Pinanganak at lumaki ako sa City of Pines. Tandang tanda ko pa ang makapal na fog tuwing buwan ng Pebrero at ang Burnham Park na sa masalimuot na pagkakataon ay isang beses lang ako naka- boat ride. Nag- aral ako sa Saint Louis Center, Girls' High Saint Louis University. Ang mga alaala ko ay nakabaon na parang hidden Buddha at kapag nalulungkot ako dahil gusto ko nga strawberry jam galing sa Good Sheperd,, inilalabas ko ang aking dreamcatcher na gawa sa Maharlika at "Patronus Expelliarmus!", balik Baguio na ako!
Ilang taon din na iniwan ko ang "summer capital" dahil kailangan kong kumayod sa bangus capital naman. Weekends ko lamang siya nakikita for my graduate school pero hindi ko pinapalampas ang kumain sa Don Henrico's. Mga ilang buwan bago ako ulamis ay ninamnam ko ang Baguio sapagkat alam kong matagal ko siyang hindi makikita. Idagdag mo na rin ang mga pagbabagong alam kong hindi masisilayan ng aking mga mata.
Kung pauunlakan niyo ako, heto ang laman ng aking Baguio Banga.
1. Ang puno sa may Loakan Road. Kada nagmamaneho ko at napapadaan ako rito, busina to the mas dahil ayokong maging BFF si white lady. Alas! Sabin g aking friend ay pinutol na ito. (totoo nga ba? Mga hayup!) Mahal na mahal ko pa naman ang tree na ito kase ito lang ang kinakatakutan ko habang nagdada- drive.
2. Ang Leon ng Rotary Club sa may Kennon Road (may blush on pa rin ba siya?). Alam kong pasado na ako sa pagmamaneho noong nakarating ako ng Pangasinan.
3. Bridal Falls na I regret ay hindi ko nakayanan na puntahan dahil I am afraid of heights.
4. Spirits Disco na in na in noong high school ako. Remember the afternoon disco? Sabi ko pa nga sa nanay ko ay project – project about ledge dancing. (Mga bata! Huwag magsinungaling sa mga Parents)
5. Session theater ( American movies then nagging wagwagan)
6. Pines theather (paborito ko, buhay pa ba?)
7. Peanut butter, "kulangot", milk polvoron, jam, WALIS!, strawberry at man in a barrel sa may Baguio Public Market (idagdag niyo na lang ang kulang sa Baguio longganisa and woodcarvings)
8. Vendors sa gilid at harapan ng Saint Louis Center- sarap ng manggang may alamang sa may BBQ stick
9. PANAGBENGA! Hotdogs at MAIS tapos concert pa sa gabi. (Nagtinda kami sa tapat ng Unionbank kahit walang permit kase magaling pong maki- usap ang manunulat na ito)
10. Burnham Park na may pekeng logs L Swan na boats at may pagong pa!
11. Rizal Park na hindi ko tinangkang makipaghalikan sa aking bf (cheap naman) dahil respeto ko kay Kuya Jose.
12. John Hay na noon ay love na love pero noong simulang nagbilihan ng mga mansion sila Vilma Santos malapit sa manor, na- hurt na ako kaya mega tambay na lang ako sa golf course habang nagtatangkang maging Tiger Woods si Popcie.
13. Wagwagan (thank you sa aking winter boots, hanggang ngayon ay puro compliments dahil gawa sa Italy, 500 pesos lang siya)
14. SM dahil sa aircon at mas malaking sinehan. Pity naman sa Baguio Center mall ang mga small businesses.
15. IONIC CAFÉ na tambayan namin. Malapit ito sa puso ko dahil dito ko natapos ang aking thesis habang umiinom ng ika- 10 tasa ng Baguio Coffee. Kapag ang puso ko ay dumadagundong dahil sa caffeine, Hot Calamansi Juice naman (malamig pa rin ba yung French fries nila?)
16. Forest House (pero sinara na yata ito, sarap ng kape din)
17. Lahat ng Bars sa may Legarda area.
18. Pinapaitan sa may Slaughterhouse plus ang kanilang inihaw na pigJ
19. Silver earrings from Ibay!
20. Malamig na klima noong bata ako pero ngayon ay mainit na raw. Well, Baguio will always be a paradise for me and when I return, alam kong exciting pa rin siya.
Kung may nakaligtaan akong isama- email or leave a comment para makagawa ako ng scrapbook. I miss Baguio and I will always miss the haunted house along Pacdal Road.
Baguio is mentioned in this vlog, click on it and enjoy!
http://www.youtube.com/watch?v=qbdDHABa6ng |
reaction ko lang ko sa sentence no. 5, ang dating sa kin nito ay si gma ay mga kasalan kung bakit umaalis ang mga pilipino sa pinas. naka-absurd naman yata para sabahin ito, oo maraming problema ang pilinas pero nde lang ang gobyerno ang dapat kumilos sa ikauunlad, tayo mismo mga pilpino bawat isa satin ang kailangan, ang gumawa, ang magmalasakit para maabot natin ang dapat