|
| 1
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Sep.23.2008 @ 8:32 am
|
Malapit ka na bang ikasal? Kung gayon basahin ang ilang pamahiin na sumusunod na dapat ninyong malaman para... para... wala lang.
- Kung ang damit pangkasal (dress/gown) ng bride ay may sira, pilas o butas...the marriage will end in death. [Kahindik-hindik]
- Hindi raw mabuti na ang bride mismo ang tumahi ng sarili niyang wedding dress/gown dahil ang bawat isang stitch ay katumbas ng isang patak ng luha.
- Mas mabuti raw na ang oras ng kasal ay idaos kung ang pangalawang kamay ng orasan (yung pang minuto) ay pataas ang direksiyon (ex. 10:30, 4:45, 11:32) dahil sa magkatulong na magpupursige ang bagong mag asawa sa pag unlad sa buhay.
- Huwag daw tatanggap ng regalong kutsilyo ang bagong mag-asawa dahil masama raw ang maaaring mangyari sa kanila. Kung may nagregalo ng kutsilyo ay bayaran na lang ito ng sa gayon ay para lamang nila itong binili.
- Maglagay daw ng barya sa sapatos ng ikakasal for wealth in their marriage.
- Maghagis din ng bigas para sa prosperity at fertility ng mag-asawa. Piliin na lang yung medyo murang bigas para kahit isang kaban ang ihagis di mabigat masyado sa bulsa.
- Kung umulan daw sa araw ng inyong kasal, magkakaroon daw kayo ng maraming anak.
- Kung may full moon daw isa o dalawang araw bago ang kasalan, magiging puspos ng suwerte at saya ang pagsasama ng mag-asawa.
- Hindi raw dapat mag-suot ng kulay pulang damit sa isang kasalan. Walang eksplanasyon pero tingin ko dahil baka reglahin daw ang babaeng ikakasal at baka maantala ang honeymoon. Bad trip ang groom.
- Ang pagsusuot daw ng veil / belo sa kasal ay ginagawa para hindi makita ng evil spirit ang mukha ng bride lalo na kung pagki ganda ganda o mukhang anghel ang babae. Kung mukhang demonyo naman ang bride pwede ng walang belo unless ikinahihiya siya ng kawawang groom.
- Para sa magandang relationship between bride and mother-in-law (MIL), kailangan maghagis ng lumang (at mabaho?) sapatos ng MIL over the bride (not at the bride's face ha). Kung gagawin daw ito, bride and MIL will be friends forever. Amen!
- Huwag na huwag isusukat ng bride ang kanyang wedding gown/dress bago ang araw ng kasal dahil sa maaaring hindi matuloy ang kasalan.
- Kung sino man ang makasambot ng bouquet ay siyang susunod na
sasakalin ikakasal.
- Ang pagreregalo ng arinola (chamberpot) bilang regalo sa kasal ay makapagbibigay ng good luck sa nag-regalo. Ito ay pampalubag loob sa mga walang kakayahang bumili ng mas mahal na regalo kesa sa arinola.
- Mag-ingat daw ang mga ikakasal dahil habang papalapit ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay mas malapit din sila sa kapahamakan.
- Kailangan daw na maunang dumating ang groom sa simbahan o kung saan man gaganapin ang pag-iisang dibdib para maiwasan ang malas sa pagsasama.
- Bad luck din daw kung ang magkapatid ay parehong ikinasal sa kani-kanilang partner sa parehong taon. Siguro dahil malaki ang gastos kaya di dapat same year.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.26.2008 @ 7:24 am
|
Ang away ay iwasan, iyan ang tunay na katapangan.
Para sa mga 'matatapang' daw na tao, partikular na dun sa mga rebelde na tila naghahamon pa ng giyera, isiping mabuti kung tunay ang katapangang ipinakikita sa pamamagitan ng pakikipag-away, panggugulo o pananakit ng kapwa. Ang katapangan ay hindi masusukat kung gaano karami ng laban ang iyong napagdaanan o kung gaanong ikaw ay kinatatakutan ng mga tao kundi kung paano mo naiwasan ang kaguluhan at naiwasto ang iyong pag-iisip upang maging mapagpasensiya at kalmado sa mga pagkakataong may mabigat na pagsubok sa iyong buhay.
Kung may naghahamon sa 'yo ng away, ganito na lang ang sabihin mo: Barumbado: Ikaw! Bakit ayaw mong lumaban? Sagot! Ikaw: A-Tapang A-Tao Ako eh (sabay ngiti). |
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.10.2008 @ 1:55 pm
| Last edited: Jul.09.2008 @ 11:55 pm |
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Konting ingat sa iyong mga binibitawang salita dahil sa
dami ng moso't mosa sa paligid hindi ka nakakasiguro. Kahit si
bestfriend mo na palaging nagdi-dilang anghel, kung minsan may dilang
magalaw din. :D |
|
|
|
|