Present... meaning kasalukuyan. imperpektibo. Ang salitang sulat ay nagiging "nagsusulat" . ang salitang ugat na kain ay nagiging "kumakain". ang isip ay "nag-iisip". at ang trip ay "ping-pong"... yan ang trip ko!
Pero hindi ping-pong na laro kundi magping-pong ng mga salita - mga salitang paroo't parito sa aking pumupurol nang utak. Tama mga kapatid! kung simbilis ng kidlat ang iyong pag-iisip dahil kumakain ka ng isang sakong mani araw-araw, mahuhulaan mo kaagad na ako'y isang aspiring na manunulat. dahil kung hindi, wala ka sanang binabasa nagyon...
At take note, di lang basta-bastang aspiring na manunulat, kundi nangangarap maging manunulat, nag-aambisyong makapaglimbag ng aklat na akin mismong isinulat (hand written pa kung gusto mo... di dahil walang publisher kundi dahil walang budget dahil walang publisher... may ipinagkaiba ba? sa tingin mo?) -- kahit kung susumahin ay walang katuturan ang aking mga ipinagsusulat. Di up to date. Di makabuluhan. Di catchy. Di trendy. Di makatarungan. Di kasiya-siya. Di praktikal. NGUNIT... di pa rin ako paaawat... magsusulat pa rin ako hangga't may mga taong naniniwala sa aking kakayahan... kakayahan? (erase.erase.erase.) kakayahan!
Sinu-sino nga ba ang naniniwala na kaya ko ring magsulat?
Sa inyo aking mga kaibigan, kapamilya't kapuso (wag niyo kong husgahan... gusto ko si Angel pero solid Claudine at Juday pa rin ako, kahit bihira akong makapanood ng soap nila.), bumoto kung KARAPAT-DAPAT ko pa rin bang ituloy ang mga adhikain ko... ang mga isinisigaw ng aking puso na nagmumula pa sa kaibuturan ng aking budhi... (--hikab--laway--hikab--)
Isa lang naman ang nag-udyok sa aking ituloy ang site na ito: si BO...
Korak! si BO... as in si Bob Ong... not that we know each other personally... but sort of lang... (joke!)... sabi lang naman kasi niya sa kanyang stainless longganisa:
"Kung gusto mong maging manunulat, eh di magsulat ka. simple. Anong pake ko kung pumalpak ka. Di naman kita kilala. Dumidikit ka lang naman sa akin. Di naman maganda ang penmanship mo. Tabi-tabingi pa ang mga letra mo. parang cursive na ewan. Wala ring patutunguhan ang mga plot mo. Puro ka simula. Puro ka salita. Anong koneksiyon ng ping-pong sa intro mo sa kabuuan ng panulat mo, aberrrr??? Sige bahala ka. magsulat ka. lalangawin lang ang blog site mo, pustahan pa tayo eh. Sa pula ka, sa puti ako. Blah-blah-blah-gwaaarrrkk!" (whatever!).
-in italics, totoong galing kay BO yan-
Lahat nang yan ay isinulat ni BO exclusively para sa akin... sa aking panaginip. |