BrownMan Blog
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
Brownman's ABC
Brownman's Hirit
Business Pinoy
Iskul Bukol
Kalusugan
Kapuso
Kasabihan, Islogan, Salawikain, Atbp
Komiks
Kwentong Barbero
Limericks
My Top 10
OFW
OPM
Philippine History
Pinilakang Tabing
Politico
Random
Rise from the dead
Sports
Traditions, Customs, Culture
My Photos
Ian's Gallery
KinTropax
Muzon
Naic
Nature & Animals
Retro
Somethin Somethin
Tangguh
The Philippines
Travel
Members
Sign In

Topic: Iskul Bukol
Re-un-yon
Published: Feb.27.2008 @ 9:00 am | Print | Email | Comment
Last Edited: Feb.26.2008 @ 7:55 pm

Gi-noogle at ni-yahoo ko na pero talagang ke-hirap-hirap maghanap ng information about CNSHS Batch 1998. Wala pa talagang dedicated web site para sa aming batch (at gayun din sa aming alma mother dear CNSHS). Hindi kaya dahil busy ang buong member ng dabarkads sa pagpapayaman kaya walang mag-try na magsimula ng isang web site? Pero meron naman tayo friendster account at (bagong) yahoo group. Salamat sa ating mga magigiting na kasamahan na sina Norman, Aeolus at Nervil.

Yesterday eh nabalitaan ko kay Menx na meron pala pinaplanong reunion. Maganda ito. Kailangan lang ng konting coordination ng lahat ng magaganda at guwapong members ng batch. Sana ay matuloy ito in the near future. Ten years na rin kasi ang nakaraan nung tayo ay nakalaya sa CNSHS Concentration Camp.

Eto na naman tuloy at nagbabalik sa aking isip ang ilang memories of our dreams ng haysCOOL:

  1. Less than a hundred (97 or 94?) lang ang natira sa batch nung time ng graduation from a total of 120+ nung nagsimula tayo under the tutelage of Ms. Pareja.
  2. Si Arnold Jose Olave ang Master ng Damath at wala na yatang makakapantay pa sa kanyang achievements sa sports na ito sa CNSHS.
  3. Batch '98 won three overall championships sa sportsfest (na palaging bitin), SY 1995-96, 1996-97, 1997-98. Gosh!!! <-- sabi nga ni katotong Rodney.
  4. Isa ang batch namin sa nagtataglay ng pinaka-colorful set of individuals kaya naman very diverse ang buong batch at makikita mo yan kung babalik-balikan mo ang mga accomplishments (Oo Michelle, good and bad po) ng bawat miyembro at ng batch as a whole. Magsimula ka sa record ni Mrs. Bencito sa Guidance Counselor's Office. Sunod ay ang computer room ni Mr. Mojica. Wag mo kalimutan ang Biology class ni Mrs. Ruby Bautista at ang tsismis sa kanila si Sir Tom at syempre ang kanyang botanical garden (may iyakan pang nangyari dito next time ko na lang ichi-chismiz). Ang notorius case na pang-uumit sa canteen. Ang less-than-popular choice ni Sir Tom na pumili ng babae as head ng CAT...at syempre ang buong COCC experience (remember Mr. Jesse?). Sportacular (tingnan ang number 3). Countless medals and trophies sa mga academic contests. Dami pang iba na di ko na lang isusulat sa ngayon.
  5. Ang aming batch ang nag-coin ng mga sumusunod na monickers: ipis, voltron, gila (short for gilagid), anyaki (ask our good friend Alvin), etc. dagdag nyo na lang yung iba.
  6. Mga adik sa basketball ay nagbibilad sa init ng haring araw during lunch break makapag laro lang sa luma at bako-bakong court ng PUP Maragondon.
  7. Kahit na marami ang ayaw kay ipis eh tinulungan nya tayo para manalo sa mass demo nung sophomore tayo. Nakalusot nga ako sa pagsali sa sayawang ito sa promise na ako ang magpoprovide ng tape para sa kanilang sasayawin. Self-humiliation problem solved.
  8. Si Ms. Pareja ay nagkasakit dahil sa mga cute na cute (or kulit na kulit?) na students ng ating batch.
  9. Yung fungicide na inimbento namin ni Eryl (at yung isa/dalawa pang groupmates) ay hinaluan namin ng hot sauce na binili namin sa Maragondon public market in a last ditch effort to kill those fungi na sa tingin namin that time eh lalong dumami nung nilagyan namin ng aming imbensyon. Okey ka ba tyan?
  10. Nakaupo ako sa gym ng CNSHS habang nagpapahangin at nag-e-emote about my future in college ng biglang nasira ang magandang movie na nagpe-play sa aking maduming isip dahil sa lakas ng DIGHAY ni Engelbert na itinapat pa sa mikropono at nadinig yata sa buong school compound sa Maragondon sa tulong ng loud speaker.
  11. Maraming ding tragic at unfortunate events na nangyari sa aming mga ka-batch. Hindi ko na lang isa-isahin.
  12. Bukod sa katalinuhan, kagwapuhan at kakulitan ng mga GUYS (and gays) sa batch eh di maitatanggi na marami ring mga SM o Simple Maniacs...yung iba sabi Silent Maniacs din daw pwede. Umpisahan ko na sa dalawang Js ng aming section na 4-Nitrogen. Isa pang clue... yung isa classmate ko simula 1st year. Yung isa naman na J eh napalipat lang mula sa 1-Oxygen. Wag masyado seryosohin ito hehehehe.
  13. Masaya ako nung napag-gitnaan ako sa seating arrangement ng dalawang crush for life ko na sina Banx at Menx.
  14. Paborito ko si Mrs. Diosomito dahil napagbigyan nya ang aking hiling (hiks-hiks-hiks). See number 13.
  15. Break! Break! Break! Natatandaan nyo pa si Mr. Eugene?
  16. Naalala ko pa kung paano ma-deform ang mukha ng adviser namin nung Junior pa kami for forty minutes tuwing oras na ng klase ni Mr. Electrician. At least nagpipilit siyang mag-ingles kahit na talaga namang ala Jimmy Santos. Sorry sir hehe.
  17. I woke up to a very beautiful day nung graduation namin pero di ako masyado masaya kahit na makakalaya na ako sa kulungan ni Mrs. De Vera kasi alam kong marami ako mami-miss.
Dami pa pero masyado na mahaba ito. Hanggang sa susunod na kabanata.
 

There are 6 comments. Post A Comment | Subscribe To Comments
Comments:
posted by Anonymous. on Mar.04.2008 @ 5:51 pm
 Edit  |  Delete 

Biruin mo, hindi ko pala natago ang pagka... ko.

hmm..

I am just expressing my sexuality.

nice reading some past memories.

keep it up pumz!

 

Secretly yours,

J.S.


Post A Comment
posted by LateBloomer on Mar.12.2008 @ 11:17 am

Secretly yours J.S.? Hehehe kung ikaw nga ang J.S. na nasa isip ko eh ikaw yung guwapong kaibigan at kabatch mate ko na taga Tanza. Anong balita repakol? Marami na ba nabiktima? Nyahahaha. Imbitahan mo ako pag ikakasal ka na. Reregaluhan ko ng lie detector ang magiging misis mo para di ka makapag lie pag tinanong ka niya kung san ka galing at gabing gabi ka na umuwi.

Push onward!


Post A Comment
posted by Anonymous. on Mar.26.2008 @ 12:18 am
 Edit  |  Delete 

To have written this:

1. Taga 4-N ka malamang, at nasa highest section since 1st year kasi puro star-section stories yan.

2. #12.. Si J.L at si J.S. yan malamang hahaha. 

3. Don't forget yung chess games. Best of 100 nyo ni Jhesthee? lol

4. Trivia: Si J.S. eh si Mr. GreenMan ng UP Mla kasi laging nakagreen at ang nangangarap na pagaralan ang art of seduction... heheh gudlak pareng J.S.


Post A Comment
posted by Anonymous. on Apr.28.2008 @ 12:48 am
 Edit  |  Delete 

POPS,


sino tong J.S. na to? Jason Socson? hahahaha


Mysteriously Yours,

Jumanji


Post A Comment
posted by LateBloomer on May.08.2008 @ 9:34 am

J.L.? Hindi ko yata matandaan kung sino ang J.L. na manyak LOL. Yung J.L. na kilala ko na taga Magallanes di naman SM. Eto ang clue.. J.S. at J.J. Bwahahaha.


Post A Comment
posted by LateBloomer on Jul.03.2008 @ 2:17 pm

Si JL pala di nga SM.. CM pala hahaha. Certified Maniac!


Post A Comment
   
| Report Member | Free Blog BlogText.org