Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Blog - Latest Entries
<< < | 14 15 16 17 18 19
Ang New York ay Isang Isla > Arts and Fasion of NY
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.03.2006 @ 10:07 pm | Lasted edited: Aug.12.2006 @ 9:16 pm

 11. NYC welcomes all ARTISTS. From the painters, singers, dancers hanggang dun sa mamang kulay green at siya daw si Liberty. Fan niya ako kase di siya gumagalaw. Art is all around NY. Pumunta ka sa MET (Metropolitan Museum of Art), MoMa or Museum of Natural History at marami pang ibang museo, maaaliw ka sa mga makikita mo. Pero kung "koboy" ka, pumunta ka sa Bronx at piliting basahin ang mga Graffiti sa harap at likod ng mga buildings. Siyempre ang mga artists nito ay ang mga PAKERS. Feeling mo ay "advocate of the arts" ka na. Donate ka lang naman ng 1 penny o $1 kung galante ka. Libre ang venue kase sa park o sa subway stations. Pakinggan mo ang mga musicians na super galing mag gitara, saxophone, drums at mainggit sa mga street dancers na parang walang buto sa katawan.

12. NY has four seasons namely Winter, Spring, Summer and Fall. Favorite ko ang spring dahil masisinagan na naman ako ng araw at hindi tulad ng Winter (na hate na hate ko). Bukod sa sobrang lamig, feeling ko I am transported to Alaska at naging eskimo. Ang nakakainis pa ay ang proseso ng pagsuot mo ng damit. The following are the essential steps for winter so you will not be turned into a living isicle. Una, isuot ang thermal shirt followed by thermal pants. Second, put on a shirt plus a sweater and a jacket. Third, wear waterproof pants or jeans and of course do not forget the coat, hat, gloves, winter boots and matching scarf. Sa loob ng 4 na buwan, ang fashion statement ko ay "Frosty the Snowman."

13. Speaking of seasons, laging advance ang fashion sa NY. Di pa lang tapos and spring, meron nang summer collection sila Ann Taylor, Micheal Korrs, Versace, etc. The good thing is after every season comes the BIG sale! So kung hoarder ka, go ka sa mga stores 2 weeks before the season changes and 75% off ang sale. Pagsamantalahan ang mga clearance sales. Chance mo na ito purchase something designer nang hindi ka naman hihimatayin sa presyo.

14. Color Coordinated din ang mga seasons. Earth colors plus hues of purple, soft pink and tan ang drama ng fall. Cashmere sweaters and trench coats with matching burberry scarfs naman during winter. During spring, pastel and flowery patterns and flip flops ang in. Kapag summer, kahit na ano isuot mo, the smaller, shorter, tinier.the skimpier…. the better. Do not leave anything to the imagination. Noong una, nag promise ako na hindi ako magiging obsessed sa fashion. Pero dahil sa mga LINTIK na sales, self confessed shopaholic na rin ako. My closet is now divided into 4 in accordance to each season. And huwag kalimutan ang 2 big boxes ng sangkatutak na ibat ibang kulay ng scarf at mittens. Andito ako sa laundrymat, I put on a pink shirt, capri jeans na may flowers sa hem at flip flops na may blue flower sa gitna. And ang earrings ko ay pink chandeliers. Spring look kase ang drama ko.

Ang New York ay Isang Isla > Speed and Subway of NY
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.03.2006 @ 10:05 pm | Lasted edited: Aug.12.2006 @ 9:12 pm

15. As the season changes, so do relationships here. Super easy magkaroon ng girlfriend or boyfriend. There is the net, the park, the grocery but the easiest way is the hundreds of bars sa pinaka sosyal to the sleaziest, choose ka ng partner na parang candy sa tindahan. Daanin mo sa number of drinks at sa tingin at WACHA!!! May ka sex ka na! May degrees rin ang &quot;relationships&quot;. Meron yung ;1- 5 night stands and it didn’t work out& PF (paking friend), group hug relationship (kung solid kayong magbabarkada sundin ang motto &quot;Share your guy. Gal, Win/ keep a Friend!&quot; But there are also the serious and fully committed ones. Take time ka lang and siguraduhin mo kung anong sexual orientation mo.

16. Fashion, relationship, seasons are characterized by speed. Time is very important sa mga Nyorkers. They hate latecomers and yung mga mabagal lumakad, Every morning, para kang makakita ng herd of horses or mga wildebeest (kung safari ang tema) na ang bilis bilis as in sobrang bilis maglakad. In a spilt second wala na sila sa paningin mo . Noong una, hirap na hirap ako, parang akong asa twilight zone dahil pati hininga ko ay  minamadali. Mula sa paggising hanggang pagtulog, requirement ay maging super fast ka kung hindi ay matutulak ka, bibigyan ka ng "PAKER" greeting o di kaya ay pagkakamalan kang may sayad. Pero sa loob ng 2 taon and still counting, nag evolve ako mula sa pagiging pagong sa  aba! rabbit na ako ngayon. At times snake kase I mastered how to slither among the crowd. It is amazing kase hindi na ako nababangga or binabangga. Natuto na rin akong laruin ang favorite sports ng Nyorkers, and "Beat the Red Light" game, Merong driver’s version at pedestrian version. Isa akong olympic pedestrian na kapag nakita na ang puting tao ay nagiging pulang kamay, mega race na ako na parang kuneho. Instinct na and adrenaline. Ang nakakinis lang minsan ay kapag tinanong ko sa sarili ko "Sino nga ba ang hinahabol ko?"

17. Kung bibisita ka dito sa NY, humanda ka sa paglakad at make sure na alam mo kung ano ang North, South , East and West plus and cross street. Ang Manhattan ay madali tandaan 1st, 2nd, 3rd Avenue, Lexington, Park, Madison then 5th avenue hanggang sa 7th Broadway to 10th avenue. Kung mega lost ka, okey lang na magtanong sa mga Nyorkers (basta hindi sila in wildebeest form) and they will happily tell you the directions. Walk south to Lexington at 86th street, walk 5 blocks west and go up one block north. The cross street is 3rd avenue. Simple no? Sa isang pinoy na tulad ko, nahilo sa mga direksyon noong una. Sa atin kase, mas madaling hanapin ang lugar na gusto mong puntahan. Isang halimbawa ay “Nakikita mo ba yung tindahan na may malaking sign ng Coke? Dumiretso ka doon at kumaliwa ka, pag nakita mo yung station ng mga traysikel malapit ka na sa bahay nila Reyes (o sino pa kahit si Ayala). Kaharap nila yung bahay na kulay green ang bubong. Kung nawala ka, bumalik ka lang sa tindahan at tanungin mo yung tambay na may dragon sa braso, ituturo niya ulit sa iyo.” Simple kaya miss ko na ang bansa natin. Pero dahil andito na ako, kailangan ko nang matuto ng sense of direction. Basta ang alam ko pag north, the numbers of the street gets higher and pag south siyempre commom sense, paliit ang numbers. Kapag east naman, sasagutin ko kapag tapos ko na itong libro.

18. Speaking of blocks, hindi ito equivalent ng kanto, ilang daang feet ang need mo, So kapag sinabi ng mga Nyorkers na 5 blocks away lang, do not rejoice kase kadalasan eh super haba ang isang block na ang magiging feeling mo ay nag marathon ka. And an additional note, lagi kang carry ng map (subway map. Bus map. City map. Etc.) Just in case minalas ka at isang PAKER and nagbigay sa iyo ng direksyon.

19. Speaking of subway which is the primary means of transportation. Kapag sasakay ka, you need to remember what is uptown (north) and downtown (south). The trains consist of the 4, 5 (express) and 6 (local) na limousine ng mga PAKERS pwera na lang pag umabot ka na sa 86th street, bigla na silang mawawala). F, Q, R. N, W ( bound for Queens) and D, E trains for Brooklyn. Meron ring A, B, M at iba pang letter. Favorite ko ang 6 train kase malakas ang aircon at halos kabuuan ng Manhattan ay may subway stop along this line.

20. Nakakaaliw sumakay sa train lalo na sa weekends kase ang mg Nyorkers ay human again pero may hint pa rin ng pagiging wildebeest. Hindi na sila masyadong nagmamadali pero time naman nilang ipakita ang ecletic side nila , aka medyo looney side. Aside of course sa mga clothes na parang model ng hip hop, bohemian, metrosexual and wag kalimutan ang magmukhang alien mula sa Pluto. May bigla na lang kakanta, sasayaw at mega preach about salvation of the soul. Siyempre may mga taong humihingi ng pera (may AIDS kase, homeless, nawalan ng job, nalokong immigrant) Kadalasan ay nagbibigay ako sa mga matatandang Nyorkers na humihingi kase considered na silang walang essence sa society. Never akong nagbigay sa isang PAKER na alam ko naman gagamitin pambili ng sa hero (dagdagan mo ng in) at pot (hindi yung pinaglulutuan). Sa subway mo makikita lahat ng personality ng Nyorkers, normal, normal (MWF) and Unique (definition depends on what you consider is unique).

 

 

<< < | 14 15 16 17 18 19
Entries 181 to 182 of 182

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org