I'm quite fascinated with the look of books piled up in total mess on top of my desk when I entered my office this morning.
Natanong ko pa nga ang sarili ko kung ang pagka-engganyo ko ba sa gulong nadatnan ko ay nangangahulugang magulo ang aking disposisyon sa buhay o wala sa ayos ang sarili kong mundo? Kasi naman, para akong tuwang-talilong kapag nakakakita ako ng gayon.
Depensa ng aking utak, "Hindi ah! Nais mo ngang mailagay sa ayos ang lahat ng elements sa iyong buhay kaya ka nagkakanda-bulag sa pag-aaral para lang matupad ang iyong mga pangarap". (Halata bang di pagpapaka-kuba sa trabaho ang sinabi ko? Magaan lang naman kasi ang trabaho ko bilang Guidance Counselor, huwag mo lang akuin ang problema, gaano man kabigat ito at karaming bata ang nagdadala nito at umaamot ng kaunting advice sa iyo, which of course I do not do kasi bawal na bawal na BAWAL sa counseling ang mag-advice. Echos!!!)
Siguro lang, di mismo ang gulong naratnan ko ang ikinatuwa ko, but the sight of the books, the knowledge incorporated within each book that made my heart leap a hundredfold. I mean, a hundred yard (kung kasali lang ako sa long jump, malamang ay panalong-panalo na ako).
Last Monday I got to read Bhagavad Gita. Tuesday, I had Oda sa Kaldero at iba pang Tula by Roberto Ofanda Umil. At kaninang morning was Ako'y Isang Tinig by Genoveva Matute (my favorite kaya iyong larawan nito ang in-attach ko), while in the afternoon I got Tinig at Kapangyarihan: Mga Kuwentong Buhay ng Kababaihang Manggagawa sa Buhay ni Rosalinda Pineda Ofreneo. This morning, I dropped by the library and picked up from the shelf Stories by Jose V. Ayala.
Sabi na sa inyo e, magaan lang ang trabaho ko sa school kasi nakakapagbasa pa ako ng santambak na libro habang isinisingit ko sa aking mga gawain. (Harinawang wag mabasa ito ng aming butihing principal at baka tambakan niya ako ng sang-gabundok na gawain at i-ban sa paghiram ng libro sa aming library which I really recommend to be visited because it is so rich with books. All kinds of books. All sizes. A variety of themes na di lang concentrated sa academics but more on the awakening of one's imaginative, creative, sensitive to the world and all the stuff that reading is supposed to be made of ay matatagpuan sa aming library. Amy pasalamat ka at I promoted your well-loved library.)
But it doesn't mean though na tapos ko ng basahin ang lahat ng librong nabanggit. Ang surely na natapos ko pa lang talaga, from cover to cover ay ang Bhagavad Gita at ang Oda sa Kaldero. The three others ay salitan kong binabasa. Ganyan ako ka-pathetic pagdating sa pagbabasa. Di ako makontento sa isang libro lamang. And to add to your dismay, mahigit dalawang buwan bago ko natapos ang Love in the Time of Cholera by Gabriel Garcia Marquez, which I read while inside the bus to my way to school in the morning and on my way home in the evening kasi isinabay ko siya sa pagbabasa ng I'm with Stupid by I can't remember who kasi nasa bahay iyon ngayon, particularly under my pillow because can you guess why? Korekek! That's the book that helps me doze to sleep… Ngooooooooooooorrrrrrkkkkkkkkkkkkkkkk!!!
Maka-ilang ulit ko na ring tinatanong ang aking sarili. Bakit ang hilig kong pagsabay-sabayin ang mga librong binabasa ko? Actually, hindi ko talaga alam. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapagtanto ang aking dahilan. What might be the motive inside me that pushes me to do this? Is this my avenue to attain homeostasis? Hedonism? Nirvana? Libido? (Hello Papa Freud!!!)
According to Freudian theory, libido is that kind of pleasure-seeking, life-maintaining energy which becomes focused on certain objects or goals kaya huwag kayong bastos. Huwag isipin na ito ay connected lamang sa ating sexual pleasure.
Sa tingin niyo? Ano kayang valence meron ang mga libro that they have these unexplained energy-arousing property na hindi ko matalikuran once they are in front of me?
Ah! Basta!!!
Ayokong pag-ukulan ng panahon ang katanungang iyan. Basta ang alam ko, masaya ako kapag nakakakita ako ng mga libro. At di makukuntento hangga't di ko nababasa maski man lang introduction o foreword ng nasabing libro.
Itanong ko na lang kay Rogers o kay kumpareng Maslow pag nagkita kami kung ito ba'y parte pa rin ng kanilang actualizing principle.
Tama! Ganoon na lang ang gagawin ko kesa maloka pa ako sa kaiisip kung bakit. Sana lang di pa ako tuluyang maloka sa ginagawa ko, ang aking source of homeostasis.
Introduction ka pa lang iyan. Hope you find time to read more of my Book Reviews and learn to love reading too as I do. Promise, gaganda na ang grammar mo, gaganda pa ang diction mo (if you read out loud like what I do when I read in our room), makaka-travel ka pa around the world ng libre (iyan ay kung malakas ang imaginative at creative powers ng iyong gray matter, kung hindi, manood ka na lang ng sine, which of course I lack the time kasi hindi puwedeng putul-putulin unlike when you're reading… hingal-hingal-hingal!) at higit sa lahat, masaya siya, in fairness.
The following days, I will fill-in your brains with nice stuff. Actually my book list ako ng mga plano ko pang bilhin (o ipabili… Jomai baby, budget please!) or I also welcome gifts, packages o baka meron kayo, pa-arbor na lang (hehehehehe!) kaya read on my list:
The Myth of Self-Esteem: How Rational Emotive Behavior Therapy Can Change Your Life Forever (Albert Ellis)
Secret Girl (Molly Bruce Jacobs)
This Changes Everything: The Relational Revolution in Psychology (Christina Robb)
Self-Psychology: An Introduction (Peter A. Lessem
Identifying and Understanding the Narcissistic Personality (Elsa F. Ronningstam)
Play Therapy Interventions with Children's Problem (Gary Landreth)
Son of a Witch (Gregory Maguire)
The Sociopath Next Door
Leonardo's Notebook
Vampires: Encounters with the Undead
The Third Chimpanzee (Jared Diamond)
Cell (Stephen King)
An Argument for Mind (Jerome Kagan)
Crazy (Peter Earley)
The Imperfect Mom (Therese Borchard)
The Naked Brain (Richard Restak)
Profilers (John Campbell)
Bo
Fab Five
Live Albom I-IV (18-20 by Mitch Albom)
Mahaba ba? Konti pa lang iyan. May mahaba pa akong listahan sa bahay. Idagdag ko na lang bukas.
Kung bakit W-E-D-N-E-S-D-A-Y ang pamagat nito? Wala lang. Not so significant or is it? Wednesday kasi ngayon e. Kung may i-compose ulit ako tomorrow at di maiiwasang tamarin na naman ako sa pag-iisip ng magandang title, aba, wag nang pahirapan ang sarili, T-H-U-R-S-D-A-Y naman ang ita-title ko. Wehehehehehehehe!!!
At kung bakit may tarat-tarat? Same answer. Wala ring relevance. In addition lang sa title para may kaunting spice. Harharharharhar!!!
|