|
| 1
2
| >
>>
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Sep.05.2008 @ 7:26 am
| Last edited: Sep.04.2008 @ 5:47 pm |
Kamakailan ay napabalita ang balak ng ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao na magretiro na 2-3 laban matapos ang pakikipagbasagan ng mukha kay Oscar De La Hoya. Hindi kaya masyado pa siyang bata para tumigil sa pagboboksing? Sabagay sa dami ng mabibigat na laban na kanyang pinagdaanan maaaring ikusidera na isa na siyang matandang 29 years old. Hindi kasi natatakot sa anumang pagsubok sa ibabaw ng ring ang ating bida. Subalit di pa rin mawala sa madumi kong isip ang mga maaaring dahilan kung bakit magreretiro na si Manny in such a very young age. Narito ang ilang dahilan na aking nakikinita sa mahiwang kristal:
- Paghahandaan nya ang pagtakbong muli sa politika. Target niya daw ay ang congressional seat sa South Cotabato, last term na kasi ng nag knock out sa kanyang babae na si Cong. Darlene Custodio.
- Susuportahan niya raw si Obama at kailangan niya magpa surgery kay Dr. Belo para maging mas lalo silang magkahawig.
- Tatapusin niya daw ang kaniyang pag-aaral ng management course sa University of Notre Dame sa South Cotabato.
- More time sa kanyang pangalawang paboritong 'sports' na sabong.
- More time with his
second family.
- Susubukan niya ulit ang kanyang tikas sa paulit ulit na chicks hunting sa Embassy bar.
- Gagawa siya ng sandamukal na pelikula.
- Magpapatuli si Manny.
- Magpapa sex change si Manny.
- Pakakasalan ni Manny si Ara Mina sa Las Vegas.
- Kinukuha siyang point guard ng Magnolia bilang pamalit kay Olsen Racela.
- Magpaparetoke siya ng ilong.
- Susulat siya ng mahabang serye ng babasahin at kailangan niya ng maraming panahon na walang abala. Ang mga pamagat: 'I Would Like To Thanks Madam Prisident', 'Paano Yumaman Gamit ang Kinumo', 'Daghan Tsiks Sa Imbasi!', 'Ang Sikretong Kiliti ni Oscar De La Hoya', 'Walang Tsiks na Pangit sa Titing Galit', 'Ang Umayaw sa Laban Supot!' at 'My Bestfriend Chavit'.

Manny Pacquiao y Obama
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.04.2008 @ 10:20 am
|
Kapag ako ay nababagot, kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko. Kaya heto na naman at merong mga katanungan akong naisip na parang ang hirap yatang sagutin. Kung buhay pa sana si Mang Ernie Baron baka sakaling mabigyang linaw niya ang mga sumusunod na walang ka kwenta kwentang tanong:
- Ano ang function ng suso sa katawan ng lalaki?
- Totoo bang nakakaliit ng etit ang pagbubuhat ng mabigat na barbel?
- Sino ang Fashion Adviser ni Pres. GMA?
- Kung matunaw ang lahat ng yelo sa Antarctica, ilang isla ang malulubog sa tubig sa Pilipinas?
- Bakit may tunog ang utot?
- Bakit mabaho ang utot? (Para ma-enjoy din siya ng mga taong bingi?)
- Totoo bang mas malaki ang sweldo ng mga Pari, Ministro, Pastor, Bradermayk at BraderEli kesa sa mga Senador?
- Laos na ba si Boy Abunda?
- Bakit tumitigas ang utong pag malamig?
- Ang dighay ba ay utot na lumabas sa bibig?
Eto pa yung iba:
- Bakit nakapikit ang mga mata kapag humahatsing o bumabahin?
- Kailan mauubos ang apoy ng araw?
- Bakit tinawag na Living Legend si Jaworski?
- Bukod sa tulog, ano ang gamot sa antok?
- Totoo bang pag malapad ang noo ng babae malapad din ang pisngi ng langit?
Malapit na yata akong mabuwang. Kulang lang siguro ako sa tulog.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.21.2008 @ 7:34 am
|
My Top 10 Possible Reasons Sa Pagpapalaya kay Ces
1. Nagsawa sa byuti niya ang mga abductors. 2. May regla siya at walang baon na whisper with wings. 3. Malakas siyang kumain, lalo na ng kanin, kaya di siya pwedeng bihagin ng matagal. Mahal yata ang bigas sa ngayon. 4. Nagsawa na sa dalawang lalaki ang mga kidnappers. Si Ces pala ay sabit lang. Yung professor pala talaga ang tayp ng mga hunghang. 5. Kumita na at nakilala si Isnaji. 6. Wala ng bagong dance moves na maipakita si Ces kaya tapos na ang show at pinalaya na. 7. Nabisto na ang moro-moro na pagkidnap daw. 8. Pinalayas na si Ces sa Sulu 5 Star Jungle hotel dahil sa tagal niya magbayad ng board and lodging. Talbog ang tseke, kanselado ang credit card at Tito, Vic and Joey ang nasa tig-iisang libong pera na ibinayad niya. 9. Tapos na ang kontrata ng mga hunghang at patuloy silang natatalo sa rating ng Dyesebel kaya dapat ng humanap ng mas seksi at mas magandang biktima. Ces vs. Dyesebel? No Match talaga! 10. Tapos na ang pila balde.Ano nga pala ang apelyido ni Ces? Dinyon? Ces Dinyon? :-)
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.02.2008 @ 8:43 am
|
Nakakainis talaga kapag... 
- Umutot yung katabi mo sa elevator sabay tanong sa 'yo kung mabaho ba.
- Male-late ka na sa trabaho tapos si mamang tsuper ay pumila pa sa Petron para magpa-gasolina...full tank pa shet!
- Coffee break sa office at naubusan ng kape sa pantry.
- May kumanta ng pambansang awit at nagkamali o nalimutan ang lyrics...pati na yung pilit na binabago ang saliw nito.
- Pagbukas mo ng TV mukha ng politiko na nakangisi pa ang una mong makikita.
- Ang headline sa pahayagan ay tungkol sa pagbubuntis ng anak ni Osang o ang pinaka-latest liposuction ni Kris o ang bagong lalaki sa buhay ni La Gretta.
- Tulo pa rin ng tulo ang sipon mo kahit isang tabo na ang naisinga mo (Eeewww, Euuucch sabi nga ni ate Pipin).
- Araw ng botohan kasi feeling ko ang mga botante ay pumipili lang ng tao na gagastos ng pera ng Pilipinas.
- Nakakakita ako ng pulis na mas malaki pa ang tiyan sa akin.
- Napagkakamalan akong pulis! At least di na ako pinagbayad sa jeepney nung isang beses na akala ng mamang tsuper ay pulis ako.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Feb.28.2008 @ 2:50 pm
|
Habang naghihintay ako sa aking sekretarya na tapusin nya ang aking pinagagawa eh umandar na naman ang aking malikot at nabuburyong na utak. Naalala ko na naman ang mga tanong na matagal ko nang hinahanapan ng matinong kasagutan. Sana may makatulong. Eto na:
- Ano ang function ng pubic hair sa buhay ng tao? May silbi ba talaga ito?
- Bakit pag tumatanda nagkakabuhok sa tainga?
- Bakit nakataas ang isang paa pag umiihi ang aso?
- Kung ipinaglihi ka ng nanay mo sa aso nakataas din kaya ang isang paa mo kapag iihi ka?
- Totoo bang kayang mag push up ng mga tomboys gamit ang dila?
- Ano ba talaga ang nauna, itlog o manok? Hindi kaya sisiw?
- Sino ang nag-imbento ng internet (bwhahaha)?
- Kung buhay si Diosdado Macapagal proud kaya sya kay Gloria ngayon?
- Bakit nagbubungguan ng ulo ang mga langgam pag nagkakasalubong?
- Bakit ang letters sa keyboard hindi arranged alphabetically? Bakit ang numbers sa keyboard arranged in a correct ordinal sequence?
May mga extra pa ako na katanungan.. sumobra sa Top Ten...
- Nananaginip kaya ang isang taong bulag? Ano kaya nakikita nya?
- Meron kayang alarm clock para sa mga bingi?
- Bakit sa labas ng pants nya mag brief si Superman?
- English din ba ang salita ng mga hayop sa America? (Aw! Aw! = Arf! Arf!; miyaw = meow; tiktilaok! = cock-a-doodle-doo!; siyap-siyap = chirp, chirp)
- Gano ba kamahal ang panty sa Amerika at hindi makabili ng isa si Britney Spears?
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Nov.21.2007 @ 9:17 am
|
Sampung Dahilan Bakit Nag-aaway si Juan at Juana
- Nagger si Juana. Pasensya na sa mga ladies in the house at problema agad sa babae ang aking naunang ilista. Hindi naman talaga maiiwasan na ang umpisa or dahilan ng alitan ng mag-asawa (or kahit mag-dyowa pa lang) ay ang pagiging nagger ni babae. Si Juan pa naman ayaw n'ya nang binubungangaan (ooops).
- Lasenggero si Juan. Hiks! Yan ang paboritong sabihin ni Juan pagkatapos n'ya mag-inom sa kanto. Uuwi sa bahay at aawayin si Juana at ang mga anak. Sino ba namang matinong Juan ang ganito ang asal?
- Babaero si Juan. Naku...hindi lang sampal ang aabutin kay Juana! Bugbog sarado si Juan sa sermon at posible pang magka-hiwalayan. Kawawang mga anak.
- Lalakero si Juan. Well, napakalaking insulto ito para kay Juana. Hindi nakuntento sa kanya si Mister kaya naghanap ng...lalaki. Mas maganda pa siguro kung babae ang hinanap! Ewan ko lang kung hindi rin ito mauwi sa hiwalayan.
- Lalakero si Juana. Nag-abroad si Juan. Nagpadala ng pera. Sumulat (e-mail, di na uso ang snail mail) at nag text. Tumawag at nagsabing miss na miss na si Juana at ang kanilang mga anak. Si Juana, hindi nakayanan ang lungkot at tukso. Pumatol sa ibang lalaki. Kawawang Juan.
- Bayolente si Juan. Lasing /bangag man o hindi, walang K si Juan na saktan physically si Juana. Oo mga machong mister diyan, ang babae po ay minamahal hindi sinasaktan.
- Money Matters. 'Money is the root of all evil' wika nga nila. Isa ito sa mga mahirap lampasan. Kung mahirap at kapos sa pera sigurado may away at pag-dadalawang isip lalo na si Juana. Kung sobra-sobra naman ang pera ang away ay kung paano ang hatian at ang tamang pagba-budget. Maaaring maging sugarol ang alin man kay Juan at Juana o maging maluho sila pareho. Dito na lalabas ang sumbatan blues.
- Hygiene. Naalala ko ang isang mag-asawang kapit-bahay ko. Iniwan ni misis si mister kasi hindi n'ya na raw matiis ang baho ng kilikili. Yes mga kapatid, may anghet o putok si mister! Sa sobrang pag-iibigan nakalimutan na maligo.
- Kakulangan ng oras sa isa't isa. Maaring nasobrahan ng sipag si Juan/Juana o kaya naman ay dala ng barkada kaya wala ng oras mag bonding at maglambingan sina Juan at Juana. Alalahanin na ang foremost priority sa isang relasyon ay ang karelasyon!
- Listening but not hearing. Heto ang dapat tandaan ng mga magsing-irog. There's a big difference between Listening and Hearing. Maaring nandiyan ka palagi para mag-listen sa iyong partner pero ang tanong...do you really hear his/her heart's message? You listen with your ear but you hear with your heart.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Oct.12.2007 @ 7:54 am
|
The Ten Things I Like About Online Chatting
1. Eats my time. Wow! This is like the best thing to ever come up over the internet for bored and shy people like me (shy daw oh) who has lots of time to waste. 2. Meeting friends / chatmates around the world. This is the fastest way to meet people from around the world. Instant connections!
3. I can exercise my tongue thru my fingertips. Since I am not really a garrulous, blabbermouthed, talkative guy in person I get to experience being madaldal in online chatting without getting out of my comfort zone.
4. I get to pile up my collection of friends in Friendster! Hindi ko na nga kilala mga na-add ko hehehe. 5. Get's me thru homesickness and clear's my mind of anxiety. 6. Learning basics of different languages. Learning how to be polite and respectful to different chatters who came from different cultures, upbringing and places. Learning more things that I can't enumerate here.
7. Source of free mp3s, movie links, e-books, etc. Even YouTube links and other informative web site URLs pwede matanong sa mga web addicts roaming around the chatrooms.
8. Cool scripts really excite a programmer like me. 9. I can project myself differently as often as I'd like to. I can even be the person I wanted to be!
10. Funny / corny jokes, surprising / irritating side comments, heated debates, smileys and a lot more. A whole lot of fun!
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.31.2007 @ 7:38 am
| Last edited: Aug.30.2007 @ 6:34 pm |
"Anong paki mo sa long hair ko! Inggit ka lang kasi ikaw nakakalbo!"
Bakit kailangan alagaan ang buhok? Kasi kasama sa overall image ng isang tao ang buhok! Meron pa nga tayong mga katoto d'yan na nagsasabing 'galawin mo na ang asawa ko, wag lang ang buhok ko'. Sa tingin ko narito ang mga dahilan kung bakit natin kailangan na bigyan ng mabuting pagkalinga ang ating hokbu: 1. Dahil sa ito ang nasa kataasang lugar ng parte ng katawan na tao, ito palagi ang unang mapapansin. Hindi ka ba nagtataka na kahit super japorms ka, pagpasok mo sa opisina batiin ka ng tanong ni opismeyt na 'mahangin ba sa labas?'. Classic example na hair comes first.
2. Kahit wala kang pinag-aralan at tambay ka sa kanto Tinio puwede ka pa rin kumita sa pagmomodel gamit ang iyong long, black shiny hair! Maaari kang makuha sa mga komersiyal ng Rejoice, Sunsilk, Cream Silk, Head and Shoulders, Pantene at Vaseline.
3. Kung mahirap ang buhay at hindi na kayang maka-afford ng cologne eh mabisang pang-akit na rin ang mabangong amoy ng buhok. Hindi naman kamahalan ang mga naka-sachet na shampoo and conditioner. Marami pa rin maaakit sa iyo kung mabango at maganda ang mahaba mong buhok kahit na kulang ka sa rikit at ganda.
4. Walang tatabi sa 'yo sa jeepney kung ang buhok mo ay nanlilimahid, nanlalagkit at mukhang may tumutulong gata ng niyog!
5. Sa init ng panahon sa Pilipinas kailangan ng mga Pinoy ang healthy na buhok kung hindi ay magbi-biyak biyak ang dulo nito at magmumukha kang isang tao na sinakluban ng walis tambo sa ulo.
6. Hindi ka pasasakayin sa eroplano papuntang isteyts kung marami kang lisa macuja at kutomb riders diyan sa buhok mo unless i-declare mo na you are travelling with your pets. Ikukulong nga lang sila (pets mo) sa isang hawla...at malamang kasama ka. Nasira pa ang iyong pangarap na makapamasyal sa lupain ni ankol sam at makapag-asawa ng supot na kano.
7. Mas madaling matanggap sa trabahong pang opisina at
pampubliko ang mga taong may maayos at presentable na hairstyle. Totoo
na nag-eexist ang bias sa hitsura ng isang tao kahit saang lupalop at
saang industriya.
8. Pag-edad mo ng lampas tatlumpu ay magsisimula nang tamarin ang scalp mo na patuloy magpasibol ng buhok. Lalo pa kung smoker ka. Kaya para maiwasan ang pagka-turn off ng nililigawan mong teen ager (cradle snatcher!) nararapat lang na alamin ang mga paraan para makaiwas sa maagang pagka-kalbo. Sabagay may paraan naman para ma-counter ang speedy top gone syndrome na yan...subukan ang shampoo ng kabayo, ahitin na lahat ng buhok sa itaas pagkatapos humarap sa salamin at sabihin sa scalp na 'haha naunahan kita!', mag-peluka tulad ng ginagawa ni Eddie Gil o kaya naman ay magpa-tattoo ka sa tuktok mo para mukha ka pang gangsta!
9. Prone ka sa away kung nakalbo ka na kasi tuwing dadaan ka sa tindahan ni aling Sepa eh tutuksuhin ka at pagtatawanan ng tropang long hair na oblak! oblak! oblak!
10. Kung malaki ang ulo mo at nakalbo ka na eh baka mapagkamalan ka walking bombilya...worse...baka walking etit lalo na kung may balbas ka at malaki ang tyan mo.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.19.2007 @ 11:01 am
| Last edited: Aug.18.2007 @ 10:16 pm |

Ano ang makikita mo sa isang pangkaraniwang bahay ng pamilyang Filipino noon? Tara ng pumasyal sa lumang bahay ni Juan De La Cruz at makita ang sampung bagay na hindi makakatakas sa iyong paningin...
- Diploma ng mga anak. Isama na rin ang certificate sa CAT. Isa sa mga pinakamahalagang pamana sa mga anak ang edukasyon kaya naman ang mga nanay at tatay ay proud na proud na i-display ang iyong diploma ng pagtatapos sa Mababang Paaralan ng Muzon.
- Photo album ng pamilya na pinagmamalaki sa mga bisita. Makikita ng mga bisita nyo ang mga bungi bungi mong ngipin nung nag 7th birthday ka at kung paano ka sumayaw ng Twist and Shout nung Grade 1 ka pa lang. Sasabihin ng bisita: "dyusmiyo si bunso mo pagkipayat-payat pala nung bata! anong ginawa mo at lumobo yan!".
- Laruan ni Bunso na naka display. Kawawang bunso. Ibinili ng laruan na hindi naman magamit sa paglalaro kasi andun sa taas ng istante naka-display lang at hindi pwede galawin baka raw kasi masira sa paglalaro.
- Maliliit na bote ng Johnie Walker, Chivas, J&B atbp alak na iniuwi ni tatay mula sa abroad. Souvenir items daw ito mula sa eroplano or mula sa hotel kung saan nag stop over si tatay. Kung may bisita at kinapos ang Ginebra eh pwede na rin ito buksan panghusto.
- Mga casette tapes na patong-patong. Iginawa pa talaga ni kuya ng cabin ang bawat tapes mo ng Asin, Freddie Aguilar, Queen, Nazareth, Survivor, Francis M, Vanilla Ice, MC Hammer, Eagles, Michael Jackson, Madonna, Beatles, Bee Gees, etc. Syempre ang mga pinaka paborito at pinakasikat ay within arm's reach lang at ang mga luma at tapes ng mga hindi naman kilalang banda eh andun sa sulok.
- The Last Supper reproduction protrait sa silid kainan. Para madagdagan daw ng sustansiya ang ulam na tuyong dilis kahit papaano.
- Wakasan, Funny, True Horoscope Stories, Seksing Tapusan (ST) atbp. Mga Pinoy komiks na talaga namang nakaka-miss na. Anong sinabi ng Japanese Manga at mga American comics diyan. Isama mo pa ang Liwayway magazine, ang Bomba komiks at ang iba't ibang tabloid katulad ng Abante, Taliba at Remate. Sigurado palaging meron mababasa sa ilalim ng center table sa bahay ni Juan.
- Songhits. Kung meron komiks at tabloid syempre hindi mawawala ang songhits. Likas na hilig ni Juan ang musika. Kung hindi gagamitin sa paggi-gitara, kodigo naman sa karaoke kung ang nabili mong multiplex ay walang lyric sheet.
- Walis Tambo na gawang Baguio. Hindi mawawala sa bawat tahanang Pinoy ang walis tambo (a.k.a. Lasa Broom) na gawang Baguio. Pagkatapos mag linis ng bahay ni nanay (minsan lang ako tumulong sa gawaing bahay, solo lahat ni Nanay) eh gustong gusto ko gagawing laruan ang walis tambo namin. Pamaypay ba katulad ng napapanood ko sa mga lumang pelikula na pinapaypayan ang hari ng isang malaking pamaypay na parang walis tambo.
- Gagambang bahay, butiki, lamok. Hayan... ang mga bahay lamang na wala ng mga kulisap na yan ay yung mga airconditioned at situated sa polluted na lugar sa Maynila, yung mga pang-mayaman na makaka-aafford kumuha ng serbisyo ng dalawa o mahigit pang tsimay at tsimoy.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.01.2007 @ 5:41 pm
|
Itong isang secretary ko sa office eh mahilig magpigil sa pagtawa... Halata siya pag nagbabasa lang ng forwarded jokes sa e-mail kasi nakalabas ang ipin at nagpipigil sa pagtawa...ang sagwa ng hitsura... Kaya kung natatawa ka na rin lang eh itawa mo na. Bumunghalit ka na! Todo mo na sabi nga ni Ruffa Mae. Kasi kung hindi eto ang maaaring mangyari sa yo:
- Mag LAKI - liit - LAKI - liit ang butas ng ilong mo (OoOoOo) kasi ang extra hangin na exhale mo sa ilong lahat ang labas.
- Kumalog pataas - pababa ang mga balikat (nanginginig) mo na parang inaatake ka ng hasthma sabi nga ng Pampangeño.
- Mapautot ka ng malakas. Hindi mo na makokontrol ang utot mo pag kinokontrol mo ang pagtawa believe me. Pag nakaya mo yan bilib ako sa yo.
- Mapa-ipot ka (parang manok). See number three.
- Atakihin ka sa puso at mamatay on the spot.
- Kung lalaki ka naman, maaaring isang cause ng pagliit ng patotoy. Napatunayan na ito sa maraming scientific experiments na ginawa ni Dr. Xerex.
- Hindi mo rin makayanan at mapatawa ka with your mouth producing a sound like that of utot...with your saliva (and uhog kung may sipon ka) expelling violently from your mouth.
- Mabasa ang kilikili mo kasi mataas na energy ang ginagamit ng katawan natin pag nagpipigil tayo ng mga natural sa atin. Parang pag nagpipigil ka sa pag-ebs.
- Malunok mo ang pustiso mo maging sanhi ng pagka choke at pagkamatay.
- Hindi mo rin makayanan at tumalsik ang pustiso mo parang si Allan K.
|
|
|
Current Page 1
1
2
| >
>>
|
|
|