Ang New York ay Isang Isla
Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Ang New York ay Isang Isla
Apartment 102
Comments from Visitors
Filteany Vlogs on YouTube
Instruction for Site Visitors
Must Read for Filipinos
New York is An Island
Poems
Proud to be Pinoy!
Random Thoughts
Teaching Experiences
YouTube Pinoy Friends' Messages
My Photos
Florida Escapade
Hazel - Filipina Teacher In New York
New York Spots
Members
Sign In

Blog - Latest Entries
<< < | 1 2 3 4 5 6 7 | > >>
Ang New York ay Isang Isla > Isang Click Para sa Halo Halo Espesyal Pilipino
40 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.16.2007 @ 7:44 pm

Ako ay Filipino.

Purong purong lahi mula sa aking kulay hanggang sa aking ilong. Pilipino ang aking wika na aking kinagisnan, Ang wika ko ay nahati sa dalawa; tagalog at ilokano. Magaling akong magsalita ng tagalog pero kaunting salita sa ilokano ang aking naiintindihan. Sisihin niyo ang aking nanay na ipinagbadya na matuto akong magsalita ng wika ng aking tatay. Ang paniniwala niya ay tulad ng mga Filipino noon, kanya kanyang probinsiya ata para raw hindi tumigas ang aking dila. Noong nagkaroon ako ng trabaho sa Norte ng Luzon, gusto kong sakalin ang dakila kong ina sapagkat nagmukha akong tanga sapagkat hindi ko alam ang makipag- usap sa aking mga estudyante at katrabaho. Ang katwiran ko na lamang ay magaling naman akong magsalita ng ingles. Kayang kayang ko pang gayahin ang mga twang at accent. Ito na ang naging agimat ko, ang pag- bukod ko gamit ang wikang hindi naman sa akin. Naging mangmang ako sa sarili kong bayan. Mali naman ang aking ipinagmamalaki.

Ako ay Filipino.

Isang estranghero sa isang bansang may libo libong wika. Araw araw ay gamit ko ang wikang ingles upang makapagturo sa klase, makapagreklamo kapag nilalait sa trabaho at mag- ingay kapag ginigitgit sa tren. Ang aking dila ay hasang hasa na ngunit uhaw na uhaw naman ito. Ito ay matinding uhaw na puwede lamang maibsan ng pagsasalita ng wikang Pilipino. Tuwing may nasasalubong akong kapwa Filipino, titigil ako upang kamustahin siya. Sa lahat rin ng pagkakataon, ang kababayan ko ay hihinto rin upang tanungin kung ilang taon na akong naging malayo sa Pilipinas. Ang maintindihan ka nang tuluyan gamit ang wikang Pilipino ay nagdudulot sa akin ng pakiramdam ng paglapag ng eroplano sa NAIA. Nakakauwi na ako sa ating bayan kahit sandali lamang. Ang espesyal pang kaganapan ay nagkakaintindihan kahit na iba ang wika. Ilokano man o Ilonggo ay naiintindihan ko. Tanungin man ako sa kapangpangan, sasagutin ko naman sa Tagalog. Pareho kaming magpapaalam nang masaya ng aking kausap. Kasiyahan na nagbibigay lakas na naman upang kumayod ng buong linggo. Ipinagmamalaki ko ang wikang Pilipino sa iba’t ibang anyo nito.

Ako ay Filipino.

Mahilig akong magkaroon ng mga bagong kaibigan. Natuklasan ko at tuluyang ibinenta ko ang ang aking kaluluwa sa Internet. Nagkaroon ako ng pinto na madali kong buksan kung kailangan ko ng bagong impormasyon, balita na nagaganap sa ekonomiya ng bansa at siyempre ang manood ng mga nakaligtaang Pinoy telenovela sa Youtube. Higit sa lahat ay tulay ko ito upang panatiliin ang relasyon ko sa aking kapwa Filipino. Libo libong milya man ang nasa pagitan ko at ng aking mga kausap, hindi ito hadlang. Ang Internet ang aming malaking telepono na kapag sinagot mo, kalahati ng bansa ay naaalerto. Ngayon ko nauunawaan ang napakaraming posibilidad na naibibigay ng internet. Isang pangangailangan ng tao ay ang magkaroon ng boses at mapakinggan. Hindi ito maitatatwa ng sinuman. Binigyan ng kalayaan lalo na ang bagong henerasyon na dumiskubre sa mga nagaganap sa labas ng bansa. Mula sa paggamit ng world wide web, nagkaroon ng daan upang ang mga Filipino na ipahiwatig ang kanilang opinyon, adhikain at kahit na ipakita ang lakas ng loob na kumanta sa webcam kahit na boses yero. Ang mga Filipino ay parte na ng global na komunidad. Wala nang "Ilokano ka, ako Bisaya,. Hindi tayo pwede maging ka- berks." Ang Internet ang malaking suntok na tumibag sa mga partido base sa iba ibang wika ng ating bansa. Ang mga Filipino ay may lakas na ng loob na lumabas na kahon ng "kanya kanya mentality." Sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga Filipino bloggers, pruweba na ito na mas lalong lumawak ang kaalaman ang aking mga kababayan. Ang pagsusulat sa anyo ng blogging ay naging parte na ng buhay ng mga Filipino. Tayo ay isang nasyon na may malaking hangad na umunlad. Bawat isa sa atin ay mulat sa katotohanan na tayo ay may responsibiladad na maging Darna at Captain Barbel upang sumulong ang ating bansa mula sa kahirapan. Tuwing binabasa ko ang mga blogs ng aking mga kababayan, gusto kong tumambling sa tuwa. Kung puwede pa ay tatalon ako at sisisid na parang sirena dahil sa pinagmamalaki kong ako ay Pinoy.

Ako ay Filipino.

Mahigit isang taon na akong may website kung saan ako ay may blogs at vlogs. Marami akong kaibigan na New Yorkers na nagtatanong kung ano ang dahilan na pinili kong gamitin ang wikang Pilipino sa aking pagsusulat. Ang katwiran nila ay nililimitahan ko ang mga pwede kong mabiktima na mga mambabasa. Subalit matigas ang aking ulo. Ang sagot ko ay "I chose to write in my language because I want to immerse myself in a culture that I took for granted when I was in the Philippines. It is my way of redemption by reaching out to my fellowmen and being truly proud that I am a Filipino." Nagulat sila sa aking pang Ms. Universe pageant na sagot ngunit naintindihan nila. May mga isinulat ako sa wikang ingles pero mas nagkaroon ng mas malaking reaksyon ang mga mambabasa ko tuwing gamit ko ang wikang Pilipino. Sa ngayon, ang aking mga kaibigan ay patuloy na nag- aaral ng Pilipino upang maintindihan nila ang "humor" ng aking pagsusulat. Patuloy pa rin ang aking magsusulat hindi para sa dagdag na powers ng pagiging isang Overseas Filipino Worker pero mas matimbang na rason ang aking paniniwala.. Ang paniniwala ko na gamitin nang responsable ang Internet upang maiparating sa iba ko pang kababayan na ang mundo ay mabubuksan sa pamamagitan ng pagpindot sa isang daga. Sa bawat "click", ang mga ipinamanang mga wika sa atin ay nagiging parte ng mundo ng Internet. Sa madaling salita, lahat tayo ay bahagi ng buong katauhan.

 

 

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: "Maraming Wika, Matatag na Bansa"

Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p're
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

 

Filteany Vlogs on YouTube > Alisin ang Kulambo ni Filteany
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.15.2007 @ 1:09 am


Nagpahinga ako ng tatlong araw mula sa pagbutingting sa aking website. Naisip ko na ayokong dalhin sa saturation point ang aking mga mambabasa mula sa aking blogs and vlogs. Gusto ko rin naman na ma- miss niyo naman ako. Bukod sa malapit na ang bagong schoolyear na aking magiliw na sasalubungin, regular akong customer ng  ng staples para makabili ng murang school supplies. Ang pinakabago kong vlog ay hindi plinano, trip lang kumbaga at para hindi masayang ang dulo ng tape sa videocam. Bukod sa aking pagiging bungisngis, heto pa ang mga naganap sa likod ng "Man Behind the Camera of Filteany"

1. Wala na akong hiya pagdating sa vlogging (obvious ba?)
2. Mahilig akong magsabi ng "actually, basically at what do you call this?" Promise iiwasan ko na.
3. Magnet ako ng mga New Yorkers na may kakaibang trip. Hindi na namin ipinakita yung lalakeng nag- ballet hop sa harap ko.
4. Ang aking pag- irap ay effective sapagkat hindi na niya tinangkang tumawid sa harapan ko. Para siyang road runner na naglaho.
5. Iibahin na namin ang location sapagkat maraming firetrucks at ambulance ang dumadaan sa 14th street. Next weekend, sa Times Square naman kami dahil dumating na ang videolight na inorder namin.
6. Lihim na ini- edit ng aking dating ka- ibigan ko ang vlog na ito. Parang ending na naming dalawa. Ang maganda ay walang platong nabasag, tinanggap namin na parang communion.
7. Okey lang magkaibigan pa rin kami dahil project naming dalawa ang filteany. Siya pa rin ang director/editor at cameraman ko. Friends forever kami kahit ano pa ang nangyari.
8. Iniba ko na ang status ko sa friendster-mula sa in a relationship to "mabenta ulit!" Sana may bumili naman in the future.
9. Ang advice ko ay huwag puro trabaho, dapat laging may r & r para maging Crayola ang life.
10. Panoorin ang vlog na ito upang makita niyo ang ibang side(line) ni filteany.

 

Live and Love

Cut, copy and paste this url:

http://www.youtube.com/watch?v=SwQ0ILKrHT4

visit www.karitoon.com

 


 

Filteany Vlogs on YouTube > Filteany Unscripted
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.12.2007 @ 6:55 pm

 

Watch the not so candid interview of Filteany on www.youtube.com/filteany

 Watch out for the surprises on this vlog

 http://www.youtube.com/watch?v=SwQ0ILKrHT4

 

 Enjoy Viewing, rank, comment and subscribe to youtube.com/filteany

 **Check out Filteany "Bloopers Galore" too.

 Thank you so much
 Filteany


 visit www.karitoon.com

Ang New York ay Isang Isla > Filtteany Makes her Directorial Debut
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.11.2007 @ 3:14 am

 

Hello Friends
 
I spent 3 hours learning the Vegas Movie Studio/ Video Editing. This is the first video I did without supervision  my director/editor/PA/ PRO/ camera man/ manager aka my boyfriend.:)
 
Looking forward to your ranks and comments and subscriptions.
Cut, copy and paste this link to view the vlog.
 

Ang New York ay Isang Isla > Filteany TagBoard
Posted: Aug.10.2007 @ 11:56 am | Lasted edited: Aug.10.2007 @ 10:59 am

Hello Everyone

FIlteany has her personal tagboard which you can use to post your messages, promote your site and shoutouts. I strongly discourage malicious, ridiculous and obscene messages.

Enjoy Posting!

http://filteany.cbox.ws/

 

Filteany Vlogs on YouTube > Kalawakan
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.10.2007 @ 11:01 am

 

Saan sa kalawakan nakakahanap ng isususulat si filteany?

 

Hindi ako mahilig mag- star gazing o maging presidente ng fan’s club ni Piolo Pascual. Hindi ako sumasailalim sa hynopsis upang ma- open ang aking ika-8 mata at hindi rin kinakailangang sumusob sa dagat para maki-chika kay Marina at Ariel. Simple lang akong manunulat. Walang pahinga ang aking utak sa kakaisip. Lahat na ng pwedeng isipin mula sa okey ba kung si Hillary Clinton for next US President hanggang ilang pulgada ng damit bago ko ito dalhin sa laundrymat. May mga pagkakataon din na wala akong maisulat. Ang pakiramdam ay ihalintulad sa lalaking nawalan ng bayag, babaeng hindi madilig- diligan at puro Care Bears ang naiisip ko. Hate na hate ko ang pakiramdam na ito pero swerte ako dahil panandalian lamang like premature ejaculation. Ito ang mga hindi kakaibang paksa na aking ginamit sa pagsusulat. Ang pagkakaiba lamang ay ginawa ko silang obra maestra tulad ng finger painting ng isang Pre- K na bata.

 

     

  1. Amoy ng Pinoy laban sa amoy ng ibang lahi.
  2.  

     

  3. Ang ating presidente. Enough said.
  4.  

     

  5. Economic Utopia sa Pilipinas. Ito ay ayon kay Kiko Matsing at Dora the Explorer.
  6.  

     

  7. Sex…..ng aso, pusa at yung rason kung bakit biglang liko sa motel.
  8.  

     

  9. Hirap ng mga OFW sa umpisa.
  10.  

     

  11. Patuloy na hirap pa rin ng mga OFW.
  12.  

     

  13. Bakit hindi tumatanda si Gretchen B. at bakit hindi ako ginawa ni Lord na kamukha ni Angelina?
  14.  

     

  15. College life kung saan ako ay naging model student. (Model for lateness and sarcasm)
  16.  

     

  17. Mga kapalpakan ko tulad ng pagkadapain, pagmumura kapag vlogging, wrong grammar dahil nagmamadali sa pananalita.
  18.  

     

  19. Racism (racist rin ako- kung ayaw ko, huwag ipilit! Tawagin ba naman kase akong Asian Whore! So ayaw ko rin sila.)
  20.  

     

  21. Ang ating presidente…..compared to Bush.
  22.  

     

  23. South Park- alam kong female version ako ni Cartman- katawan pa lang, fit na!
  24.  

     

  25. Kakaibang methods ng teaching lalo na pag wala kang clue tulad ko.
  26.  

     

  27. Kung tinatawanan ko ang mga kaboplakan ko, yun pa kayang bloopers ng iba? Hindi lang tawa, sinasabay ko rin dito ang pagpunas ng uhog tapos …tsismis sa website ko (medyo altered lang ang names, places pero laging the same ang ending)
  28.  

     

  29. Pagiging bitch sa mga ungas pero dapat humane sa harap ng humane na askals.
  30.  

 

 

Teka, nawalan na ako ng idea so panoorin niyo na lamang itong vlog. Sana ay mainspire o higitan niyo pa ako sa pagsusulat. Magpapahinga muna ako sa araw na ito sapagakat mala- raccoon na ang aking mga mata. Enjoy the Videos and tandaan View, Rank, Comment and Subscribe.

Click niyo rin part 2 and 3

http://www.youtube.com/watch?v=Vi7QCbPPRZE

be my friendster on www.friendster.com/filteany

visit www.karitoon.com and www.pinoycentric.com

 

 

Filteany Vlogs on YouTube > Perpendicular Mirrors
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.09.2007 @ 11:04 pm | Lasted edited: Aug.09.2007 @ 10:21 pm

 Filteany writes about everyday humor. She enjoys weaving the words that tickle the funny bone and slaps her own head with her satirical writing. Laughter does not only make her day but it drives her to accept that life can be shitty at times but all you have to do is shovel the poop out.   However, there are times that filteany likes to retreat into her shell. Like a hermit crab, she dwells in darkness. The feeling that envelops her transforms into thoughts that are again put into writing. This is another side of filteany- the hopeless nostalgic poet that she is.    

 

As He Sleeps
 
In the shadows of the pale blue light
I gazed upon his half covered face
His chest rises to my contentment
I wanted to taste his lips
Yet I stopped myself
Even in slumber, he is too beautiful

With each word I type
The curve of his relaxed smile
Kills me in a resurrecting way
I yearn for him though he is near
I desire him always
His eyes closed like an angel

He stirs in his dreams
I smiled at what I have
Behold life's greatest gift
I was lost with broken dreams
And yet he found me
I await his sweet awakening    


With Eyes Closed

With eyes closed
I see the warmth of snow
The way the fishes reach for the sky
And the birds swim to the depths of the ocean

With eyes closed
I hear the scent of your neck
The raindrops burn my skin
And the ashes bring forth life

With eyes closed
I walk under rainfalls
The cloud radiates a kaleidoscope
And your kiss leads me to the abyss

With eyes closed
I run on flames of thunder
The mist shows me the golden path
And your words shakes my coffin

With eyes closed
I hold the air in a purple bag
The door swings up and down
And your face etched in my mind

With eyes closed
I believe in blind faith
The wolves tame the does
And I wear your flaming ring    


These are some of my works that have been written under veil of my memories. You can find more of the serious side of filteany on www.editred.com/hatchzel  

 

***Flaming Ring and As He Sleeps were published in www.apoetscall.com and www.thewritingforum.net 

However, let us go back to the lighthearted  side of filteany. Click on this vlog: Keep the Faith!

http://www.youtube.com/watch?v=vKx1Ou0rbaU 

Be my friendster on www.friendster.com/filteany

Visit www.karitoon.com and www.pinoycentric.com 

Filteany Vlogs on YouTube > Insomnia Part 2
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.08.2007 @ 11:46 pm | Lasted edited: Aug.08.2007 @ 10:51 pm

 Kung ikaw ay antukin, nais kong malaman na inggit ako sa iyo. Mahirap kapag ang katawan mo ay gusto nang yakapin ang unan at magtalukbong sa ilalim ng kumot. Sa aking kaso, mahirap akong dapuan ng antok sa gabi, inaasar naman tuwing araw. Palibhasa pinanganak ako ng alas – 6 ng gabi, ang utak ko ay gumagana sa kadiliman. Hindi ibig sabihin ay dark thoughts ang laging pumapasok sa aking tuktok, may mala- Rainbow Brite ideas naman. Kung namangha kayo o napa- "anong sinasabi ni filteany sa Insomnia (Part 1) niya?" , panoorin niyo ang sequel na "Insomniac Part 2."

 

Sana ay makatulog na ako nang parang kambing. Mali, maghilik nang mahimbing.

Enjoy theVideo

http://www.youtube.com/watch?v=Q8fDNDu0phc

 

Filteany Vlogs on YouTube > Ako si Bunsoy!
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.07.2007 @ 10:11 pm

 

Ako si Bunsoy!

 

 

Tatlo kaming magkakapatid

Ito ay ayon sa aming Inay at Itay

Pero mas matalino kami

3 x 3 ay equal sa 9

Okey lang, basta walang awayan

Hati hati lamang sa apelido

 

 

Ang panganay namin ay si Kuya

Pero siya ang bumili ng una kong lipstick

Idagdag mo pa ang push up bra

Kase ahente siya ng Sara Lee noon

Siya ang aking fashion consultant

Pareho pa kaming taartits

 

 

Si Ate ang sumunod sa kanya

Hate na hate ko siya noon

Lagi na lang kaming magkapareho ng damit

Feeling ni Lola ay kambal kami

Nagmukha tuloy kaming mga cute na tiyanak!

Ngayon ay love ko siya, nanay na na kase

 

 

Ako naman si Bunsoy

Paborito ng lahat except si Mader

Laging kakampi si Kuya

Laging pinapangaralan ni Ate

Swerte ako kase nauna silang nagtapos

Kaya sweldo nila ay may cut ako

 

 

Nang mauna si Kuya sa United Kingdom

Nalungkot ako nang todo

Paano kase, wala na ang aking make- up artist

Tapos naglayas pa ako, panahon na pasaway ako

Si Ate naman papunta rin ng Sunshine State, Florida

Mga nurses so super in demand

 

 

 

 

 

 

Masaya na ako sa maliit kong mundo

May padala monthly mula kay Ate

Tapos si Kuya sagot pa graduate school ko

Swerte ako, sabi nila

Pero iba pa rin pagkasama ang kapatid

Nag- apply tuloy ako papuntang abroad

 

 

Ngayon na andito na ako

Magkasama na magkahiwalay

50 states kase ang Amerika

Di bale, andyan naman ang cellphone

Ang importante malapit lang sila

Hindi na malungkot ang Pasko

 

 

Ngayon na may filteany.com ako

Alam ko na sobra ang suporta nila sa akin

"Ano naman ang essence ng website mo?"

Hirit ni Kuya, sabay ng crispy na halakhak

"Ang bastos naman ng vocabulary mo!"

Singit naman ni Ate sabay paligo sa aking pamangkin

 

 

Okey lang na hindi nila basahin ang aking mga sinusulat

Alright din na hindi sila viewers ng aking Youtube

Alam ko na andyan sila kahit anong mangyari

Ang dugo mas malagkit sa orange juice

May asaran kadalasan at tampuhan paminsan minsan

Sa huli ay mga kapatid ko pa rin

 

 

Dito sa aking bagong Youtube Vlog

Makikita niyo kung ano ang tingin ng Kuya ko sa akin

Ako ay forever si Bunsoy, pinapahiyang target

Sana ay maalala niyo ang mga kapatid niyo

Malayo o kahit sa kanto lamang

Sa ngayon ay enjoy the "Fun with Kuya" Video

 

 

http://www.youtube.com/watch?v=Lqa_05mOm5g

 

enjoy! tapos bisitahin niyo rin www.karitoon.com (cool na website ng aking friend)

Filteany Vlogs on YouTube > Insomnia- Layuan mo ako!
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Aug.06.2007 @ 6:30 pm

 

Insomnia- layuan mo ako!


Baligtad ang oras sa Amerika at Pilipinas. Ang umaga ay gabi diyan, ang hapon ay madaling araw at ang mga kayumanggi sa Pinas ay in demand rito. Paano kung ang isang Filipino  ay hindi dapu- dapuan ng antok? On Vacation ang inyong manunulat kaya buong ligayang nagpupuyat ako. May mga paraan upang maging normal na tao na kailangang matulog at maghilik. Bukod sa pagbilang ng mga kambing na tumatalon sa Pasig River, iniisip ko ang mga pwede kong gawin upang magkaroon ng world peace at ang mga shortcut para magkaroon ng washboard abs. Hindi ako fan ng sleeping pills kase baka walang prinsipe na bibigyan ako ng halik at takot ko na lang na hindi ako gumising. Kawawa naman ang mother earth kung wala na si filteany. Walang matatawang mga pinoy lalong lalo na ang mga OFWs na hindi alam kung paano pagkasyahin ang sweldo para sa buong baranggay. Ang mga babanggitin ko ay mga paraan kung paano antukin bukod sa makinig sa speeh ng mag BFF na si GMA at Bush.

1. Mag- compute ng sweldo at bilangin ang mga araw bago ang susunod na paycheck. Pagkatapos nito ay maglagay ng Olay Regenerist (na aking best friend) sa dumadaming linya sa noo dala ng pag- alala sa mga dapat bayaran o padadalan ng hard earned money.

2. Manood ng TFC Channel at kainisin ang Pinoy Big Brother kahit na sinusubaybayan naman.

3. Long Distance phone calls sa Pinas para marinig ang tsismis ni best friend, hinaing ni honey, reklamo ni Lolo at sipsip ni bunsoy.

4. Makinig sa musika ni Martin, Regine at Eraserheads habang air guitar ang drama.

5. Ayusin ang ma pictures sa album according to seasons. Madali lamang sapagkat dalawa lamang ang season namin- taghirap at glam shots kapag may sweldo na!

6. Internet chatting at lumikha ng mga shorcuts bukod sa lol, asl, lmao at satnu- single and take unfortunately

7. Magmanicure at pedicure kase mahal rito. Idagdag mo na rin ang pagbubunot ng kilay.

8. Maglinis ng apartment after two weeks kase ngayon ay may 1 ounce pa ng lakas para gawin ito.

9. Tumungin sa bintana at bilangin ang mga bituing walang ningning.

10. Panoorin ang bagong youtube vlog na isinampay ko pa lang. Hindi ko masisguro kung aantukin kayo pero sigurado akong ..... upang malaman, pindutin ang link na ito.


http://www.youtube.com/watch?v=187zmlXZBmc


and take note of the launching of the filteany theme


gusto ko rin na maging friendster ko kayo- www.friendster.com/filteany

<< < | 1 2 3 4 5 6 7 | > >>
Entries 11 to 20 of 182

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org