|
| 1
2
| >
>>
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Feb.11.2008 @ 9:17 am
|
Filipinas are the sweetest smelling girls in the world... Tanong mo pa kay Pepe.Ang Awit ni Maria ClaraWalang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan, Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang. Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.
Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa, Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na, Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.
Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan, Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglaw Sa wala nang ina, wala nang tahana't walang nagmamahal. 

Canto De Maria ClaraDulces las horas en la propia patria Donde es amigo cuanto alumbra el sol, Vida es la brisa en sus campos vuela, Grata la muerte y mas tierno el amor !
Ardientes besos en los labios juegan, De una madre en el seno al despertar, Buscan los brazos a cenir al cuello, Y los ojos sonriense al mirar.
Dulce es la muerte por la propia patria, Donde es amigo cuanto alumbra el sol; Muerte es la brisa para quien no tiene Una patria, una madre y un amor!


Song Of Maria ClaraSweet are the hours in one's own Native Land, All there is friendly o'er which the sun shines above; Vivifying is the breeze that wafts over her fields; Even death is gratifying and more tender is love.
Ardent kissed on a mother's lips are at play, On her lap, upon the infant child's awakening, The extended arms do seek her neck to entwine, And the eyes at each other's glimpse are smiling.
It is sweet to die in one's own Native Land, All there is friendly o'er which the sun shines above; And deathly is the breeze for one without A country, without a mother and without love.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Feb.10.2008 @ 9:23 am
|
- 10 years old pa lang ako at nagbubunot ng damo sa garden ng Paaralang Elementarya ng Muzon.
- Payat pa ako at nakakatakbo ng mabilis. Kaya ko pa nga talunin ang magkasunod ng flower box kapag naglalaro kami ng Prisoner.
- Wala pa ako paki-alam sa hairstyle ko at iba't ibang direksiyon ang pagkakasuklay ng buhok ko.
- Ang kinis-kinis pa ng kilikili ko kung pagmamasdan kasi wala pa itong buhok.
- Supot pa ako. Hindi pa nga tampos.
- Masaya na ako sa larong taguan, tumbang preso at luksong baka. Yung Family Computer ko kasi na binili pa namin ni Nanay sa Cavite City ay nagloloko na ang controller kaya hindi na masarap paglaruan. Si SUper Mario eh talon na lang ng talon.
- Black and White pa ang television namin sa bahay pero katalo na rin lalo na at napapanood ko ang seksing si Annie na partner ni Shaider, pulis
patola pangkalawakan.
- Wala pang internet sa Pilipinas.
- Usong uso ang salitang LAHAR. Lalo na sa classroom namin. Iba nga lang ang ibig sabihin ng salitang LAHAR sa aming mga estudyante...kapag narinig yan ay magtakip na ng ilong kasi siguradong uutot na si Gary laki-mata.
- Nanalo si Mr. Tabako sa presidential election at lalong lumakas ang karir ni Willie Nepomuceno bwahaha.
- Cute daw ako sabi ng nanay, tatay, kuya at ate ko. At naniwala naman ako.
- Kahit na patpatin lang ang katawan ko at uhugin pa eh kaya ko ng umubos ng Coke 500. 4 pesos pa lang yata ang isang Coke 500 noon.
- May tindahan pa sina ate Tentay na malapit lang sa aming bahay kaya mas madaling bumili ng snacku, boogyman, richie at ginaok!
- Sumasama pa akong manghuli ng gagamba sa mga ilat at gubat para lang maka sunod sa uso (hindi ko kasi kayang bumili ng gagamba na pang ruweda kasi masyadong mahal). Pinipilit kong ubusin na ni tatay ang kanyang posporo para magamit ko na ang bahay ng posporo para kulungan ng aking gagambang tala na gapang ipis at balbon pa.
- Spartan ang suot kong tsinelas! Di pa uso ang islander eh.
- Kaya ko pang mag bisikleta maghapon.
- Hindi pa ako mahilig sa gulay.
- Hindi pa ako mahilig masyado mag jakol.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jan.15.2008 @ 9:41 am
|
Naku naman.. umagang umaga bigla akong nagkaroon ng craving for ice candy! Parang gutom ako pero di sa kahit anong pagkain sa ice candy lang... Bigla tuloy nag flashback na naman ang utak ko.. Naalala ko ang mga panahon nung palagi pa akong ipinaggagawa ni Nanay at ni Ate. Ang freezer palaging puno ng yelo at ice candies. Paborito ko yung simpleng milo/ovaltine flavor! Minsan eh ginagawa ni Ate yung avocado flavor pag nakapitas kami ng bunga mula sa aming puno. Kung minsan mango flavor pag sinipag sumungkit ng mangga si Kuya at bineblender pa nila. Kung minsan naman eh melon pag naka-uwi ng palengke si Nanay. Meron din kung minsan yung mongo and/or buko flavor, pwede yan paghaluin or magkahiwalay. Pag walang wala talaga eh Sunny Orange na lang ang flavor hahaha. Pag minamalas malas pa eh naubusan ng Sunny Orange sa tindahan ni Ate Annie, Sunny Grapes na lang pagtyatyagaan!
Pwede rin pagkakitaan ang ice candy kasi ipinagbibili rin nina Nanay at Ate. Gawa ng signboard si Kuya at ipinapaskil sa bark ng niyog sa harap ng bahay namin. Piso isa! Kasing halaga ng yelo. Naalala ko rin sa eskuwela eh may mga naglalako pa nga niyan tuwing alas-tress ng hapon sabay sa meryenda ng mga estudyante. Nalalayo ako ng konti... Sana naman may pinoyo na magdala ng plactic ng ice candy para makagawa kami dito... Ito pa naman ang isa sa mga imbensyon ng Pinoy! Hehehehe papatikimin ko ang mga Indonesians dito. Mapapasuntok sila sa hangin at baka sabihin pang masarap pa sa feeling ng nag orgasm!
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Sep.25.2007 @ 3:10 pm
| Last edited: Sep.25.2007 @ 6:17 pm |
Old Manila Pictures Part I
 
Calle Del Rosario

Calle Real de Manila 


Ayala Bridge 
A damaged house after an earthquake in Centeno St. Sta. Cruz, Manila. 
A typical Manila street scene Calle Rosario, Binondo 
Lighthouse and Anda Monument, Intramuros, Manila, 1901 
Manila streetcar, early 1900s 

Palengke scene in Manila 
Bili na kayo suki! 
Old Luneta Hotel 
Letran de Manila entrance 1906 |
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.28.2007 @ 12:01 pm
|
Old pictures of Bataan during WWII below.
Bataan 



Passing thru dry rice fields.

Death March Pictures

American and Filipino forces surrender to Japs 
Japs looting captured Yankee soldiers. 
Three Yankee POWs with their arms tied. 
POWs at treading Zigzag pass 
Slain Filipino soldiers. Pugot ulo pa nung nasa kanan. 
Beheading Party! Japs pinupugutan Pinoy and Yankee POWs tsk tsk. 
Filipino POW burial parade

Japanese soldiers in Bataan 
Japanese soldiers crossing a wooden bridge. 
Japanese soldiers playing music during lighter times. 
"Kanyonin mo baby!"
|
|
|
| 2 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.18.2007 @ 9:43 am
|
Narito sa baba ang ilang litrato ng mga bayani ng ating lahi...Ang mga Katipunan, Philippine Scouts at Guerilla na nakipaglaban sa mga dayuhang mananakop nung late 1800s hanggang 1940s.
Ang mga matatapang na miyembro ng Katipunan
Philippine Scouts
Philippine Scouts at St. Louis Exposition, 1904. 
4th Battalion Drill at Legaspi Albay with Mayon Volcano at the background. Complete with brass band.
Filipino soldiers with their bolos.
A Guerilla shaking hand with a Yankee. Guerillas in action.
Sugatan sa laban.
Mga bayani ng lahi.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Aug.10.2007 @ 10:41 am
|
Trip down memory lane na naman ako kagabi... Bagot na bagot lang siguro ako at sawang sawa na kaka-panood ng mga paulit ulit na tv shows/movies sa cable namin dito.
Naalala ko tuloy nung teenager pa lang ako. Nahihiya akong magkaroon ng bisita sa bahay namin. Unang una eh kasi luma na ang aming haybol. Mas matanda pa nga sa utol ko ito. Ganun din ang mga gamit sa loob ng bahay namin. Kumbaga eh outdated, obsolete, no longer fashionable. At ang aming tangin libangan bukod sa pakikinig kay Ernie Baron ay ang aming Black and White Television! Isang gabi nga na galing kami ng mga HS classmates ko sa isang pulaw sa katabing bahay namin eh dun muna daw sa min manonood ng laban ng Alaska at Ginebra. Hindi naman ako makatanggi siyempre dapat i-accommodate sila sa aming bahay. Ayun na nga pag pasok nila sa aming bahay gusto ko sanang sabihin na "Welcome to our humble abode!", kaso hiya ako eh. Ayun okay naman sa kanila. Wala naman violent reactions hehe. Natuloy din panonood sa Black and White tv namin. Napagtiyagaan na kahit malabo at maya't maya ay ayos ako ng ayos ng contrast at brightness. Hindi na rin natapos ang ballgame na pinapanood. Tingin ko kasi sumakit ang mata nila. Talagang hiya ako that time sa classmates ko hehe.
Kahit na hindi colored tv ang aming boob tube eh malaki naman ang pakinabang. Dito ko natapos ang Super Mario Brothers na game sa Family Computer. Dito ko minaster ang Up, Up, Down, Down, Left-Right, Left-Right, B, A, Select, Start sabay. Dito ko rin napapanood ang paborito kong show pag sabado na Battle of the Brains sa channel 9...oo nung nerd pa ako. Feeling contestant at nakikisagot sa mga tanong at naglilista ng sariling iskor. Ibang saya din naibigay nito nung nag-champion ang Ginebra nung panahon pa ni Coach Jaworski, Dudut, Bal David, Noli Locsin, Marlou Aquino at Vince Hizon. Kung ilang ulit sumakit ang tiyan ko kakatawa sa jokes ng Tropang Trumpo pero masaya pa rin kasi sigurado tuwing commercial break mapapa-utot :-) Pag Fiesta nga eh nagagamit pang table ang black and white tv namin. Patungan din ng jurassic electric fan namin na pitong kilo ang bigat at kailangan pa isaksak sa transformer kasi 110 V. Dito rin nakapatong ang pictures ng pamilya. Hindi family photo na magkakasama kami, bakit nga kaya wala kaming family portrait? Solo pictures. Isa isa. Nagagamit pa itong tungtungan pag may kukunin o ilalagay na pang display sa ibabaw ng divider namin. Indispensable ang aming black and white tv noon... Kahit nga ngayon na ito ay sira na at nasa tambayan na lang sa likod bahay namin hindi pa rin pinapatapon ni nanay. May sentimental value kasi. Kung hindi nga lang napabayaan ito sa labas ng bahay sana na preserve pa ito at nagawang antique collection. Kahit na kasi lumang modelo siya eh napakaraming memories itong naibigay sa aming buong pamilya.
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.27.2007 @ 9:55 am
| Last edited: Jul.30.2007 @ 2:31 am |
Mabini cor Colon 1900 
Colon Streetis the oldest street in the Philippines and
is located in the heart of
Cebu,
Visayas 
Colon Street
 Mabini cor Colon 1990s

Governor's Palace, Cebu 
Carcel, Cebu 
Custom House, Cebu 
Basilica Santo Nino 
Cebuanos at a small dock in Cebu 
Children diving at old Cebu Port

Port of Cebu 
Mactan Bridge
 Osmena Boulevard, Cebu 
Water Front Hotel @ Mactan, Cebu
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.09.2007 @ 9:10 am
| Last edited: Jul.08.2007 @ 7:46 pm |
TV shows nung Dekada 90...
- Music Bureau -- Inaabangan ko ito sa ABC 5 weekly.
- Tropang Trumpo -- Arguably the funniest show ever to hit the Philippines. Yes better than any gag/comedy shows in the world. This show invented the "Chicken!" thing and the Chiken and Caronia dance steps. Battle of the Brainless was another segment of the show that really brought a whole lotta laughter to anyone who'd seen the show.
- Ang TV -- Dito nagsimula sina Lindsay Custodio, Victor Neri, Francesca (Cheska) at Patrick Garcia, Vandolph, Jan Marini, Rica Peralejo, Jolina Magdangal atbp. 95% ng cast maybe 10 yr-old and under.
- Gimik -- Youth tv series ng ABS-CBN.
- Tabing Ilog -- Heavy drama show ng ABS-CBN.
- TGIS -- Kalaban ng Gimik. Natatandaan mo pa ba si Bobby ANdrews as Wacks (Joaquin Torres III), Angelu De Leon as Peachy (Maria Patrice Real), Red Sternberg as Kiko (Francisco Martin Arboleda De Dios), Onemig Bondoc as JM (Jose Mari Rodriguez), Michael Flores as Mickey (Miguel Ledesma), Raven Villanueva as Cris and later on Dingdong Dantes as Iņaki (Iņaki Escaler Torres) and Erika Fife as Kiara? Pag nagsalita pa lang si Bobby Andrews ng "hi guys! tara na sa clubhouse punta kami dun ni Peachy." in his baritone voice natatawa na ko.
- Battle of the Brains -- Para sa mga Geek in the Pink. Ilang beses din sumali ang CNSHS dito.
- Battle of the Brainless (see number 2)
- Buddy en Sol -- Redford White and Eric Quizon. Kwela ito.
- Ober da Bakod -- Remember Honey Grace? How about Barbie Doll? Mokong and Bubuli? Eh sino makakalimot kay Don Robert with his probinsyano accent habang binabatukan at sinisigawan si Brownie? Meron bang makakalimot kay Aling Lukring and her pres pis?
- Palibhasa Lalaki -- Dito every week eh parang piyesta ni San Juan. Basaan ng tubig tuwing katapusan ng show. Teka order muna ko ng burger sa McGoma!
- Home Along da Riles -- Funny show with the King of Comedy Dolphy.
- Magandang Gabi Bayan (wala pang imbestigador nun) -- Dito sumikat ng husto si Vice President Noli De Castro. Every Saturday ito noon sa ABS-CBS.
- Hoy Gising! -- Originally TV Patrol segment lang ito and later turned into a thirty minute public service show.
- WWF -- World Wrestling Federation. Dito sumikat si hulk Hogan, Ultimate Warrior, Andre the Giant, Honky Tonk Man, Macho Man, The Undertaker atbp. Namatay daw si Ultimate Warrior kasi naputulan ng ugat sa batok nung binuhat ang dambuhalang si Andre the Giant! Gustong gusto ko ang Royal Rumble at ang Wrestlemania!!! Usong uso sa mga tropa non ang Betamax tapes ng Wrestlemania from una hanggang hindi ko na ma remember kung hanggang kelan.
- TMNT, Bioman, Shaider, Maskman, Ultraman, Magmaman, etc -- Eto ang mga pinapanood kong kiddie shows nun. Cowabonga!
|
 
 |
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Published: Jul.07.2007 @ 7:54 am
| Last edited: Jul.06.2007 @ 6:43 pm |
Parang kaysarap balikan ang 90s. Panahon kasi ng kabataan ko nung ang energy crisis ay in full swing at ang presidente pa ng Pilipinas ay si FVR. Syempre hindi yan ang gusto kong balikan. Gusto ko lang ulit marinig ang tunog 90s, mapanood ulit ang tv shows noon and live again the life na hindi ako nag-iisip kung paano ako kikita ng maganda para sa future- yung tipong no worries and come what may state of living.
Nung 90s muling sumigla ng music industry. Paligsahan ang mga banda sa paggawa ng mga albums, concerts, radio shows, television performance at kung ano anong gimik pa para lang masabi na mas sikat at mas magaling sila sa kanilang contemporaries. Heto ang ilang banda na sumikat noon.
- Eraserheads - Number one pop band ng dekada 90
- Rivermaya - First Asian astists to have full-length videos featured on the Star World Channel.
- After Image - known for their inspirational pop songs
- Yano - Folk/Punk rock band known for political and social themes. Sayang hindi na sila gumagawa ng albums as a group.
- True Faith - Started as a New wave band but eventually ventured into the Pinoy mainstream firmly embracing middle of the road radio. Not their music is best described as a blend of jazz, folk, pop and rock music.
- Introvoys - Was actually formed in 1986 but only hit the music business big time when they release their most popular song Line to Heaven.
- The Youth
- The Teeth
- Rizal Underground
- Passage
- Side A
- Tropical Depression
- Put3ska - The group has an outstanding horn section. Their hit song "Manila Girl" is a peppy, upbeat number and has a catchy
chorus that immediately sears itself into a listener's memory cells. Sayang lang at maririnig mo na lang sila ngayon sa kanilang gigs around Metro Manila bars.
- Grin Department
- Siakol
To be continued...
|
 |
|
|
Current Page 1
1
2
| >
>>
|
|
|