Madaling araw ng ika-14 ng Disyembre ay ninakawan ang aming computer shop. Ubos lahat ng computers pati ang server ko. Dinamay pa ang digital camera na gamit namin sa pagkuha ng ID pictures. Mabuti na lang at ang mga kinita ng nakaraang araw ay naiuwi na sa bahay.
Walang puso ang mga magnanakaw na nanamantala sa amin.
Bago pa lang kami nagsisimula halos tatlong buwan pa lang nag bukas ang aming computer shop.
Nakakapanlambot ang nangyari. Marangal ka na naghahanapbuhay, nanakawan ka lang ng kababayan mo.
Bakit kaya sa amin pa nangyari ang ganito? Hindi naman kami maramot sa tao.
Sa ngayon pakiramdam ko ay napakahirap na bago ako magbigay ng tiwala sa kahit na sino pa.
Grand Opening kanina ng Yew Tee Point. Hindi naman sa nagsara sila or
kakabukas lang talaga. Nagkaroon kasi ng renovations sa mini mall at
nagdagdag ng mga atraksyon na pambata. Kaya kanina matapos kumain sa HK
Resto (na nagiging paborito na yata namin nina Ivan at Mark tuwing
Viernes) ay nanood kami ng mini concierto. Mahusay ang mga batang
tumugtog gamit ang kanilang mga kakaibang instrumento. Matapos nito ay
may umawit, sumayaw at umawit ulit ng duet at isang Malay na makay ko
kung ano ang kinakanta nya. Napanood din namin ang isang kakaibang
sayaw na ang mga dancers ay palagi lang nakangiti. Ang cute daw nung
nasa gitna sabi ni Ivan natipuhan pa yata.
Ang finale ng
concierto ay ang local orchestra ng Choa Chu Kang. Marami silang
tinugtog at mas lalong mas maraming kakaibang instrumento kabilang na
ang isang wind instrument na para daw isang building na makikita sa New
York ayon kay Ivan. Meron ding instrumento na mukhang hi-tech.
Pinupukpok ito at kung ano anong tunog ang lumalabas. Subalit kung
papakinggan mabuti ay para lang itong tunog tao. Yung tunog ba na
nagmumula sa bibig pag pinitik sa loob ng pisngi.
Nung matapos
ang concierto ay lumipat kami sa gitna ng mall para manood ng mamang
naka pink at nagmamagic. Ang dami nyang gimik at talaga namang pambata
lang ang magic nya. Sabi nina sir Fred ay kitang kita naman daw ang mga
tricks na inayunan ni Ivan at Mark. Dahil sa mabagal ang mga mata ko ay
di ko naman napansin yun. Sa katunayan ay aliw na aliw ako at
nagsisisigaw sa galak kasabay ng mga batang Singaporean. Sabi ko na
lang dahil free show naman tanggapin na lang na okay ang performance ng
magicman. Ayun natapos din mag magic at umuwi na kami ng busog at
maligaya. Dami ko yata nakain sa HK resto.
Muli akong nagbalik dito sa Singapore noong Viernes. Habol ako sa trabaho na dahil sa emergency leave ko ay naiwan. Nakakapanibago pa naman ang napa-assign na gawain sa akin kaya nag struggle ako at palaging pagod pag uwi sa bahay.
Bukod kasi sa paghabol sa schedule ay panibagong adjustment na naman sa gawain dito sa office. Malayong malayo kasi sa gawain sa construction job site katulad ng apat na taon kong binuno sa Indonesia. Tiyaga lang ako at konting dagdag na pagsisikap makakasanayan ko rin ang takbo ng trabaho dito sa Singapore.
Matapos ang sampung araw ng burol ay naihatid na rin si tatay sa kanyang huling hantungan. Malungkot pa rin ang lahat sa pamilya. Medyo mabigat pa rin sa damdamin na tanggapin na wala na si tatay.
Kami ng kuya ko ay nakabalik na rin sa aming trabaho matapos mag emergency leave. Naiwan tuloy si nanay sa bahay na malumbay subalit buo ang loob na ipagpatuloy ang buhay sa tulong na rin ni ate, ni maylab at lahat ng nagmamahal sa aming pamilya.
Kaninang hapon ay pumanaw na ang aking tatay. Ang aking senior. Masakit isipin na hindi ko man lang siya nakausap bago ang kanyang pagpanaw. Kahit na noong ako ay nasa bakasyon, mahigit isang buwan kaming hindi nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. Hindi ko alam na ang huling pagkikita at pag-uusap namin ay noong ako ay paalis. Madaling araw hinawakan ko ang kamay niya at sinabing magpalakas at magpagaling siya dahil magbibirthday pa si Tricia kailangan nakakapaglakad na ulit siya.
Hindi ko man lang nasabi sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin. Pasasalamat at pag hingi ng sorry sa mga kalokohan ko noon.
Kailangan lang talaga palakasin ang loob, magpakatatag at tanggapin ang pangyayari.
Sana naman ay napawi na ang kanyang paghihirap sa karamdaman niya at siya ay nasa langit na.
Napaka hirap naman ng nararamdaman ko ngayon. Pagkagising ko unang balita ay nasa critical condition si tatay sa hospital. Ang nanay di ko na makausap, ayaw makipag usap sa phone iyak ng iyak nanginginig. Ang layo ko pa sa kanila. Magkasunod kami ni kuya na umalis ng bansa last month. Ang bigat naman ng sabi ng doctor na wag na umasa maka survive pa si tatay sa condition nya ngayon.
Di ko malaman ang gagawin dito para akong nanghihina at nahihilo. Parang nasusuka ako.
Miss ko na si tatay. Hindi man lang kami nakapag usap ng matagal nung nasa Pilipinas ako. Hindi ko nga sya kilala ng lubusan. Nung bata ako siya ang nag aabroad nung tumigil sya mag abroad ako naman ang umalis ng bansa.
Kung ano ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Ang lungkot ng weekend na to. Sana naman maka survive si tatay at gumaling sya.
Nakaka-isang linggo na ako dito sa Singapore pero hirap pa rin ako mag-adjust sa pang araw-araw na trabaho at buhay. Malaki kasi ang kaibahan sa nakaraang apat na taon ng aking buhay sa Indonesia. At ang lugar talagang baligtad. Kung dati ay nasa bundok ako sa gitna ng isang malungkot na isla, ngayon naman ay nasa isang masigla at progresibong siyudad ako.
Malakas sa gastos dito. Mahal ang bilihin. Mahal ang taxi. Kaya talagang nagtitiyaga ako sa MRT na palaging siksikan. Napupurga na ako sa pagkain dito. Kung hindi noodles, tinapay. Kung kanin naman ay mahirap mamili ng ulam. Mahirap din kasi basta na lang pumili ng ulam na hindi mo alam ang lasa at kung paano niluto.
Nahihilo pa rin ako sa kung saan ang babaan at sakayan ng MRT at bus. Ang kabisado ko pa lang ay ang papunta sa opisina mula sa bahay at ang pauwi.
Sana hanggang sa weekends ay masanay na ako ng husto sa mga pasikot-sikot ng buhay dito sa Singapore. Naghahanap na nga ako ng bagong hobby na uubos sa aking oras at hindi sa aking baon na pera (bwahahaha).
Nakatapos na ako ng job assignment sa Tangguh at heto sa bahay pakuya kuyakoy muna habang kalaro ko si 3cia. Sarap din ng feeling ng maka-kumpleto ng isang mahabang proyekto lalo pa nga at ito ang una kong pagsabak sa abroad. Minsan parang nakakalungkot ding isipin na makaraan ang mahigit apat na taon ay di na ako babalik sa gubat.
Pero siyempre mas masarap naman ang pakiramdam ng pag-uwi sa pamilya. Pa-easy easy muna dito sa bahay bago na ulit paganahin ang utak sa trabaho after 3 weeks. Tsaka na rin ang blog. :-)
Nagback fire ang pag-a-apply ko ng pag-uwi kahapon. Sabi ko kasi kay bossing baka pwedeng pauwiin na ako ng mas maaga sa Pilipinas dahil wala na naman ako masyadong ginagawa sa opisina at pakiramdam ko ay mababa na ang productivity ko. Blangka! Hindi daw maaari dahil marami pang nakapilang trabaho.
At heto nga tambak ang gawain. Wala pang limang minuto kahapon ay tinawag ako ni bossing at niratratan ng mga papagawang programs, reports, charts, S-curves at ang madugong statistical computations at iba't ibang formats at groupings...isama pa ang standard deviation na i-a-apply sa mga figures depende sa historical data ng company. Waaaaaaaaaaaaaaa!!! Napakatagal ko pa naman sinisisi ang eskwela ko noong high school sa pagtuturo ng masyadong advanced statistics dahil wala naman mapag-gamitan. Ngayon dumating ang oras na kailangan ko na ilabas ang konting natatandaan ko sa stat.
Eto nga at ihi lang ang pahinga. One-man team sa paggawa ng close out reports, pag consolidate ng construction, commissioning at site prep database pati na ang pagso-sort at rename ng limpak limpak na litrato sa nakaraang anim na taon. Kung bakit kasi nauso pa ang digital camera ayan tuloy halos walang limit sa pagkuha ng litrato kada linggo heto tuloy sa huli ako ang mahihirapan. Wadapak! 50 GB ng litrato to sort and rename.