BrownMan Blog
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Brownman's ABC
Brownman's Hirit
Business Pinoy
Iskul Bukol
Kalusugan
Kapuso
Kasabihan, Islogan, Salawikain, Atbp
Komiks
Kwentong Barbero
Limericks
My Top 10
OFW
OPM
Philippine History
Pinilakang Tabing
Politico
Random
Rise from the dead
Sports
Traditions, Customs, Culture
My Photos
Ian's Gallery
KinTropax
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In

Entries in "Brownman's ABC"
<< < | 1 2 3 4 5 6 | > >>
Suggesstion sa Fire Prevention Month
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Mar.05.2008 @ 3:04 pm

Boy Balasubas: Para po sa mga kababaihan at kabadingan, wag po ninyong kakalimutan na i-unplug ang charger ng inyong vibrator / dildo. Nakakahiya po kung matapos imbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog na tumupok sa isang compound ng kabahayan ay lalabas na dahil sa nakalimutan nyong i-unplug ang charger ng inyong mahiwagang fake-sandata.

Yun lang po at mabuhay po kayo!

 

Fire Prevention Month
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Mar.03.2008 @ 2:27 pm | Last edited: Mar.03.2008 @ 12:49 am

March na pala! My early congratumalation (felicitation daw sabi ni Boy Henyo sa office) sa mga magtatapos sa eskwela. Lalo na dun sa mga high school graduates, finally pwede na kayo magpahaba ng buhok at makakapili na kay ng schedule syedyul na trip nyo.

Aside from being known as graduation month, March is also recognized in the Philippines as Fire Prevention month. Maybe because March is the prelude of summer in the land of coconut and dried mangoes. Di ko yata na-gets? Mainit kasi? Or is it because March has the highest average of fire-related incident recorded by BFP since it's inception in the government system?

Kahit ano pang reason kung bakit tinawag na FPM ang buwan ng Marso eh kailangan nating mag-ingat (pwede bang i-apply ang  paboritong slogan ng mga nagimbento ng vitamins at supplements na: Prevention is better than cure dito?). Hindi yata biro ang masunugan ng property. Manakawan na ng puri wag lang masunugan. Yan ang palaging sinasabi ng mga matatanda. Kaya make sure that your electrician (certified dapat wag yung poging mama na nakita mo lang sa tindahan ni Aling Pekla) checks all electrical wirings and connections sa inyong bahay. Money well spent ang ibabayad mo sa electrician.

Dun naman sa mga mahilig magluto diyan ng turon, banana-q, bisaya, yema, adobong tahong, ice candy, fish ball, indiano, at laing eh make sure na patayin sa sindak si Barbara ang apoy o i-switch off/unplug ang gamit sa pagluluto. Ipaalaala kay misis o kay Inday ang tamang pag-iimis ng plantsa matapos gamitin. Sa mga smokers naman tigilan na ang paninigarilyo. Isang stick ng yosi kadiri ay katumbas ng minus three minutes sa iyong buhay. Kung adik at hindi talaga mapigilan ay siguraduhing wala ng ningas ang dulo ng yosi bago ito i-dispose. Mas mabuti kung lunukin mo na lang ang cigarette butt mo. Huwag mag-yosi kung ikaw ay inaantok, bahala ka na mag isip ng maaaring mangyari kapag nabitawan ang lit cigarette.


Bumbera. These girls can start and stop a fire.


 

Ala Eh Batangas
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Feb.22.2008 @ 3:38 pm

Airplane Crashes in Batangas


MEDIA: Manong, pakilarawan po ang nangyari.

LOLO: Ala eh, nakow, garne ga utoy... Kakaalmusal ko laang, gayak ako'y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo'y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang are sumugba, ay kung sa kabayanan ga, ay di panay mga utas!

MEDIA: Ho?


Vehicular Accident in Batangas 

MEDIA: 'Lo, kayo daw po'ng saksi?

LOLO: Ay uwo! Ika'y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!

MEDIA: 'Sensya na po sa abala.

LOLO: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa busina. May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na! Bakingga aring dyip ay saksakan ng tulin? Ay di ako'y palakat na sa mag-inang di naiingli! Aba'y maiipit na'y naka-umis pa! Kainaman! Hayown! Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko'y kawangki ng nilamukos na kiche. Pagkakabugnot ng drayber! Ngalngal e!

MEDIA: Ano raw?



Lesson of the Day:
:Do not do unto others, what you don't want others to do unto you"
  Batangenyo Translation:
"Huwag kayong gay-an.. kung maggagay-an kayo, huwag gay-on"

Mahiwagang Itlog
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Feb.08.2008 @ 8:44 am

Naging masyado yata akong abala nitong mga nakaraang linggo at hindi na ako nakapagbigay ng oras sa aking sarili. Kagabi pag harap ko sa salamin matapos mag shower ay napuna ko na mahaba na pala ang buhok ko at medyo binibigote na rin ako. Halos maging kamukha ko na si Mr. Suave. Pinag isipan ko tuloy ng malalim kagabi kung magpapagupit na ba ako ng buhok sa aking paboritong barbero dito sa Tangguh o pahahabain ko na lang hanggang makarating ako Bayang Magiliw. Hindi pa ako nakakapag pahaba ng buhok kasi ayaw ko na sasayad ang buhok ko sa aking tainga. Ano kaya ang hitsura ko kung pahabain ko na lang. Tatlong buwan na walang gupitan. Kaya lang parang napuna ko na hindi pantay ang paglago ng buhok ko sa may patilya. Yung sa kanan parang kay FPJ samantalang sa kaliwa parang gusto ng makalbo. Hanggang ngayong umaga ay hindi pa rin ako nakakapag pasya kung magpapapungos ako o magpapahaba. Mabagal na yata ang takbo ng isip ko at naapektuhan ang aking pagbuo ng desisyon. Siguro dahil sa araw araw na ginawa ni Allah (nasa muslim country kasi ako eh...pagbigyan na) eh itlog ang laman ng tiyan ko kaya pumupurol ang utak ko. Sana hindi naman nakaka-kalbo ang itlog!
 

Bugtong..Bugtong Zzzz
10 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jan.12.2008 @ 4:31 pm

Makabagong Bugtong Bugtungan

"Bakit ba pati ako, binibigyan nyo ng malisya?Ano ba ang kasalanan ko?!"
- Talong

"Hindi lahat ng malakas, super hero!"
- Putok

"Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?"
- Lego

"Halika, bigyan mo pa ako ng init. Kailangan kong pumutok para ako'y
iyong matikman at ika'y masarapan. Ayan na! Puputok na! Humanda ka!"
- Popcorn

"Kahit papaano, gusto ko din ng exposure!"
- Singit

"Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako'y sa iyo. Ayoko lang
naman na sa harap ng maraming tao, ganun mo na lang ako itanggi!"
- Utot

"Hindi lahat ng hinog ay matamis!"
- Pigsa

"Kapag ang katawan mo'y nag-iinit, lagi na lang ako ang hinahanap mo.
Maya't maya mo akong ginagamit at pinapagod. Hindi ka na naawa!"
- Aircon

"Pagod na akong humawak ng balls mo! Pagod narin ako sa
pagbihis-hubad mo sa akin. Malapit na naman ulit! Ayoko na!!!"
- Christmas Tree.

"I ikspik that it will be a long payt, a good payt, But you know, I
didn't ikspik. Tinks por da God, you know, and tinks por ol da pelepeno pipol!"
- Manny Pacquiao.

"You never even thank me for making you happy, then you throw me away
just like that. I hate you for using me, for making my life full of
shit!"
- Tissue

"Hindi llahat ng kulot, salot!"
- Golddilocks

"Hindi lahat ng bubuyog, kulay itim!"
- Jollibee

"Alam kong sa tingin mo, masaya ako! Pero bakit kayo ganyan?! Sa
tuwing wala na kayong masabi, ako na lang ang ginagamit nyo! Pagod na pagod
ako sa pagngiti!"
- Smiley

"You can cry all you want, you could always blame me. You said, it
wasn't fair that you just want life to be better. But remember, it's all
your fault! You stabbed me with a knife!"
- Sibuyas

"Isubo mo ang kahabaan ko. Dilaan. Sipsipin. Paglaruan sa bibig mo.
Para lumabas ang katas ko na kinasabikan mo. Nag mamahal,"
- Ice Candy

"Bakit ayaw nyo pa rin sa akin kahit sosyal at maganda ako? Dahil ba
mas sweet ang iba?".
- Fruitcake

"Panakip butas mo lang pala ako!".
- Panty

"Pinapaikot mo lang ako! Nagsasawa na ako. Mabuti pang patayin mo na
lang ako".
- Electric fan

"Hindi lahat na walang salawal ay bastos!"
- winnie d' pooh

"Alam mo ba wala akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa iyo.
Pero patuloy ang pag-iwas mo".
- ipis

"Hala! sige magpakasasa ka! Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo."
-hipon

"Ayoko na! Pag nagmamahal ako, lagi na lang maraming tao ang
nagagalit! Wala ba akong karapatang magmahal?!"
       -Gasolina

"Sawang-sawa na ako, palagi na lang akong pinagpapasa-pasahan, pagod
na pagod na ako."
- Bola

"Ginawa ko naman lahat para sumaya ka, mahirap ka ba talagang
makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?
- TV

"Hindi lahat ng maasim may vitamin C"
-kili kili

"Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako!
-Libag

"Anung kasalanan ko sa iyo, iniwan mo na lang akong duguan..."
-Sanitary Napkin

"Hwag mo na akong bilugin.."
-kulangot

"Bwisit na buhay ito! Araw-araw na lang, itlog! Umaga, tanghali,
gabi, itlog! Itlog! Itlog! Lagi na lang itlog!"
-Brief

"Sige, kalimutan mo ako para malaman ng iba ang baho mo!
-deodorant

"Ako lang ang makakapagpadugo ng ilong ni Manny Pacquiao!"
- English

"Hindi totoong anak ko si Bakekang! At lalong hindi ko kapatid si
Mike Enriquez! Kaya pwede ba, tigilan na ang tsismis na yan!"
- Shrek
 

Happy New Year 2008
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jan.04.2008 @ 8:05 am

Burrrrp!

Please excuse me :-)

Nabusog yata ako sa first dinner ko sa taong 2008! 1 Pack ng Corn kernel at 1 can ng Bintang Malt. Dahil sa puyat ko nung New Year's eve eh nakatulog ako maghapon at nung sinipag na ko gumising gabi na pala. Kaya heto nagtyaga sa pagkaing walang sustansya. Nung New Year's eve naman ang kinain ko para salubungin ang year 2008 ay same brand din (Deli's Bar) pero red beans naman with Mexican chili sauce. Anong trend ba ang nangyayari? Parang packed foods agad ang naumpisahan ko pagkakainin. Bago pa yun ay kumain naman ako ng Nissin Cup Noodles! Hmmm ano kaya ibig sabihin nito? I need the help of Madam Auring.

Paskong Pinoy
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Dec.24.2007 @ 1:34 pm | Last edited: Dec.23.2007 @ 11:24 pm

Maligayang Pasko Po!

Wala akong maisip isulat about Pasko kasi lahat yata naisulat na sa subject na ito. Kaya ililista ko na lang ang mga bagay na sumasagi sa aking isipan tuwing maririnig ko ang salitang Paskong Pinoy...

Parol, bibingka, puto bumbong, tsaa, simbang gabi, carolling, aguinaldo, regalo, ninang, ninong, simbang tabi, christmas parties, exchange gifts, wall clock - picture frame - alarm clock - photo album (kasi itong mga ito palagi kong natatanggap sa exchange gifts eh), Jesus Christ, bagong sapatos, bagong damit, bagong ligo, bagong pantalon, bagong ahit, bagong sipilyo, japorms, 50% sale sa SM, hihigitan naman ng Robinsons ng buy pne take one (harharhar), querubin, 13th month pay, bonus, christmas songs, christmas album ni andrew e., christmas album ni joey de leon, metro manila film festival, take it take it, viveka, vavajee, kumukutitap na lanterns na for sale sa tabing daan, outreach programs, home alone, styro snow, noche buena, keso de bola, mano po nanay, mano po tatay, mano mano, malamig na simoy ng hangin, mahabang gabi, end of the year awards night, endless forwarded e-mails na pampasko, mga kamag-anak na nagiging close ulit, balikbayan, chocolates, tatlong hari, sabsaban, rudolph the red nose reindeer, Santa Claus, butas na medyas na nakasabit sa bintana, Give love on Christmas day, bazaar, Christmas lights, Christmas tree.

 

Chow Pinoy sa Tangguh
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Dec.11.2007 @ 8:19 am

Nitong nakaraang Sabado ng gabi ay Filipino Food ang inihain ng PBU para sa mga tao dito sa Tangguh Concentration Camp. Ito ang pangalawang beses na ginawa nila ang gimik na ito at narito ang aking mga napuna...
  • Merong improvement sa lasa (at kulay) ng chicken adobo. Mula sa chicken tsamba nung unang episode ay nagkaroon na ng kaunting pagkakaparehas sa totoong chicken adobo na lutong Pinoy. Masyadong lutang pa nga lang din ang asim ng red wine vinegar na ginamit nila.
  • Walang improvement ang lasa, viscosity ng sauce, kulay at overall hitsura ng beef caldereta. Mas masagwa pa nga yata kaysa nung unang episode kasi this time meron pa olives. Wala akong malasahan na peanut butter at liver spread. Wala ring anghang! Sagana pa sya sa mantika na pag tinitigan mo parang feeling mo lumalaki ang ulo mo (sa taas).
  • Lasang panis ang pancit bihon (guisado). Kung noong episode 1 ay matabang ngayon naman ay may lasa kahit paano (lasang sira nga lang). Walang pagbabago ang kulay ng pancit. Sabi pa nga ni katotong Mario ay nahulog daw ang bihon kaya namumutla. Kulang din sa gulay na sahog.
  • Chopseuy na sinigang. Dito lamang ako nakakita ng masabaw na chopseuy. Malabnaw na sabaw! Walang atay-balunan! Walang sitsaro at broccoli. Walang squid balls at manok. Walang bell pepper! In short ginisang cabbage at carrots lang with konting string beans na nakalubog sa malabnaw na sabaw.
  • Ang rice na inihain ay punong puno ng carrots, peas at corn kernel at mayroon ding mangilan ngilan na hipon at tahong. Malinamnam at maganda ang kalidad ng kanin. Ito ang isa sa mga brightspots ng gimik nila. Bumawi ang PBU dito sa pogi points. :-)
  • Masyado makapal ang breading ng isda kaya kahit luto na ay parang lasang frozen pa rin sya pag kinain.
  • Nag-improve pa ang bulalo dahil sa nadagdagan na ang laman at gatil na masasandok mo. Dati kasi ay talagang buto lang lahat na para bagang kinain na ng aso. Mas lasang bone marrow ang sabaw. Medyo napatagal siguro ang pagpapakulo sa buto at kaunting tagal pa siguro ay magiging lasang dinuguan na (over naman! Joke lang).
  • Ang overall atmosphere sa mess hall ay talaga naman mas Pinoy kaysa nung episode 1. Pagpasok mo pa lang maririnig mo na si Basil Valdez na parang naghaharana yan ay matapos ang konsiyerto ni Ka Freddie Aguilar. Mas marami rin ang bandila ng Pilipinas na naka-display at siyempre mas maraming Pinoy sa loob. Nagtataka nga lang ako kung bakit hindi naka-costume ng Saya ang mga mga babaeng servidora at hindi naka-Barong tagalog ang mga servidoro (???). Sayang naman magandang photo-op sana yun.
 

Past Time ni Juan Dela Cruz
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Oct.15.2007 @ 12:07 pm

Past Time ni Juan Dela Cruz

  •   Tsismisan / Kwentuhan. Likas na sa mga Pinoy ang pagkahilig sa tsismis, kwentong barbero/kutsero, debate at balitaktakan. Ang magbabarkada tatambay yan hindi lang para makita at makasama ang mga kaibigan kundi para na rin hindi mahuli sa pinakabagong bulung bulungan. 
  •   Manood ng Telenovela / Drama / Telepantasya. Sa mga oras na 2 PM - 4 PM at 8 PM - 10 PM naku mahirap awatin ang mga ate, nanay, tiya at lola sa panonod ng paborito nilang novela sa telebisyon. Parang naka-martial law sa bahay pag ganitong oras. Hindi pwedeng ilipat ang channel ng tv kung ayaw mo masigawan. 
  •   Manood ng Sine. Siyempre hindi puwedeng maka-lusot ang bagong sine lalo na kung ang bida ay ang paboritong love team. Mahilig din mga Pinoy sa pelikulang banyaga kaya mga taga Hollywood tuwang tuwa.
  •   Magpalamig sa Mall. Minsan parang hindi mo sasabihin o iisiping naghihirap ang Pilipinas. Bakit? Ang daming mall! At palaging puno ang mga shopping malls na ito. Bakit ulit? Kasi libre naman pumasok dito at malamig pa. Kaysa magdusa sa mainit na kwarto eh tambay na lang sa mall...Pwede pa mag spot ng chicks sabi nga ng mga bagets d'yan. 
  •   Karaoke / Musika. Basta Pinoy music lover! Naku magtataka ka pa ba kung halos bawat karinderya ay may mga karaoke machines? Kahit nga sa lamay ngkakaraoke na rin. 'Nuff said.
  •   Basketball / Billiards. Isa pang common na makikita sa bawat kanto at sulok ay ang mga basketball courts at bilyaran. Ang dalawang paboritong isports ni Juan Dela Cruz. Kahit nga gawa pa sa lata ang ring at ang bola ay maliit katalo na at pwede na magpustahan. At sa bilyaran, syempre idolo ng mga tambay si Bata Reyes at Bustamante. 
  •   Mag-Sugal. Ito naman ang gawain ng mga sugarol na Juan. Kahit hindi na makatabi sa asawa sa gabi makabawi lang sa tong its. Kahit hindi na maihatid si bunso sa iskul makapag-mahjong lang...Haysus!
  •   Internet / Texting. Eto naman ang isa sa pinakabagong pampalipas oras ni Juan at Juana. Ang magbabad sa internet para magkalap ng mgaraming kaibigan sa friendster, myspace, multiply atbp. Nahihilig din makipag chat sa YM at mag search ng litrato ng mga singkit na koreano/koreana. Texting naman is not that big of a hit na pero 5 yrs back talaga namang ito ang nangunguna sa listahan. 
  •   Magpaganda / Hygiene. Kaya naman nabansagan tayong 'sweetest smelling people in the world!' Eh pano ba naman kung hindi nag-papaparlor, andun naman sa kwarto at nililinis ang kuko. Mag obserba ka sa telebisyon at 50% ng advertisement ay mga produktong pampakinis ng kutis, pampaputi, pampapayat, pabango, instant hot oil, pang alis ng tigidig, panlinis ng mukha, panlinis ng puday pagkababae, pampaputi kilikili, pang-alis ng anghet, iba't ibang klase ng kolorete at marami pang iba. Hindi pa kuntento sa isang ligo maghapon yan. Kaya naman mapanglibak ang Pinoy sa mga lahi na talaga namang masahol pa sa kambing ang amoy. 
  •   Tabloid / Krosword / Poketbooks. Ang pagbabasa ng tabloids, pagsagot ng mga krosword puzzle ay malimit na gawain ni Juan habang  ang pagbabasa ng pocketbook ay gawain naman ni Juana. Sa nahay nga ng sister ko ang dami koleksyon ng mga pocketbooks at ibinili na ng sariling lalagyan para hindi nagkalat sa bahay.

Sakay na!
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Sep.10.2007 @ 8:32 am

Ang pampublikong transportasyon (panlupa) sa Pilipinas ay maituturing na isa sa pinaka-natatanging simbulo ng bansa. Mapa pedicab, tricycle, jeepney, bus o tren pa 'yan, siguradong bago ka makauwi ng bahay ay may bagong kwento o joke kang mapupulot. Kumbaga, punung-puno ng katatawanan, katotohanan, drama, aksyon at sakit sa ulo ang dulot sa mga commuters. Kaya naman tuwing makaka-uwi ako sa Pilipinas ay sabik akong sumakay ng jeep, bus at LRT/MRT. Gusto ko kasing ma-experience ulit ang pagpawisan ka sa init sa loob ng jeep, yung ma-trapik ka habang nakasakay ng bus pero okay lang kasi yung pilyong kundoktor nag play ng ST movie sa kanilang "TV onboard" at siyempre ang makipag-unahan sa pagpasok sa tren.

  • Pedicab/Padyak. Limitado lang ito sa loob ng mga small subdivisions at maliliit na eskinita sa mga 2nd, 3rd at 4th class municipalities. High tech ang brake nito na gawa sa pinutol na lumang istepin (tsinelas). Kahit na anong liit eh may salamin din naman para ang mga pasahero pwedeng makita kung nagulo na ang buhok. May trapal pa pangontra pagkabasa sa ulan at tilamsik ng putik sa gilid. Mainam din ito sasakyan sa pagsingit sa mga ma-trapik na eskinita dahil sa dami ng tambay na ginawang basketball court ang daan. Naalala ko minsang sumakay ako sa pedicab kasabay ko pa si mylab galing kami deyt eh parang kinakapos ang mamang driver. Hirap na hirap magpadyak dahil siguro sa bigat naming nakasakay. Puhunan talaga ang lakas ng katawan ng mga kababayan nating pedicab driver.
  • Tricycle. Mas malaki ng konti at mas mabilis sa padyak. Sa probinsiya patok sa mga pasahero ang may malakas na stereo na traysikol. Punong puno din ng dekorasyon. May ilan na meron pa nga icon ng mga santo at santa at meron din mini electric fan. Karaniwang sakit ng ulo ng ibang motorista ang mga walang pakundangang tricycle drivers na singit dito, singit doon sa trapiko. Minsan nakakatakot din sumakay sa tricycle na ang driver ay dating nagmamaneho yata ng Ferrari sa F1 racing...kaskasero na parang hinahabol ng sandamukal na bading. Sa aming bayan ng Naic, Cavite ay tricycle ang major means of transport to go around sa bayan at sa mga barangay. 
  • Jeepney. Ang hari ng kalsada! Sarap sumakay ng jeepney na biyaheng Maragondon to EPZA. Express baga. Sa umaga at wala pang trapik eh almost 30 minutes lang kinukuha ang biyahe. Pabonggahan pa nga sa ngayon ng light display at wall design ang mga jeep sa Cavite. May malakas na stereo na palaging naka tune sa Love Radio o Star FM. Kung sa mga mata-trapik na lugar naman ng Metro Manila eh hindi ka rin mababagot dahil sa ang paborito mong mamang tsuper kung hindi story teller eh pilosopong komedyante naman. Nariyang sasabihin ng tsuper sa nagrereklamong pasahero dahil masikip na 'Luluwag din ho iyan! Araw-araw ginagamit eh!'. Minsan meron pang ganitong hirit: 'Yung mga hindi pa ho nag babayad diyan mag abot na at malapit na tayo sa Kanto Tinio!", Sa loob at labas ng jeep ay may mga stickers at mini sign boards kang makikita na may nakasulat na...'Basta driver sweet lover', 'Full string to stop', 'god knows hudas not pay', 'katas ng saudi!', 'katas ng japan', at syempre pangalan ng mga anak na usually ay pare-parehas ang simulang letter, pangalan ng santo at santa, etc. 
  • Bus. Ito ang paborito ng mga vandals sa lahat ng pampasaherong sasakyan. Makikita mo sa likod ng upuan ang mga cellphone numbers ng mga desperado sa textmate, ang mga pangalang ng fraternities ng mga tambay, ang mga dedication ng mga torpe't pangit para sa kanilang iniirog at marami pang iba. Paborito rin ito panglimusan ng mga 'volunteers' daw ng bahay na walang bubungan..este..hagdanan. Mayroon din na bigla na lang sasakay at mananalangin sa gitna ng corridor, 'gad blisyu bradir! ipikit ang mga mata, ilabas ang pera, ipamahagi ang grasya nang hindi madisgrasya! emen!'. Yung gimik naman ng iba yung naaayon sa panahon. Pag may piket o rally ang panghihingi nila ng kwarta para sa mga nag-i-strike. Pag malapit na ang Pasko, nangangaroling naman sa loob ng bus. Hindi ka rin magugutom sa bus kahit gano kalayo ang biyahe mo. Bawat major kanto at kalye may sasakay na vendor na may bitbit na isang bilaong kwek-kwek, bananakyu, itlog ng pugo, mais, krakers, mani, kasoy, shing-a-ling, tsitsaron, mineral water, softdrinks, C2 green tea, buko pie, empaynada, at marami pang iba. Sa mga mahilig sa balitang politika, shobis, isports at awayan...aba hindi pahuhuli ang ating mga kabapatid na tabloid vendor! Kung gusto mo naman libre ang entertainment...manood na lang ng palabas sa onboard tv...o kaya sumilip ka sa bintana ng bus at makita mo ang MMDA at ang mga muslim sa Baclaran nagbabarilan, naghahabulan at nagmumurahan! Ang hindi ko lang gusto sa mga bus na bumibiyahe in and out of Metro Manila patungo sa mga probinsiya ay ang hindi pagpapatupad ng limitasyon sa pasaherong pwedeng isakay. Hanggat kakasya pa ay papasakayin pa ang mga pasaherong willing magbayad ng buo kahit nakatayo sa mahigit kalahati ng duration ng biyahe. 
  • LRT/MRT. Wow express trip ito! Walang trapik, hindi inaabala ng pulis na gutom at hindi nagpapa-gasolina. Siguradong makakarating ka sa susunod na terminal within the expected time. Nga lamang...kulang na kulang pa rin ang mga tren para sa dami ng pasahero. Kaya nga malimit pag sumakay ka sa LRT/MRT expect mo nang dumikit ang mukamo either sa kilikili ng bumbay o sa salamin ng tren at magmukha kang napitsit na majimbu. Sardinas sa sikip! 
  • Taxi. Huli na lang itong taxi dahil mahal ang singil. Kaya nga pumatok ang 'FX taxi' kasi mas kumbinyete sa jeep at hindi kasing mahal ng taxi. Hindi maganda ang experience ko tuwing sasakay ako ng taxi around Metro Manila. Malimit palpak ang seatbelt ng mga kotse at pumapasok ang amoy ng exhaust sa loob na parang nasa jeepney ka na rin. Yung mga lumang taxi dapat hindi na ni-rerenew ang prangkisa!

Iba pa:

Trolley - Gamit sa mga riles ng tren. Delikado at illegal!

Kalesa - Mayroon pa rin makikitang pangilan-ngilan nito sa Manila.

Motorsiklo - Malimit sa mga liblib at unpaved na lugar sa mga probinsiya na hindi kayang pasukin ng 3 o 4 wheeled vehicle.

 


Current Page 2
<< < | 1 2 3 4 5 6 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org