|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.06.2008 @ 8:55 am |
Tula Ng Lasenggero
Ako ay nahihilo, umiikot na ang aking ulo Nasusuka na ako sa dami ng beer na tinungga ko Di ko na namalayan itong haba ng aming tagayan Lahat ay nakalimutan, dahil sa aking kalanguan
Problema ko'y nalunasan, kahit na nga panandalian Lungkot na sa puso'y namahay agad din namang lumisan Anong sayang nadarama, Hik! tuwing tayo'y magkasama Sa piling mo ako'y lumigaya oh mahal kong serbesa
Babaeng panget gumaganda pag kargado ng Ginebra Misis na kamukha ni Zorayda, nagmumukhang diyosa Ito raw ang sikreto ng maligayang pagpapamilya Kaya sa bahay laging magtabi ng alak na reserba
Kahit tayo man ay walang pulutan, tuloy pa rin ang inuman Nang di lumipas kalashingan, magishing sha katotohanan Ako ay akayin sana kung di ko na kaya kaibigan Ito'y aking utang, paghatid ng ligtas sa aking tahanan
Basa na aking pund'yo, nalunok pa aking sigarilyo Dapat ko na bang tigilan to? Ewan, ako'y nalilito Paggising ko sa umaga masakit ang ulo't katawan Ang tulad ko ay wag sana n'yong sundan at wag pamarisan
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.05.2008 @ 9:06 am |
| May ipinadalang litrato ng Kasuari si Ankol Sam. Isa ang Kasuari sa mga kakaibang hayop na dito lamang sa Papua makikita. Pagmasdan mabuti ang leeg ng animal! (LOL) 
Front View Nakakatuwa naman yung nasa leeg ng hayop na 'to. Reminds me of something. Parang ***tooot*** ng babae :D Sarap mag-uwi ng isang pares ng Kasuari sa Muzon. Sigurado patok sa mga tropang tambay ito. Gagawin kong pet at paparamihin. Maibenta sa mga naghahanap ng exotic animals para alagaan o kaya naman dun sa mga lasenggero sa kanto na mahilig sa kakaibang pulutan. Baka magalit ang mga miyembro ng PETA.

Side View May palong pa ang animal! Parang cross breed ng higanteng manok, pabo, peacock (minus the colorful tail feathers) at aso. Yung balahibo niya ay parang nakuha nya kay Bantay at hindi mukhang feather.

Ang legs ng Kasuari ay mataba at mukhang malakas. Kung ilalaban ko ito sa ruweda ng sabong malamang na walang tsansang manalo ang manok na makakalaban. Kasing taba yata ng dalawang Stabilo Boss markers ang binti nito. Paano nga kaya ako makakapag uwi ng Kasuari? Parang di kakasya sa maleta ko. Tsk mukhang mahihirapan ako mag-takas ng isang pares ng animal na ito! Ankol Sam pwede ka ba maka-kuntsaba? Hati tayo sa pagkakakitaan kung sakali bwahahaha.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.04.2008 @ 10:20 am |
Kapag ako ay nababagot, kung anu-ano ang pumapasok sa isipan ko. Kaya heto na naman at merong mga katanungan akong naisip na parang ang hirap yatang sagutin. Kung buhay pa sana si Mang Ernie Baron baka sakaling mabigyang linaw niya ang mga sumusunod na walang ka kwenta kwentang tanong:
- Ano ang function ng suso sa katawan ng lalaki?
- Totoo bang nakakaliit ng etit ang pagbubuhat ng mabigat na barbel?
- Sino ang Fashion Adviser ni Pres. GMA?
- Kung matunaw ang lahat ng yelo sa Antarctica, ilang isla ang malulubog sa tubig sa Pilipinas?
- Bakit may tunog ang utot?
- Bakit mabaho ang utot? (Para ma-enjoy din siya ng mga taong bingi?)
- Totoo bang mas malaki ang sweldo ng mga Pari, Ministro, Pastor, Bradermayk at BraderEli kesa sa mga Senador?
- Laos na ba si Boy Abunda?
- Bakit tumitigas ang utong pag malamig?
- Ang dighay ba ay utot na lumabas sa bibig?
Eto pa yung iba:
- Bakit nakapikit ang mga mata kapag humahatsing o bumabahin?
- Kailan mauubos ang apoy ng araw?
- Bakit tinawag na Living Legend si Jaworski?
- Bukod sa tulog, ano ang gamot sa antok?
- Totoo bang pag malapad ang noo ng babae malapad din ang pisngi ng langit?
Malapit na yata akong mabuwang. Kulang lang siguro ako sa tulog.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.03.2008 @ 10:06 am | Lasted edited: Jul.03.2008 @ 12:05 am |
| Gutom ka na ba? Nag almusal ka na? Tikman mo itong mga niluto ko para sa agahan mo: Champorado, Longganisa, Lugaw, Mami, Palabok, Pansit, Pansit Molo, Sopas, Sotanghon, Tapa, Tocino
Heto pa para sa yo: Bananaque, Bibingka, Biko, Bitsu-bitsu, Butsi, Camoteque, Cuchinta,
Empanada, Espasol Ginataan, Kalamay, Kropek, Maha Blanca, Maruya, Nilupak,
Palitaw, Puto, Puto Bumbong, Suman, Turon.
Pang-merienda yan. Paningit sabi nga ng mga kurimaw. In between almusal at tanghalian o kaya in between tanghalian at hapunan.
Bitin ka pa? Heto pa panghimagas:
Banana Chips, Barquillos, Buko Salad, Buko Pie, Leche Flan, Macapuno, Pastilyas, Polvoron, Tiramisu, Ube Halaya, Yema.
Eto panulak para di ka mabulunan: Buko Juice, Gulaman, Ice Tubig, Pop Cola, Sago, Sarsi.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.02.2008 @ 7:17 am | Lasted edited: Jul.03.2008 @ 12:11 am |
Oras na para bumili ng dolyar (USD) dahil sa patuloy nitong paglakas kontra piso.
Last payday ay nagulat ako sa itinaas ng sahod ko against the average monthly salary na nakukulimbat nakukuha ko. Ito ay dahilan sa biglaang pagtaas ng average ng palitan ng dolyar ng nakaraang buwan. Sayang! Akala ko pa naman may surpresang increase na binigay ang kumpanya. From an average of PHP 42.819 (April 2008) ay tumaas ito sa PHP 44.469 (May 2008). Bongga! Simula pa noong January ay di na mapigilan ang paglakas muli ng dolyar. Kahit pa nga sabihin na baby steps ang pagtaas nito. Narito ang monthly average ng USD exchange rate in the past 12 months:
| Month |
Exchange Rate (PHP) |
Difference |
Jun 2007
|
45.790 |
|
July 2007
|
45.700 |
-0.090 |
Aug 2007
|
46.510 |
0.810 |
Sep 2007
|
44.106 |
-2.404 |
Oct 2007
|
42.920 |
-1.186 |
Nov 2007
|
41.142 |
-1.778 |
Dec 2007
|
40.577 |
-0.565 |
Jan 2008
|
40.954 |
0.377 |
Feb 2008
|
41.417 |
0.463 |
Mar 2008
|
41.720 |
0.303 |
Apr 2008
|
42.819 |
1.099 |
May 2008
|
44.469 |
1.65 |
Eto naman ang simpleng graph para sa datos sa taas.
  Parang it's safe to assume na patuloy na tataas palitan ng dolyar kontra piso. Malamang na umabot ito sa PHP 47 before the end of the year kung kailan muling lalakas ang piso. Makabubuting bumili ng dolyar ngayon at papalitan muli sa piso sa buwan ng Oktubre bago dumagsa ang kuwalta ng mga OFW mula sa kung saan saang sulok ng mundo na makakatulong muli sa paglakas ng piso. Kung titingnan mo ang graph, nakakuha na ng buwelo papataas ang palitan kaya naman walang dahilan para muling bumaba ito sa susunod na dalawang buwan. Kahapon nga ay narating na muli ng dolyar ang palitang PHP 45 for the first time since Aug 2007!
Opinyon lang po. Kung susugal kayo sa pagbili ng dolyar at pagbenta nito after 2-3 months at kikita kayo 'wag po ninyong kalimutan magpa-misa hallelujah! |
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.01.2008 @ 9:05 am |
Zodiac Ni Juan De La Cruz
|
|
|
Aries (Mar.
21 - April 20) May mangyayaring masama sa 'yo kapag hindi mo tinigilan ang pambabae. Ang susunod na mapipick-up mo sa kanto ay nagtataglay ng pambihirang ganda, hubog ng katawan, kinis ng kutis at nakahahawang sakit. Mas mabuti pang makipag pustahan ka na lang sa billiards laban sa mga tambay kina Ate Cely baka manalo ka pa.
Tumaya sa jueteng, malaki ang tsansa ng numero ng kaarawan mo. Lucky numbers 1, 11, 21, 31, 41, 41-1/2, Lucky color- yellow.
|
|
Taurus (Apr.
21 - May 21) Ang pagdalo sa mga ‘parties’ o ‘networking in general’ ang
mga perpektong aktibidad para sa ’yo ngayon. Siguraduhin lang na mag roll ng rexona sa kilikiling may anghit. Maligo at least twice a day baka sakaling gumaling ang hircismus mo. Panoorin ang mga pelikulang Filipino... sa sinehan hindi sa pirated DVD. Lucky numbers 8, 16, 24, 32, 40, 48. Lucky
color-light green (kulay ng tibak yuck!).
|
|
Gemini (May
22 - June 21) Pagharap mo sa salamin ay mapapansin mo na may luslos ka, balls kung lalaki at bumper kung babae. Ang kanang miyembro ang siyang lumaylay at patuloy na mas hinihila ng gravity. Bumili ng Carter supporter briefs / sports bra sa palengke sa Linggo para maka diskuwento ka. Kindatan ang tindera baka gawin pang buy one take one. Iwasan ang mga pangit, baka mahawa ka sa kanila. Lucky numbers 1/2, 1/4, 1/8, 10, 91, 99.
lucky color-brown.
|
|
Cancer (June
22 - July 22) Mananalo ka sa lotto. Tayaan ang mga lucky numbers mo. Siguraduhin nga lamang na araw araw mo itong tatayaan for the rest of your pathetic life kasi di ko makita sa bolang kristal ko kung kelan mananalo ang kumbinasyon na iyan. Basta mananalo rin yan tiyaga lang. Kung may tiyaga may nilagang isda. Lucky numbers 2, 16, 27, 29, 42. Lucky color-black.
|
|
Leo (July
23 - Aug. 22) Makikilala mo this week ang soulmate na matagal mo ng hinihintay. Huwag mag-alala dahil single and available pa siya. Siguraduhing maglinis ng tenga at kuko dahil iyan ang dalawang requirements niya bukod sa mga sumusunod: matangos na ilong, makinis na kutis, high cheek bone, hairless back, killer smile, matalino, at least 5'10 ang height, may kotse, may sariling negosyo, maputi at walang balakubak. Good luck! Lucky numbers 3.1416, 7, 69, 70, 79, 80. Lucky color-white.
|
|
Virgo (Aug.
23 - Sept. 23) Ang kahirapan sa buhay ang siyang magbibigay inspirasyon sa 'yo na pasukin ang industriya ng meat sales. Fresh meat talaga ang ibebenta mo. 350 PHP per kilo with free 20-minute massage and condom. Masuwerte ka sa pang-lima mong customer kasi bibigyan ka niya ng malaking tip kung kaya mo siyang dalhin sa langit ng pitong ulit na sunod-sunod sa loob ng isang gabi ng ligaya. Mag ehersisyo ka tuwing umaga upang ang katawan ay sumigla. Malapit ka ng yumaman! Lucky numbers 5, 5.5, 55, 555, 55555. Lucky color-transparent.
|
|
Libra (Sept.
24 - Oct. 23) Iwasan ang mga kalye na ang pangalan ay nagsisimula sa letrang E. Mas mabuting humanap ng alternate route para iwas sa malas. Ipa-wax mo ang buhok mo sa iyong langit langitan. Hindi mo lang alam na nagrereklamo na ang partner mo dahil palagi siyang natitinga. Mag-padala ng raffle entries sa mga game shows sa telebisyon malaki ang tsansa mo na mabunot.. Lucky numbers 0, 10, 11, 101, 501, 505. Lucky color-pink.
|
|
Scorpio (Oct.
24 - Nov. 22) Gampanan mo ang iyong tungkulin sa
iyong ka-relasyon at ipamalas ang tunay na pagmamahal. Bumili ng bulaklak at ibigay sa iyong mahal at ipagluto siya ng pinakamasarap na timpla ng paborito niyang ulam. Tigilan ang paglamon dahil overweight ka na at tatlo na ang baba mo. Hayaang ang mahal mo na lang ang kumain. Umiwas sa
anumang tukso sa paligid tulad ng lechon, cake, chocolates at braso ni mercedes. Lucky numbers 7, 12, 25, 28, 37, 41. Lucky
color-green.
|
|
Sagittarius (Nov.
23 - Dec. 21) Pag-isipan mong mabuti ang desisyon na gagawin sa mga susunod na araw. Ang pagpili sa maling daan ay maghahatid sa 'yo ng kamalasan. Bumili ng eskinol sa pinakamalapit na mercury drug store dahil sa nanlalagkit ang mukha mong kutis malaysiano. Kung may extra na pera eh dumiretso na agad sa klinika ni Belo o ni Calaycay. Huwag kumain ng tahong, may red tide. Huwag kumain ng fishballs, may lumubog na barko. Lucky numbers 21, 23, 25, 27, 29, 48. Lucky
color-abracadabra orange.
|
|
Capricorn (Dec.
22 - Jan. 20) Makakapulot ka ng isang maleta na punong puno ng pera sa weekend. Huwag ipahalata sa kapitbahay ang biglang pagyaman. Makabubuting ilagay sa bangko ang pera habang nag-iisip ka kung anong gagawin mo dito. Mag-donate ka para sa mga nasalanta ng bagyong Frank, huwag kang ganid! Magkakatuluyan na kayo ng pinapantasya mong maging dyowa. Bumili ng bagong undies at iretiro na ang butas at paboritong karsunsilyo. Lucky numbers 12, 14, 16, 24, 28, 32. Lucky color-blue.
|
|
Aquarius (Jan.
21 - Feb. 19) Mami-meet mo ang paborito mong artista sa isang shopping mall this week. Hindi ka makapaniwala na mas maganda at flawless pala sya sa personal. Maaamoy mo rin ang kanyang hininga na simbango ng imburnal! Pumunta ka sa Manila Ocean Park kasama ng mga kaibigan. May magandang mangyayari sa 'yo doon. Huwag
palampasin ang pagkakataon. Lucky numbers 4, 9, 12, 19, 27, 28. Lucky
color-rainbow.
|
|
Pisces (Feb.
20 - Mar. 20) Malungkot na linggo para sa 'yo. Malalaman mo na isa kang putok sa buho. Ikaw ay inampon lang. Iniwan ka ng iyong walang pusong magulang sa harap ng bahay ng kinikilala mong parents ngayon. Kaya pala walang anumang bakas ng pagkakaparehas ng hitsura kayo ng kapatid mo. Kamukha siya ni Marianne Rivera at ikaw naman ay kamukha ni Mariang Palad. Huwag masyadong damdamin dahil
mahal ka nila. Maswerte ka pa rin at sa hitsura mong yan may nagtiyaga sa yo. Lucky numbers 9, 12, 23, 28,
36, 40. Lucky color-red.
|
|
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jul.01.2008 @ 8:39 am | Lasted edited: Jul.01.2008 @ 12:22 am |
Sablay Collection Part 1

Mahilig sa extra letter(s) ang mga Indonesians.

Hehehehehe.

It's hut's! It's hurt's! LOL

Ang lalaking nasa picture na may label na Manny Pacquiao ay isa sa mga tinalo niya at hindi ang pambansang kamao. JMM yan!
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.30.2008 @ 8:11 am |
Pinakyaw ng pambansang kamao ang mga korona (o sinturon?) sa mundo ng boxing. Nagumpisa siya sa flyweight (112), sumunod ang junior featherweight (122), featherweight (126) at, noong Marso, junior lightweight title (130). Kahapon naman ay inagaw niya ang lightweight (135) title mula kay David Diaz na pinsan ni Julio at pamangkin ng magkapatid na Romy at Pacquito.
Dahil sa ipinakitang galing ni Pacman kahapon sa ibabaw ng ring ay marami ang natatakot ng lumaban sa ating bida maliban na lang kung ang premyo ay sapat para maipagamot ang baldado nilang mukha at ribcage matapos ang magiging salpukan sa ating boksingero na kinahuhumalingan ng mga artistang laos. Sikat na sikat na si Manny sa buong mundo at maging ang mga pamosong manlalaro ng Boston Celtics, 2008 NBA champions, ay nanood pa mula sa ringside para suportahan si Pacman. Eh dati pinapanood lang ni Manny si Garnett mula sa isang maliit at lumang tv sa paborito niyang karinderya. Baliktad na ang mundo dahil sa isang pares ng kamao! Siya na ang pinapanood at iniidolo.
Mabuhay ka Manny! Manny more wins to come!
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.27.2008 @ 9:56 am |
Sa Ugoy Ng Duyan Lucio San Pedro
Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Refrain:
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan
Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan
Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay
Oh! inay |
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Jun.27.2008 @ 8:16 am |
| Technorati Profile |
|
|