BrownMan Blog
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Brownman's ABC
Brownman's Hirit
Business Pinoy
Iskul Bukol
Kalusugan
Kapuso
Komiks
Kwentong Barbero
Limericks
My Top 10
OFW
OPM
Philippine History
Pinilakang Tabing
Politico
Random
Rise from the dead
Sports
Traditions, Customs, Culture
My Photos
Ian's Gallery
KinTropax
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In

Entries in "Brownman's ABC"
<< < | 1 2 3 4 5 | > >>
Biyernes Trese
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.13.2007 @ 8:56 am

Biyernes Trese o Friday d' 13th ngayon at sigurado ako marami na naman ang sobra ang ingat at sobra ang kaba kung ano kaya ang malas na dala sa kanila ng araw na ito...


Paraskevidekatriaphobics (a.k.a. triskaidekaphobe)- Ito ang tawag sa mga tao na takot/kabado tuwing Biyernes Trese.

Hindi pa naman ako napapabilang sa mga taong triskaidekaphobe. Ewan ko ba bakit maraming hindi pumapasok sa trabaho, hindi nagda-drive, hindi pumapasok sa eskwela at hindi naliligo pag ganitong araw. Turo siguro ng kanilang lola or nakamulatan na sa kinalakihang lugar. Mas takot pa nga ako sa nangyayari sa kaliwang mata ko recently na nanlalabo na pero ibang topic na ito. Maraming urban legends at superstition na may kinalaman sa Friday d' 13th. Meron pa nga pelikula na ginawa na ganyan ang title. Kung matatandaan nyo pa na ang release ng pelikulang A Series of Unfortunate Events ni Lemony Snicket ay itinapat talaga nung October 13, 2006. Hayan tuloy ang mga nakapanood na publiko naniniwala na sa "malas na araw daw" na ito.

Maganda sana kung ginawang holiday na lang ang Friday the 13th kasi 2 long weekends na naman sana. Makakatulog pa sana ako ng mahab-haba. Natapat kasi ang 13th day of the month sa Friday nung April at ngayon nga July. Mas happy sa year 2009, 2012 at 2015 kasi 3 times magtatapat ang Friday at ang 13.

Para sa mga hiphop diyan: Namatay si Tupac Shakur (2Pac) nung September 13, 1996... 6 days after he was shot.

 

Esem
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.10.2007 @ 1:47 pm | Last edited: Jul.09.2007 @ 11:53 pm

 Patingin-tingin, di naman makabili
Patingin-tingin, di makapanood ng sine
Walang ibang pera, kundi pamasahe
Nakayanan ko lang, pambili ng dalalwang yosi kendi


Eksakto yata ang lyrics na ito kung pano ide-describe ang kalagayan ko nung panahon na ako ay nasa high school, college at nagtatrabaho sa EPZA. Patingin-tingin na lang sa mga magagandang damit, sapatos, bags. Hindi makabili ng books nung college nagtyaga sa photocopy pag merong nakatabi sa lecture hall na mabait na may libro. Hindi man lang din makapanood ng sine unless required sa isa sa mga klase (Jose Rizal, requirement sa History I). P450.00 pagkasyahin ko from Monday to Saturday. Pamasahe, pangkain at pambili ng mga kailangan sa eskwela. Uwian sa Cavite weekly. Hindi na nga maka-sunod sa uso. Nakiki-uso na lang. Nakiki-saya sa iilang "barkada". Mabuti na lang at wala akong bisyo.

Pamoy-amoy, di naman makakain
Busog na sa tubig
Gutom ay lilipas din
Patuloy ang laboy
Walang iisipin
Kailangang magsaya, kailangang magpahangin


Ayan, paglabas pa lang ng campus McDonalds, Dairy Queen, Goldilocks na agad ang makikita mo. Eh gutom na, lalo pang nagutom. Pero mahaba haba pa ang lalakarin ko kasi suki ako ng Ankers. Mas mura na medyo mas marami pa ang kanin at may libreng sabaw. Solve na rin naman. Hindi naman ako namayat. Sa EPZA pag labas ng main gate papunta sa paradahan ng Jeepney kaharap na agad ang mga fastfood chains, Mall at 7-Eleven. Dahil gutom na at wala naman extra pera hindi na lang lilingon. Ang tingin sa nagdaraang sasakyan. Nag concentrate sa pakikipag-patintero sa mga mini bus, jeepney, kotse at mga EPZA workers na parehas ko ring gutom, pagod at nagmamadaling umuwi. Hindi man lang makabili ng pasalubong para sa aking mahal.

Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay


Minsan pag may na-ipit na pera galing sa sweldo pagkatapos bawasin ang budget para sa pamilya magkakayayaan naman ang tropang MIS sa Hidden Tapsi. Syempre sasama naman, minsan lang at ayaw makantyawan. Pagkatapos ng kain ng crispy pata ayun wala na ulit extra pera balik sa katotohanan na maghihintay na naman ako ng sweldo sa katapusan ng buwan para sa susunod na trip either sa Hidden Tapsi (ulit) or kina Raymond's ihaw ihaw.

Gumagabi na
Akoy uuwi na
Tapos na ang saya
Balik sa problema
At bukas ng umaga
Uulitin ko pa ba ang kahibangang ito
Sa tingin ko hindi na

Hindi na nga dahil pamasahe na lang ang natitira. Mabuti na lang at sagot ng company ang tanghalian namin sa HRD. Mag-oovertime naman hanggang 10 PM usually... eto na ang mahirap. Walang panghapunan. Magtatrabaho ng gutom. Pag-uwi sa bahay 11 PM na nalipasan ng gutom, pagod pa. Mabuti andun si misis matiyagang naghihintay kaya syempre smile pa rin ako at masaya. Masarap ang may nagmamahal. Matutulog magkatabi, magkayakap. Gigising sa umaga haharapin na naman ang katotohanan na mahirap ang buhay at sa dami ng nagsusumikap para maka-kuha ng swerte ay maliit ang tsansa ko na maka-ahon sa kasalukuyang kinalalagyan.

Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay

Nakakita ng bagong opportunity sa ibang company sa EPZA. Mas maganda ang benefits at bagong experience. Lumipat agad kahit na regular sa HRD. After 3 months, shet nagkaroon ng layoff sa staffs. Isa ako sa mga hindi pinalad. Baguhan pa raw kasi ako at mas priority ang mga matatagal na sa company. Hindi malaman ang gagawin nung panahon na iyon. Nanlalambot akong umuwi ng bahay. Nahirapan sabihin sa aking mahal ang malungkot na balita. Walang magagawa kundi patuloy na magsumikap at maghanap ng swerte. Gumawa ng swerte.

Nakakabaliw ang ganitong buhay
Di nakakaaliw ang ganitong buhay
Nakakabaliw ang ganitong buhay
Di nakakaaliw ang ganitong buhay

Naglalakad sa Malate, isang mainit na tanghali. Hindi pa ako nagtatanghalian. Bitbit ang brown paper envelope lakip ang aking resume. Naghahananap ng trabaho sa Maynila, biglang nagring ang cellphone. Boses ng isang lalaki na nagtatanong: "Available ka ba for interview bukas?" Biglang nabuhay ang aking dugo at sumagot na "Anytime tomorrow I will make time for an interview!" Natanggap naman ako at pinag medical na rin agad first thing the next morning. After two weeks of being a jobless tatay, finally may kayod na ulit. Eto na ngayon ako almost three years na sa TCCI. Pinalad (swerte kaya talaga?) na ma-aassign sa Indonesia. Tiyaga lang at sipag. Heto na yata talaga ang swerte ko.

Pero...

Nakakabaliw pa rin ang ganitong buhay
Di nakakaaliw ang ganitong buhay
Nakakabaliw pa rin ang ganitong buhay
Di nakakaaliw ang ganitong buhay

Homesick naman ang kalaban ko.
 

Questions that need answers
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.07.2007 @ 7:20 am

Tennis coach to her students:

"The first thing we have to learn in Tennis is how to squeal when you hit the ball with your racket."

  1. Bakit sumisigaw si Sharapova pag naglalaro sya ng tennis?
  2. Bakit parang mga robot na OA at kengkoy ang mga ballboys sa Wimbledon?
  3. Paano mag-away sina Carmina at Rustom nung sila pa? Sabunutan kaya, kurutan or batuhan ng make up?
  4. Nasaan na si King DJ Logan?
  5. Bakit walang root bear flavored ice creams? Mas masarap kaya yun kaysa sa root bear floats?
  6. Mas maunlad kaya ang Pilipinas kung naging presidente si Roco?
  7. Ano ang Kjeldahl method?
  8. Bakit nag-disband ang Eraserheads?
  9. Sino ang nag-imbento ng larong pitik-bulag? Eh ang Jack en Poy kaya?
  10. Bakit hindi na uso ang brass band sa PBA games?
  11. Bakit may nananalong contestant sa beauty pageants na hindi marunong mag-ingles?
  12. Bakit may mga Pinoy na kuntodo ingles pa kahit kausap ay kapwa Pinoy din naman?
  13. Ano ang koneksyon ng pagtalon sa new year's eve sa pagtangkad? Bakit ko ginagawa yan yearly?
  14. Sino ang mas maraming fans, ang love team ni Madam Auring at Archie or ang unbeatable tandem ni Mahal at Jimboy?
  15. Kung hindi nadisqualify si Eddie Gil nanalo kaya sya sa eleksyon sa pagka-presidente? Mabayaran nya kaya ang utang ng Pilipinas?
 

Tagalog Ideoms
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.05.2007 @ 8:38 am

Mga halimbawa ng ideoms sa Tagalog

  1. anak-pawis - taong mahirap / manggagawa
  2. balat-sibuyas - iyakin/maarte
  3. basang sisiw - taong mahirap
  4. ibaon sa hukay - kinalimutan
  5. ilista sa tubig - pag-utang na hindi na babayaran
  6. itaga sa bato - pagkatiyak sa mga sinabi
  7. kalapating mababa ang lipad - isang patutot, babaeng bayaran
  8. kamay na bakal - gamitan ng paghihigpit
  9. namuti ang mata - nainip sa kahihintay
  10. ningas-kugon - magaling lamang sa umpisa ngunit hindi tinatapos ang isang gawain
  11. maghigpit ng sinturon - magtipid
  12. pagputi ng uwak, pag-itim ng tagak - imposibleng mangyari
  13. pusong mamon - maawain
  14. suntok sa buwan - mahirap abutin
  15. taingang kawali - nagbibingi-bingihan
  16. lubad ang kulay- binabae
  17. hambubukad - binabae
  18. magdilang-anghel - magkatotoo sana
  19. magdildil ng asin - hikahos
  20. di mahulugang karayom - maraming tao
  21. sirang plaka - paulit ulit
  22. matulis na dila - masakit mag salita
  23. makating dila - madaldal
  24. agaw buhay - taong mamatay na
  25. may gintong kutsara sa bibig - pinanganak na mayaman
  26. mahangin ang ulo - mayabang
  27. sunugin ang kilay - mag aral ng mabuti
  28. butas ang bulsa - walang pera

Alternative meaning nila

  1. anak-pawis - grupo na mahilig mag rally
  2. balat-sibuyas - birhen pa
  3. basang sisiw - nagwawater-water na
  4. ibaon sa hukay - itarak na
  5. ilista sa tubig - libre dyokard
  6. itaga sa bato - pagtitingi ng droga?
  7. kalapating mababa ang lipad - tabachoy
  8. kamay na bakal - amputee
  9. namuti ang mata - Isaac, hero
  10. ningas-kugon - bolero; barbero; kutsero; tarantado; walang modo; gago
  11. maghigpit ng sinturon - takot mahubuan
  12. pagputi ng uwak, pag-itim ng tagak - in a million years
  13. pusong mamon - dyokla
  14. suntok sa buwan - kalokohan
  15. taingang kawali - barnakol sa tainga
  16. lubad ang kulay- supot
  17. hambubukad - piolo pascual
  18. magdilang-anghel - sinabmarin
  19. magdildil ng asin - magsariling sikap
  20. di mahulugang karayom - MRT, LRT
  21. sirang plaka - makulit, masarap sakalin
  22. matulis na dila - romantikong bisaya
  23. makating dila - natural na bisaya
  24. agaw buhay - pag-asa
  25. may gintong kutsara sa bibig - blowjob
  26. mahangin ang ulo - may topak
  27. sunugin ang kilay - sira ulo
  28. butas ang bulsa - may bulsa sa balat
 

Electric Powered Jeepneys, a possibility...
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.05.2007 @ 8:26 am

"We've embarked on the beginning of the last days of the age of oil. Embrace the future and recognize the growing demand for a wide range of fuels or ignore reality and slowly—but surely—be left behind."
 
 Nagsimula ng ipakita sa publiko ang electric-powered jeepney, e-jeepneys kung tawagin, nitong Mga unang araw ng Hulyo. Isa na naman proyektong Pinoy para makatulong sa pagbabawas sa polusyong dulot ng pampublikong transportasyon. Ang e-jeepney ay patatakbuhin ng kuryente na magmumula sa solar panels and/or rechargeable batteries from biogas. Hindi lang tayo makakabawas ng konsumo ng produktong langis kundi makakabawas din tayo sa basura dahil sa ang mga organic waste ang gagamitin sa gagawing power plant kung san pwedeng mag recharge ng mga batteries para sa e-jeepneys. Ang e-Jeepneys ay patatakbuhin ng five-horsepower electric motor engines na may 12 batteries, at full capacity, na kayang humarurot hanggang 120 to 140 kilometro sa bilis na 40 kilometers per oras on the average.

Sana nga lamang ay hindi maging ningas-kugon ang nangyayari sa ngayon sa pagsusumikap nating mabawas-bawasan ang pagdepende sa produktong petrolyo. Hindi ko kasi maiwasang maisip ang mga nakaraang pagsusumikap na gumamit ng alternative fuels para sa ating mga sasakyan. Kung maaalala nyo nung panahon pa ni Erap na nagpalabas ang gobyerno ng interes sa paggamit ng mga sasakyan na tubig ang gasolina. Hindi rin nag-push through ang nasabing proyekto at biglang nakalimutan na lamang. Nung 1970s naman nagpalabas din ng interes  ang gobyerno natin na gumamit ng gasolina mula primarily sa coco diesel at ethanol. Ito ay nung nasa kalagitnaan pa ng krisis sa enerhiya. Subalit ng nag stabilized muli ang presyo sa pandaigdigan na market ng petrolyo ay agad din itong nakalimutan. Again, another classic example of ningas kugon.

Ituloy lang sana ang pagsusumikap natin sa mass transport innovation. Malay mo balang araw hindi na lang sa pelikulang kano natin mapapanood ang mga futuristic vehicles running on very efficient machines powered by either water, solar energy, biogas, etc. Pag dumating ang panahon na Pinoy ang naging pioneer ng mga hakbangin para mabawasan ang polusyon, aba eh sasabihin siguro ni Dr. Jose Rizal mula sa kanyang kinalalagyan ngayon na: "Taena, ngayon nyo lang sinusulit ang pagpapakamatay ko at ng iba pang bayani para sa ating bansa. Kaya naman pala pagpatuloy mo lang kabayan!"

 

How to scratch your eyes while picking your nose
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jul.02.2007 @ 6:33 pm

  
Pag masakit ang ulo ko...
  1. Gusto kong magkamot ng mata habang nangungulangot using one finger.
  2. Pikit ako ng pikit parang may manerism.
  3. Hindi akotinitigasan na-aarouse.
  4. Nakikinig ako sa music ng Brownman Revival.
  5. Bitin ang inom kagabi.
  6. Dinidisconnect ko ang phone line ko sa office.
  7. Kinakamot ko ang ulo ko kapag nangati ang betlog ko.
  8. Gusto kong kumain ng mani na may maraming sili at bawang.
  9. Nagiging galante yata ako
  10. Dinidisconnect ko ang phone lines ng office mates ko.

The Truth Will Set You Free
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.29.2007 @ 3:05 pm | Last edited: Jun.26.2008 @ 7:33 pm

Ida pag-naka make up.

 

Ida, ang totoong hitsura

Ang bigat siguro ng crystal ball sa ulo nya? Kaano-ano kaya sya ni Madam Auring?

Wag ganyan... magagalit si Archie...

Shaider pag naka-costume

Shaider pag walang costume. Kasama pa si Annie at isang extra.

Shaider, ang totoong kulay sa totoong buhay.

Time Space Warp! Ngayon din!
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.29.2007 @ 2:12 pm | Last edited: Jun.29.2007 @ 1:15 am

   
Time space warp, ngayon din!

Yan ang palaging sinisigaw ni Ida tuwing uutusan siya ni Fuuma Lear na gamitin na ang Time Space Warp laban kay Shaider. Nahihirapan na kasi sila sa pakikipaglaban sa super hero kahit na magpadala sila ng 50 foot soldiers at regular na tauhan-villain nila. Ganyan kalupit si Shaider. Pag nag time space warp na medyo nahihirapan si Shaider sa pakikipag laban.  Natatamaan na sya ng suntok, sipa at karate ng special monster na every week ay pinapaslang ni Shaider sa pamamagitan ng kanyang laser sword (teka kay Voltes V yata ito), este Laser Blade aka Shaider Super slash. Bakit kaya hindi sa umpisa pa lang ay gamitin na ang time space warp at gumawa ng maraming special monsters? Kung titigil sila sa paglaban ng 1 buwan at mag-concentrate gumawa ng monsters eh makaka-ipon sila (4 yun sa isang buwan). Mas lalaki na pag-asa nila manalo sa labanan?

  
 

Pero hindi rin siguro dahil sigurong tutulong na ang sexy na si Annie sa pulis pangkalawakan. Isa pa baka ipa-dala na rin ng headquarters ng mga pulis na ito ang ilang magagaling din naman na heroes like Bioman (5 yan), Mask Rider Black, atbp

Maaaring isama din nila si Magmaman, Tsupotman, Ultraman at Ito san.

Imagine kung naipanganak na sa mundo ang mga supot na super heroes na ito nung panahon ng WWII. Aba malamang ang Japan ang nagdodomina sa mundo instead na ang mga Kano. Imagine ang international lingo at Nihonggo? Teka nalalayo ako sa original topic ko eh.

Marami rin sasakyan si Shaider na pwede panlaban kahit sa maraming special monsters at time space warp. Nandiyan ang Blue Hawk, Battle Tank, Vavilos at Laser Blaster (pinaka-malaking baril sa buong Japan). Kaya wala talagang pag-asa ang alagad ni Lear. Kahit may time space warp pa talo sila ni Shaider. Kelan ba naman natalo ang super hero? Kaya nga maagang namatay si Shaider sa totoong buhay (Hiroshi Tsuburaya) kasi nasobrahan sa pagkain ng hilaw na seaweeds sa pag-aakalang mas mainam ito kesa sa viagra para daw kay Annie pakikipaglaban sa mga tauhan ni Fuuma. Sumama na rin sa hukay nya ang pagtatapos ng Shaider, Ang Pulis Pangkalawakan. Tuloy sa time space warp (replay) na lang sya mapapanood ng mga bata sa ngayon. Sayang!

 
 

Pinoy Slang 101
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.20.2007 @ 4:07 pm

Pinoy slang muna mga tsong at tsang...
1. BAKOKANG --- Higanteng peklat. ito'y madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginamitan ng sebo de macho habang natutuyo. Imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, ito'y mayroong makintab na takip.

2. KALAMANTUTAY --- > Mabahong pangalan

3. MULMUL --- >Buhok sa gitna ng isang nunal. Mahirap ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal. Subalit hindi talaga ito naaalis, kahit na bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipapa-laser ito.
***** "How nice naman your MULMUL! Nakakakiliti!" *****

4. BURNIK --- >Taeng sumabit sa buhok sa pwet. Madalas nararanasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos tumae. Ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. Ipinapayo sa mga may BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.
***** "Labs, alam ko kung anong kinain mo kanina!!!" *****

5. ALPOMBRA --- >Kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo. Ito'y may makipot na suotan ng paa, at manipis na swelas. Mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki. Available in blue, red, green, etc.

6. McARTHUR --- >Taeng bumabalik after mong i-flush. "I shall return!"

7. AGIHAP --- >Libag na dumikit sa panty o brief. Nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay >suotsuot na nang hindi bumababa sa tatlong araw.

8. DUKIT --- >Ito ang amoy na nakukuha kung isinabit mo ang daliri mo sa iyong puwit o sa puwit ng iba....try it to prove it thats DUKIT.

9. SPONGKLONG --- >Ito'y isang bagong wika na nangangahulugan sa isang estupidong tao.
***** "Buti naman at bumaba na sa puwesto ang SPONGKLONG nating Presidente." *****

10. LAPONGGA --- >Ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.
***** "Hoy Utoy, bakit ba ang hilig mo sa mga sineng puro  LAPONGGA lang ang palabas?" *****

11. WENEKLEK --- >Ito ang buhok sa utong na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.
***** "Inay! Si Itay, sinaksak yung kapitbahay natin kasi hinila  yung weneklek niya!" *****

12. BAKTUNG --- > Pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.
***** "Uy Jefferson, tingnan mo si Ma'am,  BAKTUNG na naman!" *****

13. BAKTI --- > Bakat panty.

14. ASOGUE --- > Buhok sa kilikili.

15. BARNAKOL --- >Maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.

16. BULTOKACHI --- >Tubig na tumatalsik sa pwet kapag nalalaglag ang isang malaking ebak.

17. BUTUYTUY --- > Etits ng bata

18. JABARR --- > Pawis ng katawan

19. BAKTOL --- >Ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. Ito'y dumidikit sa damit, at humahalo sa pawis. Madalas na naaamoy tuwing registration, sa elevator o FX.
***** "Put@#$%, sinong nangangamoy BAKTOL sa inyo????!!! *****

20. KUKURIKAPU
--- >Libag sa ilalim ng boobs. Madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maaari ding mamuo kung hindi talaga naliligo o naghihilod ang isang babae. Ang KUKURIKAPU ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.
***** "Honey, maligo ka na para maalis yang  KUKURIKAPU mo." *****

 

Pinoy open letter... perfect grammar... ouch!
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.19.2007 @ 10:54 am | Last edited: Jun.18.2007 @ 9:27 pm

Unedited (except sa name ng Pinoy at company) na liham ng isang Pinoy na naka-broadcast pa sa lahat ng tao sa project,
meaning site personnel + home office + fabrication shop. Kayo na bahala mag-judge kung gusto nyo :-)

Dear All:

Greetings! My appeal to the person who mistakenly took an item not his/her at the shoe rack of *** office building. I put my sleeper ( sandal ) at the rack after I left office at around 6:00 P.M.

It has a sentimental value to me as it was a gift from my wife. I usually do not carry (bring) sleeper in all of my overseas assignment, found only in the Philippines.

All personnel at the office building are educated, I do not have doubt that someone would just take not his/her own.

sincerely,

****-COMMISSIONING DEPARTMENT 

Hindi pa nasiyahan... may follow up pa! Astig talaga.

 Ms. Ernita,

Good Day! The subject must end up... Now!     It is already a virus that concerns everyone, It is no longer a "clypto" thing .... When I left the site office no more people around, only the security

and perhaps the cleaner as it is already evening and being a Sunday only very few people works. In the morning of that day a safety shoes of my colleague also was stolen ( kindly forgive

me for saying the word ) In  the same spot ( Rack )Now, the poor guy had to prove the lost item and, that, he did not lost his boots but also lost time as nobody can work without PPE.

Regards,
****


Current Page 4
<< < | 1 2 3 4 5 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org