| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Apr.25.2009 @ 10:43 am |
Bruskong Holdaper: Mamili ka, pitaka mo o pasabugin ko yang ulo mo? (Sabay tutok ng baril sa sentido ni Ben)
Ben Tumbling: Bahala ka! Parehas walang laman yan!
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Apr.22.2009 @ 11:26 am | Lasted edited: Apr.21.2009 @ 9:36 pm |
Mga bagay na nais kong gawin subalit sa panaginip na lang yata matutupad.
- Taas noo at tigas titing rumampa sa Boracay habang nakasuot ng trunks na kulay puti at may Superman logo. Buong yabang na ipinakikita sa mga tao ang six-pack abs, malapad na balikat, super saiyan na thighs at biceps at pinkish na utong.
- Maligo sa ulan ng walang saplot kasama ng mga paborito kong artista na babae after nilang ipa breast lift ang mga susong nakalaylay dahil sa paghila ng gravity.
- Makalipad sa kalawakan kahit walang pakpak. Noong una gusto ko sanang maging katulad ni Archangel (yung isang mutant sa X-Men) kaya lang delikado sa bird flu ang kanyang pakpak.
- Maging isang sikat na rockstar para naman makapag-suot ako ng all-black na damit, pantalon, sapatos, burloloy at kyutiks (nail polish yata ito sa ingles bwahahaha). Gusto ko rin gayahin ang buhok ng mga sikat na anime characters para cool.
- Kalabanin si Manny Pacquiao sa ibabaw ng ring pero hindi suntukan ang paglalabanan. Wrestling as in professional wrestling. Makita ng mga tao kung sino ang mas magaling mag butt drop, fist drop, elbow smash, headbutt, spinning heel kick, double slap, clothesline, chokeslam, batista bomb, figure four leg lock, 619 (peborit rey mysterio) at suplex. Magsusuot ako ng full-body costume ng isang oso na may tatlong utong.
- Hiwain ng blade ng sampung beses ang balat ng lahat ng mga nangurakot sa bayan at patakan ng kalamansi hanggang sa lumabas sa sugat nila ang salaping kanilang itinago sa kanilang bulsa-de-balat.
- Sumakay sa 20 top rated na roller coasters sa mundo. Sa unahan.
- Mag sky diving o kaya mag base jump mula sa tuktok ng Burj Dubai.
- Mag ski sa Pilipinas. Sana umulan ng yelo kahit isang linggo lang kada taon sa mahal kong bayan.
- Makapaglaro para sa LA Lakers, tulungan si Kobe na talunin si Lebron sa kampeonato at makapag-audition sa Hollywood kahit extra lang.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Apr.18.2009 @ 5:05 pm |
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Apr.03.2009 @ 3:31 pm |
Suhestiyon para kay Manny Pacquiao
1. Magsuot ng Barong Tagalog sa mga formal appearances niya sa publiko. Di hamak na mas magiging disente at elegante ang porma niya kaysa magpumilit ibagay ang damit banyagang gawa ni Giorgio Armani. Maipo-promote nya pa ang pagtangkilik sa damit na gawang Filipino.
2. Makinig sa mga payo ni Chavit tungkol sa tamang pagpapalago at pag-iingat ng kanyang kayamanan. Sa hitsura ni Gov mukhang sigurista siya at hindi maiisahan, inaderwords o sabi nga ni Lumen wais.
3. Huwag makinig sa mga payo ni Chavit at ex-Mayor Bulaklak tungkol sa politika.
4. Huwag masyadong maging gahaman.
5. Paligiran ang sarili ng mga mahuhusay na tao at gantimpalaan sila ng magandang pasahod kesa naman paligiran nya ang sarili nya ng mga artista at politikong may kani-kanyang agenda o sariling interes.
6. Maging panatag at makuntento sa pagiging kapuso. Okay lang din kung maging kapamilya. Huwag na huwag maging kapera.
7. Gamitin ng mahusay ang kanyang kasikatan upang ipakita at ipaalam sa mundo ang mga natatanging kultura ng Pilipinas.
8. Tigilan ang pag-gamit ng 'Sir', 'you know' at 'madam prisident' sa mga sagot na kanyang ibinibigay tuwing siya ay papanayamin sa salitang ingles.
9. Tigelan mona ang pagbabalak na maging isang sikat na mang-aawit. Sala sa tuno at sablay ang pagbegkas ng mga salita.
10. I-knock out si Hatton sa kanilang laban sa May 2. |
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Apr.01.2009 @ 9:47 am |
Ang sumusunod na article ay sinulat ni Ginoong Chip Tsao (or is it Cheap?). Opinion niya ang nakasulat dito.
The War At Home The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoyú Island. That’s no big problem—we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke.
But hold on—even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: there are more than 130,000 Filipina maids working as $3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don’t flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter.
As a patriotic Chinese man, the news has made my blood boil. I summoned Louisa, my domestic assistant who holds a degree in international politics from the University of Manila, hung a map on the wall, and gave her a harsh lecture. I sternly warned her that if she wants her wages increased next year, she had better tell every one of her compatriots in Statue Square on Sunday that the entirety of the Spratly Islands belongs to China.
Grimly, I told her that if war breaks out between the Philippines and China, I would have to end her employment and send her straight home, because I would not risk the crime of treason for sponsoring an enemy of the state by paying her to wash my toilet and clean my windows 16 hours a day. With that money, she would pay taxes to her government, and they would fund a navy to invade our motherland and deeply hurt my feelings.
Oh yes. The government of the Philippines would certainly be wrong if they think we Chinese are prepared to swallow their insult and sit back and lose a Falkland Islands War in the Far East. They may have Barack Obama and the hawkish American military behind them, but we have a hostage in each of our homes in the Mid-Levels or higher. Some of my friends told me they have already declared a state of emergency at home. Their maids have been made to shout “China, Madam/Sir” loudly whenever they hear the word “Spratly.” They say the indoctrination is working as wonderfully as when we used to shout, “Long live Chairman Mao!” at the sight of a portrait of our Great Leader during the Cultural Revolution. I’m not sure if that’s going a bit too far, at least for the time being. |
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Mar.04.2009 @ 10:14 am |
Araw-araw ay naiinis ako sa pagharap sa computer para magpalipas ng sampung oras na naghihintay ng trabahong darating. Nakakaburat na talaga dito sa Indonesia. Although maganda ang kita at nakakaipon, pakiramdam ko naman ay nagdedeteriorate ang kalusugan ng aking isip at katawan. Nakakabuwang yata talaga pag matagal na panahon kang walang ginagawang makabuluhan. Wala na yata akong pinagkaiba sa security guard na tagapagbantay lang sa isang gusali samantalang ako ay tagapagbantay lang sa computer.
Kahapon ay nagpadala ng liham ang aking boss na nasa Singapore at gusto niyang mapaaga ang demobilization ng alinman sa amin ni pareng jospe. Gusto ko na sanang mag volunteer na ako na ang unahin kaya nga lang ay nakakahiya naman kay kumpare at baka gusto nya ay siya na rin maunang makalipat. Isa pa ay mahina ang kita sa Singapore kumpara dito dahil na rin sa kakulangan ng allowances, overtime at hazard/hardship pay. Enjoy nga lang dahil sa nasa isang bagong lugar at makabagong siyudad.
Hindi ko lalo malaman ang aking gagawin at kung paano palilipasin ang bawat maghapon na nananatiling matino. Inday pagpayuhan mo ako. |
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Feb.24.2009 @ 7:58 am | Lasted edited: Feb.23.2009 @ 5:17 pm |
Ang lupit talaga ni Gretchen! Narito sa baba ang mga larawang ating napulot. Magagalit na naman si Mr. Cojuangco kay Gretta.








|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Feb.21.2009 @ 8:02 am |
Bakit maraming tumatakbo sa eleksyon?
Simple lang. Para maging parte sila ng pinakamalaking samahan ng kolektor sa bansa. Ang GOBYERNO. When a businessman profits from doing business, the government shares with him. But when this businessman incurs losses he finds himself alone footing the bill! Di ba ang sarap naman ng ganun? Kokolekta ka lang. Sigurado ang kita. Walang pagkalugi. If you think you need more then just collect more. Para maprotektahan ang pangongolekta mo ay gagawa ka lang ng mga kautusan at batas. Panalo! Nalilito tuloy ako kung ano ang mas magandang kabuhayan: Leader ng isang religious order na nangongolekta rin ng donasyon ngunit hindi nagbabayad ng buwis o Kabo ng Gobyerno na animo'y siya ang hari ng kalawakan na nakaupo sa ibabaw ng black hole habang patuloy na humihigop ng salapi sa lahat ng nasa ilalim niya.
|
|
| 0 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Feb.21.2009 @ 7:46 am |
Recently ay nakaka-experience ako ng paninikip ng dibdib at parang nahihirapan huminga. Parang may nakapatong na mabigat na bagay sa aking dibdib. Kumikirot din sa may bandang kaliwa na parang pakiramdam na naiipit o nagbabarang ugat. Halos gabi gabi nangyayari ito at nahihirapan ako matulog.
Resulta: palaging puyat, kinakabahan at natatakot sa kung anuman ang nangyayari sa akin. Kagabi ay naglaro ako ng basketball for two straight sets na inabot ng one hour intense competition. tatlong six-footer ang kalaban namin mabuti na lang at ang sentro namin ay isang physical 6-6 na Venezuelan na sobrang ingay maglaro. Anyway, for the first time in a week ay di ako nakaramdam ng pagsakit ng dibdib or any discomfort sa paghinga. Exercise lang pala ang katapat. Yun nga lang masakit ang aking paa at lower back. Tumatanda na kailangan maging mas maingat sa kalusugan.
|
|
| 1 Comments / Subscribe To Comments |
| Posted: Feb.10.2009 @ 8:18 am |
Dear Nanay Talia,
Hindi mo man mabasa itong aking liham sa iyo ay lubos ko pa ring ipinararating sa yo ang aking pagkalungkot sa iyong pagpanaw. Hindi ko man lang nasuklian ng lubos ang lahat ng kabutihan na ipinakita mo sa akin at sa aming buong pamilya lalo na noong kami ay nasa panahon ng paghihirap at lubos na nangangailangan ng suporta at pagmamahal. Isa kang dakilang ina sa iyong mga anak na hanggang sa iyong mga apo sa kanila ay walang sawa kang nag-aruga kahit pa nga sa iyong pagtanda. Parang kailan lang ay malakas ka, masaya at abala sa pag-asikaso sa iyong mga bisita noong kaarawan mo noong Hulyo. Tandang tanda ko pa kung paano mo ako binati dahil sa ang pagdating ko para magbakasyon sa Pilipinas ay eksaktong araw ng birthday. "Pwede ng simulan ang pagpapakain sa bisita dahil andito na ang hinihintay kong bisita!", sabi mo pa nga. Masaya ang araw na iyon. Magkakasama tayong mga magkakapamilya. Nitong Disyembre naman ay nagulat ako sa balitang nagkasakit ka at hindi na makalakad. Hindi ko sigurado ang dahilan kung osteoporosis o aksidenteng napadulas ka. Hindi ko na inalam dahil alam kong kahit anupaman ay hindi na maibabalik ang dating masigla, masayahin at mapagmahal na Nanay Talia ko. Sa huling pagdalaw ko iyo ay hindi mo na nga ako nakilala. Panay pa ang daing mo na pagod na pagod ka na. Umuwi rin ako agad dahil sa para akong mapapaiyak. Noong new year na inilabas ka ng bahay sakay ng wheelchair ay hindi na kita nabati. Mabilis kang ibinalik sa iyong bahay dahil na rin sa ayaw din naming lahat na makita ka sa ganoong kalagayan. Sabi nila palagi mo raw hinihiling na makita ang bago kong baby. Kaya nga nitong nagdaang linggo ay dinala diyan sa bahay mo si baby para makita mo siya at maka-bless sa yo. Paglaki ng mga anak ko ikukuwento ko ang iyong mga ginawang mabubuti para sa amin. Sa kabilang banda, masaya na rin ako para sa iyo dahil sa alam kong andiyan ka na sa langit at malaya na sa problema at sakit na iyong tiniis ng mahigit dalawang buwan. Sana ay magkaisa ang mga anak mo at tigilan ang napakatagal na panahong palaging bangayan at pag-uugaling bata. Alang-alang man lang sa iyo. Mahal kita Nanay Talia. Mahal ka naming lahat. Salamat sa lahat ng iyong pagmamahal para sa amin at pagtulong sa lahat ng oras na kami ay nangailangan. Hindi ka namin malilimutan.
Ang paborito mong pamangkin, Jon2x |
|