Umpisa na naman ng bagong schoolyear para sa akin. Balik guro na naman ako in my business suit at ang sankaterbang trabaho na aking papasanin. Sanayan na rin ayon na rin sa aking mga kaibigan at hindi ko pwedeng kalimutan na ito ang nagbibigay ng pambayad ko sa renta. Hindi ko rin maitatatwa na ang summer, 2007 ang the best para sa akin. Ang panahon na ito ang nagbigay ng oportunidad sa akin upang makapagsulat nang madals at kapalan ang mukha para sa Youtube. Napatunayan ko na ako ay isang Pinoy sa isip at sa gawa- mahilig sa pictures at video.
Noong kabataan ko, game and watch na octopus ang aking tanging video gamela. Nabili pa yata ito ng aking nanay sa may pawnshop kaya ang isang tentacle ng octopus ay malabo. Maliban sa ilang gasgas, na- adik ako at ang aking mga kapatid sa paglalaro nito. Tanda ko rin ang larong Atari kung saan black and white tennis ang laro. Regalo naman ito ng aming Tiyo at ito ang isa sa mga pampalipas gutom namin. Masakit pa rin sa puso kapag nababanggit na ipinamigay ng nanay ko ito.
Noong high school, lumabas naman ang Nintendo Entertainent System na ang cartrdge ay kasing laki ng casette tape. Hindi ko ito nalaro sapagkat busy akong naglalandi. Wala ng iba pang rason.Noong College naman (taong 2001, naks!) ako naman ay naipakilala kay Gameboy color. Highest level pa nga ang naabot ko sa larong Beauty ang the Beast. Mahal ang bala at nakikihiram lamang ako sa aking classmate.
Noong nagkaroon ako ng trabaho, counterstrike naman ang aking nadiskubre at sabay ng aking paglulong sa chatting, naubos ang aking sweldo sa 15 pesos per hour sa mga internet cafe. Produktibo naman dahil napatunayan ko kung mas marami akong dugong nakita sa video games, mas okey ang araw ko. Violence ay patok sa akin sa games. (*Ayon sa EGM magazine, walang sapat na pruweba na nag- uugnay sa pagitan ng video games at pagpatay sa tao) Sa madaling salita, huwag sisihin ang mga makers ng redsteel, warcraft at Resident Evil. Nagpapayaman lamang sila, masama ba iyon?
Kasalukuyan panahon. New York City
FIlteany, edad 22? (warped time po tayo)
Ang laman ng kanyang living room ay 1. Game Chair 2. Xbox (hindi yung 360, mahal eh) 3. PS2 4.Game Cube 5. DS Lite 6. Isang box ng games para sa mga console 7. Bengay para sa aking hintuturo at hinlalaki kapag masakit na 8. Eye drops kapag kulay magenta na ang aking mga mata
Ayon sa aking independent study, ang mga videogames ay nakakalunas sa mga sumusunod:
1. Pagka- homesick. Makita ko si Mario ay naaalala ko na si Papa. Tinatago nila ang kanilang pagkakalbo sa pagsuot ng cap. SI Luigi naman ay yung manyak sa kanto ng Bonuan Beach sa Dagupan. 2.Kapag nabuwisit ka sa boss mo, ang sarap isipin na kapag napugutan mo ng ulo ang mga kalaban mo bilang Goku- HEAVEN! Ready ka na namang pumasok kinabukasan. 3. Pwede mong sabihin na "I am hot!" tuwing naglalaro bilang isa sa mga karakter sa Final Fantasy. 4. HIndi ka na gaanong matatakot kung nagkataong magkatotoo ang Resident Evil. Alam mo na kung paano kalabanin at alam mong laos ang mga pelikula na ipapalabas base sa larong ito. (Malapit na ang movie na Resident Evil: Extinction) 5. Maaalis ang iyong hiya kahit ikaw ay lalake na naaaliw kay Snow White at Goofy sa Kindgom of Hearts. 6. Mapapatawad ang iyong pagmumura dahil HINDI MO TALAGA ITO MAPIPIGILAN sa gitna ng laro lalo na kapag ikaw ay natatalo ng lintik na game console.
Sa aking mga mambabasa, ano ang inyong mga paboritong Video Games?
Habang pinag- iisipan niyo ang sagot, panoorin ang aking Audition para sa Wii Commercial sa Youtube.
http://www.youtube.com/watch?v=6C83SZvl8-Q
*PS BLoodRayne ang aking paborito, pangalawa ang Elebits at pangatlo ay Brain Age 1 and 2.
|