa MySpace at Friendster. Kung dito sa Amerika, binabayaran ang mga kumukuha ng online survey para sa mga produkto ang mga Pinoy naman ay hobby na ang sumagot ng survey from 20 items hanggang 100 items. Minsan seryoso minsan ewan tulad ng ano ang kinain mo kaninang almusal o anong kulay ng panty ng boss mo noong Huwebes. Noong una, hindi ko pinapansin ang mga survey na ito pero pagkalaon, nalulong na rin ako kase effective itong pangpatulog o pang- relax pagkatapos inisin ng pusit na boss. Hindi rin ako papahuli, ito ang ang 69 questions survey na may sagot ko. Handa na ba kayo? R, S and Go!
1. Kung ikaw ay aso, ano ang breed mo? - German poodle bitch
2. Ano ang paborito mong teletubby? - yung may antenna sa ulo na hugis phallic symbol
3. Anong boy band ang hindi mo ipagkakait na minahal at pinagpantasyahan? - BACKSTREET BOYS
4. Maneuvres o Universal Dancers? - si German Moreno
5. GMA o ABS CBN? - ABS CBN kase mahilig silang mang- agaw ng talent at mataas ang sweldo ng kaibigan kong TV writer.
6. Meteor Garden of Mari Mar? - hmmm, Si Thalia kase gusto ko ang baywang niya
7. Sinangag o pandesal - Fried rice na may tinapa
8. Katoliko o nagpapanggap na Kristiyano? - Buddhist na po ako
9. Day person o Night Owl? - Isa akong kuwago, gumagana utak ko kapag gabi at nahahati ang aking katawan sa 2
10. Coke o Pepsi - SARSI!
11. Kilala mo ba si Rainbow Brite? - Oo naman, kabeso ko nga kanina eh, naglipana sa NY
12. Eh ang care bears? - care bear cousins pa mismo
13. Alam mo ba kung saan na ang mga Smurfs? - sa pagkakaalam ko nag- aalaga ng mga anak ni Smurfette
14. Randy Santiago o Apo Hiking Society? - Mr. Shades of course
15. Megastar, superstar, Diamond star o wishing star? - gusto ko star for all seasons- si ate Vi!
16. Nakakita ka na ba ng artista? - Oo, si Ara Mina sa parade sa Baguio
17. Ano ang ginawa mo? - sinampal ko dahi inagaw sa akin si Jomari at that time:)
18. Sino pa? - Si Oyo Boy Sotto!
19. Saan at ano na naman ang ginawa mo? - sa Rockwell. Wala kase nahiya ako dahil puro nursery ang lumapit sa kanya eh nasa 1st grade na ako
20. Sino ang pinakamagandang artista sa Pinas? - si Charlene G.
21. Pinakaayaw mong artista? - si Sheryl Cruz- maarte pa rin ba siya ngayon?
22. Paborito mong Pinoy Movie? - Jologs
23. Telenovela? - Pangako sa iyo- ito ba yung kay Kristine at Echo?
24. Ano naman ang pinanood mo sa US mula umpisa hanggang ending? - Flavor of Love 2- ghetto na ako eh
25. Ano ang paborito mong mura kapag kaharap mo ang boss mo? - bruha ka! sabay ngiti
26. Sa English? - Paking shet (minimum of 20x a day. Potty mouth)
27. Starbucks addict o Deli gal? - neither mahal ang kape nila
28. Watch mo ngayon? - swatch na walang battery kaya tingin ako sa CP ko
29. Ano ang suot mo? - butas na old navy na boxers at sando ni cello
30. Ginagawa mo this minute? - gumagawa ng kakaibang survey
31 Given the choice, patatangkarin mo ba si GMA? - hinde, tama na ang kanyang powers!
32. Gusto mo bang maging politiko sa atin? OO naman, laki ng pork barrel eh at mahilig ako sa letson
33. Sino ang mas gwapo si Marcos o si Clinton? - Marcos pa rin
34. Kilala mo ba si Ming? - Ming Ramos o Baby Arenas?
35. Yung pusa? - hindi unfortunately pero berks ko si Pong Pagong
36. Ilang taon ka noong una kang umihi sa kama - 6 years old :)
37. Ano ginawa mo? - umiyak tapos natulog ulit. Natuyo naman noong umaga
38. Saan ka nag- elementary? - sa Center- SLU center run by ICM sisters
39. Like mo ba sila? - hindi kase laging hingi donasyon
40. Sikat ka ba noong high school? - ewan ko, pag kasama ko barkada ko oo pero pag ako lang, common tao ako
41. Were you ever a bully? - hanggang ngayon lalo na kapag big bad bitch o jerk ka
42. Age na na inlove ka? - 16
43. Age lang na "pop ang cherry mo?" - 19, 21, 23, 25 at 26 yrs old
44. Nagmahal ka ba nang tunay? - oo naman, gumastos pa nga ako eh
45. Alam mo bang mangkulam? - slight- tinuruan kami nung college sa Psych
46. Kung ikaw ay bulaklak, anong insekto ang gusto mong dumapo sa iyo - walking stick
47. Person you are thinking of right now? - george bush jr.
48. Why? - bakit nalagay sa posisyon ang bobong tao
49. Sino ang tunay na bayani? si Rizal o si Bonifacio? - Aguinaldo kase pinapatay niya si Boni kaya friends tayo sa US hanggang ngayon
50. Greatest fear - mautot in public
51. Are you afraid of dying? - gago ka ba? oo naman
52. Maka- ina o maka- ama? - Daddy's girl ako
53. Hate mo ba ang mga kapatid mo? - noon, sobra ngayon hindi na tanda na nila eh
54. Pinakinabangan mo ba ang natapos mo? - HINDE
55. Bakit naman? - kase wala akong mahanap na work after graduation kaya shift ako SPED
56. Nagkaroon ka na ba ng illicit affair? - illicit in what terms? unintentional pero mali ako agree
57. First love never dies? - It dies, buried and will always be dead. Noong hindi ako pumayag eh naghanap ng ibang butas
58. Do you love your boyfriend even if he is having diarrhea? - proven na ito kase in return love niya ako nang bumara ang toilet nila bec of me
59. Is your biological clock ticking? - sadly, tick tock tickity tickitikit tak tak tak
60. How many kids? - 2 most, human pareho
61. Do you regret anything? - hindi ko sineryoso ang pag gigitara
62. Ilang beses kang nag- sinungaling? - white lies o blue lies
63. Masaya ka ba ngayon? - oo naman pero kung mas mayaman ako, mas gaganda ako
64. Brains with Boobs or Brains lang - Brains pa rin may padding naman diyan eh
65. Anong stats mo? 36- 27- 37 hita ko pa lang yan
67. Have you lied that you were single? - never pa kase lagi akong taken
68. What is heaven for you? - good health, financial stability and a gorgoeus partner
69. And hell? - having no brains, a shaved head and spending 23 days in jail for DUI aka the human form of Britney and Paris |