BrownMan Blog
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search  
Topics
Brownman's ABC
Brownman's Hirit
Business Pinoy
Iskul Bukol
Kalusugan
Kapuso
Kasabihan, Islogan, Salawikain, Atbp
Komiks
Kwentong Barbero
Limericks
My Top 10
OFW
OPM
Philippine History
Pinilakang Tabing
Politico
Random
Rise from the dead
Sports
Traditions, Customs, Culture
My Photos
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In

Entries in "Kwentong Barbero"
1
Dancing With The Stars: Manny Pacquiao
1 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.11.2009 @ 4:38 pm

Tsubibo Patrol

Muli pong nagbabalik ang inyong numero unong tagapagbalita, ang Tsubibo Patrol!

Sa ulo ng ating mga nagbabagang balita...

Manny Pacquiao To Join Dancing With The Stars!!!

May bagong scoop po tayo mga katsubibo! Napag-alaman ng Tsubibo Patrol na tinanggap na ni Manny Pacquiao ang matagal ng paanyaya ng Dancing With The Stars sa kanya na lumahok sa paligsahan sa dance floor. Matapos ang anim na buwang pag-iisip ay wala nang natira sa utak ni Pacman nakapag-decide na rin ang pambansang kamao na ipakita sa buong mundo ang kanyang husay sa pag-indak.

Sa darating na Setyembre ay mapapanood ang galing ni Pacquiao sa pag-indayog, paggiling, pagliyad at pag-split sa nabanggit na sikat na programa sa ABC. Ngayon nga ay nag-umpisa na ang puspusang pag-e-ensayo ni Manny. 

'Para lang pala itong buksing. Nakakapagod din at masaya.Kaya lang mas mabilis ako magotom dito. Where's my water? I only drink vitwater you know. Oh mirinda na!', saad pa ng ating bida nang siya ay aming kapanayamin.

Todo suporta naman si Aling Dionisia (Donya na daw siya at hindi Ale) sa bagong pinagkaka-abalahan ng kanyang paboritong anak (kawawa naman si Bobby). Kahit pa nga katatapos pa lang magpa-landscape, face lift at tummy-tuck ay hindi napigilan ng mga doktor ang PacMom sa paglabas ng ospital upang makisayaw kay Manny. 'Hindi ku puwiding palampasin ito, you know. Mas nauna ako nag bulroom sa kanya kaya mas may alam ako. Bibigyan ko si Manny ng tips!', masayang sabi pa ni Aling Donya Dionisia sa mga reporters.

Samantala, sa kampo ni Marquez ay nagkakagulo dahil sa naungusan na naman sila ni Manny. Kaya nga bukas daw ay magpapatawag ng press conference ang Mexicano para ideklara ang kanyang paglahok na rin sa naturang programa sa telebisyon. Hindi rin maawat ang bunganga ni Pretty Boy Floyd sa pagsasabing mas mahusay siyang sumayaw kay Pacquiao at hinahamon nya ang pambansang kamao ng showdown sa disco.

Narito ang isang larawan na patago naming kinunan habang nag-eensayo si Manny Pacquiao humataw! Parang sa Wild Card Gym din kasi ni Roach, mahigpit sa press ang mga DIs ni Manny.



At iyan po ang kaisa isang balitang aming nakalap sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Magbabalik ang Tsubibo Patrol kapag kami ay nakapulot muli ng tsismis para sa inyo.

Paalala sa mga tagapagbasa, tagapanood at tagapakinig... 'Ang hindi magmahal sa sariling wika ay hindi makakarating sa paroroonan.'

Mabuhay!
 

Pacquiao Nahuli Ng Tsubibo Patrol
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.22.2008 @ 7:56 am

 

Tsubibo Patrol

Muli pong nagbabalik ang inyong numero unong tagapagbalita, ang Tsubibo Patrol!

Sa ulo ng ating mga nagbabagang balita...

Bagong Larawan ng Manny Pacquiao Scandal, Lumabas Na!!!

Maalala na noong nakaraan na taon ay nahuli sa aktong nakikipag landian ang pambansang kamao na si Pacquiao sa loob ng isang sikat na bar sa Fort Bonifacio. May mga larawan pa nga na lumabas para patunayan ang balitang ito. Sa ngayon ay may bago na namang kinsangkutan ang ating bida. Pero bago natin alamin ang panibagong scandal na ito ay atin munang sariwain ang nakaraang escapade ni Manny sa Embassy sa piling ni Donna. Narito sa baba ang ilang larawan ng nakaraang yugto mula sa ating mga kahina-hinalang sources.

  

   

   

Oh di ba bongga! Si Manny big time talaga. Parang yung chika babe na mismo ang talagang lumalapit sa kanya at gusto siyang anakan. Iba na talaga ang nagagawa ng fame and fortune. Kung dati si Manny ang nagpapantasya sa mga chikas, ngayon siya na ang pinapantasya ng mga social climber at desperadang bandidas.

May tsismis nga lang na kumakalat na itong mga larawan sa taas ay pawang kalokohan at edited lang. Inadobe! Halatang halata naman kasi. Hindi talaga kapani-paniwala. Isa lang itong paninira kay Pacman at gustong bigyan ng problema ng mga taong naiinggit sa swerte ng ating bida.

Sa ating pagsasaliksik ay napag-alaman natin na meron palang kopya ng mga orihinal na larawan kung saan makikita ang katotohanan. Hindi nga lang kasing sikat ng scandal o kontrobersiya na nagawa ng ma larawan sa taas. Pagmasdan mabuti ang isa sa orihinal na larawan kung saan makikkita si Manny Pacquiao na may a cheek to cheek pa. Ito raw talaga ang tunay na kinalolokohan ng pambansang kamao at present time. Walang panama si Ara Mina at Valerie Concepcion dito. 

Kiss tayu bebe. Tsup!

Habang isinusulat itong kwentong barbero na ito ay panay na ang deny at palusot ni Pacman sa telepono habang kausap si Chunkee, este Jinky. Hindi na kasi mabilang kung ilang beses na siyang naakusahan na nangchi-chiks at ngayon nga ay mas naiinis si Mrs. Pacman sa dahilang mas maganda pa siya sa bagong tsiks na kinalolokohan ng kanyang mister.

 

At iyan po ang kaisa isang balitang aming nakalap sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Magbabalik ang Tsubibo Patrol kapag kami ay nakapulot muli ng tsismis para sa inyo.

Paalala sa mga tagapagbasa, tagapanood at tagapakinig... 'Ang hindi magmahal sa sariling wika ay hindi makakarating sa paroroonan.'

Mabuhay!

 

 

Survivors ng MV Princess Of The Stars?
7 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.06.2008 @ 2:22 pm | Last edited: Jul.06.2008 @ 12:55 am

Tsubibo Patrol

Muli pong nagbabalik ang inyong numero unong tagapagbalita, ang Tsubibo Patrol!

Sa ulo ng ating mga nagbabagang balita...

Survivors ng MV Princess Of The Stars, True or False (bwahahaha)?

May kumakalat na tsismis na may mga panibagong grupo ng 'survivors' mula sa lumubog na MV Princess of the Stars na nai-rescue sa karagatan sa bandang Masbate area. Ang ulat ay unang nagmula kahapon sa ating bubuwit na tumututok sa trahedyang nangyari sa nasabing barko.

Hindi pa inire-release ang mga pangalan ng mga 'survivors' sa kadahilanang gusto munang makatiyak ng mga opisyal ng barkong pangisda na naka-huli, este naka-rescue, kung sila nga ay mula sa lumubog na barko ng Sulpicio Lines. Hanggang ngayon kasi ay pipi pa sa takot at pagkabigla ang mga ito at di magawang magsalita. Pinangangambahan na na-trauma sila sa tagal ng panahon na sila ay palutang lutang lamang sa dagat.

Mamayang gabi ay magpapalabas ng pormal na pahayag ang lider ng mangingisda at malamang ay i-anunsiyo na ang mga pangalan ng mga 'survivors' at malinawan kung sila nga ay nagmula sa MV PotS. Sa ngayon ay isang nakakalito at kakaibang litrato muna ng mga 'survivors' ang ating maipapakita sa publiko. Ito ay nakuhanan ilang minuto bago sila maisakay ng barko ng mga mangingisda.

Kayo na po ang humusga kung trulalu nga ba o sadyang kalokohan lamang.


Babala!

Bawal pong sumilip sa larawan ang mga sumusunod:

menor de edad

may sakit sa puso

makitid ang utak

kill joy,

madumi ang ngipin, madumi ang tenga, may muta sa mata,

may malakas na anghit

at

walang sense of humor.


Pasensiya na po sa mga hindi pa kumakain!



Mukhang hindi naman daw tao ang mga ito kundi isang grupo ng Dyesebel na burlesk!

At iyan po ang kaisa isang balitang aming nakalap sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Magbabalik ang Tsubibo Patrol kapag kami ay nakapulot muli ng tsismis para sa inyo.

Paalala sa mga tagapagbasa, tagapanood at tagapakinig... 'Walang babaeng pangit sa t*t*ng galit!'

Mabuhay!

 

Pinakabagong Klase ng Bomba Sumabog
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.19.2008 @ 10:33 am | Last edited: Jul.02.2008 @ 3:03 am

Tsubibo Patrol

Sa ulo ng ating mga nagbabagang balita...

Pinaka-bagong Klase Ng Bomba Sumabog!

Aksidenteng sumabog ang pinaka-bagong uri ng bomba na sikretong pinag-aaksayahan ng panahon ng mga isputok pipol sa isang isla sa Timog Silangang Asya. Ayon sa mga karagdagang tsismis ang isla raw kung saan naka-imbak ang sangkatutak na kari ay sakop ng bansang Indonesia. Sa rami na raw kasi ng lahing bumbay sa nakakabagot na isla ay nagkaisa ang mga ito na gumawa ng bomba para kanilang pagka-abalahan. Mas mabuti raw na maging busy sila maghapon, magdamag kesa maligo.

Litrato ng pagsabog na naganap sa Tangguh. Labinlimang kilometro mula sa ground zero.

Ang pangunahing sangkap daw ng bomba na ito ay ang paboritong kendi ng mga bumbay na KARI! Ayon sa mga nakasaksi, ang sangkap ay nagmumula sa mess hall kung saan itinatakas palabas ng mga indiyano papunta sa kanilang kuta sa kalagitnaan ng garbage disposal area. Halos patapos at perpekto na raw ang bomba ng di sinasadyang nag-trigger ang firing mechanism nito habang isinasagawa ang isang pagsusulit sa sirkito. Bago pa man makalayo ang mga bumbay sa sikretong kampo nila, nakung tawagin nila ay Area 69 mula sa kama sutra, ay sumabog na ang bomba at lahat ng mga itik ay naabo.

Dahil sa pangyayari ay pinagbawalan na ang pagpapasok ng kari sa loob ng isla ng Tangguh sa dahilang maaari nga raw pala itong pagmulan ng pagsabog.  Hindi na rin magha-hire ng mga bumbay dito hindi dahil sa amoy nila (nakakatiis pa naman daw ang mga tao) kundi dahil sa delikado pala ang mga hinayupak pag nagkasama-sama sa isang lonely island...gumagawa ng kababalaghan!

At iyan po ang kaisa isang balitang aming nakalap sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Magbabalik ang Tsubibo Patrol kapag kami ay nakapulot muli ng tsismis para sa inyo.

Paalala sa mga tagapagbasa, tagapanood at tagapakinig... 'Aanhin pa ang damo kung patay na ang kutsero.'

Mabuhay!

 

Pinoy Contractor
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.30.2008 @ 11:51 am

PINOY CONTRACTOR ABROAD

Three contractors are bidding to fix the White House fence.

One from the Philippines, another from Mexico and an American.

They go with a White House official to examine the fence.

The American contractor takes out a tape measure and does some measuring, then works some figures with a pencil. Well,' he says. 'I figure the job will run about $900: $400 for materials, $400 for my crew and $100 profit for me.'

The Mexican contractor also does some measuring and figuring, then says,'I can do $700: $300 for materials, $300 for my crew and $100 profit for me.'

The Filipino contractor doesn't measure or figure, but leans over to the White House official and whispers: '$2,700.'

The official, incredulous, says, 'What? You didn't even measure like the other guys! How did you come up with such a high figure? How do you expect me to consider your service with that bid??

'Easy,' the Pinoy explains, '$1,000 for you, $1,000 for me and we hire the guy from Mexico '.

The next day, the Pinoy and the Mexican are working on the Fence.
 

Isang Araw Sa Buhay Ng Maka-Bagong Juan De La Cruz
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.23.2008 @ 9:50 am

Isang umaga sa luma at maliit na bahay sa gitna ng isang maliit na siyudad...

Pagkagising ni J.D. Crozz sa umaga, sa halip na magpasalamat sa Panginoon dahil sa buhay at normal (pag mabango ang morning breath mo abnormal ka) pa siya ay cellphone agad ang kinaharap at nagpasalamat din naman dahil sa nag-text ang crush niyang si Mandy Moore (Imelda Caramihan). Sisigaw pa yan ng 'YES!' pag may  mwah ang text message ni Mandy. Bulahaw? Balewala na yang ingay na lumabas sa bunganga ni J.D. dahil gising na ang lahat ng kasambahay pati ang tsismosang kapitbahay...alas diyes na kasi ng umaga at mataas na ang araw. Maaaring dala ng katamaran ang patanghaling gising o kaya naman ay inumaga sa pagtambay kasama ang mga sunog bagang hip-hoppers na barkada sa kanilang HQ sa Kanto Tinio (Corner of Tinio Street para mas clear). Pagkabangon ay diretso sa kubeta para juminggel habang nakatingala at pinapalano ang susunod na gimik mamaya matapos ang klase sa eskwelahan. Makatapos makapag-almusal ng Marlboro ay maliligo na siya (Opo! Hanggang ngayon naman ay malinis pa rin tayong mga Pinoy sa ating katawan) pandalas ng sabon ng Likas Papaya whitening soap sa mukha at buong katawan sa pag-asang puputi siya katulad ng pinakabagong idolo niya na napanood noong makalawa sa MTV na si Eminem. Magpa-practice pa yan ng rap habang umiindak indak ala hip-hop homie sa loob ng banyo.

Pagkabihis ng ating bida ng XXXL niyang damit na abot hanggang tuhod ang haba, baggy pantaloon na pagkebaba-baba ng waist level, nakakasilaw na bling bling pendant na nakasabit sa pagkekapal-kapal na silver necklace (unisilver sa SM) na nabili sa isang ukay ukay sa Greenhills, weed printed-scarf na itinali around his big empty head sabay papatungan ng NY Yankees baseball cap at white adidas kicks na pinag-ipunan ng dalawang semesters. Isusuot na ang unisilvertime watch (ito lang ang nakayanan ni kuya na iregalo nung 16th birthday ni J.D.) na kasing laki ng coke in can ang bilog. Isusuksok na ang kanyang pitaka (na punong puno ng kupit na bente pesos mula sa pitaka ni nanay sa ibabaw ng ref) sa bulsa ng pantalon at isasabit na rin ang silver chain na tumitimbang ng limang kilo. Kumpleto na ang porma...haharap sa salamin at mapapansin na di pa pala niya naisuot ang white gold earing na naitrade nya sa isang ka-crew nya kapalit ng dvd player na naireport ni erpat sa barangay chairman na ninakaw sa kanilang bahay. Kumpleto na talaga! Po-pose pa yan sa harap ng salamin at ilalabas ang dila na may hikaw sabay buo ng devil's sign sa kanang kamay at Fawk You sign sa kaliwa.


Pagkahingi ng baon kay ermat ay lalarga na papuntang eskwela para magpakita lang sa titser. Wala na siyang oras para pakinggan pa ang mga words of wisdom ni erpat dahil palagi siyang tinatanghali. Pagdating sa classroom ay makikinig saglit sa guro. Matapos ang limang minuto ay buryong na buryong na siya at naglalakbay sa labas ang isipan. Magpapaalam sa titser para magpunta sa toilet sabay takas para mag cutting classes.

Diretso sya sa mall para makipag kita sa mga crew mates nya. Meron kasi silang grupo na tinatawag niyang J.D. Crew, tamang tama dahil ang pangalan nya dito bilang lider ay J.D. Crozz, pina-sosyal na bansag mula sa totoong pangalan na Juan De La Cruz. Tatambay muna sila sa video games section ng ilang oras para magpalamig. Kapag nagsawa ay didiretso na sa kanilang HQ para mag practice ng mga bagong moves at rap lines na isinulat pa ni J.D. sa kanyang english notebook. 'Yo, yes yes yo!' Sigawan ang buong grupo ng ating bida habang nagsosolo siya sa pagra-rap. Mauubos ang tatlo hanggang apat na oras kakaimbento ng rhyming rap lines at kakapractice dito.

Oras na ng hapunan at time out muna ang grupo. Uwian muna para kumain at magpakita sa mga magulang sabay daing na nakakapagod ang activities sa eskwelahan. 'Naku ganun ba? Sige Juan at kumain ka ng marami anak at magpahinga ka na sa kwarto mo mamaya. Mag-aral kang mabuti tulungan mo ang iyong sarili.', sabi pa ni ermat. Si J.D. naman ay tatango lang sabay pandalas ng lamon. 'Shet malelate ako!', sa isip ni J.D. Di na niya pinakinggan pa ang ibang payo ng magulang.

Makatapos kumain, mag-update ng friendster gamit ang computer ni kuya sa bahay at kumupit (na naman) sa pitaka ni ermat sa ibabaw ng ref ay biglang maglalahong parang bula ang ating bida sa bahay para sa panggabing gimik. Sakay sa jeep at diretso na sa rendezvous ng barkada.

Nagkita kita ang barkada sa isang computer shop sa tapat ng basketball court para makipag pustahan sa computer games. Dahil sa halos gabi-gabing gawain ito ng grupo ay lamang na sila sa katunggali in terms of familiarity at strategy. Mananalo ang mga mokong at syempre may pera na para pang inom ng gin-pomelo.

Mag iinuman na parang wala ng bukas. Kwentuhan ng mga balakin sa buhay. Kung paano nila babayaran ang utang ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang musika. Kung paano mapapasagot si Mandy at ang iba pa nilang pinagpapantasyahan. Kung paano sila mag-a-audition sa Dongalo Wreckords. Nagpapalitan ng kwentong kutsero at jokes. Palitan ng kuro kuro hinggil sa pinakabagong fashion sa para sa mga hip-hoppers na katulad nila. Palitan ng facts at tsismis about their hip-hop god Snoop Dogg. Sharing din sa yosi. Kung minsan sharing din ng marijuana. Tsk. Tsk. Aabutin ng madaling araw ang walang katapusang bisyo at kwentuhan. Ang pag-aaral kinalimutan na. Ang tanging bilin ng mahal na ina.

Sa bahay naman ay masayang masaya ang mga magulang ni J.D. sa pag-aakalang nasa kwarto ang mahal na anak at nag-babasa ng kanyang aralin. Sa isip ni ermat ay sulit na sulit ang beinte cinco mil na tuition fee sa eskwelahan. Perang naipon mula sa paglalabada ni ermat, pag-extra ni erpat sa jeep ng kapitbahay, konting balato sa sabong mula kay kumpare at kontribusyon ng panganay na anak na isang factory worker sa Taiwan. Sinisipag tuloy ang lahat na mag ipon ulit para naman sa second semester ni bunsong si J.D.
 

Beer pa nga!
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.21.2007 @ 7:45 am

Ito ay para sa mga lalaking mahilig uminom ng beer! Beware beware...


Last month, National University of Lesotho scientists released the results of a recent analysis that revealed the presence of female hormones in beer.

Men should take a concerned look at their beer consumption. The theory is that beer contains female hormones (hops contain phytoestrogens) and that by drinking enough beer, men develop female characteristics.

To test the theory, 100 men drank 8 pints of beer each within a 1 hour period. It was then observed that 100% of the test subjects:

1) Argued over nothing.

2) Refused to apologize when obviously wrong.

3) Gained weight.
4) Talked excessively without making sense.

5) Became overly emotional.
6) Couldn't drive.

7) Failed to think rationally

8) Had to sit down while urinating.
No further testing was considered necessary!!! !!!.
 

Tagaytay Ghost Story
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.11.2007 @ 7:13 am

TAGAYTAY GHOST STORY

This story happened a few months ago along the Tagaytay Road. There was a guy who got left behind by a pack of mountain bikers. The group was large and he didn't bring a cellphone. He crashed his bike somewhere between Picnic Grove and DBP. To make things worse, a storm came in. So he walked.

This guy was on the side of the road hitch hiking on a very dark night in the middle of a storm. The night passed slowly and no cars went by.
The storm was so strong he could hardly see a few meters ahead of him. Suddenly, just before the junction going to Manila, he saw a car slowly looming, ghostlike, out of the gloom. It slowly crept toward him and stopped. It was raining hard, wind blowing all around you, what would you do? Like you would, he got into the car and closed the door, then realized that there was nobody inside the car.... even in the drivers seat.

The car slowly started moving again. The guy was terrified, too scared to think of jumping out and running. The guy saw that the car was slowly approaching a sharp curve. The guy started to pray, begging for his life; he was sure the ghost car would go off the road and he would plunge to his death, when just before the curve, a hand appeared through the window and turned the steering wheel, guiding the car safely around the bend.

Terrified, the guy watched the hand reappear every time they reached a curve. Finally, the guy gathered his wits and leaped from the car and ran to the nearest place where there were houses. Wet and in shock, he went into a store and voice quavering, ordered two bottles of beer, and told the people about his horrible, supernatural experience. A silence enveloped everybody when they realized the guy was apparently sane and not drunk.


About half an hour later two guys walked into the same store.

One said to the other..........

"Yan! Yan yung tarantadong sumakay habang nagtutulak tayo!
 


Current Page 1
1

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org