Kahapon ihinatid namin sa kanyang huling hantungan si PJ. Dapat kahapon ako maglalahad ng aking kuwento, pero aside from the fact that a funeral is emotionally draining, physically exhausted din ako, kami sa layo ng Everlasting Memorial Cemetery dahil sa dulo na yata ito ng Tuba, Benguet. With all the rough roads and slopes going up and down, winding here and there. Pero no regrets, dahil at least, I paid respect to the remains of the man who has been a part of my life, even for a short period of time (kung short pa bang matatawag ang almost three years).
I have a lot of fond, unforgettable and painful experiences of him, but I choose to seal them with the poems I wrote for him. Not just respect for his memories but also respect to my husband and kids. But I am not ignoring the fact that I have learned a lot from him in terms of maturity in handling a relationship.
Mabalik ako sa aking kuwento nang malaman kong may sakit siya – Hodgkin's Lymphoma. My immediate reaction was, "CANCER… like my mother". The last time we talked before his diagnosis was last December, during a seminar at the Graduate College we are both enrolled in. Kinumusta niya ako at ang aking mga anak. Pinansin ko ang kanyang pamamayat. At nasabi niya na malapit na raw siyang mamatay. "Huwa g kang magbiro ng ganyang", sabi ko. Ngunit pakiwari ko'y walang halong biro ang kanyang sinabi. Ipinagkibit-balikat ko ang lahat.
January when our common friends, the counselors in La Union confirmed that he is heading to Manila para magpagamot. May big C nga siya. Nang nasa Manila siya for his chemotherapy and radiotherapy, he texted. He said he got my number from another counselor. Humihingi siya ng kapatawaran sa lahat daw ng nagawa niyang kasalanan at pagkakamali at pagkukulang sa akin. I forgave him.
Ang lahat ng ito ay hindi lingid sa aking hubby. I think this is one thing I appreciate so much with Ronald. He is not only very loving and patient. He is very supportive and understanding. Sabi ko nga lagi, bonus na lang ang gandang-lalaki ng aking asawa dahil sa ubod na siya ng bait, wala pa siyang bisyo, liban sa pagkain at pang-aasar sa akin.
Mayo na noon nang makatanggap akong muli ng text message niya, sabi, he is back in baguio at medyo di bumubuti ang kalagayan niya. Then Jing texted me, too. Asking if I could go with other batchmates sa bahay nila para dumalaw. Ni hindi na daw makakain si PJ. Just a cup of Ensure a day. Hindi makabangon. Ni hindi makahawak ng kubyertos. The plan was Saturday. "But I have classes", I said. "I am going to PRC though this week. Depende kung maaga akong matatapos. Maaari akong makadalaw."
While at the PRC, I texted Macel kung free siya. Unfortunately, she was back in Dagupan. After making pila ng pagkahaba-haba nang walang napapala sa PRC, I texted Jing, telling her I'm done with my PRC stuff. She suggested I better visit PJ before it's too late. So I did.
Nagulat ako sa aking naratnan. He was skinny. Thinner than Mama. There was continuous excretion coming out from his nose. Medyo may amoy. His eyes bulging. Face deformed.
Nang maka-usap namin ang kanyang ina, nag-iyakan kami. Nang makaharap namin si PJ at maka-usap, we pretended strong. Jing was encouraging him to eat. Magpalakas for the sake of Rosevie who has been so lovingly caring and patient in taking good care of him. Loving him regardless of his condition. He said he will.
I learned that after our visit, lumakas siya. Nakakain. Actually, nakapag-drive pa raw siya to La Union, alone. But that was the last time because after that, he had an infection na tuluyang nagpahina sa kanya.
Last Monday, while we were having a break at the Guidance Office, I smelled some unexplained foul smell. I was searching for the culprit like hell. Pati pagkain ko inamoy-amoy. Lahat ng sulok ng office. Apti cubicle ni Arleen ay pinagdiskitahan ko dahil iba ang amoy na umaalingasaw. Sabi ng mga kasama ko, wala naman daw silang naaamoy. Then I ignored the smell. Nawala rin. At nawala na ito sa aking isip. After thirty minutes or so, while finishing my module in RHGP, I received a call from Jing. She was frantic and crying. Di ko siya gaanong maintindihan. Ang tanging naaalala ko lang ay nang sabihin niyang, "Si PJ friend, wala na. iniwan na niya tayo." Then we both cried. At first I was emotionless, speechless and motionless. Then I remembered the foul smell. It was him. Indeed him. Visiting me. paying a visit before he would totally leave this realm.
Thursday… kahapon nga ay ihinatid namin siya sa kanyang huling hantungan. 8:00 am nang marating namin ang Baguio. Kasama kong bumiyahe sina Arleen at Angie, my co-counselors. Kasama rin sina Claudia, Maureen, Risa at Cathy. Sa loob ng La Funeraria Paz, di ako maka-iyak. Ni isang patak ng luha nang Makita ko si PJ sa kanyang himlayan. Bakit kanyo? Kasi di ko mapag-reconcile na siya nga ang lalaking nasa loob ng kabaong. Hindi dahil sa hindi ako naniniwalang patay na siya kundi dahil walang traces of PJ na mababanaag mo sa mukha ng nasa loob ng kabaong. Payat. Ast in totally skinny. Anliit ng mukha niya. Parang maliit lamang na mangkok. Sabi ko sa sarili ko, "Thank you Lord at kinuha mo na siya at di na nagtagal pa ang paghihirap niya." Selfish mang matatawag ang ganoon. Basta ganoon ang naramdaman ko. I'm sure pati si nanay na nakikita siyang naghihirap ay gayundin ang kanyang ihihiling sa Panginoon.
Kinuwentuhan ako ng ina ni PJ at kapatid. Ipinaramdam sa akin ang init ng pagtanggap ng isang ina at kapamilya sa kanyang anak. Sabi pa niya, kapag nadalaw daw ako ng Baguio, daanan ko daw siya. Kahit doon sa bahay nila magpalipas ng gabi kasama ang aking pamilya. Dalawa lamang silang magkapatid. Namatay na rin ang kanilang ama. Dalawa na lamang silang magkakasama. Si Jo, ang asaw ni Daniel din pala at ang kanilang magiging supling na ipapanganak sa September, ang buwan ng kapanganakan din ni PJ. PJ rind aw ang kanilang ipapangalan dito. At siyempre, si Rosevie, ang iniwang kasintahan ni PJ.
Nandoon ang lahat ng "Hagibis", sina Jing, Edel, Rose Ann, Cheryl, Ruby, Hazel, Camps, kuya Jojit at mga familiar faces na di ko kakilala. Si Jeff nagbiyahe ng gabi, nakipaglamay at umuwi rin lang ng madaling araw. Di na nakipaglibing. Gayundin si Kate. Pero dumalaw ng gabi. Di nga lang dinungaw si PJ dahil gusto daw i-preserve sa alaala ang dating mukha niya at hindi ang distorted one. Ang kanyang eulogy ay di ko rin iniyakan. Umiyak na lamang ako nang humagulgol ang kanyang ina. Naramdaman ko ang sakit at hapdi ng mawalang ng minamahal. Mantakin mo ba naming magkasunod na namayapa ang aking mga magulang. Akala ko nga noong una, lalo nang mapansin kong umiiyak na ang aking mga katabi, "Immuned na ba ako sa sakit at bakit di ako maiyak?" Pero hindi, ang sakit ay nasa aking kaibuturan. Ang sakit ng isang taong mawalan ng minamahal. Don't get me wrong though. Masakit din sa aking maagang binawian ng buhay si PJ dahil tulad ng nasabi ko, parte siya ng buhay ko. Pero ang sakit, sa aking pagmumuni-muni ay mula sa alaala ng isang anak sa kanyang ina at ama. Maagang nawalay sa mga magulang. Ang aking sakit ay ang sakit na nararamdaman ng ina ni PJ na mawalan ng pinakamamahal na anak.
Ang pinaglibingan nga ay sa sulok ng Tuba. Masaya naming binalikan ang mga alaala noong college sa loob ng van. Animo'y tanggap na nang lahat na ang kamatayan ay parte ng bawat nilalang. Kanya-kanya lamang tayo ng paraan at pana-panahon lamang. Ika nga ni Nash, "It's better this way." Pang-aalo daw niya.
Sa iyo PJ, may you find the everlasting peace and happiness you seem to have not found in this lifetime. I know God will show you the way through that happiness. Huwag mo na akong dalawin, pleeeeeaaaaassssssssssse! Intercede for our safety and happiness na lang, Choy!!! Kita-kits na lang kapag dumating na ang aming oras…
|