|
| 1
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Nov.18.2007 @ 10:08 am
|
ZaidoSeventh tour of duty daw, Iyan ang sabi ng mga kurimaw. Unti-unti ng nagiging malinaw Mahirap magtrabaho lalo na't magpa-Pasko't giniginaw
Sadyang ganito yata ang aking buhay, Sa loob ng tatlong taon oh my gulay! Palaging malayo sa mga mahal sa buhay. Wala naman magagawa dahil yan ang aking ikinabubuhay.
Palapit na ang Pasko't Bagong Taon Gusto ko sanang makapiling ang mga mahal ko sa Muzon. Ngunit mananatiling dito'y nakabaon, Sa Tangguh na huling-huli sa makabagong panahon.
Kaya heto ako't naghihimutok Naghihintay ng Santa Claus na sa pinto ko ay kakatok Sa mga manok na sa umaga'y magsisi-tilaok Gigisingin ako't bibigyan ng lakas na kailangan Salubungin ang pagsilang at ang putukan!
Kung bakit Zaido ang pamagat ay hindi ko maipaliwanag. Iyan lang ang unang pumasok sa isip ko. Time Space warp ngayon din! Poof! |
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.07.2007 @ 5:07 pm
|
Eto ay cut and paste ko lang sa aking Friendster account.
-
About Me:
unrelenting, strange and full
of contrasts, often egotistic, aggressive, noble, broad horizon,
unexpected reactions, spontaneous,
unlimited ambition, flexible, difficult and uncommon partner, not always liked but often admired, ingenious strategist,
very jealous and passionate, no compromise.
tagalog naman:
antukin, mahilig magpuyat, mainit ang ulo at madaling magalit, mabilis
mag-cool down after magalit, malabo mata, mahilig magpigil sa pagkain
para makabawas ng timbang, mas mahilig kumain, inaamoy ang sarili after
makipag meeting sa indiano, friendly sa mga babae lalo na pag seksi,
kumukulo ang dugo pag naka-amoy ng anghet, kumukulo ang dugo pag
nakakita ng indiano, nagpapakabait na rin kahit paano, kupal ako sa mga
kasamahan sa trabaho na indiano, mapula ang labi kasi hindi nagyoyosi,
malaki ang paa kaya malaki rin ang aking.... sapatos... at.......tsinelas.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.02.2007 @ 8:58 am
| Last edited: Jul.01.2007 @ 7:23 pm |
...Must I remind you I'm only here to twist you Pistol whip you, dip you then flip you... |
Tula ng Tulala Ako ay tumulong Merong bumulong Bisayang hukluban Kasamahan ni Mr. Uban
Pakialamero kang matanda ka Mind your own business wag kang boboka-boka Hindi tayo tropa Dahil kurimao ka
Makapag-tagalog ka lang nakangisi ka na lolo Hindi mo siguro alam ang pinagsasabi mo Humanap ka ng kausap mo Wag mo akong abalahin dito
Tabla ka na sa kin Wala ka ng Chikka Hindi mo alam ang tinalo mo Ubos ang computer files mo |
just somethong out of boredom...
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.05.2007 @ 1:44 pm
|
Ako ay inaantok Nangangati ang batok Gusto kong matulog Lalo na't kumukulog
Ngunit kailangan kumayod Habang di pa pagod Malakas pa ang tuhod At di uugud-ugod |
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: May.07.2007 @ 2:41 pm
| Last edited: May.07.2007 @ 1:01 am |
Ang Tula ng Tulala
Ako'y tulala na Sipon ko'y tulo pa Miss na miss ka na Ako'y uuwi na
Apat na buwan ang lumipas Humaba na ang balbas Umitim pa ang karakas Ito yata ay hindi na patas
Ngunit ako ay masaya na rin Makakasama ko na si mama Parang dinuduyan sa hangin Pag kayakap ko na siya
Bow.

|
|
|
|