Brownman Blog
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Brownman's ABC
Brownman's Hirit
Business Pinoy
Iskul Bukol
Kalusugan
Kapuso
Komiks
Kwentong Barbero
Limericks
My Top 10
OFW
OPM
Pinilakang Tabing
Politico
Random
Rise from the dead
Sports
Traditions, Customs, Culture
My Photos
Ian's Gallery
KinTropax
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In

Entries in "Brownman's ABC"
1 2 3 4 5 | > >>
Buy Filipino, Buy Local
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.03.2008 @ 9:24 am

Kahapon ay ipinag-utos ni Presidente Arroyo ang muling pagbuhay sa panawagan na "Buy Filipino, Buy Local" na matagal nang  isinusulong  ng mga nagdaang lider ng bansa. Maraming beses na ring hindi ito pinansin ng mga Filipino. May mga dahilan akong narinig na kesyo hindi raw din kasi nangunguna ang pamahalaan kundi panay lang ang panawagan. Ang sabi ko naman ay hindi na natin kailangan pang  maghintayan kung sino ang mangunguna. Magsimula tayo sa ating sarili. Sa panahon ngayon ay hindi na applicable ang kasabihang -government for the people-. I straggle hehe.

Nais ko lang sabihin na suportahan natin ang mga produktong sariling atin. Kung dati rati ay sa McDonalds ka kumakain ng agahan five days a week eh subukan mo naman ang Jollibee M-W-F. Kung mahilig ka sa Levis at Giordano aba minsan naman ay pumasok ka Bench para makita mo na may mas magagandang damit, pantalon at iba pang produkto na mabibili doon. Kalimutan muna si Kenny Rogers at si KFC, mas malinamnam ang manok sa Max's. Di rin hamak na mas kumportable at mas napapanahon ang pagsusuot ng mga locally made havaianas kesa sa Adidas sandals na sobrang mahal.

Napakaraming globally competitive na Filipino products na pwede nating gamitin sa ating araw-araw na pamumuhay at maging sa ating paghahanap-buhay. Hindi lamang po yung mga gawang isteyts ang mahusay at maganda. Sa totoo nga ay karamihan sa mga produktong banyaga ay dito sa Pilipinas ginagawa o dito sa Asya. Binuo o mina-nufacture ng mga Pinoy.

Oh ano pa ang hinihintay nyo? Bili na ng produktong Pinoy!

Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw...
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Apr.30.2008 @ 9:44 am

...sa panaginip na lang pala kita maisasayaw...

Dumating na naman ang oras kung kailan hindi ako masyadong abala sa mga gawain sa aming opisina kaya heto ang aking isip at kung saan-saan lumilipad. Napabalik tuloy ako sa tanong na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masagot. Ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko? Ano ba ang gusto kong "maging" (sa paglaki ko? -- lintik na nga sa laki ng tiyan eh)? Nag mini self-evaluation ako kahapon at hindi maganda ang resulta. Ang mga sumusunod ang naisulat ko na medyo hindi kaaya aya.

  • patuloy ang pagbaba ng kakayahan ko sa ibang programming language maliban sa VBA at SQL-PL/SQL
  • sampung taon na akong overweight
  • tatlong taon na ako sa abroad hindi ko pa rin maabot ang one year buffer level ko sa bank account ko
  • hanggang ngayon wala pa rin akong konkretong five-year plan
  • wala pa rin akong disiplina sa maraming bagay na sa tingin ko naman ay kayang kaya ko na itanim sa aking sarili
  • eraserheads pa rin ang paborito kong banda... napag iiwanan na ako
  • patuloy pa rin ang aking pagpupuyat
  • hindi ko pa rin kilala ng lubusan ang sarili ko (shit na malagkit!)

Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon eh parang wala akong interes sa pagkilala at pag alaga sa sarili ko. susmaryang garapon! Na-realize ko na ginagawa ko ang ginagawa ko dahil sa iyon ang tama at ang nararapat. Hindi naman lahat ng tama at nararapat ay nakakapagpasaya sa isang tao. Hindi kaya dapat kong ikonsidera din kung ano ang makakapagpasaya sa akin? Paano ba yun kuya cezar? Gusto ko sana itanong yan kay mang ernie kaso abala na sya ngayon sa langit.

Siguro puyat lang ito. Tulog ko na lang... mahahanap ko rin ang sagot sa aking mga katanungan sa hinaharap (as always).
 

Summer Basketball League
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Apr.21.2008 @ 7:13 am

Umpisa na naman ng summer basketball leagues ngayon sa Pilipinas. Eto ang taon-taong nakasanayan na i-organisang palaro para may mapagkaabalahan ang mga kabataan (at isip bata) habang nakabakasyon sa iskwela. Nito ngang huling araw ng bakasyon ko sa Pilipinas eh  engrande pa ang opening ng liga at pumarada pa sila complete with their uniforms, muses at may background music pa na dinig yata hanggang kabilang barangay.

Palakihan na naman ng trophies na ipamimigay at pagandahan na naman ng mga uniforms na isusuot ang bawat teams. Hindi ko lang sigurado sa muse kung pagandahan kasi balita ko eh ang nanalong best muse nung opening ay isang bading (bwahahaha). Sayang at hindi na ako nakapanood ng opening ceremonies at liga opener kasi andun ako sa Reyes Haircutters habang nagpapa-murder ng kuko sa paa at kamay.

Dito sa Tangguh ay hindi kami nagpahuli. Nung Sabado ay nagsimula na rin ang aming basketball tournament. Ang mga kasali dito ay bawat kumpanyang nagtatrabaho. Sa aming main contractor dahil maraming players ay hinati sa dalawa: Indonesian Team at Filipino Team. Siyempre kami ang nanalo sa opening game. Double overtime at nanalo lang kami sa isang free throw ni Jason Inciong. Whew muntik pa kami matalo ng mga lukutoy na Indonesians. Siguro over confidence lang.

Anyway mamaya ay makakalaban naman namin ang piping company. Naku siguradong malalakas ang mga ito kasi ang lalaki yata ng binubuhat nilang pipes sa construction site (LOL). Sana naman eh manood ang mga kababayan naming Pinoy dito para naman may fans kami kahit paano.

 

Japayuki Bar Lingo
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Mar.12.2008 @ 11:12 am

Sa mga kababayan ko na nagbabalak mag - Japayuki narito ang ilang bar lingo na dapat ninyong matutunan bago sumabak sa pag entertain sa mga supot na sakang.

  • Arbaito. Entertainers who are paid by the hour or day, mainly Filipinas married to Japanese or overstaying Filipinas (literally part-time work).
  • Chimama. Entertainer na sumunod sa mama-san according to rank. She manages the other entertainers.
  • Dohan. To go out with a customer for a dinner date or other unspecified activities outside working hours and outside the club; also means to walk into the club with customer/s in tow (literally, to accompany).
  • Donselya. Entertainer na first timer.
  • Fujiko. Pinkamagandang entertainer sa club.
  • Fuzoku. Police license for entertainment establishments (complete word is fuzoku kyoka).
  • La Fea. Pinaka-pangit na entertainer sa club.
  • Lapad. Tip / commission from the customer when service is good.
  • Majime. Does not date customers outside or engage in prostitution (literally serious).
  • Majimbu. Customer na either sumo wrestler or ka-size ng isang sumo wrestler.
  • Mama san. The queen of the club who greets customers and recommends entertainer. Beterana.
  • Mikuto. Tawag sa customers who are known to have crabs. Yuck.
  • Palaban. Pwede ilabas ng customer.
  • Paruparo. Playboy
  • Powder puff. Entertainer na sa baby powder lang pumuti.
  • Request-back. Commission paid to the entertainer when she is requested to sit on the table with customers
  • Sensei. Entertainer na nagtuturo ng bar lingo at ng DO's and DON'Ts sa mga donselya.
  • Shimei. Same as request-back (literally, to name a person).
  • Timer. A talent who has been to Japan more than once. Betarana.
  • Torte. A hot ass chick.
  • Tumer. Abbreviation for customer; the Japanese term okyakusan is also commonly used.
  • Uriage. Commission paid to entertainer based on the amount of food or drinks ordered by her customer (literally, sales).
  • Zutto. Literally, continuously or permanently; same as arbaito.
 

Birthday Pinoy
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Mar.05.2008 @ 3:41 pm | Last edited: Mar.05.2008 @ 1:36 am

Happy birthday to you, you belong to the zoo with the monkey and the donkey and the elephant too!

Paano ba mag-diwang ng kaarawan ang mga Pinoy? Di ko sigurado kung applicable sa lahat ng mga lahing kayumanggi ang naisulat ko sa baba pero ito ang mga nakalakihan at nasaksihan kong mga ginagawa sa bertdeyang Pinoy...

Isang taong gulang.
Baby party ito. Karamihan sa bisita ay mga bagong mommies at daddies din. Ang birthday celebrant/celebrator ay malimit na umiiyak dahil naririndi sa malakas na tunog ng stereo ni bayaw. Kung minsan ay nakakalimutan na rin pakainin at patulugin si baby dahil palaging bitbit ni inay at ipinakikilala sa mga bisita na parang naiintindihan na ng bata ang nangyayari sa kanyang paligid. Hindi pa masyado ng patok ang games sa ganitong birthday party kasi malamang di pa nga nakakalakad si baby ng tuwid at walang alalay. Ang tatay na lasenggo andun sa isang sulok kasama mga kumpare nya sa sabungan at bilyaran at nag-iinuman. Kapag oras na para umawit ng Happy Birthday pipilitin na si baby na i-blow the job ang kandila. Engot na nanay ito ang alam pa lang ng baby mo ay higop ng gatas. Ikaw na humihip at baka abutin tayo ng siyam-siyam. Pagkatapos ng party ay uwian na ang mga bisita bitbit sa kaliwang kamay ang lobo at sa kanan ang plastic bag na punong puno ng pagkain na di naman kayang ubusin ng mga bata sa handaan.

Karaniwang regalo: Lego, Barbie doll, rattle, pillow hotdog (o hotdog pillow?) damit pang baby, sapola, isang pakete ng pampers, sobreng puti na may lamang singkwenta pesos.

Pitong taong gulang.
Si Junior birthday boy ay naka-costume na. Usually eh Batman, Spiderman o Superman ang costume nya (bakit kaya wala mag-costume ng local super hero like Captain Barbel, Panday, Lastikman, Zaido, Allan K, etc). Kung ang costume nya ay yung kay Pooh siya na siguro ang isa sa pinakabatang miyembro ng Federathyon. Marami ng parlor games sa birthday party na ito. Pabitin, stop dance, trip to jerusalem, pukpok palayok at pabilisan umubos ng isang boteng san miguel beer light. Sa nakahain na pagkain eh siguradong hindi mawawala ang spaghetti (pinoy style syempre), pancit, puto, ang cake syempre at walang kamatayang menudo (bwahaha). Nung bata pa ako naalala ko rin na ang usong juice na ginagamit sa mga handaan ay ang Sunny Orange. Mura na masustansya pa. Sa dalawang gilid naman ng cake ay makikita mo ang pinutol na katawan ng punong saging na binalutan ng foil, para presentable, at may mga nakatayong barbecue stick/tooth pick na may mga nakatusok na hotdog, marshmallow at aratiles. Ito ang paborito ng mga pilyong bata na pagkatapos kainin ay itutusok ang stick sa mata ng kanyang katabing bata na nang-agaw ng kulay pulang lobo na may nakasulat na Happy 7th Birthday Junior, From: Ninong Kaloy (Katas ng Saudi).

Karaniwang regalo: Baril-barilan, kotse-kotsehan, balun-balunan, make-up kit na japeyk, robot / action figures, yoyo, Barbie doll (ulit), isang box ng lastiko, sobreng puti na may lamang sandaang piso.

Labing walong taong gulang.
Wow debut na ng anak mong dalaga. Ang invitation ay mas matagal pang pinag-isipan ang disenyo kesa sa . Kung may budget eh karaniwang ginaganap ito sa function hall, hotel, sa kongreso, restaurant or sa disco club. Kung kapos naman eh pwede na rin ito mairaos sa bakuran o sa basketball court ng barangay. Kailangan lang ng konting sipag at tyaga ng mga kamag-anak, kaibigan at manliligaw. Gagawa ng bakod gamit ang pinagtagpi-tagping palapa ng niyog at crepe paper na naka-dekorasyon sa buong paligid ng dance floor. Sa gabi ng debut eh syempre mega-entrance muna ang star of the night na nakasuot ng kanyang paboritong gown. Susunod agad ang cotillion pagkatapos ng mga pagpapakilala at iba't ibang tsetseburetse. Pagmasdan mabuti ang mga sumasayaw at siguradong may magkakamali o makaka-apak ng paa ng ka-partner. Narito pa ang mga pangkaraniwang pakulo sa debut:

  • 18 Roses - Isa sa main dish ng program. Ang first at last dance ay pwedeng mapunta kay Papa, Lolo, bestfriend o boyfriend. Karaniwang kasali rin dito ay ang mga kaibigan, classmate, ex-bf na girlalu na ngayon, pinsan at member ng family.
  • 18 Balloons - First time ko nakakita nito sa aming kapitbahay na nagdalaga. Ang mga kasali dito ay mga batang babae na nagbigay ng labing walong condoms lobo sa debutante. Nakakatuwa ito para sa mga green-minded na katulad ko kasi parang sinasabi ng seremonyas na ito na pagamitin mo hija ng condom ang syota mo. At mga bata pa ang nagbigay.
  • 18 Candles - Eto yata yung part ng program na ang bida ay ang mga gurami. Sina Papa at Mama, Tito at Tita, Lolo at Lola, Titser, yung albularyo at yung komadrona nung ini-ire ka ng ina mo sa mundong ito. Mga payo na talaga namang pagsisimulan ng iyakan na magiging dahilan kung bakit masisira ang make-up ng mga mababaw ang luha.
  • 18 Wines - Eto naman para sa mga amigo at amiga na lasenggero. Kung minsan kasali rin dito ang mga may mga masasamang balak sa ating bida na gustong gustong lasingin para makita kung paano ba kumilos at magsalita ang dalaga natin. Isa ito sa importanteng seremonya kasi dito (raw) unang makakakatikim ng alak ang hitad.

Matapos ang gabi ng debut ay ganap ng babae ang ating dalaga. The baby is now a lady ika nga ng mga konyo. Fast forward 3 months after the very memorable night sa buhay ng ating bida... Buntis na sya!

Karaniwang regalo: Spaghetti strap, bikining itim, goldilocks cake na pahaba, bra na tatlo isandaan, glutathione, tsingtsangtsu, maxi peel,  isang paketeng modess, comments sa friendster (galing sa mga walang kwarta), 300 pesos load, sobreng puti na may lamang dalawandaang piso o mahigit pa.


Suggesstion sa Fire Prevention Month
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Mar.05.2008 @ 3:04 pm

Boy Balasubas: Para po sa mga kababaihan at kabadingan, wag po ninyong kakalimutan na i-unplug ang charger ng inyong vibrator / dildo. Nakakahiya po kung matapos imbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog na tumupok sa isang compound ng kabahayan ay lalabas na dahil sa nakalimutan nyong i-unplug ang charger ng inyong mahiwagang fake-sandata.

Yun lang po at mabuhay po kayo!

 

Fire Prevention Month
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Mar.03.2008 @ 2:27 pm | Last edited: Mar.03.2008 @ 12:49 am

March na pala! My early congratumalation (felicitation daw sabi ni Boy Henyo sa office) sa mga magtatapos sa eskwela. Lalo na dun sa mga high school graduates, finally pwede na kayo magpahaba ng buhok at makakapili na kay ng schedule syedyul na trip nyo.

Aside from being known as graduation month, March is also recognized in the Philippines as Fire Prevention month. Maybe because March is the prelude of summer in the land of coconut and dried mangoes. Di ko yata na-gets? Mainit kasi? Or is it because March has the highest average of fire-related incident recorded by BFP since it's inception in the government system?

Kahit ano pang reason kung bakit tinawag na FPM ang buwan ng Marso eh kailangan nating mag-ingat (pwede bang i-apply ang  paboritong slogan ng mga nagimbento ng vitamins at supplements na: Prevention is better than cure dito?). Hindi yata biro ang masunugan ng property. Manakawan na ng puri wag lang masunugan. Yan ang palaging sinasabi ng mga matatanda. Kaya make sure that your electrician (certified dapat wag yung poging mama na nakita mo lang sa tindahan ni Aling Pekla) checks all electrical wirings and connections sa inyong bahay. Money well spent ang ibabayad mo sa electrician.

Dun naman sa mga mahilig magluto diyan ng turon, banana-q, bisaya, yema, adobong tahong, ice candy, fish ball, indiano, at laing eh make sure na patayin sa sindak si Barbara ang apoy o i-switch off/unplug ang gamit sa pagluluto. Ipaalaala kay misis o kay Inday ang tamang pag-iimis ng plantsa matapos gamitin. Sa mga smokers naman tigilan na ang paninigarilyo. Isang stick ng yosi kadiri ay katumbas ng minus three minutes sa iyong buhay. Kung adik at hindi talaga mapigilan ay siguraduhing wala ng ningas ang dulo ng yosi bago ito i-dispose. Mas mabuti kung lunukin mo na lang ang cigarette butt mo. Huwag mag-yosi kung ikaw ay inaantok, bahala ka na mag isip ng maaaring mangyari kapag nabitawan ang lit cigarette.


Bumbera. These girls can start and stop a fire.


 

Ala Eh Batangas
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Feb.22.2008 @ 3:38 pm

Airplane Crashes in Batangas


MEDIA: Manong, pakilarawan po ang nangyari.

LOLO: Ala eh, nakow, garne ga utoy... Kakaalmusal ko laang, gayak ako'y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo'y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang are sumugba, ay kung sa kabayanan ga, ay di panay mga utas!

MEDIA: Ho?


Vehicular Accident in Batangas 

MEDIA: 'Lo, kayo daw po'ng saksi?

LOLO: Ay uwo! Ika'y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!

MEDIA: 'Sensya na po sa abala.

LOLO: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa busina. May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na! Bakingga aring dyip ay saksakan ng tulin? Ay di ako'y palakat na sa mag-inang di naiingli! Aba'y maiipit na'y naka-umis pa! Kainaman! Hayown! Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko'y kawangki ng nilamukos na kiche. Pagkakabugnot ng drayber! Ngalngal e!

MEDIA: Ano raw?



Lesson of the Day:
:Do not do unto others, what you don't want others to do unto you"
  Batangenyo Translation:
"Huwag kayong gay-an.. kung maggagay-an kayo, huwag gay-on"

Mahiwagang Itlog
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Feb.08.2008 @ 8:44 am

Naging masyado yata akong abala nitong mga nakaraang linggo at hindi na ako nakapagbigay ng oras sa aking sarili. Kagabi pag harap ko sa salamin matapos mag shower ay napuna ko na mahaba na pala ang buhok ko at medyo binibigote na rin ako. Halos maging kamukha ko na si Mr. Suave. Pinag isipan ko tuloy ng malalim kagabi kung magpapagupit na ba ako ng buhok sa aking paboritong barbero dito sa Tangguh o pahahabain ko na lang hanggang makarating ako Bayang Magiliw. Hindi pa ako nakakapag pahaba ng buhok kasi ayaw ko na sasayad ang buhok ko sa aking tainga. Ano kaya ang hitsura ko kung pahabain ko na lang. Tatlong buwan na walang gupitan. Kaya lang parang napuna ko na hindi pantay ang paglago ng buhok ko sa may patilya. Yung sa kanan parang kay FPJ samantalang sa kaliwa parang gusto ng makalbo. Hanggang ngayong umaga ay hindi pa rin ako nakakapag pasya kung magpapapungos ako o magpapahaba. Mabagal na yata ang takbo ng isip ko at naapektuhan ang aking pagbuo ng desisyon. Siguro dahil sa araw araw na ginawa ni Allah (nasa muslim country kasi ako eh...pagbigyan na) eh itlog ang laman ng tiyan ko kaya pumupurol ang utak ko. Sana hindi naman nakaka-kalbo ang itlog!
 

Bugtong..Bugtong Zzzz
7 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jan.12.2008 @ 4:31 pm

Makabagong Bugtong Bugtungan

"Bakit ba pati ako, binibigyan nyo ng malisya?Ano ba ang kasalanan ko?!"
- Talong

"Hindi lahat ng malakas, super hero!"
- Putok

"Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?"
- Lego

"Halika, bigyan mo pa ako ng init. Kailangan kong pumutok para ako'y
iyong matikman at ika'y masarapan. Ayan na! Puputok na! Humanda ka!"
- Popcorn

"Kahit papaano, gusto ko din ng exposure!"
- Singit

"Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako'y sa iyo. Ayoko lang
naman na sa harap ng maraming tao, ganun mo na lang ako itanggi!"
- Utot

"Hindi lahat ng hinog ay matamis!"
- Pigsa

"Kapag ang katawan mo'y nag-iinit, lagi na lang ako ang hinahanap mo.
Maya't maya mo akong ginagamit at pinapagod. Hindi ka na naawa!"
- Aircon

"Pagod na akong humawak ng balls mo! Pagod narin ako sa
pagbihis-hubad mo sa akin. Malapit na naman ulit! Ayoko na!!!"
- Christmas Tree.

"I ikspik that it will be a long payt, a good payt, But you know, I
didn't ikspik. Tinks por da God, you know, and tinks por ol da pelepeno pipol!"
- Manny Pacquiao.

"You never even thank me for making you happy, then you throw me away
just like that. I hate you for using me, for making my life full of
shit!"
- Tissue

"Hindi llahat ng kulot, salot!"
- Golddilocks

"Hindi lahat ng bubuyog, kulay itim!"
- Jollibee

"Alam kong sa tingin mo, masaya ako! Pero bakit kayo ganyan?! Sa
tuwing wala na kayong masabi, ako na lang ang ginagamit nyo! Pagod na pagod
ako sa pagngiti!"
- Smiley

"You can cry all you want, you could always blame me. You said, it
wasn't fair that you just want life to be better. But remember, it's all
your fault! You stabbed me with a knife!"
- Sibuyas

"Isubo mo ang kahabaan ko. Dilaan. Sipsipin. Paglaruan sa bibig mo.
Para lumabas ang katas ko na kinasabikan mo. Nag mamahal,"
- Ice Candy

"Bakit ayaw nyo pa rin sa akin kahit sosyal at maganda ako? Dahil ba
mas sweet ang iba?".
- Fruitcake

"Panakip butas mo lang pala ako!".
- Panty

"Pinapaikot mo lang ako! Nagsasawa na ako. Mabuti pang patayin mo na
lang ako".
- Electric fan

"Hindi lahat na walang salawal ay bastos!"
- winnie d' pooh

"Alam mo ba wala akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa iyo.
Pero patuloy ang pag-iwas mo".
- ipis

"Hala! sige magpakasasa ka! Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo."
-hipon

"Ayoko na! Pag nagmamahal ako, lagi na lang maraming tao ang
nagagalit! Wala ba akong karapatang magmahal?!"
       -Gasolina

"Sawang-sawa na ako, palagi na lang akong pinagpapasa-pasahan, pagod
na pagod na ako."
- Bola

"Ginawa ko naman lahat para sumaya ka, mahirap ka ba talagang
makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?
- TV

"Hindi lahat ng maasim may vitamin C"
-kili kili

"Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!
-Libag

"Anung kasalanan ko sa iyo, iniwan mo na lang akong duguan..."
-Sanitary Napkin

"Hwag mo na akong bilugin.."
-kulangot

"Bwisit na buhay ito! Araw-araw na lang, itlog! Umaga, tanghali,
gabi, itlog! Itlog! Itlog! Lagi na lang itlog!"
-Brief

"Sige, kalimutan mo ako para malaman ng iba ang baho mo!
-deodorant

"Ako lang ang makakapagpadugo ng ilong ni Manny Pacquiao!"
- English

"Hindi totoong anak ko si Bakekang! At lalong hindi ko kapatid si
Mike Enriquez! Kaya pwede ba, tigilan na ang tsismis na yan!"
- Shrek
 


Current Page 1
1 2 3 4 5 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org