CABAnata
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
A Bookworm's Review
Alay kay Juan dela Cruz
Arozcaldo for the Soul
Bagong CABAnata
Guidance and Counseling
haiku
Kiddie Den
Life's Write Ups and Downs
Mangoes, Bamboos and Poems
Mga Tula ni Gabriela
Pinoy Komikera!
Shelfari
The Poetry Showcase
Tomb Reader
Trashboard
Woman: Salt of the Earth and Light of the World
Yamoj's Excretion
My Photos
friendships in full bloom
preciously captured
Members
Sign In

Entries in "Tomb Reader"
<< < | 1 2 3 4 5 | > >>
CABAnata 90
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.12.2007 @ 11:55 am

Oooooopppppsssssssss!!! ‘Censiya na po, typographical error lang po. Na-over excite ako, eh!

CABAnata 9 pa lang pala.............................

Speaking of multo-multo, talagang kapag pinalaki ka ng mga matatandang nag-uulyanin, kung anu-anong uri ng kuwento ang masasagap mo. Ewan ba kung panakot lang upang maging good children kami at matulog sa oras o totoong may mga multo nga. Isang bagay iyan na di ko pa napapatunayan hanggang ngayon at ayaw ko nang mapatunayan pa. But in fairness, effective siyang panakot para lang magpakabait ang batang makulit.

Sa tanghali, kapag ayaw naming matulog ng aking kapatid, andyan ang mga “atros” – mga maiitim na nilalang na kapag nakita ka daw nilang gumagala sa daan sa tanghaling tapat ay kukunin ka nila. Magpapanggap silang mga kaibigan o kakilala mo. Mag-change sila ng kanilang mga anyo in other words para di ka matakot sa kanila. At habang tumatagal na palayo na kayo ng palayo sa lugar na pinagkuhanan sa inyo, magsisimula ka nang matuliro. Magkakamalay ka ngunit di mo na alam kung nasaan ka.

Feeling naman ng mga mahal mo sa buhay, nag-missing in action ka. Hahanapin ka nila… maaaring aabot lang ng ilang oras ang paghahanap nila sa iyo o aabot ng mga araw, buwan, taon o dekada ang paghahanap nila sa iyo. Depende kung gaano ka inilayo ng mahiwagang “atros”.

Ang pangontra raw dito ay simple lang – baliktarin ang lahat ng iyong kasuotan. You heard me right, folks! Baliktarin lahat… as in lahat talaga… pati undies, slippers, kung marunong ka nga lang maglakad ng pabaliktad o patiwarik, gawin mo na rin para mas mapabilis ang pagbabalik mo sa iyong lupang tinubuan. I mean, sa bahay niyo.

Sa gabi naman, kung late ka ng uwi, andiyan ang mga kapre – ito ay isa raw malaking tao (mas matangkad pa raw kay Yao Ming…), balbon (wow, type!), pero amoy kili-kili… as in, to the maximum level of power… amoy yosi rin kasi mahilig siya sa tabako. Di lang basta-basta tabako, ha. Iyon daw tabako niya ay singhaba niya (pwede kaya ‘yun?). So gross di ba? Can you imagine how yucky he looks like?

At kung kapre ba naman ang panakot nila sa iyong bubwit na halos 4 feet lang ang tangkad, aba’y manginginig ka talaga sa takot… Galing pa nga manakot si lolo, eh. May touch of reality pa talaga. Ayon kasi sa kuwento niya, ang tirahan daw ng kapre ay sa likod bahay namin. Doon sa malaking puno ng mangga. At ang tambayan niya ay ang kamalig na karugtong mismo ng bahay namin (Yaman talaga ni lolo noh? May kamalig pa kaming imbakan ng palay na sako-sako - di me exag, ha. Totoo. At imbakan din ng tabako kaya masarap manirahan sa bahay namin dati. High na high ka sa nicotine. Di mo na kelangang magsindi ng yosi. Makilanghap ka na lang.).

Okay di ba? Minsan pa nga, sumigaw pa ang lolo. As in…may natagpuan daw kasi siyang abo ng sigarilyo sa may kamalig. Di lang basta abo, kundi ga-bundok na abo. At ayon sa kanya, abo iyon ng tabako ng amoy kili-kiling kapre. Takbuhan kami sa may kamalig. Naki-usyoso. At naniwala sa kuwento ni lolo. At mula noon, di na kami nagpapagabi ng uwi.

At sa gabi, kahit nasa bahay na, may panakot pa rin ang dalawang matanda – may mga gumagala daw na mga kaluluwa. Minsan daw sa harap ng aming bahay ay may nasagasaang matandang lalaki… kaibigan daw ni lolo na naglalako ng mga kakanin. Kinagabihan daw, nang araw na mamatay ito, dumalaw ang kaluluwa sa aming bahay.

Kasarapan ng tulog ng lahat nang umalulong ang aso… walang humpay…

Awwww-awwww-aaaaaaawwwwwooooooooohhhhhhhhh!!! (haba, di ba?)

Dagdag pa ni lolo, kapag ganoon daw ang alulong ng aso ay may nakikita itong kaluluwa o mga nilalang na di nakikita ng karaniwang tao lamang (Lately ko lang nalaman kay yumaong ka-Ernie... sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa... na ang alulong pala ng aso ay paganyak sa kanyang sex partner to inform that he/she is fertile or in heat... geeezzzzz!)

At habang tuloy sa pag-alulong ng aso ay biglang nagkandahulog ang mga boxes at jars sa store ni lolo na animo’y may earthquake. Kalansing dito, kalansing doon.

Siyempre pa, bida ang ating lolo… kinausap daw niya ang kaluluwa ng kaibigan (Na ewan kung paano niyang nakilala ang kaluluwa ng kaibigan… baka may distinctive itong amoy… Hehehe! Patawarin nawa… ‘wag niyo po akong dalawin, ha…) at presto! Tumigil ang mga kalansing. Tumigil ang alulong. Pumasok si lolo sa store. Kasama ang mga alipores nito – si lola, si ina at ang isa ko pang tita, at laking gulat ng lahat, “Whaaaaaaaat???” … ni isang box, ni isang jar, ni isang paninda ay walang na-misplace. Everything is in their proper places… in order, ika nga.

Mabait naman pala ang kaluluwang iyon, eh. Pagkatapos manggulo ay nag-aayos naman. Pero spooky pa rin… kaya tuwing aalulong ang mga aso noon, talukbong lang ang katapat…

Wala pa naman akong napapatunayan kung kuwento-kuwento lang ang lahat – mga likha ng imahinasyon upang panakot sa mga batang makukulit na gaya ko at ng aking kapatid (sa totoo lang, ayaw kong alamin…), ngunit ang dulot ng lahat ng ito ay walang katapat na talino… na mayroon kaming magkapatid ngayon… joke! Kasi naman, talagang busog na busog po kami ng tulog noong araw. Ewan ko kung bakit di ako lumaki. Lahat siguro ng sleeping nutrients ko ay pumunta sa aking utak… diddums!!!

CABAnata 8
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.12.2007 @ 11:52 am | Last edited: May.11.2007 @ 11:01 pm

Balik bahay ulit tayo…

Marami talaga akong natutunan sa unang taon ko pa lamang sa munting bayan ng Caba…

Lalo’t nagbabantay ka sa store ng lolo mo…

First lesson: maraming makukupit. Kahit walang bibili, kunwari may narinig kang tumatawag. “Hoo! Sandali lang po. Andyan na!”

In fairness, kumakagat ang nasabing gimik lalo na at bingi ang ‘yong mga lolo at lola. Minsan nabuking pero may palusot pa rin…

“Ay, wala pala. Para kasing may narinig akong tumawag para bumili.”

“Sayang! May nakita pa naman akong blue na papel (buong two pesos po ‘yon!) sa ilalim ng kahon kanina. Marami-rami na ‘yon kaya pihadong di mahahalata ni lolo pag nabawasan ng isa lang.”

Lesson number two: ang pepsodent (brand ng toothpaste dati) ay puwedeng mabili kahit ang sabihin mo ay, “Pabili nga ng colgate.” At dahil walang colgate na tinda sa store ni lolo, pepsodent ang iaabot mo. At walaaaang karekla-reklamo ang bumibili. Parang natural na ang ganon. Dahil ang pepsodent ay uri ng colgate. Koreeeeek!

Di lang ‘yan. Ang royal at pepsi ay kilala rin sa tawag na coke. Ang prell (may ganitong shampoo noon) ay pangalan ng lahat ng shampoo. Ang Palmolive ay generic name ng lahat ng klase ng sabon. Ang tide ay common name ng lahat ng bareta. Ang gin ay sa alak. Ang kendi munt (mint pala... yun kasi ang lagi kong naririnig na pronunciation ni lolo... patawarin...) ay sa kendi. Ang Spartan ay pangalan sa lahat ng tsinelas (Ay! Wala palang ganong tinda sa store ni lolo. Pero naririnig ko lang.). Ang fita ay sa biskwit. Ang silver swan ay sa soy. Ang jonson en jonson ay sa pulbo. Bear brand naman sa powder na gatas. Alaska sa kondensada. Papa sa catsup. Ang Miss Pilipins ay uri ng itim na sigarilyo na kinakain ang apoy at ito ang karaniwang panawag sa lahat ng itim na sigarilyo. Ang lipton ay sa tsaa. Ang libby’s ay sa sausage. Ang sony ay sa t.v. Ang puma ay sa sapatos. Ang sanyo ay sa relo. Ang adidas ay sa pantalon. Joke! Wala din ang mga huling nabanggit sa store ni lolo. Napag-tripan ko lang pong banggitin. In other words, wala na akong maalala. Ayoko namang mag-imbento. Baka ako mabuking.

Lesson number three: ubod ng ganda ang pronunciation ni lolo. Perpek ika nga! Ang girl ay “geyl”. “Pa-iv” ang five. And it follows that “na-en” is nine and “pa-in” ay fine. “Sibin” ang seven, “it” ay eight and “tin” ay ten. “Burde” ang berde. “Pla-is” ang fliers. “Dulaaars” ang dollars. "Le-pes-tik" ang lipstick. At ang "bebe o-el" ay baby oil. “Bo-el” sa boil. At marami pang iba na di ko maalala. In short, wala na ulit akong maalala. Hay! Hirap magpahaba ng libro... I mean blog... for the meantime... duh!

Fourth lesson: kung walang ulam, masarap ang kanin kahit sabawan lang ng pop cola o ng kape pag umaga. Masarap ding pang-ulam ang bukayo at choc-nut, ang kondensada pag mainit-init pa ang kanin, ang minatamis na bao, ang milo o ovaltine, ang mantika ng baboy na may asin o bagoong o soy, ang simpleng bagoong lang at kanin, basta lahat ng nabanggit, mas gugustuhin ko pa kesa mag-ulam ng… okraaaaa!


Urgh! Gwaaaaaarrrkkkkkk.... exag... exag... exag...

Fifth lesson: speaking of okra, noon ko lang sa mga panahong iyon napagtanto na ang mga gulay sa ilocano ay parang mga Japanese terms dahil sa dami ng letrang “r”. Gaya halimbawa ng mga sumusunod – okrrrra, parrrrya, tarrrrong, karrrrabasa, parrrrda, karrrrdis, barrrrsanga at barrrrr-rairong (insekto pala ‘yon – uri ng bug). Exag ba ulit? Kung anu-ano ang mga nasabi kong gulay, huwag niyo na akong pahirrrrapang magtrrrranslate, bahala na kayong mag-rrrresearrrrch…

Sixth lesson: masarap magpalipas ng maghapon sa pakikinig sa radyo. Una, walang choice dahil wala pa kaming t.v. noon. Pangalawa, wala pa kaming ipong pambili ng t.v. Pangatlo, wala pang pera pambili ng t.v. Pang-apat, wala pa nga kami sabing t.v. At panglima, radyo lang ang meron sa amin dahil wala pa nga kaming t.v. noon. Bakit ba ang kulit mo?

Bakit enjoy sa radyo? Saan ka ba naman makakakita, I mean makakarinig at makakahanap ng entertainment times two? Una, mapapatalas nito ang iyong kaisipan at imahinasyon (gaya din ng mag aklat. Ang kaibahan nga lang, you will be using more than your sense of sight on books & sense of hearing naman sa radio.).

Sige nga, subukan mong makinig sa radyo gaya nito:

“Hilda, nasaan ka bang bata ka? (Bubuksan ko ang pinto ng kwarto. –kasama po iyon sa sinasabi ng babaeng nagsasalita.). Ayan, bubuksan ko na. Nabukasan ko na ang pinto.” Krriiiittt! (tunog po iyon ng nabuksang pinto.)

“Aba’t diyaskeng bata ito at kanina pa kita tinatawag, aba’y di mo man lang ako sinasagot. Andito ka lang naman pala!” (Mas mainam sana kung sa ilocano ko sinulat ang lahat ng ito. Kaso baka walang bumili ng aklat ko dahil kelangan pa ng interpreter para ito maintindihan.)

“At kaya pala! Andungis-dungis mo. At pipingutin kita ng ganito. Hhhhmmmpppp! Lalakasan ko pa… Hhhhhhhmmmmpppppppp!”

“Aray inang! Sinasabi ko ito habang ako’y umiiyak… humahagulgol… sumisigaw… Aaaaaahhhhh, inang… tama na po ang sakit!!!”

O di ba ang bongga ng radyo? Walang itinira sa ating imahinasyon ang mga dramatista. Pero aminin man ng mga kabataang nabuhay sa era ng radyo, masarap makinig lalo’t may mga halong komedy na animo’y mga lukaret na lahat pati special effects ay sinasambit ng karakter.

Pangalawa, wala kang choice kundi makinig ng radyo dahil ‘yon ang gustung-gustong pampalipas oras ng lolo at lola mong bumubuhay sa ‘yo. Simple di po ba? Kung ayaw mong mamatay sa gutom at pulutin sa talahiban, aba, kelangang maki-ride on sa trip ni lolo at lola. Gets?

Seventh lesson: pagsapit ng alas dos ng hapon, habang pinapatulog kami ni lola, simula naman ng siyesta ng mga matatanda – sa harap ng store ni lolo. Kanya-kanyang kuwento. Kanya-kanyang bida. Kanya-kanyang hilo dahil tagay ang katapat. Pano po, ang ginebra ay pwedeng mabili ng tingi-tingi. Ang piso noon, marami-rami na. Hiluhin na nga ang mga mokong.

Number eight lesson: paglasing ang mga lolo, masarap makinig ng mga kwentong ewan kung totoo o gawa-gawa lamang. At pinakapaborito ko sa lahat ay ang multo-multo.


Awooooooohhhhhh!!!

CABAnata 7
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.12.2007 @ 11:50 am

Nasubukan ko rin palang makaranas ng pagkapahiya (liban sa ginawa kong stunt sa bundok ni lolo…) sa classroom. Ikukuwento ko na nga para di niyo naman sabihin na puro papuri lang sa sarili ko ang laman ng aklat na ito. Ego-feed me…

Minsan sabi ni titser, “Class, bring out a sheet of paper. We will have ispeling today.”

Hala sige, tinginan ang mga bata… me included. Why? Hanap kami ng klasmeyt na may maraming papel para makahingi… in other words, bata pa lang, mangongotong na kami. Looking for a cowardice prey... kami'y mga parasite na may gatas pa sa mga labi.

“Number 1 – elevator.”

“Number 2 – pronoun.”

“Number 3 – fairy.”

“Number 4 – addition.”

“Number 5 – power.”

“Number 6 – television.”

“Number 7 – chair.”

“Number 8 – bathroom.”

“Number 9 – towel.”

(Di talaga ito mga exact spelling words namin noon. Sa tagal ba naman, maaalala ko pa, ba? Imbento ko na lang po ito. Pero ang matindi, ang sumunod na sinabi ng titser …)

“And number 10 (comment ng titser: Alam ito ni Maria dahil sa pinanggalingan niyang school, meron sila nito.) – GYMNASIUM!"

“Patay!”

Di ko alam ang spelling… tumingin ako sa titser. Tapos sa hawak kong lapis at sa blangko kong papel. Scribbled some letters I’m not sure if it’s correct… Actually, I’m sure pala, na I’m perfectly wrong… kasi nga, pati ang kung anong klase bang pagkain ang jimnasium na ‘yan ay di ko alam. Lugar ba ‘yan? Parke sa Baguio? Uri ng pagkaburo ng strawberry o ube jam? Or what?

J-I-M-N-A-S-I-U-M

“Pass your papers. 1-2-3… Row 1 and row 2 magpalit ng papel. Row 3 and row 4, do the same.”

Ok na sana, eh. Ang kaso, nagpa-recite pa ang peyborit kong titser at alam niyo na ang nangyari… “Maria, spell jimnasium.”

Tayo ako. Kapal ng lola. “J-I…”

“Did I hear you say G, Maria?”, deadma ang titser. Halatang tinutulungan ako. Saving grace. And saving my face…

“Yes, madam!” At itinuloy ng titser ang spelling kong naunsiyami.

Ang mga klasmeyts ko naman, hayun, halatang di nagsisipag-kinig dahil everything went smoothly as it should be. Liban kay ………… gosh! My greatest competitor herself. At ikinalat pa ang nahalata. Until everybody in the class knew.

Grabe as in talaga ang hiya ko… feeling ko, hindi lang ako ang napahiya, pati ang titser na tumulong sa ‘kin. Mula noon, nagbasa talaga ako ng diksiyonaryo. Nagsimula akong ma-adik sa pagbabasa. Lahat ng salita na di ko alam ang ibig sabihin, nililista ko. Pero may magagawa pa ba ako?

Wala naaaaaaa!!!

Sinong may sabi? Meron pa, noh!! Ang isulat ang mga ito sa aking libro to be (wish ko lang...) upang maging kapaki-pakinabang ang bawat pagkakamali ko…

Ah! Simula pa lang ‘yan… una pa lang sa maraming beses kong pagkakadapa, ngunit sign ng aking pagiging valiant fighter.

Hep-Hep Hurray!!!

Viva Maria!!!

CABAnata 6
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.12.2007 @ 11:48 am

Balik na nga lang tayo sa school…

Malapit nang magtapos ang school year. Marami na rin akong naging kaibigan at kaaway – mga batang babaeng naiinggit sa akin (beehlat! blog ko po ito kaya’t wala kayong magagawa dahil sarili ko ang pinupuri ko rito… hehehehe!!!)… Saan inggit? Siyempre mas maputi at makinis ako sa halos lahat sa kanila liban sa isa o dalawa lang naman. Kaya’t maraming boys nagkakandarapa sa ‘kin… feeling bah?

Maalala ko pa pala… minsan may contest, English quiz bee. May nasabihan na yatang contestant simula pa lang ng taon – wala pa ko noon na mas magaling sa English… (hehe talaga! Sarap magsulat ng sarili mong blog…)

Kaya’t nang dumating ang contest month, namroblema ang aming adviser. Halos lahat ng teacher sa grade 2 gustong ako ang isali. May pre-contest pa nga na ginanap – kaming 2 ang contestant. Lahat ng kategorya – spelling, grammar, phonetics, etc… etc… pinagsabong kami. In fairness magaling din siya, pero of course, mas magaling ako.

Nagkagulo. “I object!!!” sigaw ng kanyang ina…

“Pagbigyan na lang…” sabi ng aking ina. (bait namin, noh!)

Kaya hayun, siya pa rin contestant. I don’t care though. As long as… wag na nga… murdered na siya masyado…

She won. At least…

End of story…



(next CABAnata, pleasssssssse……………….)



Hep… Hep… Hep… Wait!!!

Kelangan ko pang ibangon ang natumba kong dignidad…

Pagkatapos ng contest proper, alam niyo ba? Ang mga mahaderang titsers ko na malaki ang bilib sa akin na hindi naipilit ang gusto ay nag-suggest ng exhibition kuno daw…

What happened?

After lang naman ng contest, isinali ako among the rest of the contestants. Sayang, wala ang aking ina noon kasi di niya alam na isasali ako for the exhibition. Ang siste, parang gusto lang patunayan na magaling din ako… mas magaling actually. (diddums! In other words: echos!!!)

Siyempre, di talaga ako nagpahuli… pinakain ko sila ng alikabok… hahahaha!!!

Pahiya ang mga dapat mapahiya… so bad of me… nilalabas ko lahat ngayon ang aking sama ng loob. Haaay! Ang saya-saya talaga at may blog site ako… mababasa kaya ito ng mga sinisiraan ko ngayon?

Ang mas mahalagang tanong: Lalabas kaya ito bilang aklat sa circulation? Bahala na… basta magsusulat lang ako ng magsusulat…

CABAnata 5
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.12.2007 @ 11:46 am

Pagpasok ko ng classroom, “Hello!”, sabi ko sa batang nabungaran ko. “Ako si Maria. Ikaw, ano’ng pangalan mo?”

“Lina. Halika makipaglaro ka sa amin.”

Whew! That was it… Ang simula ng aking pakikipagkaibigan… pakikipaglaro ng tumbang-preso, habulan, langit-lupa-em-em-empyerno…

Natuto din akong mag-jumping rope, Chinese garter, jackstone na di lang hanggang round the world, heart and cave ang narating ko kundi pati exhibition 1-15 na di ko mapagtanto ngayon kung nakipagbolahan lang ba ako noon, kasi sa pagbabalik ko ng aking mga alaala, eh paulit-ulit lang naman ang mga exhibition na nabanggit..

At ang mga larong nasabi mga kaibigan includes making salampak on the sahig na di mo alam kung anu-anong klaseng creatures ang gumagapang sa floor at anu-anong klaseng ka-echasan ang nakadikit – bubble gum nga ba ‘yung nangingitim sa bandang kanan na nahawakan ng kamay mo o talagang echas?

And this I think is even worse… sa iyong pagkakasalampak, ewan lang kung nagpapaka-glorya ang mga kalalakihang nakapaligid o sadyang nanonood lamang sila. Dahil kung nakapalda ka, dapat may puruntong ka sa loob. At kung naka-puruntong ka ng medyo maluwang-luwang, dapat ay my cycling shorts ka, dahil kung hindi, fiesta galore ang mga mata ng diyaskeng boylets.

Idagdag mo pa kapag naglaro ka ng Chinese garter, pataasan ng talon ‘yan. Kapag di na nakayanan ng powers mo ang pagtalon-talon lang, kelangan mo nang tumambling. Yes, friends, you heard me right… you have to make tumbling, meaning your hands are on the floor while your head hangs loose on the air and your feet hooks on the garter to make its way on the other side of the garter. (Pinagpawisan ako don!) At kung naka-panty ka lang… you know na what will happen…

Pati nga mga larong panlalaki di ko inatrasan. Andyan ang 21 sa basketbol, kung saan may dalawang guhit sa harap ng basketball ring, mas malayo ang isa. Kung naka-shoot ka sa mas malayo, dalawang puntos ma-gain mo. Pag di na-shoot o na-shoot man, lapit ka sa pangalawang guhit pero isang puntos na lamang ‘yun.

Dahil nga matangkad ako noong una (Nyahahaha! At least naranasan kong maging matangkad according sa height ng mga ka-edad ko…), marami akong natatalong boys.

Nakipaglaro rin ako ng text at jolen. Pero ‘yung trumpo ang di ko natutunan. Baka mabutasan ang mga palad ko pag pina-ikot ko ‘yung top sa ibabaw ng aking mga palad. Dahil di naman maiwasan ‘yun. Nagpapayabangan kasi sila… eh ayaw ko din namang magpahuli kaya to make iwas the shame, di ko na lang pinag-aralan.

Then meron pang labanan ng gagamba which I feel so yucky about. Imagine, you will have to make the eight-legged spider crawl around your hands and allow it to make paikot-ikot in your arms including its sticky grossy web… eeeewwww talaga!

May lutu-lutuan din. May mga bangang gawa sa putik, maliliit lang naman at ‘yun ang gamit naming magpa-pals sa paglalaro. Doon kami sa paanan ng bundok ni lolo. (Di ba ang galing? Ang yaman talaga ni lolo at may pag-aari pa siyang mga bundok. I wonder how niya nakurakot ang lahat ng ‘yon - Joke! Luvyah lolo… wherever you are... & just a trivia: wala na ang mga bundok na nabanggit, di po dahil nag-landslide or what, pero di na namin pag-aari dahil naisanla, naipagbili or whatever dahil naghirap ang aming angkan. Period. Huwag nang mangialam kasi it'll just break my heart... huhuhuhuhuhu!!!)

Magluluto kami ng kanin for lunch sabay luto ng viand – in tagalog, dinengdeng. (Tama ba translation ko?) And guess what? Kahit malunggay lang naman ang niluto namin na sinabawan na may konting asin, masarap na. Okay na sa amin ‘yun. Masaya na kaming nagsasalo-salo. Sabay kuwentuhan.

May isa pa pala kaming laro na naranasan kong magasgasan at ma-wa-poise. Remember the Bioman era? Aba, ako ang famous pink 5 alternate niya. Bwahahahahaha!!! Diddums!!!

What happened? Ganito po iyan… siyempre patalbugan kami. Takbo rito. Takbo roon. May hawak kaming mahabang stick na animo baril-barilan namin, the laser gun thing o ‘yun ang pagka-arnis namin. Pagkatapos, akyat kami ng bundok – as usual, ‘yung bundok ni lolo. Takbo ulit pababa. Bigla, sabi ni red 1, “talunin natin ‘yan – mula dito, game…”

Talon na… Red 1, Green 2, Blue 3, Yellow 4…. Nyeeeehhh!!!

“Ano, Maria, talon na!!!” sigaw nilang lahat. Ako na lang ang hinihintay. Lahat ng mata nakatingin sa akin…

“C’mon chicken… pak-pak-pak-putak!”

Nanginginig ang mga tuhod ko. Pinikit ko ang aking mga mata. Sabay sigay, “PINK 5 !!!”

“Waaaaahhhhh! Waaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!”

How do I look like? You can just imagine two chicken legs spread far apart – from farthest right to farthest left na may putol na kahoy na half burned na nakatayo in between my legs. On the ground siyempre, pinagsigaan ng sari-saring dahon na tuyo, kahoy na maliliit, basura and everything… and of course, dahil pinagsunugan nga, there are charcoal and ashes everywhere…

At lahat ng ‘yan ay nakadikit sa aking katawan… liban sa gasgas sa braso at gasgas sa mga binti mula baba ng puwetan hanggang likod ng tuhod.

“Waaaaaahhhhh!!! Inang ko poooooooohhhhh!” Kahit siguro naka-number 3 iyong electric fan na itinutok ng aking ina sa aking mga sugat habang pinapaliguan ito ng agua oxenada, alcohol at merthiolet (wrong spelling na kung wrong spelling… di ko talaga alam baybayin, eh…)… walang patumanggang sisigaw pa rin ako – di lamang sa sakit kundi sa pagkapahiya sa aking mga kalaro.

Mga dalawang araw lang naman po akong di lumabas at nakipaglaro sa sobrang hiya…

And after that, life goes on......... and on........... and on............

CABAnata 4
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.12.2007 @ 11:44 am

Maaga akong gumising. Naligo. Nag-almusal. Magbibihis na lamang ako nang makita ko ang inihanda ng aking ina … ang plantsado kong white and blue uniform, with matching white ankle-length socks. Ibinalik ko ito sa loob ng cabinet. Medyo nakusot pa nga sa madalian kong pagkaka-hanger.

Inilabas ko ang aking puruntong na checkered, red, pink and blue at flesh na shirt. Talagang flesh at di pinakupas ng poso’t bareta.

Sabay hila sa tsinelas kong pambahay. Cream ang suwelas at pula ang strap (‘yun nga ba ang tawag don? Basta ‘yung kung saan iniipit mo ang daliri ng ‘yong mga paa…)

Nagsuklay lamang ako. Walang Johnson and Johnson’s na pulbo.

Sabay takbo palabas ng gate kung saan naghihintay na ang service kong tricycle.

“Hoy, bata ka. Bumalik ka nga dito!”, sigaw ni ina. “Ano ba ‘yang hitsura mo?”

Sakay pa rin ako. “Late na po ako. Ok na ‘to!”, balik sigaw ko rin. “Sige manong, tara na po at baka ma-late na ako.”

At umandar ang taraysikel...


CABAnata 3
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.12.2007 @ 11:35 am

And the story continues…

Pagpasok ko sa classroom – Grade 2 section 1… ang lungga ng mga matatalino (daw!), tinginan ang lahat.

“Come in pront Maria. I will introjuice you to your klasmeyts.” Ano daw ulit?

“Class, ito si Maria. Galing siya ng Bagyu. Siya ang bago niyong kaklase. Be gud to her, ha. Be friendly. Ok Maria, take your sit.”

Feeling matangkad naman ako non. Sa bandang likod ako naupo. Malapit sa may pintuan. Nakangiti ako habang binabaybay ko ang daan patungo sa upuang magsisilbing bago kong trono.

Lahat ng mata nakatingin sa akin. 50+ na pares ng mga mata. May mukhang walang ekspresyon. May mukhang nakangiti rin pero di ko alam kung pilit ba, bukal sa loob, peke o talagang ganon lang ang hawas ng mukha.

May mga nakatingin habang may ibinubulong sa katabi. May hindi nakatingin at patuloy pa rin sa ginagawa. Pero may batang lalaking malakas ang loob, in short makapal ang mukha at walang breeding… kinindatan ba naman ako.

“The nerve!”, sabi ng isip ko. “Not my type.”

Recess.

“Hi! What’s your name? (minus the ngarud)”, usal ko sa katabi ko.

Aba’t tinalikuran ako ng lola.

“Is something wrong with me?”, natanong ko sa ‘king sarili.
Mukha naman akong tao. Normal na normal. Tumingin ako sa aking paligid habang kumakain ng egg sandwich na pabaon ni ina, sabay sipsip sa straw ng tetra pack ng orange juice ko. At nakita ko, sa paaralang iyon, abnormal ang dating ko.

Naka-white and blue uniform ako. Ang aking uniporme sa dati kong school. Sabi kasi ng principal na naka-uasap ni ina, ganon din daw ang uniporme sa paaralang iyon. Ngunit ni isa, wala akong makitang naka-white and blue.

Ah! Meron pala. Naka-cream and blue. Naka-flesh and blue. Naka-de-kolores and blue. Mga batang naka-de-kolores na tinernuhan din ng de-kolores na pambaba. Cream o flesh nga ba yun o pinaluma lang ng bareta?

Bumaba ang aking paningin. Nakita ko ang nangingintab kong sapatos. Itim na sapatos. Medyo bago pa kahit luma na. alaga kasi ni ina ng kiwi. Naka-medyas din ako ng puti. May raffles pa nga at munting ribbon sa magkabilaang side.

Napatingin din ako sa mga batang naglalaro sa playground habang nakahawak ng pande coco at ice scramble, ng chis curls na tig25 centavos at palamig na iba’t ibang kulay o flavor bang matatawag kung may hinalong food coloring. Masaya sila. Naghahabulan. Nagtatawanan.

Tumingin ako pababa, sa kanilang mga paang patuloy sa pagtakbo. Mga naka-tsinelas. Suwerte na kung Spartan ang tatak. Iba’t ibang kulay. Iba’t ibang sizes. May makapal pa ang suwelas. May pudpod na. Meron pa nga ‘yung kita na ang kalahati ng talampakan.

Ah! Kaya pala walang may gustong makipagkilala sa akin. Di dahil di nila naintindihan ang simple kong katanungang “What’s your name?” Kundi dahil kakaiba ang hitsura ko. Mukha akong alien.

Kung kaya’t kinabukasan…

CABAnata 2
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.11.2007 @ 1:39 pm | Last edited: May.11.2007 @ 1:01 am

Mabilisan na lang’to. Iyon lang ang naaalala ko, eh. Dahil for the meantime, iniwan namin ang aking mga abuwelo’t abuwela at nanirahan ang aking pamilya sa Baguio. Hayun! Nakarating nga ako sa mas malayo ng konti sa Caba – ang Lungsod ng Pino.

Sa Baguio ko ginugol ang kabuuan ng aking crucial years of growth and development, mula 0 – 8 years of age. Doon ako unang nakapagsalita. Humakbang. Namasyal sa mga parke. Nagka-isip ng konti. Nag-aral. Natutong magsulat at magbasa. Magkaroon ng kaibigan at ng crush. Makipaglaro at makipagharutan. At higit sa lahat makapagsalita ng ingles.

“Hey, what ngarud is your name?”

“Anti (auntie dapat), will you please ngarud give me extra money for my baon in school.”

“That’s not me ngarud! I did not touch that, no!

Nyahahahaha! May “ngarud” pa. (“Ngarud” is an ilocano expression in comparison with “nga” in tagalog. Like when you say, “Oo nga, e.” In ilocano, you say, “Wen ngarud.”)

‘Yan ang ingles na natutunan ko sa lungsod na kinagisnan ko. Kasama ang mga batang kasing-edad ko. Mga batang mas bata sa akin. Mga batang mas matanda ng konti sa akin. At mga batang umagaw ng laruan kong manika. At ang batang di ko malilimutan – ang batang nagtapon ng caterpillar sa akin.

Ngunit di pala kahabaan ang pagsasama namin ng mga batang aking nabanggit…

Pagkat dahil sa mga di-maiiwasang mga pangyayari (according to my parents…), we have ngarud to go back to La Union, sa Caba, in particular, sa bahay ng aking lolo at lola (mas particular pa)…

At kung gusto mo pa ng mas ilocanong term: Kami ay bumaba mula Baguio patungong La Union.

“Bumaba” is a term used by I don’t know who first used it, kung ang mga taga-Baguio o ang mga taga-low landers exemplifying the height of the two places – mula nga naman sa mataas na lugar, e literal kang bababa, of course, saan pa, kundi sa mas mababang lugar (gets?). Wag na magreklamo. Ganon talaga explanation, non.

To make the story even shorter, lumipat kaming mag-iina (Naiwan ang aking ama sa Baguio dahil may trabaho pa siya doon. ‘Yun ang sabi sa amin. Later ko na lang nalaman ang buong katotohanan… but that’s another story. Di kasama sa ikukuwento ko dito. Kung gusto mong malaman, aba, e di bilhin mo uli ang kasunod ng librong ito! – utakan lang ‘yan…) from Baguio to my grandparents’ old house… big house sa tingin ko dati. Feeling ko nga mansion ‘yun non. Di pala. Maliit lang ako non. Actually di naman ako naging ganon katangkaran, pero I’ve grown tall enough lang para malaman na di pala mansion ang house ni lolo at lola.

Grade 2 ako non. Kalagitnaan ng school year. Kaya naghanap ang aking ina ng paaralang tatanggap ng transferee kahit nahati na ang school year.

CABAnata 1
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.11.2007 @ 1:38 pm | Last edited: May.11.2007 @ 1:02 am

Pagod ka na bang magbasa?… Huwag naman sana… intro ko pa lang ‘yun e.

At dito magsisimula ang aking kuwento…


“Uhaaa! Uhaaa! Uhaaa!”

“Babae, Misis. Babae po ang inyong anak.” Ako ‘yun. Ang panganay nina Ding at Dong.

“Kaganda naman ng batang ire!” lolo ko ‘yun.

“Oo nga. At ang puti-puti pa. Aba tatang, tingnan mo at balbon pa. Ganda talaga ng anak ko”, ama ko ‘yun.

Pag-uwi sa bahay… “Totoo nga ang sabi niyo, kaganda ng apo ko, ay!” lola ko po ‘yun.

“Tingnan mo ang talampakan, o. May kurba. Hindi plat (di daw po flat ang talampakan ko. Eh ano ngayon?). Ibig sabihin, masipag itong anak niyo. Malayo ang mararating.” (Ah gano’n po ba? Kaya pala andito pa rin ako sa bayan ng CABA!)



Bakit Tomb Reader
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.11.2007 @ 1:35 pm | Last edited: May.11.2007 @ 1:04 am

Tomb Reader...

Bakit nga ba?

Good question… but is it a good start in writing a book? Lousy… Pero itutuloy ko pa rin. Para naman maiba…

Actually, nag-iisip ako ng magandang pamagat ng unang aklat na ilalabas ko (pag mabili ang aklat na ‘to, siyempre susundan ko pa ng pangalawa, pangatlo, and so on and so forth. Hehehe! Sarap mangarap!). Ang pinaka-una kong naisip ay Trash – ang pamagat na matagal kong iniingatan sa aking bawat pagsulat, ngunit di ako nakuntento sa dating nito sa aking pandinig.

Pangalawang pamagat: Collective Excretion of “I am”… “Huwag yan”, sabi ng aking kapatid (ang numero uno kong kritiko). Mas mainam daw kung ang una kong libro ay tagalog ang pamagat.. “Sige”, sang-ayon ko. At naisip ko ang: Pinagtagpi-tagping Ako.

“Corny!” Yan ang laman ng text ng magaling kong kapatid…

“Yung catchy ang isipin mo. Yung tipong title pa lang ang makita ng mga mambabasa, ma-encourage na silang bumili.” At ibinigay niya ang pamagat na Lapida.

Eeewwww!!! Spooky. Scary. “Ayoko nga”, sabi ko. Pano po kasi, nagdadalantao po ako ngayon habang sinusulat ang librong ito na matagal ko nang pangarap. Medyo delikado ang pagbubuntis ko at ayokong kahit sansaglit ma-attach ako to anything na may kinalaman sa kamatayan… dahil tulad ng ibang tao na marami pang kasalanang di pa naihihingi ng kapatawaran at sandamukal pa ang pangarap sa buhay (lalung-lalo na ang yumaman…), ayoko pa pong mamatay…

Hay naku! Ano nga bang magandang title ng aklat? Pag-isahin ko kaya ang mga naisip ko at ang mga suggestions ng aking bro…

Puff!! Lapida, Basura, Pinagtagpi-tagping si Maria.

Ngiiiii! Doesn’t make sense to me…

Tapos nag-text pa ‘tong hipag ko. Ang sabi, nabasa na raw niya lahat ng blogs ng aking teacher-friend sa New York. “Ang gaganda! Ang galing-galing niya… Ngayon lang ko nagtiyagang magbasa ng mga ganon, ha. In fairness… Pang-masa talaga.”

Sabay dagdag pa, “Try mo gumawa ng mga ganong klase, kasi nabasa ko some of your works, medyo malalalim. Baka ma-bore ang mga magbabasa ng aklat mo. Just an opinion. Hehehehe!”

Krrraaaangngng… Hayan! Nabasag na nga ng tuluyan ang namumuo ko pa lamang na self-confidence…

Ano nga ba ang puwede kong paghugutan ng mga kaisipan at damdamin at i-translate into words na medyo magaan ng konti pero andon pa rin ‘yung touch ng pagiging ako… a sentimental fool?

Limitado ang aking mga experiences. I’ve been to few places. ‘Yung tipong few talaga at di pa ganong kalayuan. Saan nga ba ang narating ko? O may mararating pa nga ba ako? Mga tanong na di nagpatulog sa kin ng kung ilang oras… okey! Aamin na… days na…

Then I thought of Caba – my simple town. Maliit na bayan sa probinsiya ng La Union. Tahimik (so I thought…), walang gaanong polusyon, probinsiyang-probinsiya…

“Eh ano naman ang maganda sa Caba!” Sigaw ng kontrabida kong isipan…

Sagot ng aking Anghel de la Guardia, “Aba, di mo ba alam na dito sa munting bayan ng Caba isinilang ang mag-asawang Diego at Gabriela Silang? Ano ka ba naman? Tulog ka ba o absent sa History class mo?”

“Iyon lang? Ipinagmamalaki mo na?”

“Of course. Saang lugar ka pa ba nakakita ng may mag-asawang bayani? Dito lang ‘yun, no!” (Aba’t nagtarayan pa ang nahati kong konsensiya…)
Sige, at masubukan nga…

At sa hinaba-haba man daw ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy… Sa wakas, may title na ang aking pinapangarap na aklat: Tomb Reader – mga kuwento, kaisipan at damdaming nabuo at bumuo sa aking pagkatao… dito lamang po sa simple kong bayan, ang Caba… kung saan ako ipinanganak at hihimlay… so guys, my tomb readers, journey with me as I rediscover my past and rewrite my life.

At sa inyo, aking mambabasa, tunghayan ang iiwan kong alaala… pagtiyagaan niyo namang basahin… pleeeeeeeasssssssse…


Current Page 4
<< < | 1 2 3 4 5 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org