BrownMan Blog
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Brownman's ABC
Brownman's Hirit
Business Pinoy
Iskul Bukol
Kalusugan
Kapuso
Kasabihan, Islogan, Salawikain, Atbp
Komiks
Kwentong Barbero
Limericks
My Top 10
OFW
OPM
Philippine History
Pinilakang Tabing
Politico
Random
Rise from the dead
Sports
Traditions, Customs, Culture
My Photos
Ian's Gallery
KinTropax
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In


Isa ka ba sa amin?

Filipiniana * FOB * Good News Pilipinas * I Love Cavite * Kwentong Tambay * Market Manila

Naic Cavite Online * Nostalgia Manila * Pi Omicron * Super Pasyal * Yabang Pinoy

CNSHS Batch 98 * WikiPilipinas * Brownman Home

Blog - Latest Entries
<< < | 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 | > >>
Brownman's Hirit > Malaria Technician
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.11.2008 @ 7:18 am

Kahapon may nag send ng e-mail para sa lahat ng nasa opisina about Malaria. Dito ko nalaman na meron palang job title na Malaria Technician. Ano kayang job description nito? Malaki kaya ang sweldo? Meron din ilang grammatical errors na mapapansin kung babasahin mo ang kopya ng e-mail sa baba.


Dear All,

Please find the files attached regarding with malaria and the brief of TLNG integrated malaria control program (what you need to know).
For further information about malaria, please contact Mr. Tomy / Mr. Arif (Malaria Technician) at 2090.
Thank you.

Best regards,
Asduki D. Athari - Industrial Hygienist
KJP T###### LNG Project
T###### Operation Center (TOC) ##### Indonesia
Phone : + 62 - 21 - ###20## ext. 1121
Email : Asduki.Athari@####.###.##.jp

----- Forwarded by Asduki Athari/TJ0746/JOC/ID on 03/10/2008 01:22 PM -----
"T###### LNG Malaria" <TangguhLNGMalaria@###.##.com>
03/10/2008 11:55 AM   
    To
    <Asduki.Athari@####.###.##.jp>
    cc
    "T######, LNG HSE Coach" <tangguh.lnghsecoach@###.##.com>, "Tangguh Occupational Health Doctor" <tghocchealthdoctor@###.##.com>, <Patrick.Awang@####.###.##.jp>, "Rozendaal, Jan (Global)" <jan.rozendaal@###.##.com>, "T###### ISP, TCHU Coordinator" <T######ISP.TCHUCoordinator@###.##.com>, "Tchu, Laboratory" <tchu.laboratory@###.##.com>
    Subject
    Malaria Hand out

Dear Pak Asduki and Mba Erni,
Due to malaria hand out has made several month ago which contains information about malaria for workers at site so could you please help us to distribute it by email to KJP TOC (T###### Operation Centre) user and BP all user. We hope all workers that have email can receive and read it.
Attached is two malaria brochure in English and Bahasa.
<<TLNG malaria hand-out ENGLISH version.pdf>> <<TLNG malaria hand-out BAHASA INDONESIA.pdf>>
High appreciate for you assistance.
Best regards,

Ahmad Bustomi (on duty)/Mursalin Arif (off duty)

T###### LNG Malaria Control Onsite until  17 March 2007 

Telp : 021-5222021 ext. 2090

 

OFW > Walang Pamagat
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.08.2008 @ 3:14 pm

Anak ng pekwa naman! Inaatake na naman ako ng sakit ng OFW. Homesex na homesex na naman ako. Ito na yata ang pinaka-malalang atake ng sakit na ito sa akin. Hindi makatulog, hindi mapakali, paikot-ikot, makulit, mainit ang ulo, bad trip sa indiano, bad trip sa may anghit, bad trip sa trabaho, masakit ang katawan, masakit ang mata, gutom na gutom pero walang gana kumain, giniginaw pero pinagpapawisan ng malamig at palaging nae-ebs.

Ibang level na yata ito ng pagka-homesick. Delikado ito. Kinakabahan nga ako at baka mabuwang na ako bukas. Nakakapraning talaga. Ngayon nga parang may sirang plaka na tumutugtog sa isip ko... shot to the heart and you're to blame...oh giliw ko miss na miss kita sana'y lagi kitang kasama... you give love a bad name... remix version ng You Give Love a Bad Name ni Blake Lewis at Miss na Miss Kita ng Father And Sons. Brain damage na yata ito kakajakol.

Hay buhay galibaw may gulay. Patawarin po ako. Hindi ako nagko-complain. Nagmamaktol la-ang.

Amen.

 

Brownman's Hirit > Presenting: Ramiele Malubay
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.06.2008 @ 7:55 am

"There is not a more unhappy being than a superannuated idol."

Ramiele Malubay scandal? Can we really classify the pictures below as scandalous? You be the judge.


Ramiele shown in this photo grabbing the left booby of her co-worker in the sushi bar she was working for before Idol.

This time her friends are the ones grabbing her teeny weeny bumpers.

 

Brownman's ABC > Birthday Pinoy
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.05.2008 @ 3:41 pm | Lasted edited: Mar.05.2008 @ 1:36 am

Happy birthday to you, you belong to the zoo with the monkey and the donkey and the elephant too!

Paano ba mag-diwang ng kaarawan ang mga Pinoy? Di ko sigurado kung applicable sa lahat ng mga lahing kayumanggi ang naisulat ko sa baba pero ito ang mga nakalakihan at nasaksihan kong mga ginagawa sa bertdeyang Pinoy...

Isang taong gulang.
Baby party ito. Karamihan sa bisita ay mga bagong mommies at daddies din. Ang birthday celebrant/celebrator ay malimit na umiiyak dahil naririndi sa malakas na tunog ng stereo ni bayaw. Kung minsan ay nakakalimutan na rin pakainin at patulugin si baby dahil palaging bitbit ni inay at ipinakikilala sa mga bisita na parang naiintindihan na ng bata ang nangyayari sa kanyang paligid. Hindi pa masyado ng patok ang games sa ganitong birthday party kasi malamang di pa nga nakakalakad si baby ng tuwid at walang alalay. Ang tatay na lasenggo andun sa isang sulok kasama mga kumpare nya sa sabungan at bilyaran at nag-iinuman. Kapag oras na para umawit ng Happy Birthday pipilitin na si baby na i-blow the job ang kandila. Engot na nanay ito ang alam pa lang ng baby mo ay higop ng gatas. Ikaw na humihip at baka abutin tayo ng siyam-siyam. Pagkatapos ng party ay uwian na ang mga bisita bitbit sa kaliwang kamay ang lobo at sa kanan ang plastic bag na punong puno ng pagkain na di naman kayang ubusin ng mga bata sa handaan.

Karaniwang regalo: Lego, Barbie doll, rattle, pillow hotdog (o hotdog pillow?) damit pang baby, sapola, isang pakete ng pampers, sobreng puti na may lamang singkwenta pesos.

Pitong taong gulang.
Si Junior birthday boy ay naka-costume na. Usually eh Batman, Spiderman o Superman ang costume nya (bakit kaya wala mag-costume ng local super hero like Captain Barbel, Panday, Lastikman, Zaido, Allan K, etc). Kung ang costume nya ay yung kay Pooh siya na siguro ang isa sa pinakabatang miyembro ng Federathyon. Marami ng parlor games sa birthday party na ito. Pabitin, stop dance, trip to jerusalem, pukpok palayok at pabilisan umubos ng isang boteng san miguel beer light. Sa nakahain na pagkain eh siguradong hindi mawawala ang spaghetti (pinoy style syempre), pancit, puto, ang cake syempre at walang kamatayang menudo (bwahaha). Nung bata pa ako naalala ko rin na ang usong juice na ginagamit sa mga handaan ay ang Sunny Orange. Mura na masustansya pa. Sa dalawang gilid naman ng cake ay makikita mo ang pinutol na katawan ng punong saging na binalutan ng foil, para presentable, at may mga nakatayong barbecue stick/tooth pick na may mga nakatusok na hotdog, marshmallow at aratiles. Ito ang paborito ng mga pilyong bata na pagkatapos kainin ay itutusok ang stick sa mata ng kanyang katabing bata na nang-agaw ng kulay pulang lobo na may nakasulat na Happy 7th Birthday Junior, From: Ninong Kaloy (Katas ng Saudi).

Karaniwang regalo: Baril-barilan, kotse-kotsehan, balun-balunan, make-up kit na japeyk, robot / action figures, yoyo, Barbie doll (ulit), isang box ng lastiko, sobreng puti na may lamang sandaang piso.

Labing walong taong gulang.
Wow debut na ng anak mong dalaga. Ang invitation ay mas matagal pang pinag-isipan ang disenyo kesa sa . Kung may budget eh karaniwang ginaganap ito sa function hall, hotel, sa kongreso, restaurant or sa disco club. Kung kapos naman eh pwede na rin ito mairaos sa bakuran o sa basketball court ng barangay. Kailangan lang ng konting sipag at tyaga ng mga kamag-anak, kaibigan at manliligaw. Gagawa ng bakod gamit ang pinagtagpi-tagping palapa ng niyog at crepe paper na naka-dekorasyon sa buong paligid ng dance floor. Sa gabi ng debut eh syempre mega-entrance muna ang star of the night na nakasuot ng kanyang paboritong gown. Susunod agad ang cotillion pagkatapos ng mga pagpapakilala at iba't ibang tsetseburetse. Pagmasdan mabuti ang mga sumasayaw at siguradong may magkakamali o makaka-apak ng paa ng ka-partner. Narito pa ang mga pangkaraniwang pakulo sa debut:

  • 18 Roses - Isa sa main dish ng program. Ang first at last dance ay pwedeng mapunta kay Papa, Lolo, bestfriend o boyfriend. Karaniwang kasali rin dito ay ang mga kaibigan, classmate, ex-bf na girlalu na ngayon, pinsan at member ng family.
  • 18 Balloons - First time ko nakakita nito sa aming kapitbahay na nagdalaga. Ang mga kasali dito ay mga batang babae na nagbigay ng labing walong condoms lobo sa debutante. Nakakatuwa ito para sa mga green-minded na katulad ko kasi parang sinasabi ng seremonyas na ito na pagamitin mo hija ng condom ang syota mo. At mga bata pa ang nagbigay.
  • 18 Candles - Eto yata yung part ng program na ang bida ay ang mga gurami. Sina Papa at Mama, Tito at Tita, Lolo at Lola, Titser, yung albularyo at yung komadrona nung ini-ire ka ng ina mo sa mundong ito. Mga payo na talaga namang pagsisimulan ng iyakan na magiging dahilan kung bakit masisira ang make-up ng mga mababaw ang luha.
  • 18 Wines - Eto naman para sa mga amigo at amiga na lasenggero. Kung minsan kasali rin dito ang mga may mga masasamang balak sa ating bida na gustong gustong lasingin para makita kung paano ba kumilos at magsalita ang dalaga natin. Isa ito sa importanteng seremonya kasi dito (raw) unang makakakatikim ng alak ang hitad.

Matapos ang gabi ng debut ay ganap ng babae ang ating dalaga. The baby is now a lady ika nga ng mga konyo. Fast forward 3 months after the very memorable night sa buhay ng ating bida... Buntis na sya!

Karaniwang regalo: Spaghetti strap, bikining itim, goldilocks cake na pahaba, bra na tatlo isandaan, glutathione, tsingtsangtsu, maxi peel,  isang paketeng modess, comments sa friendster (galing sa mga walang kwarta), 300 pesos load, sobreng puti na may lamang dalawandaang piso o mahigit pa.


Brownman's ABC > Suggesstion sa Fire Prevention Month
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.05.2008 @ 3:04 pm

Boy Balasubas: Para po sa mga kababaihan at kabadingan, wag po ninyong kakalimutan na i-unplug ang charger ng inyong vibrator / dildo. Nakakahiya po kung matapos imbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog na tumupok sa isang compound ng kabahayan ay lalabas na dahil sa nakalimutan nyong i-unplug ang charger ng inyong mahiwagang fake-sandata.

Yun lang po at mabuhay po kayo!

 

Brownman's ABC > Fire Prevention Month
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Mar.03.2008 @ 2:27 pm | Lasted edited: Mar.03.2008 @ 12:49 am

March na pala! My early congratumalation (felicitation daw sabi ni Boy Henyo sa office) sa mga magtatapos sa eskwela. Lalo na dun sa mga high school graduates, finally pwede na kayo magpahaba ng buhok at makakapili na kay ng schedule syedyul na trip nyo.

Aside from being known as graduation month, March is also recognized in the Philippines as Fire Prevention month. Maybe because March is the prelude of summer in the land of coconut and dried mangoes. Di ko yata na-gets? Mainit kasi? Or is it because March has the highest average of fire-related incident recorded by BFP since it's inception in the government system?

Kahit ano pang reason kung bakit tinawag na FPM ang buwan ng Marso eh kailangan nating mag-ingat (pwede bang i-apply ang  paboritong slogan ng mga nagimbento ng vitamins at supplements na: Prevention is better than cure dito?). Hindi yata biro ang masunugan ng property. Manakawan na ng puri wag lang masunugan. Yan ang palaging sinasabi ng mga matatanda. Kaya make sure that your electrician (certified dapat wag yung poging mama na nakita mo lang sa tindahan ni Aling Pekla) checks all electrical wirings and connections sa inyong bahay. Money well spent ang ibabayad mo sa electrician.

Dun naman sa mga mahilig magluto diyan ng turon, banana-q, bisaya, yema, adobong tahong, ice candy, fish ball, indiano, at laing eh make sure na patayin sa sindak si Barbara ang apoy o i-switch off/unplug ang gamit sa pagluluto. Ipaalaala kay misis o kay Inday ang tamang pag-iimis ng plantsa matapos gamitin. Sa mga smokers naman tigilan na ang paninigarilyo. Isang stick ng yosi kadiri ay katumbas ng minus three minutes sa iyong buhay. Kung adik at hindi talaga mapigilan ay siguraduhing wala ng ningas ang dulo ng yosi bago ito i-dispose. Mas mabuti kung lunukin mo na lang ang cigarette butt mo. Huwag mag-yosi kung ikaw ay inaantok, bahala ka na mag isip ng maaaring mangyari kapag nabitawan ang lit cigarette.


Bumbera. These girls can start and stop a fire.


 

My Top 10 > Tanong ng Aking Malikot na Isip ++
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.28.2008 @ 2:50 pm

Habang naghihintay ako sa aking sekretarya na tapusin nya ang aking pinagagawa eh umandar na naman ang aking malikot at nabuburyong na utak. Naalala ko na naman ang mga tanong na matagal ko nang hinahanapan ng matinong kasagutan. Sana may makatulong. Eto na:

  1. Ano ang function ng pubic hair sa buhay ng tao? May silbi ba talaga ito?
  2. Bakit pag tumatanda nagkakabuhok sa tainga?
  3. Bakit nakataas ang isang paa pag umiihi ang aso?
  4. Kung ipinaglihi ka ng nanay mo sa aso nakataas din kaya ang isang paa mo kapag iihi ka?
  5. Totoo bang kayang mag push up ng mga tomboys gamit ang dila?
  6. Ano ba talaga ang nauna, itlog o manok? Hindi kaya sisiw?
  7. Sino ang nag-imbento ng internet (bwhahaha)?
  8. Kung buhay si Diosdado Macapagal proud kaya sya kay Gloria ngayon?
  9. Bakit nagbubungguan ng ulo ang mga langgam pag nagkakasalubong?
  10. Bakit ang letters sa keyboard hindi arranged alphabetically? Bakit ang numbers sa keyboard arranged in a correct ordinal sequence?

May mga extra pa ako na katanungan.. sumobra sa Top Ten...

  1. Nananaginip kaya ang isang taong bulag? Ano kaya nakikita nya?
  2. Meron kayang alarm clock para sa mga bingi?
  3. Bakit sa labas ng pants nya mag brief si Superman?
  4. English din ba ang salita ng mga hayop sa America? (Aw! Aw! = Arf! Arf!; miyaw = meow; tiktilaok! = cock-a-doodle-doo!; siyap-siyap = chirp, chirp)
  5. Gano ba kamahal ang panty sa Amerika at hindi makabili ng isa si Britney Spears?
 

Iskul Bukol > Re-un-yon
6 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.27.2008 @ 9:00 am | Lasted edited: Feb.26.2008 @ 7:55 pm

Gi-noogle at ni-yahoo ko na pero talagang ke-hirap-hirap maghanap ng information about CNSHS Batch 1998. Wala pa talagang dedicated web site para sa aming batch (at gayun din sa aming alma mother dear CNSHS). Hindi kaya dahil busy ang buong member ng dabarkads sa pagpapayaman kaya walang mag-try na magsimula ng isang web site? Pero meron naman tayo friendster account at (bagong) yahoo group. Salamat sa ating mga magigiting na kasamahan na sina Norman, Aeolus at Nervil.

Yesterday eh nabalitaan ko kay Menx na meron pala pinaplanong reunion. Maganda ito. Kailangan lang ng konting coordination ng lahat ng magaganda at guwapong members ng batch. Sana ay matuloy ito in the near future. Ten years na rin kasi ang nakaraan nung tayo ay nakalaya sa CNSHS Concentration Camp.

Eto na naman tuloy at nagbabalik sa aking isip ang ilang memories of our dreams ng haysCOOL:

  1. Less than a hundred (97 or 94?) lang ang natira sa batch nung time ng graduation from a total of 120+ nung nagsimula tayo under the tutelage of Ms. Pareja.
  2. Si Arnold Jose Olave ang Master ng Damath at wala na yatang makakapantay pa sa kanyang achievements sa sports na ito sa CNSHS.
  3. Batch '98 won three overall championships sa sportsfest (na palaging bitin), SY 1995-96, 1996-97, 1997-98. Gosh!!! <-- sabi nga ni katotong Rodney.
  4. Isa ang batch namin sa nagtataglay ng pinaka-colorful set of individuals kaya naman very diverse ang buong batch at makikita mo yan kung babalik-balikan mo ang mga accomplishments (Oo Michelle, good and bad po) ng bawat miyembro at ng batch as a whole. Magsimula ka sa record ni Mrs. Bencito sa Guidance Counselor's Office. Sunod ay ang computer room ni Mr. Mojica. Wag mo kalimutan ang Biology class ni Mrs. Ruby Bautista at ang tsismis sa kanila si Sir Tom at syempre ang kanyang botanical garden (may iyakan pang nangyari dito next time ko na lang ichi-chismiz). Ang notorius case na pang-uumit sa canteen. Ang less-than-popular choice ni Sir Tom na pumili ng babae as head ng CAT...at syempre ang buong COCC experience (remember Mr. Jesse?). Sportacular (tingnan ang number 3). Countless medals and trophies sa mga academic contests. Dami pang iba na di ko na lang isusulat sa ngayon.
  5. Ang aming batch ang nag-coin ng mga sumusunod na monickers: ipis, voltron, gila (short for gilagid), anyaki (ask our good friend Alvin), etc. dagdag nyo na lang yung iba.
  6. Mga adik sa basketball ay nagbibilad sa init ng haring araw during lunch break makapag laro lang sa luma at bako-bakong court ng PUP Maragondon.
  7. Kahit na marami ang ayaw kay ipis eh tinulungan nya tayo para manalo sa mass demo nung sophomore tayo. Nakalusot nga ako sa pagsali sa sayawang ito sa promise na ako ang magpoprovide ng tape para sa kanilang sasayawin. Self-humiliation problem solved.
  8. Si Ms. Pareja ay nagkasakit dahil sa mga cute na cute (or kulit na kulit?) na students ng ating batch.
  9. Yung fungicide na inimbento namin ni Eryl (at yung isa/dalawa pang groupmates) ay hinaluan namin ng hot sauce na binili namin sa Maragondon public market in a last ditch effort to kill those fungi na sa tingin namin that time eh lalong dumami nung nilagyan namin ng aming imbensyon. Okey ka ba tyan?
  10. Nakaupo ako sa gym ng CNSHS habang nagpapahangin at nag-e-emote about my future in college ng biglang nasira ang magandang movie na nagpe-play sa aking maduming isip dahil sa lakas ng DIGHAY ni Engelbert na itinapat pa sa mikropono at nadinig yata sa buong school compound sa Maragondon sa tulong ng loud speaker.
  11. Maraming ding tragic at unfortunate events na nangyari sa aming mga ka-batch. Hindi ko na lang isa-isahin.
  12. Bukod sa katalinuhan, kagwapuhan at kakulitan ng mga GUYS (and gays) sa batch eh di maitatanggi na marami ring mga SM o Simple Maniacs...yung iba sabi Silent Maniacs din daw pwede. Umpisahan ko na sa dalawang Js ng aming section na 4-Nitrogen. Isa pang clue... yung isa classmate ko simula 1st year. Yung isa naman na J eh napalipat lang mula sa 1-Oxygen. Wag masyado seryosohin ito hehehehe.
  13. Masaya ako nung napag-gitnaan ako sa seating arrangement ng dalawang crush for life ko na sina Banx at Menx.
  14. Paborito ko si Mrs. Diosomito dahil napagbigyan nya ang aking hiling (hiks-hiks-hiks). See number 13.
  15. Break! Break! Break! Natatandaan nyo pa si Mr. Eugene?
  16. Naalala ko pa kung paano ma-deform ang mukha ng adviser namin nung Junior pa kami for forty minutes tuwing oras na ng klase ni Mr. Electrician. At least nagpipilit siyang mag-ingles kahit na talaga namang ala Jimmy Santos. Sorry sir hehe.
  17. I woke up to a very beautiful day nung graduation namin pero di ako masyado masaya kahit na makakalaya na ako sa kulungan ni Mrs. De Vera kasi alam kong marami ako mami-miss.
Dami pa pero masyado na mahaba ito. Hanggang sa susunod na kabanata.
 

Brownman's ABC > Ala Eh Batangas
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.22.2008 @ 3:38 pm

Airplane Crashes in Batangas


MEDIA: Manong, pakilarawan po ang nangyari.

LOLO: Ala eh, nakow, garne ga utoy... Kakaalmusal ko laang, gayak ako'y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab. Bago sumirok ng papagay-on na kala mo'y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang are sumugba, ay kung sa kabayanan ga, ay di panay mga utas!

MEDIA: Ho?


Vehicular Accident in Batangas 

MEDIA: 'Lo, kayo daw po'ng saksi?

LOLO: Ay uwo! Ika'y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!

MEDIA: 'Sensya na po sa abala.

LOLO: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa busina. May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na! Bakingga aring dyip ay saksakan ng tulin? Ay di ako'y palakat na sa mag-inang di naiingli! Aba'y maiipit na'y naka-umis pa! Kainaman! Hayown! Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko'y kawangki ng nilamukos na kiche. Pagkakabugnot ng drayber! Ngalngal e!

MEDIA: Ano raw?



Lesson of the Day:
:Do not do unto others, what you don't want others to do unto you"
  Batangenyo Translation:
"Huwag kayong gay-an.. kung maggagay-an kayo, huwag gay-on"

Kalusugan > Wadapakingshet!
0 Comments / Subscribe To Comments
Posted: Feb.20.2008 @ 9:26 am

Noong Lunes ng gabi ay natapilok ako habang naglalaro ng basketball. Aksidente lang naman pero letse talaga dahil isa o dalawang linggo akong hindi makakapag laro at maglalakad ng paika-ika. Pag uwi ko pagkatapos ng laro ay agad kong pinahiran ng Methyl Salicylate + Menthol Alaxan Gel ang aking bukong-bukong para maibsan kahit kaunti ang sakit. Diretso ako sa shower para mag hot bath.

Pagdating sa shower eh syempre usual routine lang hubad, hubo, konting kanta-kanta, pasayaw-sayaw pa, at siyempre kinausap ko ang tatlo kong bestfriends. Naknampootah nga lang kasi hinawakan ko pa sila as if nakikipag kamay sabay sabing: 'Kumusta naman ang araw nyo ngayon mga kapatid. Di ba kayo naboring sa....WADAPAKINGSHET!!!' Hindi ko pa pala nahuhugasan ang kaliwang kamay ko na ginamit ko para maglagay ng Alaxan Gel! Ang init!!! Ang hapdi!!! Yung kaliwang yagbol ko eh namula at parang gustong mag alburoto sa init ng pakiramdam. Agad nawala ang sakit ng bukong-bukong ko dahil sa naramdaman ko sa isang mahiwagang parte ng aking pagkalalaki. Mabuti na lang at meron temperature control ang shower at agad ko itinodo sa cold sabay tapat ng dutsa sa aking namumulang member. Bwesit na yan talaga.

Kaya kinabukasan pag pasok ko iika-ika ako. 'Sabi ng mga nakapansin mukhang may pilay ka ah?' Eh di tango lang ako sabay smile pero ang totoo mas masakit ang burning sensation na dulot ng Alaxan Gel (putik nakakarami na akong free advertisement dito ah) sa manipis na balat ng scrotum kesa sa sprained ankle.

Lesson learned: Maghugas ng kamay bago hipuin ang inyong pagmamay-ARI.

<< < | 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 | > >>
Entries 81 to 90 of 277

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org