Brownman Blog
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Brownman's ABC
Brownman's Hirit
Business Pinoy
Iskul Bukol
Kalusugan
Kapuso
Komiks
Kwentong Barbero
Limericks
My Top 10
OFW
OPM
Pinilakang Tabing
Politico
Random
Rise from the dead
Sports
Traditions, Customs, Culture
My Photos
Ian's Gallery
KinTropax
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In

Entries in "My Top 10"
1 2 | > >>
Tanong ng Aking Malikot na Isip ++
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Feb.28.2008 @ 2:50 pm

Habang naghihintay ako sa aking sekretarya na tapusin nya ang aking pinagagawa eh umandar na naman ang aking malikot at nabuburyong na utak. Naalala ko na naman ang mga tanong na matagal ko nang hinahanapan ng matinong kasagutan. Sana may makatulong. Eto na:

  1. Ano ang function ng pubic hair sa buhay ng tao? May silbi ba talaga ito?
  2. Bakit pag tumatanda nagkakabuhok sa tainga?
  3. Bakit nakataas ang isang paa pag umiihi ang aso?
  4. Kung ipinaglihi ka ng nanay mo sa aso nakataas din kaya ang isang paa mo kapag iihi ka?
  5. Totoo bang kayang mag push up ng mga tomboys gamit ang dila?
  6. Ano ba talaga ang nauna, itlog o manok? Hindi kaya sisiw?
  7. Sino ang nag-imbento ng internet (bwhahaha)?
  8. Kung buhay si Diosdado Macapagal proud kaya sya kay Gloria ngayon?
  9. Bakit nagbubungguan ng ulo ang mga langgam pag nagkakasalubong?
  10. Bakit ang letters sa keyboard hindi arranged alphabetically? Bakit ang numbers sa keyboard arranged in a correct ordinal sequence?

May mga extra pa ako na katanungan.. sumobra sa Top Ten...

  1. Nananaginip kaya ang isang taong bulag? Ano kaya nakikita nya?
  2. Meron kayang alarm clock para sa mga bingi?
  3. Bakit sa labas ng pants nya mag brief si Superman?
  4. English din ba ang salita ng mga hayop sa America? (Aw! Aw! = Arf! Arf!; miyaw = meow; tiktilaok! = cock-a-doodle-doo!; siyap-siyap = chirp, chirp)
  5. Gano ba kamahal ang panty sa Amerika at hindi makabili ng isa si Britney Spears?
 

Juan vs Juana
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Nov.21.2007 @ 9:17 am

Sampung Dahilan Bakit Nag-aaway si Juan at Juana
  1. Nagger si Juana. Pasensya na sa mga ladies in the house at problema agad sa babae ang aking naunang ilista. Hindi naman talaga maiiwasan na ang umpisa or dahilan ng alitan ng mag-asawa (or kahit mag-dyowa pa lang) ay ang pagiging nagger ni babae. Si Juan pa naman ayaw n'ya nang binubungangaan (ooops).
  2. Lasenggero si Juan. Hiks! Yan ang paboritong sabihin ni Juan pagkatapos n'ya mag-inom sa kanto. Uuwi sa bahay at aawayin si Juana at ang mga anak. Sino ba namang matinong Juan ang ganito ang asal?
  3. Babaero si Juan. Naku...hindi lang sampal ang aabutin kay Juana! Bugbog sarado si Juan sa sermon at posible pang magka-hiwalayan. Kawawang mga anak.
  4. Lalakero si Juan. Well, napakalaking insulto ito para kay Juana. Hindi nakuntento sa kanya si Mister kaya naghanap ng...lalaki. Mas maganda pa siguro kung babae ang hinanap! Ewan ko lang kung hindi rin ito mauwi sa hiwalayan.
  5. Lalakero si Juana. Nag-abroad si Juan. Nagpadala ng pera. Sumulat (e-mail, di na uso ang snail mail) at nag text. Tumawag at nagsabing miss na miss na si Juana at ang kanilang mga anak. Si Juana, hindi nakayanan ang lungkot at tukso. Pumatol sa ibang lalaki. Kawawang Juan.
  6. Bayolente si Juan. Lasing /bangag man o hindi, walang K si Juan na saktan physically si Juana. Oo mga machong mister diyan, ang babae po ay minamahal hindi sinasaktan.
  7. Money Matters. 'Money is the root of all evil' wika nga nila. Isa ito sa mga mahirap lampasan. Kung mahirap at kapos sa pera sigurado may away at pag-dadalawang isip lalo na si Juana. Kung sobra-sobra naman ang pera ang away ay kung paano ang hatian at ang tamang pagba-budget. Maaaring maging sugarol ang alin man kay Juan at Juana o maging maluho sila pareho. Dito na lalabas ang sumbatan blues.
  8. Hygiene. Naalala ko ang isang mag-asawang kapit-bahay ko. Iniwan ni misis si mister kasi hindi n'ya na raw matiis ang baho ng kilikili. Yes mga kapatid, may anghet o putok si mister! Sa sobrang pag-iibigan nakalimutan na maligo.
  9. Kakulangan ng oras sa isa't isa. Maaring nasobrahan ng sipag si Juan/Juana o kaya naman ay dala ng barkada kaya wala ng oras mag bonding at maglambingan sina Juan at Juana. Alalahanin na ang foremost priority sa isang relasyon ay ang karelasyon!
  10. Listening but not hearing. Heto ang dapat tandaan ng mga magsing-irog. There's a big difference between Listening and Hearing. Maaring nandiyan ka palagi para mag-listen sa iyong partner pero ang tanong...do you really hear his/her heart's message? You listen with your ear but you hear with your heart.
 

10 Things I Love About Online Chatting
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Oct.12.2007 @ 7:54 am

The Ten Things I Like About Online Chatting

1. Eats my time. Wow! This is like the best thing to ever come up over the internet for bored and shy people like me (shy daw oh) who has lots of time to waste.

2. Meeting friends / chatmates around the world. This is the fastest way to meet people from around the world. Instant connections!

3. I can exercise my  tongue thru my fingertips. Since I am not really a garrulous, blabbermouthed, talkative guy in person I get to experience being madaldal in online chatting without getting out of my comfort zone.

4. I get to pile up my collection of friends in Friendster! Hindi ko na nga kilala mga na-add ko hehehe.

5. Get's me thru homesickness and clear's my mind of anxiety.

6. Learning basics of different languages. Learning how to be polite and respectful to different chatters who came from different cultures, upbringing and places. Learning more things that I can't enumerate here.

7. Source of free mp3s, movie links, e-books, etc. Even YouTube links and other informative web site URLs pwede matanong sa mga web addicts roaming around the chatrooms.

8. Cool scripts really excite a programmer like me.

9. I can project myself differently as often as I'd like to. I can even be the person I wanted to be!

10. Funny / corny jokes, surprising / irritating side comments, heated debates, smileys and a lot more. A whole lot of fun!

 

Bakit Kailangan Alagaan ang Buhok
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.31.2007 @ 7:38 am | Last edited: Aug.30.2007 @ 6:34 pm

"Anong paki mo sa long hair ko! Inggit ka lang kasi ikaw nakakalbo!"

Bakit kailangan alagaan ang buhok? Kasi kasama sa overall image ng isang tao ang buhok! Meron pa nga tayong mga katoto d'yan na nagsasabing 'galawin mo na ang asawa ko, wag lang ang buhok ko'. Sa tingin ko narito ang mga dahilan kung bakit natin kailangan na bigyan ng mabuting pagkalinga ang ating hokbu:

1. Dahil sa ito ang nasa kataasang lugar ng parte ng katawan na tao, ito palagi ang unang mapapansin. Hindi ka ba nagtataka na kahit super japorms ka, pagpasok mo sa opisina batiin ka ng tanong ni opismeyt na 'mahangin ba sa labas?'. Classic example na hair comes first. 

2. Kahit wala kang pinag-aralan at tambay ka sa kanto Tinio puwede ka pa rin kumita sa pagmomodel gamit ang iyong long, black shiny hair! Maaari kang makuha sa mga komersiyal ng Rejoice, Sunsilk, Cream Silk, Head and Shoulders, Pantene at Vaseline. 

3. Kung mahirap ang buhay at hindi na kayang maka-afford ng cologne eh mabisang pang-akit na rin ang mabangong amoy ng buhok. Hindi naman kamahalan ang mga naka-sachet na shampoo and conditioner. Marami pa rin maaakit sa iyo kung mabango at maganda ang mahaba mong buhok kahit na kulang ka sa rikit at ganda. 

4. Walang tatabi sa 'yo sa jeepney kung ang buhok mo ay nanlilimahid, nanlalagkit at mukhang may tumutulong gata ng niyog! 

5. Sa init ng panahon sa Pilipinas kailangan ng mga Pinoy ang healthy na buhok kung hindi ay magbi-biyak biyak ang dulo nito at magmumukha kang isang tao na sinakluban ng walis tambo sa ulo. 

6. Hindi ka pasasakayin sa eroplano papuntang isteyts kung marami kang lisa macuja at kutomb riders diyan sa buhok mo unless i-declare mo na you are travelling with your pets. Ikukulong nga lang sila (pets mo) sa isang hawla...at malamang kasama ka. Nasira pa ang iyong pangarap na makapamasyal sa lupain ni ankol sam at makapag-asawa ng supot na kano. 

7. Mas madaling matanggap sa trabahong pang opisina at pampubliko ang mga taong may maayos at presentable na hairstyle. Totoo na nag-eexist ang bias sa hitsura ng isang tao kahit saang lupalop at saang industriya. 

8. Pag-edad mo ng lampas tatlumpu ay magsisimula nang tamarin ang scalp mo na patuloy magpasibol ng buhok. Lalo pa kung smoker ka. Kaya para maiwasan ang pagka-turn off ng nililigawan mong teen ager (cradle snatcher!) nararapat lang na alamin ang mga paraan para makaiwas sa maagang pagka-kalbo. Sabagay may paraan naman para ma-counter ang speedy top gone syndrome na yan...subukan ang shampoo ng kabayo, ahitin na lahat ng buhok sa itaas pagkatapos humarap sa salamin at sabihin sa scalp na 'haha naunahan kita!', mag-peluka tulad ng ginagawa ni Eddie Gil o kaya naman ay magpa-tattoo ka sa tuktok mo para mukha ka pang gangsta! 

9. Prone ka sa away kung nakalbo ka na kasi tuwing dadaan ka sa tindahan ni aling Sepa eh tutuksuhin ka at pagtatawanan ng tropang long hair na oblak! oblak! oblak! 

10. Kung malaki ang ulo mo at nakalbo ka na eh baka mapagkamalan ka walking bombilya...worse...baka walking etit lalo na kung may balbas ka at malaki ang tyan mo.
 

Ano nasa loob ng bahay nyo?
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.19.2007 @ 11:01 am | Last edited: Aug.18.2007 @ 10:16 pm


Ano ang makikita mo sa isang pangkaraniwang bahay ng pamilyang Filipino noon? Tara ng pumasyal sa lumang bahay ni Juan De La Cruz at makita ang sampung bagay na hindi makakatakas sa iyong paningin...

  1. Diploma ng mga anak. Isama na rin ang certificate sa CAT. Isa sa mga pinakamahalagang pamana sa mga anak ang edukasyon kaya naman ang mga nanay at tatay ay proud na proud na i-display ang iyong diploma ng pagtatapos sa Mababang Paaralan ng Muzon.
  2. Photo album ng pamilya na pinagmamalaki sa mga bisita. Makikita ng mga bisita nyo ang mga bungi bungi mong ngipin nung nag 7th birthday ka at kung paano ka sumayaw ng Twist and Shout nung Grade 1 ka pa lang. Sasabihin ng bisita: "dyusmiyo si bunso mo pagkipayat-payat pala nung bata! anong ginawa mo at lumobo yan!".
  3. Laruan ni Bunso na naka display. Kawawang bunso. Ibinili ng laruan na hindi naman magamit sa paglalaro kasi andun sa taas ng istante naka-display lang at hindi pwede galawin baka raw kasi masira sa paglalaro.
  4. Maliliit na bote ng Johnie Walker, Chivas, J&B atbp alak na iniuwi ni tatay mula sa abroad. Souvenir items daw ito mula sa eroplano or mula sa hotel kung saan nag stop over si tatay. Kung may bisita at kinapos ang Ginebra eh pwede na rin ito buksan panghusto.
  5. Mga casette tapes na patong-patong. Iginawa pa talaga ni kuya ng cabin ang bawat tapes mo ng Asin, Freddie Aguilar, Queen, Nazareth, Survivor, Francis M, Vanilla Ice, MC Hammer, Eagles, Michael Jackson, Madonna, Beatles, Bee Gees, etc. Syempre ang mga pinaka paborito at pinakasikat ay within arm's reach lang at ang mga luma at tapes ng mga hindi naman kilalang banda eh andun sa sulok.
  6. The Last Supper reproduction protrait sa silid kainan. Para madagdagan daw ng sustansiya ang ulam na tuyong dilis kahit papaano.
  7. Wakasan, Funny, True Horoscope Stories, Seksing Tapusan (ST) atbp. Mga Pinoy komiks na talaga namang nakaka-miss na. Anong sinabi ng Japanese Manga at mga American comics diyan. Isama mo pa ang Liwayway magazine, ang Bomba komiks at ang iba't ibang tabloid katulad ng Abante, Taliba at Remate. Sigurado palaging meron mababasa sa ilalim ng center table sa bahay ni Juan.
  8. Songhits. Kung meron komiks at tabloid syempre hindi mawawala ang songhits. Likas na hilig ni Juan ang musika. Kung hindi gagamitin sa paggi-gitara, kodigo naman sa karaoke kung ang nabili mong multiplex ay walang lyric sheet.
  9. Walis Tambo na gawang Baguio. Hindi mawawala sa bawat tahanang Pinoy ang walis tambo (a.k.a. Lasa Broom) na gawang Baguio. Pagkatapos mag linis ng bahay ni nanay (minsan lang ako tumulong sa gawaing bahay, solo lahat ni Nanay) eh gustong gusto ko gagawing laruan ang walis tambo namin. Pamaypay ba katulad ng napapanood ko sa mga lumang pelikula na pinapaypayan ang hari ng isang malaking pamaypay na parang walis tambo.
  10. Gagambang bahay, butiki, lamok. Hayan... ang mga bahay lamang na wala ng mga kulisap na yan ay yung mga airconditioned at situated sa polluted na lugar sa Maynila, yung mga pang-mayaman na makaka-aafford kumuha ng serbisyo ng dalawa o mahigit pang tsimay at tsimoy.
 

Kung Bakit Hindi Magandang Pigilin ang Pagtawa
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Aug.01.2007 @ 5:41 pm

Itong isang secretary ko sa office eh mahilig magpigil sa pagtawa... Halata siya pag nagbabasa lang ng forwarded jokes sa e-mail kasi nakalabas ang ipin at nagpipigil sa pagtawa...ang sagwa ng hitsura... Kaya kung natatawa ka na rin lang eh itawa mo na. Bumunghalit ka na! Todo mo na sabi nga ni Ruffa Mae. Kasi kung hindi eto ang maaaring mangyari sa yo:
  1. Mag LAKI - liit - LAKI - liit ang butas ng ilong mo (OoOoOo) kasi ang extra hangin na exhale mo sa ilong lahat ang labas.
  2. Kumalog pataas - pababa ang mga balikat (nanginginig) mo na parang inaatake ka ng hasthma sabi nga ng Pampangeño.
  3. Mapautot ka ng malakas. Hindi mo na makokontrol ang utot mo pag kinokontrol mo ang pagtawa believe me. Pag nakaya mo yan bilib ako sa yo.
  4. Mapa-ipot ka (parang manok). See number three.
  5. Atakihin ka sa puso at mamatay on the spot.
  6. Kung lalaki ka naman, maaaring isang cause ng pagliit ng patotoy. Napatunayan na ito sa maraming scientific experiments na ginawa ni Dr. Xerex.
  7. Hindi mo rin makayanan at mapatawa ka with your mouth producing a sound like that of utot...with your saliva (and uhog kung may sipon ka) expelling violently from your mouth.
  8. Mabasa ang kilikili mo kasi mataas na energy ang ginagamit ng katawan natin pag nagpipigil tayo ng mga natural sa atin. Parang pag nagpipigil ka sa pag-ebs.
  9. Malunok mo ang pustiso mo maging sanhi ng pagka choke at pagkamatay.
  10. Hindi mo rin makayanan at tumalsik ang pustiso mo parang si Allan K.
 

Paboritong Boses
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.23.2007 @ 10:10 am | Last edited: Jul.22.2007 @ 8:04 pm

Hindi ako napagkalooban ng fantastamizingly, malupit and sexy voice. Pangkaraniwan lang. Ano kaya kung ang vocal chords ng tao ay naipapa adjust so that you may sound like your favorite singer, speaker or actor? Matutupad na kaya ang pangarap ko to sound like Morgan Freeman when speaking and Rico J. Puno or Tom Jones when singing? Siguro patungi na rin sa ganitong senaryo ang ating kaalaman at teknolohiya sa medisina. Narito ang listahan ng aking mga pinaka-paboritong boses sa balat ng lupa...
  • Morgan Freeman - He is recognized for his distinctive voice, making him a frequent choice for narration. I especially liked his role in Bruce Almighty as God and his work as a narrator in the 2004 blockbuster War of The Worlds. Mayroon pa siyang mga susunod na movies to be released this year and in 2008 katulad ng The Bucket List, The Feast of Love, Wanted at The Dark Knight ang sequel ng Batman Begins kung saan siya pa rin ang gaganap na Luscius Fox.
  • Rico J. Puno - Perhaps one of the best voices in Philippine music industry. Siya ang tunay na total performer sa aking opinyon. Yes better than Gary V. His talent, wit and rumor brings absolute joy to his audience everytime he does a concert, show or even when just emceeing a particular event.
  • Tom Jones - Has a big voice to go with his exuberant live acts on the stage.
  • James Earl Jones - Tatay ni Tom Jones? Hindi! Siya ang gumanap na King Jaffe Joffer na ama ni Eddie Murphy (as Akeem Joffer) sa movie na Coming to America.
  • Steven Tyler - Frontman ng Aerosmith band. Tinatawag din siyang The Demon of Screamin'. Gusto ko lang magkaroon ng kakayahan na kumanta like a rockstar and do the screaming part in those hard core songs I like.
  • Jennifer Hudson - Siyempre ang sagwa naman kung lalaki ako tapos pam-babae ang boses ko. Eto naman ay kung papipiliin ako sa mga babaeng boses. Buong buo kasi ang kanyang singing voice. Nakaka-addict nga paulit ulitin ang mga song numbers nya sa Dreamgirls.
  • Rob Thomas - She said "I don't know if I've ever been good enough."
 

Turn On
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.15.2007 @ 11:57 am
10 Turn Ons sa isang dilag:
  1. Amoy Cream Silk ang buhok pag dumaan sa harap mo
  2. Magaling magdala ng porma at ismarte
  3. Maputing ngipin, mamulamula slash pink na dila at pinkish na utong gilagid
  4. Waxed legs, thighs, butt at harap ng butt
  5. Walang amoy at maputing kilikili...yung parang inadobe photoshop
  6. 5'4 pataas
  7. May ngiting pang-Colgate commercial
  8. Long legged (saklob)
  9. Taling na walang buhok o mulmul sa ibaba ng labi
  10. Makinis na kutis parang fresh na kamatis
Turn Off
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.15.2007 @ 11:51 am
  1. Buhok sa kilikili
  2. Basang kilikili o Jabar
  3. Dilaw na ngipin
  4. Walang ngipin
  5. Maitim na gilagid = maitim na buto
  6. Babaing kapre = babaing nagyoyosi
  7. Anghit slash putok slash boga
  8. Maputing dila (punong puno ng bacteria yan)
  9. Mas madaldal pa sa loro (salita ng salita pero non sense)
  10. Unana 
When the pimp's in the crib ma, drop it like it's hot...
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.01.2007 @ 9:12 am | Last edited: Jun.30.2007 @ 7:49 pm

 

When the pimp's in the crib ma
Drop it like it's hot (x3)
When the pigs try to get at ya
Park it like it's hot (x3)
And if a nigga got an attitude
Pop it like it's hot (x3)
I got the rolly on my arm and I'm pouring Chandon
And I roll the best weed cause I got it going on

 Wala kang magawa kaya
  1. Binabasa mo ang blog na ito kahit oras ng opisina.
  2. Nagchachat ka sa YM habang nagba-browse ng random web sites.
  3. Nangungulangot at nakatitig ka sa harap ng computer mo.
  4. Nagkukunwari ka na busy kaya todo type ka (chatting) at basa (reading this).
  5. Uuwi ka ng maaga at gigimick kasama ang iyong office mates/friends.

Wala kang pera kaya
  1. Hindi ka makakasama sa gimick ng barkada mamaya. Mahirap naman yung sabit ka lang. Diretso ka sa bahay after work para manood na lang ng Lupin.
  2. Pilit ka nag-aaral mag rap at gayahin ang porma ni Snoop Dogg para yumaman. Napanood mo kasi sa MTV Cribs kung gano kayaman ang mga egoy na rappers.
  3. Pangungulangot at Pag-i-internet ng libre sa opisina na lang muna ang libangan mo.
  4. Nagbabaon ka ng lunch mo kaysa kumain sa labas during lunch break.
  5. Nagtyatyaga ka sa Lucky Me noodles/pancit canton tuwing umaga. Kung talagang kinukulang sa budget magba-brunch ka na. Kung WWW ka na eh susubukan mo na rin ang bruncher (breakfast + lunch + dinner) in one sarap meal.
  6. Tinitipid mo ang load mo. Sagad-sagaran ang bawat message to the point na mahirap na intindihin. 3 Paragraphs in 1 SMS sent.
  7. Gumawa ka na lang instead na bumili ng birthday card na bibigay mo sa iyong BF/GF his/her birthday. Mas sweet ikamo kasi may personal touch.
  8. Napalampas mo ang Spider Man 3 at Pirates of the Caribbean sa sinehan. Mas mura ang pirated DVD sa black market kaya nagtyaga ka sa patigil tigil na DVD. Bumawi ka na lang sa sounds. Full volume.
  9. Sa TV mo na lang papanoorin ang playoff games ng paborito mong PBA team kahit na die hard fan ka.
  10. Paunti-unti mong binabasa ang favorite magazine mo sa bookstore kahit na may sign board na nakasulat ang: No Private Reading.

Wala ka pang Boyfriend kasi
  1. Lalaki ka
  2. Isa kang baklang dragon na walang pera
  3. Isa kang babae na subject sa first hit song ni Andrew E.
  4. May gatas ka pa siguro sa labi at nasa nursery school pa lang.
  5. Masyado mataas ang standards mo at feeling mo kasing ganda mo si Scarlett Johansson.
  6. Hindi pa pumuputi ang uwak.
  7. Siguro ang pangalan mo ay Cristy Fermin. Buti pa yung matandang mangkukulam manghuhula.
  8. Tomboy ka
  9. Hindi mo pa rin makita si Mr. Right. Bakit? Kasi kasama sya palagi ni Mrs. Right.
  10. Madre ka at si Father ay pagkatorpe-torpe.

Wala ka pang Girlfriend kasi
  1. Babae ka at hindi mo feel magpaka tomboy.
  2. Supot ka pa.
  3. Isa kang kuripot na tomboy.
  4. Twin brother ka ni Eddie Gil.
  5. Bread winner ka at priority mo ngayon ang kapamilya mo.
  6. Hinihintay mo pa rin ang time na maipakilala sa yo si Maria Sharapova, ang iyong fantasy girl.
  7. Silahis at malambot ang image mo kaya one of the girls ang tingin sa yo ng mga kalahi ni Eba.
  8. Ang alam mo lang na sports ay pitik bulag.
  9. Nasa loob ka ng seminaryo at off limits si Sister.
  10. Eraserheads die hard fan ka. Hey Jay isa kang Torpedo, Fruitcake (Juicy Fruit flavor), Kaliwete at Julie Tearjerky. Sembreak na, Slo Mo ka pa rin sa panliligaw kay Toyang. Minsan mo lang sya na-Harana yung, Superproxy mo pa ang kumanta ng Huling El Bimbo. Always With A Smile ka nga, Poorman's Grave pa rin ang arrive mo kahit todo Overdrive ka pa. Kaya minsan mag hagis ka na lang ng coin sa Wishing Wells while you are on a Trip to Jerusalem.


Current Page 1
1 2 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org