|
| 1
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Mar.18.2008 @ 8:53 am
| Last edited: Mar.18.2008 @ 2:29 am |
CNSHS Hymn Jerico Vasquez Alma Mater, dearest school Teach art and science through land
Send thy light thy name apart
Sing her praise to the sky
You stand upon the heights
Forever song on high
To thee, we give our sincere loyalty Dear school
For her lasting memories
We give her victory
We receive thy lasting light
Our shelter and our guide
High school days are memories Of happiness and love
CNSHS we give you love and praise
CNSHS we give you love and praise |
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Mar.12.2008 @ 9:54 am
| Last edited: Mar.11.2008 @ 8:43 pm |
| Dear Batchmate, Nag-rewind na naman ang alaala ko kanina at napunta ako dun sa Love Team section ng mayamang database ng ating batch. Medyo kulang lang ako sa tulog kaya hindi ko makumpleto ang listahan na ito. Ang mga lantad na pag-iibigan lang ang aking mga natandaan. Here it goes: 1. Imhaem & Eryl. Ang dalawang loveydoo na ito ang pinaka-sweet sa lahat ng love teams natin. Halos langgamin na nga silang dalawa. Bagay na bagay talaga sila and I don't think meron kumontra. Si Imhan ba naman na siyang nanalo sa CNSHS Beauty and Popularity Contest (di ko na matandaan ang exact title ng pakontes) ay ipares mo kay tall, dark and handsome na si Eryl eh parang match made in heaven. Latest update: Break na sila after a long relationship. Sayang naman. 2. Marife & Carlson. Kung di lang sila nagkahiwalay ng section nung 4th year ay baka sila ang nasa top spot natin beating Imhan and Eryl. Like our number one couple, punong-pino sila ng sweetness sa isa't isa. Pag pasok mo pa lang sa classroom namin ay di maaaring di mo sila mapapansin. Minsan nga sa Advanced Biology class ni Mrs. Gila ay tinawag si Carlson para tanungin about the lesson at di niya nasagot kasi masyado siya focused kay Fe. Bagay na bagay talaga sila, isang magandang babae at isang math wizard na paru-paru. Latest update: Di ko sure kung sila pa pero I don't see anything sa friendster profiles nila na magpapatunay na sila pa nga.
3. Janice & Alvin. Itong double brod ko na si Alvin ay pilyo na complete opposite ni Janice na saksakan ng bait. IMHO (at least nung 1994-98), the only thing they have in common ay ang curly hairs nila. Pero dahil sa in the name of love (hahaha sablay na ako) sila pa rin ang isa sa more popular and interesting couples ng batch. Isa ako sa boto sa tambalan na ito. The Good (Janice), the bad (Brod Alvin, peace bro) and the ugly (ako yun, ang witness). Kelan kaya ang kasal? :-) Latest update: Relationship is getting stronger everyday. 4. Menx & Unyo. Since 1st year high school para na silang magnets na attracted to each other. Wala na ko masabi pang iba except sa I was surprised to see Unyo in Menx's 18th birthday celebration sa Maragondon. Latest update: Menx is happily married at meron na siyang cute angel while Unyo has turned into a hiphop tongue wag. 5. Sharie & Jason. Beauty and Brains all over. I can still remember na dun pa kami nagla-lunch sa resto ng dambuhalang babae na in a way ay connected yata kay Sharie just so Jocs can have updates about Sharie's activities after school, likes and dislikes, hobbies, etc. Syempre dahil kaibigan si Jocs eh join ako together with (minsan) Angelico, Jhesthee at Bryan. I can still remember yung ngiti ni Jocs na hanggang tainga nung acquaintance party nung 2nd year na kami when she saw Sharie that night wearing that black and silky skirt, black high-heeled boots and the (dark blue?) blouse. Latest update: Sharie is in the States, Jocs working hard to organize the batch reunion. 6. Avegail & Ner. Another perfect match. Handsome and cool guy and one of the prettiest face sa batch. I'm sure walang nag-disagree dito sa team up nila. Latest update: Ner in KSA, I have no news about Avegail. 7. Janice & Lestre. Castor and Zapanta team...parang di sila magtatagal. That was what I thought before. I was correct. Another double brod of mine si Brod Lestre na zany and funny. Palagi kami invite sa bahay nila sa Ternate to eat lunch. Isa sa pinaka-generous host na nakilala ko especially pag Fiesta. Pabling lang talaga sya kaya siguro di nagtagal ang samahan nila ni Janice. Latest update: Lestre in QC, I have no info about Janice. 8. Ferry & Angelico. Parang di pwede makasama ang couple na ito sa list kasi Batch '97 si Ferry but what the heck I witnessed how they showed love for each other (hindi ako namboso ha PDA lang sila LOL). Sa mga lakad ng tropang 4-N eh palaging kasama si Ferry syempre and it was fun kasi nakikita ko naman masaya silang dalawa. Hindi ko lang maintindihan bakit sa madalas na pagbisita nang tropa sa bahay ni Angelico ay never namin nakasama si Ferry dun or naabutan na nandoon...Hmmm. :D No info about neither of the two. 9. Sheila Marie & Ecar. Wala akong alam na tsismis or fact about the two former love birds. Naalala ko lang palaging hinahatid ni Ecar si Sheila pauwi nung 4th year na kami. Latest update: Mrs. Sheila Agapito is currently in Australia, kay Ecar walang balita. 10. Menx & Jeffsie. Ang sweet nila ha kahit na nung time na super busy ang lahat ng students sa 4-N about their Research thing eh andun sila sa isang sulok ng flower box at nagkakantahan while Jeffsie is strumming the guitar. Bread pa yata ang inaawit. When Richelle posed for a picture (kasi sobra yung film namin) sa tabi ng flower box ay lumipat ang love team na ito dun sa ibabaw ng lockers. Nakaabala yata kami ni Cheche. Nagselos ako dito hehehe. Latest update: Wala ako balita kay Jeffsie, for Menx tingin na lang sa number 4. Next section naman ay true or false exam. Naging mag dyowa ba ang mga sumusunod na pares?
- Ria & Jason
- Janice & Brian
- Ruth Nicole & Vladimir Bethoven
- Barbara Ann & Vladimir Bethoven
- Teody & Vladimir Bethoven
- Ferry & Jhesthee
- Chessboard & Jhesthee
- Menx & Norman Monares
- Banx & Alvin
- Rio & Arnold
- Damath & Arnold
- Estephanie & Carlo David
- Richelle & Jason
- Faith & Fritz (bagay parehong matangakad)
- Ruth & Angelico
- Coleen & Williard
- Blesila & Robert
- Edelen & Angon
- Maricel & Dave
- Ruth & Jasper
Ikaw ba batchmate may idadagdag ka pa? Or may iko-correct? Sige sa hanggang sa muling pagsulat. Mabuhay ang Batch 1998 ng CNSHS.
Lubos na nagmamahal, LateBloomer
|
|
|
| 5 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Feb.27.2008 @ 9:00 am
| Last edited: Feb.26.2008 @ 7:55 pm |
Gi-noogle at ni-yahoo ko na pero talagang ke-hirap-hirap maghanap ng information about CNSHS Batch 1998. Wala pa talagang dedicated web site para sa aming batch (at gayun din sa aming alma mother dear CNSHS). Hindi kaya dahil busy ang buong member ng dabarkads sa pagpapayaman kaya walang mag-try na magsimula ng isang web site? Pero meron naman tayo friendster account at (bagong) yahoo group. Salamat sa ating mga magigiting na kasamahan na sina Norman, Aeolus at Nervil.
Yesterday eh nabalitaan ko kay Menx na meron pala pinaplanong reunion. Maganda ito. Kailangan lang ng konting coordination ng lahat ng magaganda at guwapong members ng batch. Sana ay matuloy ito in the near future. Ten years na rin kasi ang nakaraan nung tayo ay nakalaya sa CNSHS Concentration Camp. Eto na naman tuloy at nagbabalik sa aking isip ang ilang memories of our dreams ng haysCOOL:
- Less than a hundred (97 or 94?) lang ang natira sa batch nung time ng graduation from a total of 120+ nung nagsimula tayo under the tutelage of Ms. Pareja.
- Si Arnold Jose Olave ang Master ng Damath at wala na yatang makakapantay pa sa kanyang achievements sa sports na ito sa CNSHS.
- Batch '98 won three overall championships sa sportsfest (na palaging bitin), SY 1995-96, 1996-97, 1997-98. Gosh!!! <-- sabi nga ni katotong Rodney.
- Isa ang batch namin sa nagtataglay ng pinaka-colorful set of individuals kaya naman very diverse ang buong batch at makikita mo yan kung babalik-balikan mo ang mga accomplishments (Oo Michelle, good and bad po) ng bawat miyembro at ng batch as a whole. Magsimula ka sa record ni Mrs. Bencito sa Guidance Counselor's Office. Sunod ay ang computer room ni Mr. Mojica. Wag mo kalimutan ang Biology class ni Mrs. Ruby Bautista
at ang tsismis sa kanila si Sir Tom at syempre ang kanyang botanical garden (may iyakan pang nangyari dito next time ko na lang ichi-chismiz). Ang notorius case na pang-uumit sa canteen. Ang less-than-popular choice ni Sir Tom na pumili ng babae as head ng CAT...at syempre ang buong COCC experience (remember Mr. Jesse?). Sportacular (tingnan ang number 3). Countless medals and trophies sa mga academic contests. Dami pang iba na di ko na lang isusulat sa ngayon.
- Ang aming batch ang nag-coin ng mga sumusunod na monickers: ipis, voltron, gila (short for gilagid), anyaki (ask our good friend Alvin), etc. dagdag nyo na lang yung iba.
- Mga adik sa basketball ay nagbibilad sa init ng haring araw during lunch break makapag laro lang sa luma at bako-bakong court ng PUP Maragondon.
- Kahit na marami ang ayaw kay ipis eh tinulungan nya tayo para manalo sa mass demo nung sophomore tayo. Nakalusot nga ako sa pagsali sa sayawang ito sa promise na ako ang magpoprovide ng tape para sa kanilang sasayawin. Self-humiliation problem solved.
- Si Ms. Pareja ay nagkasakit dahil sa mga cute na cute (or kulit na kulit?) na students ng ating batch.
- Yung fungicide na inimbento namin ni Eryl (at yung isa/dalawa pang groupmates) ay hinaluan namin ng hot sauce na binili namin sa Maragondon public market in a last ditch effort to kill those fungi na sa tingin namin that time eh lalong dumami nung nilagyan namin ng aming imbensyon. Okey ka ba tyan?
- Nakaupo ako sa gym ng CNSHS habang nagpapahangin at nag-e-emote about my future in college ng biglang nasira ang magandang movie na nagpe-play sa aking maduming isip dahil sa lakas ng DIGHAY ni Engelbert na itinapat pa sa mikropono at nadinig yata sa buong school compound sa Maragondon sa tulong ng loud speaker.
- Maraming ding tragic at unfortunate events na nangyari sa aming mga ka-batch. Hindi ko na lang isa-isahin.
- Bukod sa katalinuhan, kagwapuhan at kakulitan ng mga GUYS (and gays) sa batch eh di maitatanggi na marami ring mga SM o Simple Maniacs...yung iba sabi Silent Maniacs din daw pwede. Umpisahan ko na sa dalawang Js ng aming section na 4-Nitrogen. Isa pang clue... yung isa classmate ko simula 1st year. Yung isa naman na J eh napalipat lang mula sa 1-Oxygen. Wag masyado seryosohin ito hehehehe.
- Masaya ako nung napag-gitnaan ako sa seating arrangement ng dalawang crush for life ko na sina Banx at Menx.
- Paborito ko si Mrs. Diosomito dahil napagbigyan nya ang aking hiling (hiks-hiks-hiks). See number 13.
- Break! Break! Break! Natatandaan nyo pa si Mr. Eugene?
- Naalala ko pa kung paano ma-deform ang mukha ng adviser namin nung Junior pa kami for forty minutes tuwing oras na ng klase ni Mr. Electrician. At least nagpipilit siyang mag-ingles kahit na talaga namang ala Jimmy Santos. Sorry sir hehe.
- I woke up to a very beautiful day nung graduation namin pero di ako masyado masaya kahit na makakalaya na ako sa kulungan ni Mrs. De Vera kasi alam kong marami ako mami-miss.
Dami pa pero masyado na mahaba ito. Hanggang sa susunod na kabanata.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.29.2007 @ 8:02 am
|
Sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas ay hindi mawawala ang "extra" Extra-curricular activities. Mga gawaing hindi naman talaga direktang naka-ugnay sa akademya. Ito ay hindi maiiwasan dahil na rin sa impluwensya ng lokal na gobyerno, simbahan, DECS (DepEd na ngayon) at mga guro. Narito ang ilan sa aking mga na-experience na "extra" Extra-curricular activities.
- Mag-damo. Hindi yung Cannabis sativa na gustong gusto ng mga adik ha. Ito yung damo na paborito ng kabayo. Tuwing umaga bago magsimula ang klase at sa hapon bago umuwi ay pinagbubunot kami ng damo sa loob ng iskul. Yung ibang nakagawa ng improvised na pantabas (yung talim ng panggapas o karet inilagas sa dulo ng bamboo stick at tinalian ng goma ng pamaltik) ay maswerte at hindi na gagamitin ang sariling kamay direktang pagbunot ng damo. Sistematiko din ang aming gawain na ito at may iskedyul. May overtime kami hanggang alas-singko kung malapit nang bumisita ang super-intendent ng iskwela. Kaming mga estudyante ang inaalila ng mga guro sa paglilinis ng paaralan.
- Mag-ehersisyo. Tuwing umaga pagkatapos awitin ang National Anthem eh maghanda na para mag-ehersisyo. Sa saliw ng tambol ni Boni iiikot namin ang aming tuhod, igigiling ang balakang, itataas-ibaba ang mga kamay at mag ja-jumping jack habang sumisigaw si Mam Lita ng 1-2, 1-2-3, 1-2-3-4, bopol!
- Umawit na parang nagre-rehearse para sa isang konsiyerto. Naku ang aming klase sa English nung Grade 1 ay palaging naka-cut short dahil sa dami ng aming inaawit sa umaga. Frustrated singer siguro si Mam Perla...or talagang dinadaan nya sa awit ang pagsasanay sa amin mag-ingles. Sit, down, sit, down, you're rocking the boat. Sit, down, sit, down, you're rocking the boat. My toes, my knees, my shoulder, my head. My nose, you kissed, you holler in my bed. Fly, fly, fly the butterfly in the garden is flying high. In the meadow is flying low. Fly, fly the flutterby!
- Marindi sa sigaw ni Mam Perla. Bakit? Hindi maka-sagot sa kanyang easy question. Bakit? Hindi dahil sa bobo ang estudyante... Naubusan lang ng boses. Namalat na see number 3.
- Tumanggap ng pingot sa tenga at palo ng stick ng titser sa puwit at sa kamay. Noon eh kasama talaga sa GMRC ang pagkurot, pagpingot, pamamalo at paninigaw ni Mam sa kanyang mga estudyante. Mas malala pa nga kesa kung nasa bahay ka. Mas istrikto kesa sa mga magulang. Well at least noon eh pagdidisiplina lang at walang acts of lasciviousness na nangyayari...unless si sir eh kinurot sa singit si nene.
- Gardening. Mag-bungkal ng lupa, magtanim ng pechay (ginamit pa nga ng isang talunang senatoriable, itanim daw sa senado! ), mustasa at labanos at syempre hindi mabubuhay ang mga tanim kung hindi namin didiligan ng tubig mula sa sangha ng NIA.
- Adidas Cooking Lesson. May time na pinapatulong kami sa pagluluto ng lugaw na may sahog na Adidas, yung paa ng manok. Syempre kapag nakatulong ka kay Mam Bautista eh libre na ang isang cup mo ng lugaw sa recess. Masarap naman at mura lang. Kaya nga lang kung isipin mo ay parang napaka-gross makita ang pangkahig ng manok sa ibabaw ng cup ng lugaw...may kuko pa!
- Maging philatelists. Sa buong school year makaka-kolekta ang isang estudyante ng mahigit kulang-kulang na dalawang dosenang selyo. Kumpleto yan mula national animal, national leaf, national tree, national fruit, pati mga bayani katulad ni Mabini, Rizal , Aguinaldo atbp. Pati nga si Ninoy kasama din. Wala naman ibang choice kasi hindi raw makakapasa kung hindi kukuha ng stamp. Kaya tuloy imbes na ibili ng choco-bot ang baon ayun napupunta sa useless na selyo. Sino kaya ang may pakana nito noon? DECS? Guro? nangyayari pa kaya ito ngayon?
- Pagtaya sa Jueteng! Yes, si Mam Grade Two (hindi ko na papangalanan) inuutusan ang estudyante nya na lumabas ng eskwela, tumawid ng mapanganib na hi-way at maglakad patungo sa bahay ng matandang huklubang kubrador ng jueteng para lamang tayaan ang kanyang paboritong numero. Susmaryahosep!
- Maglinis ng sariling desk. Twice a year eh nililinis namin ang aming desk gamit ang isis at tubig mula sa, again, sangha ng NIA. Dahil nakakapagod lumusong ng sangha at umigib ng tubig pabalik-balik, dinadala na lamang namin ang desk sa sangha mismo. Inilulublob doon at tsaka kami pandalas ng isis para maalis ang bakas ng vandalism...lalo na yung stick drawing ni Bong bong na gumagawa ng baby. Kainis kasi malimit may mga lumulutang lutang pa sa sangha ng tubig na jerbaks ng mga bastos na nakatira sa tabing patubig.
- Pag-aaral ng relihiyong Katoliko. Sa akin ay ayos lang. Pero paano naman kaya sa mga Iglesia ni Mormon? Eh dun sa mga Saksi ni Brod Pete at sa mga born ulet? Isa na namang requirement daw...para lang makapasa. Malinaw na wala sa curriculum kasi hindi naman catholic school ang Mababang Paaralan ng Muzon.
- Itinda ang mga natirang kendi, karyoka at nutri bun sa bawat classroom pagdating ng alas-tres ng hapon. Second recess daw ito. Kung makarami ka ng benta eh siguradong may free white rabbit ka o kaya stork. Kung maubus naman eh syempre isang Nutri bun na may alambre sa loob ang premyo mo mula sa canteen!
|
|
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.20.2007 @ 8:55 am
|
Dear Anak, Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, panagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project na yun. kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla pala namin ang palayan natin para mabili mo nag yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak komportavle ka ba dyan sa boarding house mo,saan ba kamo yan sa VICTORIA COURT - maganda ba dyan di ba mainit dyan. Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun. Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka gradweyt kana, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana pag graweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian nating sa sanglaan. ay cya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi kumakain ok ba naman sa yo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman.Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-drive. Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sa yo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo. Ang nagmamahal, Itang at Inang P.S. Anak mag aral kang mabuti. Ingatan mo katawan mo.Huwag ka muna mag-aasawa. Ikaw lang ang pag-asa namin para mahango tayo sa kahirapan. |
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.04.2007 @ 11:28 am
|
Dati teachers ang nag-ge-grade sa estudyante. Ngayon na graduate na tayo eh it's time to give grades naman sa mga naging guro natin. Here's my final grades sa aking mga naging teachers sa hayskul...
|
 |
Miss Pareja --> Terror teacher extra ordinaire. Siya lang ang
teacher sa CNSHS na nakakapag command ng complete attention hindi lang
ng lahat ng estudyante but her co-teachers as well. Lahat yata may
takot sa kanya. There was this one incident when the fore running
student council party was in the school gymnasium. I just couldn't
remember it right if this was a campaign sortee or a victory
celebration. Anyway, after the candidate for Student Council president
position gave his very inspiring speech on stage all the member of his
party started throwing candies wildly on the audience, teachers and
students. Unfortunately Miss Pareja was caught in the middle of the
celebration and a Storck hit her in the forehead. Boy, the candy hit
her with a force and precision of a missile launched from a jet fighter
that a red mark in her forehead was pretty obvious even from where I
was watching, about 30 ft, where the whole event unfold. She was really
pissed off, very red and looked like a wild fighting cock looking for a
fight that I had to wipe my eyes to see if I was just hallucinating
(gutom na that time). She then immediately grabbed the microphone and
started her speech with her hair swept up all to the left and all those
saliva flying off her mouth but who cares she's really mad. I thought
she was really fighting the urge real hard to not curse at the students
even though she was readly to explode that time. Well, after that
incident life in CNSHS still proceeded as usual but now with a valuable
lesson learnt. If you are going to throw candies to your audience, do
not throw it like you're obviously looking for a hit instead use the
lesson in projectile that your science teachers (Miss Pareja included)
taught you. Overall grade nya is A dahil expert sya sa nat sci,
chemistry and physics. Pwede rin sya hingan ng extra information kahit
wala sa lesson plan.
Mrs Diosomito --> She was the class
adviser during my freshman year (1-Hydrogen). Sabi nung iba masungit
daw pero hindi ko naman naramdaman na sinungitan ako ni Madam kahit
kelan. Passion nya talaga ang magturo ng Filipino grammar... at
magkuwento. Hindi mawawala sa class namin ang side story. Yan ang
trademark ni Madam. Hindi naman mahirap ang klase nya kaya lang minsan
pag napapahaba na ang kwento nakaka-antok. Siguro kasi sobrang aga at
antok pa (7 AM Filipino I) or gusto ng umuwi (4 PM Filipino IV) ng mga
estudyante dahil hapon na ang kanyang klase. Overall magaling sya at expert sa subject na tinuturo nya. Rating A-.
Mrs
Orsal --> Para sa kin ang pinakamagaling na Math teacher sa CNSHS
nung time namin (sorry Mr. Ces). Adviser ng class namin nung sophomore
na ako (2-Hydrogen). Kapag sya ang nagturo makinig ka lang
maiintindihan mo talaga. Remember the smiling man technique? Medyo
mataray ang dating nya pero hindi naman talaga ganun si Madam. Mahilig
din sya sa classroom beautification. Nung second year kami required na
mag sandals sa loob ng classroom instead na isuot ang sapatos para
walang alikabok. Alaga sa floor wax atbunot ang buong classroom floor
namin. Sa gilid naman ng classroom nagpupulot kami ng nahulog na dahon,
nagbubunot ng damo at nagdidilig ng halaman. Isa sa pinaka-malinis na
silid aralan sa CNSHS that school year (1995-1996). Overall grade nya is A+.
Mr
Mojica --> Ang aming computer teacher. Sinimulan nyang imulat ang
mga mata ng bawat estudyante sa computer sa pagtuturo kung paano
mag-boot! Gamit pa namin nun ay ang 5-1/4" Jurassic Diskette. Yung
nabebend at pwedeng pamaypay pag hindi na kaya ng aircon ang buong
compu lab. Wordstar, Lotus 123 at Windows 95 ang itinuro nya sa amin
(Statistics din yata). Komedyante itong guro na ito. Bininyagan syang
Voltron ng Senior class ng SY 1997-1998. Hindi ko na lang matandaan
kung bakit. Mahilig managalog ng pabalang like: Magsitayo ka Jesthee!
Magsitahimik ka! Buti na lang hindi naririnig ito ni Mrs Diosomito. Overall
grade nya is B+. Hindi ka maboboring sa klase nya. Kung hindi man sya
magpatawa eh matatawa ka pa rin mag-concentrate ka lang na tingnan ang
kanyang mukha hehe.
Mrs Bisa --> Chemistry teacher. Nag
substitute din for Mr. Mojica in computer class. She's funny, no
explanation. Nalala ko rin nung nagsubstitute sya kay Mr. Mojica.
Nag-aaral kami mag-type ng mabilis sa keyboard without looking sa mga
letra as in nag-mamaster maging typist. Pag tumingin ka papaluin ka nya
ng pinutol na antenna ng AM/FM radio. Ilang beses din ako napalo sa
kamay. Overall grade is B.
Mrs Federico --> Class A
teacher. Ang bait nya. Pinaka-magaling na naging teacher ko ng English.
Our Class Adviser during my Junior year (1996-1997). Wala akong
masabing negative about her or her class. Overall grade A+.
Mr
Tom Loyola --> Attention! Siya ang CAT commandant, PE II at PE III
teacher ng class namin. Astig daw sya. Maraming galit sa kanya na
estudyante dahil ang dami nya inukaban ng buhok. Ang higpit din
pagdating sa uniform. Siya ang dahilan kung bakit ako palaging (almost)
kalbo nung high school. Okay din naman sya kahit na masyadong barako
ang dating (well kailangan nya naman yun dahil sa katayuan nya sa
school). May tsimis pa nga na isa sya sa main cast ng isang scandal sa
school. Overall grade is B.
Mr Ces --> Math teacher
namin nung freshman (part time) at nung junior ako. Nagpauso ng Bingo
Math! Ako palaging panalo dahil sa design ng card ko is palaging
opposite sides ang positive and negative numbers (na magkapareho
without the signs). Ang mga equations nya pa naman palaging ang sagot
same number pagkakaiba nga lang is the positive/negative sign. Sya ang
pinaka-unique ang teaching style sa Math. Magaling sya. Nasira nga lang
ang image nya nung umalis sya sa CNSHS for PSHS...but later on bumalik
din. Parang walang loyalty. Final Grade is B.
Ms
Dinglasan --> Values education teacher. Yung pang-four years na
subject itinuro nya ng dalawang taon. Galing! Pero kakatamad naman kasi
dahil ang pag-aaralan mo is like: ano ang gagawin mo pag may tumatawid
na matanda sa kalsada? a. tutulungan tumawid b. hahayaang mabangga c.
deadma d. all of the above. Common sense lang ang kailangan pasado ka
na at may 90+ grade na talagang makakatulong sa pagkuha ng mataas na
average. Overall grade is B.
Mrs. Loyola --> Gustong
gusto ko ang lelembot lembot na pananalita nya. Nakakarelax at tuloy
tuloy lang ang pag-ka-antok mo right after Filipino IV class. Mabilis
ng alang sya magpa-quiz. Wala nako matandaan sa itinuro nya sa Advanced
Chemistry namin. Overall grade: B-.
Mr Cargullo --> PE
& Music teacher nung freshman ako. Kamukha ni Kuya Bodjie (payat
version) ng Batibot. Wala akong kwento about him. Basta natatandaan ko
lang sya nag turo kung pano mag cartwheel. Final Grade: B
Mrs Bergado --> Sosyal ang dating. English II teacher ko sya. Maganda ang kanyang anak yun lang po. Final Grade: B+ |
 |
Ms Climacosa --> Most hated teacher ng Junior (1996-1997) at Senior
(1997-1998) class. Ipis ang bansag sa kanya. Ako nga ba ang nagbinyag
sa kanya ng ipis? Minsan kasi napakinggan ko sa Tunog Kalye ng Magic
89.9 ang kantang Ipis at parang bagay na bagay sa kanya. Balita ko
kasal na sya sa isa sa mga naging estudyante nya (ahead kami ng 1
year). Nabansagan syang craddle snatcher sa isang forum about CNSHS.
Pero in fairness sya ang architect ng dynasty namin sa annual sports
fest sa school. Sya din ang in charge sa calisthenics nung mga
naka-dilaw pa lang kami. Kahit na marami galit sa kanya dati (umiyak pa
nga yan) eh may makikita ka pa rin positive from her kahit pano. Overall grade is B-. For the effort naman bigyan ng A-.
Mrs
Ruby --> Hmmm... Tuwing class na namin ng Biology II excited na ang
mga classmates kong lalaki. Pagpasok pa lang ni Madam sa classroom quiz
na agad yan. Pero hindi na kami makahintay na ma-drop nya ang isa sa
mga index cards nya na gamit for recitation dahil siguradong yuyuko sya
without holding up her blouse. Sigurado ang mga malilibog na estudyante
tuwang tuwa. Sa laboratory naman ang style is to let her see your
slide. Pasilipin mo sa microscope mo. Sabihin mo na lang na "Madam, I
think there's something wrong with my microscope." Siguradong lalapit
sya para silipin kung bakit. Ikaw naman pupuwesto sa likod to get a
glimpse of something. Ayan bistado ang II-Hydrogen guys.a-tsismis din
sya na isa sa main cast ng scandal sa school. Kaya tuloy si Carlo ang
palaging bukang bibig ay "Demo!" Overall grade: B+
Mr
Eugene --> Speech teacher ko nung Freshman year. Magaling sya as in.
Gwapings din kaso sinayang dahil sya ay full-blooded sister.
Perfectionist pagdating sa fronunciation. Dito ako napilitan mag-recite
ng tula:
Break, break, break,
On thy cold gray stones, O sea!
And I would that my tongue could utter
The thoughts that arise in me.
O, well for the fisherman's boy,
That he shouts with his sister at play!
O, well for the sailor lad,
That he sings in his boat on the bay!
And the stately ships go on
To their haven under the hill;
But O for the touch of a vanished hand,
And the sound of a voice that is still!
Break, break, break,
At the foot of thy crags, O sea!
But the tender grace of a day that is dead
Will never come back to me.
-- Alfred, Lord Tennyson
Overall grade: A
Ms Traviezo - Music IV teacher ko. Okay
sya magturo kaso ang room na gamit namin walang arm chair. Sa sahig
kami nauupo for 4o minutes. Naalala ko yung bahay nya ang tagpuan ng
minsan may Eyeball ang tropa ng mga CBers. She's cool kasi pag sa labas
ng school eh tropa sya. Final Grade: B+
Ms Langit -->
A.K.A. Mrs Profeta. English IV teacher ko. Malupit ang mga spelling
quizzes nya. Average ko siguro on the first try is 4-5 correct answers
lang. Mahilig sya sa mga words na nagmula sa French. Sya nag-pauso ng
film review at book review, although nung second year eh meron na kami
film review pero walang written assignment. Napaka-holy ng napelyido
nya even after she got married. Magaling na teacher I would say. Final Grade: A |
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.26.2007 @ 4:42 pm
|
Maraming fun and memorable experience din naman ako sa Cavite National Science High School katulad ng:
- -3 year overall sportsfest champion ng batch namin (astig!). Nung freshman year namin 3rd place...after that Overall Champion agad and we didn't look back after the Sophomore year.
- -Pag-aaral ng Wordstar at Lotus 123 (1st and 2nd Year HS).
- -Ang thrill ng pagpapractice mag type ng mabilis sa keyboard without looking sa mga letters...pag tumingin ka papaluin ka ni Miss Bisa ng pinutol na antenna ng AM/FM radio. Syempre after practice eh apply na namin ang bilis namin sa pagta-type sa isang program na ang tawag ay Hyper Typer. Proud students kami kasi balita namin na ang katabing kolehiyo na PUP ng aming iskul ay ito rin ang ginagamit. Wow four years ahead sila pero pantay ang turo pagdating sa computer.
- -Pag-attend ng Acquaintance Party nung 2nd year (aba first ever yata ito sa CNSHS in a long, long time, if not first talaga)
- -At isa pang party nung 3rd year namin. Isa yata kami sa mga pinagpala na mapagbigyan ng kasiyahan sa iskul.
- -Pag participate ko sa nationally telecast na Bonifacio Day celebration sa Maragondon Plaza. Ako yung may hawak na baril na kahoy katabi ng flag bearer na nagkamali sa drill sa while on-stage sa harap ng maraming tao. Buti na lang nakaharang yung flag.
- -Nag-hiking din kami sa Mt. Buntis with Sir Tom and the whole CAT class. Isama mo na dito ang thrill ng pagtawid sa hanging bridge from San Nicholas papuntang kabilang barangay.
- -Nag educational trip (hindi field trip ha...) kami sa DOST at sa PAGASA. Enjoy ko yung andun na kami sa loob ng planetarium. Nakahiga lang at nanonood ng bituin. Nag-enjoy talaga akong matulog dun ang lamig pa ng aircon.
- -Hindi man ako nakasali sa Scouting (Boy Scout pa ba tawag dun pag high school na?) pero nakuha ako bilang isa sa mga "marshals". Gustong gusto ko yung time na isa ako sa mga nagtago ng Easter Egg (sa month ng October ha) para hanapin ng mga scouts. Yung tinago ko ang pinakamatagal bago nakita!
- -Pagkakaroon ng classmates/batchmates na super cool at smart. Eto sila:
- Baha: Lakas tumawa ni tong tao na to.
- Arnie: Damath champion ito national level. Pero natalo ko ito sa simpleng laro ng dama. Best of 101. Unahang maka-101 wins :-)
- Jocs: Bahay nila ang aming tambayan. Malupit mag-gitara. Sharpshooter sa basketball parang si Allan Caidic. Triggerhappy. Hindi mahiyain tumira.
- Baan: Cute, cool at calm kahit hinampas ni Mrs. Eseque ang aming Jenga. Talsikan shet.
- Lestre: Ang composer/singer ng kantang ABCD ng Sineskwela. Siya ang first and original musician sa class namin.
- Richelle: Palaging kaaway ni Jocs. Pinaka-mataas na boses na narinig ko sa buong buhay ko. Sipag maglinis ng classroom.
- Jaymie: Nick nya ito. Pinakamabilis magmaneho ng sasakyan sa class. Pag nakasakay ka talagang puno ng thrill hehe. Isa pang magaling mag-gitara.
- Amir: Slasher ng basketball barkada. Henyo sa Math.
- Ruth: May magandang leeg.
- Menen: Crush ko.
- Janice: Nice Girl ng batch.
- Teodorico: Teody. Hindi ko mapigilan mapa-iyak pag nakikita ko ang kanyang perfectly combed hair. Parang yung buhok ng isa sa mga ghost busters.
- Lyka: Laki nya (katawan).
- Anya: Mas malaki sya. Hindi pala ito ka-batch.
- Jet: Kainin na! Kainin na!
- Alvin: Bad boy ng batch. Bestfriend si Mrs. Bencito. Pero mabait tong pare kong ito. Roommate ko pa ito sa Los Banos during college days.
To be continued...
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.25.2007 @ 9:25 am
| Last edited: Jun.24.2007 @ 7:26 pm |
| Minsan parang gusto kong balikan ang kabataan ko. Yung high school days
to be exact. Hindi ko kasi masyado na-enjoy ang stage na yan ng buhay
ko. Back then wala akong time for myself and other extra-curricular
activities. Walang time para mag-barkada. Walang time (at lakas ng
loob) para manligaw. Walang time para maranasan ang saya, kalokohan at
kapusukan ng isang teen ager. Bakit? Dahil sa school. Napaka-demanding
kasi sa oras at konsentrasyon ng aking alma mater. Palagi na lang aral,
aral at marami pang aral. Dati ang laman lang palagi ng isip ko ay kung
pano makakakuha ng mataas na grades para hindi mawala sa top ten ng
klase. Iniisip din palagi kung pano magpapakabait sa school para hindi
ma-guidance. Kakahiya naman kasi ma-disiplina sa isang maliit na school
tapos ang Guidance Counselor pa ay ka-barangay ko pa...at ang
pinaka-nakakahiyang bagay na pilit iniiwasan ng mga estudyante sa isang
science high school ay ang ma kick out...kaya't mapipilitan ka
mag-aral, gumawa ng assignments, sauluhin ang CNSHS Hymn, mag-COCC/kadete, magdala ng halaman na
nasa paso, mag-bake ng cookies, maglinis, mag-floor wax at mag-bunot sa
loob ng classroom, maglinis ng harap ng classroom, maglinis sa likod ng
classroom (habang ginugupit ng classmate mo ang iyong ID) at maglinis
ng inidoro ng classroom (1-Hydrogen). Andiyan din na pipigain mo ang
isip mo kasama ng ka-group mates para umisip ng makabagong imbensyon
katulad ng bagong pamatay sa lamok na mula sa pancit-pancitan, alcohol
na gawa sa pinaghalong cassava starch at pawis ng kamay, biomass mula
sa pinatuyong tree bark, etc. Nagpilit din akong labanan ang antok sa
panonood ng mahahabang pelikula katulad ng The Ten Commandments, Forrest Gump (pero gusto ko ito), Dangerous Minds
atbp para may maisulat naman ako sa film review namin sa english class
ni Ms. Bergado at Ms. Langit, na naging Ms. Profeta after mag-asawa
(masyadong banal). Hindi pa masaya sa film review...kailangan pa
magbasa ng books na pambata...Little Prince ni Antoine de Saint
Exupery, Lord of the Flies ni William Golding, etc. |
|
Sa buong 4 years ko sa high school 95% of your time ay para sa
pag-aaral. 2% para sa class ni Sir Tom para sanayin ka maging isang
tunay na sundalo simula sa Health (angina pectoris!), P.E. at CAT. 2%
para sa Saturday and Sunday na devoted sa pagtapos ng maraming (napaka)
assignments na binibigay ng mga teachers every Friday para daw hindi
kalawangin ang utak sa 2 araw na bakasyon. 0.5% para mag-isip pano ko
ba sasabihin sa mga classmates ko na taga-San Nicholas, San Jose at
Bancaan na crush ko sila. 0.3% para maghanap or gumawa ng projects like
bonsai, flag ng Pilipinas (tuwing October), tambol na gawa sa lata ng
Nido at plastic bag, stamps collection, bingo math, damath, keyboard
replica na gawa sa styro, paper mache, paper float
para mapatunayan na mas mabigat ang dugo kaysa tubig at marami pang
projects na kung hindi mo gagamitan ng papel eh gagamitan mo ng paso.
May natira pa naman na 0.2% at eto ang mga nagawa ko katiting na oras
na yan: 1. Praktisin ang latest hits ng Eraserheads, Rivermaya at Yano. 2. Maglaro ng Super Nes kina Jocs. 3. Magbasketball 4. Maglaro ng patotoy pitik bulag 5. Manood ng Dragon Ball Z 6. Maupo sa terrace ng lumang bahay namin na nakataas pa ang paa habang nangungulangot. 7. Manood ng Tabing Ilog 8. Kumain ng Rin-Bee, hansel, humpy dumpy 9. Umakyat sa puno ng aratilis ng kapitbahay namin 10. Maglagay ng gel sa kulot na buhok.
Not so much activities para sa sarili ko. Talagang mas maraming nilalaan na oras para sa eskwela. Pano
kaya kung tinanggap ko yung scholarship ng Western Colleges at dun ako
pumasok instead na sa CNSHS? Hmmm, ano nga kaya? Siguro sawa ako sa
mga parties and parades. Valedictorian graduate siguro ako nung 1998.
Ibang blog siguro ang sinusulat ko sa araw-araw. Kung pwede lang sana
mag trial and error sa buhay natin. Kung pwede bumalik sa panahon.
Curious lang naman. Syempre hindi ko pagpapalit ang hayskul ko sa iba
diyan.To be continued... |
|
|
|
|