Sa lahat ng nagbigay ng comment/ suggestions at words of encouragement, nakasave po lahat sa aking private email. Kung gusto niyong makita ang inyong comment, basahin ang "Comments from Visitors of the Site". Makikita niyo ang inyong nickname (siyempre, protektado ko kayo) at ang inyong comments na talaga namang tumatagos sa aking dugo na ipagpatuloy ang libro.
Posted: Aug.19.2006 @ 12:38 am | Lasted edited: Aug.21.2006 @ 11:39 am
"Tribunal ng mga Sensei Onizukas"
Salamat naman at pinapasok ako nung security guard sa Main Gate kahit wala akong ID. Nagmakaawa ako na kailangan na kailangan kong makausap ang aking mga Sensei Onizukas. Graduate ako ng Saint Loius University, tanda ko pa nga colleges ko at ang ID number ko 962222. Binigyan ako ng gate pass at humingi ng autograph para sa kanyang log- in book.
Malamang mas maigi na sa Giant Steps ako maghintay sa tribunal. Relax muna ako dahil ang taas ng aking stress at anxiety level. HINDI KO NA KAYA MAGTURO!!!!! Kailangan ko ng guidance kung itutuloy ko pa ang pagtuturo o mag shift na lang ng career.
Bigyan ko muna kayo ng background kung bakit humantong ang lahat sa eksenang ito. Tinanggap ako ng New York Board of Education dalawang taon na ang nakalipas. Special education class ang ibinigay sa akin. Okey naman dahil nagturo na ako ng anim na taon dito sa atin. Pero iba, ibang iba ang senaryo. Nagkaroon ako ng supervisor na sobra ang "love" sa akin, sabi ko nga "Lord, kunin mo na siya kase ang bait niya sa akin." Ngayon iba na ang supervisor ko. Pero balik tayo sa kung bakit ko kailangan konsultahin ang aking mga Sensei Onizukas, una, hampasin ba naman ako sa likod gamit ang upuan ng isang student. Ang nakakainis pa ay second grade pa lang siya. Paano pa kaya kung asa middle at high school siya? Hindi ko na rin mabilang ang mga pagkakataon na tinawag nila akong Asian whore, Asian worker, Asian she- dog at lahat na ng mura inabot ko. Hindi ko na kaya, dignidad ko na nakapusta dito. Isa- isa na silang umupo sa Giant Steps at ako naman ay tumayo sa gitna ng parking lot. Sigawan niyo na lang ako pag may kotseng dumarating. Thank you!
"Ano ang pakay mo, Louisian?"
"Hindi ko na po kaya magturo. Wala na akong lakas at lagi akong stressed. Middle name ko na nga po ito eh. Iba po ang mga estudyante sa New York. Tingin yata nila sa akin ay isang malaking punching bag."
Unang tumayo si A. Soriano "Natatandaan mo ba yung subject mo na Educational Psychology?
Hindi ka yata nakikinig. Pinag usapan natin ang mga special education students.
Isinama ko pa ang Learning Disabilities, characteristics pa
Dapat alam mo kung ano ang dynamics upang maturuan sila"
"Ginawa ko naman po Atty,/ Vice Pres Arn
At nakikinig pa ako sa inyo sa Auditorium ng Perfecto Building
Medyo takot lang ako sa inyo noon kase ang bilis ninyo magsalita
Halos mabali na ang mga daliri ko pagsulat sa mga dictations niyo"
"Tinignan mo ba ang level ng motivation ng mga estydyante mo?
Tinuro ko yan sa Dynamic Psychology
Binanggit ko pa nung nakiki- chika ka kela Jerico at Jason
"The lowest and highest level of motivation results to the same behavior"
Sumunod naman si L. Gandeza na nagsalita
"Una po ma'am, di pa ako nakiki- chika sa barkada ko
Tinanong ko lang po kung nagtext na yung crush ko mula sa COE
At ginawa ko naman po lahat ng motivational activities
Tumambling pa nga ako sa harap nila ma'am"
May biglang cute na tumayo, Ah, si F. Ellamil
Research ang kailangan mo iha
Dapat mapasensya ka at thorough
Identify the independent and dependent variables
Makakatulong ito sa iyo para maintindihan mo sila
"Ma'am naman. Try hard talaga ako diyan.
Ilang daang dolyar na ang nagastos ko
Para bumili ng mga libro tungkol sa kanila
Duling na rin ako sa kakaresearch sa Internet"
Have you looked into their inner psyche?
Maybe you should experienced vicariously
What they are going through, what's in their head
Like a Rorschach Test, you can tap the unobservable"
"Ma'am N. Cruz, lahat ng klase ng inkblots ginawa ko na
Halos isang mansion na ang naipinta ko
Di ko alam kung anong color, texture, movement
Ang next na reaction nila, kung pwede nga lang
Burahin ang mga pininta ng mga magulang nila"
Ngumiti naman si H. Galuba
"Try to fathom their roots
where they came from, Anthropology;
This is essential to figure out the patterns of their aggression"
"Sir naman, halos maging banlag na ako
Sa kakatingin dun sa graph ng evolution of man
Na pinaskil niyo sa blackboard
Kung pwede lang na pabasahin ko sila ng 8 chaptersat
Ipareport sa next meeting, gagawin ko talaga"
"Di ba nagtuturo ka sa Bronx?"
Malamang halos ng community ay illiterate
Dapat na- identify mo yan nung una pa lang
Sa Community Education for the Indigenous People"
Hirit naman ni A. Guinguino
"Naku Sir G. Hindi lang sila indigenous
Mahilig sila sa crack, kaya cracked din ang brains nila
Pilit ko nga rin na i- rehabilitate yung mga parents.
By the way Sir G. di ko pa rin nakakalimutan yung
"Build a House Using Tingtings" activity natin"
"Why don't you try to dissect the source of their frustration?
Maybe there is something more serious with the factors
That contribute to their behavior, way of thinking
Pa charming na tinanong naman ako ni R. Bernardez
"Sir naman. Di sila frog na pwede ko i- dissect
Gaya sa Zoology class natin sa Adenauer Bldg..
Tiningnan ko na lahat ng decaying factors
Preserved and naka- mount pa nga yung chart sa wall ko"
Ngumiti si Lambino "Are they in the Adolescent Stage?
Perhaps they are confused, lost and without a clue
They do not have enough Guidance and Counseling from home."
"Yun na nga Ma'am eh, confused sila
Pati ako sobrang confused na, ni ayaw nila umuwi
Laging ubos tuloy yung lata ng Sky flakes ko
Di pa sila teenagers Ma'am pero mukha na silang College"
"Have you looked into the social skills of your students?
You should be a model, di mo yata binasa yung kay Bandura
Lagi kang humahagikgik sa likod kasama si Leung
Pa cute ka lang nang pa cute sa Social Psychology"
"Ma'am Kawi, hindi po kayo ang tinatawan namin
Yung hip- hop na naasa harap namin, kita na kase pwet niya.
Minemorize ko po si Bandura, lahat na kahit banderitas
Pati nga po kung ilan na ang movies ni Antonio Banderas"
"Naalala mo ba yung Practicum I and II mo?
Agoo ang assignment mo, never ka na- late
Napamahal sa iyo mga students mo, mahirap lang nung una
Nagprepare pa nga sila ng "instant prom" para sa iyo nung huli mong visit"
"Ma'am G. Sanil, bawal sa amin ang mag- gown sa school
Magiging Cinderella ako na pinunit punit ang damit
Lahat naman ng natutunan ko galing sa inyo ginawa ko
Pati nga po yung OBSERVATION REPORT
"Baka may internal crisis ka na hindi mo pa na resolve?
It is really hard to teach if you yourself are not healed
It will come out as fake, no matter how hard you try"
Biglang banat naman ni A. Macalma with his trademark smile
"Sir Andz, hindi ba pwedeng maging associate dean kita?
Ginawa ko na sir, inalis ko na lahat ng skeletons in the closet ko
Pati yung mga wrapper ng Cadbury Candies na lagi nating kinakain sa G.O
Tanda ko pa lahat ng counseling sessions kasama si Dexter
Nilinis ko pa nga po yung table ninyo kase obsessive compulsive ako
Promise wala akong ninakaw sa Mickey Mouse Collection mo! "
"Ms. Toquero, have you not used my teachings?
Every Tuesday and Thursday, I used my mini karaoke
To teach Abnormal Psychology to the class
It was hard for me especially when 92 of your were not listening
I caught you once even combing your hair
The cases of these students may be classified into different disorders"
"Fr. Evarist, I reviewed abnormal psychology
And there is no need to go to psychiatry hospitals/ centers
People with disorders from histrionic to psychotic are here in NY
And yes I was combing my hair so my brain cells will run
To understand if the subject (me) is being normal or not "
"Have you used the strategy of Logic?
If you only know the premise, you will know the end
Then you can justify if the behavior of the students
Is valid or not." Tanong ni Versoza
"Sir, ginawa ko na po iyan
lahat ng trianglesDrinowing ko na po
lahat ng logic ginawa ko na
Bisita kayo sir, para maintindihan niyo
Na wala sila in their logical state of mind"
"Ikaw bata ka!
Hindi ba lahat ng problema mo
Nalutas mo rin, pasensya at determinasyon lang
Kung yung Thesis mo, natapos mo in 3 months Yan pa!
Hindi ba special ed din yung ex bf mo? Kaya mo yan!"
Hirit ni Dr.T. Leal
"Dr. Leal, adviser ko kayo nung tinatapos ko yung MA Sped
KAILANGAN ko ng advice at hindi reminder kung
Gaano ako naging tanga doon sa ex bf ko
Need ko ang pagka- strikto niyo para sa klase ko,
Yung bang iiyak sila ng dugo dahil sa hirap
Yan ang nangyari nung unofficial defense ko sa harap ninyo”
Sumingit naman si R. Tacmo
"Ang sabi mo sa kin sa lahat ng special education classes mo
Under sa akin, may heart ka for special education
Kaya nga inaral mo lahat from autism, mental handicap
Hanggang hearing impairment, lahat ng spectrum"
"Sir Tax, hindi lang heart binigay ko sa kanila
pati atay at balunbalunan, iba talaga sila, di sila human
Parang hindi ko na alam ang behavior modification techniques
At pwedeng humingi ng chocolates? Sinosolo mo na naman eh!"
"You should review your Early Childhood Education
Perhaps you need to retrace kung paano sila pinalaki
Parents, immediate family, unang schooling
Mabait ka sa klase ko, sobra nga pasensya mo iha"
Encouragement from T. Lingdas
"Ma'am Terry, pasensya ay nawawala na sa bokabularyo ko
Retrace?, tracing sa classroom walls at table ang nangyari
LUMAKAS to the 10th power ang boses ko, rinig kahit sa hallway
Lagi ako namamaos, kase di sila makarinig/ pretending to be deaf"
Ang magandang B. Mina ang humarap sa akin
"Why don't you go over the Methods of Teaching?
It will help you with your students, different ways
Kung natolerate ko yung ingay ninyo nila Pina at Denisse
Matotolerate mo rin sila, mold them with a firm but loving hand"
"Joke bayan Ma'am, hindi nakakatawa.
Mabait naman kami sa likod at marami kami ni- report
Hirap nung finals, gaya ng tinuturo ko ngayon
Eh Ma'am wala ako poise na tulad mo
Kailangan ko ng bullet proof vest at helmet"
"Aralin mo ulit ang Foundations of Education
It will equip you with many techniques
On how to deliver a lesson plan
Utos naman ni S. Ayao- ao
"Ma'am Shin, tanke ang need ko
with matching ammunition
Ganda nga ng lay out ng lesson plan ko
Color coordinated from Monday to Friday"
"Let us try the approach of Philosophy
Have you reviewed the eastern and western philosophers?
Review Plato's Allegory of the Cave, it applies to you
You are the one who was able to see the outside perspective
Seryosong tono ni Serrano
"Sir, lahat na ng pilosopo nakita ko na dito
At malayo sila kay Socrates, Aristotle at Nietchze
Sir, ayaw ko naman na ako yung papatayin sa loob ng cave
Ng mga students ko, kailangan ko na yata maging Sophist
Pwede ako magpabayad para mamilosopo rin ako"
"My child, why don't you look inside yourself,
If you are not happy then change your career
It is not too late, but you are a good teacher
You are not superman, do you or do you not love your students?"
Huling tanong ni F. Fortea
"Teka happy naman ako kahit nahahampas ako ng upuan.
May good days at bad days pero pumapasok naman ako everyday.
Hindi kumpleto araw ko kapag di ko sila nakita, mag goodbye pag uwi nila.
Super hug naman nila ako pag wala silang "tinkerbell sa utak."
Pagod ako pero ito naman ang kailangan kong adrenaline
Di ko yata kaya na HINDI MAGTURO.
Ito na ang buhay ko, di ako marunong mag- cartwheel
O maging Chef kase I burn not cook food
Ito na ang career ko, mahal ko na ang pagtuturo"
"Salamat mga Sensei ko sa SLU Natulungan ninyo ako na ipagpatuloy
Kahit masaktan, kahit tawagin akong Asian Delight
Guro ako, di na ito maalis sa akin
Parang Tattoo, di basta basta mabubura
Sige na po, kailangan ko na umalis
Baka maiwan ako ng plane, peak season pa naman po
Mahal ang aiirfare, balik na lang po ulit ako
At sana ISA NAMAN ako sa nakaupo sa tribunal
Aba! Nakakapagod tumayo nang 3 oras dito Sa Gitna ng Parking Lot ng SLU
*** Ito ay isinulat ko para sa aking mga Sensei (Guro) noong nasa College of Human Sciences ako for my Bachelor's Degree at noong nasa College of Education ako for my Graduate Degree***
Kung tatanungin niyo kung bakit Sensei Onizukas ang Titulo ng isinulat ko, ibinase ko ito sa isang Anime character sa GTO series (Great Teacher Onizuka). Noong natapos ko ang anime series na ito, naalala ko kayong lahat, I am proud to be a Louisian kahit saan ako pumunta upang magturo sapagkat dala dala ko kayong lahat kahit saan classroom ako isabak, sa Burberry bag ko pa nga kayo inilalagay.
Posted: Aug.18.2006 @ 1:52 am | Lasted edited: Aug.18.2006 @ 1:27 am
August 4, 2006, isang maleta at isang handcarry bag lang ang dala dala ko pagpunta dito. Sinisiksik ko lahat ng pwede maisiksik na nagmukhang puputok na ang aking cute na luggage dahil sa sobrang dami ng gamit na inilagay ko. Malungkot ako dahil di ko pwede dalhin ang collection ko ng fake na CDs at mga Xerox Copy ng mga paborito kong libro dahil magiging hanggang gate lang ako ng JFK makakatambay at diretso na ako sa deportation office. Nang nakahanap na ako kasama ang iba pang Filipino teachers na nagsisimula rin tulad ko ng apartment, naisip ko saan ako kukuha ng kama, meron carpet kaya lang mas makapal pa ang balat ko. Naisip ko “Ganito pala dito, ang hirap! Samantalang nung nasa Pinas pa ako, Purple ang kulay ng room ko at Zen style pa ang interior design nito. Ngayon ang nakikita ko lang ay pinto, isang maliit na window, isang maliit na closet at miniscule space para sa kama na kapag umikot ka, within half second, makikita mo na naman ang pinto. Halos mapaiyak ako, dahil airbed ang bagsak ko na kapag gumising ako sa umaga, wala na siya air. That time, need ko talaga ang isang chiropractor.
Nang biglang wacha! Nadiskubre namin ang Friday Night Deal dito sa New York. Halos lahat ng lugar dito sa Bronx, Saturday morning ang garbage collection so Friday night pa lang tinatapon na ng mga US Citizens ang mga ayaw na nilang furniture tulad ng dining set, sofas, mattresses at kung gusto mo pa computer. Yes, mag kapatid, mas gusto na nilang itapon kesa iparepair dahil inconvenient daw. Jackpot ka kung lilipat ng bahay yung kapitbahay mo, lahat ng laman ng bahay ay itatapon. Sobrang mahal kase ang rent sa Van/ Truck for delivery sa bagong bahay. Every Friday night at around 8 pm sa loob ng 3 buwan, “shopping” time namin. Magdala ng cart para mabuhat ang table, bed, closet, china cabinet at computer tables. Yung iba pang tao, pilipilitin ka pa na kunin yung gamit na nasa harapan ng bahay nila. Thank you very Much Neighbor!
Nang lumipat na ako ng apartment pagkaraan ng isang taon, itinapon ko na rin ang mga gamit na pinulot ko upang "mapulot" at magamit din ng isang taong nagsisimula sa New York.Pero hindi ko tinapon ang side table. Tuwing inaalala ko ang paghihirap ko bago ako naging stable dito, hinihimas ko siya. Palatandaan ng aking journey mula sa dalawang bagahe hanggang sa futon sofa na nabili ko sa Target. Pinangako ko sa sarili ko na never ko siyang itatapon dahil siya ang una kong furniture na pinulot sa Friday Night Deal Madness. Kasama ko siya sa hirap at ginhawa. At lagi siyang nagpapaalala sa akin na maging humble kahit na medyo umasenso na.
Sana ang mga nakabasa nito, tandaan niyo lamang kung saan tayo nagsimula. Huwag maging mayabang dahil lamang nakakakita tayo ng snow, may credit card sa Macy's at nakita na si Liberty at may picture na with its matching background. Hindi ito maganda, huwag nating kalimutan ang hirap natin sa simula upang mas lalo nating bigyang halaga kung ano mang meron natin ngayon.
Posted: Aug.17.2006 @ 2:06 am | Lasted edited: Aug.17.2006 @ 1:07 am
Only the brave dare look upon they gray
Upon the things which cannot be explained easily,
Upon the things which often engender mistakes
Upon the things whose cause cannot be understood
Upon the things we must accept and live with.
And therefore only the brave dare look upon difference without flinching
Richard H. Hungerford
"On Locusts"
I chose this poem as introduction for my thesis for graduate school; I live according to the lines for they vividly reflect what I have been through. We encounter things that make us happy, sad, certain, unsure, fulfilling and frustrating. This night, I will reflect how far I have ventured into the unknown, uncertain and things that I cannot fathom. I hope you do too. Our life is filled with mysteries and unending charades but if we close our eyes and have faith to make that first step, we will travel into vast distances.
Warning: Kung ikaw ay "balat sibuyas" at guilty by pronunciation, huwag mo na ituloy na basahin. Hindi ko ito sinulat upang pagtripan ang mga Pinoy from Luzon, Visayas at Mindanao. Ang sa akin lang naman, kailangan natin maging globally competitive as English Speakers. Kaya nga libo libo ang OFWs ang kinukuha ng international companies dahil marunong tayo umintindi at magsalita ng ingles. Basahin mo ito upang mas lalong mainggit ang mga Chinese, Indians, Persians, Cubans, Mexicans (no comment pa rin ako sa kanila) to name a few. Halos 16 years ba naman ng buhay mo (kung on schedule ka nag graduate) na laging may English Class. Handa ka na ba? Ready. Set. Go!
A
Awesome- "He is Owsam." Tadyak ang bagsak mo
Advertisement – Advertaysment at di po Adbertisment
B
Book- hindi ito equivalent ng "I will bokbok you if make astig to me.
Beautiful – "I feel so byotipol" Talo ka na sa question and answer ng Ms. Palengke 2006
Bottle- "Isang pang round red horse, yung sa botel/ batel" "Uwi na ako, sakit na ng ulo ko sa iyo eh."
C
Candle- please hindi Kandol o kandel
Cake- Ganda naman ng bday "kek.", di nakita iimbitahin ulit sa party ko
Cat- ket "do you want your ket to purr?" hindi siya gagalaw kahit itapon mo sa drum ng
tubig kung ito ang tawag mo.
Centimeter- Guilty ako dito , it should be "sen………timeter" at hindi "sentimiterrrrrrrr"
D
Dog- "Cute naman ng Doog mo mo?" Sige magmukha kang German poodle pag ito ang sinabi mo
Decimeter- refer to centimeter
E
Egg- "Niluto ko na ang ig, sunny side up pa!" Hindi ka sunny, rainy na ang tema
F
Fruit- "Favorite kong Frot ay Mangga" Okey, bigyan kita ng basket ng Frotas (Froot please)
G
Go- not gu
Ghost- "natakot ako sa gos!" Ako rin natakot sa iyo
H
Hamburger- the classic hamburdyer
Hop- do it like the rabbit, it hops (short o), not hup
I
Indian- ingat ka dito, hindi into pareho ng "Inindyan mo naman ako tsong." Sige lalo ka sisingilin ni Bombay
J
Juice- hindi ito si Father God, kaya hindi siya Dyos
K
Kettle – again ang sumpa ng I at e (kittle ay di pareho ng kettin)
L
Lipstick- "I want a red Lepstick" Isang gallon na lang ng red paint bigay ko
M
Milk- hindi melk
Most- "Moos of you are present" Walkout sa iyo ang mga students mo dahil tinawag mo silang wildlife
N
Nuclear- nuc-leer at hindi "nucliyar"
O
Orange- "Ayaw ko na ng orinj juice" "Ayaw din kita"
P
Pizza – "I like to order for 1 Pitsa Pie" Pietayin kaya kita?
Princess- "Nag 2nd prensis yung pamangkin mo" Bibigyan ko sana ng $20, wag na muna ( short i ay huwag pagbaligtarin sa short e)
Q
Queen – 'Ang asawa ng Keng ay Kwen" Anong kaharian ka ba galing?"
R
Restaurant- "Kumain naman tayo sa restawran" Ikaw na lang. Busog na ako.
S
School- "Si junior ay pumasok na sa Iskol!" Siguradong may black eye siya pag - uwi.
T
Traffic- TRAPIK PARE, pusang gala! Huwag po pagbaligtarin ang F sa P
There- huwag maconfuse sa their at there. "I am here, not dir" Hihimatayin na ako, promise
U
Under- Alam ko "ander the saya ka" but don't hide under the kama,
kita malaki mong noo eh
V
Village- "Sa San Lorenzo Bileyg ka nakatira?" ""Hindi sa Singgalong Village." (idge)
W
War- pronounce it as in "whore" without the h. HINDI PO WAAAAAAAAAARR!!!!
Window- "Close the wendo." Mababasag ang mga bintana!!!!
X
X-ray- ex, ex, ex, ekes, ekes, ekes never IKS ray
Y
Yawn – "Antok an ako, kaya I am Yawning" Di kita patutulugin, deal ito (yon ang tama, short o)
Z
Zipper- again another case of the i and e curse. "Close your Zepir"
*Kung nakayanan mong basahin lahat ng SAMPOL (sample) ng mga English words that need improvement in our pronunciation, you are in the right track. Marami rin ako bloopers pero prinamise ko na itama sila para hindi ako pagtawanan ng aking klase at upang mas lalo akong magkaroon ng confidence na makipag -usap sa aking mga boss at mag katrabaho, co- tenants at kahit yung mailman ko.
*Sa mga guro naman na nagtuturo, basahin niyo ito upang mahasa ang next generation of Filipinos in Phonetics.
Hanga ako sa bumasa nito, ibig sabihin ay open minded ka for change. Ikakabuti mo ito at magigiging SAKSESPUL ka. Itama niyo nga ito. ____________________
Siyempre ang buong listahan ng mga salita ay mababasa sa librong "Ang New York Ay Isang Isla." Kung may mga iba pa kayong alam ma salita na dapat nating I –pronounce nang tama, send lang po ng message. Salamat!
Paano pakisamahan ang boss na iba ang breeding? Pasenya na sa aking term. Natuklasan ko na threatened din sila tulad natin kapag nakakita much less work with someone from a different race. Superiority complex ang panakot nila. But in time, pag alam mo na ang hangganan mo at nasa katwiran ka, be assertive na. Hintayin mo lang ng mga 6- 7 months kapag ¾ na ng utang mo ay nabayaran mo na. Sasabihin niyo na nagpapa- api ako pero KATOTOHANAN ito. Hindi ko pa gamay ang teritoryo at talaga namang kailangan ko ang magbayad sa inutang ko sa bangko.
Pagkatapos ng dalawang linggo mula pagkadapa ko sa JFK, pinag- report na ako sa assigned ko. Halos mahimatay ako dahil dalawa lang kaming asian teachers sa loob ng building. Saglit lang ako kinausap ng aking kataas- taasang boss at nilagyan na ako ng laso ng aking supervisor. Di ko siya maintindihan kase PAKER ang kanyang breeding (minus the profanities). True Blooded G force siya according to the other teachers, pakisamahan ko na lang daw at huwag nang magreklamo. Sabi ko, okey lang kase wala na akong babalikan na trabaho sa atin. Kahit isanla ko pa kaluluwa ko, hindi ko mababayaran ang inutang ko para lang makapunta dito.
First day ng school, nakatikim na ako ng kanyang “sweetness”. Sigaw sigawan ba naman ako dahil hiniram ko yung susi sa classroom sa ibang supervisor. Dapat daw sa kanya, kase under ako sa kanya. Grabe! Love na niya ako. Sumunod ang mga “imposibleng” tasks na pinagawa niya sa akin. Ito ang ituro mo, dapat nasa likod ka ng mga estudyante kapag lumilinya sila, huwag kang makipagusap sa mga parents na wala ako, ganito ka huminga, ito ang kulay ng ink pag sinulat mo ang lesson plan mo, huwag kang makipag usap sa teacher na nasa tabi mo at huwag kang sumagot pag hindi pa ako tapos (ang kanyang litanya). Sige lang, pasensya to the max. Inaamin ko na may pagkataray rin ako pero kailangan na huwag sumagot o umangal. Sa loob ng 6 na buwan, guinea pig niya ako. Minsan okey siya, minsan di ma- spelling ang mood. Ang pinakanakakahiya niyang ginawa ay in public niya akong sinigawan in the hallway , “Ms. T. I don’t care of you have a degree in special education, you follow me! Everything I say, you ain’t dumb to understand that right?” That moment, sabi ko sa sarili ko “Lord, ang bait bait naman ng supervisor ko, kunin mo na siya please!” Ewan ko pero nagpapasalamat na rin ako dahil pinatatag niya ako, timba timba din ng luha ang inalay ko sa kanya. Lagi na lang sinasabi ng Espanolang teacher sa kabilang pinto, baptism of fire, pagkatapos ng isang taon iba naman na ang pagtritripan niya.
One morning in February, iba yata ang sumapi sa akin at talagang masungit ako. Lunch break ko na nang pumasok siya sa classroom. Hindi ko siya pinapansin kase wala ako sa mood. Bigla ba namang sinigawan ako at tinanong kung bakit green ang itsura ng Bulletin Board ko. I retorted, “It’s not my board, it belongs to one of the cluster teachers.” Hirit ng tanda “I don’t care! You are the teacher.” Lintik na ang walang ganti! Tiningnan ko lamang siya with matching raised eyebrows, “So what do you want me to do?” Pumuti siya dahil di niya akalain na puwede rin pala na maging mas bastos ako sa kanya. Sabay kuha ng bag at padabog na nag walk out. Narinig ko na lang na sinabi niya dun sa kanyang mga “galamay” niya, “I think Ms.T knows her way around here already, ain’t she a tough cookie.” Pusang Gala! Kailangan ko pala siyang bastusin para lang RESPETUHIN ako. Well pagkatapos , di na niya ako masyadong pinagtritripan. Nung pinatalsik siya dahil akala niya ang kanyang bahay ay extension ng school, in other words, embezzlement of funds, pinasalamatan ko lahat ng santo sa St.Patricks’s for the Law of Karma. Good Riddance pero minsan miss ko rin siya kapag self pedicure ako, kase naaalala ko ang mga lupa lupa sa kanyang mga paa.
Ngayon may bago akong supervisor. Sobrang bait at very supportive. Mahilig lang naman sa regalo.
To summarize, upang "mahalin" ka ng iyong employer, sakyan mo ang kanyang mood. Sundin mo sa higit sa makakaya mo ang mga orders niya. Huwag maging emosyonal sa harap niya. Pinaka importante, hintayin mo na maging regular ang pagsahod mo, member ka na ng UNION, huwag maging tamad, huwag kumampi sa mga tsismosang katrabaho. Pag ginawa mo ang lahat ng binanggit ko, pwede mo nang umpisahan na balatan nang buhay ang bossing mo. Joke lang po, pwede mo muna siya daanin sa kulam. Kapag naka- jackpot ka naman ng mabait na boss, huwag maging complacent. Ayaw nila talaga ito, mag- training pa lalo upang ma improve ang skills lalo na sa pronounciation ng English words. halimbawa ay ang milk ay hindi po "melk".
Ang mga iba pang english words na dapat itama nating ang pronounciation ay sa susunod naman nang kapitulo.
Marami sa mga kaibigan ko ang nagtatanong, "Anong klase ng mga Estudyante meron dyan ang New York at paano sila sa Classroom?" Simple lang ang sagot ko, "Parang rin diyan sa atin, kailangan mo lang ng Bullet Proof Vest at helmet."
Hindi ko kayo tinatakot pero may mga ilang bagay kayong dapat malaman kung may pangarap kayong magturo dito.
Huwag mong expekin na tatawagin kang Ma’am o Sir. Mr. and Miss last name ang tawag sa iyo. Kung hindi nila mabigkas ang iyong unique name na tulad ko (Toquero), tatawagin ka na lamang nila sa initial ng last name mo kaya ako naging Ms. T. Okey na sana pero ang tinuturuan ko ay special ed class. Kaya kadalasan ay "T, T, T!" ang pagtawag nila sa akin. Kung sunod sunod na ito, iba na ang naiisip ko. T…T….T at isa pang T.
Huwag ka ring ma hurt kung wala silang greeting. Swerte ka na kung ningitian ka lalo na sa middle at high school. Sa elementary, pwede pa. Hindi ka rin nila tutulungan kung 10 libro na ang bitbit mo. May mga exceptions din naman, kasing dami sila ng metacarpals ko.
Hindi mo sila MAPIPILIT na makinig sa iyo. Kung ayaw mo mapahiya, dapat marami kang gimik. Pwede ka maging clown but please, no corny jokes. Iwasan ang mga pumapalyang ice breakers tulad ng "what do you expect to learn this school year?" , ang mahiwagang itlog na papasok sa loob ng bote o kahit yung simpleng "I will introduce myself drama". Kapag ginawa ito, tapos na ang acting I mean teaching career mo at ang iyong dignidad ay napunta na sa level ng daga. Dapat unique, short and will not require lengthy instructions ang pang catch ng attention nila. Favorite kong ice breaker ay "Fast hands and Funny fast hands" and "Dance and Freeze Game". I will explain the mechanics in the book para may guide ka.
Tandaan mo na kahit high school students, ang attention span nila ay very short as in very short. Kaya nga workshop model ang process of teaching here. One minute ka lang mag – connect sa past lesson/ kahit yung in relation to the autumn leaves outside pwede na. Then 5 minutes for the actual modeling/ teaching aka ang iyong lecture. Susunod ay ang 5 minutes na active engagement (kung chemistry, sila naman ang magpapasabog ng chemical) or they will try it out. Then, ooops tigil na muna para bilin mo naman yung libro. Basta 360 degress turn ang difference ng pagtuturo natin diyan at dito. One clue is all in all, you will spend 45- 46 minutes on one lesson.
Kung WALA SILA SA MOOD, huwag ka nang umarte na parang si Mother Teresa at makialam na parang mga pulitiko diyan. It is best to ignore them for a while as long as hindi ka naman nila tinatapunan ng upuan at di sila nananakit ng classmate. Kadalasan kaya sila bad mood, bad trip pare sila sa kanilang mga parents at di sa iyo. It is best to speak with them in private. Walang drama, no screaming matches and of course walang lilipad na desk.
Karamihan sa kanila ay nahihirapan bumasa. Akala niyo dahil New York, USA ito, lahat literate. Hindi po mga kababayan. May mali kase sa system (another topic po ito) kaya minamadali silang matutong magbasa. Kung akong teacher noong una gulong gulo na kung ano ba talaga ang ituturo, I can just imagine kung ano tumatakbo sa utak nila. So please huwag mag pa oral reading/ recitation. Remember humiliation leads to confrontation then to the trashing of your car.
HUWAG NA HUWAG mo silang mumurahin back kahit na putsa! Tawagin ka na nilang whore, slut, asian worker, b…..tch. Hindi kase broad ang kanilang vocabulary courtesy of their parents. Kase kapag ikaw ang nagmura, talsik ka sa work, return to our bayan plus lawsuit ang breakfast, lunch and dinner mo.
Earn their trust, Kapag may sinabi sila sa iyo kahit na simpleng crush or yung grabe na di sila makabasa. SECRET talaga ito. Dahil kapag tsinismis mo sila, katapusan mo na ito. Buong klase ay walk out sa iyo. Ngunit kung grabe naman tulad ng child abuse or involved na ang drugs, may proseso kaming sinusunod dito. Explain ko sa pa rin libro (wise ko no?)
Kahit na mas malaki at mas matangkad sila sa iyo, para pa rin silang mga kindergarten na mahilig sa rewards. Gustong gusto nila ang pizza at popcorn party. Ginagawa ko ito kapag okey sila at kapag di na ako makahinga sa pagod, ito na ang aking ginagawa ko for two periods.
Kailangang kailangan nila ng guidance. Kala mo toughies sila at mga ganstas (NY accent please) pero mga isip bata pa rin sila. From my experience, kapag tough love (you will respect them but will not tolerate excuses) and method mo, it will work for them. Ano ba ang "NY tough love?", sa libro niyo mababasa.
Never give up on them kahit na anong mangyari, walang iwanan kahit na sabihin nila na "I am stupid, I will never learn, I will fail" Huwag mo pansinin at maraming city services na tutulong rin sa kanila bukod sa iyo (sa taas ba naman ng tax dito, free speech, occupational, counseling at kahit na home schooling on the weekend meron dito). Mas mahabang detalye sa libro.
Kapag nagwawala na talaga sila. Halimbawa may butterfly knife na nakalabas na (balisong) at may flying chairs na, umiwas ka na at huwag mong gayahin si Claudine na magmakaawa "Huwag! Calm Down please". Di ito telenovela, ensure first the safety of rest of the class and of YOURSELF. I experienced this one (minus the balisong), nakakatakot dahil papatayin ng isang bata yung student ko. Instinct na humarang ako siyempre. Ako naman tong naging punching bag, eh dahil love ako ng class ko, to the rescue sila. Natakot ako dahil hindi lang ako ang papatayin nung little "psycho", apat kami so ang ginawa ko, I shouted "Go inside the class, go to your table and put your heads down, now!" Then tumakbo ako papasok ng room at ni lock ang door. Then of course gaya sa Filipino movies, sa huli na nung dumating ang school police.
13. Most students ay hindi palangiti. Di sila galit. Galit na galit sila sa mundo at lahat ng nakapatong dito at hinihila ng gravity. So wag mo ipersonal kung parang ayaw ka nila. Intindihin and try your best to WAIT. Kapag ready na silang maging parte ka ng buhay nila, sila na ang unang gagawa ng move. Kapag na- attach naman sila sa iyo..............
14. And ang pinakaimportante, ipakita mo na hindi ka OMNIPOTENT . Alisin mo ang mentality na dahil teacher ka, hindi ka pwedeng magkamali (huwag lang naman madalas). Kapag nakita nila na KAYA mong tawanan ang moments of katangahan mo, they will see you as human. And then try again, correct the error and show them the right way. Tandaan na hindi ikaw si JC. Hindi ka all knowing at hindi ikaw si Jesus Christ.
Numbers 1- 14 are only parts of the book. The expounded version will be read in the book.
Pagiging homesick. Isa itong katotohanan na di mo maiiwasan habang nasa iba kang bansa. Lahat ng OFW na tulad ko ay nakakaramdam nito. Ang mga sumusunod ay mga lunas upang kindi ka mabaliw sa pagka- home(ill).
Alam kong mahirap gawin ang mga ito pero kailangan,
1. Pagkaraan ng isang linggo mula pagdating sa airport, tumawag lamang nang 2 beses sa pamilya o mga kamag – anak. Bukod sa makakatipid ka sa phone card ($5), unti unti nang magsisimula ang weaning mo sa dati mong buhay bilang gimikera, lasinggero, sugarol, mama's boy, tambay, chickboy, under the saya at kung ano pang role mo nung asa Pilipinas ka pa.
2. Kapag email naman, mag sent laman ng generic email para lahat sila ay pantay pantay. "I am fine, wala pa ako sweldo." Simpleng reply di ba?
3. Ngayon ito na ang matindi pero I assure you that it will work. Una, gawin mong mantra na "Wala na ako sa Pilpinas, dolyar.dolyar.dolyar." Ito ang sure fire na pipigil sa iyo sa paguwi. Samahan mo pa ng "Utang, Dapat Bayaran kundi Mauubos lahat ng Kalabaw ni Tatang."
4. Huwag mo na munang isipin and mga nakakaligtaan mong telenovela ni Claudine o kung sino pang Drama Princess.
5 hanggang 10, sa libro niyo na lang po mababasa :)
I went to Times Square today to visit the Wax Museum. Inspite of the heat, sobrang dami ng tourists na nagpapapicture sa harap ng Toy's R Us, MTV, Planet Hollywood, harap ng theater ng Lion King, Phantom of the Opera, Les Miserables at kahit na yung pangit na broadway show na Lestat (based dun sa book ni Anne Rice). Sobrang dami ng tao, sobrang init at sobrang DAMI ng Pinoy na nakasalubong ko. I decided to have lunch sa Applebee's, medyo mukha lang ako tanga kase mag isa ako, mga puti, mga "pusit" halos lahat ng makita ko. Kakaorder ko pa lang, may narinig na akong pinoy, very distinct kase and english accent natin. Ningitian ko sila na parang long lost relatives ko. Taga Davao daw sila and of course inimbita nila ako sa table nila. Sa loob ng halos isang oras at kalahati, naikwento ko na ang buhay ko pati ang love life plus binigyan ko sila ng directions paano pumunta sa mga tourist spots (isinulat ko kung anong Train ang sasakyan, anong avenue, at kung east o west (nadiskubre ko na kung paano i- distinguish ang dalawa). Time to say good bye dahil kailangan na akong bumalik sa grand central at may utos si Marcello na bilin ko sa loob ng station. Sa isang sulok ng 6 train pauwi sa Bronx, halos napaiyak ako sa pagka- homesick sa Pilipinas. Gusto kong umuwi na ewan. Nakakainis na nakakaiyak. Kaya ngayon nilista ko na lang ang mga bagay/ tao/ pook :)/ actividad sa ating bansa :) na sobrang miss ko
1. Piolo Pascual (forever papa ko:).... ano bang update sa kanya?
2. Jollibee (chicken joy)
3. Balut
4. Pulang itlog (meron dito kaya lang di red ang color ng shell kaya di ako bumibili)
5. MEGAMALL A and B
6. Rockwell
7. Traffic (honestly kase dito traffic na yung maghintay sila ng 3 minutes while on the road)
8. Baguio (Kennon Road, yung Lion na minsan Mukhang Monkey)