|
| <<
< |
1
2
3
4
| >
>>
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.05.2007 @ 8:59 am
|
Nahilo ako kagabi. Sa dami siguro ng pinaggagawa ko (at nakainom din konti). Una syempre dinner. French cuisine ang tema sa mess hall. Syempre wonderful gastronomical experience ulit. Right after dinner and some chatter with friends here in Tangguh diretso na ko sa bilyaran. Maganda ang tumbok ko kagabi at sinamahan pa ng konting swerte kaya naka 10 games ako (8-2 win loss) with a seven game winning streak before matalo sa huli. Tsamba!
After billiards uwi na muna, ligo at nood muna ng X Games at F1 Qualifying sa Hungaroring. Shet 14th lang si Massa at na outpaced pa si Raikkonen ng isa sa mga BMW Sauber car. Bad trip tuloy... So labas naman ako para manood ng badminton games. Malapit na kasi ang Indonesian Independence Day kaya meron na naman palaro dito. Medyo comedy ang mga games sa Court A kung saan naglalaro ang mga more senior citizens ng Tangguh. Mga players from management ng KJP at mga subcontractors nito. Syempre dahil sa medyo maedad na sila slow motion ang laro. Kahit ganun pa man dito pinaka marami nanonood at nagtsi-cheer. Aside kasi sa (limited) competitiveness ng laro may kasama pang katatawanan. Hindi na rin ako nagtagal sa gym kasi nabalitaan ko na tapos na pala ang game ng kasamahan namin sa office na si Anesia. At nanalo sya! Batsi na ko. Sumunod naman ang kwentuhan with tropa dito at konting inom (wow SMB!). Pulutan eh piattos at french fries na sinawsaw sa maanghang na hot sauce (hehehe parang redundant). Masaya ang kwentuhan at meron pa nga nakasali na usapan na bagong dating na Pinoy... bigala nga lang may umangas sa likod namin. As usual nagmayabang na naman ang isang matandang hukluban dito. Nagmura pa sa min. Anim yata kami. Mabuti na lang walang bayolente sa amin at hindi pa nakainom ng marami. Matanda naman sya kaya hindi na lang pinansin. Para tuloy nasira ang masayang mood. Maswerte pa rin yung lolo na yun kasi pare-parehas lang kami nasa banyagang lupain. Pare-parehas nangangailangan ng pera kaya nakikipagsapalaran dito bilang OFW. Nagkataon lang sa Pilipinas nya pinakita ang bastos na ugali nya malamang masisira ang aking pangako sa sarili na hindi papatol sa nakakatanda. Anyway... napatunayan ko na naman na kailangan talaga ng mahabang pisi sa mundong ito. Sa dami ng mga ogag na naglipana dapat mapag-tiis at mapagpasensiya talaga. Kahit dito sa isa sa pinaka remote na lugar sa daigdig eh meron pa rin talagang kupal! Balik nga ako sa mga aktibidad kagabi...so after that display of aweless profanity uwian na kami. Nood pa konti TV. Titig sa FHM models hanggang sumakit ang mata at antukin. Ayun parang na-cut short ang gabi ko. Plano ko pa naman pumunta sa Kenari Cafe at makinig sa local combo kutsero dito. Mabuti na rin at nakapagpahinga before midnight!
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.03.2007 @ 7:12 am
|
"There are people in the world so hungry that God cannot appear to them except in the form of bread."
Nag-iimprove na ang pagkain dito sa Tangguh. Dati dalawang choices lang sa pagkain: take it or leave it. Ngayon hinati na sa 3 menu. Western, Japanese at Indonesian food menu. Hindi lang ang lasa ang nagkaroon ng pagbabago pati na rin sa presentation (medyo) at sistema. Mas marami ng gulay at salad para hindi ka naman mauyam sa lasa na araw-araw ay nagbabago lang sa kung gaano karaming asin at sili ang napasangkap sa pagluluto. Breakfast naman is ganun pa rin... mas marami nga lang klase ng keso. Lunch is the same. No improvement. Packed lunch. Palaging sisigaw ang pagkain sa llob ng lunch box ng "Surprise!" kapag binuksan mo na. Lintik pa rin sa dami ng olives at onions ang sandwich! Ang prutas hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kin kung bayabas, peras or mansanas... Overall eh may improvement talaga. Siguro dala na rin ng pagha-hire ng Pinoy cook ng aming catering subcon dito. Kaya lang ganun pa rin... hindi pa rin pwede ipasok ang sapatos sa loob ng mess hall. Natatamad siguro silang linisin ang sahig kaya ang aming mga medyas ang ginagamit na mop. Tip lang: Wag uupo malapit sa mga local na basa ang buhok or pantalon.. Sigurado kaka-salah pa lang nun (dasal ng muslim). Sigurado basa din ang paa at mabaho. Naku nakakawalang gana.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.25.2007 @ 10:40 am
| Last edited: Jul.24.2007 @ 9:09 pm |
Nagmula ito sa isang forwarded e-mail. Nakakatuwa lang kaya share ko na lang...
"Ang galing ni Bebeng"
Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa. Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Ting nan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay." Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng: Mahal kong tatay at mga kapatid: Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...
Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo. Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.
Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta. Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume. Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay. Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan. Isang dosenang Wonder bra ( Victoria 's Secret ata ang tatak) gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay. May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon. Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot-suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto. Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo. Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga pinadala ko. Nagmamahal, Bebeng |
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.20.2007 @ 7:54 am
|
Feeling ko bumata ako ng 5 years after ko magpagupit kagabi sa barbero dito sa Tangguh (barbera yata pag babae). Okay naman ang gupit kaso medyo hindi pa rin ako fully satisfied. Hirap naman kasing sabihin ang eksaktong gusto mo dito kasi hindi nagsasalita ng ingles ang mga tao dito. Dinaan na lamang sa sign language at lumang ID picture. Grabe din ang gupitan blues na nangyari kagabi. Pakiramdam ko halos dalawang oras bago natapos. Ang bagal ng manggugupit. Natatakot yata magkamali. After ng pagpapapungos ay nagtanong ako kung may hair dye siya. Gusto ko magpalagay ng kulay sa buhok yung parang kay Jolina. Pero syempre hindi naman katulad talaga ng kay Chuva Chenes. Medyo lalagyan ng konting twist parang yung sa mga anime characters. Kaya lang wala na available na hair dye. Kukuha pa sa kabilang barber shop ang layo pa naman... So next time na lang. Sayang hindi ko nakuha ang gupit anime...Nangyari tuloy nagmukhang gupit rambo. Tali na lang sa ulo ang kailangan at machine gun rambo tango na. Talagang 3 months pa bago ako makakuha ng decent hair cut sa Pinas. Dito kasi pag sinabing uso or bagong style or disente eh ang makukuha (pag natulog ka while gupitan is in progress) mo gupit 70s. Retro style. Hindi bagay sa kin. 
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.18.2007 @ 2:57 pm
| Last edited: Jul.18.2007 @ 1:58 am |
| I can only help but wonder life would be without my sweet lady... Next week ay sisimulan na ang interior works sa master's bedroom ng bahay namin ni mylab. Nauna ng natapos ang cabinets. Susunod na ang ceiling, flooring at painting. Syempre excited na rin kami mag shop for a new king size bed. Yung matibay syempre para kahit na mag-away kami sa kama walang problema, yakang-yaka (kindat sabay ngiti). Sa room na naman ni myson makikitulog si mylab habang ginagawa pa ang loob ng kwarto namin. Magandang timing na rin kasi pasukan at hindi naman sila maiingayan sa bahay while construction is on going. Hindi naman apektado ng panahon kasi sa loob ng bahay naman ang gawain. Kahit umulan pa maghapon go lang ang trabaho. Sayang nga lamang at ako ay isang head coach na nasa malayong lugar at hindi ko ma-supervise hands on ang pa-trabaho. Adviser lang pala ako kasi si misis ang totoong head coach ng family. Sa susunod na bakasyon ko sa October mas masarap na ang tulog kasi kumportable na. Sana nga lang mapakapag-pakabit na rin ng aircon at meron pambayad sa kuryente. Nasanay na rin kasi ako sa malamig na klima kahit na andito ako sa Indonesia na lintik din sa init at humid. 12 hours naman kasi sa office lang then uwi na sa gabi diretso sa kwarto mas malamig pa. Ewan ko ba dati naman okay lang na electric fan lang. Pwede nga sumipol lang para humangin. Biglang nagbago. Anyway, dapat pala maidagdag ko sa vacation plan ko ang pagkukulong sa kwarto with mylab. Malay mo makabuo ng isa pang bunso (toink). Sana may time ulit ako makadaan ng Pasaraya Plaza sa October para maka-bili naman ng batik at Indonesian paintings or yung mga nililok na kahoy. Kung wala talaga chance makapamili sa Pasaraya eh siguro pa-enlarge ko na lang tong picture ni manong Darkulyanto sa baba at maipa-frame at maisabit sa kwarto para maalala ko naman mag brief bago ako lumabas ng bahay. 
Medyo magastos din ang magpagawa ng bahay...at matagal lalo na kung hindi naman kalakihan ang source of income. Hindi tuloy ako makaalis sa trabahong ito kahit na talaga naman nakaka-inis, nakaka-inip, nakaka-baliw at hindi nakaka-aliw ang lugar kung nasan ako. Kumbaga sa madaling salita mahigpit ang pangangailangan hehehe. Tiyagaan lang talaga at mahabang pasensya ang kailangan. Unti-unti matatapos din ang bahay namin. Sa ngayon, focus muna sa silid tulugan.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.15.2007 @ 10:06 am
|
Kagabi was a good night for the stomach and taste buds. Dumalaw kasi ang Project Control Manager ng BP dito sa jungle. Siyempre as main contractors and counterpart section eh kasama kami na nag-welcome sa kanya by having a sumptuous dinner party. Well represented naman ang Pilipinas dahil sa dalawa kami from Main Contractor PJC (si Rommel at ako) at ang chef ay Pinoy din! The best ang appetiser na soup na niluto ni Melchor. Sarap naman ng giant lobsters na parang kamukha ni Predator. Syempre kumain din ako ng T-Bone steak na masasabing "pwede na". Masarap ang lasa kaso medyo matigas nga lang ang laman. Juicy na matigas...parang ano yun ah...Fresh fruits meron din at sangkatutak na ice cream. Sira na naman ang aking plano na iwasan ang matatamis na pagkain...Hindi ko mapigilan ang tawag ng laman hindi pagtikim sa almond-vanilla ice cream na parang kumakaway sa harap ko at nagsasabing 'kainin mo ako!'. Anyway, syempre dahil mga big time ang kasama natin eh na-exercise na naman ang ating bloody accent just tryin to match up with those bullocks bitoys. Alangan naman na sila lang ang slang at hirap intindihin. Narinig ko na naman ang mga tipikal an bitoy ingles like syedule, uf curs, bludy prugress, critical peth, etc. Naknamputsa eh masarap nga ang pagkain pero trabaho pa rin ang pinag-uusapan! So pretending to listen those guys I just enjoy the evening meal and wait for the time na matapos ang dinner. Fast forward after the meal eh inom naman kami ng Anker ng kasama ko. Tig-2 cans lang and some kwentuhan while watching some Wesley Snipes flick. Uwian na and pahinga. After a hot shower eh ayan na... kumukulo na ang tyan ko. Naghalo-halo na kasi ang pagkain sa stamak (sabi nga ni Dok). Napasama yata ang pagkain ng marami. Ayan magdamag puyat. Buti na lang malakas ang aircon at exhaust. Hindi ako nabiktima ng death by flatulence!
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.03.2007 @ 5:02 pm
|
Lonely OFW Caller: Magandang gabi po Mang Erni. Tanong ko lang po kung paano umiwas sa pagka-baog ang isang OFW na katulad ko. Natatakot po ako sa binahagi ng aking mga kasamahan na nung nag-abroad daw sila ay nabaog na.
Mang Erni: Madali lang iho. Eto ang mga aking maipapayo sa iyo:
- Uminom ng maraming tubig para madalas kang maihi at hindi magbara yang spool piece mo.
- Mag-palabas ka ng sama ng loob minsan sa isang linggo. Wag araw-arawin at baka masyado manlambot. Wag maghugas agad ng kamay pagkatapos baka mapasma.
- Iwasan ang malalamig na inumin. Ang pagkakaroon ng tonsilitis ay isa sa indirect cause ng pagkabaog ayon sa mga eksperto. Konektado daw kasi ang mga ugat ng iyong tonsils sa iyong nuts.
- Huwag masyadong isipin ang misis. Inaalagaan sya ni kumpare.
- Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom gamit ang straw. Ang paghigop, gaya ng pagpuwersa, ay nakakapag-paurong ng iyong pagkalalaki. Maliit na nga paliliitin mo pa. Para ka na ring baog nyan pag nagkataon.
- Huwag mag-rely lang sa toilet paper pagkatapos umebak, baka magkaroon ka ng skid row. Ang maruming katawan ay hindi maganda sa health ng buong katawan at sperm cells.
- Huwag masyado mag lift ng mabibigat na bagay or iwasan ang weight lifting. Bakit? Basahin ang payo number 5.
Marami pa sana akong maipapayo sa iyo iho kaya lang oras na para sa ating susunod na caller.Lonely OFW Caller: Maraming salamat po! Mabuhay po kayo Mang Erni. Mang Erni: Walang anuman. Wag mo nga pala kakalimutan ang cleansing diet ha. Diyan humaba ang buhay ko! |
 |
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.27.2007 @ 1:18 pm
| Last edited: Jun.27.2007 @ 12:06 am |
Oct-Nov Vacation Plan
- Celebrate my 6th 21st birthday with my family. Lots of food and beer.
- Detoxification by sleeping more, exercise, more sex and eating mostly fruits and veggies.
- Nature trip at UPLB, Pook ni Maria Makiling, National Arts Center, etc.
- Have my house painted.
- Buy new pairs of Nike kicks for Ian, Love and me.
- Buy: a. iPod b. External HD c. Electric Guitar d. all of the above
- Watch Ian fly his new remote control toy plane.
- Chikka, inom, more chikka, more inom with Love.
- Send and fetch Ian to school.
- Buy a new king size bed.
********************************** Pag walang pera ganito na lang...
- Celebrate my 6th 21st birthday with my family sa Balot-balot.
- Detoxification by sleeping more, exercise, more sex and eating pandesal.
- Nature trip sa likod bahay. Malapit lang naman ang palayan at ilat.
- Have my cabinet painted.
- Buy new pairs of Nike kicks for Ian, Love. Pwede pa yung Avia ko.
- Buy: a. walkman b. crossword puzzle c. rubik's cube d. wag na lang kaya
- Watch Ian fly his new remote control toy plane. This was a promise I made to my son. Hindi pwedeng mapalitan.
- Chikka, more chikka with Love.
- Send and fetch Ian to school.
- Buy a new queen size bed. Magpapa-payat para magkasya kami.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.25.2007 @ 8:56 am
|
The Ten Commandments ng OFW
- Ingatan ang Passport at mahahalagang documents
- Siguraduhing magta-trabaho ka. Hindi ka lumabas ng bansa bilang OFW para pairalin ang katamaran.
- Huwag pabayaan ang kalusugan. Kumain ng healthy foods at nasa oras. Mag-exercise.
- Kung nais tikman ang ibang lahi sumigi ka ngunit siguraduhing magsuot ng proteksiyon. Tikman minsan at wag magpaka-adik. Siguraduhing binata ka.
- Huwag kalimutan ang mga mahal sa buhay. Sumulat, mag-text, mag-email at magpadala ng pera sa pamilya sa Pilipinas para makatulong ka sa kanila at ng may silbi naman ang pagiging bagong bayani mo.
- Huwag dibdibin masyado ang trabaho. Kung ano lang ang kayang gawin (plus a little extra effort) yun lang. Huwag magpaka-bayani para sa dayuhan.
- Huwag lalaki ang ulo (sa taas ha) at huwag maging suplado lalo na sa kapwa OFW. Remember pare-parehas lang kayo namamasukan sa ibang bansa. Pantay-pantay lang at makaro pa rin ang kutis ng betlog mo. Kahit TNT pa yan, makisama.
- Iwasan ang anumang klase ng krimen. Baka mahagupit ka ng latigo, maputulang ng daliri or ulo. Kung sa Pilipinas bago ka umalis malinis ang record mo sa pulis eh panatilihin mo yan kahit san ka pa pumunta sa mundo dahil dala mo na rin ang ngalan ng bansa mo.
- Huwag kalimutan umuwi ng Pilipinas. Kahit nag-palit ka na ng nationality dalawin mo pa rin paminsan-minsan ang lupa kung saan ka
tinuli pinalaki at tinuruan bumasa at sumulat.
- Gumawa ka ng plano (kung wala ka pa bago pa man umalis ng Pinas) kung pano mo gagamitin (or ise-share) ang kikitain mo sa mahabang panahon na paninilbihan sa imperyong dayuhan. Papalaguin ba sa isang negosyo (wais), bibili ng lupa, bahay and/or kotse, ibabayad ba sa utang, ipampapa-lipo ba or papatulugin mo lang sa bangko?
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jun.15.2007 @ 9:32 am
| Last edited: Jun.14.2007 @ 7:46 pm |
Editorial of Philippine Star(15-Jun-2007)
>>NOONG Miyerkules ay pinugutan ng ulo si Reynaldo Cortez, 42, welder
sa isang car shop sa Riyadh, Saudi Arabia. Ang kasalanan ni Reynaldo,
pumatay ng Pakistaning taxi driver. Nangyari ang pagpatay noong May
2002. Sinaksak ni Reynaldo ang Pakistani dahil sa tangkang paggahasa sa
kanya. Sumuko si Reynaldo sa mga pulis pagkaraang mapatay ang
Pakistani subalit binaril pa umano sa kaliwang paa. Noong December
2003, napatunayang guilty si Reynaldo sa pagpatay at sinentensiyahan ng
Riyadh court na mabilanggo ng 15 taon at pagtanggap ng 1,000 hampas ng
yantok sa likod. Pero umapela ang abogado ni Reynaldo sa bigat ng
hatol kaya noong Nov. 2004 ibinaba ang hatol sa kanya. Ginawang 10
taong pagkabilanggo. Iyon ay sapagkat ang pagkakapatay niya sa
Pakistani ay dahil sa pagtatanggol lamang sa sarili.
Ni-reject naman ng mga magulang at kapatid
ng napatay na Pakistani ang 100,000 Saudi Riyals na diyah o blood money
na offer ni Reynaldo at sa halip ay ipinagpilitan na mahatulan ito ng
kamatayan. Dalawang beses nakiusap ang kampo ni Reynaldo sa mga kaanak
ng Pakistani pero wala ring nangyari. Noong May 2005, sinentensiyahan
na si Reynaldo ng kamatayan.
At noong Miyerkules nga, dakong alas-dos ng
hapon ay isinagawa na ang pagpugot sa ulo ni Reynaldo. Naiwan niya ang
asawa at anim na anak sa Guagua, Pampanga.
Si Reynaldo ang ikalimang OFW na
naparusahan ng kamatayan sa Saudi Arabia sa panahon ni President
Arroyo. Noong March 2005, napugutan din ng ulo sa Saudi Arabia sina
Sergio Aldana, Antonio Alvesa, Wilfredo Bautista at Miguel Fernandez.Ayon
sa Migrante, tatlo pang Pinoy ang nasa death row sa Saudi Arabia at isa
sa Kuwait. Ayon naman sa figure ng Department of Foreign Affairs, may
33 OFWs, kabilang ang dalawang babae ang nasa death row.
Sagipin sa talim ng espadang Saudi ang mga
nakalinyang pupugutan. Ang nangyari kay Reynaldo ay hindi na sana
mangyari pa sa mga Pinoy na nasa Saudi. Bagama’t gumawa ng paraan ang
pamahalaan para mailigtas ang kawawang si Reynaldo, sa palagay namin
ay hindi naging sapat ang aksiyon. Dalawang beses lamang palang
pinakiusapan ang pamilya ng Pakistani. At ang dalawang beses na
pakiusap ay hindi sapat. Dapat kumuha pa nang mahuhusay na abogado ang
pamahalaan para naipaglaban ang kaso. Ayon mismo sa kawawang si
Reynaldo, ipinagtanggol niya ang sarili nang tangkain siyang gahasain
ng Pakistani. Nagtanggol lamang siya sa sarili kaya ang hatol na
kamatayan sa kanya ay hindi makatarungan. Pero sino ang magtatanggol
kay Reynaldo? Mayroon bang mahusay na aboga dong ibinigay ang
pamahalaan? Kung meron, bakit napakadali ng pagpugot sa kanya?<<
Isa na namang OFW ang napabayaan ng ating gobyerno. Gaano pa karaming OFW ang magbabayad ng buhay nila bago umaksyon ang ating mga opisyal ng gobyerno upang madagdagan ang proteksiyon sa ibang bansa ng mga bagong bayani?
|
|
|
|
|