| <<
< |
1
2
3
4
| >
>>
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jan.11.2008 @ 8:30 am
|
Nagsibalikan na ang mga kababayan na Pinoy dito sa Tangguh matapos ang kanilang bakasyon nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon. Siyempre hindi mawawala ang mga pasalubong! Eto nga at simula noong nakaraang Sabado eh panay ang 'lamon' namin dito ng adobong baboy, relyenong bangus, longganisa, atsara, sisig at marami pang adobong baboy. Mga pampa-high blood at mga pampa-taba. Eh packing sheet ang sarap naman kasi talaga ng totoong pagkaing Pinoy!
Eto nga at ang tiyan ko feeling ko lumalaki na naman. Dapat mabawi sa ehersisyo ang mga nadagdag na bilbil dahil sa super adobo. Nagpadala nga pala ako kay katotong Joseph ng Slender Shaper na binili ni misis para sa akin. So far eh okay naman ang resulta ng bawat session ko dito dahil nakakarelax talaga ng muscles at parang nag-ehersisyo na rin ako kahit na nanood lang ako ng telebisyon habang suot ko ito sa loob ng sampung minuto. Pangontra na ito sa sobrang pagkain na di ko dapat nilalamon (harharhar!). Kontes pa nga kami ni mama ko dahil bibili rin sya para sa sariling gamit nya at sa pag uwi ko ulit makikita ang magandang resulta!
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Dec.24.2007 @ 2:28 pm
|
Tagalog Christmas Songs
ANG PASKO AY SUMAPIT - Levi Celerio
Ang Pasko ay sumapit Tayo ay mangagsi-awit Ng magagandang himig Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig Nang si Kristo ay isilang May tatlong haring nagsidalaw At ang bawat isa Ay nagsipaghandog ng tanging alay
Bagong taon ay magbagong-buhay Nang lumigaya ang ating bayan Tayo'y magsikap upang makamtan Natin ang kasaganaan
Tayo'y mangagsi-awit Habang ang mundo'y tahimik Ang araw ay sumapit Ng Sanggol na dulot ng langit Tayo ay magmahalan Ating sundin ang gintong aral At magbuhat ngayon Kahit hindi Pasko ay magbigayan
NOCHE BUENA - Levi Celerio
Kay sigla ng gabi Ang lahat ay kay saya Nagluto ang Ate ng manok na tinola Sa bahay ng Kuya ay mayro'ng litsonan pa Ang bawat tahanan may handang iba't iba
Tayo na giliw Magsalo na tayo Mayro'n na tayong Tinapay at keso Di ba Noche Buena Sa gabing ito At bukas ay araw ng Pasko
PASKO NA SINTA KO - Aureo Estanislao
Pasko na sinta ko Hanap-hanap kita Bakit ka nagtampo Iniwan ako
Kung mawawala ka Sa piling ko sinta Paano ang Pasko Inulila mo
Refrain:
Sayang sinta ang sinumpaan At pagtitinginang tunay Nais mo bang kalimutang ganap Ang ating suyuan at galak
Kung mawawala ka Sa piling ko sinta Paao ang Paskong Alay ko sa iyo.
MISS KITA KUNG CHRISTMAS - Fe M. Ayala
Ang Disyembre ko ay malungkot Pagkat miss kita Ano man ang pilit kong magsaya Miss kita kung Christmas Kahit nasaan ako Papaling-paling ng tingin Walang tulad mo Ang nakapagtataka'y maraming Nakahihigit sa 'yo
Hinahanap-hanap pa rin kita Ewan ko kung bakit ba Ako'y iniwan mong nag-iisa Miss kita, O giliw Pasko'y sasapit 'di ko mapigil Ang mangulila Hirap niyan mayro'n ka ng iba.
PASKO NA NAMAN
Pasko na naman O kay tulin ng araw Paskong nagdaan Tila ba kung kailan lang Ngayon ay Pasko Dapat pasalamatan Ngayon ay Pasko Tayo ay mag-awitan
Refrain:
Pasko! Pasko! Pasko na namang muli! Pasko! Pasko! Pasko na namang muli! Ang pag-ibig naghahari!
Repeat first part and refrain (2x) |
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Dec.05.2007 @ 8:29 am
| Last edited: Dec.04.2007 @ 6:22 pm |
Application to hike to Tanah Merah compound: Denied! Application to go around Babo market: Denied! 1st Application to travel to Kokas Island: Denied! 2nd Application to travel to Kokas Island: Denied! Ilan lamang yan sa mga hiniling namin sa aming admin dito sa Tangguh bilang dibersiyon tuwing may holiday at walang trabaho. Lahat denied walang comma LOL. Nagsawa na rin kaming mga Pinoy kasi feeling namin tinatabla kami dito ng mga taga-admin na Indonesians. Sabi pa nga ng iba naiinggit daw ang mga Indons sa Pinoy. Meron naman ilan na sinasabi na takot lang daw palayuin ang Pinoy sa Tangguh Concentration Camp kasi ayaw mag-take ng company ng risk sa mga expat lalo na at hindi lang sa malaria at gonorrhea kilala ang Irian Jaya province (kung nasaan ang Tangguh) kundi pati na rin sa mga crocodiles (hindi yung mga pulitiko sa Pinas ha) at iba't-ibang species ng ahas. Hindi naman natsitsismis na kaya ayaw payagan lumabas ang mga Pinoy ng camp ay dahil sa takot ng admin na kami ay mag -TNT. Sino ba naman gustong manirahan at mabaluga sa lugar na katulad nito? Kaya nitong mga nakaraang araw ay nagsariling sikap na lang mga Pinoy (sa pangunguna ni Ginoong Rommel SJ) para makapag sama-sama sa isang simpleng pagtitipon sa noche buena. Nag ambag ang bawat Pinoy ng 100,000 Rupiah (humigit kumulang 500 PHP) upang magkaroon ng pondo para sa ihahandang pagkain at munting programa. Hindi na kami nagpaalam at humingi ng pabor sa admin dahil kita naman sa mga nakaraang panahon na parang walang 'paki' sila sa aming mga Pinoy. Pero Mamang Berto! Maniwala't hindi itong isang taga-admin ay naka-tunog sa aming mga balakin at sinabing sasagutin ng company ang lahat ng aming pagkain at programa with matching live band pa! Juicemiyo! Walang himala! Totoo po ba ito? Kurutin ako sa singit kung ako ay nananaginip lang puleeeaassseee! Pordaperstaym parang naiparamdam ng admin namin kami ay may halaga rin sa kanila. Purihin ka Pacifica. Dahil dito ay makukuha ko ulit ang aking 100,000 Rupiah at magagamit ko na lang pambili ng e-load pangtawag kay mylab. Kaya ngayon ang tanging pinag-iisipan dito ay ang menu at ang mga pakulo para sa nalalapit na Noche Buena Party: Pinoys In Tangguh. Lalo tuloy ako na-e-excite at kahit na iba pa rin ang mag-Pasko sa piling ng sariling pamilya, masaya na rin ako. I can't complain not even a bit. I have a family here too. Ang Pamilyang Filipino. Di nga lang pwedeng i-kiss kasi lahat kami lalaki LOL. Mga litrato at balita susunod po. Sa ngayon eto muna ang sample ng litrato ng isang presong katoto natin dito si Ginoong Mario C.

Front View Mug Shot

SideView Mug Shot |
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Oct.20.2007 @ 7:21 am
|
Malapit ng matapos ang pagiging twenty five years old ko ah! Ilang araw na lang at kaarawan ko na naman. Parang ang bilis ng panahon. Tumatanda na ako. Hindi na nga ako makasabay masyado sa mga pinag uusapan ng mga teenagers ngayon. Hindi ko rin alam kung kasama na ba ako sa mga martial law babies. Parang may identity crisis ako...
Hindi ko nga alam kung magce-celebrate ako or mauupo na lang sa sulok. Parang iniisip ko ice-celebrate ko ba na tumatanda na ako? Yaiks! Meron bang masaya dahil sa umeedad na?
Naalala ko nung nasa high school pa lang ako ang palagi kong gustong mangyari ay gumising isang araw na ako ay 21 years old na at nagta-trabaho na. Gusto ko na umedad noon para ma experience ko na yung nagagawa ng mga twenty something. Ngayon naman eh parang gusto ko bumalik sa mas batang edad at mabalikan ang mga na-miss ko na activities as teenager. Nakakatawa kung iisipin.
Looking forward naman, meron pa akong dalawang taon para pagsikapan ang pag-iipon para sa tina-target kong pagnenegosyo. Kaunti na lang ang time ko para dito kaya naman dapat magsikap mabuti. Ayoko naman maging OFW na lang habang buhay. Kaya naman sana sa ika-dalawampu at siyam na kaarawan ko ang isusulat ko na dito ay tungkol sa aking bagong pinagkakakitaan at pinagkaka-abalahan... sana...sana nga. Lumalayo ako sa topic teka. So sa Friday birthday ko na. Sige imbitado ang lahat ng nakaka-alam sa address ko hehehe. Mai-celebrate na nga hindi dahil sa tumatanda na ako kundi dahil sa 26 years na safe at masayang buhay. Masaya ako at makakasama ko na ulit pamilya ko sa aking kaarawan. Tapusin na itong blog entry na ito dahil wala naman katuturan hehehe. Excited lang umuwi at mag birthday.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Sep.30.2007 @ 11:41 am
|
October na!!! Bukas pa pala... So that means three weeks na lang at ako ay magbabalik na sa aking mahal na Pilipinas! At isa pa, paunti na ng paunti ang days ko to achieve my goal sa akng Fitness program...
Naku naghahabol na ako ngayon sa aking FP kasi last week absent ako four days sa gym :o( Inabot yata ako ng katamaran at kawalan ng disiplina...Pinoy na Pinoy nga shet.
Last Friday tuloy parang sumakit ang katawan ko kasi masyado yata na puwersa. Kailangan ko kasi ma-achieve ang objective bago umuwi ng Pilipinas...magbawas ng timban--g (at least 4 Kg). Eto at nangangalahati na ko, kung iisipin ko parang impossible yata ang another two Kg in a span of three weeks??? Bahala na! Yan ang paboritong sabihin ng Pinoy. Pero kailangan ko ma achieve yang target ko na yan dahil sa November ang aking scheduled annual physical examination at gusto kong masabi na "Yes!!! Fit na Fit ako!"
Sa susunod na rotation ko dito sigurado mas sisipagin ako mag -ehersisyo... Bibili ako ng iPod para hindi ako mainip sa gym. At least may napapakinggan na music kesa naman dun sa mga tunog ng bakal na binubuhat ng mga maskuladong Indons at threadmill na kakarag karag na...
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Sep.20.2007 @ 5:26 pm
| Last edited: Sep.20.2007 @ 5:54 pm |
Fitness!!! Mabisa daw na panlaban sa homesick ang pag eehersisyo kaya naman kinakarir ko na ang pag-ji-gym. Hindi naman ako nagbubuhat ng weights (well paminsan minsan). Sa threadmill at sa stationary bike lang ako muna. May tsismis kasi na may side effect ang pag bubuhat ng weights... Nakakaliit daw ito ng...yun na yun. Kaya ayun more on cardio ako and weight loss routine (except sa pagkain). Mabuti na rin at naisipan ko i-exercise ang aking katawan...kasi lately finger tips at mata ko lang ang palaging pagod kaka computer.
Mamayang gabi try ko lampasan ang 14.5 kilometers personal record ko sa bike in 40 minutes... Kayanin ko kaya? Sana. Kailangan ko na magbawas ng timbang talaga... 1 month na lang at uuwi na ako at ayaw ko naman na hindi ako makilala ng family ko dahil sa taba (at haba ng buhok). Bukas naman naku mapapalaban na naman sa basketball. Tuloy tuloy ko lang ang pag eehersisyo at makakabawas din ako kahit 3 kilo (sana) in a month... Sigh!
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Sep.13.2007 @ 4:30 pm
|
It's time to prepare travel request once again and I am excited to be doing it again after nearly four months of being away from civilization. Kaya nga lang this time I have to extend my stay here for three weeks! No complains though as I will celebrate my burstday in my house with my family. Counting down from today...let me see...fourty one days more...wow! More than a month's stay still in this unchartered side of Earth.
I am thinking of what I should do to make those days pass quickly. Ha!, maybe use that Japanese guy's technique in Heroes? Drink a lot of alcohol (Green Cross Isopropyl 70% solution?) so I can sleep earlier than usual. Maybe watch FTV! Terrible idea, it'll just make me want to go home sooner. Maybe I'll just sweat it out in the gym. I'll get tired and sleep early. That's what I should do perhaps.
Sighhh... Define homesick... Homesick is me. I am homesick big time! My brain actually stopped working in full swing a week ago because of this home sickness that's been pre-occupying my mind... Tsk hirap talaga malayo sa mahal sa buhay. Hirap kumita ng salapi! Pero smile pa rin dahil may trabaho at may kita. Weather weather lang naman ang pag ginhawa sa buhay.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.12.2007 @ 9:45 am
| Last edited: Aug.11.2007 @ 8:20 pm |

Maikukumpara ang mga tao dito sa Tangguh sa mga paniki! Sa umaga tulog lang. Well, siyempre kumikilos kasi nagtatrabaho. Physical consciousness lang. Ang diwa lumulutang sa himpapawid. Ang puso nagbibilang pababa ng panahon na ilalagi pa dito bago muling makapiling ang kani-kaniyang pamilya na naghihintay at nasasabik sa Pilipinas. Maghapon yan. Pagdating ng alas-sais (para sa mga walang OT) nagsisimula ng magmulat...mabuhay muli. Ito na ang time para mag-dinner, makatawag at maka-text sa pamilya, makapag-billiards, maki-halubilo sa mga kaibigan, magkuwentuhan, mag sound trip, atbp. Sa gabi lang may tsansa para gawin ang mga bagay na sa Pilipinas ay routine lang sa buhay. Iyon nga lang limitado pa rin. Para kasing bilangguan ang lugar na ito sabi nga ng karamihan dito. Walang mapuntahan. Paikot ikot ka lang dito. Disconnected from the outside world. Internet at telepono lang ang kontak sa mga taga sibilisasyon. Kung andito ka eh siguradong bababa ang standard mo to most of the things in life. Ang pagkain kahit na lasang sili, asin at sebo lang na pionaghalo halo sasarap na rin. Kasi kailangan kumain para mag survive. Ang babae kahit na kamukha ng pinaka-swangit na klasmeyt mo nung hayskul eh nagiging kamukha na rin ng mga pinagpapantasyahan mong FHM models. Ang tubig kahit lintik sa mahal eh bibilihin mo kasi wala naman tindang beer kaya sa tubig ka papakalasing. Makukuntento ka na rin sa kwarto na ibibigay sa yo kahit na maliit lang at telebisyon lang ang gamit sa loob. Ang locker mo kahit na isang ruler lang yata ang lapad eh pagtyatyagaan mo na. Wala na kasing ibang paglalagyan pa ng gamit. Sa commissary, mess hall, library, gym at bilyaran eh papasok kang nakayapak kahit sa bahay mo sa Pinas palagi kang may sapin sa paa kahit san ka gumawi. Ito ang rule kaya kailangan sumunod. Parang paniki talaga. Walang mata. Kung saan hindi ka mababangga dun ka lang pupunta. Parang paniki! Ang hitsura mo papangit. Kung pangit ka na bago ka dumating dito eh lalo pang sasagwa ang hitsura mo. Sunog sa init. Ang buhok mo hahaba lang. Kung pagupit ka naman baka magkasala ka pa at murahin mo ang manggugupit pagkatapos. Hahaba ang buhok mo sa ilong kung isa ka sa mga nag-o-overtime hanggang 10 PM sa site. Hindi ka na makakapag gupit/bunot ng tatsing. Mas lalong bibilis ang pagkalagas ng buhok mo kakasuot ng helmet (buti na lang sa office lang ako). Parang paniki. Papayat ka (ako na lang yata ang hindi pumapayat!). Sakit ng ulo sa mga tamad na local workers mo at sa pasaway na mga subcontractors. Tiyagaan lang talaga. You want money, you have to work ika nga. Kaya heto kami kahit na batman na kami dito eh ayos lang, kayod pa rin. Malapit na naman ang fourth month ko dito at babalik ang buhay ko sa normal in just three very short weeks.
|
|
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.10.2007 @ 7:59 am
|
Malaking parte ng buhay dito sa Tangguh ang kalikasan. Maraming puno, maraming ulan, maraming lamok na nakaka-malaria, malawak na bay, maingay na palaka sa likod ng Kenari Cafe, maalikabok na daan at .JPG) maraming maraming hayop! Kung nature tripper ka hindi ka maboboring dito. Kailangan lamang ng permit mula sa Admin at pwede ka na maglamiyerda sa kakahuyan, sa tabing dagat, sa Kokas o sa Tanah Merah. Puwede ka rin mag sound trip at pakinggan ang tunog ng kalikasan katulad ng huni ng kulisap, kokak ng palaka, ugak ng ibon, maingay na tunog ng generator at sigawan ng mga Indonesian na nanonood ng badminton tournament.
Hindi ako interesado sa mga nabanggit sa taas. Mas gusto ko ang prospect of sightings sa mga exotic na hayop na maaring makita dito sa Tangguh. Isa ang Papua sa iilang lugar sa mundo na hindi pa nasisira ng tao. Hindi pa nai-invade kumbaga. Therefore (paboritong word ng Science teacher ko sa hayskul), maraming undomesticated animal dito na malamang sa mga zoo lang makikita. Heto ang ilan: 
Wild Boar getting out of the woods to rummage food from garbage disposal area. 
Ayan may ka-tropa pa siya. 
Namamaga ang beak ng ibon na ito kakatuka.

Ibong marikit. 
Golden Ibon 
Don't touch my birdie! 
Blue Ibon 
Ayan nag-landing na ang ibon na parang model ng Camp Big Falcon sa labas ng aming office. 
Papuan Askals! 
Nung unang dating ko sa Tangguh itim lahat ng aso na nakita ko dito...Eto puti, maamo pa! 
Papuan Kasuari. Masyadong mailap ito sarap sana iluto hehehe. 
Tree Snake 
Ayan nakasabit pa sa bakal.

Ahas! 
Scrub Python 
Snake being released back into the jungle. .JPG)
Big Lizard .JPG)
or.....Small Komodo??? 
Paru-parong ningning. 
Ganda ng pakpak nya.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.05.2007 @ 8:59 am
|
Nahilo ako kagabi. Sa dami siguro ng pinaggagawa ko (at nakainom din konti). Una syempre dinner. French cuisine ang tema sa mess hall. Syempre wonderful gastronomical experience ulit. Right after dinner and some chatter with friends here in Tangguh diretso na ko sa bilyaran. Maganda ang tumbok ko kagabi at sinamahan pa ng konting swerte kaya naka 10 games ako (8-2 win loss) with a seven game winning streak before matalo sa huli. Tsamba!
After billiards uwi na muna, ligo at nood muna ng X Games at F1 Qualifying sa Hungaroring. Shet 14th lang si Massa at na outpaced pa si Raikkonen ng isa sa mga BMW Sauber car. Bad trip tuloy... So labas naman ako para manood ng badminton games. Malapit na kasi ang Indonesian Independence Day kaya meron na naman palaro dito. Medyo comedy ang mga games sa Court A kung saan naglalaro ang mga more senior citizens ng Tangguh. Mga players from management ng KJP at mga subcontractors nito. Syempre dahil sa medyo maedad na sila slow motion ang laro. Kahit ganun pa man dito pinaka marami nanonood at nagtsi-cheer. Aside kasi sa (limited) competitiveness ng laro may kasama pang katatawanan. Hindi na rin ako nagtagal sa gym kasi nabalitaan ko na tapos na pala ang game ng kasamahan namin sa office na si Anesia. At nanalo sya! Batsi na ko. Sumunod naman ang kwentuhan with tropa dito at konting inom (wow SMB!). Pulutan eh piattos at french fries na sinawsaw sa maanghang na hot sauce (hehehe parang redundant). Masaya ang kwentuhan at meron pa nga nakasali na usapan na bagong dating na Pinoy... bigala nga lang may umangas sa likod namin. As usual nagmayabang na naman ang isang matandang hukluban dito. Nagmura pa sa min. Anim yata kami. Mabuti na lang walang bayolente sa amin at hindi pa nakainom ng marami. Matanda naman sya kaya hindi na lang pinansin. Para tuloy nasira ang masayang mood. Maswerte pa rin yung lolo na yun kasi pare-parehas lang kami nasa banyagang lupain. Pare-parehas nangangailangan ng pera kaya nakikipagsapalaran dito bilang OFW. Nagkataon lang sa Pilipinas nya pinakita ang bastos na ugali nya malamang masisira ang aking pangako sa sarili na hindi papatol sa nakakatanda. Anyway... napatunayan ko na naman na kailangan talaga ng mahabang pisi sa mundong ito. Sa dami ng mga ogag na naglipana dapat mapag-tiis at mapagpasensiya talaga. Kahit dito sa isa sa pinaka remote na lugar sa daigdig eh meron pa rin talagang kupal! Balik nga ako sa mga aktibidad kagabi...so after that display of aweless profanity uwian na kami. Nood pa konti TV. Titig sa FHM models hanggang sumakit ang mata at antukin. Ayun parang na-cut short ang gabi ko. Plano ko pa naman pumunta sa Kenari Cafe at makinig sa local combo kutsero dito. Mabuti na rin at nakapagpahinga before midnight!
|
|
|