Di na naman bago ang kakulangan ng bigas sa Pilipinas. Matagal na panahon na tayong nagi-import ng bigas mula sa Vietnam at sa ibang karatig bansa dito sa Silangang Asya. Ngayon lang napapansin ang isyu sa bigas dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito.
Tanong ni Angelika Juan De La Cruz: Vahkeeeeet?
Maaring dahil sa mga tan-taran-tan-tadong nagmomonopoliya ng pagdi-distribute ng bigas sa publiko. ***Meron nga ba nun?***
Pwede ring dahil sa 'cartel' ng bigas. ***Meron din ba nito sa Pilipinas?***
Yan naman ang palaging dahilan ng mga henyo sa ating bansa kapag natatanong na ukol sa isyung kakulangan ng bilat, este bigas.
Ang naiisip ko lang talaga na maaaring dahilan, directly or indirectly (naks), ay ang mga sumusunod:
Sinaunang sistema sa irigasyon.
Mga lupang sakahan na ngayon ay ginagawa ng subdivisions, golf courses, sabungan (para sa mga mahilig mag sugal) at race track para sa kabayo (para sa mga mahilig sa mola).
Mga magsasaka na sa sobrang hirap ng buhay ay ayaw ng susunod sa yapak nila ang kanilang mga anak. Resulta kakulangan sa mga future na magsasaka.
Napakababang presyo ng bilihan ng palay.
CARP!!!! Dapat sa inyo ay CRAP!
Panahon pa ni pakopong-kopong na pamamalakad ng DA.
Ewan ko ba kung may tumama sa mga pinagsasabi ko dito pero yan ang nakita ko sa aking mahiwagang kristal na kasing kintab ng ulo ni Bembol Roco. Sana naman sa lalong madaling panahon ay masolusyunan ng mga henyo sa pamahalaan at lipunan ang kinakaharap na 'krisis' (daw) sa bigas. Kawawa naman kasi ang pamilyang Pinoy na kung dati ay nag-aawayan kung sino ang kakain ng ulo ng tuyo dahil sa kahirapan sa ulam...ngayon pati kanin pag-aawayan pa kung sino ang kakain ng utong, este TUTONG!