May isang bata Itoy ang ngalan niya nakikipaglaro sa sapa nang biglang madapa.
Umiyak ang bata “Huhuhu!” nasambot niya “Ayoko ng makipaglaro.” habang tuhod ay sapo-sapo.
Nang lumapit si Sita kalaro rin niyang bata “Tahan na, tahan na.” ang kanyang nawika.
“Sadyang ganyan ang laro, sugat ma’y matamo, magkapeklat ang nguso may siya naman sa puso.”
“Nais mo bas a bahay lang? Mga butiki ika’y bibilang? Ikaw magdahan-dahan, siya nama’y di maramdaman?”
“Kaya Itoy, ika’y tumayo, subukan ang patintero. Tayo ay muling tumakbo at sumabay sa inog ng mundo!” |