Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Blog - Latest Entries
<< < | 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 | > >>
Ang New York ay Isang Isla > Empire State Observation
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Oct.01.2006 @ 11:25 pm

Bumisita ang best friend kong si Pina at close friend na si Ate Aleth. Perfect ang timing dahil three days weekend because of the observation of Yom Kippur. Ito ang masarap sa New York, lahat ng cultural holidays, wala kaming pasok sa school para walang discrimination. Pasalamat talaga ako sa mga African Americans dahil sila ang may pinakamaraming holidays.

Balik tayo sa pagbisita ng aking mga friends from Maryland. It is surely a breather from a month (compared to three months) of teaching special ed students. As expected, shopping galore starting from Chinatown and the mega millions of picture taking. Fifth Avenue, Chinatown and Times Square ang naging background namin. It was perfect since we have an official photographer, Marcello who made us look so slim in the pics. My readers will see them soon on this site and on my friendster page.Natatawa lang ako dahil lamig na lamig na ang dalawa kong friends samantalang ako ay naiinitan pa. It is the autumn breeze pero malamang mas matanda lang sila sa akin (Pina ang Ate Aleth, huwag niyo ako kulamin ha). It was 1: 00 in the morning that we went home to my apartment. Wala pang 5 minuto, bagsak na at naghihilik na ang mga bisita ko.

This morning, we decided to go to the Empire State Building Observatory. It is my first time since busy ako lagi at hindi masaya kung mag- isa lang akong magview ng buildings at si Mareng Liberty. Exception na lang siguro kung may usapan kami ni Brad Pitt na hihintayin niya ako sa tuktok ng building at live happily ever after kami. Reality check, kasama ko ang friends ko na pumila to go up the Empire State Building ala King Kong. ANG KASO CLOUDY AND RAINY ANG WEATHER today. Zero visibility so wala talagang makita from the top. But this did not stop us from taking pictures kahit mukha akong engot na mega hawak ng baligtad na payong at mega click ng camera para kunan si Pina at Ate Aleth na katabi ang mga keychains at posters ng ESB.

Pagkababa namin, malungkot si Pina dahil puro ulap ang background ng pictorial niya. We opted to have brunch in a deli. Walang katapusang kwentuhan about work, love life, tsismis (siyempre!) at yung mga yumabang na kasama namin dahil ang sweldo ay in $ na. Pagkatapos namin kumain, BIGLANG NAGING SUNNY at parang summer. Si Lord talaga, sarap kaming "pinagtritripan." Gusto pa sana bumalik ni Pina sa ESB pero kinaldkad namin siya para pumunta na lang sa Macy's.

Tapos bigla na naman naging cloudy. Sanay na ako dahil ang New York ay mabilis magpalit ng kahit na ano. Nakakainis lang pag gusto mo ng personal fashion spread. Hinatid namin sila sa Chinatown ulit. Naiiyak ako dahil miss na miss ko na naman ang mga friends ko.

Habang sinusulat ko ito, naisip ko na ang Empire State Building ay symbol ng aming paghihintay, pagsasakripisyo at pagpapadala ng pera at pagtratrabaho to the buto. Kapag nasa tuktok ka, hindi pala ibig sabihin na bed of sampaguita na lagi. May mga araw na parang wala ng hope dahil walang makita, homesick dahil sa pag- iisa at mga mas malaking problema dulot ng pagasa ng mga naiwan sa Pilipinas.

Nagpapasalamat ako na umakyat ako sa ESBO, naging paalala ito na malayo at mataas pa ang aking paglalakbay. Tuwing mahihirapan na naman ako, titingnan ko na lang ang keychain na binili ko at babalikan ko ang Linggo na pumasyal kami ni Pina at Ate Aleth sa ESB, nabadtrip dahil cloudy pero pagkaraan ng isang oras, lumabas na ang araw. Sa palagay ko, ganito ang buhay natin, minsan maaraw, maulan, mabagyo, snowy, windy (na ayaw na ayaw ko dahil nasisra ang mga pula kong payong) at maulap. Depende na lang sa iyo kung paano mo ito "we- weatherin."

Ang New York ay Isang Isla > Pilipinas at Ang Malaking Mansanas
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Sep.27.2006 @ 11:46 pm | Lasted edited: Sep.27.2006 @ 11:25 pm

Ang Pilipinas ay may pinakamasarap na Fishball

Ang New York ay may pinakasarap na cheesecake

 

Ang Pilipinas ay puno na sikat na loveteams ......laos pagkaraan ng 1 taon

Ang New York ay puno ng sikat na mga artista na nang- aagaw ng asawa pero hindi nalalaos

 

Ang Pilipinas kapag may baha ay hanggang ulo, swimming pa at de bangka

Ang New York kapag may baha, may storm alert na, kapag nabasa na ang buong paa

 

Ang Pilipinas ay maraming dakilang nakadilaw na street sweepers

Ang New York ay may sweeper machine on the street, laking vaccum ba?

 

Ang Pilipinas ay may mga magagalang na bata pa, nagiging brat kapag high school na

Ang New York ay may 1, 2, 3 years old brats na, killers by age 13

 

Ang Pilipinas ay may sangkatutak na tax, pero napupunta sa bulsa ng mga "Lacoste"

Ang New York ay may pinakamataas na tax, naibubulsa ng iba pero may resulta naman

 

Ang Pilipinas ay maraming mga usisero at usisera, tsismisers

Ang New York ay walang pakialam, catatonic at apathetic

 

Ang Pilipinas ay may magagandang damit, galing sa Baclaran o Divisoria

Ang New York ay may designer clothes, karamihan ay di masuot dahil mukhang foil

 

Ang Pilipinas ay may magulong gobyerno

Ang New York ay magulo din pero tago

 

Ang Pilipinas ay maraming snatchers at scambags

Ang New York ay maraming gangsters at scambags....gamit ang pangalan ng Diyos

 

Ang Pilipinas ay madumi, polluted at unhygienic

Ang New York, NY ay malinis, ang Bronx ay sobrang dumi

 

Ang Pilipinas ay may tatlong season, tag- ulan, tag- araw at botohan

Ang New York ay may limang season, winter, spring, summer, fall and botohan

 

Ang Pilipinas ay maraming naghihikahos at naghihirap na citizens

Ang New York ay maraming illegal na immigrants, nagtatago lamang

 

Ang Pilipinas ay maraming college graduates na walang trabaho

Ang New York ay maraming high school graduates na may trabaho

..........................karamihan sa McDo, Wendys habang nag- iipon for college, scholarship at naghihintay ng awa ng kanilang magulang na sustentuhan sila after 18 years old.......................

 

Ang Pilipinas ay maka- pamilya, buong subdivision ay magkaka- maganak

Ang New York ay may pamilya, amo- pusa, amo- aso, amo- ahas

 

Ang Pilipinas ay may mga taong palatawa kaya sila bumabagal sa paglakad

Ang New York ay walang taong tumatawa, lahat ay triathletes

 

Ang Pilipinas ay nami- miss ko at mahal na mahal ko pa rin

Ang New York ay mahal ko dahil sa pera, pera, dolyar

........... sabihin niyo ng mukhang pera ako, pang- tulong sa pamilya kaya rin ako nandito...........

at dahil na rin sa 5 for $25 na Victoria's Secret na panties every month.

 

Magandang Gabi

Ang New York ay Isang Isla > Papeles...papeles...papeles
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Sep.25.2006 @ 10:56 pm

 Nabanggit ko sa (hinihintay ko pa ang sagot ng publishing co) na libro ko, importante ang mga papeles. Ililista ko ang mga dapat na meron ka at dapat mong makuha bago ka makalangoy palabas ng bansa. Malamang sabihin niyo na hindi na ako maka- pinoy pero hindi rin ako hipokrita, alam ko na ang hirap sa bansa natin. kaya libo libong tao ang naga- apply abroad. Habang hinihintay natin na maging maayos ang ating gobyerno, ihanda ang mga sumusunod:

1. Diploma - yung tunay at hindi yung pinagawa sa Recto. Hindi na natin magogoyo ang mga prospective empoyers dahil may ways sila of checking. Tama na ang pekean, utang na loob. Isang pinoy na nagpapanggap na graduate ng Ateneo, kapag nabisto ay matataguriang representative din ng 1000 pinoy. Huwag mo naman nakawin ang pagkakataon ng iba nating kababayan.

2. Original and Certified copies of Transcript of Records- again, huwag pekein!

3. NBI clearance (required ito kapag andyan pa sa Pinas), dito fingerprinting clearance. So kung manginginom ka, iwasang makipag basag- ulo muna.

4. NSO certified Birth certificates- dito ako nahirapan dahil nung dekada 70, eh uso pa pala ang baby girl at baby boy family name ang inilalagay sa birth certificate. Hello???!!! ang dami kayang pinanganak na girl at boy nung taong 197_____ (hulaan niyo nalang) Basta ngayon ay stick to 24 years old ako (hahahahaha, palakpak naman diyan) Kailangan ko pa na halukayin ang aking baptismal certifcate para ipatunay na ako ay may pangalan. Lucy Torres Gomez este Hazel Bernardo Toquero.

5. Copies of workshops/ seminars that you attended. The more, the better! Pandagdag din ng sweldo ito lalo na kung bigatin ang binigyan mo ng stellar attendance.

6. Original letters of EMPLOYMENT from all past employers. Advise lang kahit yung tutorial, kumuha ng letter because they take these into consideration in determining your salary. Always keep photocopies of them.

7. Passport- kahit hindi ka pa nabibigyan ng linaw, kumuha na. Do not wait until the last minute.

Sana ay nakatulong ang mga inilista ko at ang pinakamahalahng aral na tatandaan niyo ay , huwag maging burara! Ilagay lahat sa waterproof na envelope. So when the prospective employer asks to look at these papers, hindi mo na tatawagin si Batman o si Lionel (from Thundercats) para ihatid sa kamay mo. Bonus point ang EVER READY.

 

Magandang Gabi.

Ang New York ay Isang Isla > Katuloy ng Libro
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Sep.23.2006 @ 11:32 pm

Tapos na ang librong "Ang New York ay Isang Isla." Sana ay magustuhan ito ng publisher. Ang hirap pala maghintay ng 2 buwan para sa sagot. Kung ayaw nila, may publisher B, C and D. Basta promise ko ay mababasa niyo ang buong libro. Kahit ibenta pa ito sa sidewalk ng Quiapo.

Binasa ko ulit ang mga kapitulo. Ganito yata ang sakit ng mga manunulat. Never kaming makuntento sa aming obra maestra. Naisip ko marami pang paksa ang pwede kong masulat tungkol sa New York. Dahil nagsimula na naman akong magturo, napili ko ang topic ng poverty sa New York.

Kapag New York kase, Manhattan skyscrapers at Empire State building ang pumapasok sa kokote natin. Mali pala dahil ang daming mahihirap na Nyorkers. Hindi kaseng dami ng nanlilimos sa atin pero significant pa rin ang number nila. Kabilang na dito ang pamilya ng aking mga estudyante. Ang New York State ay may programs for unemployed people. shelter homes and welfare funds. Courtesy ito ng sobrang taas na tax na kinakaltas sa amin. Okey lang, nakakatulong din.

Poverty is everywhere kahit sa mga "glamorous" countries tulad ng US of A. Marami ang nawalan ng trabaho mula nung 911. Thank you Bush at ipinunta niya lahat ng funds para sa war.

Paano makakatulong sa mga students na living in poor conditions as a teacher. Simple, kailangan hindi ka maging kuripot at masaya kang nagbibigay.

1. Snacks. snacks. snacks. Puno ang dalawa kong boxes ng snacks para sa klase ko. Ang bilis nilang magutom. Hindi ko sila masisi, growing sila at walang halos makain sa bahay. Minsan, isang bata ang humingi pa ng extra para maiuwi sa nanay niya.

2. Recycle. Maraming funds ang NYCBOE. Ang ginagawa ko,  inaayos ko ang closet ko at humahanap ng supplies tulad ng notebook o book bag para hindi na bumili ang mga magulang. Wala naman na silang pambili. Graduate na ang anak nila bago pa nila mabili ang 6 na notebook at 9 na folder.

3. I celebrate lahat ng okasyon tulad ng bday, christmas, Yom Kippur, Halloween, Ramadan dahil pagkakataon ito para sa "small parties" Kaming mga teachers ay may tradisyon na ginagawa para kasali ang lahat ng culture and race, walang nali- leave out.

4. May mga organizations online na nagdo- donate para sa "at risk" schools tulad ng sa akin. Mag email lamang sa kanila at within one month, may supply na ng toothbrush. toothpaste, book covers, notebooks at iba pang school supplies. Isang picture lang ang hinihingi nila, hawak hawak dapat ng mga bata ang mga donated items nila.

 

Ilan lamang ito sa mga paraan upang makatulong sa mga estudyante hirap. Sana ang bayan natin ay may programa para sa halos lahat ng Pilipinong naghihirap. Sa mga bumasa nito, magpasalamat ka dahil may 10 notebooks ka nung grade 6 ka at may bagong pokemon na bag.

 

Random Thoughts > Tatlong Masamang Panaginip
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Sep.23.2006 @ 10:43 pm

Tatlong masamang panaginip

Ang dumapo sa akin

Nagising akong nagpapawis

Kinakabahan na parang Usa

Na babarilin at gagawing tapa

 

Masyadong bang madugo?

Ngayon na isinusulat ko na

Hindi naman nakamamatay

O nakakaalarma, nakakainis

Dahil sunod sunod sila

 

Tatlong panaginip na ang karakter

Ay ang aking dating karelasyon

Ngii! Pati ako ay kininkilabutan

History na, nakalimutan ko na

Pati birthday niya

 

Sa una kong panaginip

Bumisita siya rito sa New York

Pinasyal ko siya at kumain

Sa Cold Stone ng Mint ice cream

As usual, ako pa rin ang gumastos

 

Pangalawang panaginip

Ako naman ang umuwi sa Pinas

Speaker daw ako pero sa entablado

Nakita ko siya at ang babaeng pinalit sa akin

Pagkaraan ng dalawang linggo

 

Pangatlong panaginip, magkasama kami

Parang nung dati, araw araw

Nakakasuka, nakakainis

Nagising ako dahil binabangungot ako

Talagang nakakaasar

 

Ito ang unang pagkakataon

Na sumulat ako tungkol

Sa mga relasyon ko, okey sa una

Pumapalpak sa huli, nagkasawaan

Ganito talaga dahil immature pa kami

 

Pero sa kanya ako naghikahos

Parang may pumalo sa ulo ko

At namatay lahat ng brain cells ko

Pinili ko siya, sa lahat ng bagay at tao

Minahal nang higit sa sarili ko

 

Aaminin kong cute ako pero nung naging kami

Naging pangit ako talaga, naging balyena

Wala na kase akong pakialam sa iba

Sa kanya lang umikot mundo ko

Lahat ako nagdesisyon, para sa kanya

 

Ang daming nagsabi, hindi siya

Marami pa, "You deserve someone better"

Hindi umubra, believe pa rin ako

Na magbabago, maa- appreciate niya rin

Ang mga sakripisyo ko, ang utak at puso ko

 

Pero wala epek, ayun hanggang sa huli

Wala siyang sinabi kahit bastusin na ako

Ng mismong pamilya niya

Trabahador lang ako, suwelduhan

At hindi galing sa mayaman ng pamilya

 

May isa ring bagay na wala akong laban

Kahit na ano pang gawin kong bantay

Ayun nahihila pa rin siya

Pati ako nahila, nakisakay

Nawalan na rin ako ng bilib sa sarili

 

Nakakahiya pero nag- apply ako

Papuntang New York dahil sa kanya

Para mas maging maganda ang buhay

Malayo sa lahat, magsimula ulit

Baka magbago siya

 

Pero tinawanan niya lang ako

Bigla na lang ako nagising

Iniwanan ko siya, suicide para sa akin

Hindi ko tinapos thesis niya, bullshit!

Bahala na siya sa buhay niya!

 

Ang hirap, ilang linggo rin akong umiyak

Na- depressed at nagkulong sa kuwarto

Nilunok ko rin ang pride ko

At bumalik sa bahay, walang job

Palamunin ulit, heart broken pa

 

Nabalitaan ko na lang mula sa isang tsismosa

na may kapalit na ako, wala ako masabi

Ang bilis! Parang pag- nguya ng candy

Para akong ipinako sa krus patawarik

Tapos na, wala na talaga

 

Leche! Ano pang gagawin ko?

Hanapin ang dating barkada

Gimik kaliwa at kanan

Nakatulong, kahit paano

Nakalimutan ko, na tanga ako

 

Gimik hanggang umaga

Kasama si Pina at si Dale

Sinabi nilang, magpaganda ka ulit

Men are commodity, cheap as always

Ayun, we painted the town red

 

Nagkaroon ulit ako ng self confidence

Luminaw ulit ang mukha ko

Sa mga facial at pagpunta sa spa

Courtesy of my parents

Gimik to my heart's content

 

Nang natapos ko ang graduate degree ko

Inisip ko malaking sampal ito sa kanya

Kala niya, nila hindi ko magagawa

Belat! May medal pa ako

May worth ulit ako, hindi na papaloko

 

Habang kumakain sa Jollibee

Biglang binigkas ng Nanay ko

Ang mga salitang hindi ko malilimutan

"Patawarin mo na siya, anak"

"Mahirap na umalis ka na may galit pa sa puso mo"

"Makipagkita ka at umalis kang may peace"

Wow! Si Mommy talaga, na addict kay Claudine

 

Nakita ko siya, natawa na lamang ako

Hindi pa rin siya pumuti

May kirot pa rin, lumuha ako

Kaunti ng sinabi ko na "gago ka"

Pagkatapos noon, wala na

 

"Sorry" Sabi niya, sa lahat lahat

Okey lang, sabay yosi, parang bato siya

Nakakatawa dahil ako pa rin nagbayad

Sige na bye na, gimik pa ako

at makikipagkita pa ako kay......

 

"Iba ka na Hazel, pati pananaw mo"

Yup! nag- iba dahil sa iyo

"THANK YOU"

Lintik! Nanggaling sa iyo

98% ng life lessons ko

 

Ngayon, isang footnote na lang siya

Sa mga kapitulo ng buhay ko

Minsan naaalala ko pero halakhak na lang

Kasama ko isang Nyorker

Sobrang bait at nililibre ako

 

Hindi nakakalimutan ang bday ko

Alam ang paboritong kulay, paboriting CD

Binibili ang mga laruan na hindi ko natikman

Pinapasyal at binibitbit ang shopping bags ko

At higit sa lahat, alam niyang magbasa

 

Ano ang koneksyon nito sa talong panaginip?

Wala na meron, meron na wala

Ayaw ko lang na maging kasali pa siya

Sa plot ng dreams ko, pangit na nightmare ito

Tapos na, The End, Fin

 

Masaya na ako ngayon

Hindi man magkatuluyan

Okey lang, magkaibigan pa rin

May respeto kase, walang gaguhan

Dahil sa kasama ko, nagkaroon ako

ng lakas ng loob sumulat ulit

Magpahaba ng hair at mag- pilates

 

.......Hindi pala mali na maging requirement mo sa relasyon na siguradong mahal ka ng partner mo.......at hindi ka tatawanan kung may idea ka for an invention, song, dance, bagong kulay ng itlog at iba pa. Sana ma- inspire lahat ng mga babaeng na nasa relasyong walang patutunguhan. Hindi pa huli ang lahat, hindi lang siya ang lalake sa mundo. Tama na ang martyr syndrome, ipagpapalit ka pa rin niya in a blink of an eye.

 

Ang New York ay Isang Isla > Ang Pagong at ang Kuneho sa Big Apple
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Sep.21.2006 @ 10:24 pm

Talong linggo palang  ang nakakaraan ng aking pagtuturo pero ang pakiramdam ko ay sampung taon na ako sa aking klase. !2:1:1 ang type ng aking classroom, ibig sabihin ay 12 children (multiplied by 30, depending on the disability) and 1 teacher (cute na ako) at 1 instructional paraprofessional (suwerte ako dahil hindi tamad ang nakuha ko). Mahirap dahil Kindergarten sila. Gusto ko nang tumalon sa Brooklyn Bridge dahil ang shape at color ay parehong konsepto sa kanila. Lahat ng bagay ay circle at blue. Hindi ko alam kung  ginogoyo ako o talagang "zero balance" sila. Mataas siguro ang aking expectations. Alam ito ng aking mga estudyante sa Pilipinas. Kung alam kong kaya nila, binibigyan ko sila ng 2 levels up pa. Walang excuse dahil normal sila. Ang 12 kong estudyante ay mga "cute". May sobrang lambing na pinagpupunasan na ako ng sipon, may sobrang hiya na namumula tuwing binabati ko, may "little devil" dahil malutong akong minumura at isa na walang tigil ang tanong. Mula sa "bakit bilog ang araw, bakit siya girl hanggang sa bakit pink ang aking nail polish?" Nakakaloka pero pinagmamalaki ko na sa ganitong usapan, tinitigil ko ang lahat para lamang sagutin sa abot ng aking makakaya. Katwiran ko ay baka mali pa at kamanyakan ang ibigay na sagot ng mga magulang nila. Ang iba ko naman estudyante ang may ADD, ADHD at PDD. Kahit ano pa ang disability nila, pareho lang sila sa kin. HUWAG NA HUWAG AKONG LILINGAP dahil kapag pumikit ako, nakabitin na sa bintana ang isa at yung dalawa ay ginagawang candy ang crayola ko. Mahirap at nakakapagod. Pag- uwi ko, para akong lantang okra na namamaos. Ilang bag na rin nga Halls menthol ang naubos ko para makapagsalita pa ako. Bukod pa rito, dinagdagan pa ng NYCBOE ang aming paperwork na sa akin lang walang kakwenta kwenta dahil hindi "appropriate" sa aking klase. Assessment kuno, pwede mo ba naman pagbasahin (running record) ang isang bata na may Down Syndrome o Dyslexia na dahil sa frustration ay kumakain na lang ng tissue paper. May background ako sa Psychology. Hindi ako sang- ayon dahil unfair ito sa kanila. Bakit walang test for improvement of attention span o dercrease ofd self injurious behavior/ cursing at pagtapon ng upuan sa silya? Sa aking paniniwala, mahalagang i- assess ito dahil lalaki ang mga batang ito at kapag walang intervention, asawa naman nila ang kanilang iha- harakiri. Iniisip ko kung mag- aabsent ako bukas tutal marami pa naman akong sick days. Hindi naman ako sick "sick and tired "lang dahil hindi ako umuupo mula 8 am hanggang 3 pm. Lunchtime ko ay kumakain ako habang nag aayos ng "production setting" para sa Math Workshop. Dapat maraming gimik, maraming prizes at siyempre maraming pambobola ko para lang makuha ko ang attention nila. Kabibigay sa aking ng isang folder ng "reading assessment." Sinaksak ko sa dulo ng aking drawer at hindi ko na tiningnan. Kesehedo pang wala silang record. Ibang record ang gagawin ko. BASIC FOUNDATION tulad ng pagkain nang hindi parang aso, ang magzipper ng sariling pantalon at paglinis ng sariling table pagkatapos kumain. Higit sa lahat ang mapaupo ng 15 minutes at matapos ang isang task nga walang murahan at hilahan between me and him/ her. Kapag naisakatuparan ko na ang aking mithiin, saka ko na sila turuan ng pre- reading, pre- math at pre- writing skills. Alam ko na ang capacity nila, alam ko kung hanggang saan at kung ano pa ang pwede nilang magawa. Sa Hunyo, bago sila grumaduate, kailangang pasahan nila ang aking "exam." Simple lang ang aking exam. Self control at Bilib sa Sarili na kaya nila kung magpupursigi sila.

Bakit Ang Pagong at ang Kuneho sa Big Apple ang titulo? Hindi ko alam, pantawag pansin lamang at kuneho ako dahil magmamadali na naman ako bukas at pagong para sa king mga estudyante. Okey lang, mabagal at mahirap sa simula. Pagkatapos siguro ng pasko, alam na nilang bigkasin ang aking pangalan....Ms.T at hindi T,P,Ch.

Random Thoughts > My New York Love Story
1 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Sep.20.2006 @ 9:59 pm | Lasted edited: Sep.20.2006 @ 9:45 pm

I fell in love with New York

I adore its sights, its rush feelings

I worship every hurried step it makes

And I let myself swirl in its swift winds

 

New York made me feel strong

Independent and responsible

It made me tough, a fighter

When needed, a gangster

 

I fell in love with its fast pace

A New York minute drives me

To work hard, to earn, to spend

Then to try to save at least

At times it makes me crazy

Stressing and wanting to leave

 

But like in a co- dependent relationship

I could never let go, I can never thrive

I tried to, other states for visits

After three days, I am already bored

Missed New York in a heartbeat

 

I love New York's comfort zone

For I can talk what I want to talk about

Buy grocery in my PJs, sing while walking

Laugh loud like a clown, run like a hare

Chat like a parrot and curse like a pirate

 

My heart belongs to New York

It inspired me to write a book

It molded me, as I may say

A better person, a wiser one

 

Years from now, wrinkles on my face

I will look at my photographs

Within the Big Apple,

Myself in a rat race

that is still running its course

I will breathe in the memories

Of the City that never sleeps

But never will fail to awaken 

My tired and old soul

 

I am in love with a Nyorker..........

.................................... now that's a different love story. It started with a bubble gum at the door.

Someday I may write about my first NY love or it maybe the last.............................................

I am just looking at the ring..............just looking forward to what is yet to come........................

Random Thoughts > Tapos na ang Libro
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Sep.19.2006 @ 11:39 pm

Tapos na ang librong

"Ang New York ay Isang Isla"

Isang daan at sampung beses na tsinek

edited, revised at ABC check

Sobrang titig sa computer

Puso ko ay kabado

Okey na ba,  pasado na ba

Bebenta ba o gagawing pamabalot ng tinapa?

Email ng interesadong Publisher

"Send Manuscript with Table of Contents"

Idagdag ang short autobiography

Nobela ang aking buhay

hindi pa ako nakakapagsuot ng Bikini

So hindi ko pa maisusulat ang aking talambuhay

"Hazel, utang na loob!

Huwag maging OC, sakyan mo na

Gumawa ng maikling bio, tapos konting drama

Lagyan ng picture na mukhang tao ka"

Ang sabi ng boses inside my kokote

Print, print two set of copies

Nilagay sa Global Priority Mail

Ipapadala ko ba?

Eto na naman ako

As usual, in the end ang Nerbyos!

Takot at Pangamba

Ewan ko, hindi ko sigurado

Nakalagay sa Bag ko

Dadaan ako sa Post office bago pumasok sa school

Pag- iisipan ko pa, ano ba talaga?

Naiiyak na ako, tama ba ito?

Tapos na ang libro, subukan ko

Malay mo, baka may magbasa rin nito

Baka matawa ang head ng kompanya (sana)

Hintay, hintay, hintay

Sige bukas, ihuhulog ko na

sa basurahan o sa mailbox?

Tulungan niyo naman ako!

Ang New York ay Isang Isla > US EMBASSY SA Roxas Boulevard
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Sep.19.2006 @ 10:56 pm

Hindi ko na masyadong alam ang "bagong" proseso sa US Embassy sa atin. Isang kasiguraduhan lang ang aking alam, daan- daang Filipino ang pumipila araw araw na nagnanais, nagno- novena, nangangako na hindi na iinom ng SMB at nagdadasal nang puspusan upang makakahuha ng Visa. Naranasan ko ito at alam ko ang pakiramdam ng isang "pig" na hindi alam ang tadhana kung itutuhog, babarilin na parang usa dahil na- deny o gagawing pato sa kakabalik sa embassy.

Pasalamat nang kaunti sa aking agency dahil maayos na naipasa sa consul sa embassy ang aking H1B petition papers at iba pang importanteng papeles. Ang tanging sinabi lang sa akin na dalhin ay ang aking Diploma at transcript of records for verification lamang. Number 342 ako noon at kahit aircon, ang kilikili ko ay namamawis. Mag- isa akong pumunta sa embassy dahil hindi ako nakasali sa "group" ng agency dahil sa conflict sa schedule. Biglang nagflash ang aking numero at dali dali akong humarap sa bintana ni Zeus aka ang Consul. Good morning Ma'am at biglang smile na parang Care Bear. Accommodating naman ang puting consul at saglit lang niyang tiningnan ang aking papel, nakita na NYCBOE ang petitioner at tiningnan lang ulit ang aking diploma. Bago niya tinatakan ang puting papel na approved na ang aking Visa, tinanong niya ako kung ano ang difference ng PDD at autism. Bait talaga ni Lord dahil and thesis ko sa graduate program ay tungkol sa Autism. Para akong kandidata sa Ms. World 1960 at taas noo kong sinagot (fully detailed with matching similarities, major differences and symptoms). Pagkatapos ng aking litanya, nakatingin lamang ang consul at tumango na sinabing "Oh, so you are going to work as a teacher in New York. Well Good Luck!" Sabay bigay ng puting papel na magbabago ng buhay ko.

Ngunit ang kasayahan ko ay hindi buo dahil ang dami kong nakitang Pinoy na nakayuko, naiiyak, nagmamakaawa sa iba pang consul. Ganito na ba kahirap ang bayan upang maging para tayong mga "aso" na humihingi ng buto sa ibang lahi? (drama ba?) Ang napansin ko lamang kapag puti ang consul at mabilis kang sumagot, almost 98% visa approved ka. Pero kapag ang consul ay ibang lahi tulad ng African American, Indian, Korean at iba pa, napansin kong in "bulk"silang mag turn down ng visa. siguro ay 2 out 30 lang ang kanilang approval. Tanungin niyo ang ang mga applicants na seaman, katotohanan ito. Hindi ito theory, hypothesis ko lamang. Malamang dahil hindi masyado magkaintindihan sa Ingles, iba iba ang outcome ng Q and A's plus of course, "inggit" din. Witness ako dahil dito na lamang sa New York, "inggitan" na ang nagaganap.

Ang sumusunod na impormasyon ay hindi konektado sa paksa pero feel ko lang na malaman ninyo.Nag meeting kami sa school at ni- report ng Principal ang test scores ng mga estudyante. Statistically speaking, power point pa ang presentation (in pie form). Halos mahulog ako sa upuan sa kakatawa at gusto kong bumelat dahil:

The results of the State tests reveal that African Americans have the lowest scores, sumunod and Hispanics, sumunod ang mga Puti (dwindling na kase ang number nila). AT ANG HIGHEST SCORERS AND PASSERS AY............... ASIANS. (hmmmmm, Philipines; Asia.... Asian ako, so smart ako, smart ang mga batang Pinoy sa NY, hehehehehe)

Balik tayo sa paksa, ito ang mga suggestion ko upang maghanda sa interview sa embassy.

1. Magnovena sa Baclaran o paliguan si Buddha upang "okey:" ang consul mo at hindi nagme- menopause.

2. Aside from the original copies, carry photocopies in case humingi pa sila.

3. Basahin ang petition papers para alam mo kung sino ang Petitioner/ Employer mo plus the state you are going to.

4. Kapag tinanong kung ano ang job mo, siyempre tell the truth. Short but concise.

5. Ngiti hanggang langit ang gawin mo.

6. Ngiti pa rin kahit pababalikin ka dahil may kulang ka pang papeles (at least may hope pa)

7. Alisto!

8. Thank you sa umpisa, gitna at ending ng interview. (huwag lang obvious na flattery)

9. Organize your papers, Huwag naman yung parang hinugot mo lang sa back pocket mo.

10. Pray, pray, pray......... hindi ako aktibong Kristiyano pero humingi talaga ako ng help kay J.C. Sabi ko, gusto ko ng mas maginhawang buhay para na rin sa mga magulang ko, lola at auntie, mga kaibigan, simba (ang aking aso) at si beauty (dalmatian ng Nanay ko). Hindi ito para sa akin... Pero Jesus Christ, gusto ko talagang makita ang Statue ng Liberty. Sinagot naman niya ang dasal ko.

 

 

Ang New York ay Isang Isla > Tests, Tests and Phony Tests
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Sep.17.2006 @ 10:07 pm

The following are just my opinions and not a conclusion on agencies. I myself was able to get here through an agency which I opted not to mention. All my transactions with them ended the moment I stepped out of the plane. Wala akong utang na loob since I paid all fees for everything, relevant or not even relevant (which I realized were not even recognized here). So much for that and for my dear readers who send me emails about their horrifying experiences with agencies, please read the following warnings I am giving you. It is so f.....ing frustrating and sad that people take advantage of Filipinos just because we are living in a third world country and we dream of a better life.

1. Some agencies will "require" you to take 10 "exams" which they claim will help you get here. False. There are only 3 legitimate exams required here. 4 for special education teachers. Send me a message if you want to know them as well as of those for Virginia, Florida and Maryland.

2. They will tell you that their "workshops" are equivalent to credits for salary differential. Not True! It was never for me. Completely useless.

3. They will require you to take "mock/ pre-  interviews". Please do not be dumb. Practice ka na lang in front of the mirror. Employers are not GODS, humans sila and mali mali rin ang grammar.

4. They will say they have your trancripts evaluated. Yes ito ay totoo, isang mama na nagtatabako at naka sando sa may Recto.

...... Kung may mag react sa mga sinulat ko, ibig sabihin ay may GUILTY! Huwag niyo namang ubusin ang dugo ng mga Pinoy, ginatasan niyo na sila, patuloy pa rin ang "milking."......

 

Payong Kapatid, gaya ng sinabi ko, make sure na legal ang agency niyo at RESEARCH on the official tests required in every State. Do not rely on what "everyone" says there.

 

Magandang Gabi.

 

 

 

 

<< < | 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 | > >>
Entries 121 to 130 of 182

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org