Mga tips ko lang para sa mga kababayan ko na gustong subukan ang paggawa ng pelikula na patok na patok sa masang Filipino:
1. Magsama sa cast ng: a. Bruskong action star kung Action movie ang gagawin
b. Zany Side kick ng bida c. Sexy leading lady na willing sa isang bitin na love scene at wet kissing scene (hindi na uso ang dampi) d. Mas sexy at daring na kabit para sa ating masuwerteng bida
e. Kontra bida na may demonyolik na tawa f. Goons na naka black leather jacket armed with Armalite and M203 grenade launcher
2. Ang titulo ng pelikula ay either halaw sa isang sikat na awitin, kasabihan o mensahe sa mga stickers na kalimitang makikita sa jeep. 3. Isang Kilig-to-the-bone scene kung saan ang ating bida ay sinusuyo si leading lady habang gamit ang kanyang bed room voice na halos pabulong ang tunog...nangangako na magbabalik matapos ang ultimate battle with the kontra bida...and finallly ang scene ay magtatapos sa halikan na mauuwi sa number 4.
4. Mainit, nag-aalab na love scene na pupukaw sa damdamin ng mga manonood...at kung gaano kabilis na-arouse ang mga parokyano sa sine ganun din kabilis babaling ang kamera ni direk sa isang bungkos ng bulaklak o kaya naman ay sa bilog na buwan na kita mula sa bintana ng kwarto para bitinin ang mga kalalakihan na sabik makita ang ka-flawlessan ni leading lady at ang mga badingarzi at kababaihan na gustong makita ang pwet ni Papa Action star. 5. Sandamukal na costume ang gamitin kung ang cast at ang istorya ay flawed. Daanin na lang sa fashion at cosmetics ang pagbawi sa appeal ng pelikula. Kung desperado na talaga, magdagdag ng scene kung saan ang isa sa mga artistang babae sa cast ay magkakaroon ng wardrobe malfunction. Oo. Kahit na si Maui Taylor pa yan o si Madam Auring pwedeng gamitin sa scene na ito. Mas nakaka intriga nga kung mas matronix ang biktima ng nasabing scene.
6. Siguraduhing malupit na OPM musical score ang gamitin sa iyong pelikula. 7. Huwag kalimutan na kontakin ang press at ipagkalat ang tsismis na si bidang aktor na happily married ay nakikipagmabutihan kay aktres na pa-cute din naman at tuwang tuwa sa role nya sa mata ng fans na home wrecker. 8. Last fight scene na mauubos halos lahat ng cast ng pelikula mo except sa bida, leading lady at ilang mapapalad na extra. Oo. Kahit na hindi action film kailangan may fight scene. Imagine isang comedy na walang kwelang labanan sa huli ang pangit di ba...At isang horror film na hindi makikitang papatayin ng bida ang demonyitong aswang o tiyanak? Parang bitin... 9. Siguraduhing magkaroon ng scene towards the end of your film na parang babangon pa yung kalaban o kaya gagalaw pa ang isang daliri ng tikbalang. Ito ay para may paunang sabi sa mga manonood na may kasunod pa ang iyong pelikula at ito agad ang kanilang pag-uusapan matapos ang hang over nila sa panonod ng sine mo. 10. Finally, isang makulay na poster ng iyong pelikula kung saan makikita ang ininternet (sabi nga ni Gladys Guevarra) o inadobe na kilikili ng leading lady para pumuti at kuminis. Kailangan syempre ang bida ang may pinaka malaking exposure sa poster at kung mas marami sa isa ang mga bigating artista na kasama sa cast pagkakataon mo na gumawa ng kontrobersiya sa billing.
|