CABAnata
Profile Blog Photos Subscribe Syndicate Search Contact Me  
Topics
A Bookworm's Review
Alay kay Juan dela Cruz
Arozcaldo for the Soul
Bagong CABAnata
Guidance and Counseling
haiku
Kiddie Den
Life's Write Ups and Downs
Mangoes, Bamboos and Poems
Mga Tula ni Gabriela
Pinoy Komikera!
Shelfari
The Poetry Showcase
Tomb Reader
Trashboard
Woman: Salt of the Earth and Light of the World
Yamoj's Excretion
My Photos
friendships in full bloom
preciously captured
Members
Sign In

Entries in "Tomb Reader"
<< < | 1 2 3 4 5 | > >>
CABAnata 20
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.20.2007 @ 6:41 pm | Last edited: Jul.02.2007 @ 5:30 am

"I'm not crazy… I just don't give a damn!"       

by  Daffy Duck

 

Iyan siguro ang talagang suiting words for me kaya I felt then that I graduated without nothing. I'm not saying my profs haven't taught me anything. Actually they're all good. & I truly, deeply respect them. I'm taking all the blame. You know… the stuff that' I'm made of… I just blew my college days off the hook.

 

Kanino ko nga ba isisisi ang lahat?

 

Hhmmmmmmm… lemme think?

 

Ahaaaa! Alam ko na… pakinggan ang ibabanat ko sa CABAnatang ito…

 

'Lang kuwentang Albert Ellis, Eric Berne, Maslow, Carl Rogers, Victor Frankl, Rollo May, Fritz Perls, Pavlov, BF Skinner, A. Bandura at William Glasser… (Sana ipinaubaya na lang nila ang lahat kay kumpareng Freud para isang theory na lang ang dapat i-memorize – his theory on libido… Nyaknyaknyaknyak!!!) Andami kasi nilang in-introduce na mga theories as basis for different counseling techniques. Nakakalito. Nakakabagot i-analyze. Nakakatuliro ng isipan… katinuan. Nakakawindang. At heto pa ang dalang dilemma ng Guidance & Counseling Act of 2004 na sa isang iglap ay pinaglaho na parang bula ang aking MA in Guidance & Counseling at binalewala ang puyat, pagod at hirap ko sa letseng thesis na iyan, kahit pa it was repaid by my gaining the Best Thesis Award in the inter-college/university competition. In the end, magte-test pa rin pala ako just to have that piece of rectangular thing they call "license".

 

Duh!

 

At after 4 years in BS Psychology, almost 5 years sa MA in Guidance & Counseling ay makukulong lang pala ako sa kuwadradong cubicle na ito… na kinalalagyan ko sa loob ng walong taon. Ngunit aking naging comfort zone (at least that seems to be more positive…). Pero kapag inaalala ko sila, nagiging distorted ako… outline lang kumbaga… mahina… mahirap i-interpret na parang Rorschach. Abstract. Kung di ka ba naman engot na ipagpipilitan mo sa iyong client na maghanap ng isang bagay out of an inkblot.?! Hellouerrrrrrrrrr!!!

 

Which made me conclude na baka nagkaroon ng mga theories to interpret personality & behavior dahil ang mismong mga theorists ay may topak… at para ma-justify ang kanilang insanity ay gumawa ng mga theories & Pooooof! Normal na sila.

 

Looking back again at this Projective techniques bluff… "tang-inis… pahirapan talaga! Antimanong magkandaduling ka sa paghahanap kung saan matatagpuan ang pigurang sinasabi ng client mo. Halos magkanda-kuba ka at mabulag sa pagbabasa para lang ma-interpret ng tama ang letseng inkblots na iyan. Kanda-bingi din ako dahil hanggang sa pagtulog ay kaulayaw pa rin ng aking tenga ang earphone na connected sa recorder na paulit-ulit na naka-play. At kung may vocal cords lang ay pihadong namaos na.

 

Pero may favorite din naman ako noong college ako… ang Psychometrics.

 

Wehehehehehehehehe!!!

 

"Because Math is my Waterloo." Right Kuya Jason? (I miss the guy though… after graduation wala na akong balita sa kanya…)

 

Eh ang Clinical Psych?

 

Well, gusto ko na rin. Pati ang Industrial Psych with Fr. Evarist, ang pari na prof with that ever famous red nose & his Brigido – Brigida examples.

 

Educational Psych. Di ko maalala kasi walang manual… excused!

 

How about Dynamic Psych?

 

Ah! I love the subject with all its idiosyncrasies – my unforgettable word from Ma'am Gandeza. Why? Because I fell in love with someone (so I thought…)… loved him with all his idiosyncrasies (Refer to Maricel & our yellow circular post-its. Aaarghhhh!)

 

Can I just go back to my Guidance & Counseling Manual? Nakapaloob kasi doon sa manual na iyo ang isang bahagi ng aking love story. Maricel wrote on the last page:

 

"Merry Christmas. Love you. (guy's name) loves you, too. Many love you."

 

Then after a sem, she again wrote… but this time on the inside cover… & I quote:

 

"Maria, many things have changed. But I'm still here. I love you."

 

Obviously, mahal namin ni Macel ang bawat isa. Men come & go (men… in its plural form daw, oh!), but we still love each other. Remained loyal to one another. Pero hindi kami nagkatuluyan. Ka-love triangle kasi naming si Vanessa… & for a fact… pare-pareho kaming 100% girls… Geeeeeeeezzzzz! No doubt! 

 

 

 

CABAnata 19
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.20.2007 @ 6:39 pm

Ano nga bang natutunan ko sa Psychology course ko?

 

Wala naman yata akong napala dahil iba pala ito sa pagbihasa sa psychic powers ng ibang tao. At putragis! Kay daming Math – Statistics in particular… buti na lang talaga at gifted child ako… 1st year pa lang ako'y na-exempt na ako sa finals sa stat subject ko… Oh di ba bongga! At least now I have proven na hindi ako basta-bastang nagmamarunong lang… slight laang ay!

 

But wait til I get to my Physics class… nightmare!!!

 

Isa-isahin natin… masuyuran ang aking natutunan at natatandaan kung meron man.

 

Child Psych… naka-upo lang naman noon si… ahem! Awatable, kasi daw buntis siya noong mga panahong yaon. Pero purisima… naka-upo na nga siya, wala pa akong marinig dahil siya lang naman at ang maganda niyang ilong ang nakakarinig sa mga pinagsasabi niya. (At list pinuri ko ang ilong niya to that effect…) basta't naalala ko lang ang Babinski's Reflex – yung term lang… cute kasing pakinggan… parang ang sarap tirisin… pero ang meaning? Well… uhhhh… uhmmmmm… uhhhhhhhhhhhhhhhh… huh! Next question please… Forgot ko na kasi eh (with a twinkling eye…).

 

Muli ko lang pinagka-interesang alamin ang nasabing term nang magka-baby na ako. I went back through reading that pink handbook… whose pages has turned yellowish and brittle… and smelled like duh!

 

At dahil my sinusitis ako at baka lumala lang ang sipon ko… I shut the book down and just sat infront of my computer… opened my Encarta… typed on "Babinski"… and Volah! There was the meaning… instant like any coffee available in the grocery shelves…

 

And just a bit of information if you're interested. Eto po ang ibig sabihin ng cute na cute na term:

 

Babinski reflex [bə bínski r fleks]

Babinski's reflex [bə bínskiz r fleks]  noun

 

physiological response to foot stroking: a curling upwards of the big toe when the sole of the foot is stroked, which is a normal reflex in children up to two years old but indicates disease of the brain or spinal cord in older people

 

[Early 20th century. Named after J. F. F. Babinski (1857-1932), French neurologist.]

Microsoft® Encarta® Premium Suite 2005. © 1993-2004 Microsoft Corporation. All rights reserved.

See!? Kumpleto kaagad ang info with just a second of pagpindot and pag-click sa mouse.

Adolescent Psych. Quite interesting. Lalo na nang mapag-usapan na namin ang mga bagay-bagay ukol sa love (na obviously na di ko rin naman nagamit dahil nagpakahangal pa rin ako nang dahil sa mistaken love… nagpakatanga… nagpaloko… At susmaryosep! Nagkamali in all its glory… my judgment… duh!?)…

The three faces of love… wow! Galing! May intimacy, passion at commitment daw ang real love. Pero nang umiral ang aking libido, akala ko love na. 'Langhiyang Freud kasi yan!

As I'm writing this CABAnata, I couldn't help but browse once more my yet another pink handbook (Gosh! I just noticed… girl trulili ba o girlalu ang taga-pili ng cover ng mga Psych handbooks? Di kasi gasinong obvious na pink ang fave color niya… ugh!), I saw a male's name written all over the extra spaces in my handbook… vandalism ng aking mga kamay na mahilig mag-scribble (tulad ng nabanggit ko sa iba kong panulat... mahilig talaga kasi akong magsulat sa kung saan-saan… pati sa gilid-gilid ng aking mga books)… at muli napatunayan kong hindi lahat ng aking mga sinusulat ay sensible dahil ang isang to ay talaga namang walang kakuwenta-kuwenta… just a proof of my ka-windangan ika nga. And "Lo and Behold!" What a coincidence… beside his name was something about the wrong kind of love. Then I wrote with a big arrow in red pen and in open and close quotation marks: "SILLY LOVE" … capitalized pa pala. All bold letters. Gosh! Indeed I got so silly. Damn me!

Social Psych. Wala akong gaanong maalala. Pati prof… sino na nga ba? Pasensiya na po… it's not that I haven't learned a single thing from you (whoever you are… wala lang talagang kuwentang estudyante ang inyong abang lingkod.).

Theories of Personality. The bulk of my pleasant and not so memories. Di dahil sa mga natutunan ko kundi dahil sa nabuong magandang friendship na hanggang ngayon ay tine-treasure ko… I have built Mt. Zion with Maricel and Vanessa. Proof? As usual, at the back of my yellow manual (girl's color pa rin…. Geeeeeeezzzzz…), was a note from Macel. And she wrote:

"Maria, I enjoyed sharing the whole semester with you and Vanessa. Thank you."

Pero in fairness, marami talaga akong natutunan sa subject na to kasi naka-highlight ang lahat halos ng lines mula sa page 1 to page 128… yellow din.

Guidance and Counseling. Wala lang. Telenovela ng buhay ni Ma'am ang naungkat. Ewan ko ba kung paano ko naisa-ulo ang Rational-Emotive, Transactional Analysis, Trait and Factor, Person-Centered, Existential, Gestalt Therapy, Classical and Operant Conditioning, Social Modeling, Reality Therapy at marami pang iba… (meron pa nga ba?)… nang hindi nagdi-discuss si Ma'am.

Ah! marahil ay mabait lang talaga akong estudyante. Maabilidad. Masipag. Dahil nagbasa ako on my own. Na-memorize ko. Pero di ko naintindihan kung paano magagamit ang mga counseling techniques na nabanggit in real life drama.

Basta nang una akong masabak sa giyera, I mean, sa counseling, nagpakatotoo lang ako… nag-advise ang lola! Ultimate BAWAl iyon kapag counselor ka. Ang lahat ng ito, natutunan ko na lang kay Ma'am Seno. Sino siya? Siya si Ate Em, ang other side of my soul (Refer to the women who shaped the other side of me in Just Write!). Talk about professionalism. Holistic approach. Sa kanya ko lahat natutunan. Tatlong taon na akong Guidance Counselor nang pirmi kong maisa-puso ang proper work ethics ng isang counselor.

Diyos me! Kawawang mga bata! Mula 1999 hanggang 2001 ay mga guinea pig ko sila. Salamat sa Diyos at walang ni isa man ang napariwara or worse, nagpatiwakal dahil sa aking simpleng ka-ignorantehan. Puro kasi ako moralization noon. Advice giving. Wala akong ipinagka-iba sa kanilang mapag-sermong mga guro at bungangerang magulang. Ako'y mistulang konserbatibong lola, pang-museum na kanunu-nunuan. In short, I was simply DUMB.

Graduate ako sa pangalan lang. sa isang kuwadradong parchment paper. May logo. May university seal. Ngunit sa utak at mas lalo na sa gawa… ako'y zero. Nuknukan ng kawalan.

And these are the words of wisdom I live by:

"To be or not to be."   by Shakespeare

"To do is to be."       by Socrates

"To be is to do."       by Sartre

and my fave of all… the proof of how great my college life has been…

"Doo bee doo bee doo…" by Kamikazee

 

CABAnata 18
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: Jun.20.2007 @ 6:37 pm

And there I was… in that big crowded university, with my Mom, a ballpen and the blue form of SLU… ang walang katapusang fill-up-an ng form… at walang hangganang pilahan… manual pa kasi noon kaya pati pagpapa-ID ay pahirapan… na sa kamalas-malasan ko ay kelangan palang with white background at hindi iyong naka-hawak ng flower vase sa harap ng bright pink na telon (which I even requested sa photo shop na pinagpa-picture-an ko kasi favorite color ko ito…).

 

Huwag pang ibilang ang layo ng mga lalakaring building from this side to the north side to the west side then to the far end of Silang then back to Perfecto and a pit stop at P. Burgos gym at dami ng mga hagdang aakyatin… di pa nga nagsisimula ang klase ay may arthritis na ako at namumukol na ang mga legs ko na dati ay straight ay nagkakaroon na ng mumunting pandesal na kung tawagin ay "unwanted muscles"… kadiri!

 

Then suddenly, while filling up the forms, it occurred to me… aba! Totoo na nga pala ito… I have to choose na talaga what course to take up. Pinasok ko ang Human Science building dahil alam kong hindi ako maaari sa Natural Sciences… Med Tech? Nursing? Bio? Ano ka ba? Mapangarap ako pero hindi tanga… alam ko kung hanggang saan ang kakayahan ko, lalo na kung sikmura ang pag-uusapan… mahina ako diyan. Makakita lang ako ng echas ng butiki, nasusuka na ako…

 

Eh kung Silang Bldg. naman ang pinasok ko, ayoko din… mga kurso sa komersyo, maraming Math… which is my Waterloo… di ba Kuya Jason?

 

Education? Puwede ba, allergic ako sa pagtuturo… buong angkan namin nasa educational field (now, I feel it's so ironic dahil naka-enrol ako ngayon sa Certificate in Teaching, Open University pa. meaning ipinagsisiksikan ko sa busy kong schedule ang education na inaayaw-ayawan ko noon. Take note, with matching Special education units pa. Di BS, ha… MA mga tita ang puntirya ko…). Sabi ko noon, ayokong masayang ang golden voice ko sa kangangawa sa mga pasaway na mga estudyante… magasgas pa ang vocal cords ko…

 

Engineering? Architecture? Double to triple to hexaple "NO WAY!" Kung bakit ayaw ko? Wala lang… wala lang akong maisip na reaction kaya iyon…

 

Owkei… so nasa Human Sci na tayo… ano namang kurso ang nararapat sa akin… Journalism? Social Work? Philo?... WHAT??? (with matching nanlalaking mata na tumitirik-tirik pa kapagdaka… di ko style yun, nasabi ko lang din…)

 

To make the story short, I end up taking Psychology.

 

Ang unang tanong ko sa sarili ko noon:

 

Would Psychology make any sense in my life? Or rather, will I make any sense in Psychology?

 

I think it wouldn't matter now… nagtapos ako ng Psychology ng hindi nabubuwang ang mga naging prof ko sa akin. Wehehehehehe!

 

Now that's tempting… tempting malaman kung anu-ano ang natutunan ko sa Psych. Hhhhmmmmm… lemme' think… ano nga ba? Meron nga ba?

 

Marami noh! Natutunan kong mahirap ang Physics kahit 1/3 lang ng semester ang na-cover nito sa Nat Sci 2 na subject (thanks to Batista… the wrestler… pamatay ka talaga!). Salamat talaga. Natanggal ako sa DL (yabang bah!) dahil sa 72 (Doink! Now there goes my pride. Dumped. Damped. Whatever!!!) na grade from YOU… (murder… massacre… kung pwede ko nga lang balikan ang prof nay un eh.).

 

Enough… mag-move na lang tayo sa next CABAnata ng aking ironic life...

 

(turn to the next page, please….)

 

CABAnata 17
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.23.2007 @ 5:26 pm | Last edited: May.25.2007 @ 4:09 am

Marami akong mga tula at sanaysay na naglalaman ng nilalaman ng aking puso at kaisipan sa bawat pag-ibig na aking matisod. pakibasa na lamang po ang mga sumusunod:

1. Living Anew (after a painful break-up with my first boyfriend) - Mangoes, Bamboos and Poems

2. Shadows (si unang bf... bumabalik! Mantakin mo!) - Mangoes, Bamboos and Poems

3. Happiness in love (after a heart-raking break-up with my second bf) - Mangoes, Bamboos and Poems

4. Magic (may bf ako noon nang makita ko si 2nd bf) - Just Write!

5. unspoken love (may bf din ako noon nang may makilala akong worth loving talaga...) - Mangoes, Bamboos and Poems

6. Flatulent (kay third bf na lagi akong napapa-isip kung paano at bakit naging kami at minahal ko rin naman in fairness...) - Just Write!

7. Timeless Tale (nag-uumpisa na kaming magkaligawan ni hubby-dubby bro!) - Mangoes, Bamboos and Poems

8. Happiness in love... Found! (obviously, after my wedding...) - Mangoes, Bamboos and Poems

And that was the love story – falling and failing, yet, found the one that was really meant for me… siyempre naman, hindi nangyari ang lahat ng nakuwento ko in a day… in a week… in a month… in a year or in a couple of years… everything transpired in zillions of minutes that I almost didn't expect I would be married at 23.

Anyway, I graduated from high school in 1995… third honors ulit… lecheng pag-ibig kasi iyan… duh! Now I'm free to admit my mistakes… Sana talaga I have concentrated sa Physics more than anything else. Sorry talaga kay Ma'am Magpili, I failed her from her expectations… ang bait-bait pa naman niya sa akin… constantly reminding me that I have to strive harder in her subject.

Buti na lang at may NSAT na humila sa grades ko… mataas kasi ang nakuha ko. Eh, di ba may certain percentage kunin doon to add up in your final grade? Ganoon po ang nangyari… from number 7 ng third grading period, I strike back to number 5… and at the end, with the help of the NSAT results, I gained the position in number 3. Iyon nga lang, mukhang maraming nainis sa akin. May proof naman ako kasi na-post sa school ang average ng mga nakuha ko per subject – as in major subjects sa NSAT.

And in addition to that, nag-uwi din ako ng karangalan sa school as first placer sa essay writing contest sa Filipino. Di ko nga lang matandaan kung ano iyong topic noon – I think it is something about being a Filipino – kung paano maitataguyod ng bawat mamamayan ang kanyang sariling pagkatao, makatulong sa bansa, at marami pang iba…

May trophy ako noon, in fairness. Sa graduation nga, of all the honor students, eh ako lang naman ang nakahawak ng trophy. O di ba bongga?!

At grumadweyt nga ako ng sekondarya nang hindi malinaw sa akin kung anong kurso ba ang dapat kong kunin sa kolehiyo…

At higit sa lahat, grumadweyt ako nang hindi klaro sa aking isipan ang mga sumusunod na mga katanungan:

  1. Ang lamok ba pag natutulog, nilalamok din?
  2. Ang uod ba kapag namamatay, inuuod din?
  3. At ang langaw kapag naka-ebak, nilalangaw din?
  4. Eh paano naman kapag ang mga pagkaing iniimbak ng mga langgam sa store room ng kanilang anthill kapag napabayaan, nilalanggam din ba?
  5. Puwede bang uminom ng coke, pepsi o ng royal kapag coffee break?
  6. Bakit ang blackboard kulay green? (natanong na yata ito ni Bob Ong. Pero ewan ko lang kung nahanapan na ng kasagutan…)
  7. Nanganganak ba ang mga bakla, kung hindi, bakit sila dumarami?
  8. Ang lason ba pag na-expired, nakakalason pa rin?
  9. Puwede bang mag-dinner ng may dalang lunchbox?
  10. O magbreakfast kapag luncheon meeting?
  11. Pag sinabi bang 6 feet ka, anim ang paa mo? (corny nab a 'to?)
  12. Kung ang pera ay hindi tumutubo mula sa puno, bakit ang mga bangko nagkakaroon ng mga branches?
  13. Bakit ang bilog na pizza naka-kahon sa parisukat (square) na box?
  14. Bakit ang glue hindi dumidikit sa kanyang sariling lalagyan?
  15. Bakit ang mga building tinatawag na building, eh na-built na nga?
  16. Sabi nila, ang tao ay nabubuhay para tumulong sa iba, para saan naman ang buhay ng ibang tao? (gets ba o pang-gulo lang?)
  17. Kung di puwede ang mag-drink and drive, bakit ang mga bars ay may parking lots? (maluluwang pa nga di ba?)
  18.  Bakit ang electric fan umiinit din?
  19. Ano kaya ang nasa isip ng lumikha kay Winnie the Pooh at dinamitan na nga niya, di pa nilubus-lubos at wala pa siyang saplot?
  20. Ano ang ibig sabihin ng "Pen pen de-sarapen, de-kutsilyo, de-almasen…" (kapag nalaman po ninyo ang translation, paki-mail lang pos a akin.)
  21. Eh ang gintong pilak, totoo bang namumulaklak sa tabing dagat? (kung totoo man ito, saan ang location ng dagat na iyan at mapuntahan nga…)
  22. Kung ang calculator is for calculating, ang printer is for printing, ang CD writer is for writing data on CDs, bakit ang computer, pang-compute lang ba? Ng ano?
  23. Eh ang mother board may mga anak ba? Nasaan si "father board"?
  24. At ito ang matindi, bakit ang mouse tinawag na "mouse" at di rat? O turtle na lang kaya?
  25. Bakit mo nga pala binabasa ito? May natututunan ka ba?
  26. Basta ako, ang mga siningit na tanong na ito, pampadami ko lang para kumapal ang librong ilalathala ko… Nyahahahaha!!!

 

CABAnata 16
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.12.2007 @ 12:38 pm | Last edited: May.12.2007 @ 12:02 am

“Work is the greatest thing in the world…
So I always save some of it for tomorrow!”

-Juan Tamad


Very very inspirational isn’t it?

“Is this in a way connected to the contents of this CABAnata ng buhay ko?”, if you may ask.

My answer, “Duh!” Trip ko lang pong ilagay kasi naaliw ako nang ma-receive ko ang text message na ito from one of my students…

Alangan namang ilagay ko ang ever gasgas na linya ni Francisco “Balagtas” Baltazar na:

“O, pag-ibig na makapangyarihan…
Hahamakin ang lahat
Masunod ka lamang…”

Yuck! So corny… walang dating!

Or E.E. Cummings’ romantic line (daw) na:

“I do not know what it is about you that closes and opens;
only something in me understands…
the voice of your eyes is deeper than all roses…”

Ngiiii!!! Di ba hindi catchy? Mas naiiba iyong kay Juan Tamad… and it really suits the theme of this chapter:

My love life… not as colorful but like Juan’s fave quotation, have learned a lot about life and being in love… save some of your love for tomorrow kumbaga because what you might have now is not the kinda love you’ve been wanting to keep. O di ba nai-konek din?

Because love comes in so many shapes and forms… sometimes with all the spikes that grabs you unnoticed then in the end, leaving you wounded.

Sometimes it comes in elaborative colors that struck you at first glance but diminishes in beauty when you have come closer… finding out that the kaleidoscope of colors are all scarlet and black…

Or maybe it smells the sweetest aroma and like coffee, it brings you to addiction… wanting it… craving for another cup… drugs you to ecstasy… and just then, you realize, your cup is empty and your refill has been consumed to its bottom… end… nothing…

Yes, indeed love comes in a variety…

… love disguised
… love undisguised
… love clothed
… love unclothed
… love tarnished
… love untarnished
… love smeared by fragments of the past
… and love that begets love and respect and loyalty and everything beautiful, sweet, spicy and nice…

CABAnata 15
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.12.2007 @ 12:36 pm

Tulad ng sinasabi ng karamihan, masaya nga ang high school life. Lahat ng first ng buhay ko ay dito ko natutunan at na-discover. Imagine, I have discovered na may pagka-maton pala ako when I was in first year. Wanna hear the story? I mean, wanna read the story? Diyosme naman… may magagawa ka pa nga ba? Dapat lang na pag bumili ka ng aklat na ito ay tapusin mo. Basahin mo ultimo mga walang katuturang kuwento ko kung ayaw mong masayang ang perang ipinambili mo dito, noh!!!

Ay, sori po… blog pa pala ito… akala ko kasi totoong may libro na ako! Na-carried away tuloy ako…

Sabi ko nga noong una pa lang, sanggol pa lang ako actually, pinapangalandakan ko na… na maganda ako (Aaaaaarrrrggghhh!!!) at ngayon nga ay matalino pa. So being a lass with beauty and brains, maraming humahanga sa akin. Then this guy who sits in front of me suddenly turned his face and said bluntly, “I love you!”…

Aba! Imbes na mag-summersault ang puso ko sa kilig at matuliro ang isip ko, nagpanting ang tenga ko at biglang lumipad ang kanang kamay ko sa kaliwang bahagi ng kanyang pisngi… “PAK!”

Hayan, buti nga sa ‘yong loko ka! Pa-i-la-i-love-you ka pa kasi, eh. Natikman mo tuloy ang pagka-Cindy Ruthrock ko. Pero kumalat yata ang balita, at pati ang crush ko na napabalitang crush din ako ay umurong ang b@#@#*... And every guy I knew then would restrain from teasing me. Na para bang pag nakita ako ay bigla na lang nawawalan ng dila at di na makapagsalita.

So not until I was in fourth year na medyo nagdadalaga na talaga ang lola niyo at natuto nang mag-ayos-ayos ng buhok na may pa-pony-pony tail pa at may pagkatigas-tigas na buhok dahil sa spray net o egg white (mas matipid na, environment friendly pa. O di bah! Sa murang gulang ko environment conscious na ko…) habang ang bangs ay naka-tis to the max na muling nag-bloom ang aking kagandahan, nagkatunog ika nga ang pangalan sa madlang guys.

Pero honestly, nayon habang sinusulat ko ang detalyeng ito ng aking buhay ay bigla akong natuliro, kung talaga bang gumanda ako ng mga panahong iyon o nagandahan lang ang mga boys sa mga naging group of friends ko kaya maraming nakapansin sa akin at nakipagkilala with the ultimate motive of asking me for help para maipakilala ko din sila sa mga friends kong super talaga sa ganda… at ka-kikayan!

What the heck! I don’t care! Don’t wanna waste my energy thinking otherwise… Basta ang alam ko, gumanda ako ng mga panahong iyon. Period. No commas. No erasures. Pentelpen ang ginamit ko sa pagsulat. Talagang wala erase-an ito. Di rin puwedeng patungan. Ang kokontra, mukhang unggoy na kasim-baho ng pinakamabahong opisyal sa gobyerno… kanda-takip man, sisingaw pa rin ang baho… O ano! Kokontra ka pa?

Aside from first time kong mag-ayos-ayos ng konti at maglagay ng spray net, gel, egg white, suave at baby oil sa buhok, first time ko din gumamit ng pabango na Tatiana na according to my sense of smell ay amoy patay at sasakyan ang dating ko kasi nga po scent ng ilang-ilang ang Tatiana at di ba ang ilang-ilang ay binibigay sa mga patay at sinasabit sa mga sasakyan?

First time ko din gumamit ng Johnson en Johnson, cologne at baby powder na kapag humalo na sa pawis ko sa maghapon ay nag-aamoy kili-kili pa rin. Smells sweet!!!

First time ko ding ma-paswitan ng guys habang naglalakad ako. And this time, kahit medyo di ko type ang mga unggoy na pumito sa akin, di na ko nanampal kahit kating-kati na mga palad ko at isama pa ang mga talampakan kong mag-uunahan sana sa pagsipa sa pagmumukha ng mga hinayupak. Why? For the simple reason that I’m already 16 years old and yet, I haven’t had the chance to experience a special kind of treatment from the opposite sex because they have always perceived me as “one of the guys” as in, “one of the bad guys” pa nga.

And presto! Mabilis kumalat ang tsismis na di na ako nananampal. Then it was my first time that guys came like a swarm of atatchiba bees… I mean, mga atat na guys para lang makuha ang aking precious attention.

Then I learned to appreciate more the male specie. Enjoying the special attention. Realizing that men aren’t that bad after all… so I thought. Because falling in love the first time does not mean ending up with that same guy (though I dreamt of that to happen, I wasn’t just lucky enough to find the right one for me the first time…).

My first crush wasn’t my first love, though I imagined it was him…

My first boyfriend wasn’t my first love either; though I contemplated he was…

My first love (so I theorized… like a real psychologist) didn’t become the endless love of my dreams…

Then my worst nightmare… Gosh! Thank goodness, I didn’t end up with him. I should have been living a lifetime of misery…

And my hubby of course… didn’t expect his coming. He was just a friend. A big brother whom I can ask for help everytime I need to. He wasn’t my crush. He wasn’t the love I was imagining to be. He wasn’t even the dream I spun with care in my neurotic mind. Yet, he got me with all these unexpectedness… and more…

At ang susunod na Cabanata ng aking panulat ay mga katha kong orihinal mula sa aking mga karanasan sa pag-ibig (di naman karamihang karanasan)… Bahala na kayong manghula kung kanino dedicated ang bawat paksa. The ones I mentioned above are clues, enough to tickle the opinion area of your brains …

Hope you don’t get bored though… as of now, that’s my greatest fear!!!

CABAnata 14
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.12.2007 @ 12:28 pm

Sa wakas, pagkatapos ng sangkaterbang kapalpakan, kaeklatan at kabulastugan, grumadweyt din ako sa elementarya. At take note, honor pupil pa rin ako kahit echas ng baboy ang projek ko at puro late ang ilan ko pang projeks gaya ng walis ting-ting, walis tambo, basurahan, dust pan, chalk dust collector, garbage bag, sari-saring mga halaman, sandok na yari sa kahoy, palanggana, trapo, tabo, kutsara, tinidor, plato, ref, washing machine, oven toaster, burner… joke! Di na kasama ang mga huling nabanggit. Pinapahaba ko lang ang kuwento ko as usual.

At ako’y nakarating ng high school. A different atmosphere. A different set of classmates and friends. Kailangan ko nga lamang mas maagang gumising dahil bibiyahe pa ako ng mga 15-25 minutes. Depende sa bagal ng sasakyan at sa maka-ilang ulit na paghinto ng bus o dyip para pumik-up ng pasahero na kalimitan ay mga gaya kong estudyante. Mas lalong mabagal kung mga naglalako ang hinihintuan ng sasakyan. Imagine, magkakarga yang mga yan ng sangkaterbang sako ng panindang gulay o kung di man ay ilang galon o timba ng mga iba’t ibang uri ng isda. Tapos ang mamang konduktor, nanonood lang. Hay! Buhay nga naman, minsan walang kuwenta ang ilang taong nakapalibot. At kung mataray ang naglalako ay siguradong sandamukal na @##@*#* ang matitikman ng konduktor. At kapag mainit talaga ang ulo ng naglalako, pati ang ibang pasahero ay makakatikim ng powers nito.

At kung noon ay nasa bandang likod ako ng linya kapag pumipila sa flag ceremony, ngayon, iba na ang kuwento. Dahil mula yata ng tumigil akong kumain ng star rice, nahinto na rin ang aking paglaki. At iyan ay nangyari nang grade 4 pa lamang ako. So ang height ko til now ay pang-elementary pa rin.

Pero in fairness, di naman ako pahuhuli sa ganda at talino… (ganda talaga magsulat ng sarili mong blog! purihin ba ang sarili???)

And on my first year in high school, una kong nasubukan ang magka-crush… as in todo crush talaga… kahit pa kasing-laki ng tenga ni Kenkoy ang tenga niya.

Pero wala na akong maikuwento further about him. Paying respect ko na lang sa fiancé niya or wife na siguro ngayon, who is also a close friend of mine.

But anyway, because of him, I learned to love drinking royal true orange kasi nakapaloob doon ang name niya. Bahala na kayong manghula kung ano name niya. Pero walang kuwenta rin lang kahit mahulaan niyo, wala akong maibigay na prize sa inyo dahil wala po akong pera… liban na lang kung mabenta ang blog na to at maisa-libro ko… na sa tingin ko ay wala ring kuwenta… kaya walang nagsasayang ng panahong basahin ang mga akda ko… mangangarap na lang talaga ako… (geeeezzzz! I’m getting the jitters again!)

CABAnata 12
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.12.2007 @ 12:16 pm | Last edited: May.11.2007 @ 11:18 pm

Have you heard some jarred noise from the previous CABAnata? I’m trying to keep ‘em, but I guess I’m a terrible pretender… the real me still shows up… despite the makapal fun stuff I cover that part of my childhood I wish I didn’t have…

Haaaaaayyyyy!!! Nagiging masyadong seryoso na ba ang mga pinagsasabi ko? Well, I’m just trying to write the way I really write…

Anyway, here’s one of my first compositions revealing my faith in a Creator more powerful than any supernatural phenomenon that we ever heard of or ever discovered, for He created the atom that made all things possible – the neutron, proton and electron charging life (the minutest of all particles, yet, He who is greater than life is in it…) with meaning and meaning and meaning… for discovering Him in us is – the ultimate meaning of our existence…

Aaaaarrrrrgggghhhhhh! So you might say. Put off that crap! Sige na, basahin niyo na lang… I will just keep my fingers crossed that thou shalt not deny the blinding fact of my revelation…


Revealed…

Time is untouched
water left unsurfed;
but darkness reveals
the sanctuary of souls…

Space untravelled
Einstein unknown;
but silence reveals
the most passionate of feelings…

Destiny unsearched
purpose undiscovered;
but vastness reveals
the Only truth there is…

Through darkness
there came light
through silence
a song was heard
through vastness
born was the universe
All of which…
GOD revealed Himself…

CABAnata 11
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.12.2007 @ 12:08 pm

Bakasyon grande… pero sa bahay lang naman ako noon… kaming magkapatid. Tuwing Linggo din gaya ng dati, sumasama ako sa pagsisimba kay lola. Pero dahil sa magse-Semana Santa, halos araw-araw ay nasa simbahan kami ni lola.

At dahil sa panay-panay ang punta ko sa simbahan, kay rami kong napansin. Una sa mga umagaw ng aking atensiyon ay ang mga simbahan. Sa liit ng aking bayang sinilangan, 17 baranggays lang yata na di pa gasinong kalakihan, may 10 simbahan akong nabilang na kumakatawan sa iba-t ibang sekta ng paniniwala. 10 lang ang nakikita ko at araw-araw na nadaraanan, liban pa diyan kung may maliliit pang sekta sa mga liblib na baranggay na di ko pa napupuntahan.

Ang galing di po ba? Kung tutuusin, computing the ratio and proportion of each barangays and the churches, we can conclude na sa bawat baranggay ay may paniniwala. At ang nakaka-amuse pa ay halos magkakatabi at magkakaharap ang mga simbahang ito.
Kapag nga po may prosisyon, minsan, nagkakasabay-sabay pa. Nagkakasalubong. Nagtitinginan. Nagsusukatan kung kaninong sekta ang may pinakamaraming taga-sunod. Pahabaan ng pila. Pabonggahan ng mga nagkikislapang mga ilaw. Paramihan ng mga nakasinding kandila. Palakasan ng padasal.

At ito pa, ha. Minsang ako ay naki-prosisyon kasama sampu ng aking pamilya, may sinusundan kaming karo ng santo (dahil per barangay po ay may naka-tokang santo). At sa dinami-dami ng puwedeng pangyarihan ng karumal-dumal na eksenang ito, ay sa tapat pa ng isang sektang maraming pambabatikos sa simbahang Romano Katoliko nangyari ang lahat…

Ano iyon?

Nahulog lang naman ang ulo ng imahen na aming sinusundan. Tawanan sa kabilang panig. Parang pinapangalandakan ang aming pagkakasalang walang kapatawaran dahil kami’y pinarusahan… sa gitna ng aming pananampalataya ay mangyayari ang kahihiyang sinapit ng aming relihiyon. Kanda-pula naman ang mukha sa hiya ng mga matatandang kasapi sa prosisyon at nangangalaga sa santo.

“Diyos kong mahabagin”, aking nasambit, “nag-parang mamaw!”

Pasumandaling natigil ang prosisyon upang ikabit ang ulo ng santa. Tama po kayo sa inyong nabasa. Tumigil ang prosisyon sa tapat ng kabilang paniniwala upang magkumpuni ng kapalpakan ng aming paniniwala.

“What a shame!”

Maaaring napahiya ang aming kura paroko sa nangyari. At ang sumunod na CABAnata ay maaari niyo nang hulaan…

Korekek! Nagkaroon ng malawakang solicitation para mapalitan ang mga lumang santo at mapagawan din ng matino-tinong karo ang bawat isa upang di na nakakahiya sa mga susunod pang prosisyon.

Napansin ko rin sa mga padasal, di lang sa simbahan kundi pati sa aming tahanan ang isang napakagandang practice. Jaaahhhh! Tulad ng nasabi ko na nang maka-ilang ulit, nakikitira lang kami sa bahay ng aming lolo at lola na mga saradong Katoliko kaya’t practice na nila na may padasal o orasyon tuwing alas-sais ng hapon. (Kaya naman, whether you like it or else, dapat nasa bahay ka na bago-bago pa lang tumilaok ang mga manok… I mean, bago pa lang mag-orasyon, kundi, lagot kay lola.)

“Ave Maria, napno ka ti grasya, ni Apo Diyos ti ada kenka, sika ti nainggasatan kadagiti amin a babbaeeeeeee, ket nainggasatan met ti bunga ti tiyan mo a ni Hesusssssss…”

(Ilocano po iyan ng “Hail Mary” at hindi isang voodoo chant. May saliw ‘yan, ha at may pa-contest pa ng pabilisan sa pagbigkas ang mga matatanda. Animo’y hinahabol ng sanlibong demonyo.)

Ako’y napapangiti kapagdaka. Kinurot ako ng aking ina. Senyales na sakyan ko na lang ang padasal ng aming mga oldies…

Ngunit dahil di ko pa alam noon ang mga Ilocano prayers, sumagot ako sa Ingles. Mahina lang naman. Pero narinig ng isang matandang malabo nga ang mga mata pero ubod pala ng talas ang tenga at narinig niya ang English prayer ko. Ga-haba naman kasi ng tenga ni lola, eh (ayon pa pala sa mga matatanda, ang taong mahaba ang tenga ay may mahaba ring buhay. Kaya pala si lola, kahit uugod-ugod na, patuloy pa rin sa pangangapit-bahay upang makikain ng pandesal… este, maki-padasal pala.).

Biglang lingon si lola sa akin. Tinitigan ako ng matagal. Kunot ang noo. At ang mga mata… Inang ko po! Parang mga matang nanlilisik ni Doña Agida. (Kilala mo ba si Doña Agida? Di ko kasi siya ganong kakilala, pero karakter daw siya sa isang panghapong telenovela. At magpahanggang ngayon, sa kanya hinahalintulad ang mga matatandang nanlilisik ang mga mata.)

Sabi ko sa sarili ko, “Kailangan kong magmemorya ng mga Ilocanong dasal para di patuloy na magkasala ang mga matatanda nang dahil sa akin.”

Next in line after the prosisyon and the padasal, ay ang walang katapusang pagmamano – in English, “kissing the hands” of wranglers according to the federasyones… okay! Sige na, I will be clearer na in my explanation – “wranglers” as in mga “gurangs” or those people with many facial folds or crumples, in short, mga lolo at lola. Pero actually, di naman talaga hinahalikan ang mga kamay nila… aba’t napakalaking parusa na nga iyong hawakan mo ang kanang kamay nila at idikit sa iyong noo (sabay pahid ng iyong pawis at ewan natin kung ano naman ang napahid sa atin galing sa mga kamay nila…eeeeewwww!), mas parusa pa ang halikan ang mga kamay nila… double eeeeeeeeewwwwwwwwww!

Kailan ba dapat magmano sa mga oldies natin?

From my experience, pagkatapos po naming magdasal ng orasyon ay nagmamano kami sa lahat ng mga grannies na andoon. Kilala mo man o hindi ang mga matatanda na naka-hanay sa mahabang upuan mula salas hanggang kusina ay kailangan mong magbigay-galang sa pamamagitan ng pagmamano. Sunod sa tradisyong Pilipino, ika nga.

Hindi lang iyan, pati bago umalis ng bahay at pagdating namin galing sa kung saang lupalop ng mundo ay kailangan ding magbigay-pugay sa pamamagitan ng pagmamano, kung saan sangkatutak na kamay ang nagkalat sa harap ng tindahan ni lolo especially so if you arrive home between 2:00 p.m. to 6:00 p.m., dahil sabi ko nga earlier na etong mga oras na ito ay maraming tambay na wranglers sa harap ng store para magkuwentuhan.

At sa iyong pagmamano, may kamay na amoy suka, amoy tabako, amoy isda, amoy alak, amoy bagoong, patis, tuyo o kung anumang inulam nila ng tanghaling iyon. Mayroon ding amoy kili-kili na animo tatlong dekada nang hindi nakakatikim ng paligo. May amoy baboy, kambing, baka, manok, kalabaw o “pupu” ng mga nabanggit na hayop o ng ewan dahil karamihan sa kanila ay nag-aalaga ng mga farm animals.

Sari-saring uri rin ng kamay ang iyong mahahawakan. Mga maiitim na kamay, sunog sa araw o dahil sa kapal ng lupang nakadikit na di nahuhugasan (mga farmers po kasi ang halos lahat sa kanila… very proud of them! – pambawi man lang… hehehehe!). Mga mapuputing kamay dahil sa an-an. Makikinis? Wala yata akong maalala, liban na lang kung bagong labaha ang mga kalyo ni lolo sa mga kamay niya. Mga magagaspang na kamay ang marami rito dahil talaga namang lahat sila ay banat sa bukid, may kulubot, malinis (kamay ni lolang banidosa na hawak-hawak lang ay ang abanikong peacock niya.), mga kamay na nanlilimahid ( sa kung saan, di ko alam, at ayokong alamin…), matigas sa kalyo, etc… etc… blah… blah… blah…

Bongga di po ba?

At dahil nga sa saradong Katoliko rin ang aking mga abuwelo’t abuwela, tuwing Linggo, maaga kaming nagigising upang magsimba… no exemption to the rule, kahit pa masakit ang ulo mo, ang tiyan, ang balakang, ang puso o kahit siguro di ka na makalakad sa panghihina, kakaladkarin ka pa rin nila para magsimba.

Okay, fine! I will just make my visit to the church worthwhile…

How?

Nag-member po ako sa kanilang choir kahit boses kokak ang aking golden voice na dahil sa pagka-gold ay mas kapaki-pakinabang pa kung pinatunaw ko na lang at pinagawang singsing, hikaw, kuwintas, bracelet, anklet, toe ring, navel ring, tongue accessory, kilay accessory, etc… etc… etc…

At habang nasa second floor kaming mga choir at kumakanta ng Cordero, nakatunghay ako sa mga church goers na animo’y nasa palengke at nagtatawaran ng gulay, prutas, karne, isda, martilyo, lagari, semento, relip na mga damit (di pa uso noon ang ukay-ukay na tawag sa mga second hand na mga damit), etc… May aleng kasama sa pagsisimba ang mga anak… as in mga anak talaga dahil inokupa na nila ang isang buong pew from the first row to the third row, kaya’t super busy siya sa pagkurot sa mga nag-aaway niyang mga anak dahil sa pag-aagawan ng ice cream na apa na nga lang ang natitira ay pinagkakaguluhan pa.

May mama rin sa bandang likod na nang magsimula na ang sermon ng pari ay pasimpleng lumabas upang manigarilyo at makipagkuwentuhan sa mga kumpare niyang nagsilabasan din nang magsermon. Di nga ba’t importante ang sermon dahil ito ang pakikinig sa words ni Jesus ukol sa magandang balita ng ating pagkaka-redeem from our sins? But I just cannot really understand during that time, why of all parts of the mass, this is the time people take opportunity to have their own small talks din.

Pero nagyon, medyo naintindihan ko na, boring ang pari… as simple as that. No magic touch like that of Jesus who can draw millions of people even without a microphone or megaphone to make his voice audible.

Or the simple reason that, people are so busy with their own lives that going to church is a mere Sunday responsibility to carry on, like going to school or going to work or putting on their make-ups and wearing their fave jeans and branded shirts and spraying their sweet-scented colognes without thinking its relevance in their lives. They go to church just to show other people that they are regular church goers. Does that make any sense? Does that make them more of a human being? In their own terms, they might be; but on God’s terms, bagsak sila sa pagsusulit…

I’m not saying I’m better than majority of these people… What I’m saying is that, all these and all else that I have seen, heard, touched, smelled, experienced inside and outside the church made me realize one thing: GOD is so goooooooddd! Extra-ordinarily good. For despite our inhumane behavior, He listens to our prayers, may not grant all of them, but He is there for us… caring… loving… without prior judgment. He looks beyond our human errors and embraces us with a father’s warmth and a mother’s affection… no barriers… no further questions of “Have you been good?”… because if not, you better get out of my sight…

Damn! These…and all these… I’m more humbled…

I don’t say, “Thank God I’m good…”

But I say, “Thank God I’m one of God’s errors, ready to be erased and rewritten…”

And this… I’m rewriting my life… going over my spilled milk, trying to clean up some dust and pouring some fun over painful wounds…

CABAnata 10
0 Comments / Subscribe To Comments
Published: May.12.2007 @ 12:03 pm

Indeed my stay in Caba for less than a year pa lang ay punung-puno na ng new learnings and insights… kita niyo naman, nasa Cabanata 10 na tayo… kung anu-ano man iyong nabanggit kong fruits of knowledge, bahala na kayong arukin, my dear readers… Gamitan niyo ng neon orange highlighter ang inyong hawak-hawak na papel kung iprinint niyo ang aking mga akda for souvenir purposes (natural… alangan namang for board exam review, noh!) at salungguhitan ng sampung beses ang mga learnings na nabanggit. Malay niyo, magamit niyo iyan sa ikatatagumpay ng inyong buhay…

At ang lahat ng taon ay nagtatapos. Ang school year ang tinutukoy ko. Closing ceremonies na namin. At bago sumapit ang araw na iyon ay nadapa na naman po ang inyong lingkod. Natural na lang po iyon, sa lampa ko ba namang ito? Para ngang bumbilya ang tuhod ko sa salitang pagkakasugat dahil lagi akong nadadapa. Pero siyempre pa ang gaganda pa rin ang mga kuha ko sa picture.

Tinawag ang aking pangalan, di para ma-award-an (mamaya pa ng konti iyon) kundi para i-recite ang “All Things Bright and Beautiful”… feeling ko, ang galing-galing ko noon kasi ang haba-haba ng tulang nabanggit. Saka ko na lang na-realize na ka-iksi pala ng tulang iyon at kayang i-memorize ng isang 3 years old na bata. But the realization came later in life na, nang mag-work na ako as teacher aid sa isang pre-school. Kahiya talaga… sobrang proud pa ako noon nang umakyat ako sa stage…

“All things bright and beautiful… all creatures great and small… all thing wise and wonderful… the Lord God made them all… blah… blah… blah… yakity-yakity-blah… blah… blah…”

Of course pa, di din nagpahuli ang aking katalinuhan. Second honor ako noon (third na lang iyong naka-contest ko sa English quiz bee… beeehhhlat talaga!). At very proud ang aking ina. Sa sobrang proud niya, nagpakulot pa siya, manicure at pedicure kahit naka-close shoes siya at di rin makikita ang pulang-pulang cutex niya na may makapal pang glitters. Sa sobra ring proud niya, dinala niya si lolo at lola, ang aking kapatid, at ang lola ko na ina naman ng aking ama. Di ko lang maalala noon kung kasama pa pati tita ko na kapatid ng aking ama. Tig-isa din sila ng dala-dalang regalo at inabot sa akin sa stage. Ain’t that so cooooooool!!??

Picture dito. Picture doon. Smile dito. Smile doon. Pagka-develop ng mga pictures, kitang-kita ang band-aid sa aking tuhod na di kinayang takpan ng ubod iksi kong damit. Buti na lang, cute pa rin ako…

At nagsimula ang summer… the summer that opened my heart and thoughts in a lot of things in life… fancies and realities… that brought happiness and sadness… but above all, realizing that I am so blessed because my faith in my Creator was strengthened…


Current Page 3
<< < | 1 2 3 4 5 | > >>

   
| Report Member | Free Blog BlogText.org