BrownMan Blog
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Brownman's ABC
Brownman's Hirit
Business Pinoy
Iskul Bukol
Kalusugan
Kapuso
Kasabihan, Islogan, Salawikain, Atbp
Komiks
Kwentong Barbero
Limericks
My Top 10
OFW
OPM
Philippine History
Pinilakang Tabing
Politico
Random
Rise from the dead
Sports
Traditions, Customs, Culture
My Photos
Ian's Gallery
KinTropax
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In

Entries in "Philippine History"
1
Daan Patungo Sa Kalayaan
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.20.2008 @ 3:59 pm

 Ating balikan ang mga mahahalagang pangyayari noong panahon ng rebolusyon / himagsikan na nagsimula ng pagkaka-isa ng mga Filipino upang palayain ang bayan sa kamay ng mga Espanyol.


1872
  • February 17. GomBurZa Martyrdom. Tsinugi ang tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora sa Bagumbayan on charges of subversion arising from the 1872 Cavite Mutiny. Kung hindi raw dahil sa pangyayaring ito ay nagpari sana si Dr. Jose Rizal. Sa alaala ng tatlong paring martir inialay ni Rizal ang kanyang nobelang El Filibusterismo.
1889
  • February 15. Itinatag ang sa Espanya ang La Solidaridad na samahan ng mga Ilustrados. Ang samahan na ito ay naglalayong magkaroon ng sapat na representasyon ang mga Filipino sa parliyamento ng Espanya (cortes). Ang presidente nito ay si Galicano Apacible na pinsan naman ni Rizal (Honorary President siya na nung panahon na iyon ay nagliliwaliw sa London). Nagsimula rin ang samahan ng publikasyon ng isang pahayagan na tinawag din nilang La Solidaridad katulad ng ngalan ng samahan.

1892
  • July 03. Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina (na akala ni Bugs ay palarong basketball para sa mga Pinay) sa isang bahay sa Ilaya Street, Tondo, Manila. Ang ilan sa mga miyembro ay sina (drum roll) Deodato Arellano, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Moises Salvador, Vinggoy de Santos, and Timoteo Lanuza. Hindi nagtagal ang samahan dahil na rin sa pagkakaaresto kay Rizal (July 06) at pagpapatapon sa kanya sa Dapitan ni Governor General Eulogio Despujol. Nahati ang liga sa dalawa: ang Compromisarios (na nagpatuloy sa pagsuporta sa La Solidaridad sa Espanya) at ang Katipunan.
  • July 07. Itinatag ni Bonifacio, Diwa at Plata ang Katipunan sa isang bahay sa Calle Azcarraga, Tondo, Manila. Ito ang naging militanteng sangay ng rebolusyon.

 


 

1896
  • March. Ang Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan, ay isinapubliko. Ang editor nito ay angsi Emilio Jacinto na siyang kinilalang utak ng Katipunan.
  • August 23. Cry of Balintawak. Ito ay naganap sa Pugad Lawin kung saan nagtipon tipon ang mga katipunero makaraang madiskubre ng mga Espanyol ang sikretong samahan. Dito pinunit ng mga katipunero, sa pangunguna ni Bonifacio, ang kanilang cedula na pagpapakita na handa na silang makipaglaban para sa kalayaang ng bayan gamit ang armas.
  • September 11. Trece Martires De Cavite. Isa pang grupo ng mga tsinugi noon. Mas marami nga lang sila sa GomBurZa, labintatlo ang mga martir na ito na binitay dahil sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa Katipunan.
  • December 30. Rizal's Martyrdom. Si Rizal ay binitay sa Luneta sa pamamagitan ng firing squad.

1897
  • January 04. Execution of the 12 Bicol Martyrs
  • January 11. Execution of the Bagumbayan Martyrs
  • March 22. Ginanap ang Tejeros Convention sa Barrio Tejeros, San Francisco de Malabon, Cavite (ngayon ay Tejeros, Gen. Trias, Cavite na).

 

  • May 03-04. The Capiz Revolt
  • November 02. Nagpulong pulong ang mga representante ng Republika ng Pilipinas sa layuning pag-igihin ang kasalukuyang konstitusyon ng mga panahon na iyon na ginawa sa bayan ng Naik, Cavite. Dito isinilang ang bagong konstitusyon ng republika, ang Biak-na-Bato Constitution.
  • December 14, 1897. The Pact of Biak na Bato was signed
  • December 25, 1897. Umalis ang grupo ni Aguinaldo patungong Hong Kong.


1898
  • February. Nagpatuloy ang rebolusyon at kumalat sa buong kapuluan ng Pilipinas.
  • April 03. Rebolusyon sa Cebu
  • May 19. Ang pagbabalik ni Aguinaldo sa Manila.
  • May 24. Nagtatag ng pansamantalang gobyernong diktatoryal si Aguinaldo.
  • June 12. Pagdedeklara ng Kalayaan. Gen Emilio Aguinaldo proclaimed Philippine Independence in his residence in Kawit, Cavite
  • June 23. Aguinaldo changed Dictatorial Government to a Revolutionary Government.
  • August 13. The Mock Battle of Manila. Spanish authorities at Fort Santiago surrendered after less than two hours of fighting. The terms of capitulation and occupation were signed the next days at the San Agustin Church
  • September. The Malolos Congress was convened at the Barasoain Church in Malolos, Bulacan.

1899
  • January 17. Kauna-unahang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas sa Mindanao.
  • January 21. Pormal na inanunsiyo sa publiko ni Aguinaldo ang Malolos Constitution.
  • January 23. The Philippine Republic was inaugurated in Malolos, Bulacan.

 
 


Current Page 1
1

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org